We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Thirty Two

19 1 0
By sooftiec

“Bibigyan kita Peach ng limang minuto para mag explain.”

Napatingin ako kay Pearl. “Sabihin mo sa'min,” dahan dahan siyang lumapit sa akin, “Yung totoo,” tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ang mga mata ko.

“Ano'ng relasyon niyo ni Yuan?”

Napalunok ako. “P-Pearl—”

“Sorry to interrupt you, girls. But we really need to go right now.” nagulat ako ng hilahin ako ni Yuan paalis sa harapan ng mga kaibigan ko. Mabilis na pinapasok niya ako sa loob ng sasakyan niya dahilan para mapatitig na lang ako sa kawalan.

“Let's go.” pinaandar niya agad ang sasakyan niya at umalis ng parking area ng walang pagdadalawang isip.

“Y-Yuan.” ngayon lang ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay nagulat ako sa lahat ng nangyari. Ngayon lang nag sink-in sa akin ang ginawa niya para sa akin. Again. Niligtas niya na naman ako sa mga kaibigan ko.

“Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, Xiantel. Ayokong nahihirapan ka dahil sa sitwasyon natin ngayon.” seryoso niyang saad habang nakatingin sa kalsada. “Gaya ng palagi kong sinasabi sa'yo, kung ako ang tatanongin mo, handa akong ipagsigawan sa lahat na asawa kita.”

“Y-Yuan...”

“Pero syempre, dahil asawa kita. Kailangan kong irespeto ang desisyon mo. Hindi ako gagawa ng bagay ng ikakagalit mo.”

Tuluyan na akong hindi nakasagot. Napatitig na lang ako sa kanya dahil feeling ko ay nauhaw ako ng todo dahil sa sinabi niya. Nawalan ako ng pagkakataon na magsalita dahil ang mga salita niya ay unti-unting pumapasok sa isip ko at pilit na pinapaintindi sa akin ang mga bagay na hindi ko maintindihan.

“M-May pumipigil sa akin.” wala sa sariling bulong ko. “May mga oras na gusto kitang ipakilala sa kanila pero—” napatungo ako, “—may pumipigil talaga sa akin.”

“P-Pumipigil?” sumilip siya sa akin.

Napalunok ako, “Oo.” seryoso kong sagot. “H-Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang bagay na 'yon sa akin. Kasi sa tuwing natatahimik ang isip ko. Doon siya pumapasok. Doon nagsisimulang malito ang lahat ng sistema ng utak ko.”

SCREEEEEEEEEEEECH!

Kumabog ng mabilis ang puso ko ng biglang itigil ni Yuan ang sasakyan sa gilid.

“Y-Yuan?” kinakabahan na napatingin ako sa kanya.

“X-Xiantel.” lumapit siya sa akin at hinawakan ang pareho kong pisngi. “W-What do you mean?” naramdaman ko ang nanginginig niyang kamay, “A-Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo?” hindi mapakali na tanong niya sa akin.

“Y-Yuan.” napatigil ako, “Hindi ko din alam.” seryoso kong sagot sa kanya. “Hindi ko pa lubos na maintindihan ang nangyayari sa'kin.” mas lalo akong nalito.

“H-Hon...” hinaplos niya ang mukha ko, “M-Mahal mo 'ko, di'ba?” umaasang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napatigil ako ng makita kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Nakangiti siya sa akin ngayon pero ang mga mata niya ay malungkot, nagiisa at nagmamaka-awa. “Y-Yuan.” hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko, “What's wrong?” nag aalalang tanong ko. Alam ko na kahit hindi niya sabihin, may problema siya.

“S-Sabihin mo sa akin na mahal mo ako, X-Xiantel.” nagmamaka-awa ang tono na bulong niya sa akin. Nasaktan ako sa paraan ng pagsasalita niya. Para siyang isang bata na naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang ina, gano'n siya nakaka-awa sa oras na 'to.

“Mahal kita.” walang pagdadalawang isip na sagot ko. “Ayokong ginagawa mo 'to para lang marinig ang salitang gusto mong marinig galing sa'kin, hon.” nalungkot ako, “Kaya kong sabihin sa'yo na mahal kita ng paulit-ulit.” ngumiti ako sa kanya.

“X-Xiantel.” tuluyan na siyang napayakap sa akin. “H-Hindi mo alam kung gaano mo pinapagaan ang pakiramdam ko ngayon.” bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napangiti ako dahil doon. Masayang malaman na isa ako sa dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya. Alam kong may problema siya ngayon, kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapagaan ang loob niya.

“I love you. I love you, Yuan Rico.” puno ng emosyon na bulong ko sa kanya.

“Mahal na mahal kita, Xiantel.” kahit na puno ng lungkot ang boses niya ay nagawa ko pa ding matuwa. “Alam ko, mister ko.” natawa ako ng mahina. Dahan dahan ko siyang inilayo sa akin para matitigan ang mga mata niya. “Huwag ka ng malungkot, okay? Sige ka, papangit ka niyan.” pilit ko siyang pinatawa.

Ngumiti naman siya ng kaunti, “Hindi naman mangyayari 'yan, hon.”

“Anong hindi? Ayan na, oh.” pinisil ko ang pisngi niya, “Ngiti na, please.” nagpa-cute ako sa kanya.

“Tch.” tuluyan na siyang napangiti. Ang gwapo.

“Oh, ayan na.” ngumiti siya, “Nasaan na ang kiss ko?” napanguso siya.

Psh. “Ayan, diyan ka magaling.” humiwalay ako sa kanya. “Paandarin mo na ang sasakyan, dali. Gusto ko ng makita si Lolo.” umayos ako ng upo.

“Hmp! Madamot!” nakanguso niyang pinaandar ang sasakyan. Pft. Natawa na lang ako ng makita ang reaksyon ng mukha niya.

Ganyan nga, Yuan. Gusto kong makita ang ganyan mong ugali. Ayokong nagmamaka-awa ka sa'kin, ayokong nalulungkot ka, dahil nasasaktan ako.

Napabuntong hininga ako, nasasaktan talaga ako.

“Lolo!”

“Apo ko!” nakangiting sinalubong ako ni Lolo. “How are you?” tanong niya matapos akong yakapin.

“Maganda pa din po.” nakangiting sagot ko sa kanya. “Kayo po?”

“Aba, syempre—”

“Gwapo pa din.” parehas kaming natawa ng sabihin namin 'yan ng sabay. Yes, ganyan kami kabaliw ni Lolo, pft.

“Hi, Lolo!” masayang bati din ni Yuan sa kanya matapos yumakap. “Yuan, iho.” ngumiti ito. “Kamusta?”

“Gwapo pa din po, mana sa inyo.” kumindat si Yuan sa Lolo ko. Tch.

“Alam ko, alam ko.” tumango tango si Lolo na para bang nagyayabang pa. “Lo, nasaan na po ang pasalubong ko?” makapal ang mukha na tanong ko sa kanya. Natawa naman ito bago itinuro ang mga paper bags na nasa sofa.

Oh my God.

“Lahat po 'yan, Lo?” nanlalaki ang mga mata na tanong ko. “Yes, apo.” ngumiti siya sa akin, “Ang ilan diyan ay para kay Yuan.”

Aaaah. “Thanks, Lo!” napayakap ako kay Lolo. Gosh. Spoiled talaga ako pagdating sa kanya!

“Hay nako, Pa. Ini-spoiled mo na naman 'yang apo mo.” singhal ni Mom kay Lolo ng pumasok siya sa living area. “Grandpa!” tumakbo agad si Kiana palapit kay Lolo. Natutuwang binuhat naman niya ito, “Hi Kiana, how are you?”

“I'm fine.” cute na cute na sagot ng kapatid ko.

“Hindi pa ba kayo nagugutom?” tanong ni Dad pagpasok niya sa living area. “Ako, Dad. Nagugutom na ako.” sagot sa kanya ng asawa ko. “Palagi ka naman gutom.” singhal ko sa kanya. Napanguso na lang ito dahil sa sinabi ko.

“Hahaha, kung gano'n, tara na sa dining area. Nagugutom na din kasi ako.”

Gaya ng sinabi ni Dad, nagpunta na kami sa dining area para kumain. Pag-upo pa lang namin sa upuan ay nagsimula na agad magdasal si Lolo kaya natahimik na kaming lahat. Pagkatapos niyang mag dasal ay nagsimula na agad kaming kumain. “Xiantel apo, napag-isipan mo na ba ang offer na inaalok ko sa'yo?”

Tama nga ang iniisip ko kanina. Tatanongin agad ako ni Lolo tungkol sa bagay na 'yan. “Uhm.” tumingil muna ako sa pagkain, “Opo, Lo. Napag-isipan ko na po ang sinabi niyo.” ngumiti ako sa kanya.

“Hmm. Ano ang iyong desisyon? Papasok ka ba sa ibang bansa? O hindi?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Yuan bago sumagot sa kanya, “Hindi po, Lolo.” sagot ko, “Sa tingin ko po ay mas maganda kung dito na lang din po ako sa Pilipinas magko-kolehiyo.” nakangiti kong sagot kay Lolo.

Saglit na natigilan naman ito. “Sigurado ka ba diyan, Xiantel? Ayaw mo ba talagang sa ibang bansa mag aral?”

Umiling ako, “I'm fine here, Lo. Saka, nandito din po ang pamilya ko.” tumingin ako kila Mom and Dad, “Nandito po ang asawa ko.” inilipat ko ang tingin kay Yuan, “At ang mga kaibigan ko po.” tumingin ako kay Lolo, “I prefer to stay and study here.” ngumiti ako ng sinsero.

“Aww! How sweet, anak.” natuwa si Mom sa sinabi ko. “Sabi na nga ba at 'yan ang magiging desisyon mo. Alam ko naman na hindi mo kayang malayo sa'min.” napangiti ito.

“You've grown a lot, sweetie.” napangiti din si Dad.

“Kung gano'n.” nagsalita si Lolo, “Sabihin mo sa akin apo kung saan mo gustong mag-aral dito sa Pilipinas. Ako na ang sasagot ng tuition fee mo.”

Napangiti ako ng todo dahil sa sinabi ni Lolo, “Thank you po.” seryosong pasasalamat ko sa kanya.

“You're welcome, apo.” tumingin ito kay Yuan, “How about you, Yuan? Saan mo balak mag aral?”

Napatigil sa pagkain si Yuan bago sumilip sa akin, “Kung saan po balak mag aral ni Xiantel, do'n din po ako papasok.” he winked at me. Pft.

“Hmm.” tumango tango si Lolo, “Ayaw mo bang humiwalay sa apo ko?” natatawa nitong tanong.

“Hindi ko pa kaya.” natawa si Yuan, “Nasanay na po kasi ako na palagi siyang nandyan sa tabi ko.” hinawakan ni Yuan ang kamay kong nasa lamesa.

“Aaaah! Ang sweet!” rinig kong sigaw ni Mom.

“Daddy! Hold my hand too!” lumapit si Kiana kay Yuan at nagpabuhat dito. Natawa na lang kami dahil sa ginawa niya. Tignan mo nga naman 'to, selosa din pala katulad ko—joke.

Natapos ang pagkain namin ng masaya at puno ng tawanan dahil sa kabaliwan ni Yuan at Kiana. Matapos naming kumain ay tinawag ko si Mom at hiniling na makausap siya ng pribado kaya naman nagpunta muna kami sa swimming area para makapag-usap ng tahimik.

“Mom.” panimula ko. Wala pa man akong nasasabi ay parang kinakabahan na ako. Ito na kasi ang oras kung saan sasabihin ko kay Mom ang tungkol sa nangyayari sa akin lately. Yung tipong nakaka-alala ako ng mga scenes na hindi ko naman alam kung saan nagaganap, 'yung boses na parati kong naririnig mula sa isang lalaki at 'yung oras na narinig ko mismo ang boses ko no'ng araw na umamin ako kay Yuan na mahal ko siya.

“Hmm? Ano 'yon, anak? May sasabihin ka ba?” tanong sa akin ni Mom. Kumuha naman ako ng lakas ng loob bago nagsimulang magsalita, “M-Mom.” napatungo ako, “N-Nitong nakaraang araw po kasi...”

Damn. Bakit hindi ko masabi? Bakit parang may pumipigil sa akin na sabihin kay Mom ang tungkol sa nangyari sa akin nitong nakaraang linggo.

“Ano 'yon, Xiantel?” lumapit siya sa akin at hinawakan ang pareho kong balikat. “Sabihin mo kay Mom, may problema ka ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin.

“M-Mom.” napalunok ako, “N-Noong nakaraang araw po kasi,” napatingin ako sa kanya, “P-Parang may naaalala akon—”

“Hon?”

Mabilis na napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Yuan. “Y-Yuan.” tinawag ko siya.

“Pwede na ba tayong umuwi? May gagawin pa kasi akong mga projects.” lumapit siya sa amin.

“A-Ah.” napatingin ako kay Mom. “Sige na, anak. Umuwi na kayo ni Yuan. Baka ma-traffic pa kayo sa daan.” ngumiti siya sa akin.

Aish. Hindi ko man lang nasabi.

Napabuntong hininga ako, “Sige po.” humalik ako sa pisngi ni Mom, “Mauna na po kami.”

“Hmm, mag iingat kayo.”

“Bye, Mom.” humalik din si Yuan sa pisngi ni Mom bago ngumiti. Matapos namin magpa-alam kila Dad, Lolo at Kiana ay umalis na din agad kami sa bahay at sumakay na ng sasakyan pauwi.

“Hon, ano 'yung pinag-uusapan niyo ni Mom kanina?” pagtatanong sa akin ni Yuan habang nakatingin siya sa kalsada.

Napabuntong hininga ako, “Wala 'yon.” sagot ko bago tumingin sa bintana ng sasakyan. Saktong pagtingin ko dito at nakakita ako ng 7/eleven shop kaya naman inutusan ko si Yuan na itigil muna ang sasakyan dahil gusto kong bumili ng yogurt drink dito. “Sasama ka ba sa'kin sa loob?” tanong ko kay Yuan habang kumukuha ng pera sa wallet ko.

“Hindi na, hihintayin na lang kita dito.”

“Sige.” ngumiti ako sa kanya bago bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko ay naglakad agad ako papasok ng 7/eleven at naghanap ng yogurt drink o delight na pwedeng mabili. Habang naghahanap ako sa paligid ay hindi sinasadyang may nabunggo ako na isang lalaki sa likod ko kaya naman nagulat talaga ako.

Shit. Bakit ba kasi hindi ako nakatingin sa daan?

“I'm sor—”

“Sorry, Miss.”

Napatigil agad ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses niya. “Excuse me.” nakatungong umalis siya sa harapan ko at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

F-Fuck.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng mag sink-in sa akin ang boses ng lalaking kaharap ko kanina.

“K-Kuya...” mahina kong bulong. “K-Kuya!” wala sa sariling napatakbo ako papunta sa counter. Inikot ko ang paningin ko sa buong shop at hinanap ang matangkad na lalaki na naka-suot ng black hoodie, ang lalaking nabangga ko kanina.

I-It's him! It's Kuya Tani!

Hindi na ako pwedeng magkamali ngayon! Siya talaga 'yon! Si Kuya Tani talaga 'yon!

“M-Miss.” lumapit agad ako sa babaeng nasa counter, “N-Nakita mo ba 'yung lalaking matangkad na nakasuot ng black hoodie dito kanina?” napaparalisa na tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

“Po? Yung lalaki po ba?”

“O-Oo.”

“Kakalabas niya lang po ng shop, Ma'a—”

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na agad palabas ng shop. Paglabas ko ay inikot ko pa ang paningin sa buong paligid, umaasang makikita si Kuya Tani.

“K-Kuya Tani!” wala sa sariling sigaw ko. “Kuya!” malakas na sigaw ko habang naglalakad ngayon sa kahabaan ng kalsada. “K-Kuya! Kuya Tan—”

“Xiantel, Xiantel!” nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko, “Hon? What are you doing? Bakit ka sumisigaw diyan?”

“Y-Yuan.” mahina kong bulong, “S-Si Kuya, narinig ko ulit ang boses ni Kuya!” napasigaw na naman ako. “Sigurado na ako na siya 'yon, Y-Yuan.” bumitaw ako sa hawak niya at nagpatuloy sa paghahanap. “Kuya! Kuya Tani!” sigaw ko habang naglalakad sa kalsada.

“Hon! Stop!” hinawakan ni Yuan ang kamay ko pero bumitaw ako sa kanya, “K-Kailangan kong mahanap si Kuya. Kuya!” lumayo ako sa kanya.

“Xiantel!”

“Kuya Tani! Nasaan ka na ba? K-Kuya!”

“Xiantel, stop it!”

“Kuya—”

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPP!

“Fuck! Xiantel!”

Naramdaman ko agad ang malakas na paghila sa akin ni Yuan.

“Hoy! Magpapakamatay ba kayo?!” galit na tanong sa amin ng lalaking may ari ng sasakyan. Ayon ang sasakyan na muntik ng makabangga sa akin.

“N-No, we're sorry.” hinila agad ako ni Yuan palayo sa kalsada. “What the fuck are you doing, Xiantel?! Nababaliw ka na ba?!” galit na talagang sigaw niya sa akin. “Nawawala ka na ba sa sarili mo, ha?! Paano kung nabangga ka ng sasakyan na 'yon?!”

Hindi ako nakasagot sa kanya at napatungo na lang. Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

“Paano kung hindi kita hinila?! Sa tingin mo, ano na nangyari sa'yo?!”

Tuluyan ng tumulo ang luha galing sa mga mata ko. “S-Sorry.” mahina kong bulong, “I-I'm sorry.” sinalubong ko ang tingin niya, “G-Gusto ko lang naman kasing mahanap si Kuya.” mahina kong bulong, “G-Gusto ko lang siyang makita.”

“Xiantel.” hinawakan niya ang pareho kong balikat, “Kung gusto kang makita ng Kuya mo, gagawin niya. Hindi ka niya pahihirapan ng ganito para lang mahanap siya. Nakalimutan mo na ba? Iniwan niya kayo.”

Unti unti akong natigilan dahil sa sinabi niya.

“Please, I'm begging you. Huwag mo naman gawin 'to sa sarili mo.” hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. “Nagalala ako sa'yo. Akala ko ay mababangga ka na ng sasayan.”

“Y-Yuan...”

“Sshh. Huwag ka ng magsalita. Iiyak mo na lang sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Naiyak na talaga ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya.

“I'm here, okay? I'm just always be here for you.” hinaplos niya ang buhok ko dahilan para maiyak ako ng todo. Niyakap ko siya pabalik at iniyak ng iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. 

Bakit mo kami iniwan, Kuya?

B-Bakit?

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 1.8K 66
[Completed] Rein just wants a simple life. Being able to work well, able to study in a good school, and most of all It was a happy life with her boyf...
16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...
14.8K 176 9
Sa bayan ng laguna ay may isang pinakasikat at pinakamayaman na unibersidad, ang Saint. Velligasly University. Kilala itong paaralan na ito dahil sa...
379K 560 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞