We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Twenty Seven

12 1 0
By sooftiec

Tumingin ako sa mga mata niya, “Ipapakilala na kita sa kanila—” ngumiti ako, “—bilang asawa ko.”

“W-What?” nanlaki ang mga mata niya. “Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako bago inilahad ang kamay ko sa kanya. “Tumayo ka na diyan.” utos ko sa kanya. Nalilito man ay tinanggap niya ang kamay ko at tumayo ng maayos.

“Let's go.” hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas ng bathroom. Nang makalabas kami dito ay hinila ko agad siya palabas ng room k—

“Xiantel.” pinigilan niya ang kamay ko.

“Yuan?” tumingin ako sa kanya. “Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“Napipilitan ka lang ba dahil sa sinabi ko kanina?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.

“W-What?” natigilan ako. “N-No! Hindi ako napipilitan, Yu—”

“Kung hindi.” pinutol niya ang sasabihin ko, “Bakit ipapakilala mo ako sa kanila?” seryoso niya pa ding tanong.

“K-Kasi...” nangapa ako ng sasabihin, “Kasi asawa kita.” sagot ko. “Kailangan nilang malaman na asawa kit—”

Natawa siya, “Napipilitan ka nga.” bumitaw siya sa kamay ko. “Ayokong ipakilala mo 'ko sa kanila dahil napipilitan ka lang, Xiantel. Gusto ko ay kusang loob mong gagawin 'yon dahil gusto mong sabihin 'yon sa kanila at dahil mahal mo ako.” ngumiti siya sa akin. “Sige na, puntahan mo na ang mga kaibigan mo. Maghihintay na lang ako dito hanggang makatulog sila.” umalis skya sa harapan ko at pumunta sa kama ko.

Hindi naman ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Feeling ko ay nanghina ako ng tuluyan dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

B-Bakit ganyan siya?

Bakit ba ayaw niyang makinig sa akin?

Mahal ko siya. Mahal ko na siya.

Hindi ko lang masabi 'yon sa kanya dahil napanghihinaan na ako ng loob.

Tch.

Hindi na ako humarap sa kanya at lumabas na lang ng kwarto ko. Paglabas ko dito ay bumaba na agad ako sa kusina at nagluto ng popcorn para sa mga kaibigan ko. Naabutan pa ako ni Pearl dito kaya naman nagtanong siya ng nagtanong pero hindi na ako sumagot pa. Feeling ko ay nawalan na ako ng gana dahil sa sinabi sa akin ni Yuan kanina. Naiinis ako. Naiinis talaga ako. Kung marunong lang sana siyang makinig edi sana alam niya na ngayon na mahal ko siya, engot!

“Hindi pa ba tapos 'yan?” tanong ko sa mga kaibigan ko ng makita ang pinapanood nila sa malaking screen. “Hindi pa, Xiantel. Nasa gitna pa lang kami, eh.” sagot sa akin ni Alyana.

Napabuntong hininga ako, “Inaantok na ako. Kayo na lang ang bahala diyan pagkatapos, alam niyo naman ang gagawin di'ba? Alam niyo na rin kung nasaan ang guest room, feel free to sleep there, goodnight.” tumalikod na ako sa kanila at lumabas na ng movie room. Paglabas ko dito ay dumeretso agad ako sa kwarto ko and as expected, natutulog na naman si Yuan dito.

“Yuan.” ginising ko siya, “Kumain ka na sa baba.” lumapit ako sa cabinet ko at kinuha ang susi ng room niya, “Ito ang susi, pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na sa kwarto mo at matulog. Hindi ka naman makikita ng mga kaibigan ko dahil nanonood pa sila sa movie room.”

“Okay.” tumayo siya sa kama ko at walang sali-salita na lumabas na lang ng room ko.

Wow? Naiinis din ba siya sa'kin ngayon? Wow!

“Argh!” inis na humiga ako sa kama ko at sinipa sipa ito. Siya pa ang may ganang mainis sa akin ngayon, ha? Bakit? Dahil pinabayaan ko siya kanina? Bakit? Dahil hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya? Ha? Ha? Ha?! Arrrrrrrrgh!

“Nakakainis siya!”

“Xiantel, 'yung totoo? Galit ka ba sa'min? Dahil nag overnight kami sa inyo?”

“Hindi nga.” humarap na ako sa kanila, “Hindi ako galit, okay?” ngumiti ako sa kanila ng sinsero para ipakita na kita talaga ako galit. Kanina pa kasi silang ganyan simula umaga pa lang. Akala nila ay galit ako sa kanila dahil bigla daw nawala ang mood ka kagabi, pati na din ngayon. Hindi naman ako galit sa kanila, hindi rin inis. Siguro kay Yuan pwede pa, inis talaga ako sa kanya, tch. Halos hindi nga kami magpansinan kaninang umaga. Actually, akala ko ay makikipag-ayos na siya sa akin pero—wow, kinaya ni kuya mo ang hindi ako pansinin. Sige, bahala siya!

“Eh bakit parang bad mood ka, Peach?” tanong sa akin ni Pearl. “Gusto mo ba ng brownies? O yogurt drink?” inilapag niya sa harapan ko ang hawak niyang burger at coke, wow, nag iba na pala ang itsura ng mga paburito kong pagkain?

“Sorry hehe, 'yan lang kaya ko ngayon, eh.” nahihiyang ngumiti siya sa akin. “Ano ka ba.” natawa ako bago ibalik sa kanya ang mga pagkain na binili niya. “I'm okay, I'm fine. Huwag na kayong mag alala sa akin.” ngumiti ulit ako sa kanila.

“Baka kape, gusto mo?” tanong sa akin ni Lukas. Natawa naman ako ng todo, “Kaya mo ba dalhin sa'kin ngayon ang kape na 'yan?” natatawang tanong sa kanya. Tumango naman siya ng ilang beses, “Gusto mo ba? Kaya ko.” ngumisi siya.

“Hoy! Ikaw Lukas, ha? Nagpapakitang gilas ka na diyan sa kaibigan namin.” kinikilig na sabi ni Alyana. “Bakit ba kasi ayaw mo pang ligawan 'to?” tinuro niya ako, “Single naman 'yan! Ready to mingle!”

“Alyana.” sumama ang tingin ko sa kanya. “Ano ba'ng sinasabi mo di—”

“OMG! Si Yuan!” bigla siyang tumili ng malakas habang nakatingin sa likod namin. Hindi naman ako lumingon hindi katulad ng ginawa nila Pearl at Lukas. “Aaaaah! Dumaan siya sa likod niyo, Xiantel! Gusto niya atang makita ako!” tumili ulit ito. Eh? Dumaan siya sa likod namin kanina?

“Aw, akala ko naman ay makiki-table na siya sa'tin.” napanguso si Alyana, “Pumunta pala siya sa kaibigan niya.”

“Bakit naman makiki-table 'yan sa atin, baliw?” natatawang tanong ni Pearl, “Baka naaalala mong sikat 'yang crush mo dito sa school. Halos 99% nga ng mga babae dito crush siya.” dagdag niya pa bago kumain ng hawak niyang burger.

“Alam ko naman 'yon! Pero dati kasi nakakasama pa natin siya, di'ba? Hindi ba, Xiantel?” tumingin sa akin si Alyana at nagpa-cute. Hindi naman ako sumagot sa kanya at nagiwas na lang ng tingin. “Bakit parang hindi na nga pala kayo close? Magkaibigan kayo, di'ba?” tanong niya na naman sa akin. Aish. Bakit ba ang dami dami niyang tanong?

“Hoy Alyana, pakainin mo muna kaya 'yang si Xiantel, ano? Puro ka dada diyan.” singhal sa kanya ni Pearl. Napanguso na lang si Alyana bago nagpatuloy sa pagkain.

“LQ kayo?” bulong sa akin ni Lukas habang nakatingin sa pagkain. Hindi naman ako sumagot sa kanya at kumain na lang. Hindi na ako magugulat kung mapapansin niya ang bagay na mayro'n sa'min ni Yuan. Noon nga ay hindi siya naniwala no'ng sabihin ko na kaibigan ko lang si Yuan, kaya ngayon, alam kong may alam na talaga siya sa totoong relasyon namin ni Yuan. Pero thankful ako dahil hindi siya maingay. Wala siyang pinagsasabihan tungkol sa nalalaman niya.

“Guys, pwede ba kayong yayain mamaya sa Mall?” biglaang tanong sa amin ni Lukas.

“Kami talaga, Lukas? Kami talaga tinatanong mo?” natatawang tanong ni Pearl. “Oo, mas komportable naman akong kasama kayo.” ngumiti si Lukas.

“Aw!” sigaw ni Alyana, “Ang sweet naman no'n!” dagdag niya pa.

“Bakit nga pala nagpapasama ka sa Mall mamaya?” tanong ko kay Lukas.

“Ah, may gusto kasi sana akong bigyan ng regalo.” tumingin siya sa akin. “Ha? Hindi ba dapat kami ang magbibigay sa'yo? Malapit na ang birthday mo, di'ba?” tanong sa kanya ni Pearl.

“Oo.” tumango si Lukas, “Pero mas malapit na ang birthday niya.”

“Sino?” sabay sabay na tanong naming tatlo sa kanya. Ngumiti naman siya, “Kaibigan ko.” sagot niya. Ah, kaibigan niya. Napatango tango kami.

“Babae ba 'yang kaibigan mo?” tanong sa kanya ni Pearl. “Lalaki.” maikling sagot nito.

Eh? “Bakit naman isasama mo kami mamaya sa Mall kung lalaki naman pala 'yang kaibigan mo? Hindi ba't tatanungin mo lang ang opinyon namin tungkol sa regalo?” tanong sa kanya ni Pearl.

“Napaka-pormal mo naman.” natawa si Lukas, “Okay lang din naman kung hindi kayo sasama, I'm just asking you guys.” ngumiti ito. “Ano? May sasama ba sa'kin?” tanong niya sa amin. Natahimik naman ang dalawa kong kaibigan.

“Ako.” sagot ko sa kanya. “Sasama ako sa'yo mamaya.”

“Are you sure?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako, “Sa tingin ko naman ay matutulungan kita mamaya.” ngumiti ako sa kanya.

“Okay.” ngumiti siya sa akin.

“Hoy! Date na ba 'yan?!” pasigaw na tanong sa amin ni Alyana. “It's not a date, Alyana.” natatawang sagot sa kanya ni Lukas.

“Oh, mamaya na ang daldalan diyan, kumain na kayo at malapit na ang time.” parang nanay na singhal sa amin ni Pearl. Tumawa na lang kami bago nagpatuloy sa pagkain.

“Tara na, Pearl! Baka nagpa-practice na ang Majesty! Dali!” hinila ni Alyana si Pearl patayo sa upuan nito. “Saglit lang naman!” singhal sa kanya ni Pearl na nag aayos pa ng gamit. “Bakit ba isasama mo pa ako diyan?” inis na tanong niya bago tumayo.

“Para may kasama ako? Tara na!” hinila na ni Alyana si Pearl palabas ng room, “Bye Xiantel! Bye Lukas! See you tommorow!” paalam niya pa sa amin bago sila tuluyang lumabas ng room.

“May sayaw ulit sila?” tanong sa akin ni Lukas habang nagaayos ako ng gamit. “Oo daw, para sa Sports Fest.” sagot ko sa kanya. “Tara na?” ako pa talaga ang nagyaya sa kanya na lumabas ng room. Tumango naman siya kaya nagsimula na kaming maglakad.

“Ano ba ang hilig ng kaibigan mo?” tanong ko na agad sa kanya habang naglalakad kami papunta sa field. Kailangan kasing dumaan doon para makapunta sa parking area.

“A lot of things. Kaya nga nahihirapan akong pumili ng ireregalo sa kanya.” napakamot ito sa ulo. “Kailan pala ang birthday niya?” tanong ko.

“Sa 28.” sagot niya sa akin.

Oh. Medyo napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. 28? “Ah.” napatango tango ako. Ang galing. It's Kuya's birthday. 28 din kasi ang birthday ni Kuya Tani.

“Why?” tanong niya sa akin. “Wala.” umiling ako, “Naalala ko lang ang Kuya ko. Pareho kasi sila ng birthday ng kaibigan mo.”

“Oh, really?” mukhang nagulat siya. “Ang galing naman.” namamangha niyang sagot. “Yeah, ang galing.” namangha din ako.

“KYAAAAAAAAAA! BAKIT ANG HOT MO NAMAN YUAN?!”

“AAAAAAAAAAAAH! ANG GALING MO TALAGA SUMAYAW!”

“AAAAAAAAAH! ANG GWAPO TALAGA!”

Psh. “Hindi ba sila napapagod kakasigaw?” naiinis na tanong ko habang nakatingin sa mga babaeng panay ang sigaw.

“That's my question too.” natawa si Lukas. “Araw araw naman nilang nakikita si Yuan, what's new?” natawa ulit ito. Tumango na lang ako sa kanya dahil feeling ko ay nawalan ako ng gana ng marinig ang pangalan ni Yuan.

Nang makalampas na kami ng field ay sa wakas nakarating na rin kami sa parking area. Sumakay ako sa sasakyan niya para hindi na mahirap ang pagpunta namin sa Mall. Saka isa pa, wala naman akong dalang sasakyan ngayon, kay Yuan lang talaga ako sumasabay.

“What do you think is the best gift?” tanong sa akin ni Lukas habang nagmamaneho siya.

“Hmm.” bigla ko naman naisip si Kuya Tani. Noon kasi kapag birthday niya ay palagi ko siyang nireregaluhan ng wristwatch o sapatos, 'yon kasi ang hilig niya. “Shoes?” patanong na sagot ko sa kanya.

“Hm, I don't think so. Mayaman na kasi sa sapatapos ang lalaking 'yon.” natawa siya. “Oh.” tumango tango ako, “How about wristwatch?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at tumango tango na lang, “Pwede din.” napangiti siya. “Balak ko sana siyang ibili ng camera.”

“What?” napatingin ako sa kanya, “Camera?” gulat na tanong ko. Woah, mahal ang isang 'yon!

“Yes.” tumango siya, “Lately kasi ay napapansin ko na mahilig siyang kumuha ng mga bagay bagay gamit ang cellphone niya.”

Shit.

Wala sa sariling napatitig ako sa kanya.

Lalaki. Lalaki ang kaibigan niya. 28 ang day kung kailan ang birthday niya tapos—

mahilig din siyang kumuha ng mga pictures.

Fuck. That's exactly Kuya Tani.

“L-Lukas.” napalunok ako. “Pwede ba akong magtanong?” hindi mapakaling tanong ko sa kanya.

“Sure.” sumilip siya sa akin, “Ano 'yon?”

Kumuha ako ng lakas ng loob bago nagtanong sa kanya, “Ano...” napatitig ako sa kanya, “A-Anong pangalan ng kaibigan mo?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. Feeling ko ay bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng tanong na 'yon. I'm nervous. I'm fucking nervous.

“Ah.” napangiti siya, “Akala ko naman kung ano ng tanong mo.” natawa siya, “Ryan.” sagot niya sa akin. “Ryan ang pangalan niya.”

“O-Oh.” napaiwas ako ng tingin, “Ryan.” bulong ko.

It's not Tan. It's not Tan Phynix Yana. It's Ryan.

“Bakit mo nga pala natanong?”

“W-Wala hehe.” humarap ako sa daan. “So uhm, camera na ba ang balak mong iregalo sa kanya?” pilit kong pina-normal ang boses ko.

“Uh, 'yon na lang siguro.” ngumiti siya, “Sa tingin ko, 'yon ang kailangan niya ngayon.”

“Okay.” ngumiti din ako. “Brownies na lang sa'kin.” dagdag ko pa dahilan para matawa siya. “Sabi na nga ba at hindi ka sasama ng walang kapalit.” natawa siya.

“Hoy, hindi naman.” singhal ko sa kanya, “Brownies nga lang 'yon, eh. Wala pang kasamang yogurt drink.” natawa ako ng malakas.

“See?” nahawa siya sa tawa ko. “Oo na Ms Yana, ililibre na kita ng brownies at yogurt drink.”

“Yes!” napasigaw ako. “Thank you, Lukas!” ngumiti ako ng matamis.

Natawa naman siya, “You're very welcome, Xiantel.”

Continue Reading

You'll Also Like

91.3K 997 25
Paano kung ang matagal na niyang ipinagkakanulo na tao sa buong buhay niya ay na-fall sa kaniya? She's falling and she hates that. He's deeply inlo...
627K 14.6K 113
I slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.
373K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...