Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 45

469 43 6
By DamianLane


Season 2 – Chapter 45

College of Education - Celebration Week

"Lana, let's go," dalawang mabilis na katok ang sumunod sa mga 'yon.

Mabilis akong umalis sa harapan ng salamin ko at agad lumabas sa kwarto. Sinundan ko si kuya Jarvis na papalabas na.

"Nay, una kami!"

"Bye, nay!" halos magkasunod na pagpapaalam namin ni kuya.

Papasakay na sana kami sa sasakyan nang mapansin kong nakasakay sa motor niya si kuya Travis.

"Hindi ka sasabay sa'min?" tanong ko rito.

"Hindi ako sasama sa parade," tumingin 'to kay kuya Jar. "Una na ko."

Pinanuod ko kung paano nito sinuot ang helmet niya at pagkatapos no'n ay agad lumabas. Binaling ko ang atensyon ko kay kuya Jarvis.

"Bakit hindi siya sasama?" nagtatakang tanong ko rito.

"Hindi niya ba nabanggit sa'yo?" umiling ako sa tanong nito. "Isa lang off niya sa isang linggo. Kung sasama siya ngayon, hindi siya makakapunta sa Friday."

Napa-'ah' ako sa sinabi nito. Matapos ako nitong sagutin ay sumakay na ito agad sa sasakyan. Binuksan ko ang pintuan sa side ko at ipinasok ang bag ko. Muli ko itong isinara at inaantay na ilabas ni kuya ang sasakyan para masara ko ang gate. Pagkatapos no'n, umalis na kami papunta sa university.

"Ikaw, kuya? Wala ka bang trabaho?" tanong ko habang nasa biyahe kami.

"Mayroon pero pwede akong mag-off anytime."

"Wow, bigatin," pang-loloko ko rito na ikinatawa nito.

Habang nasa biyahe kami biglang tumunog ang cellphone nito. "Can you pick it up? And it on speaker."

Sinunod ko ang sinabi nito. Kinuha ko ang cellphone nitong nakalagay sa lalagyan sa pagitan namin. Saglit pa kong natigilan nang makita ko ang pangalan ni Sir Van. Itinaas ko ang phone sa pagitan namin dalawa ni kuya.

[Jarvis.]

Woah! Jarvis lang? Mas matanda sa kanya si kuya. Sabagay, kung buddy buddy naman sila.

"'Sup, man. Need something?"

[Yeah. Can't get out of university. Can you stop by the fast-food chain beside the SMU and order a breakfast meal?]

"Haven't had your breakfast yet?"

Napatingin ako sa oras sa may notification bar ng cellphone ni kuya. Mag-se-seven pa lang ng umaga. Nasa university na siya agad? Tapos hindi pa nag-agahan?

[There's that but I also need to prepare food for the members and the staff.]

"Okay. For how many people?"

[Good for fifteen people. I'll pay you up later.]

"Sure thing. Lana and I are on our way now. We'll probably arrive after ten or fifteen more minutes."

[Okay. Thanks.]

"Sure."

Pagkatapos sabihin ni kuya Jarvis 'yon, naputol na ang tawag. Ibinalik ko sa pinagkuhanan ko 'yong cellphone niya.

"Your professor is so busy," napatingin ako rito na napapailing pa. "He's the type who'll skip meals if he's so occupied."

Napatingin 'to sa'kin nang hindi ko nagsalita. "Why?"

"Paano kayo naging close ni Sir Van? Para kasing kilalang kilala mo siya."

"Well, he's kind of quirky so we click."

"Quirky?!" hindi makapaniwalang pag-uulit ko sa sinabi nito. "Si Sir Van?" pinagdiinan ko pa talaga ang pangalan nito.

Bahagyan naman 'to natawa bago nagsalita, "Yeah. He used to, before all of that Ema situation happened."

Sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Ema, para bang biglang nangati ang bibig ko at gusto kong magtanong. Naipikit ko ang mga mata ko bago iniharap ang ulo ko sa harapan ko.

No. Not your life, not your issue.

"You won't ask about them?"

"It has nothing to do with me."

Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagtango tango nito sa sagot ko. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa may fast-food chain na tabi lang ng SMU. Sa may drive-thru na lang kami um-order para hindi na kami bumaba pa. Matapos I-order ni kuya 'yong breakfast meal, binaling nito ang atensyon niya sa'kin tsaka nagtanong.

"How about you, Lana?"

"Crispy-chicken sandwhich tsaka orange juice."

Inulit nito ang sinabi ko sa kumukuha ng order namin. Ayoko kasi ng breakfast meal dito. Ayoko namang um-order ng chicken meal kasi kumain naman kami ng breakfast sa bahay. Nagpabili lang ako ng sandwhich in case na magutom ako mamaya.

Ilang minuto kaming nanatili do'n bago namin nakuha lahat ng order namin. Matapos no'n ay dumiretso na kami sa loob ng university.

Pagka-park ni kuya, kinuha ko lang ang bag ko at tsaka bumaba. 'Yong mga drinks lang ang pinadala sa'kin ni kuya, siya na nagbitbit no'ng mga paper bag. Gusto ko nga sanang kuhanin mula sa kanya 'yong iba kaso ayaw niyang ibigay. No'ng tinangka ko namang kuhanin 'yong bag niya, sinamaan naman ako ng tingin.

"Just bring those drinks, okay? Lead the way. I don't know their office."

Hindi na ko nakipagtalo pa rito at ginawa na lang ang sinabi niya. Dumiretso kami sa may office nila Sir Van at Czam. Pagtapat namin sa may pintuan ay kumatok lang ako nang tatlong beses bago ko binuksan 'yong pintuan. Hindi naman kasi mabubuksan ni kuya dahil punong puno na 'yong dalawang kamay niya.

"Good morning, Sir," pagbati ko sa dalawang prof na nasa loob.

"Oh, you're here. Your brother?" bago pa man din ako makasagot ay nagsalita na si kuya Jarvis mismo.

"Right here," tinignan ko ito at itinaas pa nito ang dalawang kamay niyang may hawak ng mga paper bag.

Agad na lumapit sa kanya si SIr Czam at kinuha 'yong hawak niya sa isa niyang kamay. Nagulat naman ako nang biglang umangat 'yong hawak kong mga inumin. Pagtingin ko kung sino ang salarin si Sir Van pala. Wala 'tong sinabi nang kinuha niya 'to sa mga kamay ko kaya hindi na rin ako nagsalita.

"You brought your jerseys?" tumango ako sa tanong ni Sir Czam. Nakuha ko last Friday 'yong jersey naming magkakapatid. "Good."

Dahil maaga pa at wala pa 'yong mag-aayos sa'kin, pinaupo na lang muna nila ko sa mini couch dito. Habang tahimik akong nakaupo, si kuya at Sir Czam naman abalang abala sa kwentuhan nila. Si Sir Van naman, abalang tinitignan 'yong mga pagkaing dala namin. Napansin ko pang may isang pack ng bottled water malapit sa table niya.

"You bought sandwhiches?" nabalik ang tingin ko kay Sir Van, nakatingin 'to kay kuya.

"Oh! Those are Lana's, she doesn't like breakfast meal."

Napayuko naman ako bigla sa sinabi ni kuya. Hindi ko alam pero para kong nahiya sa sinabi nito. Lumalabas kasi pagiging picky eater ko.

Napatingin ako sa tabi ko ng isang maliit na paper bag ang lumapag dito. Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Sir Van. Katulad kanina, wala pa rin 'tong sinabi kaya gano'n din ang ginawa ko. Tinalikuran na ko nito at muling nakipag-usap kay kuya.

"How much?" nakita kong kinuha ni Sir Van 'yong wallet niya sa back pocket niya.

"It's fine. It's on me."

"What? No, we have budget for this."

"Budget my ass," napatitig ako sa sinabi kuya rito. Naramdaman ata niya 'yong titig ko sa kanya kaya napatingin 'to sa'kin. Tumikhim 'to bago muling nagsalita, "I know you've been over the budget just for the jersey alone. And all those other expenses came from your own pocket. Just now, you brought out your own wallet to pay me up."

Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi ni kuya. Seryoso ba 'to? Naglalabas ng sariling pera si Sir Van?

"What?" halatang gulat din si Sir Czam sa sinabi ni kuya. "I didn't know that."

Akmang lalapit 'to kay Sir Van pero natigilan nang itaas nito ang isang kamay niya. Kinuha nito ang phone niya sa may table niya at sinagot 'to.

"Hello? Alright, I'll be there," pagkababa nito nang tawag ay tinapik lang nito sa balikat si Sir Czam bago lumabas.

Hindi ko alam na ganito pala ka-dedicated si Sir Van, na umabot pa talaga siya sa puntong nagpapaluwal na siya para lang dito.





Napatitig ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Siya ang dahilan kung bakit lumabas si Sir Van, at ngayon, nakatayo silang dalawa sa may harapan ko.

"Make it as simple and natural as possible, especially the makeup. She's a simple person."

Simple person? Sino? At sino rin ba ang babaeng 'to?

"You seem to know her that much."

Bahagya akong napakunot sa sinabi nito. Sino ba talaga ang pinag-uusapan nila? Para naman akong nabato nang biglang pisilin ni Sir Van ang pisngi nito. Ganoon ba sila ka-close para pisilin niya 'yon?

"I'll leave her to you," iyon lang ang huli kong narinig bago 'to umalis sa harapan namin.

"Hi!" napatitig ako sa babaeng 'to na ngiting ngiting nakatayo sa harapan ko. Ni hindi ko namalayang nakalapit na pala 'to sa'kin. "I'm Gee, and I'll help you with your hair and makeup."

Inilahad nito ang kanang kamay niya sa'kin na siya naman inabot ko. "I'm Lhia, nice to meet you."

"Oh? Is it Lhia? I thought it's Iya? Did I mishear it?"

"Ah, my real name is Lana Iya but you can just call me Lhia."

"Oh, I see. Van keeps on calling you Iya so I just go with that name. Is it fine to call you Iya?"

"No!" napansin kong natigilan 'to dahil sa bahagyang pagtaas nang boses ko. Tumikhim ako bago ako bumawi sa sinabi ko. "I mean, Lhia is fine."

Ngumiti 'to sa'kin na para bang may kahulugan. "Okay, I understand. Shall we start now?" tumango ako rito.

Lumipat kami sa may table ni Sir Czam para mas mataas ang upuan. Inilatag niya ang mga gamit niya sa may table nito. Matapos niyang mag-try ng ilang shade sa may wrist ko ay nasimula na 'to sa makeup ko. Hindi ko alam kung gaano niya 'to katagal inayos. Ni hindi ko nga rin alam kung ano itsura ko dahil wala namang salamin.

"Done. Okay, uh, before we do your hair can you change into your jersey first? It'll be hard to change later once I finished your hair. I should actually ask you to change first earlier."

Halos pabulong na 'yong huli niyang sinabi kaya hindi ko na malinaw na narinig. Pero naiintindihan ko naman ang gusto nitong sabihin kaya nag-paalam muna ko rito. Kinuha ko 'yong bag ko sa may couch at lumabas papunta sa may banyo.

Habang naglalakad napansin kong napapatingin sa'kin 'yong mga nakakasalubong ko. Hindi ko naman naiwasang mailang. Sobrang kapal ba ng makeup? Ayoko pa man din nang makapal na makeup. Binilisan ko na lang ang lakad ko at pagpasok ko sa may banyo agad akong napatingin sa salaming bubungad sa'yo pagpasok.

Napatitig ako sa sarili ko. Hindi naman makapal 'yong makeup. Simple lang siya at kahit wala akong masyadong alam sa ganito, masasabi ko namang bumagay sa'kin. Hindi naman ako naasiwa sa itsura.

Bakit kaya ako pinagtitinginan kanina? O akala ko lang 'yon?

Napailing na lang ako sa sarili ko bago ko pumasok sa isang cubicle para magpalit ng pang-itaas. Mamaya na lang ako magpapalit ng short kasi matrabaho pa 'yon, magtatanggal pa ko sapatos.

Agad akong lumabas pagkapalit ko. Mas lalo kong naramdaman ang titig ng mga nakakasalubong ko. Hindi ko na lang sila pinansin at tsaka ko dumiretso sa office nila Sir.

Pagkabalik ko, agad na ring sinimulan ni Gee 'yong pag-aayos sa buhok ko. Hindi naman sobrang nagtagal sa pag-aayos dito. Matapos akong itirintas nito, kinulot nito ang ilang hibla ng buhok ko.

"Close your eyes," ginawa ko ang sinabi nito at naramdaman ko ang pag-spray nito sa buhok ko. "Done."

Isang malaking ngiti ang binigay nito sa'kin. Gusto kong makita kung ano bang itsura ko. Para namang nabasa nito ang iniisip ko at may inilabas itong isang foldable mirror.

"Wow," mahinang sabi ko pagkakita ko sa ayos ko.

"Since it's a parade, this is more appropriate, so you won't be too hot while walking."

"Lhia," napatingin ako rito nang tawagin nito ang pangalan ko. Kasunod kong narinig ang tunog nang camera mula sa cellphone nito.

"Kinuhanan mo ko?" hindi ko na napigilang mag-tagalog.

"Yes! Of course! Van will surely love this."

Medyo nagulat pa ko kasi naintindihan niya ko. Dahil kanina pa siyang nag-e-english akala ko hindi siya marunong mag-tagalog.

"Wait, Sir Van?" bigla kong tanong nang ma-proseso ko ang sinabi nito.

Hindi 'to sumagot at nginitian lang ako. Ayan na naman siya sa makahulugan niyang ngiti. Sabay kaming napatingin nang bumukas ang pintuan. Rinig na rinig kasi ang pagbukas nito.

"Van! We're done."

Napatingin sa'min si Sir Van na kakapasok lang. Ngayon ko lang napagtanto na wala pala siya kanina rito. Napatitig ako sa mga mata nito at ganito rin 'to sa'kin.

"Pretty, isn't she?" narinig kong sabi ni Gee.

Dahan dahang bumaba sa may sahig ang tingin ni Sir Van. Agad din naman 'tong nag-angat ng tingin pero halatang hindi na sa'kin 'to nakatingin.

"Thanks, Gee," pagkasabi no'n ay tuluyan na 'tong pumasok sa loob at dumiretso sa may table niya.

Para naman akong nakaramdamn ng kirot. Ha. Nakakatawa naman ako. Ano ba ang inaaasahan kong reaksyon mula sa kanya? Napahugot ako ng isang malalim na hininga bago tumayo. Iniabot ko kay Gee ang salaming hawak ko.

"Thank you, Gee. I'll just change into my jersey shorts."

Kinuha ko ang short ko sa bag pati na rin ang cellphone ko. Kanina ko pa kasi naririnig ang pag-vibrate nila. Hindi ko alam kung saan nagpunta si kuya at Sir Czam kaya diretso labas na lang ako.

Pagkapalit ko ng pang-baba ko, binuksan ko ang cellphone ko. Bubuksan ko pa lang sana 'yong mga messages ko nang biglang may tumawag. Si Ian.

"Hello?" agad na sagot ko rito.

[Lhia. Finally! Kanina pa kita tinetext. Hindi ka nag-rereply.]

"Sorry, inaayusan kasi ko kanina."

[Ha? Inayusan?]

Saglit akong natigilan. Hindi ko nga pala nabanggit dito na mag-mu-muse ako. "Nandito ka na ba? Nasaan ka?" pag-iiba ko sa usapan.

[Ah. Akala ko hindi mo na itatanong. Akala ko i-indian-in mo na naman ako.]

"Hoy, ano ka? Sinabi ko sa'yo na wala ako sa university ng Monday to Thursday at Friday lang ako makakapunta pero sige ka pa rin. Tumuloy ka pa rin."

[Oo na, oo na. Sayang lang kasi hindi mo ko napasyal no'ng founder's week. Dami pa man ding booth.]

"Mayroon pa rin naman ngayon. Puro pa nga taga-COEd. So, ano? Saan ka?"

[Nasa lobby ako ng building niyo. Dito sa ground floor.]

"Hintayin mo ko d'yan. Papunta na ko."

Mabilis akong naglakad papunta sa kung nasaan 'to. Agad ko 'tong nakita nang makarating ako sa may lobby. Balot na balot naman kasi, naka-hoodie pa siya.

"Ian," pagtawag ko nang makalapit ako rito. Humarap 'to sa'kin at halatang natigilan 'to. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" hindi maipinta ang mukha nito.

Napairap na lang ako sa tanong at sa itsura nito. "Muse ako," simpleng sagot ko rito.

"Muse?" halatang nalilitong tanong nito. Ipinaliwanag ko rito 'yong tungkol sa exhibition game at sa pagiging muse ko.

Matapos nitong marinig ang paliwanag ko muli ako nitong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Ano na naman?" naiiritang tanong ko rito.

"Bagay sa'yo," tinignan ako nito at tsaka 'to ngumiti.

"Ha..." ngumiti rin ako sa sinabi nito.

"Lana..." sabay kaming napatingin ni Ian sa tumawag sa'kin. Si kuya Jarvis kasama si Sir Czam. "Oh? Ian!"

"Kuya Jarvis!" pinagtama nila ang mga kamao nila bilang pagbati sa isa't isa.

"Oh? Sino siya?" nagtatakang tanong ni Sir Czam.

"Childhood friend ni Lana. Kaisa isang lalaking dinadala niya sa bahay."

"Kuya!" pagsuway na tawag ko rito, kung ano ano sinasabi nito.

"DJ Nel?!" napatingin kaming tatlo kay Ian.

"Ah, you know me?"

"Yes! Of course! Wait, why are you here?"

"Ah, I'm a professor here."

"Professor?" ibinaling ni Ian ang tingin niya sa'kin. "At wala ka man lang sinabi?"

Bigla akong napaiwas tingin dito. "Ha.ha.ha." Isang alanganing tawa ang isinagot ko rito. Nakalimutan kong ikwento.

"Okay. Okay. I don't really understand what's going on but we should head back to the office. It's almost time. Ian, we'll see you later, okay?"

"Ah, okay, sige. Kuya."

"Bye," kumaway si Sir Czam kay Ian bago sila nagsimulang maglakad papalayo ni kuya.

"Mauna na ko, ha?" pag-papaalam ko kay Ian.

Bago pa ko makahakbang palayo inakbayan na ko nito. "Ang dami mong utang na kwento."

"Ang tagal mo kasing nawala," hinawi ko ang kamay nito at nginisian. Nailing na lang 'to sa'kin habang ako naman, tuluyan nang naglakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 108 22
ALL IN | In which, stray kids debuts with 9 members. Mi-sun, Bang Chan, Lee know, Changbin, Hyunjin, Han, Felix, Sungmin, I.N " You make stray kid...
7.4K 263 11
ON-GOING "I'm sorry being your stupid secret ugly wife.Your my one great love pagbalibaligtarin man ang mundo,ikaw lang ang lalaking minahal ko,tinii...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
6.8K 302 72
Before her parents pass away they ask her to marry a man.A man that she did'nt know even met.He was a totally stranger for her.It was just a son of h...