Twilight's Empress

By lovablefayee

82.4K 2.3K 136

High School Royalty series #1: MC, leaving everything she had in the past, sets out a new chapter in her lif... More

SYNOPSIS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter
ANNOUNCEMENT

Chapter 18

1.4K 45 5
By lovablefayee

Chapter 18

MC's POV

"So far she's stable now, any time magigising na rin naman siya. Although, makakaramdam siya nang kaunting sakit lang ng katawan dahil sa sobrang dami ng tama at pasa n'ya. She will be needing deep rest."

Lumingon-lingon ako. Nakakarinig ako ng boses na nagsasalita pero hindi ko alam kung kanino ito dahil hindi ko pa ito narinig dati.

Sinubukan kong idilat muli ang mga talukap ng mata ko, hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko ng tuluyan, ibinuka ko ng kaunti ang mga mata ko at may naaninag akong dalawang tao sa harapan ko.

I know for sure that the other guy was Jacob, he's still wearing his uniform, naaninag ko ito. I tried moving my finger at nakailang try pa ako bago ako mag tagumpay.

"J–jacob..." I mumbled his name,

Nanlaki ang kanyang mga mata nang lumingon sa akin. Agad siyang nagtungo kung nasaan ako at naramdaman kong hinawakan n'ya nang mahigpit ang aking mga kamay.

"Thank God you're awake... You're fine now. No one will hurt you." he shushed me.

I felt his hand squeezed my hand and that's when I opened my eyes again at medyo mas naging klaro na ang paligid ko, nakakita ako ng isang doctor dahil may suot siyang white lab gown pa at parang may tsinetsek lang siya.

Napansin ko rin na may nakakabit rin saakin kaya kaagad akong napalingon kay Jacob, bahagya kong itinaas ang kamay ko at itinuro ang mga nakatusok sa akin.

"M–matatanggal n–na ba 'to?" alanganing tanong ko. Hindi ako sanay na may nakakabit sa aking kung ano-ano at ayoko rin ng ganito lalo na kung makakapag-paalala sa akin ang lugar na hospital.

Ayoko lang. Marami akong naalala.

Bahagya naman siyang napangiti saakin. "Uh. Tito, can we remove it now?" Jacob asked. Nagtaka pa ako kung bakit tito ang tawag n'ya sa doktor pero hindi ako nagtanong. Hindi ako komportable sa lagay ko ngayon.

"Yes, I'll just check the vitals first." he answered at may tinignan pa siya at nanatili lang akong tahimik hanggang sa tinanggal na nila ito.

Nag paalam na ang doctor at sinabi niya lang sa akin that I should take more rest dahil baka hindi maging maganda ang effect ng mga suntok sa katawan ko since parang na stretch ang mga muscles ko since this is my first time again na sumabak sa ganung laban.

I tried sitting on my bed. Nakita naman ito ni Jacob kaya kaagad siyang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo.

"Don't hesitate to ask for my assistance MC, tutulungan kita." nakangiting sabi nito.

I nodded and a small smile flashed on my lips. Napadaing ako nang bahagya nang manakit ang hita ko at ang braso ko, pati ata ang sikmura ko ay nananakit rin.

"Do you want something? Food?" he asked.

Napa–iling naman ako. "A-Ayos lang...tubig lang siguro." nahihiyang sabi ko dahil inuutusan ko ang isang miyembro ng Twilight.

"Kukuha lang kita ng tubig." tumayo ito. Makailang hakbang at huminto siya sabay tingin sa akin. "Pwede ko na bang papasukin 'yung iba? Kanina pa nila ako kinukulit." natawa siya nang mahina at tumango naman ako habang nakangiti pa.

Tama nga ang sinabi ni Jacob dahil pagbukas n'ya ng pinto ay para siyang dinumog ng sandamakmak na tao dahil naharangan nito ang pinto. Pumasok silang lahat pero isang tao ang hindi ko nakita, 'yung asungot na Maverick na 'yon. Bakit ko nga rin ba siya hinahanap?

"MC huhuhu!" umakto pang naiiyak si Dominic at saka ako dinaluhan. Naupo ito sa upuan na katabi ng kama ko habang hinawakan ang aking kamay. Ganun rin sina James at Shaun na nakatingin sa akin habang nasa gilid ng kama.

"Nothing serious. K-Kaya ko naman." napadaing ako nang mahina nung sinubukan kong itaas ang kamay ko pero sakit ang sumalubong sa akin.

"You're clearly not okay." Daniel sighed. "You should rest more."

Tumango ako at saka ngumiti. "Oo, ayos na ako. Magpapahinga lang siguro ng kaunti pa dahil sumasakit pa ang katawan ko. Pero ayos na talaga ako, 'wag na kayo mag-alala." lumingon ako kay Dominic nang sabihin ang huling linya. "Kailangan ko rin na maghanda pa ng hapunan n'yo kaya magpapahinga lang ako ng ilang minuto—"

"No, you can't do that, dito ka lang hanggang bukas, someone will deliver your food here." napalingon kaming lahat kay Jacob na sumingit sa sinasabi ko. Napasimangot pa ako nang bahagya dahil ayaw n'ya akong pakilusin.

Dala dala niya ang isang baso ng tubig at saka ibinigay saakin, tinanggap ko ito, akala ko ay ibibigay niya pero tinulungan niya pa akong maka–inom. He placed his other hand on the back of my head at 'yung isa naman ay pinangsalok niya sa bibig ko para sa mga tumutulong tubig.

Nakakahiya man pero wala naman rin akong magawa, he keeps on insisting na tutulungan niya ako kaya wala na rin ako nagawa rito.

Matapos ay sumunod namang dumating sina Nice. Nagulat pa ako nang makita sila pero sinabi nila na pinayagan naman daw sila ni John na bisitahin ako.

"Are you really fine? I can help you catch those guys! Alam kong mapaparusahan sila sa ginawa nila sa 'yo!" Nice firmly stated.

Umiling-iling naman ako. "'Wag na siguro. Alam ko na mali at hindi maganda ang nangyari peroo ayoko na ring lumala pa ang sitwasyon."

"Well...too late?" Amara said. Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya at nagtataka siyang tinignan. "Uhm...Maverick, John and Samuel already dealt with it?" hindi siguradong sabi n'ya. "Well, those are just rumors! Pero kanina kasi kinuha pa ni Maverick ang atensyon ng pitong lalaki, nag-announce pa siya sa broadcasting center ng school."

Napapikit naman ako. Hindi ko naman intensyon na mangyari 'yon at siguro hindi rin nila intensyon. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa 'yon pero naalala ko ang mga katagang sinabi nila sa akin.

"Anong gusto n'yo?"

"You.." sagot ng isa.

"Lady told us na isa kang harang sakaniya at ang lahat ng kumakalaban sa kanya ay dapat ng mawala sa mundong 'to." the guy number two stated — she named it as one, two, three and four since she doesn't know their names.

Lady...

"Someone told them to do it." mahinang sabi ko nang mapagtanto ang nangyari.

Kung sino man ang Lady na tinutukoy nila ay gusto ako nitong tapusin. Gusto nito akong mawala dito sa One High dahil ayaw n'ya sa akin o kaya ay may galit siya sa akin.

Kahit na anong isip ang gawin ko... isang babae lang ang pumapasok sa utak ko na pwedeng gumawa sa akin nito.

"Agatha." I whispered.

~~

"You need a deep rest, that's what my uncle told me earlier."

Tumango ako kay Jacob. "Narinig ko nga. So Tito mo talaga siya?"

"Yep. He's also our family doctor. Sinabi n'ya sa akin na huwag kitang hahayaang kumilos muna kagaya ng dati dahil baka mabigla ang katawan mo—"

"Wala naman akong naalalang may sinabing ganyan ang tito mo." natatawang anang ko.

Kinamot n'ya ang kanyang batok. "Just rest, okay? I don't want to get worried again. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ulit kitang ganun ang kalagayan." he sighed. "You don't know how worried I was, MC."

"Opo, opo." I chuckled. "Pero seryoso, kaya ko naman na."

"Opo tapos matigas pa rin ang ulo?" tumawa kami pareho. "Just use your phone when you need something. Nasa baba lang ako. I can't make porridge but I'll ask for assistance to make one for you. Hintayin mo ako."

"Alam mo. Hindi mo naman kailangan gawin 'yan. Kaya kong lutuan sarili ko. Seriously Jacob, kaya ko na."

"Let me do this, hmm?" he gently caressed my hand. "Ngayon lang naman, bumawi ka na lang kapag gumaling ka na ng husto."

Inayos n'ya ang unan sa likod ko. Sabi ko nga ay kaya ko na pero ang loko ayaw makinig. Pinilit n'yang siya ang mag-aasikaso sa akin kaya sa huli ay wala na akong nagawa. Habang inaayos ang unan ay bahagya siyang napahinto nang makatapat ang mukha naming dalawa. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatitig sa mga mata n'yang kulay tsokolate pababa sa ilong.

"Uhm..." awkward na sabi ko.

Narinig ko naman ang pag-ayos n'ya ng lalamunan at saka mabilis na lumayo sa akin. Ganun rin ako at nagpanggap na inaayos ang kumot na nakapatong sa akin. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi ko dahil sa awkwardness na bumabalot sa amin ngayon.

"L-Lalabas na ako. Don't forget to call me when you need something, hmm? Nandyan lang naman ako," he quickly said before rushing out of the room.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko pa si Maverick na nasa tapat ng pintuan ko. Mukhang may pinag-usapan silang dalawa pero hindi ko 'yon rinig. Nakatingin lang ako sa gawi nila hanggang sa tuluyang umalis si Jacob at naiwan si Maverick. Nakabukas ang pintuan kaya kita ko pa rin siya.

Lumingon siya sa gawi ko at nang magtama ang tingin namin ay panandalian ko siyang pinanliitan ng mata. But what stunned me was that he smiled. He freaking smiled at me before closing the door.

~~

Makalipas ang ilan pang minuto na nakahiga lang ako rito sa kama ay nakaramdam na ako ng pagkabagot, unang una mag–isa lang ako dito, hindi na rin naman na gaanong masakit ang katawan ko at sa tingin ko naman ay ayos na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko tinignan kung may nag message ba saakin.

Duon ko nakita ang napakaraming text sakin ng mga kaibigan ko, lahat sila ay maraming sinasabi pero inuna ko muna ang kay Nice.

Nice: @MC bestfriend, do not stress yourself too much. Those guys who did that to you were already being punished so don't worry!

Amara: That's true! Twilight's already dealing with them. Those guys can be scary asf!

Snow: But they're hot too, right?

Amara: Tumpak!

Nice: How was Cameron, btw? @Celine

MC: May nangyari kay Cameron?

Kunot noo kong tinanong iyon. Bigla kong naalala ang kapatid ni Celine na sumugod din kanina para sa tulungan ako pero halata naman na hindi ito marunong makipaglaban. Hindi ko na rin natuon ang pansin ko kanina sa kanya dahil sa dami ng sumusugod sa akin na parang hindi sila napapagod at sumusuko na kalabanin ako.

Celine: He really doesn't want others to know but he's doing fine. Nagpapagaling na siya.

MC: Nasan siya ngayon?

Celine: Clinic,

MC: Sorry... alam kong hindi ko naman sinabihan si Cameron na makipaglaban but still it's partly my fault. Sorry na nangyari 'yun kay Cameron.

Celine: Hey @MC don't worry about it! No one's at fault! I mean, meron dahil ang may kasalanan ay yung mga lalaking nanakit sa inyong dalawa. So don't worry hmm? Hindi rin naman malala ang mga sugat ng kapatid ko. Malaki na yun sus.

Pagkasend nun ni Celine ay kaagad akong tumayo, nakaramdam pa ako ng kaunting hilo dahil sa pagkabigla kong tumayo pero kaagad rin naman akong nakabawi at sinuot ko na ang sapatos ko.

Napalingon pa ako sa salamin. Kitang kita ko pa ang mga cut sa mukha ko lalo na sa may gilid ng labi na parang fresh pa dahil mamula-mula pa ito. Napailing ako at bahagyang hinawakan ngunit sakit at kirot ang naramdaman ko kaya napadaing ako nang mahina. May nakita akong gel na nasa lamesa, ointment ata 'to na ipapahid sa sugat kaya mabilis kong nilagyan ang labi ko. Inayos ko lang ang buhok ko bago lumabas ng pinto.

"Where do you think you're going?" huminto ako. Hinarap ko si Maverick at pinan-ikutan siya ng mata.

"Wala ka na dun. Pupunta ako sa kung saan ko gusto."

"The last time you did that, ganyan ang nangyari sa 'yo." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Do you still believe that it's not my business? You know what, MC. I can't always fix your mess like I did. Can't you control yourself?"

"It was... self defense." depensa ko. "Inatake ako! Alangan namang hindi ko ilaban ang sarili ko?"

Bumuntong hininga siya. "Just as I thought you'd say." he crossed his arms around his chest. "Go on, pumunta ka sa kung saan mo gustong pumunta."

Dapat matuwa ako. Dapat tumatakbo na ako papunta sa clinic kung nasaan si Cameron ngayon pero hindi ko magawa. Tinitignan ko pa nang nagtataka si Maverick kung seryoso na ba siya sa sinasabi n'ya. Parang hindi naman kasi kapani-paniwala! Kanina lang ay pinipigilan n'ya ako tapos ngayon ay pinapayagan na n'ya ako agad? 'Yun... na 'yon?

"Go on." ulit n'ya.

Tinignan ko siya sa huling pagkakataon at saka tumalikod na walang sinasabi. Lumabas ako ng dorm at nagsimulang maglakad.

Alam n'yo 'yung feeling na parang naglalakad ka sa madilim na eskinita tapos ramdam mong may nakasunod sa 'yo? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Kaya naman mabilis pa sa isang segundo akong lumingon sa likod at naabutan ko si Maverick na nasa likod ko habang nakapamulsa.

"Anong ginagawa mo?"

"Sinusundan ka, obviously. Can't you tell?"

"Alam ko!" inis na untal ko. "Ang ibig kong sabihin bakit mo ako sinusundan—"

"To ensure your safety." putol n'ya. "Do you really think mapapanatag ang loob ko kapag hinayaan na naman kita na umalis nang hindi ko alam kung nasan ka?"

"W-Why do you care?" Why am I stuttering?! Nabigla lang ako sa sinabi n'ya. Hindi ko inaasahan na 'yun ang isasagot n'ya sa akin. Akala ko ay panlalait ito pero hindi. Kabaligtaran ang nangyari.

"Just because." bumuga ito ng hangin. "Go on, walk. Act as if I'm not here. Dito lang ako, babantayan ka."

Sa hindi malamang gagawin, sinunod ko na lang siya. Naiilang na ako dahil alam kong nakasunod siya ngayon pero ginawa ko na lang ang una kong plano, ang magpunta ng clinic.

"Si Cameron po?" tanong ko sa nurse at kaagad naman siyang nag lakad patungo sa isang cubicle.

Hinawi niya ang kurtina at nakita ko nga si Cameron na nakahiga sa kama at nakapikit ang kanyang mga mata, bahagya akong naupo sa tabi niya.

"Salamat." bati ko sa nurse at sinara na ulit niya ang kurtina,

Bahagya kong tinapik si Cameron, "Gising na, wala na 'yung nurse." natatawang sambit ko sa kanya, nakita ko kasi kung paano siya pumikit nung hinawi ng nurse 'yung kurtina kanina. Siguro nakita rin ng huli pero wala na lang siyang sinabi.

Dinilat naman niya ang isa niyang mata at inilibot ang kanyang tingin, napatingin rin siya sa akin at bahagyang napangiti. Dinilat na niya ang dalawa niyang mata at saka siya naupo.

"Kamusta ka na?" he asked.

Natawa ako ng bahagya. "Heto, buhay pa naman. Pero hindi ba ako dapat ang mag tanong sa 'yo niyan?" I asked him back at napakunot naman ang noo niya.

"Huh? Ayos na ayos na nga ako e." biro niya.

I pointed his face before fishing my phone on my pocket at in–open ang camera, tinapat ko ito sa mukha niya at duon niya nakita ang mukha niyang punong puno ng pasa at may band aid pa siya sa may bandang pisngi.

"Ah 'yan... wala 'yan gwapo pa rin naman ako." natatawa niyang sabi kaya natawa nalang rin ako sa kanya.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yun? Obvious naman sa 'yo na hindi ka marunong makipag laban dahil nung sinuntok mo 'yung lalaki, humawak ka kaagad sa kamao mo." I joked and he began to scratched his nape.

"Wala naman, outnumbered ka kasi e, baka sakaling kailangan ng ano..." he lick his lips. "Distraction?" natawa kami pareho.

Siguro nahiya na rin siyang tawagin ang sariling niya bilang kakampi dahil hindi naman talaga siya nakatulong ng malaki. Pero kung hindi rin dahil sa kanya ay baka mas malala pa ang naging sitwasyon ko dahil sa akin nakatuon ang pansin ng pitong lalaki kanina. Nung dumating si Cameron ay nabawasan at nawala ang atensyon ng mga lalaki sa akin kaya ako nakaganti sa kanila. Tama siya, distraction nga ang tawag sa ginawa niya.

"Thank you, baka kung hindi mo sinuntok ang lalaking 'yon nasakal na nila ako." I told him, expressing the gratitude. "But still, hindi mo naman na kailangang gawin 'yon because I can handle them." dagdag ko.

"Nadungisan pa tuloy 'yang gwapo mong mukha." natatawa kong sambit at itinuro pa ang mukha niya.

"Ehem..." sabay kaming lumingon sa umubo at nakita si Maverick na nakasandal sa may pintuan habang nakahawi ang kurtina. "You call that face handsome?"

"And you call yours as one?" ganti ko.

He rolled his eyes. How dare he?! Ako lang ang pwedeng mag-ikot ng mata dito!

"Totoo naman... Maverick's more handsome than me—"

"Nope, para sa mata ko, mas gwapo ka sa kanya." nakangiting sabi ko. That's partly true, partly for teasing Maverick. No one's more handsome than who, both of them are handsome at hindi na dapat pinagkukumpetisyonan ang mga ganung bagay. I just want to tease Maverick.

Para kasing batang nagmamaktol! Ano bang akala n'ya? Kakampi ako sa kanya at tatango na parang sumasang-ayon sa sinabi niya? No way. I would love to tease him once in a while.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ni Cameron nang hindi pinapansin si Maverick na nakabantay pa rin. Kita ko pa ngang parang bored na siya pero hindi ko na 'yun pinansin, sino ba kasi nagsabing bantayan at sundan n'ya ako? Wala naman!

"May we head back now?" singit n'ya sa usapan namin. "Pabalik na ang boyfriend mong si Jacob dala dala ang lugaw mo." he stated and that made my eyes widen.

"First of all, hindi ko boyfriend si Jacob, second, right tama ka, halika na." tuloy tuloy na sabi ko. Tumingin ako sa nakababatang kapatid ni Celine. "Mauuna na kami ha?" paalam ko na ikinatango n'ya at saka kami umalis.

~~

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa dorm. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanya dahil tuwing nag-uusap kami ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magbangayan at mag-away. Parang hindi pa nga ata kami nagkakaroon ng matinong usapan eh.

"Gusto mo ba si Jacob?" huminto ako nang marinig ang tanong n'ya.

"Anong klaseng tanong 'yan?" natatawang untal ko.

Sinubukan kong iwasan ang tanong dahil bakit naman n'ya kailangan tanungin 'yun?! Hindi naman sa ayokong sagutin pero dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Why can't you answer a simple question?" he asked back. I sighed. "Okay, let me rephrase that. May chance ba na magustuhan mo siya?"

"Bakit ka curious?" I teased him. Sinubukan ko na lang asarin siya para ibahin ang usapan pero mukhang desedido siyang malaman dahil hindi n'ya sinakyan ang pang-aasar ko. "Oo naman."

"Really?" tumango ako muli. "Why?"

"Ano 'yan? Miss universe question?!" natatawang anang ko. "Bakit naman hindi? Maalagain naman siya, mabait, magalang, may respeto, manners at matalino. So bakit hindi? Hindi rin naman mahirap magustuhan si Jacob, he's really charming. Pero..."

"Pero?"

"Hindi ko alam! Ayoko pa isipin 'yon kasi pakiramdam ko mawawalan ako ng best friend kapag lumagpas ako sa linya na 'yun. He's a great friend, ayoko naman sayangin 'yon kung sakali kasi imposible naman na magustuhan n'ya ako pabalik! Ah basta, hindi ko siya gusto, may chance lang."

Napakagat ako ng labi ko. I don't know what's gotten into me that I answered his question honestly. Siguro dahil para na rin sagutin ang mga sariling tanong ko. Alam kong hindi malabong magustuhan ko ang binata pero ayoko, hindi pwede. Mas gusto kong maging kaibigan lang kami dahil napakabuti n'yang kaibigan. Malayong malayo at malabong malabo ang tiyansa na magugustuhan n'ya ako pabalik kung sakali.

Saka, ayoko na rin mawalan ng isa pang mabuting kaibigan.

"Eh ako? May chance ba na magustuhan mo?" natigil ako sa paglalakad.

Tiningnan ko siya para sana kumpirmahin kung seryoso o nagbibiro lang siya sa tinanong n'ya pero makalipas ang ilang segundo ay tumawa ako. "Seryoso ka ba?" iiling iling na tanong ko pabalik.

"Bakit hindi mo sagutin?"

"Bakit ko sasagutin?" sagot ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at hindi na siya pinansin na nakasunod pa rin sa akin. Natatawa pa rin ako tuwing maalala ang mukha n'ya nung tinanong n'ya 'yun. Mukha siyang batang nag-aantay na sumagot ang nanay n'ya!

"Argh..." daing ko. Biglang sumakit ang ulo ko habang naglalakad kami dahilan para mapahinto ako.

Napahawak ako sa may parteng sentido ko at naramdaman ko agad ang mga brasong dumalo sa akin.

"What happened? Masakit ang ulo mo?" dahan-dahan akong tumango. "Let me carry you, mas mabilis tayo makakarating ng dorm."

Dahil na rin siguro sa sobrang sakit ng ulo ay hindi na ako nakatanggi. Naramdaman ko na lang na umangat ako at buhat buhat na ako ni Maverick.

"A-Ang sakit..." daing ko na naman.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin naalis ang sakit. Pinikit ko na ang mga mata ko dahil hindi ko kayang dumilat, umiikot ang buong mundo ko at pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.

"Here, uminom ka muna." dahan-dahan kong iminulat ang mata at nakita ang baso ng tubig.

Mabibigat na hiningang tinanggap ko ito at inalalayan pa ni Maverick ang baso at pinainom ako. "Okay na?" tanong n'ya at tumango ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko naman ay ayos na ako pero bigla ko na lang naramdaman ang sakit na 'yun kanina. Nakakahiya nga at kailangan pang makita ni Maverick 'yun. Hindi ako sanay na may nakakakita sa aking mahina dahil parang hinahayaan ko na rin silang makita ang kahinaan ko.

Ano bang problema sa akin?

I shook my head, nakakaramdam na rin ako ng panlalamig, ang lakas naman ata ng aircon... napasinghap nalang ako at nararamdaman kong nangangati ang ulo ko. I scratched it at kaagad na iniwas ang mukha ko nang mahatsing ako.

Matapos sumakit ng ulo ko ay nagtungo ako sa kwarto, sa utos rin ni Maverick. Mas naging istrikto siya ngayon. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi dahil sa inaakto n'ya. To be honest, I didn't expect him to act like this but here he is, nasa tabi ko at parang pulis na ayaw iwanan ang suspect na binabantayan n'ya dahil baka tumakas.

"Paano ako makakatulog kung tinititigan mo ako?" mahinang sabi ko.

"Sino nagsabing tinititigan kita?"

"Ramdam ko."

I heard him scoffed. "Feeling mo. I am not staring at you. I was just looking to see if you're okay."

"Okay na ako, tignan mo," anang ko at saka ngumiti. "See? Ayos na talaga ako, nakapaglakad na nga ako kanina. Pwede ka na umalis."

"Why do I feel like my presence is making you uncomfortable?" mabilis na untal n'ya na nakapag patahimik sa akin. "Sorry, I was supposed to say it on my mind."

"Yeah, tama ka nga." natatawang sabi ko. "Medyo hindi nga ako kumportable. Hindi naman sa masamang way pero kasi siguro first time natin na hindi magbangayan... well, nagbabangayan pa rin tayo—"

"Why don't we start talking about personal stuffs? Would that change the mood between us?"

Idinilat ko ang mga mata ko at saka umupo sa kama habang nakasandal sa headboard. Tumingin ako sa kanya at saka pumayag sa suhestiyon n'ya.

"You have a sister?" he asked. "Or a brother?"

"Wala, only child." I shrugged. "Ikaw?"

"I have one. Little brother."

"Hala, ilang taon?"

"He's ten years old." sagot niya sabay ngiti. "Kulit ng batang 'yon."

"Hindi ko na-imagine na magiging kuya ka. Akala ko nga bunso ka eh!" manghang anang ko. Base sa mga kinikilos ni Maverick akala ko ay may kuya siya o kaya ay ate kagaya ni Jacob, pero hindi, siya pala ang kuya.

"Why? Do I like someone who liked to be babied?"

Inirap ko ang mga mata ko. Hindi na rin ako nagugulat sa mga biglaang harot na banat niya. Ganun nga lang ata talaga siya dahil ilang beses na rin niya 'yang ginagawa.

"How about your parents? You're father's a tricycle driver, right?" tumango ako. "How about your mother? Haven't heard anything about her."

I pursed my lips. Napayuko at matapos ang ilang segundo ay saka ako tumingin sa kanya at ngumiti. "'Yung mga magulang mo pala? Anong business nila? Kagaya rin ba kina Nice?" pag-iiba ko ng usapan dahil hindi pa ako handa na sabihin sa iba ang totoong nangyari.

Mukhang nakuha naman ni Maverick ang gusto kong sabihin kaya sinakyan na niya ito. Sinabi niya na hotel at resort ang business nila at nalaman ko na lang rin na sila pala ang nagmamay-ari ng sikat na seven star hotel sa Manila. Grabe! Bigatin pala ang pamilya nito.

"Exes—" hindi na natuloy ang itatanong ko nang biglang bumukas ang pintuan at binungad nito si Jacob. "Nandito ka na pala." ngumiti ako sa kanya matapos kumaway.

Tumango ito at bahagyang ngumiti. "Ayos ka na ba? May sumakit ba sa 'yo?" he asked and I shook my head.

"Kanina lang sumakit onti ang ulo ko pero ayos na."

"I prepared your porridge. Gusto mo bang dalhin ko na or sasabay ka sa amin?"

"Sabay na lang ako." anang ko at akmang tatayo na sana nang dalawang kamay ang umalalay sa braso ko. Napahinto tuloy ako at saka tiningnan silang dalawa. "A-Ayos na, kaya ko na." alanganing sabi ko dahil mukhang wala silang balak na bitawan ito.

"Are you sure ayos ka lang? Medyo mainit ka." tanong ni Jacob.

I assured him na ayos lang ako. Ayoko na silang mag-alala pa dahil alam kong mabigat na problema na ang ibiniagy ko sa kanila at ayoko nang makaabala pa. Bumaba na lang kami at nakita ko ang ibang miyembro na binati ko ng may ngiti sa labi para hindi na sila mag-alala.

Nagsimula na kaming kumain at hindi ko maiwasan ang mapilitang kumain. Balita ko ay nagpatulong pa si Jacob na magluto nito kay Ate Lory kaya gusto kong kainin. I don't want to waste his efforts kahit na wala akong gana.

"You can leave it if wala kang gana, MC. We can just heat it up tomorrow," umangat ang tingin ko kay Joshua na nagsalita.

Umiling ako agad. "Ayos lang, kaya ko naman."

Makalipas ang ilang minuto ay ramdam ko na naman ang sakit ng ulo. Parang tinutusok ito sa hindi malamang parte at umiikot nang kaunti ang paningin ko. Naka aircon naman pero pakiramdam ko gustong magpawis ng katawan ko. Hindi ko alam, pakiramdam ko nag-aalab ako.

"Aakyat lang ako..." paalam ko sa kanila. "Babalik rin ako agad." umalis na ako sa pagkakaupo at saka nagtungo sa kwarto.

THIRD PERSON's

Habang tahimik na nakain ang lahat ay bigla naman silang may narinig na malakas na kumalabog nanggagaling sa labas.

Napalingon silang lahat rito, ang iba ay nag tatakang nakatingin pero mabilis na tumayo ang dalawang binata kasabay ang iba pa dahil alam nilang nanggaling ang ingay na 'yon sa kwarto ni MC.

Mabilis na tumakbo ang lahat paakyat at hindi na nag dalawang isip sina Maverick na buksan ang pinto. Nang makapasok sila ay kaagad na nanlaki ang mga mata ni Maverick nang makita si MC na nakahandusay sa sahig habang may basag na vase sa tabi nito.

Lumapit siya kaagad, binuhat n'ya ang dalaga at agad na inihiga sa kama.

Nakita niyang bahagyang nanginginig ang katawan ng dalaga kaya agad niya kinuha ang comforter at binalot ang katawan nito. Tumingin siya kay James at saka inutusan itong patayin ang airconditioner.

"Ano pang kailangan mo?" tanong ni Samuel.

"Palanggana na may yelo at tubig..." bilin ni Maverick. "At bimpo." dagdag pa niya. Tumango naman si Samuel at saka sinunod ito.

Lumapit naman si John at saka hinawakan ang noo ni MC. "Kukuha ako ng paracetamol sa clinic." ani niya na sinang-ayunan naman ng lahat.

Para na rin lumuwag ang espasyo ay napagdesisyonan ng iba na lumabas na muna. Hindi rin makabubuti kung magkukumpol-kumpol sila dahil mas mahihirapan huminga kung ganun.

Naiwan sa loob ng kwarto ang tatlong tao. Si Jacob, MC at Maverick.

Pinagmamasdan lang ni Jacob ang kaibigan na inaalagaan at inaayos ang pagkakahiga ng dalaga sa kama. Napayuko ito at mahinang napabuntong hininga sabay lumabas ng kwarto at isinara ang pinto.

lovablefayee

Continue Reading

You'll Also Like

75.7K 2.1K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
107K 5K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
33.3K 2.2K 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
381K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...