Key To Your Heart

Por Rae_Jin

1.6K 190 1

MS. SHY GIRL AND MR. NERD? MS. BRAINY AND MR. HEARTTHROB? MS. MAN HATER AND MR. STICK TO ONE? Does TRUE LOVE... Más

PROLOGUE :)
CHAPTER 1 ;)
CHAPTER 2 :)
CHAPTER 3 :)
CHAPTER 4 :)
CHAPTER 5 :)
CHAPTER 6 :)
CHAPTER 7 :)
CHAPTER 8 :)
CHAPTER 9 :)
CHAPTER 10 :)
CHAPTER 11 :)
CHAPTER 12 :)
CHAPTER 13 :)
CHAPTER 14 :)
CHAPTER 15 :)
CHAPTER 16 :)
CHAPTER 17 :)
CHAPTER 18 :)
CHAPTER 19 :)
CHAPTER 20 :)
CHAPTER 21 :)
CHAPTER 22 :)
CHAPTER 23 :)
CHAPTER 24 :)
CHAPTER 25 :)
CHAPTER 26 :)
CHAPTER 27 :)
CHAPTER 28 :)
CHAPTER 29 :)
CHAPTER 30 :)
CHAPTER 31 :)
CHAPTER 32 :)
CHAPTER 33 :)
CHAPTER 34 :)
CHAPTER 35 :)
CHAPTER 37 :)
CHAPTER 38 :)
CHAPTER 39 :)
CHAPTER 40 :)

CHAPTER 36 :)

34 5 0
Por Rae_Jin

"A boy and a girl can never be just friends forever."
~Shakespeare
---------------------

KATE's POV

Andito kami ngayon sa waiting area ng school. Bakit? Di ko alam pero sinabi nila sa akin este naisip ko naman na kanina kung bakit kami andito. Pero ano nga ba yon? Ah, alam ko na naghihintay nga pala kami ng susunod na klase namin kaya andito kami ngayon sa tambayan namin bakit ba nagsuper malilimutin ako, this past few days. Haiiissstt! Malilimutin na nga ako tapos minsan sasabayan pa ng tibok ng abnormal kong puso.

Pero ang BORING naman wala akong magawa dito. Magpakamatay na lang kaya ako kasi naman napaka-LONER ko, tapos itong dalawang mag-lovebirds pinag-gitnaan pa ako. Ipamukha bang wala TALAGA akong partner tapos sila meron. Tsk, sige sila ng may love life ako ng wala, tanggap ko na

=_= -- Ako
(*^﹏^*) -- Sila

"Pwede ba wag niyo akong pag-gitnaan. Ano ako puso niyo, huh?" Inis na inis na reklamo ko sa kanilang apat.

"Kasi naman why don't you try to open up your heart, para magmahal ulit." Panenermon na naman sa akin ni Angelica. Sige siya ng expertsa love siya na talaga. Tapos ako na yong LONER, tsaka walang lovelife.

"Ayaw ko masasaktan lang ako. Nakakadala na.." Sagot ko kay Angelica.

=_= -- Ako

Tsk, pinagkaisahan na naman ako nitong dalawa kong kaibigan. Kung makapagsalita naman itong dalawang ito akala mo naman napaka-expert na sa love. Kung hindi naman sa bright idea ko dati di naman magkakatuluyan sina Jessy at Micheal, tapos kung di ko naman na meet si Migs di naman sila magkakakilala yong dalawa ni Angelica at Jerome. Ano naman yon? Wala na ba akong justice dito sa story na ito. Hanggang sa huli ako na lang ang laging ganito? Bawian na lang po kaya para fair. Huhuhu.

Dahil sa naglalakbay na naman ang kaluluwa ko sa ibang dimensyon at napunta na naman sa outer space at nakipag meet pa kay Kokey sa planetang Yekok, bumalik lang ang kaluluwa ko ng may magsalita sa tabi ko kaya syempre automatic napatingin ako sa kanya. At isang nakangiting mukha lang ni Doraemon este ni kambal ang nakita ko.

"What's with the face?"

"Jason?" -- Ako

"Ahm.. di na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just want to invite you for lunch.." Napatingin lang ako sa kanya from forehead to lips. Ngek? Hmm.. pero invite daw? So, ibig sabihin libre diba? Libre ang kain, wala akong gastos. Pero baka mamaya kanya-kanya palang bayad eh, ayako nga sayang sa baon.

"My treat.." -- Jason

"Okay.." Agad-agad pumayag na ako. Libre daw eh. Hahaha. Wala akong gagastusin sa lunch mamaya.

"Okay. Puntahan na lang kita sa room niyo mamaya." Nagpaalam na sa amin si Jason ng ma-settle na namin kung saan kami kakain mamaya. Nagwave siya sa akin nung oaalis na siya. Ang saya-saya ko naman libre ako ng lunch mamaya. Yes! Wala akong gastos.  Napangiti naman ako dun — pero hindi dahil sa inaya niya akong kumain sa labas, kundi sa libre niya ako mamaya. Ano kayang kakainin ko mamaya? Dapat  lubusin ko na para di ako lugi sa libre diba? Sorry PG lang po ako.

"Napapaano ka?" Napatigil ako sa pagde-day dream ko ng kakainin kong spaghetti tapos may kasamang chicken tapos may sundae dahil sa may narinig akong boses na nagpabilis na naman sa abnormal kong heart.

"Kasi may DATE siya mamaya. Hehehe." Di pa man ako nakakasagot eh, nakasagot na si Angelica. Kasi siya ang tinanong eh, kaya siya ang sumagot *sarcastic tone here*.

"Kanino naman?" Balik tanong ni Migs sa kanila pero sa akin parin siya nakatingin.

"Sa pinsan ko." -- Jessy

(⊙o⊙) -- Migs
=_=  -- Ako

"Eh, anong problema mo?" Tanong ko kay Migs na nakasimangot pa at ang itsura parang di matae. Tapos kung makapagreact wagas di naman kami.

"Wala naman.."

"Yon naman pala eh, bakit OA mag-react?" Inis na sagot ko kay Migs. Ano na naman kaya ang problema nitong Pangit na ito ngayon? Bago umalis si Migs ay may binigay siya sa aking note. Pagkabigay niya sa akin eh, umalis na rin siya agad-agad ng walang sabi-sabi.

"Ano girl carry mo pa?" Pang-aasar na tanong sa akin ni Jessy.

"Haaayy. Naku! Jessy tigilan mo na ang kakatanong dyan. Bobo kasi ang kausap mo." Sarcastic na sagot ni Ghec kay Jessy. Pagkatapos nun umalis na sila ni Angelica. Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad sila paalis sa waiting area.

Huh? Ano daw? Tiningnan lang ako ni Jerome ng apologetic-look. Ang slow ko naman ngayon, na saan na naman ba ang utak ko? Tsaka ano na naman bang problema nung mga yon? Kanina LONER ako - ngayon LONER parin ako. Tapos iniwan pa nila ako dito. Paalis na sana ako kaya lang may lumapit sa akin at binati ako, since mabait ako binati ko din siya.

"Hi, Asan mga kasama mo? Bakit nag-iisa ka ata ngayon?" -- Unknown Girl

"Ah, nasa room na ata sila. Ahmm., magkakilala ba tayo?" Awkward na tanong ko kay Unknown Girl, na feeling close sa akin.

"Hindi. Hehehe. Ako nga pala si M.." But someone out there cut her words.

"MHACON!"

|Pronounciation: Maa-con|

Huh?Mhacon? Wait.. diba pang lalaki yong pangalan? Eh, baka naman hindi siya yong tinatawag. Pero unique ang pangalan ah. Nice naman ng name kung sakaling siya nga yong tinatawag.

"BAKIT?!" Sigaw naman ni Unknown Girl na kausap ko kanina. So siya nga talaga yong Mhacon. Wew! Ang weird ng pangalan niya. May lumapit ding isang girl sa aming upuan. Yong sumigaw ata sa kanya - I think kaibigan niya 'to at sure na sure na ako dun.

Umupo siya sa tabi namin at nagpakilala siya sa akin. Ang lakas nga ata ng trip nilang dalawa eh, feeling close talaga sila sa akin. Tapos kung makapag-tanong ayon parang close friends kami. Pero nakikita ko yong side ko sa kanilang dalawa. Parang kami lang tatlo, kaso ang pinagkaiba lang eh, dadalwa lang sila.

"Alam mo, buksan mo lang yang mga mata mo at yang puso mo makikita mo na kaagad yong taong nagmamahal ng tapat sa iyo. Wag mo ng pahirapan pa yang self mo 'teh, sa pagiging stone heart mo - sige ka baka maunahan ka pa ng iba. The one that holding the key to your heart is just standing right beside you all the time di mo lang napapansin." Sabi sa akin ni Angelica.

Napatanga lang ako sa kanila dahil sa mga sinabi nila sa akin. Wow! Naka-drugs ba itong mga kausap ko. Anong pinagsasasabi nito sa akin. Tska FYI di ko naman sila kilala at close ba kami? Diba hindi naman? Bakit ang dami nilang alam tungkol sa akin? Kaya ba nilapitan nila ako.

Pero tama rin naman si Angelica. Bakit di ko i-try maglablyf ulit. Pero tama na siguro ang crush na lang muna para safe si Mr.Heart, mahirap ng masaktan baka sa susunod di na ako makarecover at pag nangyari yon baka mabaliw na ako at pag nabaliw ako dadalhin nila ako sa mental at dun na ako tatanda. No way!

Pero di naman ako stone heart ah? May crush naman ako, stone heart pa ba ang tawag dun. Pero ang tanong eh, crush nga lang ba? Aisshh. Kung ano na naman ang pumapasok sa isip ko, napakalandi mo talaga Kate.

Nagpaalam na ako dun sa dalawang magkaibigan at baka mahawa pa ako sa pagiging wierd nila. Pero maganda sila - pero di ako magpapatalo sa ganda nuh. Hehehe. Narinig ko pang nagtawanan yong dalawa dahil sa sinabi ni Angelica. Adik lang - wala silang pinagkaiba sa kaibigan kong lukaret na si Angelica Mae. Since iniwan nila ako kanina mag-isa na akong naglakad papunta sa room namin.

**********

Pagdating ko sa taas which is sa room namin nakita ko kaagad sina Angelica at Jessy na nakaupo sa upuan namin syempre saan ba sila uupo kundi dun. Pagpasok ko sa room nakita ko rin si Pangit na may kasamang iba at mukhang tuwang-tuwa sila sa ginagawa nilang PDA sa classroom namin.

 ̄ε  ̄ -- Ako
>_< -- Sila

Bakit ganun parang gusto kong sugudin sila. Naiinis ako dahil sa nakikita kong close sila, na magkausap sila at magkatabi pa sila sa upuan. Dati naman kami ang magkatabi sa upuan ah. Pero ano nga bang pinag-puputok ng butchi ko? Ano ba niya ako? Diba malaking WALA lang naman ahh, tsaka CRUSH mo lang siya kaya NO PAKELS na lang.

Nagtama ang tingin namin ni Migs. Dahil sa inis na nararamdaman ko—ako na ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa. Lumapit sa akin sina Angelica at Jessy na parang spy sa bilis.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Angelica nang makalapit sila sa akin.

"SANA NGA NAGTAGAL NA MUNA AKO SA BABA ANG PANGIT KASI NG ATMOSPHERE DITO EH,

NAKAKASIRA NG ARAW." Nilakasan ko yong boses ko yong tipong kinig sa buong room pati na rin sa kabilang classroom. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin sa kabila, basta ako nagsasabi lang ako ng totoo. Yong mga classmate ko naman ayon napatingin sa akin pati na rin sina Pangit at yong ka-PDA niya.

"Bakit Kate what happened?" May nagtanong sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya.

Tiningnan ko lang si Jason na paano-ka-napunta-dyan-look? Buti na lang at dumating si isip bata - sorry Jason pero kailangan kita ngayon. Sadyang naiinis lang ako at naiirita lang ako ngayon. Ang tanong bakit nga ba ako naiinis? Kasi - kasi may kasamang iba si Pangit? Eh, ano naman sa akin diba? Pero basta naiinis ako.

"Bakit andito ka?" Tanong ni Jessy kay Jason.

"Wala kaming Instructor, kaya pumunta na ako dito. Eh, kayo?" Balik tanong ni Jason kay Jessy.

"Ewan, wala pa si Ma'am Camara." Ako na ang sumagot sa tanong ni Jason kay Jessy.

"Wala talaga si Ma'am may meeting daw kasama ni Sir Canales."

Nakikita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin sa amin si Pangit habang kausap namin si Jason. Inalis ko na yong tingin ko sa kanya at tumingin ako kina Angelica at Jessy. Tinawag nila sina Jerome at Micheal. Palabas na kami ng room ng lumapit sa amin sina Pangit at ang ka-flirt niya.

~_^ -- Ako
?_? -- Sila

"Bakit kayo kasama?" Mataray na tanong ko sa dun sa dalawang magkasamang epal at malaking nunal sa classroom na ito.

"Bakit masama ba?" Tanong sa akin ni Regine. Wow! Ang lakas ng loob sumagot, feeling close. Di naman kagandahan. Anong connect? Maraming connect.

"Hoy! Regine wag mo akong artehan. Di naman kita kinakausap." Sigaw ko kay Regine.

"Yaan mo na lang siya.." Bulong naman ni Migs kay Regine. Yong totoo bulong yon o sadyang sinabi niya lang ng malakas.

Yucks..

Kadiri..

Yan ang dapat i-describe sa kanilang dalawa. Humawak ako sa braso ni Jason at hinigit ko na siya para makaalis na ako sa scene na yon at sa place na sobrang pangit. Sobrang pangit talaga, buti sana kung bagay sila eh, di naman. Napaka-laking epal talaga nung Regine na yon. Kunti na lang mananakit na talaga ako.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school naririnig ko na nagtatawanan sila sa likod ko. Anong nakakatawa? Joke ba yon? Bakit di ako nainform sana nakitawa rin ako sa kanila. Tss, nakakairita ang tawa nila lalong-lao na yong tawa ni Pangit. Pagdating namin sa parking lot ayon nag-iinarte na naman si Regine.

"Love, dyan tayo sasakay? Dun na lang tayo sa kotse mo.." Pagdedemand ni Regine kay Migs na hinihigit papunta dun sa kotse ni Migs.

"Hoy! Kung ayaw mong sumakay di wag. Di ka naman namin pinipilit sumama sa amin." -- Jessy

Dahil sa kaartehan ni Regine nabadtrip na talaga ako. Ayaw kong manakit pero talagang pinipilit niya ako eh, mapagbigay akong tao kaya naman pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Tinulak ko si Regine kaya napaupo siya at siguradong masakit yon.

"Hey Kate. Nakakasakit ka na ah." Sabi sa akin ni Pangit.

"Isa ka pa.." Sigaw ko kay Migs. Nanggigigil na ako sa kanila. Lalo na 'tong haliparot na 'to. Akala mo kung sino kung makalapit kay Migs. Tapos si Regine pa ang kakampihan niya. Umalis na ako sa parking lot, sumunod sa akin si Jason pero naiwan sina Angelica at Jessy dun.

"Hahaha. Nag-seselos ka ano Kate?" Pang-aasar pa sa akin ni Jason habang naglalakad kami. Tapos may pahawak-hawak pa siya sa puso niya yong parang nasasaktan.

"Ako? Nagseselos? Never.."

Sinabi ko na uuwi na lang ako. Wala na kasi ako sa mode kumain, nakakawalang gana kapag may mga epal na nakikisama sa eksena. Nang may nakita akong jeep ay sumakay na ako. Baka kasi makapatay ako ng epal pag di pa ako umalis dito.

MIGS's POV

Umalis si Kate kasama si Jason pagkatulak niya kay Regine. Anong nangyari dun at bakit parang galit na galit si Kate. Kanina pang umaga mainit ang dugo nun sa akin.

"Regine, sorry sa nangyari huh? Di ko alam na ganito ang mangyayari. Sorry talaga." -- Ako

"Wala yon. Sige alis na ako bye." Pagpapaalam sa amin ni Regine. Pagkaalis ni Regine ay dumating si Jason pero di kasama si Kate. Ang sabi ni Jason ay umuwi na daw si Kate. 

Nakakainis 'tong taong 'to ahh. Pabayaan ba naman si Kate umuwing mag-isa. Baka magalit na yon ng tuluyan sa akin. Loko kasi sina Angelica at Jessy daming alam. Pagtripan ba naman si Kate. Di na ako sumama sa kanila, uuwi na lang din ako wala naman na rin si Kate kaya uuwi na lang din ako.

"San ka pupunta?" -- Jerome

"Sa bahay.."

"Ingat.."

ANGELICA's POV

Galing talaga ng idea ko. So confirm na talaga? Kung hindi pa pagtitripan di pa ilalabas ang tunay na nararamdaman. Pero wag niyong sasabihin kay Kate na pinagtripan nami siya. Baka kasi itapon kami nun sa ilog pasig o kaya ay ipakin kami sa pating oh my di yon pwede sayang ang beauty namin nuh. Hehehe.

"Inis na inis si Kate nung sumakay sa jeep kanina. Ano ba kasing ginawa niyo?" -- Jason

"Ah basta. Sige salamat kanina sa pagtulong mo sa amin. Galing umarte kanina ah."

"Wala yon pabor din naman sa akin yon."

Sabi ko nga kaya nga ba eh, mapapapayag kita agad-agad eh. Bago umakyat si Kate kanina kinausap na namin si Regine at Migs na pagseselosin nila si Kate at yon nga wagi naman plus magaling pa kaming umarte. Pero di naman namin eni-expect na mananakit ang butihin naming kaibigan. Sakit nung ginawa niya kay Regine - feel ko lang di kasi nakapag-react agad si Regine kanina dahil sa ginawa ni Kate kanina.

Si Jason naman kinausap namin para pagselosin si Migs. The best din yong taong yon. Hahaha. Di na kasi ako nahirapan na kumbinsihin si Jason dahil nag-kusang loob na siya at walang kahirap-hirap na pumayag na siya agad kahit di pa niya alam ang gagawin basta si Kate ang pinag-usapan agad-agad pumapayag siya.

Okay na ang ginawa naming pakulo. Ang kulang na lang AMINAN PORTION. Pero kailan kaya mangyayari yon? Naiinip na ako, kasi napaka-demanding akong tao kaya ganun. Hehehe. Sorry naman excited kasi ako masyado eh. Sige mag-iisip muna ako ng idea para mag-aminan na sila.

Isip ..

Isip ...

Isip ....

*poke*poke*poke*

Di pa man ako nakakapag-isip may nangungulit na naman sa akin. Wala ba akong peace of shoulder? Kailangan kong makapag-isip muna?

"Ano ba?" Inis na tanong ko kay Jerome na walang tigil sa pangungulit sa akin.

"Lalabs, magcacamping nga pala tayong barkada sa Mt.Pulag sa friday. Since wala tayong pasok sa friday hanggabg sunday, three days tayo dun. Okay lang ba sa iyo?"

"Talaga? Yes.." Dahil sa tuwa ko napayakap ako sa Lalabs ko. Ang saya-saya naman. Mukhang may naiisip na naman akong magandang idea. Magandang pagkakataon na yon para mag-aminan na ng feelings yong dalawang torpe diba? Hehehe. At sa Mt.Pulag pa yon. Naaalala ko yong promise namin nika Kate sa isa't isa nun.

*flashback*

"Girl, gusto kong pumunta tayo sa Mt.Pulag pero ang gusto ko kasama ko o natin yong mga Lalabs natin pag pupunta tayo dun. At gusto ko dun niya sasabihin sa akin na mahal na mahal niya ako." -- Kate

"Hahaha. Mahirap na ata tayong makakita ng mga lalaking ganyan sa ngayong panahon." -- Ako

"Malay natin parating na pala sila. Hahaha!" -- Jessy

*end of flashback*

At tamang-tama na papunta kami ngayon dun. It's Showtime!

Seguir leyendo

También te gustarán

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...