Twilight's Empress

By lovablefayee

82.4K 2.3K 136

High School Royalty series #1: MC, leaving everything she had in the past, sets out a new chapter in her lif... More

SYNOPSIS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter
ANNOUNCEMENT

Chapter 11

1.4K 51 5
By lovablefayee

Chapter 11

MC's POV

"MC! Saan ka pupunta!?"

Nice blocked my way as I run toward the Dean's office, sobra akong nag mamadali at the same time natataranta ako.

"H–ha?" bahagya akong tumingin sa kanya at nagsimula na namang maglakad.

Sinundan naman n'ya ako agad pero hindi ko na 'yun inalintana. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na hindi ako sigurado kung nasaan na ako dahil hindi pa ako nakakarating sa parte na ito ng One High.

"What's happening? Are you sure you're alright?"

Mabilis akong tumango. "Oo, ayos lang ako. Mauna ka na sa klase at susunod na lang ako."

"Okay, I won't ask anymore. See you later, hmm?" tinapik n'ya ang aking balikat. "You can tell me everything later." nauna na ako maglakad sa kanya hanggang sa makarating ako sa office.

Pumasok ako sa loob matapos ang ikatlong katok. "Please come in, Ms. Xavier." ngumiti ako nang bahagya at saka tuluyang tumapak sa loob ngunit nawala agad ito nang makita ko kung sino ang nasa loob.

Seriously? Si Maverick na naman? Bakit ba lagi ko na lang siya nakikita sa mga pagkakataong ayokong makita ang mukha n'ya?

Nakatingin ito sa akin kaya ginantihan ko 'yon at saka tinaas ang kanang kilay.

"Uhm, Roberto Xavier ang pangalan ng tatay mo, tama ba ako iha?" bumalik ang atensyon ko sa headmistress at saka tumango.

Lumapit ako nang bahagya pero tama lang ang distansya para malayo kay Maverick na 'yun.

"Yes po." sagot ko. Akmang kukunin na n'ya ang kailangan ko nang mapatingin ako sa binata na nakaupo pa rin at walang balak umalis. "Kailangan po ba n'yang nandito?" halata ang inis sa boses ko. Hindi man lang umalis! Hindi makaramdam!

Napatingin naman si Maverick saakin at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, napatingin naman siya kay headmistress at saka tumango ito sa kanya na parang sumasang–ayon siya sa akin.

I heard him sigh at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at saka ako naupo sa isa pang upuan na nasa tapat ng lamesa ng dean, bumalik sa akin ang pag–aalala at kaba na nararamdaman the nang sumara ang pintuan.

Napatingin na ang gawi ko sa headmistress namin and she silently grabbed one paper, an intermediate paper, halos malaglag pa ang mga luha ko nang makitang isa itong pad paper na may sulat na sa likod, it was placed in a plastic and the moment I smelled the paper, alam ko na kung saan ito galing.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Pasensya na po sa amoy." nahihiyang tugon ko.

Galing kasi sa basurahan ang papel at plastic. Kung hindi man galing dun ay alam kong kumuha lang si tatay sa mga pang-kalakal. Hindi ko naman kinahihiya pero syempre baka hindi sanay ang headmistress sa ganitong amoy.

'Yon na rin kasi ang nakasanayan naming gawin dati. Laging naghahanap si Tatay ng mga papel na nakukuha niya mula sa mga basurahan ng school and he's collecting all of it then give it to me after.

'Yung mga ballpen or pencil naman minsan ay hinihiram ko nalang sa mga teachers na nakakasalubong ko. Kung may sobra sila ay binibigyan naman nila ako pinagpapasalamat ko iyon. Nang dahil sa kabaitan nila ay nakakasurvive ako ng isang araw sa school.

"No, it's okay." I apologetically smiled at saka nilagay ang sulat sa loob ng bulsa ko.

I bowed at her. "Thank you po ulit."

Mabilis naman akong lumabas but then I stopped when I saw Maverick in front of the door, nakangisi lang siyang nakatingin sa akin but my mind was on different path, ni hindi ko na nga napansin na nalampasan ko na pala si Maverick but who cares anyways? He doesn't deserve my attention either, I just need to read this letter sent by my father.

Nang makarating na ako sa dorm namin ni Nice, hindi na ako nag abala tingnan kung nasa loob ba siya, kaagad kong binuksan ang banyo at pumasok ako duon, I can't afford na buksan ito sa kama ko, baka kumalat pa ang masangsang na amoy.

Tinanggal ko na ang papel sa loob at saka ko ito binuklat. I pursed my lips, they are trembling right now and any minute from now I might cry, and that's what I'm stopping myself to do.

Dear, MC anak,

Pasensya na kung aabalahin ka muna ni tatay ha? Gusto ko lang sana sabihin na magpaka buti ka lamang d'yan sa loob ng eskwelahan na pinapasukan mo. Magsasabi ka lang kung may kailangan ka sa loob o kung may kailangan kang bayaran.

Alam ko naman na mababait ang mga kaklase mo riyan at hindi na ako mag–aalala, pero sabihan mo si tatay kapag may umaaligid na mga lalaki sa'yo! Susugod kaagad ako!

Bahagya akong natawa nang mabasa ko ang huling sinabi saakin ni Tatay, pinahid ko rin ang mga luha saaking pisngi na hindi ko alam na tumutulo na pala.

Kapag may babayaran ka nga pala, kay aling Olita na muna siguro tayo hihingi o kaya sa mga kumpare ko na pwedeng utangan. Medyo gipit ang tatay ngayon dahil kailangan ko ng pambili ng gamot dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

'Wag kang mag–alala Celistina! Trangkaso lamang ito at kaunting ubo, hinding hindi naman ako mag papatalo rito. Marami rin naman na akong service ngayon at mukhang magiging regular na itong mga ito, kaya makaka–ipon rin ako kaagad.

'Yung sa renta naman...naniningil na si Manang Portia, sinabihan ko nga't huwag na muna makulit at babayaran ko naman siya sa susunod na buwan, sinabihan ba naman tayong puputulin niya ang wifi connection natin e, wala naman tayo n'un. Hahaha!

Basta! At huwag kang mag–alala saakin! Kayang kaya pa ng mga ipon ni Tatay. Nagsulat lang ako para hindi ka mag-alala sa akin dahil alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Sayang din ang load at naubusan ako nung nakaraan kaya hindi ko na naitext ang mga bagay na ito.

Pakabait ka! Huwag kang pasaway at palaaway diyan nako Celistina baka mapatawag na naman ako ng Principal niyo!

Mahal na mahal na mahal kita anak...

Tatay

Kaagad akong tumayo sa pagkakaupo. Pinahid ko ang mga luhang kanina pa pumapatak at saka lumabas ng banyo.

Natigil ako sa paglalakad nang makita ko si Nice at natigilan rin siya nung makita ako. Para namang awtomatiko sa akin ang yumuko dahil baka makita n'ya ang namamaga kong mata at ilong.

"Wait, are you crying? Twilight ba ang may gawa—"

"Hindi, ayos lang ako."

Kinuha ko ang jacket ko sa closet at kaagad na sinuot ko iyon, hindi ko na inalintana ang uniform ko at kaagad na akong lumabas ng dorm namin, ignoring the calls of Nice on my name. I just really need to see my father right now.

Sinabi n'ya ay may sakit siya. Kailangan kong alagaan at makita ang kalagayan ni tatay dahil baka hindi totoo ang sinasabi n'ya na ayos lang siya. Kailangan kong makumpirma sa sarili ko mismo. Pati ang ipon n'ya, alam kong hindi 'yon sasapat. Malapit na ang due ng tubig, kuryente at iba pang bayarin lalo na kay Manang Portia kaya ako nalang ang makikiusap na baka pwede sa susunod na buwan nalang.

Tinakbo ko ulit ang daan papunta sa dean office at naka tungo lang ako habang natako. Scared that someone might see my swelling eyes right now because of crying, pinupunasan ko parin ito gamit ng jacket ko at walang alintanang pumasok muli sa office.

I was stunned and took a step back when I saw Jacob, Wayden and Maverick inside the office, pati ang headmistress ay mukhang nagulat rin sa biglaang pag pasok ko.

Nang mapansin kong nakatingin sila saakin ay duon ko lang naalala ang mga namamaga kong mata kaya kaagad akong tumungo. "S–sorry...J–just tell me i–if you're done talking.." saad ko sa kanila at akmang lalabas na ako nang biglang mag salita si Wayden.

"We're done, you can say it now." sambit ni Wayden at bahagya pang sumang–ayon sa kanya ang headmistress.

Wala nang hiya hiya MC! Sabihin mo na! Kailangan ka ng tatay mo ngayon!

"Ma–ma'am? Pwede po b–ba ako lumabas ng s–school? I really need to see my father..." I said, almost kneeling and begging to her. "I really need...I really need to see him. Nag-aalala lang po kasi talaga ako, hindi ako m-mapakali."

Tumayo siya. Nilapitan n'ya ako at saka ako bahagyang niyakap. Hindi ko naman napigilan na tumulo muli ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sobra sobrang pag-aalala at pagkataranta ang nararamdaman ko ngayon. Minsan lang magkasakit si tatay at tuwing nagkakasakit siya ay palaging malala iyon kaya hindi ako mapakali.

"Okay, I'll grant you a leave. Are you fine with the transportation?" tumango ako kahit na hindi ako sigurado.

Wala akong ideya kung paano ko mararating ang bahay namin but I think I can handle with just running, malayo layo pero kaya ko naman. Sanay na sanay na akong lakarin ang kahit gaano pa kalayo dahil 'yun naman ang ginagawa ko dati kapag may pasada si Tatay.

"Okay...I'll tell the guards now." pinasalamatan ko agad siya. Nagpaalam ako at saka lumabas sabay punta sa main gate.

Nang maabutan ako ng guard ay mukhang alam na nila because they opened the gate for me at kaagad akong lumabas. Wala akong makitang sasakyan at kung meron man ay wala akong dalang pera pambayad. Masyadong mahalaga sa amin ang pera na kahit piso ay hindi namin kayang mawala. Every penny counts ika nga ng iba.

Napagdesisyonan ko nalang na maglakad o kaya ay tumakbo. Nakalimutan kong magpalit ng damit pang-alis kaya medyo nahihirapan ako.

"Sh*t!" anang ko nang biglang kumulog at kumidlat.

Wala akong dalang payong at takot rin ako sa kidlat. Nung bata ako ay hindi ako makalabas ng bahay tuwing may kidlat at dala-dala ko ito hanggang ngayon.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil para ako naninigas. "AHH!" sinigaw ko nalang ang frustration na nararamdaman at saka naupo sa gitna ng kalsada. Walang dumadaan na kotse at tanging kidlat lang ang nakikita ko. Ang buong kalamnan ko ay nanginginig at hindi alam ang gagawin.

In times like this si tatay ang laging kinakapitan ko. Pero wala siya ngayon at dapat ako ang nagpapakatibay dahil siya ang may sakit pero heto ako, hindi makagalaw sa kinauupuan sa gitna ng kalsada.

I was trembling in fear and freaking out when a car stopped in front of me. I immediately saw a pair of shoes on my front and I looked up to see who it was.

"Are you okay? Do you want a ride?" he asked.

Nakatingin lang ako sakaniya nang nagtataka. How did he—

"Stop asking questions through your eyes, just hop in and tell me where you headed to." he said with finality in his voice and even guided me up para makatayo and he helped me get into his car.

"Why are you here?"

Ang lalaking kasama ko ngayon ay si Jacob. Hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya dito dahil ang huling alam ko ay nandun siya sa office ng headmistress.

He didn't respond to what I asked. I was about to ask again nang unahan n'ya ako. "What's your address?"

Napatikom nalang ako ng bibig at bigla kong naalala si Tatay kaya binigay ko nalang sakaniya ang address ko and he just gave me a nod before typing something on his phone and just a few seconds after, there's someone already telling him the directions.

Sandali pa akong namangha pero agad ko itong inalis sa isip ko dahil hindi naman ito mahalaga sa ngayon. Talagang napag-iiwanan na ako ng maraming teknolohiya sa paglipas ng maraming taon.

"Salamat." mabilis na sabi ko kay Jacob at saka nagtungo sa loob ng bahay.

Wala namang lock ang bahay namin. Simpleng gate lang ito na sobra sobra na ang kalawang at lata lang ang nakaharang sa itaas upang hindi mabuksan ng mga pusa o aso minsan na sumasandal. Hindi rin kami nababahala na baka may magnanakaw na pumasok dahil wala naman silang mananakaw sa loob. Anong nakakawin nila? Pinggan na basag na?

"Tay!" nasambit ko nang makapasok ako ng bahay.

Nakita ko si Tatay na nakahawak sa upuan at pilit na tumatayo pero kita ko ring hindi n'ya kaya dahil sa sobrang kahinaan. Halos mapaso pa ako nang dumampi ang kamay ko sa kanya dahil sa sobrang init.

"Mahiga ka nalang ho, ako na ang mag-aalaga sa 'yo." kinuha ko ang kumot at saka ibinalot sa kanya.

Nagtama pa ang mga tingin namin ni tatay at kita ko ang kaguluhan sa kanyang mukha. "A-anong ginagawa mo dito, anak?

"Shush, 'wag nang maraming tanong tay, mag pahinga ka nalang po diyan." pigil ko sakaniya at kaagad akong kumuha ng isang instant noodles at mabuti na lang ay may mainit na tubig sa thermos. Kaagad akong nag timpla at dinala ito kay Tatay.

Matapos kong kumuha ng tubig ay sinubukan kong maghanap ng gamot kung sakaling nakabili na s'ya. Mabuti nalang at nakita ko ang isang supot na may lamang mga gamot. Tumingin ako kay tatay at napabuntong hininga nang makitang suot pa n'ya ang damit n'ya pang masada.

"Tay naman, gabing gabi na nag papasada ka pa."

Tinulungan ko siyang tumayo at saka pinainom ng gamot dahil nakita kong tapos na siya kumain.

"Kwentuhan mo nga ako anak."

Natawa ako nang kaunti. "Ano namang ikwe-kwento ko 'tay? 'Wag ka mag-alala at wala akong binubugbog pa...or meron?"

"Celistina."

"Biro lang! Ikaw naman oh. Pahinga ka nalang d'yan at bukas na ako magkwento."

"Kantahan mo nalang ako."

Mahina akong tumawa at saka tumango. Pumwesto na siya sa pagtulog at ako naman ay hinigit ang isang monoblock na upuan sabay kanta ng theme song nila ni Mama.

"Kung tayo ay matanda na, sana'y 'di tayo magbago...Kailan man, nasaan ma'y ito ang pangarap ko...Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, mmm...Hanggang pagtanda natin?...Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo...Kung maputi na ang buhok ko?"

Bahagya kong hinaplos ang buhok n'ya.

"Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin...Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin...Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm...Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako...Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo...Kahit maputi na ang buhok ko..."

Narinig ko na ang mahinang hilik ni 'tay kaya tahimik 'kong nilisan ang lugar dahil bigla kong naalala si Jacob. Siguro naman ay umalis na siya, 'di ba?

'Yon ang inaasahan ko kaya laking gulat ko nalang nang makita ang sasakyan n'ya sa harap ng bahay namin. Nakita ko siya sa sa likod ng kanyang kotse, nakatingala sa langit na walang bituin. Napansin n'yang dumating ako kaya bumaling sa akin ang kanyang tingin.

"Sorry...naabala pa ata kita." umiling ako. "Mali, naabala kita kaya pasensya na."

"Wala naman 'yun." nag inat siya ng kanyang paa at kamay. "I just want to assure your safety, lalo na at maulan kanina."

"Hmm..."

"You might think that I am doing this to convince you again but let me correct you, I am not doing this for that offer. I just really...want to help."

Bahagya akong natawa at saka tumango nalang. Ganun nga talaga ang iniisip ko at mukhang nabasa n'ya iyon agad. Hindi ko rin naman maiwasan na talagang isipin na kaya n'ya ito ginagawa ay para pumayag ako sa gusto nila. Pero dahil sabi n'ya ay hindi, edi sige maniniwala ako ngayon.

"Uhm Jacob." lumingon ito sa akin. "Pwede ba magtanong."

"What is it?" he asked me back and I cleared my throat. "Is this about the—"

"Uh yeah." putol ko sakaniya. "How much can you pay me?" diretsong tanong ko.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Wala namang dahilan para mahiya dahil ika nga nila, desperate times needs desperate measures.

I saw him grin a little. "Name your price, any amount will do."

I just nodded and bit my lower lip. "Tinatanggap ko na..." a long pause took before I spoke up again. "'Yung offer."

lovablefayee

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
444K 24.1K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
27.9K 1 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...