That Gay is my Babymaker (On...

Galing kay shywhatyoudo

113K 3K 319

Shannon Monteverdad is one of the businesswoman in the country. Masasabing meron na syang magandang buhay kah... Higit pa

TGIMBM
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
SILIP
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27

CHAPTER 26

2.7K 69 30
Galing kay shywhatyoudo


"Mommy.." mahinang sabi niya ng mapansin ang mommy niya sa tabi habang tahimik na nakapikit.

Mukhang tulog ang mommy niya dahil unti-unting bumabagsak ang ulo nito sa sandalan ng upuan.

Agad niyang nilibot ang paningin sa isang kwarto. Halos puti ng nakikita niya maliban sa mga upuan at sofa sa gilid, akmang babangon din siya ng maramdaman na biglang kumirot ang kamay niya.

Doon niya lang napansin na nakahiga siya sa hospital bed habang ang mommy niya ay natahimik na natutulog.

Napabugtong hininga na lang siya at hindi maiwasang mapatingin sa mommy niya. Naaalala niya lahat ng nangyari sa kanila, pero alam niya din na may unting pagbabago sa kanya.

Nang mapansin niyang may salamin sa gilid niya ay mabilis niya yun inabit at pinakatitigan ang sarili sa salamin.

Huminga siya ng malalim habang hindi inaalis ang tingin dito.

"I trust you, didn't I?" mahinang tanong niya sa sarili dahil baka magising ang mommy niya.

"I thought your real." malungkot niyang sabi. Ang tagal na niyang pinaiinom ng mga gamot para magising siya sa katotohanan na hindi totoo ang Shine nakakambal niya.

"I'd take thousands of drugs just to erase you in my mind but now, I realize what my mom said. That you are not real." madiin niyang sabi habang tinuturo ang sarili sa salamin.

"Mukhang umipekto na ang mga gamot at mga treatment na ginawa nila dahil ngayon nalalaman ko na na hindi ka totoo." hindi niya maiwasang maluha habang kinakausap ang sarili. Batid niyang kabaliwan ito pero ganun naman siya diba?

"Shine is me. Shine is Shannon. You are me." muli niyang sabi bago tuluyan na bitawan ang salamin.

Napailing siya at bumalik sa pagkakahiga sakto naman ang paggising ng mommy niya. Gulat itong napatingin sa kanya habang may pumatak na luha sa mga mata nito.

"Baby?" mahinang tawag niya at lumapit sa kanya. Napangiti naman siya at pumikit.

"Im sorry." ayun lang ang nasabi niya dahil para mas umiyak ang ginang na kaharap niya.

"Tatawagin ko si Dr. Magsalang para matignan ka agad." mabilis nitong sabi at walang anuman na lumabas ng kwarto.

Wala pang ilang minuto ay nakabalik na ang mommy niya kasama ang isang doctor. Nakangiting lumapit ito sa kanya at chineck ang katawan niya pati ang mata.

"Finally your okay." nakangiting sabi nito. "You're just need to rest and take medicine para maging okay pakiramdam mo."

"Is she's okay now, Doc?" tanong ng ina sa doctor.

"Yes but for now she need rest, im going to check her later. Maiwan ko na muna kayo."

Nakahinga ng maluwag ang ina sa sinabi ng doctor at lumapit sa anak niyang tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Binigyan niya ito ng matamis na ngiti at hinaplos ang mukha at buhok nito. Halos isang linggo na nakaratay ang anak dahil sa pagbangga niya sa sasakyan, mabuti at hindi malakas ang pagpapatakbo ng driver kaya hindi masyadong nagalusan.

Sinabi din ng doctor na kaya natagalan ito sa paggising dahil siguro sa nangyari sa anak niyang hindi maayos na nakakakain at pagod ng katawan.

"How's your feeling baby?" tanong niya sa anak.

Binigyan naman siya nito ng matamis na ngiti bago nagsalita.

"Are you mad, mommy?" tanong niya dahilan para mahigpit niya itong hinawakan sa kamay.

"Of course not, baby!" mabilis niyang sagot dahilan para pumukit ang anak at tahimik na pinakikiramdaman ang sarili.

"Where's Daddy?" biglang usad nito habang nililibot ang tingin sa buong kwarto.

"Your Dad is with Dr. Alcantara." maikling sagot niya lang sa anak. Tumango lang ang dalaga at bumalik sa pagkakapikit.

She lied. Hindi totoong kasama ng daddy niya ang doctor kundi nasa bahay ang asawa niya para itapon lahat ng salamin sa bahay, halos lahat ng alaala ng anak sa nasabing kakambal ay pinasunog niya.

She was really hurt seeing her daughter's suffering in disorder. Hindi niya pwedeng sisihin ang asawa dahil lang sa nngyari kahit alam niyang may history ang asawa sa sakit na yun. She can't do that. She loved him very much that's why she accepted him.

Mabilis siyang napatingin sa pintuan ng pumasok ang asawa niyang basang-basa ng ulan. Napansin niya din ang iilang sugat nito sa kamay marahil ay nasagutan dahil sa mga salamin.

"How is she?" bungad na tanong nito bago halikan siya sa noo.

"She's fine. Babalikan na lang daw siya ng doctor mamaya pagkatapos." litanya niya at yumakap sa asawa habang nakatingin sa isa nilang anghel. Hindi na sila biniyayaan ng anak kaya gagawin nila lahat para maging okay ang nag-iisa nilang prinsesa.

Isang linggo ang makalipas bago makalabas ang dalaga sa hospital. Ngayon okay na ang pakiramdam niya at wala ng iniindang sakit. Nandito na siya ngayon sa mansion nila habang ang mga katulong ay busy sa pag-hahanda ng mga kakainin.

Hindi niya maiwasang tignan ang mga katulong na pinagtitinginan siya. Siguro ay natatakot ito sa kanya dahil nga hindi siya normal nung nakalipas na ilang taon.

Maya-maya pa ay kompleto na lahat ng nasa lamesa. Nandito din ang kapatid ng Daddy at si Erickson na anak naman ng kasosyo ni Daddy sa kompanya.

Malapit kung kaibigan si Erick dahil bata palang ay magkaibigan na kami. He's one of her tagapagligtas lalo na nung grade school sila dahil lagi siyang naaaway sa school.

Siya na lang ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil hindi na nakapag-aral ang dalaga simula nung mag-umpisa ang sakit ito.

Napansin ni Shannon na tahimik kaming sabay-sabay na kumain hanggang sa matapos. Wala siyang lakas na loob para mag salita kahit na ang mga makasama niya ay nag-umpisa na sa malakas na nagtawanan at kwentuhan

Maya-maya pa ay huminga siya ng malalim at tumikhim dahilan para mapatingin sa kanya ang mga magulang at kasama nila.

"Mom.." mahinang tawag niya dito kaya mabilis na lumapit ang ina at hinawakan siya.

"What? What happen? may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito

Natatawang umiling siya.

"No, Mom. I just want to ask you something.."

"What is it, Baby?"

"Bakit wala na pong mga salamin dito?" nakita niya kung paano natahimik ang kasama nila dahil sa tanong niya.

But I need to do this.

Hindi nagsalita ang ina niya kaya tumayo siya at nilibot ang tingin. Nagbabakasaling may makitang salamin pero bigo siyang napaupo ng wala ni isang salamin sa buong mansion.

"Mom." tawag niya ulit kaya napatingin sa kanya ang ina.

"W-why? Do you really need a mirror?" kinakabahan na tanong nito sa kanya. Napalunok siya, tama na siguro yung binigay niyang pain sa magulang.

"Hindi po." nakangiting sabi niya. Mukhang nakahinga ng malalim ang ina at mga kasama nila sa sagot niya.

"Mom, do you know where's my teddy bear?" tukoy niya sa binili nila ng mommy niya noong nakaraang linggo kung saan nalaman niya na hindi totoo ang nakakausap.

"Nope, baby. I didn't see anything since you run at me last week after kang mabunggo." diretsyong sagot ng ina niya kaya napabugtong hininga siya.

Oo nga pala naiwan nga pala niya yun kwartong 'yun!

"Ayos lang po ba kung kunin mo siya?" nakayokong tanong ko.

"Pero princess, gabi na. Bukas na namin kukunin ng mommy mo." sabat naman ni Daddy. No! I want it now!

"No, Daddy! Please please mommy kunin ninyo po siya doon. Binili mo yun sa akin kaya hindi pwedeng mag-isa siya dun." litanya ko kaya tumango si Mommy.

"Okay fine, Baby. Just stay here with Erick dahil uuwi na si Tita mo at isasabay namin siya." Seryosong sabi niya kaya napangiti ako.

"Erick, can you stay with her hanggang makauwi kami?" tanong ng ginang sa binata na kaibigan ng anak. Nakangiting tumango naman ang binata sa ginang habang ginugulo nito ang buhok ng kaibigan.

Hanggang sa makaalis ang magulang niya ay tahimik silang dalawa na naiwan ni Erick habang ang mga katulong ay naglilinis na ng kinainan nila.

"Okay ka na ba?" bigla tanong nito sa kanya. Tumango naman siya at pilit na ngumiti.

"I want to stay here, Shannon pero hindi pwede." mahinang sabi nito habang nilalaro ang natirang kutsa at tinidor.

"Why? Kailangan mo na bang umuwi?" takhang tanong ni Shannon, umiling naman ang kausap at mabilis na ginulo ang buhok niya.

"This is our last meeting, my dad wants me to continue my studies in abroad dahil nga nandun na sila Mommy at mga kapatid ko." naguguluhan na tumingin siya sa kaibigan. How is his point?

"Gusto ko sana samahan ka sa pagpapagamot mo dahil kaibigan kita at ayaw kong nahihirapan ka." halos pabulong nitong sabi.

"You don't need to stay lalo na at nag-aaral ka. Syaka kaya ko na naman, unti na lang malalagpasan ko ito." natatawang sabi niya. Of course, gusto niya din malagpasan ang nararamdaman sa paraan na siya mismo ang lalaban hindi ang ibang tao.

"Kailan ba alis mo?" takhang tanong ko dahilan para mapakamot siya ng ulo.

"Ngayon yung flight namin ni Daddy." awkward na sabi niya. Mabilis akong tumayo at hinatak siya palabas ng Mansion.

"Chase your dream, Rick. Puntahan mo na ang Daddy mo." malakas na sabi ko habang umaarte na supportado ako sa kanya kahit anong mangyari.

Mukhang nagdadalawang isip pa siya kaya nung marinig namin ang paparating na sasakyan ay mabilis ko siyang hinila. Alam kung sasakyan nila yun dahil wala kming sasakyan na kulay Green.

"Paano ka?" tanong niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

"Kaya ko na. Aantayin ko na lang sila Mommy. Go! Go! Baka mahuli ka sa flight ninyo, pagalitan ka pa ni Tito." asik ko kaya natawa siya at kumaway bago pumasok ng sasakyan.

Inantay ng dalaga makalayo ang sasakyan hanggang tuluyan ito nawala sa paningin ay doon niya napagpasyahan na pumasok.

Hindi pa siya tuluyang nakapasok ng mapansin niya ang isang katulong na patakbo na hinanap siya.

"Ms. Shannon! Sila ma'am at sir po!" hinihingal sabi niya kaya napakunot ang noo ng dalaga.

Nandito na ba sila?

"Bakit?" takhang tanong niya. Hindi pa niya nakikita ang sasakyang ginamit ng mga ito kaya imposibleng nakauwi na ang mga magulang

"Nasa hospital daw ho sila!" paramg binusahan siya ng malamig na tubig at napako sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin basta natagpuan niya na lang ang sarili na napaupo at umiiyak.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

352K 11.1K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
49.3K 81 11
❌️ MATURE CONTENT ❌️ | one-shot | smut | mature | | bxg | g×g | bxb | random | People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take...
314K 471 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
93.4K 4.4K 51
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...