CHAPTER 1

5.2K 138 2
                                    


2 WEEKS since mangyari ang apply-yan para sa magiging baby maker ko. 2 weeks na din 'di nagpaparamdam ang baklang yun, hindi ko alam kong bakit, siguro dahil umayaw na sya nung malaman nya.

Nagpipigil pa ko nang tawa nun dahil sa naging reaction nya. Akala mo gagahasain e, may iniingatan daw syang pagkababae. Napapailing na lang ako dahil naiiyak na sya nung oras na yun kaya yung pigil ko mas lalo pa kong natuwa. Umiyak ba naman at pinipilit kunin yung envelope.

Nung oras na yun nagsi-uwian na ang mga nakapila sa labas kaya 'di ko na binigay yung envelope. 'Di din ako pwedeng maghanap ulit dahil masyado akong busy dahil sa sunod-sunod na meeting abroad.

I remembered how much he cried para lang makuha pabalik yung envelope na binigay niya.

Napahawak ako sa noo ko. Anong katangahan yun Shannon? Bakit masyado kang nagpadala dahil lang nabanggit nang kaharap ang mabuhay nang wala ang mga magulang.

Napailing na lang ako. Tumayo at nilapitan ko sya, nakita kong tinignan nya ko ng nagtataka.

"Babae! Kailan pala ko magsisimula sa trabaho?" masayang tanong nya kaya napapikit ako nang mata.

"Gusto mo ngayon na?"

"Talaga?! Oh sige ano bang iuutos mo ha?"

"Higa ka dun." wika ko at tinuro ang sofa sa loob ng opisina.

Nagtataka syang tumayo at sinunod ang inutos ko.

Akmang papatong na ko sa kanya nang bigla syang tumayo at nandidiring tumingin sa akin.

"A-anong gagawin mo ha?!"

"Gagawa tayo nang baby."

"wtf?! are you fucking serious?!" wow akalain mo marunong pala mag english ang bakla.

"Yes. I am."

"Hell no! Bukas na ko magsisimula. Uuwi na ko, sala—" i cut him.

"You will be my baby maker. Hanggang sa makakagawa tayo nang bata sa sinapupunan ko." tumingin ako sa kanya na ngayon ay naglalaki na ang mga mata.

"O-omg! A-akala ko ba magiging s-secretary lang? B-bakit may pa-baby maker ha? O-omg! I c-cant breath shit! Huhu!" Madramang pahayag nito. Yung kaninang seryoso ko ay napalitan ng pigil na tawa.

He's cute.

Agad akong napatingin sa kanya na bigla-bigla na lang tumayo kaya muntik sya mawalan nang balanse, mabuti at nahawakan ko sya kundi matutumba sya.

Mabilis naman nitong inalis ang kamay ko na nakahawak sa pulsuhan nya.

Maattitude ang lola nyo.

"Babawiin ko na yung envelope ko." seryoso itong pumunta sa table ko at hinanap ang envelope na hindi nito makita. Paano kase nalagay ko na yun sa locker kung saan ang mga importanteng bagay sa akin.

Hindi sya importante okay?! Nilagay ko lang dun.

"Babayaran kita. Mas malaki pa sa totoo kung secretary. Kahit magkano." Pagkukumbinsi ko pero tila wala itong pakialam sa sinabi ko't pilit hinahanap ang bagay na di nya makita.

"Give my envelope back!" Sigaw nya dahilan para mapaatras ako.

Umiling ako.

Wala na kong magagawa. Nag alisan na lahat nung nakapila sa labas kaya no choice kundi sya talaga dahil na din wala nang apply-yan na magaganap dahil sunod-sunod ang meeting na mangyayari.

"D-di mo ba alam na dignidad ko yung mawawala dito ha?! Omg! Ayoko isuko ang bataan ko sa babaeng katulad mo!!" yung kaninang pagkaseryoso nito ay napalitan nang pagkataranta.

Abnormal!

Napaigtad na lang ako nang isang malakas na pagsarado ng pinto ang narinig ko.

Napakamot ako nang ulo ko habang nakatingin sa pintong nilabasan nang kausap kanina.

Napangiti ako nang mapait.

I'm sorry but I really need you. Dahil alam kong di ako magkakagusto sa pamintang kagaya mo..

Inayos ko ang mga gamit ko. Kadarating ko lang galing New york for some other business, my tita needs me there kaya pumunta ko. Wala akong choice dahil kompanya namin ang nakasalalay dun.

Matagal na simula nang mamatay ang mga magulang ko. Kung 'di lang sana ako pumilit na puntahan nila ang lugar kong saan nawala ang bagay na iniingatan ko edi sana nandito pa sila ngayon.

Napatingin ako sa side table nang kwarto ko. Lagi kong tinitignan ang litratong nakapatong doon dahil feeling ko kompleto pa rin ang pamilya ko.

I miss them so much.

Pinunasan ko ang kumawalang luha sa mga mata ko. I'm sorry Mom and Dad.

KINABUKASAN maaga akong pumasok sa opisina. Iniisip ko pa din yung baklang yun. Ano na kaya ang nangyari dun? Umatras na kaya?

Napailing na lang ako at nagmartsa na papasok sa opisina ko.

Isang malaking ngiti ang sinalubong sa akin nang secretary ko habang may hawak na tarpaulin na may nakasulat na 'WELCOME BACK MS. M'.

Natatawang niyakap ko sya at tinapik ang likod. Namiss ko din 'to dahil sya lang ang nasasabihan ko everytime that I have a problem. She is the one na mapagkakatiwalaan mo talaga.

"Thankyou." I mouthed. Ngumiti lang sya sa akin at lumabas na nang opisina.

Pabagsak akong umupo sa swivel chair at nagpaikot-ikot bago umpisahan ang nakatambak na mga papeles.

Pagdating sa trabaho wala akong sinasayang na oras. Masyadong ginugugol ko ang sarili ko dito, kumbaga dalawang mundo lang ang meron ako. Office and House.

I have my own condo pero bihira lang ako napapadpad dun dahil pumupunta lang ako pag bumabalik sa isipan ko ang mga magulang ko. Kahit saang sulok kase nang bahay namin ay nakikita ko sila. Napapikit ako at hinayaan maglandas ang mga luha sa pisnge ko.

Napayuko ako at dun tahimik na umiiyak. It's been 11 years since na mamatay sila just because of me pero hanggang ngayon nasa sa akin pa yung pain. Ang hirap lumaki nang wala sila sa tabi ko. Napakahirap.

"Anong nangyayari sayo babae?" Agad akong napaangat nang tingin ng marinig ko ang boses na yun.

Tinignan nya ko nang nakakunot ang noo at muntik na kong mapaatras dahil sa ginawa nyang pagpunas sa pisnge ko. Shit! Umiiyak pala ako. Bakit di ko man lang pinunasan ang basa kong pisnge?

"M-marco…"

That Gay is my Babymaker (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon