Dare me Not

By XutopianX

8.9K 376 20

"You mean NOTHING to him but a DARE!" Paulit-ulit ko tong naririnig sa isip ko. Oo, alam ko yun. Una palang n... More

Copyright and Dear Readers :)
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
~Author's Note~
another ~Author's Note~
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
_My Apologies Everyone_
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOUGE

Chapter 21

181 10 0
By XutopianX

Chapter 21

September 2, 2014

Ian's P.O.V.

9:40 A.M.

 

"Babe, talagang ititigil mo na yung dare? Pumayag ka naman noon diba. Isa pa, she's near to fall for you!"

Leila's been following me all day, illang araw na siyang ganito at sa totoo lang naiiniis ma talaga ako pero hindi ko nalang siya pinapatulan.

But now I'm about to snap.

 

"At yun ang ayokong mangyari Leila, yung ma-inlove siya sakin. You wouldn't like the result if that happened."sagot ko sa kanya and I finally said it.

It's been three weeks. Three Freaking weeks na hindi ko siya pinapansin.

.

.

And the more I resist, the more I wanted to be with her.

Akala ko pag lumayo ako hindi ko na siya maiisip o titigil na tong kakaibang pakiramdam ko na to. Pero mas lumala pa pala.

"Excuse me?! Did you just..?" biglang napatingin sakin si Leila na galit pero natatakot.

I just sighed, syempre hindi ko na mababawi nasabi ko.

"Yes Leila. I just did. I like Maycee." sabi ko sa kanya at hindi ko na ma-explain itsura niya.

"What?!! How could you!! Naging flirt siya sayo no?! Ian you have a girlfriend. You have me! How could you!" sigaw niya sakin habang pinapalo ako sa dibdib.

Dapat sa ngayon, naaawa na ko sa kanya. Dapat yayakapin ko siya pero ang nagawa ko nalang ay tumawa.

Ang heartless diba?

Pero siya rin naman may dahilan nito eh. I had enough.

"How could I? Niloloko mo ba ko Leila? Una palang alam mo na that Maycee interests me. Nung unang beses ko siyang naka-usap at kinuwento ko sa inyo, I was waiting for you to react. Sa lahat ng sinabing maganda about kay Maycee, wala kang ginawa. Oh, wait meron pala, nagalit ka. Pero alam mo hinihintay ko nun, magalit ka to the point na sasabihin mong itigil ko na kasi baka kung ano pang mangyari pag pinagpatuloy ko. Yung tipong hindi mo na ako inisip na mawawala ako sayo. Na sobrang desperate kang mapahirapan si Maycee na maski ako hindi mo na inintindi. I was waiting for you to back down and just be with me but NO!" paliwanag ko sa kanya at parang ang bigat na ng paghinga ko.

Napatitig nalang sakin si Leila at parang natahimik nalang siya.

"You're way too desperate now. I wanted to stop this. All this na ginagawa natin, we've done enough damage and ngayon narealize ko na yun." tuloy ko.

"Ano bang ginawa ng babaeng yun sayo?" tanong niya sakin pero hindi na siya nakatingin.

"She's really something pero I've done enough damage to her. Ayoko nadin siyang guluhin. I'm done with the dare. And sorry, I'm done with us too." nasabi ko sa kanya.

There. Nasabi ko na.

Since naman nagbreakdown nadin tong relationship namin. Itutuloy ko nang tapusin kaysa naman ipilit pa.

"Fine. But I'm not with her yet." sagot niya sakin at naglakad nalang siya palayo.

Siguro tama nadin ginawa ko. Akala ko mapaapa-iyak siya or something pero hindi. Mas mabuti nadin siguro yun kasi baka pag ganun reaksyon niya maawaa pa ko sa kanya.

It's better off this way.

September 8, 2014; 8:15 A.M.

 

Bakit kung kailan ako lumayo sa kanya, tsaka siya ngayon parang gustong lumapit sakin.

 

Sa tuwing makakasalubong ko siya, ngingitian niya ko at mapapahinto siya na parang gusto niya akong kausapin.

Minsan nawawala nadin ako sa sarili ko na napapabulong ako na 'sige na, kausapin mo ko. Please.'

Pa-chix lang di ba? I'm such a coward.

Ayaw ko nalang din naman na kasi siyang guluhin.

At isa pa paano kung malaman niya? That would be worse than this.

 

She'll hate me if she find out.

"Ian?" bigla kong narinig si Sky na hindi ko napansing nasa harapan ko na pala.

"Hmm?"

"Gusto mo sumama samin ni Kishi mag breakfast?" tanong niya sakin.

These past few days magmula nung makipagbreak ako kay Leila, narealize kong may best friend pala akong laging nasa tabi ko. Mula pa noon lagi ko ng kasama si Sky and he always says I'm awesome, cool at lahat na ng puri nabigay niya sakin.

Don't get me wrong but this is not that kind of 'bromance'.

He's like a littlle brother to me at ako naman tinuturing niya akong kuya. Dati siya ang una kong nakilala dito nung lumipat ako, tahimik at nabubully pa siya noon. Siguro ang dahilan nadin kung bakit mataas ang tingin niya sakin ay dahil sinabihan ko siyang lumaban siya and he did. From then on kami na magkasama hanggang naging lima kami and we start doing what were doing.

Una katuwaan lang talaga namin to.

But it became our habit. Si Kishi ang unang nagsalita, childhood friend ni Sky na hindi niya din mahiwalayan. Tumiwalag si Kishi samin at sa laking gulat ko, hinayaan siya ni Sky at hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan, pero ang paniniwala ko dahil to kay Catie. Nagsimula akong layuan siya, not physically pero about sa samahan namin. Magkasama nga kami lagi sa grupo pero parang hindi naman kami magkakilala. Dun siya nagsimulang maging emotionless.

Sa totoo lang nagalit ako sa kanya noon, how could he switch Kishi to Catie since una palang naman sila naman na ni Kishi ang magkasama pero that's just my guess. The story goes on hanggang sa ngayon, . . ngayon na bumabalik yung dati. Dati niyang sigla, dating samahan nila ni Kishi at dating friendship namin.

And I think this is all because of Maycee. Siya na parang lahat ng dala sakin ay goodluck pero ako na lahat ng dala sa kanya ay badluck.

"Huy, ano sasama ka?" tanong niya ulit sakin.

"Hindi na siguro. Thanks." sagot ko. Napatingin nalang siya sakin at napa-upo sa upuan sa harap ko.

"Are you really still trying to resist? Alam mo sa sarili mong gusto mo siyang kausapin." sabi niya sakin.

Yes, I do. I really do want to talk to her. Makasama siya, kulitin siya. Pero what if she found out? Leila's not done with her.

"Ayoko nang guluhin siya ni Leila." sagot ko at bigla lang siyang tumawa.

"So you think pag hindi mo siya pinansin, hindi na rin siya papakialamanan ni Leila? And what if she does, are you not capable of protecting Maycee?"

That hit me...hard.

Tama si Sky. Why would I be afraid... . . maybe, maybe just because of that.

"Hindi lang naman yun yun Sky. Alam mo yan."

"That. O please Ian, then tell her."

"Hindi ko alam kung kaya ko." sabi ko sa kanya at napatayo nalang siya.

"Your choice. A useful lie or a harmful truth." he said then walks out.

 September 10, 2014; 7:45 A.M.

 

“Goodmorning Kuya Ian!!” biglang sigaw ng mga cute na bata sa harap ko. I should be in school right now but since pinili ko ang practical exam sa Communication Society and Development subject ko, nandito ako sa barangay hall ngayon at nagvolunteer para maging part-time teacher.

Pero sa totoo lang, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon.

 

Meron halos twenty cute little children sa harap ko, sila yung mga hindi gaano kapalad para maka-attend sa isang school. Buti nalang may program na ganito ang barangay namin para naman kahit papaano mabigyan sila ng knowledge sa simpleng paraan.

“Goodmorning din kids! Mukhang napakilala na ako sa inyo ha. Pero magpapakilala parin ako sa inyo. Ako si Kuya Ian niyo, estudyante din ako katulad niyo pero college na ako ngayon. Performing arts ang hilig ko, ibig sabihin noon mahilig ako kumanta, sumayaw, at umarte. Magiging teacher niyo ko ngayon. Ayos ba yon?”

It’s been a long time since I acted like this.

 

Sobra yung ngiti, lively ang aura ko. No pride in my voice. Sobrang na-miss ko to at parang ang gaan ng pakiramdam ko.

“Kuya Ian, ang pogi mo daw po sabi niya!” sabi ng isang batang lalaki sa likod habang tumatawa at naka-turo sa katabi niyang babae na patuloy naman siyang hinahampas.

Napatawa nalang ako at parang gusto kong sabihin sa kanila; “no doubt about that”

Napailing nalang ako habang tumatawa.

“Ok, kids tama na yan. Alam niyong pogi si Kuya Ian kaya dapat wag niyong galitin. Behave kayo, ok?”

“OOOOOOOKKKKKK POOOOOOO.” Sabay-sabay silang sumagot at kahit sobrang lakas ng pagkakasabi nila, it’s like a music to my ears.

 

.

.

.

.

Halos tatlong oras ko nang tinuturuan ang mga bata at talagang masasabi kong gustong-gusto nilang mag-aral. Lahat sila buhay na buhay habang nagsasalita ako sa harap at todo sagot din sila sa mga tanong ko. Pag nagpapalaro naman ako halos lahat sila hyper na akala mo naka-inom ng mga isang baldeng kape. Oo, nakakapagod mag-alaga at magpasaya ng benteng bata pero sobrang saya naman.

Ngayon naman naka-upo na ako sa harap ng teacher’s table kasi binigyan ko sila ng 30 minute break. Akala ko sila yung tipong mga batang pag ganito ay maghahabulan at maghaharutan sa loob ng classroom pero laking gulat ko kasi lahat sila naka-upo sa mga upuan nila at parang busy sa mga buhay nila dahil may mga dinadrawing sila.

Tatayo na sana ako para tignan sila pero bigla nala ng ako nilapitan nung batang lalaki na sumigaw kanina.

“Kuya Ian, ano pong spelling ng eighteenth?” tanong niya sakin habang may hawak siyang isang bondpaper at crayon.

“E-I-G-H-T-E-E-N-T-H.” sinagot ko naman siya at habang sinasabi yung mga letters. Binaba niya sa table ko yung papel niya at nagsulat siya. May nakadrawing sa papel niya na isang stick figure na babae at may cake sa harap niya. At sa taas may n aka sulat na….

Happy Eighteenth Birthday Ate Maycee

 

No. Of course, it can’t be her. Nasabi ko nalang sa sarili ko habang umiiling.

“Sino si Ate Maycee?” tanong ko bigla sa kanya.

“Teacher din po namin siya tuwing sabado. Para po siyang ikaw, bata din tapos mo masaya magturo. Birthday niya po kaya guamagawa kami ng surprise sa kaniya eh.” Sagot niya sakin habang nakangiti. Kitang kita ko sa kanyang gustong gusto niya talaga itong Maycee na to at halata din naman sa kanilang lahat dahil sobrang focus sila sa ginagawa nila.

“Kuya, ito po yung picture namin kasama siya oh.” Sabi ng isang bata na nasa harapang upuan na mukhang narinig kaming nag-uusap.

Kinuha ko yung picture sa kanya at tinignan ko. Nandun din lahat ng bata sa classroom nato dun sa picture at nasa gitna nila yung Ate Maycee nila.

At dun ko rin nakita yung Maycee Castillo na kilala ko.

“It’s her.” Nabulong ko nalang habang nakatingin ako sa kanya sa picture. That same old smile na sobrang sarap tignan.

“Kilala niyo po ba siya Kuya Ian?” tanong sakin nung nagpahiram ng picture at mukhang lahat na sila at nakatingin sakin. Ngumiti nalang ako at, at this point alam ko na ang gagawin ko.

“Kids, oo kilala ko si Ate Maycee niyo. Maycee Castillo ang buo niyang pangalan diba? Maganda, mabait, matalino, masayahin at pala-tawa, diba ganun siya? Classmate ko siya ngayon.” tanong ko sa kanila at lahat sila ay tumutungo. “Uhm, kahit ganun medyo hindi ko napapansin si Ate Maycee dahil sa mga ilang bagay pero ngayon gusto ko ng magsorry sa kanya at kausapin siya ulit. Pwede niyo ba akong tulungan, bigyan natin siya ng isang surprise na hindi niya makakalimutan!” sabi ko sa mga bata.

Kahit nagmumukhang ginagamit ko ang mga bata para maka-usap si Maycee, hindi ganun ang intensyon ko. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanila kasi kung hindi dahil dito, hindi ako makakapagdesisyon na kausapin siya ulit.

Mukha namin na-excite ang mga bata at lahat sila ay sumagot ng isang malaking OPO.

“Salamat! Ngayon, araw araw akong babalik dito. Aayusin natin ang classroom at maghahanda tayo ng party para sa kanya. Pero syempre, secret muna natin to ha.” Sabi ko sa kanila sabay kindat.

“Wow naman Kuya Ian. Mukhang napaka special ni Ate Maycee sayo ha. Siguro crush mo siya noh?”

Nagulat ako sa tanong ng mga batang ito. Pero mas napangiti ako sa kanya.

“Maybe.” Sabi ko at yung iba sa kanila ay sumigaw ng “yiiieee”

Indeed, maybe. Maybe, more than that.

 

September 10, 2014; 5:00 P.M.

 

“You’re right. I won’t resist anymore. Halos lahat na ata ng bagay sinasabi saking kausapin ko siya at ngayon napatunayan ko yun but I would need your help.” Nandito kami ngayon ni Sky at Kishi sa isang fast food chain malapit sa school namin. Nakwento ko lahat sa kanila ta pati narin ang plano ko pero para magawa ko yun kailangan ko ng tulong nila.

“Finally!” biglang napasigaw si Sky. “You’ve come back to your senses, Akala ko natanga ka na talaga eh!” tuloy niya.

“Hey, that’s rude!” sabi ko sa kanya with my serious face. “Kahit matalinong tao natatanga pagdating sa mahal niy---

Bigla akong napahinto dahil narealize ko din kung anong sinasabi ko at yung mga ngiti ni Sky at Kishi sakin.

“Oh, I am so in to this! Just make sure wala kang gagawin sa kaibigan ko or else!” sabi ni Kishi sakin na mukhang pigil na pigil yung ngiti. Hindi ko alam kung alam niya yung sikreto ko about kay Maycee pero kung alam niya naman yun edi sana matagal na niyang sinabi kay Maycee yun.

“Eh bat ganyan mga ngiti niyo?” sabi ko sa kanila.

“Nothing” sabay nilang sagot habang ganun parin ang mga itsura.

Nadala nalang din siguro ako ng mga ngiti nila at ng nararamdaman kong excitement kaya napangiti nalang din ako ng sobra.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
806K 10.9K 24
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...