Chapter 20

205 8 0
                                    

Chapter 20

September 8, 2014

Maycee's P.O.V.

10:30 A.M.

 

"Hindi ka na naman kakain ng lunch?" Tanong sakin ni Kishi.

"Hindi naman ako gutom eh. Pupunta lang ako ng library." Sagot ko sa kanya habang inaayos ko yung gamit ko sa bag ko.

"Pupunta sa library o baka naman hahanapin siya?" Sabi ni Kishi at bigla akong napatingin sa kanya.

Isa lang agad bigla ko naisip sa sinabi niya.

Si Ian.

Mula nung nakalabas kami sa horror booth na yun, alam ko ng nilalayuan niya ko. Hindi na niya ako kinausap o pinapansin.

Parang wala na siyang pakialam sa dare na binigay sa kanya.

Ewan ko kung may pinaplano sila o talagang tinigilan na nila ako.

Naaalala ko kasi reaksyon niya nung umatake panic attack ko. Alam kong guilty siya at kung talagang masama ang ugali ni Ian, kakalimutan niya lng nangyari. Kukukitin niya ulit ako at itutuloy yung dare.

Pero hindi.

Hindi masamang tao si Ian at alam ko yun. Nakita ko na yun at gusto ko talagang ipakita sa lahat na ganun siya.

Pero hindi ko na yun magagawa ngayon dahil maski 'hi' wala na akong narinig mula sa kanya.

"Hahanapin siya? Ano namang gagawin ko at bakit ko siya hahanapin?" Yun nalang nasagot ko kay Kishi.

"Sa tagal mong sumagot niyan sa tingin mo maniniwala ako sayo? Maycee, maayos ka na. Hindi ka na nila ginugulo at things are in favor sayo magmula ng hindi ka niya pinansin. Malay mo tinigil na talaga nila yung dare. Hayaan mo na sila." Sagot niya sakin.

Tama naman si Kishi.

'All odds are in my favor' nga magmula nung layuan niya ko.

 

That 'good luck' charm he put on me must have worked.

Gumanda performance ko sa lahat ng subjects. Many organizations wanted me to join them pero tinanggihan ko silang lahat. Marami narin akong nakikilala sa college ko at kahit sa iba din ng dahil kay Dave.

Pero iniisip ko lang na nangyari lahat ng to dahil sa charm na yun.

'May you be always smiled upon' narinig ko yung boses niya sa utak ko at parang naramdaman ko yung halik niya sa noo ko.

"Are you blushing?! Hoy, in love ka ba kay Ian? Nako girl, itigil mo yan." Sabi ni Kishi na parang in panic sa harap ko.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon