Chapter 27

142 8 0
                                    

Chapter 27

October 22, 2014

Ian’s P.O.V.

6:35 P.M.

 

“May gusto ka kay Maycee diba?” bigla ko nalang natanong kay Dave.

Kanina pa kami naglalaro sa Timezone at hindi ko naman din maitatanggi na nag-eenjoy din ako pero ang pinaka dahilan ko kaya ako sumama dito ay para makilala at tanungin si Dave about dito.

Ngayon lang ako nagkaron ng chance na kami lang dalawa ni Dave ang magka-usap kasi nasa isang stall kami ng arcade game na closed sa lahat.

“Oo. Meron, pero hindi na gaya ng dati. Nakapag-usap nadin naman kami ni Maycee about dito at halata ko naman sa kanya na ayaw niya.” Sagot niya saking calmly.

I’m really not sure kung sarcastic ba siya o ganito talaga siya dahil napaka calm lang niya lagi at masayahin.

“But why are you doing this?” tanong ko ulit sa kanya.

Ayaw ko namang magmukhang strikto at mausisa pero gusto ko lang malaman dahil ayaw ko namang na-ta-take advantage si Maycee,

“Bawal na ba siyang maging kaibigan?” sagot niya lang sakin. Patuloy lang naman kaming naglalaro ng video game habang magka-usap. “Maycee is one of the best person I’ve met. Tanggap ko namang hindi siya magiging akin talaga, halata namang may iba na siyang gusto but that wouldn’t stop me to befriend her. Alam mo naman siguro ugali niya, minsan ka nalang makakakita ng ganun, papalagpasin mo pa ba? Wala akong masamang intensyon sa kanya wag kang mag-alala, she’s just a great person kaya gusto ko siyang maging kaibigan.” Tuloy niya.

He’s right.

 

Lahat naman ng sinabi niya totoo, kahit naman akong close sa lahat ng tao dati na appreciate si Maycee ng walang kahirap hirap. Hindi ko rin naman siya pwedeng kontrahin sa gusto niya at nararamdaman ko rin na totoo naman lahat ng sinasabi niya.

“Sorry for asking. I just wanna know.” Nasabi ko sa kanya. Kanina ko pa naman din napansin na mabait talaga si Dave, I just need to make sure.

“I know. Syempre naman, you have to take extra precaution for your love.” Sagot niya sakin at tumingin na siya sakin habang tumataas ng sabay yung kilay niya. “Mahal mo siya noh?”

“Teka teka, parang yung tanong ko sayo, gusto  lang ha. Bakit sakin mahal agad?”

“Well, mas matagal kayong nagkakasama dati ni Maycee. You’ve done a couple of things for her and she’d done a lot of thngs for you, diba? Bakit hindi ba totoo?” tanong niya ulit sakin. Masyado na akong nadidistract sa pinagsasasabi niya na namamatay na yung character ko sa video game na nilalaro namin.

“Ewan ko. Basta sa ngayon hiling ko nalang na sana lagi nalang nasa tabi ko si Maycee. Well, not literaly pero alam mo naman na siguro ibig kong sabihin.” Paliwanag ko sa kanya. Napangiti nalang siya at tumango habang nakatingin lang sa screen.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon