Chapter 10

247 11 0
                                    

Chapter 10

July 28, 2014

Ian’s P.O.V.

1:15 P.M.

 

“Babe, pwede ba. Minsan na nga lang tayong magkasama hindi mo pa mabitawan yang cell phone mo.” Sabi ko kay Leila. Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano talagang meron kami.

Nagsimula ko tong maramdaman simula nung binigay niya sakin yung dare na yun. Kung iisip parang pinamigay niya nalang ako ng dahil sa sarili niyang kagustuhang masaktan o madistract si Maycee. I feel like I’m just being used. At isa pa, tuwing lumalabas kami ni hindi man lang kami makapag-bonding dahil puro cell phone ang hawak, tulad ngayon.

“Hindi ka pa ba sanay. Ian, alam mo namang lagi kong hawak cell phone ko eh.” Sagot niya sakin. Nasa mall kami ngayon dahil tapos naman na kaming magreview at babalik nalang ako mamaya sa university para i-meet si Maycee.

“Dati hindi ka ganyan. Minsan na nga lang tayo lumabas at magbonding hindi pa kita makausap.” Actually kanina pa kami dito sa fast food chain na kinainan namin. Ayaw lang tumayo ni Leila para maglakad-lakad at gawin yung mga ginagawa namin dati tulad ng paglalaro sa mga arcade stalls dito.

Hindi ko alam kung cell phone lang ba talaga ang dahilan o talagang nagbabago na siya eh.

Kahit medyo mean man ang ugali ni Leila, alam kong may sweet side din yan. Hindi naman ako mafa-fall sa kanya kung puro ‘mean’ side lang ang makikita ko eh. Dati lagi kaming magka-usap at siya lang talaga nakakapag cheer-up sakin. Masasabi ko ring napakalaki na ng pinagbago niya and I’m so sad to say that those changes are not good.

Sabihin na nating naging brat siya magmula nung naramdaman niyang we’re on top. Pinilit ko naman siyang ibalik sa dati pero mahirap na rin. Hindi ko naman din masasabing hindi rin ako nabago, sa dami na ng nagawa ko sa mga dating students dito. I became so mean narin at lumaki na ang ulo pero alam ko namang sa loob ko nandoon parin yung dating ako.

Hindi ko na nga lang maipakita sa iba dahil ayaw ko nang maulit yung nangyari noon. This time I’ll be the intimidating one.

“I’m getting bored. Magkikita naman kayo ni Catie diba? Babalik nako sa university.” Nasabi ko nalang sa kanya sabay tayo. Buti naman tumingin siya sakin at akala ko pipigilan niya ko.

“Mmmkay. Balitaan mo nalang ako sa kung anong mangyayari sa inyo ni Maycee.” Sabi niya. Honestly, napahinto talaga ako. Unlike kasi dati, nag sasabi pa siya ng ‘take care’ and ‘I love you’ pero ngayon ni hindi ko na marinig yun.

Halos magdadalawang taon na kami ni Leila pero hindi ko alam kung aabot pa kami doon.

Pakiramdam ko kasi friends with benefits nalang kami eh. But not that kind of benefits. I mean yung sa academics, sa mga pinapagawa niya at lahat nang yun.

Minsan napapahinto nalang ako at napapa-isip na parang ginagawa na ni Leila sakin yung nangyari sakin dati.

I need to stop her bago pa tuluyang maging ganoon na naman yung buong scenario.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon