Chapter 8

291 9 1
                                    

Chapter 8

June 22, 2014

Ian’s P.O.V.

7:45 P.M.

 

Thanks to what Kishi told me, natauhan na ako.

 

Ayoko nang isipin yung nakaraan ko dahil wala na akong magagawa about doon. Kahit anong pagka-hate pa gawin ko hindi ko na mababago yun. What matters most is yung ngayon.

Ngayon ko na mapapatunayan sa sarili kong may satisfaction sa ginagawa ko. And now I promise to do this one LAST dare, one last bully act before I stop.

I better take it more seriously,

I can’t afford to fail.

 

 

July 3, 2014; 12:30 P.M.

 

I made my way out of the cafeteria just to find Maycee. Sabi ko nga sa sarili ko, kailangan ko nang mas maging seryoso dito. Kahit mukhang lumalaban siya, hindi ko hahayaan na mapigilan niya ko sa gagawin ko.

Naglalakad lang ako sa loob ng college namin at halos walang tao dahil halos lahat sila ay nasa loob ng cafeteria dahil lunch na, pero I’m sure that she’s not there.

Finally, I saw her. Nandoon siya sa gym na hindi na ginagamit at pinagtambakan nalang ng mga sirang gamit. This place is a mess pero parang wala siyan pakialam doon. Nandoon lang siya sa isang gilid pero I must say dun sa lugar niya, malinis. Mukhang nilinisan muna niya bago siya nagstay doon.

“Hey, are you on diet?” tanong ko sa kanya habang papalapit. Nakita ko sa kanya na nagulat siya, medyo napalakas din kasi yung boses ko.

“Would you atleast knock before saying something?” napatingin siya sakin. Kahit nagtataray siya nakikita ko sa kanyang natakot siya.

“Scaredy-cat ka pala.” Tinawanan ko nalang siya at tumabi sa kanya.

“Alam mo, kaya kasi ako nandito dahil alam kong walang taong pumapasok. Meaning, tahimik dapat. Eh tapos bigla kang papasok at magsasalita nalang agad?” rason niya. “Isa pa, anong ginagawa mo dito?”

“Hinahanap ka.” Sabi ko sa kanya sabay ngiti sa kanya with my sweet grin. Nakatingin lang siya sakin noon pero nung nakita niya yung ngiti ko, bigla siyang tumingin ulit sa librong binabasa niya and somehow nararamdaman kong may sinasabi siya sa utak niya.

“Not interested Ian. Tigilan mo ko, wag ako.” Nasabi nalang niya habang nakatingin parin sa libro niya.

Sa isip-isip ko hahayaan ko muna siya, dahil sure ako. Sooner or later, she’ll fall for me. No one can resist me.

“By the way, hindi ka ba naiirita dito? Ang dumi-dumi kung ako yan hindi ako makakapag-aral dito.” Sabi ko sa kanya. Totoo sinasabi ko, madumi talaga sa paligid. Stack of broken chairs and black boards, may mga locker din and sure akong punong-puno na sila ng alikabok.

Dare me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon