Sa Susunod Na Habang Buhay |...

By yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... More

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 06
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 21
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 26
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 30
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 36
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 07

63 4 2
By yogirlinmorning

"Ang swerte mo sa mga kaibigan mo Ken." Narinig kong sabi ni Tom sa tabi ko. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Oo, ang swerte ko nga sa kanila.

Mas napangiti pa ako ng malaki ng makita ko kung paano sila magkulitan sa tapat ng puntod ko. Oo, nandito na naman sila sa puntod ko. Wala atang araw na hindi sila pumunta at nag-iingay dito. Minsan kasama nila sila mama, pero madalas ay silang apat lang talaga.

"Gaano katagal na kayong magkakaibigan?" tanong ni Maureen na nasa tabi ni Tom at nakatingin din sa mga kaibigan ko. Agad namang bumalik sa ala-ala ko kung paano kami naging magkakaibigan.

"Matagal-tagal na rin. I've known them since I was in high school." Sagot ko sa tanong ni Maureen.

"Weh, ang tagal na din ah. Paano kayo nagkakilala? Kwento mo naman tsaka pakilala mo na din sila. Ang gugwapo eh." Sabi niya habang kinikilig pa. Napailing naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Ang landi Maureen ah." Sabi ni Tom sa kaniya. Agad naman niyang sinamaan ng tingin si Tom.

"Excuse me, hindi ako malandi. Inaappreciate ko lang yung mga looks nila duh. Ano gusto mo ikaw lang gwapo sa paningin ko?" Sagot naman ni Maureen at muling inasar si Tom.

"Tantanan mo ko, hindi tayo talo." Asar na sagot ni Tom sa kaniya at lumipat sa kabilang gilid ko.

"Heh!" singhal niya kay Tom. "So ano na Ken? Kwento mo naman na, tsaka pakilala mo na sila isa-isa. Halos lagi ko na silang nakikita dito, memorize ko na mga mukha nila pero hindi ko alam pangalan." Pangungulit ulit ni Maureen sakin. Natawa akong muli sa kaniya, naaalala ko kasi yung kapatid kong si Katrina sa kaniya. Ganitong-ganito din kasi reaksyon non nung una niyang makita 'tong mga kaibigan ko.

"Well, ganito kasi yan. Nung high school kasi ako member ako ng dance troupe sa school namin. So tuwing may mga event ay nagpeperform kami. First year pa lang ako nun pero sumali na agad ako sa mga club na ganyan sa school namin." Pagsisimula ko ng kwento sa kanilang dalawa ni Tom na nakikinig talaga.

"Si Jake..." pagturo ko kay Jake na nakasuot ng light brown sweater niya, "... siya yung pinaka matanda sa aming lima. Third year high school na siya nung makilala ko siya and isa siya sa leader nung dance troupe na sinalihan ko sa school namin. Famous yan, palibhasa ang lakas ng charisma at ang galing sumayaw. Since siya yung pinaka matanda samin, siya din yung pinaka madiskarte sa aming lahat. Ang dami din niyang life lesson na pinapabaon sa aming lahat." Pagkukwento ko at pagdedescribe kay Jake na ngayon ay naka-akbay kay Dustin.

"Si Paulo naman..." Tinuro ko si Paulo na nakasuot ng itim na hoodie. "... kasama din siya sa dance troupe namin, pero solo performer din siya minsan..."

"So nasayaw siya mag-isa?" Tanong ni Maureen sakin na pumutol sa pagkukwento ko.

"Minsan, pero mas gusto niyang sumayaw na kasama kami. Solo performer siya minsan kasi madalas na siyang yung pinapakanta. Sobrang ganda kasi ng boses niyan ni Paulo tapos ang galing din mag compose ng mga sarili niyang kanta. Parehas sila ng ugali ni Jake na seryoso sa buhay at may prinsipyo talaga." Pagkukwento ko habang tinititigan naman si Paulo na may binibidang kwento sa tatlo.

"Eh sino naman yung katabi ni Paulo?" Tanong ni Tom. Ngumiti naman ako dahil doon.

"Yan naman si Liam. Parehas silang second year na ni Paulo. Member din siya ng dance troupe namin. Siya yung madalas na nagtuturo ng choreography sa amin. Pero nung third year na sila sumali din sila ni Paulo sa music club. Parehas maganda boses ng mga yan, tho maganda din naman boses ni Jake pero mas gusto niya kasi yung sayaw talaga..."

"Tapos yung nasa tabi naman ni Jake, yan si Dustin. Pinaka bata samin kaya bunso ang tawag namin sa kaniya. Actually magkasing edad lang kami ni Dust pero mas matanda lang ako siguro ng anim o pitong buwan ata. Parehas kaming first year nung nag join kami ng dance troupe at makilala sila Paulo, Jake at Liam. Si Dustin yung pinaka corny naming kaibigan." Pagpapakilala ko kay Dustin.

Hindi ako makapaniwala na ang tagal na pala naming magkakakilala. Ang dami na naming napagsamahan. Sila yung naging sandalan at takbuhan ko sa tuwing magulo yung mundo para sa akin. Sila yung dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pangarap para sa buhay ko, pangarap na hindi ko na mararanasan at makakamtan ngayon.

"Hanggang college magkakasama kayo?" Tanong ni Tom sakin.

"Hindi na. Iba-iba na kami ng profession na kinuha at iba't ibang school ang pinasukan." Sagot ko sa kaniya.

"Ano-ano mga natapos niyo?" Tanong naman ni Maureen.

"Si Jake, since siya naunang grumadwait samin ng high school, he takes BS/MA Psychology sa PNU. He finished 5 years of college with a double degree. Imagine natapos niya college pati masters sa isang take lang. Ganyan siya kalupit." Pagbibida ko sa kanila kay Josh.

"Woah! Grabe. Double degree agad, samantalang yung iba kailangan pa mag-ipon ng ilang taon para sa masters nila." Sabi ni Maureen na bakas ang pagkamangha sa mukha.

"Tapos si Paulo naman graduate ng Bachelor of Arts in English. Kaya sa aming lahat siya yung englishero ay masyadong OC pag dating sa grammar. Graduate siya ng Magna Cum Laude sa PUP. Tapos si Liam naman nag takes ng HRM sa STI. Kaya ang madalas na nagluluto samin ay si Liam minsan tumutulong si Paulo. Tapos kaming tatlo taga-kain lang haha." Pagpapatuloy ko.

"Wow, grabe ang tatalino naman pala ng mga kaibigan mo Ken. Ang talino, gwapo at talented pa. Swerte ng magiging asawa ng mga 'to." Puno ng pag hanga na sabi ni Maureen.

"Eh ikaw at si Dustin? Ano tinapos niyo?" Tanong ulit ni Tom.

"Si Dustin graduate ng Multimedia Arts sa De LaSalle College of Saint Benilde. Graduate with honors din tapos siya lang mag-isa ang gumawa ng thesis paper niya." Pagbibida ko kay Dustin. Sabay naman silang dalawang napa-woah dahil sa bilib.

"Kaya mas magkasundo kami ni Dustin kasi pareho kami ng hilig. Graduate ako ng architecture sa TIP. Nung high school pag walang practice pero magkakasama kami ay madalas pag do-drawing yung hobby namin ni Dust, habang sila Paulo, Liam at Jake naman ay kumakanta."

"Grabe ang lulupet nyo naman palang magkakaibigan e. Kaya siguro ang solid niyo kasi sa halos lahat ng bagay magkakasama at magkakasundo kayo." Sabi ni Tom na puno ng paghanga.

"Oo. Magkakapatid na din kasi ang turingan namin sa bawat isa. We never let one of us being left behind or even sad. Kailangan lahat kami sabay-sabay na aangat."

"Grabe sana all may ganiyang kaibigan." Nakangiti pero may bahid na lungkot na sabi ni Maureen. Lumingon siya sakin at binigyan ako ng tipid na ngiti. Nginitian ko lang din siya at inakbayan.

"Liam may dala ka bang cake?" Narinig kong tanong ni Jake. Patuloy lang kaming tatlo na pinapanood sila na nag-uusap at nagkukulitan sa may tapat ng puntod ko.

"Oo naman. Ako pa nga gumawa niya. Special yan si Ken eh. Special child hahahaha." Tumatawang sagot naman ni Liam habang nilalabas yung cake sa box. Nabatukan naman siya agad ni Paulo dahil sa sinabi niya. Natawa na lang ako dahil nagsimula na naman silang magtalo.

"Hoy Ken, alam naming matakaw ka sa cake kaya dapat ubusin mo 'to ha! Si Liam gumawa niyan." Sabi naman ni Dustin habang naghihiwa ng piraso ng cake at nilagay sa tapat ng puntod ko.

"Hoy tayo na lang kumain nitong cake. Gago ka Dustin! Pag yan talaga kinain ni Ken na hindi natin nakikita sinasabi ko sayo hinding hindi ka na makakakain ng mga niluluto ko." Pagbabanta ni Liam kay Dustin. Nag tawanan naman sila Paulo at Jake dahil bakas ang takot sa mukha ni Liam.

"OMG! Takot sa multo si Liam?" Tanong ni Maureen sakin. Tumango naman ako kaya napahagalpak siya ng tawa.

"Nakakaloka, hindi ko ma-imagine!" Tumatawa pa ring sabi ni Maureen.

"Hala Liam, nabawasan yung cake." Sabi naman ni Paulo at tinuro yung platito na binawasan talaga ni Jake habang nakikipag sagutan si Liam kay Dustin.

"Tupang ama! Dustin ayan na nga ba sinasabi ko e." Nanggigigil na sabi ni Liam kay Dustin at hawak hawak na nito ang buhok niya.

"Hoy Ken! Taena mo dre, best pal mo ako diba. Wala namang takutan. Ginawan ka na nga ng cake tapos ganyan ka pa. Wala bang cake dyan sa pinuntahan mo?" Natatakot na sabi ni Liam. Hindi ko na napagilan ang humagalpak ng tawa dahil sa mukha ni Liam at sa sinabi nito. Pati sila Tom at Maureen ay tawa na rin ng tawa, habang sila Paulo, Jake at Dustin naman ay patuloy na tinatakot si Liam.

"Ken pakita ka naman samin sa panaginip o. Miss ka na namin. Miss na naming marinig boses mo, yung tawa mong tinalo pa ang tawa ni Lucifer tuwing maghohorror house tayo. Miss ka na namin makasama sumayaw, kumanta at kumain. Pakita ka samin kahit saglit lang sa mga panaginip namin." Sabi ni Jake habang nakatingin sa larawan ko na nasa may puntod ko din.

"Oo nga dre. Sobrang nakakapanibago. Hindi pa rin kami sanay na wala ka na. Hindi pa rin kami sanay na wala ng nagrereply ng yare yare sa gc natin, hindi na kami sanay na hindi ka na nagse-seen don at sumasagot pag nag vivideo call kami. Balik ka na dre. Kahit mga ilang araw lang." Sabi naman ni Paulo.

Isa-isa ko silang tinitigan. Silang tatlo ay pinipigilan na umiyak pero si Liam ay hindi na napigil ang mapaluha. Agad din naman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa mga kwento at hiling nila. Kung pwede nga lang eh, kung pwede lang na maging tao ulit ako.

"Oo Ken, kahit ilang araw lang. Mayakap ka man lang namin bago ka umalis. Yung mapaghandaan man lang namin kahit papaano. Hindi yung ganito na binigla mo kami. Kasing bilis ng kisap-mata yung nangyari sa'yo. Ang hirap pa ring tanggapin." Pagpapatuloy naman ni Dustin. Inakbayan naman ni Jake si Dustin ng punasan ni Dustin ang pisngi niya dahil sa tumulong luha galing sa mga mata niya.

"Ken, kahit wag ka na magpakita sa panaginip ko dre. Alam mong hindi ko kakayanin kahit kasing gwapo mo yung magmumulto sakin. Basta lagi mo lang tatandaan mahal kita best pal, at miss na miss na kita." Sabi naman ni Liam na halatang nalulungkot pero natatakot din dahil sa mga hiling nila Paulo, Jake at Dustin.

"Hay nako ka talaga Liam. Tara na, umuwi na tayo baka di ka na maka alis diyan pag dumilim na dito." Pang-aasar ulit ni Jake kay Liam. Agad namang sumang-ayon si Liam at inayos agad yung mga dala niyang pagkain.

"Dre, uwi na kami ha. Babalik na lang ulit kami dito. Gabayan mo kami lagi ha, lalo na yung mga magulang mo at mga kapatid mo. Miss na miss ka nila. Miss na miss ka na rin namin." Paalam ni Paulo at saka nag-usal ng maikling dasal, pagkatapos ay umalis na din silang apat.

Nang tuluyan na silang maka-alis ay naiwan kaming tatlo nila Maureen at Tom. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin yung naging asaran at kwentuhan nila. Pero unti-unti ding nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung paano sila masaktan dahil sa pagkamatay ko.

"Possible ba yon?" I asked Maureen and Tom out of nowhere. Napalingon naman silang dalawa agad sakin.

"Ang alin?" They asked in unison.

"Yung bumalik ako sa pagiging tao? Kahit ilang araw lang, para mayakap ko lang ulit sila sa huling pagkakataon. Para matulungan ko talaga sila mama sa pag-asikaso sa kaso ng pagkamatay ko." Tanong ko sa kanila.

Napangiti naman silang malungkot dahil sa tanong ko.

"Hindi ko alam e. Kasi hindi naman ako humiling na bumalik ako sa pagiging tao." Sagot ni Maureen sakin.

"Ako din. Hindi ko din alam, kasi never namang hiniling ng mga mahal ko sa buhay na bumalik ako sa pagiging tao. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin ako maka-alis dito." Sagot din ni Tom.

Napailing na lang ako dahil sa kahibangan na naiisip ko. Imposible nga din naman kasing mangyari 'yon.

"Pero kung mangyari man na bumalik ka nga sa pagiging tao kahit ilang araw lang, pwede mo kaya kaming matulungan?" Tanong ni Tom sakin. Lumingon naman ako sa kaniya.

"Anong klaseng tulong?" Tanong ko sa kaniya.

"Alam kong selfish 'to at sagabal sayo, pero pwede bang tulungan mo ako kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-alis dito? Kung ano pa ba yung kailangan ng mga magulang ko?" Sabi nya at tipid akong nginitian.

"Ako din Ken, gusto ko ding malaman yung akin. Hindi ako maka-alis kasi naiwan ako dito. Hindi ko alam kung kailan babalik ulit dito ang mga magulan ko. Hindi ko alam bakit hindi pa rin nila ako mapakawalan." Request din ni Maureen.

"Kung possible man na maging tao ako muli, makaka-asa kayo na tutulungan ko kayo. Pamilya na rin ang turing ko sa inyo kahit ilang linggo pa lang ako na naririto." Sagot ko sa kanila. Niyakap naman nila akong dalawa at paulit-ulit na umuusal ng pasasalamat.

"Lahat kayo, tutulungan ko kung sakali man na maging tao akong muli. Makaka-asa kayo." Sabi ko muli at nginitian silang dalawa. Ilang minuto pa kaming nag-usap-usap bago naming napagpasiyahan na pumasok na sa mga kwarto namin.


Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
12.8K 64 10
This story is not mine....I post it here bec. I want the new readers here in wattpad the story of the two teens who's fell inlove with each other...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
3.1K 130 16
VICE ION🧡🧡 STORY BUT THIS IS NOT TRUE STORY TLGA OKAAY LOVE YUAHHH😘💖💖😘💖😘💖