Sa Susunod Na Habang Buhay |...

By yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... More

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 07
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 21
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 26
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 30
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 36
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 06

71 4 0
By yogirlinmorning

Minulat ko ang mata ko nang makarinig ako nang ingay. Nakita ko silang lahat na nagkukumpol-kumpulan na naman ulit. May namatay na naman ba ulit? Tumayo ako sa pwesto ko at nilapitan sila para tignan kung ano ba ang tinitignan nila doon.

Nang mapansin nila ako ay agad naman silang nag bigay ng daan para makita ko din kung ano ba yung tinitignan nila. Dahan-dahan akong lumapit doon at unti-unti kong nakita ang mga pamilyar na likod. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino at ano ba ang tinitignan nila. Nakita ko ang mga magulang ko, kapatid at mga kaibigan ko, sa harap ng puntod ko. Lahat sila ay naka-itim at umiiyak.

Ilang araw na ba ang nakalipas simula ng malaman kong patay na ako? Halos isang linggo na rin, at sa loob ng isang linggo na 'yon ay walang araw na hindi ko nakitang umiyak si mama at ang mga kapatid ko. Pati sila Liam, Jake, Dustin at Paulo na palihim na umiiyak ay nakikita ko din. Ang sakit sa puso. Hindi ko matanggap na ayon na pala yung huling araw ko.

"Let us hear the last messages of the family and friends of our beloved Ken Vargas." Narinig kong sabi ng pari.

Nakita kong pumunta sa harapan si mama. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na huwag na siyang umiyak dahil nandito lang naman ako sa tabi niya.

"Si Ken yung panganay ko. Siya yung unang-unang nag bigay ng saya sakin bilang ina. Sobrang bait niyang anak, kapatid at kaibigan. Hindi yan pala salita sa harap ng ibang tao pero sa amin sobrang daldal at kulit niyan. Hindi ko lang matanggap na kukunin na pala siya agad sa akin. Ni hindi ko man lang napaghandaan 'tong araw na 'to, at hinding hindi ako magiging handa sa araw na 'to pero ito na, nandito na sa harap ko..." Naramdaman kong niyakap ako ni Aling Edna. Ang sakit sakit makita na nasasaktan silang lahat dahil sakin. Gustong gusto kong yakapin si mama at sabihin na hindi ko siya iiwan.

"... ni hindi ko man lang siya nakita, nakausap at nayakap. Ang sakit sakit. Ken, anak kung nasaan ka man ngayon please lagi mo pa ring gabayan mga kapatid mo. Mahal na mahal kita anak. Miss na miss na kita." Huling sabi ni mama bago siya umalis sa harap. Agad naman siyang dinaluhan ni papa at ng mga kapatid ko.

"Alam mo Ken, kung nasaan ka man ngayon, gustong gusto kitang kaltukan." Panimula ni Paulo nung siya na ang mag-sasalita.

"Sabi ko diba mag-iingat ka. Sabi ko diba wag ka magpatakbo ng mabilis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na lang kita pinayagang umalis agad. Edi sana pinigilan ka pa ulit namin. Ang daya mo dre. Sabi mo sa gig ang punta mo, ang akala namin sa may manila lang, hindi..." Hindi na matuloy ni Paulo ang gusto niyang sabihin. Nasa tabi niya din sila Liam, Dustin at Jake na pare-parehas ng mugto ang mga mata.

"... tangina Ken bumalik ka na. Hindi ko ma-imagine yung bawat araw na hindi ka na namin makikita. Na hindi ka na namin makakasama sa kantahan, sayawan at kainan. Bakit ikaw pa kasi dre." Binitawan na ni Paulo yung mic at bumalik na sa pwesto niya. Tumanggi na rin sila Liam na mag salita dahil puro iyak na lang nila ang maririnig.

Tangina. Ang sakit. Hindi ko alam na mas masakit pala makita na lumuluha sila pero wala kang magawa. Nakita ko ang buong proseso at ang pamamaalam nila sakin. Hindi ko na kaya. Akala ko pag namatay ka na wala ka ng mararamdamang sakit, pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit pa rin na makita silang ganito.

Tatlong oras na din ang lumipas simula ng umuwi silang lahat at hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa puntod ko. Hindi ko magawang pumasok sa loob nito. Mas gusto ko pang matulog ulit dito sa labas. Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang makita kong may papalapit sakin.

"Ken." Tawag ni Denise sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Sa lumipas na isang linggo ay napapalapit na ang loob ko sa kanilang lahat dito.

"Kailan mo balak umalis dito sa lupa?" Tanong niya sa akin habang nakatingin din siya sa puntod niya.

I looked at her. It took me a minute before I can answer her question. Kailan nga ba?

She looked at me, probably waiting for my answer. I looked away and sigh deeply.

"Hindi ko alam. Siguro pag nakuha na nila mama yung hustisya sa pagkawala ko. At saka siguro kapag nakita kong okay na ulit sila, na masaya na ulit sila, na tanggap na nila na wala na talaga ako." Sagot ko sa kaniya. I saw her smiled bitterly. Kumunot naman ang noo ko.

"Ikaw ba? Kailan mo balak umalis?" tanong ko sa kaniya. She sighed also and looked in the other direction.

"Katulad sa'yo. Pag nakita kong okay na sila. Pag nakita kong handa na silang pakawalan ako." Sabi niya at tipid na ngumiti sa akin.

"Kaso mukhang matatagalan pa mangyari 'yon." Pagpapatuloy niya.

"Bakit? Pano mo naman nasabi?"

"Tatlong taon na rin simula nung magpakamatay ako..."

"Ha? Nag pakamatay ka? Bakit?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

She smiles sadly and slowly tears are rolling down her eyes.

"Lumaki ako na kami lang ni mama ang magkasama at magkakampi sa buhay. Hindi sila nagkatuluyan ng tatay ko. Hanggang sa isang araw nagulat na lang ako na umuwi siya sa bahay at may kasama na lalaki. Akala ko nun katrabaho niya lang kaya hindi na ako nag tanong, kaso hindi pala." Pagkukwento niya habang nasa malayo ang tingin.

"Nung una tanggap ko pa e, kasi magkakaroon nako ng tatay. Pero isang araw habang wala si mama, nagulat na lang ako na may humihimas sa may binti ko habang natutulog ako kaya nagising ako. Pag tingin ko nakita ko yung kinakasama ni mama na may pinapanood sa cellphone niya habang patuloy na hinihimas ako..." Napatigil siya sa pagsasalita dahil patuloy na ang pagtulo ng luha niya at pag hikbi.

"Akala ko hindi na mauulit yon kaya hindi ako nag sumbong. Kaso mali na naman ako, ayun pala yung simula at paulit-ulit pang nangyari hanggang sa muntikan na niya talaga akong gahasain. Buti na lang nagising ako non at nasipa ko yung ari niya kaya nakatakbo ako. Ilang linggo akong hindi umuwi non sa amin dahil natatakot nako sa susunod niya pang gagawin sakin." Lumingon siya sa akin. Kitang kita ko ang sakit at paghihirap sa mga mata niya.

"Pero pinilit ako umuwi non ni mama dahil buntis na siya sa anak nila ng hayop na 'yon. Hanggang isang gabi, hindi umuwi si mama at yung kapatid ko dahil sobrang lakas ng ulan kaya doon sila sa bahay ng tita ko nag palipas ng gabi. Dahil nga takot na akong maiwan mag-isa sa bahay kasama ang demonyong 'yon ay napagpasyahan ko na umalis ng bahay at doon sa  kaibigan ko tumuloy..."

"Pero papalabas na sana ako ng pinto ng harangin ako ng hayop na 'yon. Halatang lasing na lasing siya. Pagkakita niya sakin agad niya akong sinampal ng malakas dahilan kaya nahilo ako nawalan ng lakas. Tatayo pa lang sana ako ng makita kong may pumasok pang tatlong lalaki, mga kaibigan niya. Tangina Ken, binaboy nila ako ng paulit-ulit noong gabing iyon." Agad kong niyakap si Denise dahil halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak.

"Pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na ako pumapasok sa school at nagkukulong na lang ako sa kwarto ko. Ken kung alam mo lang kung gaano kadumi na yung tingin at pakiramdam ko sa sarili ko noong mga panahon na 'yon. Sinubukan kong magsumbong kay mama, pero sa tuwing magsasalita na ako ay agad na sumusulpot yung demonyong 'yon at palihim akong tinatakot na papatayin niya ako..."

"Shhh, Denise tama na. Huwag mo nang ikuwento kung hindi ka na palagay." Pag-aalo ko sa kaniya. Umiling lang siya at patuloy na nag kwento.

"Ilang linggo ko pang tiniis yung hirap at sakit na 'yon Ken. Pinipilit kong labanan e, pero nung narinig ko na mismo sa nanay ko na ayusin ko daw ang buhay ko at inaakto ko dahil nakakahiya sa demonyong kinakasama niya, doon nako sumabog. Doon ko mas napatunayan na mas may pake siya doon sa gagong 'yon kesa sakin na anak niya. Nung gabing din iyon, doon ko tinapos yung buhay ko." sabi niya habang unti-unti ng kumakalma.

"Akala ko pag nawala na ako magiging okay na ako. Yung araw nang pagkamatay ko ayun din yung araw na napunta ako dito. Balak ko ng umalis din agad dito sa lupa, pero nung paalis na ako ayun naman yung oras na nakita ako ng mama ko na wala ng buhay. Simula non hindi na pa rin niya ako mapakawalan. Hindi niya matanggap na wala na ako."

"Anong nangyari don sa gagong lalaking bumaboy sa'yo?" tanong ko dahil nacucurious ako kung naipakulong ba ito ng nanay niya.

"Nakita kong pinakulong siya ni mama matapos mabasa ni mama yung sulat na iniwan ko non sa ibabaw ng kama ko." sagot niya sakin.

Ilang minuto kaming natahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung paano ko ba siya iko-comfort. May namuo ring  galit sa dibdib ko dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi ko ma-imagine na mangyayari 'yon sa dalawa kong kapatid na babae. Baka kapag nagkataon ay makapatay ako.

"Gusto ko ng umalis dito Ken, sa totoo lang. Kasi habang tumatagal mas lalo lang din akong nahihirapan. Ayoko na rin mahirapan si mama. Tatlong taon na..." bulong na sabi niya.

"Dadating din yung araw na yan Denise. Sa ngayon siguro patuloy mo munang gabayan yung mama mo at kapatid mo." Ang nasabi ko na lang sa kaniya. Ngumiti lang siya ng tipid sakin.

"Sana ikaw din, makuha mo na agad yung hustisya sa pagkamatay mo at matanggap din agad ng mga mahal mo sa buhay para hindi ka na mahirapang umalis at tuluyan na silang iwan. Sige na Ken, papasok nako sa kwarto ko." paalam niya. Parehas kaming natawa ng sabihin niya ang salitang kwarto pero ang tinutukoy naman niya ay ang puntod niya.

Naiwan ako muli sa tapat ng puntod ko. Ang tahimik ng paligid pero ang daming sinisigaw ng utak ko. Umalis muna ako sa lugar na iyon at naglakad-lakad, gusto kong makita ulit sila mama at ang mga kaibigan ko.


Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 740 83
He is a member of SB19. And she's an A'Tin. Wanting to let him know that he is her inspiration, she sends him messages every single day. The unexpec...
3K 165 27
After a year, she met again her ex. What makes it worst her ex will be her boss at the company that she applied for as a secretary. What would happe...
179K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
228K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...