Chapter 51
"Kieshaa!" Sigaw nilang lahat ng makalabas na'ko ng pintuan.
Ang kukulit sinabing wag akong susundan eh.
Nag buntong hininga nalang ako tsaka walang emosyon na humarap sa kanila.
Gusto ko nalang matulog magdamag nakak walang gana.
"Oh?" Bored na tanong ko.
"A-ano ihahatid na kita" si Emil.
Hays, pero hindi nadin ako tatanggi nakalimutan kong wala pala akonv dalang pera naubos kanina don sa taxi.
"Sige" maikling sagot ko.
"Sasama ako" tumango nalang ako kay Amber.
"Pati ako" Gino.
"Ako din" Asher.
"Kahit sa likod lang ako" Rafael.
"A-ako den?" si Sierra.
"A-ano pasabay may dadaanan ako?" Si Nem.
Parang mga tanga.
"Kayo nalang kaya umuwi tapos dito nalang ako? Hiya pa kayo eh" sarcastic na sabi ko at tumalikod na, si Emil ay nag lakad nadin ng tuluyan palabas at hinanda ang sasakyan.
Natigilan ako sandali sa pag lalakad at humarap sa kanilang lahat.
"Bago ako umuwi may gusto akong linawin" sabi ko, nakatingin lang sila sa'kin at halatang nag aantay ng sasabihin ko.
"May kailangan paba akong malaman? May alam paba kayo na hindi ko alam? Please tell me know para isang iyakan nalang isang galitan nalang isang manhidan nalang isang sigawan nalang please?" Pakiusap ko.
"W-what? No w-wala na Kiesha" utal na sagot ni Sierra.
"Wala na" si Gino.
"Ubos na" si Rafael.
"Wala na" si Asher.
Umiling lang si Emil.
Tumingin ako kay Nem ng hindi sya nag salita.
Tinaasan ko sya ng kilay, sa pag kakataong to wala talaga akong pake sa lahat kahit mas matanda pa silang lahat sakin ng ilang taon.
"Wala na kaming alam, wala na kaming sasabibin, at kung may malalaman kapa kay kuya o sa kahit kanino sa paligid mo labas na kami don wala din kaming alam" tumango ako kay Nem.
Malinaw.
"She's right" si Emil.
Tumalikod na ulit ako at sumakay na sa naka paradang kotse ni Emil sa harap ng mansion nila Nem sa backseat nalang ako umupo don din naman umupo si Amber.
Hinantay ko lang syang sumakay sumandal nalang ako sa backrest ng sasakyan at pumikit.
Pagod na pagod ako, sobra.
Hindi din sila nag sasalita kahit pakiramdam ko gustong gusto nilang dalawa na mag salita.
"Dadaan ko paba sa sub nyo Amber?" Rinig kong tanong ni Emil kay Amber.
Nakapikit padin ako at hinayaan silang mag usap.
"Ano, h-hindi dun muna ako kanina Lolo Logan m-miss kona si Lolo eh hehe" hindi ko nalang pinansin ang sagot na'yon ni Amber at nanatili akong tahimik.
Pasimple akong yumuko at hinilot ang sintido ko, ang dami daming nangyare sumasakit ang ulo ko.
Ang puso..
Pag tatama ng peste kong isip.
"K-kish tubig?" Alok sa'kin ni Amber, pero umiling ako.
"Okay lang ako, pakibilisan nalang Emil" tumingin ako kay Emil sandali kita ko naman ang pag tango nya, naramdaman koding bumilis ang takbo ng sasakyan.
Maya maya pa ay huminto na kaya tinanggal kona ang seatbelt ko. Tumingin ako kay Emil pag katanggal ko ng seatbelt. "Salamat sa pag hatid pwede ka ng umalis" walang kwentang pasasalamat ko tsaka bumaba na, hindi kona nakita ang reaksyon nya dahil nag madali na'kong bumaba. Nag lakad nadin agad ako papasok sa building walang pake kung pinag titinginan ng mga tao, sabog na sabog ako gusot gusot ang uniform ko ang buhok ko gulo gulo may sipon pa ata akong natulo o luha na hindi na'ko nag abalang ayusin pa kahit mukha akong luka, bahala sila.
Ng makarating ako sa elevator ay agad na'kong sumakay at pinindot sa 3rd floor, hindi ko nadjn muna pinansin si Amber at hinantay na makarating sa 3rd floor.
Gusto kong makausap si Lolo.
Pag katunog ng elevator ay agad na'kong lumabas at nag lakad papunta sa unit namin, ng nasa harapan na'ko ay kinuha ko ang susi sa bulsa ko tsaka iunlock yon pag katapos ay pumasok na'ko at nag madaming hanapin si Lolo.
Wala si Lolo sa kwarto nya, wala din sa sala pero sure akong nandito na si Lolo at nasa kitchen sya.
At tama nga ako nakita ko don si Lolo naka upo habang may hawak na cellphone, agad din namang napatingin sa'kin si Lolo ng maramdaman ang presensya ko.
"Oh apo? Ang aga mo ah" tumango lang ako kay Lolo. "Bakit ganyan ang itsura mo? Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Lolo, umiling naman ako, hindi ako okay, nanatili lamg aking nakatayo sa harapan ni Lolo.
"Lo, may itatanong lang po ako" gusto kong makasigurado.
"Ano 'yon?"
"May kapatid po ba'ko? May kapatid po ba ako na kasama ni mama ngayon?" Halatang hindi makapaniwala si Lolo sa tanong ko.
"Bakit mo natanong yan apo?"
"Pasagot nalang po Lo please" pakiusap ko.
Gumaan ang pakiramdam ko ng umiling si Lolo. "Wala, wala kang kapatid, wala kamg kapatid sa mama mo o sa kahit kanino, bakit may problema ba?" Umiling nalang ako bago tatalikod sana pero nakita ko ang box ng cake yung galing kay Dwayne nung isang araw, kinain ko'yon pero hindi ko naubos nilagay ko nalamg sa ref ewan kung bakita nasa labas ngayon baka nilabas ni Lolo.
Bigla nalang akong nakaramdam ng galit ng maalala ko si Dwayne, sobrang galit sa sobrang pag kagalit pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Tsaka ko lang din naalala ang sinabi noon ni Lolo.
"Nabalitaan ko ang nangyari"
Ayon ang araw na nalaman ko na umaalis si Dwayne kalag sumasapit ang araw na anniversary nila.
Tumingin ako kay Lolo na nanatiling nakatingin lang sa'kin.
Alam naba ni Lolo na hindi totoo ang relasyon namin ni Dwayne.
"Baket? Kiesha sabihin mo kung anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Umiling nalang ako.
Hayaan nalang din kung alam ba ni Lolo ang tungkol sa fake fake na'yon.
Matatapos nadin naman yon, tatapusin kona, ayoko na ng puro kasinungaligan lang.
"Mag papahinga napo ako Lo" doon lang ako lumapit kay Lolo at hinalikan sya sa pisge.
"Okay lang po ako" ngumiti ako ng peke kay Lolo ng makitang mag sasakita pa sana sya, tumalikod na ulit ako tsaka nag lakad pero bago yon nag salita muna ulit ako.
"Lo, hindi po ako natanggap ng bisita" sila Asher ang tinutukoy ko.
Yun lang at nag lakad na ulit ako, pag kapasok ko sa kwarto ay nilock ko ang pintuan ko tsaka nag lakad papunta sa harap ng salamin umupo ako doj sakto din namang nakakita ako ng gunting.
Nag buntong hininga ako bago kinuha yon tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Imayos ko ang buhok ko at unti unting ginupitan 'to.
Inabot din ako ng ilamg minuto bago ko nagupit ng maayos.
Ang buhok ko noon na malapit nang mag hanggang bewang ngayon ay hanggang balikat nalang.
Papakulayan ko din ito sa susunod, blonde.
Lahat sa'kin ay gusto kong baguhin.
Wag lang nilang makita sa'kin ang nakaraan ni Dwayne.
Wag lang nilang makita sa'kin ang babaeng sobrang mahal ni Dwayne.
Dahil hindi ako ang babaeng 'yon.
At hinding hindi magiging ako.
Gusto ko makita ako ng lahat bilang Kiesha, ang babaeng gusto ni Dwayne.