Chapter 50

1.8K 111 21
                                    


Chapter 50

WALA akong pakealam kung ilang butil na ng luha ang lumabas sa mata ko pero nakatitig padin ako sa babae, tsaka ulit ako napatingin kay Dwayne.

Kung ano ano ng pumasok sa isip ko at takang taka na'ko.

Bakit kamukha ko yung babae? Sya yung ex ni Dwayne alam ko, kamukhang kamukha ko parang ako lang yung nasa picture pero alam kong hindi ako to hindi talaga.

Alam kong wala akong kapatid wala as in wala, alam kong wala akong kapatid na napalayo samin wala akong kapatid na kasama ni mama ngayon, pero bakit ganito? Posible ba na mag karon ka ng kamukha kahit hindi mo naman ka ano ano?

Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa nalaman kong to.

Kamukhang kamukha ko yung ex nya!

Napapikit nalang ako dahil sa iba't ibang naisiip ko kung ano ano ng pumapasok sa isip ko.

Bigla bigla ko nalang ding naalala yung mga sinabi nya sa'kin nitong mga nakaraan.

"Sino bang gusto mong paniwalaan na girlfriend mo'ko at yung humindi ako ay ikaw pa ang nag sabi ulit?"

"Yung una gusto kong paniwalain ang mga tao sa paligid ko pero nito lang gusto kong paniwalain ang sarili ko, I want forget my past,I want to forget her, but you..

"Nakikita kita sa kanya nitong mga una pero ngayon ikaw mismo ang nakikita ko"

Nakikita kita sa kanya.

Nakikita kita sa kanya.

Nakikita kita sa kanya.

Tangina! Kahit may kadugtong yan na pero ngayon ikaw mismo ang nakikita ko, tangina padin! Sinabi nya padin na nakikita nya sakin yung ex nya sinabi nya parin! Aminado sya alam nya!

Oo tinanong ko sya noon nya kung pwede syang maging fake boyfriend ko para bumalik si Hiro para gamitin sya pero nag dalawang isip ako dahil alam kong hindi magandang idea yon, pero sya na mismo ulit ang nag sabi sa'kin bakit? Dahil ba nakikita nya yung ex nya sa'kin? Dahil pakiramdam nya ba yung ex nya yung kasama nya twing kasama nya'ko? Kaya ba sinabi nya noon na gusto nyang kasama ako palagi dahil nga nakikita nya sa'kin yung ex nya?  yung ex nya na mahal na mahal nya parin? Kaya ba sinabi nyang gusto nya'ko dahil nakikita nya yung ex nya sa'kin?

Umiiyak akong tumayo sa pag kakaupo sa kama nya at nag lakad papalapit sa walk in closet nya binuksan ko yon at tiningnan yung mga damit wala na'kong pakealam kung maabutan pa'ko dito ng kung sino man! Alam kong may mga gamit dito yung ex nya! Ganon nalang ang panlalambot ko ng makakita ako ng mga iba't i ang damit na pambabae, may pantulog pang bahay pang alis pati yung tsinelas na panloob alam komg doon din to sa ex nya.

Humagulhol na'ko ng humagulhol wala na'kong pakealam kung may makarinig pa sa'kin wala akong pake! Putangina all this time na kasama nya'ko yung ex nya ba yung nakikita nya sa'kin? Yung ex nya ba? Ayaw kong mag isip ng mga ganitong bagay pero ng makita ko ang litratro nila ng ex nya at ng malamang kamukha ko yon ganito na kung ano ano ng pumapasok sa isip ko.

Pero hindi lang 'yon! Dahil may mga picture frame pa dito na nakatago sa closet na'to at lahat ng yon yungbex nya.

All this time! Ako na yung kasama nya pero bakit ganito? May mga gamit padin yung ex nya dito? Hindi sapat na dahilan yung para may alala hindi! Diba pinag palit sya ng ex nya diba iniwan sya?

Sobrang diin ng pag kakahawak ko sa picture na nasa kamay ko sa bawat pag pikit ko isang butil, dalawa ang lumalabas sa mata ko, sa sobrang diin ng pag kakahawak ko ay malulukot na'to pero wala akong pakealam dahil yun ang gusto kong mangyari.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon