Chapter 46

1.8K 116 30
                                    


Chapter 46



KIESHA BEATRIXE ANDES

"S-si Dwayne h-hes not here...hindi ko alam kung nasan sya, basta sa twing sasapit ang araw na'to umaalis sya at isang linggo syang nawawal

"Para i celebrate yung anniversary nila ng ex nya, Kiesha labas ako kung bakit hanggang ngayon ginagawa to ni Kuya pero please wag ka munang magalit sa kanya antayin natin syang mag paliwanag antayin natin syang dumating"

Sa twing sasapit ang araw na'to aalis sya para i celebrate ang anniversary nila ng ex nya at isang linggo syang nawawala, nakatatak lang sakin ang sinabing yon ni Nemesis.

Nakadapa ako dito sa kama at iniwan sila don sa sala hindi ko alam kung anong ginagawa nila o pinag uusapan basta ayoko muna silang makausap sa ngayon.

Alam nilang lahat na nangyayari to isang beses sa isang taon simula ng iwan sya ng ex nya at hindi manlang sinabi sakin? Naiinis ako sobra lalo pa ng gamitin ni Nemesis ang cellphone ni Dwayne para sabihing may pinuntahan lang sya bakit? Pwede namang sabihin sakin ang toto ah.

Okay lang kahit masaktan ako at least alam ko ang totoo, hindi yung pakiramdam ko pinag kakaisahan lang nila ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan para tingan ang petsa ngayon. September 5 eto pala ang date ng anniversary nila.

6th anniversary ba nila sana ngayon? o seven? o eight?

Ngayon ko lang din na realize na ang bilis pala talaga ng panahon apat na bwan na agad simula ng makilala ko si Dwayne.

Agad kong pinunasan ang mata ko ng maramdaman kong nanubig yon, napangiti pa'ko ng mapait ng makita ang lockscreen ng cellphone, kaming dalawa ni Dwayne.

Niyakap ko nalang ang unan at hinayaan nalang ang sarili kong umiyak.

Ayaw naman din maawat ng mga luha eh kaya yaan na.

Sinabi sakin ni Dwayne ang nararamdaman nya sakin, he said he likes me.

And I like him too.

Yun lang naman ang sinabi nya gusto nya'ko.

Tama gusto nya lang ako at yung ex nya yun yung minahal nya o hanggang ngayon mahal nya parin?

Gusto lang naman namin ang isa't isa, hindi naman kami? Pero bakit ganito?

Ang landi mo kasi.

Taena epal na kunsensya pero sige fine edi malandi na'ko.

Alam ko naman ang sagot sa tanong ko kung bakit ako umiiyak ngayon dahil nga gusto ko sya at gusto nya'ko may nararamdaman kami sa isa't isa, pero wala sya ngayon dahil sumapit na naman ang araw na'to.

Ayokong maging masama sa paningin ng ibang tao dahil sa iniisp ko pero bakit ginagawa nya parin to? Diba nandito naman ako? Gusto nya naman pala ako pero bakit pumunta padin sya don?

Ayoko ding isipin na gusto nya lang talaga ako at hanggang doon lang yon,  parang sa sitwasyon ngayon ang dating sakin gusto nya lang talaga ako at hanggang don lang talaga yon.

Tanginang isip! Nakaka pagod mag isip ng mag isip ng kung ano ano sa totoo lang tapos puro negative pa?

"Kish apo" hindi ko pinansin ang boses ni Lolo at nanatili akong nakadapa dito at tahimik na humihikbi.

Naramdaman ko nalang ang pag lubog ng gilid na bahagi ng kama at ang pag tapik tapik ni lolo sa likod ko.

"Nabalitaan ko ang nangyari" mabinang sabi ni lolo habang patuloy na tinatapik ng dahan dahan ang likod ko.

"Hindi ko alam ang sasabihin sa totoo lang,  ayokong mag salita ng kung ano ano" nag buntong hininga si lolo.

"Pero hindi makakatulong kung mag iisip kayo ng kung ano ano, lalo na ikaw Kiesha. Alam mo ang mas mabuting gawin ngayon hintayin mo si Dwayne at ang paliwanag nya nararamdaman kong may dahilan si Dwayne kung bakit ginagawa nya parin to ngayon, sana lang tama ang pakiramdam ko" patuloy parin si lolo sa pag tapik sa likod ako naman ganon padin tumigil na sa pag hikbi pero hindi padin tumigil ang pag luha, nanatili lang akong nakikinig kay lolo.

"Tahan na apo halika yayakapin ka ni lolo" inalalayan ako ni lolo paupo sa kama dahan dahan naman akong umupo at yumakap kay lolo, tapik tapik nya padin ang likod ko, yumakap nalang din ako kay lolo.

Nakakagaan ng pakiramdaman.

"Malay mo naman huling beses na'to na gagawin nya ang ganito twing sasapit ang araw na'to" sabi pa ulit ni lolo habang patuloy parin sa pag tapik sa likod ko habang mag kayakap kami, halatang pinapagaan ni lolo ang loob ko.

Sana nga huli na'to.

"Sya dyan ka muna kukuha lang ako ng tubig" hinalikan ni lolo ang ibabaw ng ulo ko bago sya tumayo at lumabas ng kwarto.

Dumapa nalang ulit ako at niyakap ang unan.

Pinag isipan ko ang nga sinabi ni lolo, sana nga talaga last na'to.

Kasi ang sakit sakit ngayon palang pano kung tumagal pa at nandito lang ako sa tabi nya tapos sa twing sasapit ang araw na'to gawin nya padin to?

Fck!

Bumukas ang pintuan pero ganon padkn ang pwesto ko inantay ko nalang na umupo ulit si lolo sa gilid ng kama ko.

"Kish" napa upo agad ako ng marinig ang boses ni Amber pag kaharap ko sa kanya ay nakita kk syang may hawak na baso ng tubig, tumingin ako sa may likudan nya at nakita ko din na nakatayo si Asher tumingin naman ako sa pintuan at nakita ko ang tatlo, si Gino,Emil at Rafael.

"Here uminom ka muna" nag lakad si Amber papalapit sa kama at tumabi sakin pinunsan nya saglit ang mata ko bago tinapik ang likod ko.

Pakiramdam ko tuloy namumuo na naman ang luha ko dahil sa ginawa nyang yon.

"Nasan pala sila Nem?" Tanong ko kay Amber, nanadito silang lahat pero wala si Nem at Sierra.

"Umalis na agad kakina nag mamadali may pupuntahan daw" sagot ni Gino na nakasandal sa pintuan.

"Kish" umupo din si Asher sa gilid ng kama katabi ni Amber.

Tsaka kona sila papakealaman kapag okay na'ko.

"Sorry" si Rafael at nag lakad din papalaoit samin umupo din sya sa kama.

"Kung hindi namin agad nasabi sa'yo" ani Gino at katulad ni Rafael ay nag lakad din sya papalapit samin at umupo sa gilid ng kama.

Tumingin ako kay Emil na ngayon ay nakatingin lamg sakin.

Pinag usapan ba nilang pag dugtung dugtungin mga sinasabi nila?

"May hindi pa kayo nalalaman ni Amber, Kiesha, akala ko alam mona ang tungkol dito at doon pero mukhang hindi pa. Hindi kami mag sasalita tungkol don Kiesha dahil ang bagay na'yon mas maganda kapag si Dwayne mismo ang mag sabi sayo o ikaw ang maka alam, ayaw na naming makealam pa sa inyong dalawa ni Dwayne"kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Emil.

Gulong gulo na naman ako, tumingin ako kay Amber at ganon din ang itsura nya nakakunot ang noo habang nakatingin kay Emil.

"Just let us do this" sabi ni Emil at mabilis na nag lakad papalapit samin sumiksik din sa kama at yumakap sakin.

Nagulat pa'ko nung una pero ng yumakap din ang tatlo ay napangiti nalang ako kahit gulong gulo.

Wala nadin akong nagawa kundi ang yakapin silang pabalik.

"Ang dami nyong alam na hindi namin alam ah nays..", sarcastic pang sabi ni Amber. "Pero payakap din" dagdag nya at yumakap din.

Nakakagaan ng pakiramdam ang ginawa nilang yon kahit paano, pero gulong gulo padin ako dahil sa pinag sasabi nilang apat.














Stupidly In Love ✔️Where stories live. Discover now