Chapter 40 - Parang may mali

1.9K 120 31
                                    

Chapter 40 - Parang may mali


Natapos na ang pinapanood namin at lahat pero sya kitang kita ko padin ang pag pipigil ng tawa.

Kahit imiwan kona sya kanina dyan at pumasok ako sa kwarto dahil sa kahihiyan pag balik ko halatang tawang tawa padin.

Masya sya nyan.

Hindi nga ako nalapit sa kanya baka mabato ko na naman.

Tumingin ako sa orasan 5:45 mag aalasais na at wala padin si lolo, tumingin ako kay Dwayne nanonood na ulot sha buti naman.

Tiningnan ko ang pinapanood ko hmp hindi ko alam na mahilig din pala sya sa lovestory, nanonood sya ng crazy little thing called love.

Tutok na tutok sya sa pinapanood nya.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi nya.

Umakbay naman ulit sya sakin.

"Dwayne" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Hindi man lang ako tiningnan titig na titig sa pinapanood.

"Hindi kapa uuwi?" Agad syang tumingin sakin dahil sa tanong ko.

Lumunok muna ako bago mag salita ulit, tanga tanga ka self? "I mean anong oras na hindi kaba hinahanap nila tita?"

Ngumiti lang sya sakin bahagyang kinurot ang pisgi ko pero hindi naman masakit.

"Dito lang ako" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Okay lang naman sakin kung dito sya pero.

"Baka hanapin ka nila Tita Nev"

"Nag sabi ako kay momy sabi ko kasama kita ngayong araw, I want to spend this day with you sayang parehas tayong tulog kanina mas mahabang oras sana kung gising tayo haha, pero okay lang kasama naman kita ngayon" nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi nya yon.

"Oh bat ka nakatingin lang sakin babe?"

Bakit ganito mga sinasabi nya?

"Lagi naman tayong mag kasama ah kahit walang pasok bakit ganyan ka magsalita I want to spend this day with hmp" ngumuso ako tsaka lumayo sa kanya mg kaunti, kunwaring batang nag tatampo.

"I want to to spend this day with you amp" bulong kopa pero sinadnya ko talagang marinig nya yon. Nainis lang ako ng tumawa lang sya.

"Tska anong nakain mo at ganyan mga pinag sasabi mo?" Tumawa lang sya ng mahina tsaka ako hinigit ulit papalapit sa kanya.

"Gusto ko lang, bakit ayaw mo ba'kong makasama ngayong araw?" Pinadaan ko ang palad ko sa mukha nya.

"Wala akong sinasabing ganyan" masungit na sabi ko.

"Haha alam ko"

"So--" natigil ako sa pag sasalita dahil hindi ko alam ang tamang dapat na sabihin.

"So?" Tanong nya.

"A-ano dito ka ngayong gabi?" Nakagat kopa ang pang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan, arrghh! Ilang beses naba akong nahiya sa kanya ngayong araw?

"Mm, nag sabi nako kay Lolo kanina dahil gusto ko talagang makasama ka ngayon kaya nag sabi ako kay lolo" gulat akong tumingin sa kanya.

"Buti pinayagan ka"

Tumango sya ng nakangiti.

"Oo naman may tiwala sakin si Lolo at hindi ko sisirain yon.. unless" mapang asar syang ngumiti kaya agad ko syang nahampas sa dibdib nya.

Stupidly In Love ✔️Where stories live. Discover now