Imperial Throne

By dwynnette

2.6K 651 512

You are the precious thing that I am willing to protect. More

Panimula
Unang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata

Ikalawang Kabanata

325 109 109
By dwynnette

TAHIMIK akong nakaupo sa silya at bahagyang nilibot ang aking paningin sa buong paligid. Marahas kong pinagmamasdan ang bawat bahagi nitong kabahayan. Simple at maliit lamang ito pero may bahagi nito ay nagkakaroon na ng alikabog at talagang makikita mong luma na. Hindi ko lubos inasahang dito na siya nakatira ngayon. Halos tatlong taon rin kasing hindi ko siya nakita kaya laking pagtataka ko nang malamang wala na siya doon sa kaniyang dating tinutulayan.

"Matagal na ba kayong nakatira dito, Ginoong Hanjae?" Nagtataka kong tanong na siyang kaniyang tinanguan ng bahagya.

"Magda-dalawang taon na rin."

"Ano ho bang nangyari doon sa dati niyong tinutuluyan?"

"Nasunog."

Gulat ang namuo sa aking mukha nang ito'y marinig. "Ho? Bakit?" Hindi kaagad siya nakapagsalita at napansin ko pang napatigil rin siya sa pagsalin ng tsaa sa tasa. Kung kaya't hindi ko na maiwasang magtaka. Gayo'y nakikita kong parang may nangyaring hindi ko alam.

Ilang saglit ay namataan ko ang bigla niyang paghinga ng malalim. "Sinunog ng mga kawal sa utos ng hari dahil ang buong akala ng lahat ay gumagawa umano ako ng mga nakakalasong gamot na siya kakong pinapainom sa aking mga pasyente." Isang manggagamot si Ginoong Hanjae at kilala siya bilang mahusay at tanyag na manggagawa ng gamot sa buong Eleuthyia. Mula sa mga halaman at ugat ng punong-kahoy ang kaniyang mga ginagawang gamot kaya lahat ng mga iyon ay talagang mabisa at nakapagpagaling ng kahit anong sakit. Bukod sa gamot na kaniyang ginagawa ay kaya niya ring gumawa ng mga nakakamatay na lason tulad na lamang ng Neriandrin. Ito ay gawa sa Oleander na isang uri ng halaman na napakadelikadong hawakan.

Siya lamang ang tanging nakakagawa sa lasong iyon at nasa librong pagmamay-ari niya nakalagay ang eksaktong lokasyon ng halaman na ginamit nito. Nakasaad doon kung saang lugar ito matatagpuan. Subalit, wala akong kaideya-ideya kung kanino niya binigay ang libro... kung saang lupalop ng mundo matatagpuan ang kinaroroonan ng taong binigyan niya nito.

Gayunpaman, sumagid rin sa aking isipan ang bagay kung paano niya nadiskobrehan ang tungkol sa halamang ito?... kung paano siya nakakagawa ng ganoong lason? Minsan inisip ko na lamang na baka dahil iyon sa malawak niyang kaalaman... na marami siyang nalalaman tungkol sa mga halaman kaya nakakagawa siya ng Neriandrin. Ilang beses ko pa nga siyang pinipilit noon na turuan ako na gawin iyon pero tinatanggihan niya lamang ako. Siguro, naisip niya na gagamitin ko iyon para sa aking pansariling interes.

"Pero hindi mo naman talaga ginawa iyon, hindi ba?... hindi mo naman siguro magawang manglason?"

"Malamang hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?" Sa pagkakilala ko kay Ginoong Hanjae, hindi naman siya iyong tipong ganoon... na hindi siya iyong klaseng manggagamot na kayang pumatay ng pasyente.

Ilang saglit ay inabot niya sa akin ang tasang kaniyang sinalinan ng tsaa kanina. Kaagad ko iyon tinanggap at bahagya munang inamoy ang alimyon nito, bago ito ininom. At gaya ng inasahan, isang Omija-cha. Isang tradisyonal na tsaa na gawa sa mga pinatuyong beri ng magnolia na kung saan pinapakulan ito sa mababang init at nilalagyan ng pulot. Makikitang kulay pula ito at maaaring tamasahin, aliman sa mainit o malamig. Ang ibig sabihin rin ng Omija ay limang lasa, kaya kung uminom ka nito ay maaari kang makatikim ng limang magkakaibang mga lasa tulad ng katamisan, kapaitan, kaasiman, kaalatan at (pungency).

Simula pa noong una, ito na ang madalas na iniinom ni Ginoong Hanjae dahil bukod sa kakaiba ang lasa nito ay maganda rin daw ito sa katawan. Ayon sa kaniya, ito raw ay nagbibigay tibay at lakas ng katawan na s'yang may kakayahang magtrabaho nang mas mahaba at matagal. At dahil masyado siyang nakababad sa kaniyang trabaho ay araw-araw niya itong iniinom. Gayunpaman, ito rin ang dahilan kung bakit madalas siyang pumupunta noon sa kabilang bayan, upang bumili nito. Bihira lamang kasi ang nagtitinda nito dito.

Namataan kong umupo siya sa silyang nasa aking harap at maimtim akong tinignan. "Sabihin mo nga, Luna. Bakit ba gusto mong pumasok sa palasyo?... ano ba talaga ang iyong dahilan kung bakit kinakailangan mong pumunta doon?" Bigla akong napatigil at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo dahil sa oras na malaman niya ang aking pinaplanong gawin ay paniguradong pipigilan niya ako. Kilala ko si Ginoong Hanjae. Siya iyong tipong uusain ang lahat para lamang malaman niya ang dapat niyang malaman.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako nagsasalita kung kaya't nagawa na niyang bumugtong hininga. "Kung wala ka talagang balak na sabihin, sige hahayaan kita. Pero binabalaan kita, Luna. Hindi madaling makapasok sa palasyo. Masyadong delikado ang lugar na iyon para sa mga Altheans na katulad mo." Alam ko na ang bagay na iyan... na hindi nila basta-bastang pinapasok ang mga Altheans... o sabihin na lamang natin na kung sino man ang makakapasok doon na isang Althean ay papatayin. Dahil kaming mga Altheans ay isang malaking banta sa hari... na ang tribo namin ay tinuturing na kaaway ng buong Eleuthyia.

Lingid sa kaalaman ng lahat na ang aming tribo ay isang sui livré na ang ibig sabihin ay malaya na kung saan ayaw naming sinasakop kami ng kung anong kaharian... na ayaw namin na nasa ilalim kami ng kontrol ng kung sino. Kaya noong binalak ng hari na sakupin kami ay nagawa naming umalma at pinaglaban ang aming karapatan. Kaya dahil doon ay nagalit ang hari at nagawa niyang guluhin ang aming tribo. Hanggang sa umabot sa punto na kaniyang pinapatay ang ilan sa amin. At gumagawa pa siya ng mga kwentong wala namang katotohanan... na kami raw ay isang malaking mapanggulo sa buong kaharian at kailangang iwasan ang mga tulad namin at ituring kaaway. Kaya dahil sa kamangmang ng mga tao ay napaniwala niya ang mga ito.

"Kung ano man iyang pinaplano mong gawin, huwag mo nang ituloy. Mapapahamak ka lamang niyan."

"Hindi mo naman kasi naiintindihan, Ginoo... hindi mo alam sa pakiramdam ang mawalan ng taong mahalaga sa iyo."

"Dahil pa rin ba ito sa iyong Ama, ha?" Hindi kaagad ako nakapagsalita. Bigla na lamang akong napatigil at tulalang nakatingin sa hawak kong tasa.

Oo, dahil ito kay Ama... siya ang dahilan kung bakit kinakailangan kong makapasok sa palasyo at ipaghiganti siya sa haring iyon. Isang Datu si Ama sa aming tribo at isa siya sa mga taong pinatay ng hari. Sa pagkakaalam ko kasi ay matagal na silang mayroong alitang dalawa at sumiklab lamang iyon, noong pinagpipilitan ng hari na sakupin kami na s'ya ring 'di sinang-ayunan ni Ama. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lamang kadesperado ang hari na sakupin kami? Siguro dahil gusto niya lamang na palakasin ang kaniyang kapangyarihan at marami siyang taong nakokontrol... na maraming tao ang sumasamba sa kaniya. Napag-alaman ko rin na bukod sa aming tribo na gusto niyang makuha ay nais niya ring angkinin ang aming lupa sapagkat ang lupang iyon ay maraming gintong nakabaon na siyang nagmula pa sa aming ninuno. Siguro, nais niya ring mapasa kaniya ang mga gintong iyon.

Nang malaman ng hari na ayaw ni Ama na ibigay ang hinihingi nito... ang tribo, lupa at ginto ay nagawa niyang magalit at patayin ito... nagawa niyang patayin si Ama sa aking mismong harapan. Nandoon ako nang araw na iyon... kita ng aking dalawang mata kung paano patayin ng walangyang haring iyon ang aking Ama. Hinding hindi ko makakalimutan iyong ginawa niyang pagpapahirap sa amin... ang kaniyang mga ginawang kawalangyaan. Kung kaya't nagawa kong mangako sa aking sarili na gaganti ako sa kaniya... na papatayin ko rin siya gaya ng kaniyang ginawa kay Ama at sa mga taong kaniyang pinatay na walang kaawa-awa. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak siya at humantong sa kamatayan.

'Kaya kong maging masama kung iyan lamang ang daan para makuha ko ang matagal ko ng kinakamit na paghihiganti.'

"Alam kong hindi ka pa rin nakakalimut sa nangyari sa iyong ama... alam kong gumagawa ka ng paraan para gumanti. Pero alalahanin mo naman ang iyong sarili. Hindi mo ba na isip na sa ginagawa mong ito ay maaari kang mapahamak? Maraming umasa sa iyo, Luna... umaasa sa iyo ang buong tribo. Huwag ka namang gumawa ng mga bagay na iyong ikakapahamak at ng lahat ng Altheans." Madaling sabihin na kalimutan na ang lahat, pero---putcha! Ang hirap gawin. Hindi naman kasi madaling kalimutan ang lahat... hindi ganoon kadaling alisin sa aking alala ang masalimuot na nangyari sa nakaraan.

Humugot ako ng malalim na hininga at humigop ng tsaa. Kung tutuusin limang taon na ang lumipas nang mangyari ang bagay na iyon pero sariwa pa rin sa aking isipin ang bawat pangyayari... na hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang araw iyon... ang araw na pinatay si Ama at ang ilan sa aking mga katribo ng walang kalaban-laban. Masakit isip na nang dahil sa haring iyon ay humantong sa miserable ang lahat.

"Ikaw ba, Ginoo, hindi ka ba galit sa ginawa ng haring iyon? Wala ka bang gagawin sa nangyari?" Sa pagkakataong iyon, siya naman iyong natahimik. Matalik na magkaibigan silang dalawa ni Ama at malaki ang kaniyang utang na loob dito, bagama't minsan na siyang niligtas nito sa kapahamakan. Iyon iyong muntikan na siyang lapain ng uso sa kagubatan. Naghahanap kasi siya noon ng halamang gamot nang biglang sumulpot ang isang malaking uso sa kaniyang harapan at bigla siyang sinugod. Pero buti na lamang ay dumating si Ama no'n at agad niya itong pinana. Nagkataon rin kasi no'n na kagagaling lamang ni Ama sa pangangaso at bigla siyang napadaan doon sa lugar na kung saan nangyari ang insidente.

"Hindi naman sa lahat ng bagay ay kailangang may gawin... hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nating maging madahas."

"Anong ibig niyong sabihin?" Tinignan niya lamang ako at ni isang salita ay walang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi ko naman kasi alam kung anong ibig niyang pahiwatig doon sa kaniyang salita. Masyado itong malalim para aking maintindihan.

Namataan ko naman ang biglaan niyang pagtayo sa kaniyang kinauupuan at ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. "Ang ibig ko lamang iparating ay kailangan mo ng bumalik sa Herra baka hinahanap ka na doon. Saka baka may makakaalam ring pumunta ka dito. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang magtungo dito ang isang Althean." Giit niya.

Marahas akong bumugtong hininga at tumayo na rin sa aking kinauupuan. "Oo na. Basta tulungan mo akong makapasok sa palasyo, ha?"

"Aking pag-iisipan."

Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kaniya at saka kumalipas ng alis. Sinuot ko na rin ang aking salakot at ang itim na balabal. Habang naglalakad sa daan, bahagya ko ring niyuyuko ang aking ulo at sinisigurong walang makakita sa aking mukha. Mahirap na, baka may makakilala sa akin dito.

Ngunit aking naramdaman na parang may sumusunod sa akin. Palihim ko itong tinanaw sa aking likuran at namataan kong isa itong lalaki. Hindi ko masyadong makita ang itsura nito dahil natatabunan ng panyo ang kaniyang kalahating mukha. Tanging mga mata lamang ang aking nakikita.

Dahil sa kagustuhang malaman kung sino ito ay nagtungo ako sa isang lugar na malayo sa mga tao... sa likod ng isang lumang tuluyan. Nang makarating doon ay agad akong sumandal sa pader at binunot ang aking espada. Naghintay ako ng ilang minuto na dumating siya at nang makarinig ako ng mga yapak ay agad akong humarap at tinutok sa kaniya ang hawak kong espada. Napatigil siya sa kaniyang kinakatayuan at bakas sa kaniyang mga mata ang matinding pagkabigla. Napansin kong may balak rin siyang bumunot ng espada kung kaya't nagawa kong diinan ang pagkakatutok ko sa kaniya ng espada.

"Subukan mong bumunot ng espada, hindi ako magda-dalawang isip na ibaon ito sa iyong leeg." Banta ko na siyang dahilan para kaniyang itaas ang kaniyang dalawang kamay ng bahagya. "Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lamang ako at ni isang salita ay walang lumalabas mula sa kaniya. Aking napagpasyahan na alisin ang panyo sa kaniyang mukha upang makita ang kabuohan ng kaniyang itsura. Nang magawa iyon ay bigla na lamang ako napatigil. Hindi dahil sa nahuhumaling ako sa itsura nito, kundi dahil pamilyar siya sa akin. Pakiramdam ko kasi parang nakita ko na siya, ngunit hindi ko lamang maalala kung saan o kailan ko siya nakita.

"Sino ka?" Giit kong tanong. Pero sa halip na pangalan ang isasagot ay iba ang kanyang sinabi.

"Nakita kita kanina sa bahay-aliwan at ang ginawa mong iyon ang magdadala sa iyo sa kapahamakan."

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi niya?

"Isa kang Althean, hindi ba?" Biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdaman ng matinding kaba.

'Paano niya nalaman?'

Bahagya kong nilingon ang paligid at sinigurong walang taong naroroon. Baka may makarinig sa amin at makaalam ng lahat. Matapos kong magmasid ay matalim kong dinapuan ng tingin ang lalaki.

"Sino ka ba talaga, ha? Paano mo nalaman ang bagay na iyon?"

"Kung ganoon, totoo nga. Isa ka nga talagang Althean." 'Ano? Er! Kagaling mo, Luna. Ikaw pa mismo ang nagpatunay sa kaniya na isa ka ngang Althean. Pwede ka namang tumanggi, e.'

'Aba, malay ko ba na isa palang katanungan ang kaniyang sinabi kanina.'

'Haist! Kabobohan.'

Bigla naman niya tinuro ang kaliwa kong pulso dahilan para mabaling ang aking tingin dito. "May markang tinta ka diyan, hindi ba? Isang hugis buwan na mayroong maliit na paru-paro sa gitna? Kung hindi ako nagkakamali, simbolo iyan ng inyong tribo, hindi ba?" Hindi kaagad ako nakapagsalita, tila'y parang may kung anong bagay ang bumabara sa aking lalamunan. Hindi ko lubos akalaing alam niya ang bagay na iyon.

Pero paano?

Fátek ang tawag namin dito sa markang tinta na kaniyang sinasabi. Isa itong kulturang tato na kung saan bawat isa amin ay kailangang may ganito bilang pahiwatig na tapat kami sa tribo. Ang buwan ay sumisimbolo ng karunungan, intuwisyon, at isang koneksyon sa espiritu. Ito ri'y kumakatawan ng malalim na personal na pangangailangan na kung saan maaaring gamitin ang kaalaman at lakas ng siklo upang mas mahusay na kumonekta sa sarili. Tinutukoy din nito ang kakayahan ng paksa para sa repleksyon at pagbagay. Samantalang ang paru-paro naman ay sumisimbolo ng kalayaan, kagandahan at pagbabago. Isa rin itong malalim at malakas na representasyon ng buhay na kung saan kumakatawan ito ng pag-asa at pagtitiis.

Maimtim ko siyang tinignan. "Ano bang nalalaman mo tungkol sa amin, ha?"

"Marami... marami akong alam lalong lalo na sa markang tintang iyan." Hindi ko na alam ang aking sasabihin sa mga pagkakataong iyon. Parang naubusan na ako ng salitang ipapaukol. Ewan ko ba, pero noong marinig ko ang huli niyang sinabi bigla na lamang akong kinain ng kuryusidad. Gusto kong itanungin sa kaniya kung ano ang kaniyang nalalaman tungkol sa aming tribo?... sa fátek na 'to? Nais kong malaman kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon? Pero may kung anong bagay sa akin ang pumipigil na gawin. Bagama't sumagid sa aking isipan na baka iniisahan lamang ako nito.

"Saka noong ika'y nasa bahay-aliwan at naglalaro, hindi mo ata namalayan na nakabandira iyang kamay mo sa ibabaw ng mesa kanina at kung tama ang aking hinala ay mukhang nakita iyan ng iyong nakalaban sa laro." Kaugarang lumaki ang aking mga mata sa sobrang gulat.

'Hindi maaari!'

Nawala sa aking isip ang bagay na iyon. Akala ko kasi'y walang makakapansin nito kung kaya't hindi ko na inabala ang aking sarili na lagyan ng tela ang aking pulso upang itago ang fátek. Er! Patay ako nito. Isa itong malaking gulo. Lalo na't nakita ng kumag na iyon ang aking mukha at panigurado akong pinaghahanap na ako sa buong bayan.

Bigla naman kami nakarinig ng mga yapak patungo sa aming direksyon at parang pinaghalong kaba at takot ang aking nararamdaman sa mga pagkakataong iyon.

'Putcha! Ito na nga ba ang aking sinasabi, e .'

Habang nag-iisip ako ng gagawin, naramdaman ko namang parang may kung anong humawak sa aking kamay at nang tignan ito, napagtanto kong kamay pala iyon ng lalaki.

"Kung gusto mo pang mabuhay, sumama ka sa akin." Giit niya at bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako paalis. Patakbo naming tinahak ang daan patungong kakahuyan at wala akong kaalam-alam kung bakit doon kami magtutungo.

Mahirap para sa akin ang magtiwala sa kung sino, lalo na sa mga tao 'di ko naman kilala. Dahil hindi natin alam na sa panahon ngayon ay marami nang mapagkunwari at manloloko. Pero bakit ganoon? Bakit nagawa kong sumama sa kaniya?... bakit nakuha kong magpadala sa kaniyang kinikilos? Gayo'y hindi ko naman siya kilala? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ng daigdig siya nagmula.

Namataan kong malayo na ang aming narating kung kaya't nagawa ko nang bumitaw sa kaniya at tumigil sa pagtatakbo. Nilingon naman niya ako na may pagtatakang makikita sa mukha.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya.

Marahas kumunot ang aking noo at maimtim siyang tinignan. "Sino ka ba talaga, ha? Kanina pa kita tinatanong at hindi mo man lamang ako sinasagot. Sabihin mo nga, isa ka ba sa mga taong sunod-sunuran sa hari, ha? Balak mo ba akong dalhin sa kaniya?"

Sa pagkakataong iyon, siya naman ang napakakunot noo. "Hindi ako isa sa kanila at kung balak kitang dalhin sa hari, kanina ko pa dapat iyon ginawa... hindi sana kita dinala dito sa lugar na ito. Kung tutuusin, dapat mo pa nga ako pasalamatan dahil inalis kita sa lugar na iyon. Alam mo bang nang dahil sa iyong ginawang eksena doon sa bahay-aliwan ay usap-usap ka na sa buong bayan at sigurado akong alam na rin ito ng hari." Hindi ko alam ang gagawin... ni hindi ko alam kung anong tamang salita ang ipapaukol.

Hindi ko naman akalaing hahantong sa ganito... na ganito ang kalalabasan ng pagtungo ko dito sa bayan. Wala naman talaga akong intensyon na manggulo... na wala sa aking isipan na gumawa ng eksena sa bahay-aliwan. Naawa lamang talaga ako doon sa matanda at hindi ko matiis iyong ginawang pang-aapi at pamamaliit no'ng kumag na lalaking iyon.

Bigla naman siyang tumalikod at handa na sanang umalis nang bigla ko siyang pinigilan.

"Sandali---"

Lumingon siya sa aking direksyon at binigyan ako nang mga makahulugang tingin. "Kung ika'y nababahala na baka sasabihin ko ito sa hari, huwag kang mag-alala hindi ko iyon gagawin." Matapos siyang magsalita ay kumalipas na siya ng alis. Pero bago pa siya makalayo ay nagawa niya pa akong lingunin.

"Ryeo... Ryeo Wang ang aking pangalan."

Ryeo? Parang narinig ko na ang pangalang iyon. Ngunit saan nga ba?

~*~

What The Fact:

Ang Omija-cha rin nga pala ay isang traditional Korean tea na kilala rin bilang Schizandra na kung saan ang berry ay matatagpuan sa mga malalim na kagubatan ng Korea.

Ito rin pala iyong tato ng Althean Tribe

#StaySafeEvery1

Continue Reading

You'll Also Like

267K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...