Aggressive Men Series 2:Switc...

By MisisNiKuzma

1.6M 41.1K 14.2K

Mabilis pa sa apoy na kumalat ang balita ukol sa nalalapit at biglaang pagpapakasal ng Mayor ng Bayan ng San... More

DISCLAIMER
TEASER
PROLOGUE (REVISED)
1.PAKILALA
2.DEBUTANTE
3.TULONG at ALOK
4.PAGDALAW
5. PAGPAYAG
6. SUBOK
7. KAGANAPAN
8 . BUHAY MAY ASAWA
9. TAMIS
10. MAHAL
11. PAGKAWALA
12. PAGTAWAG (SPG)
13. BAYAD
14. PLANO
15. REGALO (SPG P.1)
16. TAMIS NG UNANG TIKIM (SPG P.2)
17. AFTERMATH
18. PAGKAWALAY
19. KWARTO (SPG)
21. FIRST DATE?
22. NAGMAMADALI (SPG)
23. HINALA
24. SELOS
25.KOTSE (SPG)
26. Mayor Asencio
27. USAPANG BABY
28. KUBO (SPG)
29. KATRE (SPG)
30. MATAMIS
31. MAS MATAMIS (SPG)
32. NARARAMDAMAN
33. ASO'T -PUSA
34. PAGDALAW v.2.0
35. KNIGHT
36. BITTERSWEET (SPG)
37. HINAGPIS
38. BREATH OF FRESH AIR
39. ITLOG AT TOYO
40. NAGLILIHI
41. LAMBING(SPG)
42. USAPAN
43. MAD
44. Six Degrees of Separation
45. A WAY TO END (Ending)
EPILOGUE (Part 1) SPG
EPILOGUE (Last part)

20. SILAKBO

32.1K 789 348
By MisisNiKuzma

Good day my dear readers, sana ay nasa maayos kayong kalagayan ngayon. Walang sakit at malayo sa kapahamakan. Kumusta kaya sina ate Rosie at ate Den-den? yung mga readers ko from UAE at Lebanon kung meron man, sana ay ok lang kayong lahat. The world is changing as it ages. Hoping that everyone is SAFE. Sana ay panandalian kayong makalimot habang nagbabasa ng aking update. Love ko kayong lahat

Shilloh

Matapos ang padasal ay sumaglit kami sa sementeryo upang mag alay ng bulaklak, kandila at kaunting panalangin. I even tried to talk to them.

'Hi Ma, Hi Pa. How are you up there? Miss ko na kayo, as in SUPER. Kasama ko nga pala ang asawa ko. Ayun po sya, may kausap sa telepono. Palagi po kasing busy yun. Pero kahit ganun, mabait po iyan. Maasikaso, malambing, magalang po at matulungin. Gabayan nyo po palagi ako, pati na rin po sina Lolo at Lola, isama nyo na rin po si Nic. Mahal na mahal ko po kayo' Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Napayakap tuloy ako sa aking sarili. 'Kayo po ba 'yon? I love you both po'

"Are you cold?" napalingon tuloy ako.

"Hindi naman. Trabaho pa rin ba yan? Sabado na ah." Pamumuna ko dito. Mabilis itong lumapit sa akin at yumakap.

"Si Khal yun. Nangungulit. Bakit daw ilang araw na tayong wala sa bahay. Kinidnap na daw kita, sabi ng ampon na iyon." Halatang inis na naman ito sa kapatid.

"Wag mo nga kasing patulan yang kapatid mo. Kita mo nga! Lalo kang inaasar eh." Pinatong naman nito ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Ang ganda talaga ng mahal ko. Pa-kiss nga." Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang lahat. Nang makabawi na ako ay saka ko pa lang ito sinagot.

"Umayos ka nga. Marinig ka ng parents ko, multuhin ka ng mga yan." Pananakot ko dito. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang abnormal na pagtibok ng aking puso.

"Hello po, tito and tita. Alam nyo po ba na ang ingay ng anak nyo." Nanlaki ang mata ko sa sinasabi nito. Iba talaga ang dating sa akin ng salitang MAINGAY na iyan. Nagbago na ang kahulugan niyan sa akin matapos ang gabing iyon.

Totoo ring halos isang araw akong hindi makalakad kinabukasan. Panay asar pa ito sa akin na weak daw ako. 'Eh sinong kayang di manghihina sa ginawa niya'

"NICOLO!!" sigaw ko dito na sinamahan ko ng hampas. "Umayos ka nga. Kaasar 'to"

"Kita nyo na po. Ang ingay nya oh." Hinuli nito ang kamay ko at muling kinulong sa kanyang mga bisig.

"Manahimik ka nga." Tumawa lang ito. "It's been ten years. Matagal-tagal na rin pala." Nic hugged me tighter, he even planted soft kisses on my temple.

"Don't worry mahal. I'll take care of you. I promise"

"Mahal, Thank you for always saving my ass." Bahagya pa akong napatawa.

"Don't mention it. It's my duty now." Isinandal ko na nag katawan ko dito. Maswerte pa rin talaga ako sa nangyari sa akin. "Tara na, mahal. Mukhang uulan pa yata." Nagpahila na ako dito at sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang puntod ng aking mga magulang.

"Bye Mama and Papa." The I smiled. Biglang tumigil si Nic at muli kaming bumalik sa pwesto naming kanina.

"Hi Tito, Tita. Don't worry about Alle, I'll take care of her. Kahit pa matigas ang ulo nito minsan." Sinamaan ko ito ng tingin. "At tsaka po kahit maingay sya."

"Ano ba??!! Dyan ka na nga." Narinig ko pa ang pagtawa nito. May ilang minuto pa ito bago nakarating sa sasakyan. Nasa backseat na kami, sumandal ako dito.

"Tired?"

"A little bit."

"I told you, wag ka ng makialam sa kusina. Ang kulit mo."

"Ok lang." tuluyan na akong yumakap dito. "I enjoyed it. At tsaka hindi naman sobrang pagod. Konti lang." ramdam ko ang paghalik nito sa aking buhok. Paulit-ulit iyon.

Pagtigil ng sasakyan sa harapan ng aming bahay ay inalalayan pa ako nitong bumaba. Magkayakap kaming pumasok ng bahay. He's arm is on my waist, and I do the same.

"Nakakatuwa talaga kayong dalawa. Bagay na bagay kayo." Pambungad ni Nay Naty sa amin.

"Nay naman." Nahihiya kong turan.

"Totoo naman ah."

"Apo" tawag sa akin ni Lolo. Kalalabas lang nito sa aming library.

"Po?"

"Pahiram muna ako nyang asawa mo saglit. May pag-uusapan lang kami."tinulak ko na ito palayo sa akin.

"Tawag ka ni Lolo. Lakad ka na dun." Itinuro ko pa dito ang pinto ng library.

"Are you sure na ok lang na iwan kita dito?" ang O.A talaga nito minsan.

"Oo naman. Punta ka na dun. Baka mainip na si Lolo."

"Kiss ko muna."

"Anong kiss ka dyan?! Umayos ka nga. Sabi na kasi na pumunt-hmmmpppp." Bigla na lang lumapat ang labi nito sa akin.

"Ang ingay mo talaga." Emphasizing the word INGAY.

"Ang sweet naman pala 'nak ng asawa mo." Napapayuko na lang ako. 'Kasi naman eh'. Nakaramdam ako ng mabigat na titig kaya napalipat ang gawi ko doon. Si ate Stacey iyon, may mabigat at nagbabaga ang titig nito sa akin. Marahil ay kanina pa itong nakatayo sa parting iyon. Nakakapangilabot. "Samahan mo ako neng sa kusina. Tulungan mo ako"

Masaya ang atmosphere dito sa kusina. Nariyan ang asaran at tawanan, pati na rin ang konting biruan.

"Shilloh, kelan kaya kami makakakita ng batang tatakbo dyan sa garden at salas?" tanong ni ate Gee.

"We already talked about it na po. Pagka-graduate na lang po. Ayaw pa rin naman po ni Nic sa ngayon." Pagtatatapat ko.

"Naku sayang naman kung ganun. Excited pa naman kami."

"Darating po tayo dyan. Pahinga na po kayo. Ako na po ang bahala dito." Isa-isa nang nagpulasan ang mga kasama naming sa kusina, iilan na lang kami dito. Natutuwa ako at muling bumalik ang saya dito sa bahay.

"Kumusta ka Santa-santita?" ito agad ang pambungad ni Ate Stacey pagpasok pa lang nito sa kusina.

"Maayos naman ako ate." Then I smiled.

"Hoy! Kayong mga achay kayo. Magsilayas kayo dito." Tinanguhan ko ang mga ito, kaya madali na ring umalis.

"Masaya bang maging first lady ng isang bayan?" may nababanaag akong kakaiba sa boses nito.

"Ok lang naman. Everyone respects me the way they respect their Mayor."

"So kaya nag-volunteer ka na magpakasal dun sa pinipilit sa akin ni Lolo, kasi alam mo na iyun si Mason. Ganun ba?! Malandi ka rin pala huh. Sinasabi ko na nga ba, nasa loob yang kulo mo?" mabibigat ang binitawan nitong salita. Animoy inaakusahan ako.

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Keep denying bitch!! Mag-aagaw ka, lahat na lang inagaw mo sa akin. Malandi!!" lumapit ito sa akin at bigla na lang hinigit ang aking buhok.

"Aray ate, masakit. Ammp!!"

"Ano masarap ba? Yung dapat sa akin na inagaw mo. Ano masaya ka bang mang-aagaw ka?!! Malandi!!Pakawala!!POKPOK!!" isang mahigpit na sabunot ang binigay nito sa akin saka ako nito itinulak. Sumadsad ako dito sa sahig malapit sa lababo. Bahagya ring tumama ang ulo ko sa may gilid non. Sinisipa ako nito at sinasabunutan, kaya naman gumanti na rin ako. Nagpambuno kami dito sa kusina. Puro kalmot na ako sa braso, habang ito naman ay sa may mukha ko kinakalmot at hinahampas.

Dumating na sina Nay at pilit kaming inaawat. Ngunit ayaw bumitaw nitong si Ate.

"MANG-AAGAW!!! MALANDI!!! POKPOK!!" paulit ulit ko iyang naririnig.

"Madali ka Gee, tawagin mo si Mason." Utos ni Nay Natty.

"ANONG NANGYAYARI DITO!!!" malakas na sigaw ni Lolo, pero hindi man lang niyon natinag si ate. Kahit pa lumlaban ako ay dehado pa rin ako dito.

"SHIT!!" malutong na mura ni Nic. Mabilis ako nitong dinaluhan. Hinila nito si Ate at basta na lang ibinaling nang kung saan, tumama ang katawan nito sa matigas na bagay, rinig ko ang pagkalabog na iyon. Pagkakita pa lang nito sa akin ay mabilis na ako nitong hinila patayo at niyakap. "Mahal anong nangyari? Nasaktan ka ba?" agaran nito chineck ang aking mukha, leeg at ulo. Napamura ito ng malutong nang may nakapang bukol duon. Kita ko ang galit sa mata ni Nic habang nakatingin sa braso kong maraming kalmot."T*ngina".

"WHAT'S WRONG WITH YOU WOMAN!!' nanlilisik ang mga mata ni Nic habang nakatingin kay ate. Nag-iigtingan din ang panga nito sa galit. Nakita ko ang takot sa mata ni ate.

"S-sya ang nagsimula. G-gumanti lang ako" Pag sisinungaling nito.

"Do you think, I'll believe you? My wife could even kill an insect, what more hurting someone?!!!"

"Nic, Mahal. Tama na." pagpigil ko dito. He kissed my forehead gently.

"Ok ka lang? May masakit ba sayo?" umiling na lang ako. In my peripheral vision ay kitang-kita ko ang inggit ni ate sa kanyang mata.

"Ano ang totoong nangyari dito Naty?"

"Sir, ganito po kasi. Pumasok po si maam Stacey sa kusina tapos po pinaalis nya po kami. Maya-maya po ay narinig na po naming sumisigaw si Maan Stacey ng 'malandi ka, mang-aagaw, pokpok' at noong sumilip po kami ay nagkakagulo na po dito." Kwento iyun ni ate Gee. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Nic. Malalim itong bumuntong hininga, animoy nagpipigil ng galit.

"Mahal, calm down." Bulong ko dito.

"I'm trying mahal"

"Ano bang ugali ang mayroon ka Stacey !?" galit na si Lolo

"Kakampihan nyo na naman yan? Yang santa Santina na pokpok na yan."

"Stop calling my wife POKPOK. I'm telling you, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." His voice is as cold as ice, na kahit ang mga tao sa kusina ay panandaliang tumahimik. Nakaduro ang daliri nito kay ate. Naglalabasan ang litid nito sa leeg sa sobrang galit.

"Mahal don't" ibinaba ko ang kamay nito. "Kumalma ka." Ngayon ko lang ulit ito nakitang nagalit.

"Huwag kang basta-basta nanghuhusga Stacey!! Masyadong madumi ang isip mo. Pati itong pinsan mo pinag-iisipan mo ng masama."

"Totoo namang malandi----" isang malakas na sampal ang binigay dito ni Tito, hindi ko napansin ang pagpasok ni Tito sa kusina, na kay Nic kasi ang buong atensyon ko. Maging ako ay nagulat sa lakas na iyon. Halos tumabingi ang mukha ni ate. "Daddy"

"Ganyan pa kita pinalaki?!! HAH!! Magsalita ka!!" umiiyak na si Ate Stacey. "SIMULA NGAYON HINDI KA NA MAKAKATAPAK PANG MULI SA BAHAY NA ITO. ILIGPIT MO NA RIN ANG MGA GAMIT MO SA BAHAY AT LUMAYAS KA NA!!! WALA KANG UTANG NA LOOB!!" mabibigat at puno ng galit ang mga binitawang salita ni Tito. "KAHIT ANG MAGULANG KO DI MO NA GINALANG!! I WONT LET THIS PASS STACEY!!"

Nanlilisik ang mata nitong tumingin sa akin. " KASALAN MO ITONG MALANDI KA!!" susugod na naman ito, ngunit biglang nagsalita si Nic.

"Try to hurt my wife again at sisiguraduhing kong mawawala ang lahat sayo. People hate me when I'm mad." Namutla si ate sa takot, saka madaling tumakbo palabas ng bahay. "Tara sa taas, gagamutin natin iyang sugat mo." Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng kalmot at ang panananakit ng anit ko. Inihanda ni Nic ang mga gagamitin. Hindi pa man kami nagsisimula ay biglang pumasok si Kuya Royce sa kwarto ko.

"Pasensya ka na Lel. Alam mo naman nag ugali ng kapatid kong iyon pagdating sayo. Ok ka lang ba?"ngumiti lang ako sa kanya. "Dami mong kalmot ah." Habang nakatingin ito sa aking braso. "Lagyan mo yan ng cream para hindi yan magpeklat."

"Meron naman kami dito."

"Mason, pare." Tawag nito kay Nic, may dala na itong gamit pang disinfect ng sugat. "Pasensya na pare sa ginawa ng kapatid ko. Hayaan mo at sasabihan ko. Spoiled kasi yun eh."

"Basta wag mo ng palalapitin iyang kapatid mo sa asawa ko at baka di na ako makapag-pigil sa susunod, at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya." May halong pagbabanta ito.

"Nic, wag ka ngang ganyan."

"Yung braso mo" ini-umang ko dito ang aking braso.

"ARAY!!!!! Dahan-dahan naman Nicolo. Masakit!!" reklamo ko. Rinig ko ang pagtawa ng dalawang lalaking kasama ko.

"Ikaw na ang bahala dyan pare. Aalis na ako. Bumababa daw kayo after nyan. Kakausapin kaya yata nila Mama, Lel " Paalam ni kuya, tinanguhan lang naman ito ni Nic,at nginitian ko na rin.

"Ako na nga dyan. Ang sakit eh."

"No, let me."

"Wag mong diinan kasi. Ang sakit eh!"

"Are you sure? Ayaw mo talaga ng madiin?"

"Oo nga, ayoko nga. Masakit eh"

"Sigurado ka, ayaw mo ng MADIIN?" masyadong senswal ang pagkakabitaw nito ng bawat salita, at nang maglipat tingin ako dito ay may kakaiba akong nababanaag sa magaganda nitong mata. Duon lang nag sink-in sa akin ang sinasabi nitong 'madiin'.

"NIC!!! Umalis ka na nga dyan. Nakakainis 'to." Muli ko na naman narinig ang malakas nitong tawa. Natapos ito sa ginagawa kahit panay ang pagtawa nito.

"Ayan tapos na." nalagyan na din ito cream. Kinuha naman nito ang hair brush, at nagsimula na itong ayusin ang aking buhok.

"Tara na sa baba. Naghihintay na yata sina Tito sa atin." Nakayakap na naman itong magaling kong asawa sa akin.

"They can wait."

"Galit ka pa rin ba?" isinandal ko na ang sarili ko dito

"Hindi na katulad ng kanina. Hindi ko gusto ang ginawa nya sayo."

"Hindi naman sya ganun dati, Nic. Alam mo ba noong mga bata kami, super close kami ni Ate. Tapos isang araw, bigla na lang sya nag-iba. Halos lahat ng meron ako inaagaw nya. Laruan, gamit, minsan tinatago pa nya ang mga libro ko. Then nalaman ko, na narinig daw ni ate na nag-uusap sina Tito at Tita about sa naging process ng adoption nya. May kausap daw kasing kasosyo sina tita sa negosyo na di magka-anak. So, doon na nagstart ang lahat. Nagbago si ate ng nalaman nyang ampon lang sya. Palagi na lang itong nagseset ng kompetisyon sa pagitan namin. Hindi ko naman pinapatulan. Kesyo, magaling daw sya, mas matalino, mas maganda, at kung ano-ano pa. Pinipilit ko naman syang intindihin, pero sya itong di marunong makaintindi. Hanggang sa ngayon ay nadala nya ang inggit nya sa akin. Ano bang dapat nyang ika-inggit sa akin ngayon?"

"Gwapo ang asawa mo mahal, baka nakakalimutan mo." Hinampas ang hita nito, 'Kapal talaga'

"Bakit parang lumakas yata ang hangin natin ngayon Mayor?"

"I'm just telling the truth here. Nakaka-inggit talaga kapag may pogi kang asawa, tapos loyal pa."

"Susss!! Totoo?!" paghahamon ko dito.

"YES naman Mahal!! Kahit sunugin mo ako ngayon wala kang maamoy na babae sa akin, Mayora ko." Tunog sigurado ito.

"Sige na nga, naniniwala na ako mayor. Tara na sa baba." Muli kong yakag dito.

"Kiss ko muna."

"Puro ka na kiss. Kanina ka pa, nakarami ka na nga tapos hihirit ka pa."

"Ang dami mong sinabi. Kiss lang naman hinihingi ko"

"Oh, ito na." I gave him a peck on his lips. "Tara na."

"Bitin naman." Then he cupped my face and kissed me hard. "That's the kiss I'm talking about. Let's go now." Kinurot ko naman ito ng pino sa braso.

'Kahit kailan talaga'

He's holding my hand habang pababa kami nang hagdan. "Hija, kumusta ka? Pasesnsya ka na sa ginawa ni Stacey. Ako na ang humihingi ng pasensya sa inyong mag-asawa."

"Tita naiintindihan ko naman po. That's ok po, ala-----"

"Mahal, that's not ok." Sabad ni Nic

"Nic" pinanlakihan ko ito ng mata at pasimpleng kinurot.

"Nagsasabi ako ng totoo dito Alle. Kailan pa naging ayos manakit ng kapwa? You're too kind, and she's taking advantage of your kindness, and I hate it." Nagagalit na naman ito.

"Nic, isa." Pagbabanta ko

"I can make it until five." Pabulong itong sinabi sa akin ni Nic, at ngayon at alam ko na ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. "AWW!!"mariiin ko itong kinurot. Ang landi kasi, akala mo ay walang kaharap na ibang tao.

"Your husband is right hija." That's Tito. "Mali ang ginawa ng anak ko sa iyo, kaya tama lang ang sinabi ng asawa mo. I want her to experience living a simple life, kaya hindi nyo na mababago pa ang desisyon ko. Aalis sya sa pamamahay ko at doon sya maninirahan sa rancho ng kaibigan ni Papa sa Cebu. Bahala syang mamuhay nang mag-isa dun."

"Hindi po ba sobra na yun?" mag-kaabay na kaming nakaupo ni Nic sa sofa, pinaglalaruan naman nito ang aking mga daliri. Nakapatong ang aking kamay sa kanyang binti.

"That's enough for her to learn her lessons. She will learn it in a hard way. Ayokong baunin nya ang inggit sa kanyang katawan hanggang sa inyong pagtanda, Lel. Para na rin kitang anak, at ayoko ng paraan kung paano ka nya tratuhin." Hindi na ako nakapagsalita pa.

"I totally agree with your husband Lel, and also to Daddy. Matatanda na kayo, wala na dapat pang pagtalunan. Maaring wala lang sayo yun, pero yung kapatid ko ay iba sa iyo Lel. Dad is right, she needs to learn her lessons." Natapos nag usapan na puno ng pasensya at paumanhin. Napag-isipan na rin ni Nic na umuwi na ngayong araw. Hindi na naman nakatutol pa si Lolo. Alam daw nya ang nararamdaman ni Nic.

Pag-uwi naming sa bahay ay si Mommy ang sumalubong sa akin. Gulat na gulat ito nang nakita ang mga sugat sa aking braso.

"Napano yan Shilloh, anak?" puno nang pag-aalala ang boses nito. "Mason, anong nangyari sa asawa mo?" sa lakas ng boses nito ay pati sina Nay Regie ay napasugod sa living room.

"Ma, yang boses nyo. Natatakot ang asawa ko sa inyo."

"Ok ka lang ba?"

"Opo. Nagamot na po yan ni Nic kanina."

"Ano bang nangyari sayo?"

"Her cousin attacked her."

"Jusmioo. Yung Stacey ba? Naku, naku!!! Wag syang magpapakita sa akin, kakalbuhin ko syang babae sya." Nang-gigil na sabi ni Mommy.

"Ok na po ako Mommy." Tsaka ko ito nginitian.

"Ma, akyat lang kami saglit." Ngumiti lang naman si Mommy dito.

"Sige, patawag ko na lang kayo mamaya kapag dinner na. Magpahinga muna kayo."

"Mahal, akin na iyang dala mo."paakyat pa lang kami sa hagdan nito, mabilis ko namang inabot iyong bag na dala ko.

"From kuya to mahal REALQUICK. Iba ka talaga Mayor." Sabay kaming napalingon ni Nic sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Khal iyon na nakatayo sa aming gilid. May mapaglarong ngisi sa labi nito.

"Anong ginagawa ng AMPON sa aking bahay?" talagang may diin ang salitang ampon.

"Ampon ako, kasi mas pogi ako kaysa sa yo. Kahit itanong mo pa dyan sa asawa mo." Para nitong hinahamon si Nic. "Di ba Shilloh?" sa akin na nakatingin ang mata ng mga ito.

"No comment." Sabay ngiti.

"Ay! Ang daya!"

"Wala ka na ampon."

"Ewan ko sayong gurang ka" nagpipigil ako ng tawa sa sinabi nito. "Kayong dalawa, naiinip na ako ah. Kelan ba may tatawag sa aking tito?"

"HI TITO" pang-asar dito ni Nic, napatawa naman ako.

"Ayan oh may tito na." sabi ko pa habang tumatawa.

"Kakapangilabot ka Kuya. Dyan na nga kayo. Di kayo matinong mga kausap. KAUMAY" Napikon yata ito sa aming dalawa. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa aming kwarto. Pagkapasok pa lang namin pakiramdam ko ay hinihila na ako ng kama para matulog. Mabilis akong nahiga at nagbalot ng kumot. Naramdamn ko nagpaglundo niyon at ang pagyakap sa akin ni Nic.

"Mahal." Tawag nito, habang binibigyan ng matutunog na halik ang aking leeg. Humarap ako dito, at nagsumiksik sa kanyang dibdib. "Mahal." Para itong bata na may gustong hingin mula sa akin. Ramdam ko ang magagaang haplos nito sa aking bewang.

"Tulog na tayo Nic. Inaantok na ako." Na sinamahan ko pa ng hikab. Dinig ko ang malalim nitong buntong hininga.

"Ok" tapos ay hinatak ako nito mas papalapit sa kanya, ay doon na ako nakatulog.

TBC

MisisNiKuzma

WC: 3176

KEEP SAFE, STAY HEALTHY, & GOD BLESS

LOVE YOU ALL


Continue Reading

You'll Also Like

456K 5.3K 39
THIS STORY CONTAINS, MATURED SCENES, BDSM, NAKAKASUKA, NAKAKAINIS AND MORE ABUSIVE SCENARIO AND IF THIS IS NOT YOUR GENRE KIND THEN BETTER LEAVE. THA...
1.5M 40.1K 33
Grant is one of a hell great soldier, a strong ang brave soldier, he fought for his country, fought for his principles. He made his name because of h...
719K 15.4K 34
Dahl's Good Samaritan is suddenly her husband.
15.2K 341 18
-COMPLETED- SPG!!! EROTIC SCENES! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Adyell Andreev was a Russian-Filipino billionaire. He lost his wife in an...