Adrianna Rose Campbell POV
"Ang ganda naman dito"-manghang saad ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Nasa may cliff kami ngayon, tanaw na tanaw mo ang malawak na baybayin sa ibaba.
"Oo napakaganda"-mahinang usal ni Shin kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin sa sa baybayin ngunit namumula ang kanyang mga tenga at pisngi.
"Palagi ka ba rito?"-tanong ko sa kanya habang nakatingin sa may baybayin.
Tinanong ko pa talaga. Kita naman dahil kabisado niya ang pasikot-sikot rito.
Dahil wala kang matanong sa kanya. Awkward moment lang.
Oh isip manahimik ka!
"So ano na lang ang kailangan ninyo para matapos na ang mission ninyo?"-tanong nito sa akin kaya napangiti ako. Ang gwapo niya tas mahinahon pa. So calm.
Isa nalang.
"Ang crystal tube ng kauna-unahang lobo rito sa mundo niyo"-sagot ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin at saka dali-dali akong tinayo sa pagkakaupo ko.
"Alam ko ang bahay niya, tulungan na kita"
Napatalon ako bigla sa sinabi niya.
"Tara na!!"-sigaw ko habang tuwang-tuwa. Gusto ko nang makauwi.
***
"Ito ba iyun?"-tanong ko habang nakatingin sa isang maliit na bahay kubo sa pinakadulo sa bandang silangan ng Wolves World.
"Parang hindi safe pumasok. Parang babagsak na eh"-bulaslas ko habang nakatingin sa bahay.
"Ilang taon nang ganyan 'yan. Matibay 'yan kahit kapag tinitignan parang babagsak na hahah"-natatawang saad ni Shin kaya napatingin ako sa kanya.
Ang cute niyang tumawa. Nakakabighani.
Buset parang ako pa ang lalaki sa aming dalawa ahahha.
Tinitignan lang namin ang bahay ng unang lobo. Hanggang sa may nakita akong dumungaw sa may pinto at saka lumabas ito na may ngiti sa labi.
Napatagilid ang ulo ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa amin. Nagningning ang mga mata ko dahil nakita ko na ang crystal tube na nakasabit mismo sa kanyang leeg.
"Hi po tatang, pwedeng akin na po 'yan?"-turo ko sa crystal tube, nagbabakasakali lang naman baka ibigay agad.
"Ito ba? Sige pero sa isang kondisyon. Alam kong kayang kaya ninyo 'yun. Mag-eenjoy pa kayo" may ngiti sa labing sabi niya kaya napalunok ako bigla.
***
Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa lagay na ito. Pero ang alam ko lang dahil sa matandang lobo na ngayon ay nakangiti sa aming dalawa ni Shin.
"Oh? Ano pa ginagawa niyo? Maghubad na kayo"-utos niya sa amin kaya tinignan ko siya ng masama.
Itong matandang lobong manyakis na 'to. Ang sarap tanggalan ng ulo.
"Mang Juan naman eh."-naiinis na saad ni Shin habang lumalayo sa akin.
"Sige na, live porn lang at saka wala na akong mai-update sa xxx na site ko"-pilit sa amin ni Mang Juan. Alam ko naman kung anong gusto niyang mangyari eh.
"Eh bakit 'di nalang kayo pumunta sa pack? May pack slut don di ba?"- inis na sabi ko saka nagroll eyes. Meron namang pack slut don eh.
"Ah siya ba? Well palagi naman siya rito eh. Sawa na daw sila dahil siya na lang palagi napapanood nila. At ngayon nandito na kayong dalawa"-may galak na saad nito sa huli kaya mas lalong uminit ang ulo ko.
Eh kung patayin ko na lang kaya no? Ahahha
"Mang Juan naman eh. Kahit ano na lang basta wag 'yun. Ang baboy tignan"-nandidiring saad ko, having sex to someone tas nakavideo pa? Ay putek.
At hindi lang 'yun, may manonood pa. Iba talaga ang pagiging manyak ni Mang Juan.
"What if kiss na lang kayo? Yung torrid kiss"-tumatangong saad niya habang ang kamay niya ay nasa baba niya habang tumatango-tango.
Pabagsak lang akong napaupo sa kama na nasa likuran namin ni Shin.
"Ohh ayan ready ka na pala, uy ikaw Shin sige na lumapit ka na"-excited na saad niya habang may kinakalikot sa cellphone daw.
"Umupo lang po ako, nababadtrip na po kasi ako sa inyo eh"-may inis na saad ko habang nakatingin sa matandang lobong manyakis.
Napatingin siya sa akin bigla.
"So, ayaw mong makuha 'to?"-sabay pakita niya sa crystal tube na nakasabit sa leeg niya.
Napapikit ako dahil sa pinapakita niyang ekspresyon. Mapaglarong mukha.
"Wala na po bang pwedeng gawin?"-mahinahon na tanong ni Shin, siguro pansin na niya ang namumuong tensyon sa paligid.
"Wala na"-galak na sagot nito sa tanong ni Shin kaya napayuko nalang siya.
"Sorry, kung si Luna Ava lang sana ang kasama mo 'di ka mahihirapan"-hinging paumanhin ni Shin sa akin na ikina-iling ko.
"Hindi mo kasalanan. Thankful nga ako dahil sinabi mo kung saan siya mahahanap at sinamahan mo pa ako. Thanks Shin"-nakangiting saad ko na ikinapula ng kanyang dalawang tenga.
Kawaii.
Tumayo na ako at saka tinungo ang bintana. Napakatahimik ng lugar na ito. Kakaiba ang simoy ng hangin sobrang presko sa ilong.
Napangiti ako dahil sa nasisilayan ko ngayon papalapit sa amin.
"Dito ba yun babe?"
"Yes babe"
"Mang Juan!!!"-sigaw ni Alpha Den kaya kumaripas ng takbo si Mang Juan para i-welcome ang bagong dating.
Naiisip niyo ba ang naiisip ko?
Sina Alpha Den at Ava ang mavivideohan wahahahhahha.
De joke lang.
"Pasok pasok"-rinig kong aya ni Mang Juan sa kanila.
Umupo ulit ako sa kama at hinatak ang kamay ni Shin paupo sa tabi ko.
"Shin, wala ka pang mate 'di ba?"-tanong ko sa kanya na ikinailing niya.
Napangiti naman ako dahil sa sagot niya, well wala lang naman.
Ang gwapo niya, bakit wala pa siyang mate?
"What the, bat kayo nandito??!"-sigaw ni Ava sa aming dalawa ni Shin kaya sinimangutan ko lang.
"Ano pa ba eh kukunin ang crystal tube"-singhal ko naman sa kanya.
"Kaya nga di ko kayo pinigilan kanina para mag get to know each other kayong dalawa tas kaming dalawa na ni Babe ang kukuha sa crystal tube"-nagpapadyak-padyak siya habang nagwawala.
"Ano bang problema mo? Bakit ba ayaw mo akong pumunta rito ha?!"-sigaw na tanong ko sa kanya na ikinatigil niya. At saka sinamaan ako ng tingin.
"Alangan naman na yayayain pa namin kayo?! Ano to, libre live porn ganon?!"-sigaw niya na ikinatigil ko. Saka nanlaki ang matang nakatingin sa kanya.
"Really??! Bat di mo sinabi agad? Ito naman oh. Oh sige una na kami ah."-nakangiting paalam ko sa kanila at saka hinatak si Shin saka sabay kaming naglakad.
Tumigil muna ako at tinignan si Ava na nakaawang ang labi.
"Siguraduhin mong makukuha mo yang crystal tube na 'yan!"-banta ko sa kanya at magkasama kami ni Shin na linisan ang lugar.
Tumatawa lang habang si Shin naman ay ramdam kong tumatawa rin sa kaloob-looban niya. Napayakap nalang ako habang nakasakay sa kanyang wolf form.
✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳
Ohhh yeah. Ahahha buset na Adrianna.
Sino bet niyo??!
Adrianna and Caspian?
Adrianna and Elliott?
Adrianna and Shin?
Adrianna and sino po ang gusto niyo??
Malayo-layo pa ahahha..
Have a great day. And keep safe.