Imperial Throne

By dwynnette

2.6K 651 512

You are the precious thing that I am willing to protect. More

Panimula
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata

Unang Kabanata

519 144 251
By dwynnette

AKO'Y nakatayo sa harap ng isang bahay-aliwan at seryosong pinagmamasdan ang kabuohan nito. May kalumaan na ang bahay-aliwang ito at halatang ilang dekada na ang tagal.

Gayunpaman, aking napag-alaman na tampok ito sa buong bayan na kung saan madalas umano itong pinupuntahan ng mga matataas na opisyal at pati na rin sa mga taong nagmula pa sa ibang lugar. Ayon sa aking narinig, matagal na dapat itong pinasara dahil mayroon kakong ilegal na transaksyon ang nangyayari sa loob, pero hindi iyon natuloy sapagkat may iilang opisyal ang sinusuportahan ito at ginagamit ang kapangyarihan para manatili itong nakabukas sa publiko.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito binibigyang aksyon ng hari? Bagkus, parang hinahayaan pa nitong ipagpatuloy ang operasyon. Haist! Ewan. Ano pa ba ang aasahan ko sa walang silbing haring iyon? E, walang ibang iniintindi iyon kundi ang kaniyang yaman at kapangyarihan... wala siyang ibang ginawa kundi ang palaguin ang mga ito. Mukhang wala nga siyang pakialam sa kaniyang mga nasasakopan, e.

Marahas akong bumuga ng hangin at inayos ang pagkakasuot ng aking salakot na siyang natatabunan nito ang aking mga mata. Kasunod noon ay ang pagpasya kong pagpasok sa loob. Unang pasok ko pa lamang ay naaamoy ko na agad ang matapang na amoy ng alak at ang naghahalong usok ng tabako. Maingay rin ang buong paligid at masyadong magulo sapagkat nakikita kong sobrang dami ng taong nandidito at nagsisiyahan.

Sabihin ko lamang na hindi ako nandito upang magsaya at maglibang. Nandito ako dahil may hinahanap akong isang tao. May nakapagsabi kasi sa akin na dito ko daw siya matatagpuan, bagama't madalas daw siyang pumupunta dito.

Aking nilibot ang aking paningin sa paligid at inoobserbahan ang ilang naroroon. Ngunit napako ito nang ako'y mapalingon sa bandang dulo na kung saan naroroon ang sugalan. Sa pagkakataong iyon ay bigla na lamang akong nagkaroon ng interes dito at nakuha ko pang magtungo doon. Pinanuod ko ang mga ilang naglalaro at napansin kong halos sa kanila ay mga Heahs. May nakikita naman akong mga Loowens pero kakaunti lamang ang mga iyon.

Sa kaharian ng Eleuthyia, may tatlong ranggong itinalaga na maaaring kabibilangan ng mga tao. Ang Rheia, Heah at Loowen. Ang Rheia, ito ang pinakamataas na ranggo sa lahat sapagkat dito nabibilang ang mga mayroong dugong-bughaw na maaaring kabilang sa maharlikang pamilya. Samantala ang Heah naman, dito nabibilang ang mga taong may kakayahan sa buhay. Kumbaga mga mayayaman at kilala sa buong kaharian ang kinagisnang angkan. Gayunpaman, kung gaano karangya ang buhay ng mga Heah, iyon naman ang kabaliktaran ng mga Loowen. Kadalasang nabibilang dito ay mga mahihirap o mga alipin na kung saan nagpupursegeng magtrabaho upang may makain.

Subalit sa nakikita ko ngayon, hindi ko masikmura iyong mga nakikita kong Loowens na nandidito at nagawang magsugal. Hindi ko maintindihan kung bakit nakuha pa nilang magsugal sa kabila ng hirap ng buhay?... kung bakit winawaldas nila ang kanilang salapi sa larong posibleng matatalo sila? Haist! Ewan! Hindi ko naman sila masisisi, e madaling madala ang isang tao sa tukso.

Nakuha naman ang aking atensyon sa isang grupong nagkukumpulan na kung saan mamataan doon ang dalawang lalaking naglalaro ng dais. May makapal na balbas ang isang lalaki at may 'di kalakihang katawan. Samantalang ang isa nama'y may katandaan na pero makikita mong malakas at maliksi pa rin ang pangangatawan nito. Sa mesa nama'y makikita ang nakapatong na salapi na sa tingin ko'y taya ng dalawang manlalaro.

Habang pinanood ang mga ito napansin kong parang may kakaiba sa tagarolyo ng dais. At sa kagustuhang malaman kung ano iyon ay nagawa ko itong obserbahan at bigla na lamang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang madumi nitong ginawa.

'Napakagaling mo ring kupal ka.'

Binuksan na nang tagarulyo ang maliit na kahon na kung saan nakapaloob doon ang tatlong dais. Kasabay ng pagbukas no'n ang malakas na pagsigaw ng lalaking may makapal na balbas. Tinignan naming lahat ang mga dais at namataan naming puro anim na itim na tuldok ang lumabas. Kaya naman pala'y sumigaw ang lalaki ay dahil panalo siya sa laro.

"Oh, paano ba iyan? Nanalo na naman ako." Masaya nitong giit na siyang inilingan ko ng bahagya sapagkat nakikita kong masyado itong mayabang sa kaniyang inaasta. Nabaling naman ang aking tingin sa matanda na ngayo'y nanlumo sa dahilang natalo ito sa laro. Ewan ko ba, pero bigla na lamang akong nakaramdam ng awa dito, lalo na't natunghayan kong dinadaya siya ng kaniyang kakoponan.

"Sa susunod kasi, huwag kang maghahamon ng laro, kung wala ka rin naman palang binatbat." Mayabang na singhal ng lalaki na siyang tinawanan ng kaniyang mga kasamahan. Kita ko sa kaniyang mga mata kung paano niya maliitin ang matanda... na ang tingin niya dito'y isang malaking talanon. E, kung tutuusin, hindi naman siya mananalo kung hindi nila ito dinaya ng ganoon.

Umalis ang matanda na parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha. Kunsabagay, sino naman kasing hindi manlulumo no'n? E, natalo na nga siya sa laro, nagawa rin siyang dayain.

Dinapuan ko naman ng tingin ang lalaki na ngayo'y masayang dinadampot ang mga salaping nasa mesa. Habang tinitignan siya, hindi ko mapigilang mapakunot noo at isipin iyong kalapastangang ginawa niya at ng tagarulyo. Ayaw ko kasi sa lahat ay iyong manloloko't mandaraya. Alam ko naman na mahalaga sa atin ang salapi... na parte na sa ating buhay ang bagay na ito, pero hindi naman tama iyong magawa nating manloko at dayain ang isang tao para lamang makuha ang salaping nais rin nating mapasa atin.

Alam ko sa sarili ko na hindi maganda ang mangialam sa iba, pero habang iniisip ko iyong matanda kanina, hindi ko mapigilan ang sarili ko... hindi ko mapigilan ang gumawa ng eksena.

Nagawa kong umupo sa upuang nasa tapat ng lalaki. Kaya dahil doon ay nakuha ko ang atensyon ng lahat. Ramdam ko ang mga maiinit nilang tinginan at mga nakakasulasok nilang bulungan na hindi ko naman pinagtuon ng pansin, bagama't nakatuon lamang ang aking atensyon sa lalaking aking kaharap na ngayo'y binibigyan ako ng mga nagtatanong na tingin.

"Ikaw ba'y maglalaro?" Giit nito.

"Oo. Maaari ba?" Kung tutuusin, wala naman talaga akong kaalam-alam sa takbo nitong larong ito at kahit kailan ay hindi ko pa nasubukang laruin ang bagay na ito. Subalit, base sa aking mga nakita kanina at naobserbahan ay kahit papaano ay may nalaman naman akong kaunti.

"May ipangtataya ka ba?"

"Meron."

"Kung ganoon, ilapag mo na diyan sa mesa at tayo'y magsisimula na." Giit niya at naglapag ng salapi na kaniyang ipangtataya. Ngunit, tinignan ko lamang siya at ni isang kusing na salapi ay wala akong nilagay, kung kaya't dahil doon ay kumunot ang kaniyang noo. "Ano pang hinihintay mo diyan? Maglagay ka na ng ipangtataya mo diyan."

"Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi salapi ang ipangtataya ko? Sa halip ay ulo ko na lamang?" Napuno ng halakhak ang buong paligid dahil sa aking sinabi at nangingibabaw doon ang tawa ng lalaking kaharap ko.

"Ulo? Ha. Nahihibang ka na ba?"

"Siguro nga isang kahibangan ang tawag sa bagay na iyon. Pero hindi mo ba naisip na mas masaya ang ganoon?" Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. Naisip ko kasi na mas masaya at nakakapanabik ang isang laro kung buhay ang nakataya. Siguro nga, nahihibang na ako sa ideyang iyon... na pati buhay naming dalawa ay nagawa kong isali sa laro. Ngunit nais ko lamang malaman kung hanggang saan tatagal ang tapang at yabang nitong lalaking ito.

Kung tutuusin, meron naman talaga akong salapi pero wala akong balak na sayangin ito... wala sa isip ko na ilaan ito sa isang larong alam kong puro pandaraya lamang ang meron. 

"Alam mo, kung wala ka naman palang ipangtataya, mas mabuti pang umalis ka na lamang. Hindi iyong gagawa ka pa ng salitang puro kahibangan lamang ang laman." Pagtataboy nito. Subalit, sa halip na umalis ay nanatili lamang akong nakaupo at walang balak na lumisan gaya ng kaniyang gustong mangyari. Kung kaya't mas lalong siyang nainis sa bagay na iyon at halos malukos na ang noo nito nang makitang hindi pa rin ako gumagalaw sa aking pwesto.

"Ano pa ba ang hinihintay mo? Umalis ka na diyan. Kita mo namang may tao pang gustong maglaro." Giit nito na siyang sinang-ayunan ng lahat.

Maimtim ko siyang tinignan at nagsalita. "Bakit ba ayaw mong pumayag sa bagay na iyon, ha? Huwag mong sabihing naduduwag ka?"

"Duwag na kung duwag. Hindi ako papatol sa mga taong kagaya mong may diperensya sa pag-iisip." Bahagya akong tumawa ng malakas sa sinabi niya at tinignan siya na puno ng panghuhusga.

"Ikaw na mismong nagsabi na isa kang duwag. Pero hindi mo ba naisip? Na sa salitang iyon ay kaya kang husgahan ng mga taong nandito? Na maaari ka nilang sabihang hindi tunay na lalaki? Ang salitang iyon ay maaari mong panghahawakan habang buhay." Binigyan ko siya ng mga malolokong ngiti at inabangan ang magiging reaksyon niya sa aking sinabi.

Nakita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa mukha at kung babasehan ay mukhang nakuha naman niya kaagad ang aking pinupunto. Kung kaya't kinuha ko ang opurtunidad na iyon upang himukin siya sa aking kagustuhan. "Oh, ano? Papayag ka na ba o hindi?"

Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalinlangan at halatang ayaw sumugal sa ganoong bagay. Ngunit, nang kaniyang nilibot ang kaniyang paningin sa paligid at nakita ang mga itsura ng mga taong nag-aabang sa sunod na mangyayari ay napapayag siya na wala sa oras. Naisip niya siguro na kung tatanggi siya ay baka magdulot sa kaniya iyon ng matinding kahihiyan.

"Oh siya, kung iyan ang iyong nais na mangyari, pagbibigyan na kita."

Marahas akong ngumiti dahil sa sinabi niya at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng matinding pananabik, bagama't may halo itong kaba. Kinakabahan ako na baka ako ang matalo.... na baka dayain rin ako gaya sa nangyari sa unang manlalaro kanina. Gayunpaman, hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na iyon... na hindi ako makakapayag na matalo ako sa isang simpleng laro lamang.

Nirolyo na ang dais at doon lamang nakatuon ang aking atensyon. Hindi pwedeng hindi ko iyon bantayan, lalo na't nakikita kong parang may binabalak na gawin ang tagarolyo. Nasa panig ito ng kalaban at posibleng dayain ako nito na hindi ko namamalayan. Isa pa, nakadepende rin sa kaniya ang takbo ng laro at nakasalalay sa kaniya ang aking magiging kahihinatnan.

Ilang saglit ay natapos nang irolyo ang mga dais at bago pa gumawa ng kung ano ang tagarolyo ay agad ko nang pinatong ang kamay ko sa ibabaw ng kahon na siya ring dahilan upang kumunot ang noo ng tagarolyo at ng aking kalaban.

"Anong ginagawa mo?" Singhal niya.

"Sinisiguro ko lamang na walang dayaan ang nangyayari dito." Napansin ko ang palihim na tinginan ng lalaki at ng tagarolyo. Namataan kong parang nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata.

Kanina pa lamang, sa unang laro ay napansin ko na agad ang pandarayang ginawa ng tagarolyo na kung saan kasabwat niya ang kumag na lalaking ito. Napansin ko kasi ang palihim nilang pagse-senyasang dalawa, na tila may pinapahiwatig ng kung ano. Dahil sa kuryusidad ay nagawa ko iyon obserbahan at doon ko napag-alaman na ang senyasan na kanilang ginagawa ay isang mensahe na kung saan uutusan ng lalaki ang tagaroloyo na buksan ng palihim ang kahon at palitan ang dais. Hindi iyon mapapansin ng lahat dahil masyadong mabilis ang kanyang kilos. Bukod din doon ay masyadong nakatutok ang lahat sa laro kaya walang makakapansin sa maduming galawang iyon.

"Sa iyong palagay, ano ang lalabas dito?" Tinuon ng lahat ang kanilang tingin sa kaniya at halatang inaabangan ang kaniyang sagot. Nakikita kong parang pinag-iisipan niya pa ang kaniyang nais na isasagot at hindi makakatakas sa aking paningin ang paulit-ulit niyang pagsulyap sa tagarolyo at sa kahon. Bahagya akong napangiti dahil doon, sapagkat nakikita kong hindi na nila magagawa iyong binabalak nilang gawin sa pagkakataong ito.

Sa aking pagkakaobserba sa larong ito ay may tatlong dais na gagamitin at sa bawat dais ay mayroong isa hanggang anim na itim na tuldok. Kung ilan ang lumabas na tuldok sa mga dais na iyon ay kailangan mo lamang pagsama-samahin. Kung iyong nahulaan ang bilang noon ay panalo ka. Maaari ka rin namang manalo kunsakaling malapit lamang sa numerong lumabas ang numerong iyong nahulaan. Halibawa ay iyong nahulaan ay labing lima pero ang lumabas ay labing anim. Kumbaga nakasunod lamang ang iyong numero doon.

Ilang sandali ay nakuha na niyang sumagot. "L-labing walo."

"Ikaw ba'y sigurado diyan?"

"Oh, bakit? May problema?"

"Wala naman. Pakiramdam ko kasi labing dalawa." Ngisi kong sambit na siyang kaniyang kinunotan ng noo.

Napagpasyahan kong ako nang magbubukas ng kahon. Noong una ay nagawa niya pang umalma dahil wala naman daw ako sa posisyon para gawin ang bagay na iyon. Pero hindi ko siya pinansin. Sinunod ko lamang kung anong gusto ko.

Pagbukas ko noon ay biglang natahimik ang lahat at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga dais. Kasabay ng aking pagngiti ang biglaan kong pagtayo sa aking kinauupuan at ang kaugara kong pagbunot ng espada na siyang kasunod noon ang pagtutok ko sa kaniya. Gulat ang gumuhit sa mukha ng lahat, lalo na siya.

"Paano ba iyan? Panalo ako. Maaari ko na bang kunin iyang ulo mo?" Hindi kaagad siya nakapagsalita. Ni isang salita ay walang lumalabas sa kaniyang bibig na tila'y parang may kung anong bumabara sa kaniyang lalamunan. Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako mananalo ng ganito kung wala akong ginawa. Habang nakapatong kasi ang aking kamay sa kahon ay pasimple ko itong niyugyog para mapalitan ang kinalabas ng mga dais. Hindi iyon napansin ng lahat dahil masyado silang nakatutok sa aking kalaban. Iyon ang pagkakataon na kanilang inaabangan ang kaniyang sagot. Habang ginawa ko iyon ay nagkaroon ng kaunting ingay pero hindi iyon maririnig ng lahat dahil masyadong maingay ang paligid.

'Pwede niyong dayain ang lahat pero hindi ako.'

"T-teka, pwede naman nating pag-usapan ito. K-kung gusto mong sa iyo na itong mga napanalunan kong salapi." Nilabas niya ang kaniyang mga salapi mula sa isang maliit na bag at inilapag sa mesa. Subalit alam ko naman na ang salaping iyon ay galing sa mga taong dinaya niya sa laro.

"Pasensya, pero mas gusto ko iyang ulo mo kesa sa salaping iyan." Marahas akong ngumiti ng malademonyo ang dating at lalo pang diniinan ang pagkatutok ko ng espada hanggang sa dumapo ito sa leeg niya at magkaroon ito ng kaunting sugat na siyang kaugarang pagdurugo nito. Nakatunghay lamang ang mga taong naroroon at mukhang wala ni isa sa kanila ay gustong mangialam. Sa halip ay mukhang inaabangan pa nila ang sunod kong gagawin.

"LUNA..." Bigla akong napatigil nang may marinig akong pamilyar na boses at gaya ng iba ay napalingon rin ako sa pinaggalingan nito. Tumambad naman sa aming lahat ang isang matandang lalaki na may hawak na mahabang kahoy at salakot na hindi naman gaanong kalakihan. May mahaba at makapal itong balbas at medyo magulo ang buhok. May kalumaan na rin ang suot nitong damit at may parte roon ay mayroong gusot at kaunting dumi. Pero base sa nakita kong kwentas na suot nito ay nakilala siya at nakakasiguro akong siya na iyong matagal ko nang hinahanap.

Si Ginoong Hanjae

Lumapit siya sa aking kinaroroonan at maimtim akong tinignan. "Tama na iyan. Huwag kang gumawa ng eksena dito kung ayaw mong ikaw ang mapahamak." Tumalikod na ito at naglakad na paalis. Humugot ako ng malalim na hininga at binalik ang aking espada sa lalagyan nito, bagama't may parte sa aking kalooban na labag na gawin iyon. E, kasi naman, kung kailan nagsisimula na akong magsaya, e doon pa sumulpot ang matandang iyon.

Haist. Kaimbyerna!

Dinapuan ko ng tingin ang kumag at bahagyang kinuha ang kaniyang kalahating salapi. "May araw ka rin sa akin." Giit ko sa kaniya at kumalipas na ako ng alis.

Pagkalabas ko ng bahay-aliwan, una kong natanaw ay iyong matandang naglaro kanina sa sugalan. Nakalumbaba itong nakaupo sa gilid ng puno at dahil sa kagustuhang makausap ito ay nagawa kong magtungo sa kaniyang kinaroroonan.

"Manong..." Tawag ko sa kaniya dahilan para siya'y mapalingon sa aking direksyon. Inabot ko naman sa kaniya ang salaping nakuha ko doon sa lalaki kanina. "Ito, ho." Taka ang namuo sa kaniyang mukha. Kung kaya't nagawa ko siyang ngitian. "Sayo na ho ito. Tanggapin niyo na."

Noong una ay nag-aalinlangan pa siyang gawin. Pero kalaunan ay tinanggap niya rin ito. "M-maraming salamat."

"Wala iyon. Sa susunod, huwag na kayong bumalik sa ganoong lugar. Alam mo namang puro dayaan lamang ang meron doon." Matapos kong sabihin ang katagang iyon ay nagawa ko nang umalis. Hindi ko na rin naman kailangan pang magsalita pa ng kay haba dahil mukhang naiintindihan naman niya ang pinupunto ko. Pero sa nama'y huwag na niyang uulitin ang ginawa niyang iyon. Kung tutuusin hindi na dapat siya pumupunta sa ganoong lugar dahil matanda na siya at madali lamang para sa iba ang dayain siya ng ganoon.

Oo nga pala, si Ginoong Hanjae. Muntikan ko na siyang makalimutan. Asan na ba iyon nagpunta?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at hinanap ang kinaroroonan ng matanda. Hindi naman ako nabigo na hanapin ito sapagkat agad ko naman siyang namataan na papunta sa pamilihan. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong iyon at agad ko siyang hinabol. Minadali ko na rin ang aking paglalakad para maabutan siya. Masyado kasi siyang mabilis at may pagkakataon pang may nakakabangga siya sa daan, pero hindi man lamang niya iyon pinansin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung lasing ba ang matandang iyon o ano.

"Ginoong Hanjae!" Sigaw ko para makuha ko ang kaniyang atensyon ngunit hindi man lamang ito tumambiling lumingon. Sa halip ay pinagpatuloy niya lamang ang kaniyang paglalakad at parang walang narinig. Ilang beses ko na siyang tinatawag at gaya kanina ay hindi niya pa rin ako nagawang lingunin.

'Kainis! Bingi ba siya o nagbibingi-bingihan lamang?'

Napagpasyahan ko nang tumakbo papunta sa kaniyang direksyon at harangan siya. Mukha kasing nagsasayang lamang ako ng laway kung patuloy ko siyang tatawagin.

Sa ginawa kong pagharang sa kaniya, ang siyang dahilan upang kumunot ang kaniyang noo.

"Ginoo..." Habol hininga kong wika. Maimtim naman akong lumunok at saka seryoso siyang tinignan. "Maaari ba kitang makausap? May nais lamang akong sasabihin sa iyo tungkol sa isang bagay."

"Kung tungkol iyan sa hinihingi mong pabor, umalis ka na. Hindi kita matutulungan diyan." Walang kaemosyon niyang wika at saka niya ako nilampasan. Ngunit agad ko namang nahawakan ang kaniyang braso dahilan para mapatigil siya sa kaniyang binabalak na pag-alis.

"Sandali, Ginoo. Hindi ito tungkol doon. Iba ho ito." Giit ko at saka siya'y binigyan ng mga nagsusumamong tingin.

Ang tinutukoy niyang pabor na siyang aking matagal nang hinihingi sa kaniya ay iyong turuan niya akong gumawa ng Neriandrin. Isa itong uri ng lason na gawa sa Oleander na kung sino man ang makakainom nito ay maaaring mamatay sa loob lamang ng ilang minuto. Ang rason kung bakit kailangan ko ang bagay na iyon ay dahil sa isang taong gusto ko nang mawala sa aking landas... sa isang taong naging dahilan kung bakit naging miserable ang aking buhay at ng aking katribo.

Tanging si Ginoong Hanjae lamang ang nakakaalam sa lasong iyon at siya lamang rin ang tanging nakakagawa no'n. Ilang beses ko siyang pinipilit noon na turuan akong gawin iyon, pero lagi niya akong tinatanggihan dahil masyado umano itong delikado sa isang katulad ko na baguhan pa lamang sa ganoong bagay. Gayunpaman, napag-alaman kong mayroon siyang librong naglalaman tungkol sa lasong iyon at sa kagustuhan kong mapasakamay iyon ay tinangka kong halughugin ang kaniyang tirahan at hinanap iyon. Ngunit, sa masamang palad ay nahuli niya ako at nalaman ang aking binabalak na gawin. Kaya dahil doon ay nakatanggap ako ng samu't saring hampas sa ilang bahagi ng aking katawan gamit ang matigas na kahoy at nagkaroon pa ako no'n ng pasa at sugat.

Subalit, hindi ako tumigil sa kagustuhang mapasakamay ang librong iyon. Mas lalo ko siyang pinilit at halos magmamakaawa na ako sa kaniyang harapan para lamang ibigay ang aking gusto. Subalit, wala akong napala sa pagmamakaawa kong ginawa sa kaniya, sapagkat nalaman ko na lamang na binigay niya pala ang libro sa isang taong hindi ko alam kung sino. Pilit ko siyang tinatanong kung kanino niya iyon binigay pero wala siyang sinabi. Pilit niya iyon tinatago sa akin. 

Gayunpaman, hindi iyon ang dahilan kung bakit ginusto ko siyang makita. Katunayan, may nais lamang akong sasabihin sa kaniya... o sabihin na lamang natin na gusto kong humingi sa kaniya ng tulong sa isang bagay.

"Katunayan, gusto ko sanang humingi sa iyo ng tulong."

"Tulong saan?"

Humugot ako ng malalim na hininga at saka siya seryosong tinignan sa mga mata.

"Gusto kong tulungan mo kong makapasok sa palasyo."

~*~

What The Fact:

Ang Nerium Oleander, na kadalasang kilala bilang nerium o oleander, ay isang palumpong o maliit na punungkahoy sa pamilyang dogbane Apocynaceae, na kung saan nilinang ito sa buong mundo bilang isang halamang ornamental at landscaping. Gayunpaman, itinalaga ito bilang pangalawa sa pinakadelikadong halaman sa buong mundo. Bagama't ang lahat ng mga bahagi nito ay nakamamatay at naglalaman ng lethal cardiac glycosides na kilala rin bilang oleandrin at neriine.

#StaySafeEvery1

Continue Reading

You'll Also Like

282K 10.3K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...