Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 47

38 3 0
By kristineeejoo

CHAPTER FOURTY SEVEN


Ngayon na ang araw ng Moving up namin at lahat ay abala para sa gaganaping espesyal na araw na ito. Nakatulala lamang ako habang nilalagyan ako ni Mama ng make up sa mukha. Kahit na espesyal ang araw na 'to para sakin, hindi ko makuhang maging masaya. Wala akong gana. Ni hindi ko nga makuhang ngumiti eh. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Anak, paano kita me-make upan ng maayos kung ganyan ang itsura ng mukha mo?" Puna ni Mama kaya bigla akong napatingin sakaniya. Tumikhim ako at napalunok.

"Sorry, Ma. May iniisip lang." Sabi ko at ngumiti. Bumuntong hininga si Mama at nilagyan ako ng blush on sa magkabilang pisngi.

"Alam mo anak, 'wag mo masyadong stress-in ang sarili mo. Masyado ka pang bata para magisip ng kung ano ano. Ang intindihin mo ay kung ano ang makakapagpasaya sayo. Doon ka mag-focus." Sabi ni Mama at ngumiti din sakin habang busy sa paglalagay ng blush sa pisngi ko.

"Paano kung siya 'yung kasiyahan ko?" Bulong ko.

"Ano 'yun, anak?"

"Wala po, Ma." Biglang sambit ko. "Okay na 'yan, Ma. Baka ma-late na tayo dun."

Tumigil na si Mama sa pagme-make up sakin at pinakita ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako ng makita ang itsura ko. Ang galing pala mag make up ni Mama, hehe.

Lumabas na kami ng kwarto at nandun na din si Papa nakaabang samin. Napangiti siya ng makita ako.

"Ang ganda naman ng anak ko. Congratulations anak, proud si Papa sayo." Usal nito. Namasa ang mata ko at niyakap si Papa.

"Thank you, Pa." Sagot ko.

"Hay nako, wag na kayo mag-iyakan jan baka masira pa ang make up mo, Katrine. Tara na baka ma-late pa tayo dun." Natawa kami ni Papa sa sinabi ni Mama at sabay sabay kaming tatlo na maglakad palabas ng bahay. May sasakyan si Papa, pinahiram daw ito sakaniya ng boss niya basta daw ingatan tsaka marunong naman si Papa magmaneho ng kotse. Buti nga't pinahiram si Papa eh ang bait ng boss niya. Wala pa kaming ganung kalaking pera para makabili ng ganitong klaseng kotse pero sinisiguro ko na mabibigyan ko din sila Papa ng sarili nilang sasakyan.

Mabilis lang ang naging byahe namin sa venue ng aming moving up. Sobrang dami agad ng istudyante ang naririto. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Jared. Mabilis naman itong sumagot.

"Nasaan ang section natin?" Tanong ko agad pagkasagot niya ng tawag.

"Where are you? Ako nalang ang magsusundo sayo jan."

"Kasama ko sila Mama at Papa. Nandito kami sa may malapit sa mini forest hindi pa kami nakakapasok sa loob ng court." Sagot ko.

"Okay, pupuntahan ko kayo jan."

"Sige salamat, Jared." Sagot ko at pinatay na agad ang tawag dahil alam ko sasabihin niya na naman ang salitang 'iloveyou' at nagi-guilty lang ako kapag naririnig ko 'yon sakaniya. Feeling ko tuloy ang sama kong tao dahil di ko siya kayang mahalin gaya ng binibigay niyang pagmamahal sakin.

Ilang minuto kaming naghintay at sa wakas ay nakarating na din si Jared nagmano siya sa mga magulang ko pero muka pa ring masungit sakaniya si Mama. Hay nako si Mama talaga. Tss.

Hinatid kami ni Jared kung nasaan ang section namin. Sila Mama at Papa ay pumunta sa gilid kung saan doon uupo ang lahat ng mga magulang ng mga students. Sabay kaming umupo ni Jared kasama ang mga ka-sections namin. Hindi pa nagsisimula ang seremonya. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Catriona, ang ganda niya. Nang magtama ang paningin namin ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya. Sunod ko namang nakita si Evan at Xiela. Grabe kita mo sa mga mata nila na sobrang saya nila sa isa't isa at masaya din ako para sakanilang dalawa.

Ang sunod ko namang nakita ay Eula, nagtama din ang paningin naming dalawa kaya nginitian niya ko. Ayoko namang maging masama sakaniya kaya nginitian ko rin siya kahit na may kirot akong naramdaman sa puso ko.

"Are you okay, Katrine?" Tanong sakin ni Jared. Tinignan ko siya at tinitigan ang kaniyang mukha. Alam kong mamimiss ko din itong si Jared. Lahat ng naging kaklase ko ngayon ay mamimiss ko. Naging memorable sakin ang school year na ito at masaya ako na makakapagtapos na kami at sabay naming tatahakin ang panibagong kabanata ng buhay namin.

Nagsimula na ang seremonya at pinangunahan ito ng pagdadasal at pagkanta ng pambansang awit. Mahaba ang kanilang inanunsyo sa harap bago magsimulang tawagin ang mga magsisipagtapos ng pagaaral. Ang haba ng inantay namin dahil sobrang dami ng mga sections na tatawagin nila.

"Nakakaantok naman 'to." Rinig kong sabi ni Jared sa tabi ko. Mahina akong natawa.

"Malapit na tawagin section natin kaya konting tiis pa." Sagot ko.

"Tss." Sambit niya at napakamot sa ulo. Maski ibang kaklase namin ay puro daldalan nalang ang inatupag dahil matagal pang tawagin ang mga pangalan namin para makaakyat ng stage. Yung iba ay hindi na kinaya ang pagkagutom at kumain na. Ako ay tamang inom lang ng tubig dahil hindi pa naman ako gutom.

Nagulat ako ng may inabot sakin si Jared na biscuit.

"Kainin mo muna."

"Hindi pa naman ako gutom, Jared. Salamat nalang." Sagot ko at ngumiti.

"Lagi mo nalang akong tinatanggihan, Katrine. Tanggapin mo nalang." Sambit niya at nilagay sa kamay ko ang tatlong biscuit na oreo. Napangiti na lamang ako at tinanggap yon. Habang hindi pa tapos tawagin ang ibang sections kumain muna kami ni Jared habang nagkukwentuhan.

"Katrine, pagtapos ng moving up natin may aaminin ako sayo." Biglang sabi ni Jared kaya napatingin ako sakaniya.

"Ano yun?"

"Mamaya nga diba?" Sabi niya at biglang tumawa. Natawa na lang din ako at tumango.

Ilang minuto pa kami naghintay at sa wakas ay section na namin ang tatawagin para kunin ang diploma sa stage.

Tumayo na ang section namin at tinawag na kami isa isa. Alphabetical ang pagtawag sa mga names namin at nakangiti ang lahat ng kaklase ko habang naglalakad sa stage.

"Katrine Lerioza, may karangalan." Nagulat ako ng biglang sinabi 'yon ng aming guro. May karangalan? Ibig sabihin with honor ako? Oh my gosh.

Naglakad ako sa stage at nakipag shakehands sa aming punong guro at kinuha ang diploma. Pumunta naman sa stage si Mama at Papa at nakangiti sakin habang sinasabitan ako ng medal. Hindi ko mapigilan umiyak.

Nag-bow ako sa gitna ng stage at pagtapos nun at sabay kami nila Mama at Papa na bumaba. Sumalubong samin ang mga kaklase ko na binati ako ng congrats. Ganun din ako nagcongratulate ako sakanila dahil pare-pareho kaming nakapagtapos.

Natigilan ako ng makita si Sean at Kenrick na magkasama. Nakangiti sakin si Sean habang si Kenrick at walang emosyon ang itsura. Lumakas ang tibok ng puso ko ng lumapit ito sakin.

Inabot sakin ni Kenrick ang flowers, "Congratulations. I'm so proud of you."

Ilang sandali akong napatitig sakaniya bago unti unting kinuha ang flowers na binigay niya. Tinignan ko si Sean ng may iabot din ito sakin na gift.

"Congrats, Katrine! Proud kami sayo!" Sabi nito habang nakangiti sakin.

"S-Salamat sainyo." Nauutal na sambit ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil alam kong titig na titig sakin si Kenrick.

"Ang ganda mo ngayon, Katrine. Grabe! Kaya mahal kita eh!" Sabi ni Sean bigla siyang napatahimik ng hawakan ni Kenrick ang kwelyo niya. Akala ko magsasapakan sila amp. Nagulat ako sa ginawa ni Kenrick eh. Galit na galit.

"Joke lang p're! Ito naman di mabiro!" Natatawang sambit ni Sean kay Kenrick. Binitawan ni Kenrick ang kwelyo ni Sean at kumalma ng titigan ulit ako.

Bigla akong napatingin sa pamilyar na babae na nasa likod nila Sean at Kenrick. Si Eula ito habang hawak hawak ang tiyan niya at tumitingin samin. Nakangiti siya sakin ngunit alam kong malungkot ang mga mata nito.

Tinignan ko si Kenrick ng masama, "Bakit mo iniiwan si Eula ng magisa?"

"Wala akong pake sakaniya, Katrine."

Mas lalong sumama ang tingin ko sakaniya. "Wala ka bang pakealam sa magiging anak niyo? Please puntahan mo na siya wag mo siyang iiwan magisa, Kenrick. Kailangan ka niya."

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin basta wala akong pake."

Mukhang narinig 'yon ni Eula kaya nakita kong tumulo ang luha nito at tumakbo paalis. Hinabol ko siya.

"Eula sandale!" Hinabol ko siya at nakita kong palabas ito ng venue.

"Katrine!" Narinig kong may tumawag sakin ngunit hindi ko sila pinansin. Tumakbo parin ako para maabutan ko si Eula. Nagaalala ako para sa batang nasa sinapupunan niya baka anong mangyari rito at hindi kakayanin ng konsensya ko 'yon. Ayokong may mangyaring masama.

Nang malapit ko ng maabutan si Eula hinawakan ko ang kaniyang braso. Humagulhol ito ng iyak ng maabutan ko siya.

"Eula.."

"Alam ko naman Katrine na ikaw ang mahal ni Kenrick pero bakit ganun? Ang sakit sakit. Hindi ba pwedeng para sa baby nalang yung pagmamahal na ibigay niya sakin? Kahit sa baby nalang kahit hindi na sakin!" Sabi nito at sinapo ang dalawang kamay sa kaniyang buong mukha at humagulhol ng iyak.

"Eula.. please nakakasama sa baby 'yung pag-iyak mo. Kakausapin ko si Kenrick, wag ka ng mag-alala. Baka mapano 'yung baby mo, Eula." Nagaalalang tugon ko.

"Katrine, parang awa mo na ibigay mo nalang sakin si Kenrick. Sakin nalang siya kahit para sa baby lang. Please. Nagmamakaawa ako sayo." Humahagulhol na sambit niya habang nagmamakaawa sakin. Nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko.

"Eula tumayo ka jan!" Sambit ko. Nakatingin na samin ang ibang istudyante at alam kong nakakahiya na itong nangyayari.

"Please... Katrine.. bakit ba nakukuha mo nalang lahat? Magbigay ka naman sakin. Kahit si Kenrick lang. Kahit para sa baby ko lang! Please!" Umiiyak na sabi nito habang nakaluhod.

"Eula.. tumayo ka jan.. kakausapin ko si Kenrick—"

"Wala ng dapat pagusapan, Katrine!" Natigilan ako ng biglang sumabat si Kenrick sa usapan namin. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sakanila. Magkakasama si Sean, Jared, Evan at si Kenrick.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ni Eula habang nakaluhod pa din.

"Ang galing mong umarte, Eula. Bilib ako sayo." Sabi ni Sean habang nakangisi. Nakita kong napalunok si Eula.

"A-Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko.

"Wag kang maniwala sa pag-aarte ni Eula, Katrine." Sambit ni Evan. Mas lalo akong naguluhan. Tinignan ko si Jared at nagulat ako ng makitang may mga pasa ito sa muka at nakita kong nakayuko lamang ito at hindi makatingin sakin. Mukang may alam siya sa nangyayaring ito.

"Katrine, hindi totoong buntis si Eula." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kenrick.

"Pinagplanuhan nila ito ni Jared. Nagpanggap si Eula na buntis para magalit ka sakin at para palabasin na niloloko lang kita, Katrine. At lahat ng ito ay planado nilang dalawa ni Jared."

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 78.5K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
Deadend By K. Mabini

General Fiction

11K 386 101
"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang s...
167K 3.2K 55
When two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.
14.8K 2.3K 44
Chattiana Gabriella Romualdez, she's the true to life princess. The Romualdez' heiress. Beautiful, charismatic, kind and take note, a well known vars...