Twilight's Empress

By lovablefayee

82.3K 2.3K 136

High School Royalty series #1: MC, leaving everything she had in the past, sets out a new chapter in her lif... More

SYNOPSIS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter
ANNOUNCEMENT

Chapter 03

2.3K 68 5
By lovablefayee

Chapter 03

MC's POV

Natapos na ang exam namin at halos mamatay na ako sa dami ng items! Hindi naman sa O.A. ang pagkakasabi ko pero dahil iyon ang totoo!

Tatlong major subjects at dalawang elective ang pinasagutan sa amin: Math, English, Science, Chemistry and Physics. Lahat sila ay tig-eighty items ang laman at hindi ko na rin alam kung paano ako nakalabas nang buhay at hindi dumudugo ang ilong.

Halos mahilo hilo ako dahil sa questions. Saan nanggaling ang mga tanong na iyon? Kahit ata Science na ang subject ay may math pa rin! Ayaw ako lubayan ng mga numero!

Medyo confident naman ako sa mga naging sagot ko kahit na medyo nadrain ako ng kaunti dahil sa dami ng sinagutan ko. Bukod naman sa pagiging magaling sa pakikipagbasag-ulo, alam ko rin naman na may ibubuga ako pagdating sa academics.

Lagi kong pinagbubuti ang aking pag-aaral dahil umaasa si tatay sa akin. Kahit na hindi n'ya sinasabi, nararamdaman ko naman na umaasa siya na sana maiahon ko kaming dalawa sa kung anong buhay ang meron kami ngayon. Wala nga akong reklamo kahit na mamuhay kaming dalawa nang ganito lang, simple. Pero syempre, bilang anak, gusto ko rin naman na maranasan ni tatay ang mamuhay nang marangya at maayos, kagaya na lamang bago mamatay si nanay.

Binunot ko mula sa aking bulsa ang aking telepono. Naalala ko ang sinabi ni Nice na i-text ko daw siya kapag natapos na ang exam ko. Hindi ko rin naman kabisado pa ang campus at baka maligaw pa ako kaya sinunod ko na lang ang sinabi n'ya. Tinext ko siya.

Venice Cancerno

Hindi ko alam pero pamilyar saakin ang apelyido na Cancerno. Pakiramdam ko narinig at nabasa ko na ito sa kung saan. Kaya lang hindi ko matandaan 'yung eksaktong lugar kung saan ko siya narinig. Bahala na nga, hindi ko na dapat 'yan intindihin. Malamang halos lahat ng apelyido na maririnig ko ay pamilyar dahil mayayaman ang mga tao rito.

'Tapos na ako sa exam namin' sinend ko ito sa kanya at matapos ang ilan pang segundo ay tumunog ang cellphone.

Hindi pa rin talaga ako sanay gamitin ang magarang telepono na ito. Grabe. Hindi kapani-paniwala na ang isang kagaya ko ay makakagamit nito. Baka kung nandoon pa ako sa luma kong eskwelahan ay pinagsasampal ko na sa lahat ng estudyante duon ang telepono na ito.

'I'll be there! Wait for me!' sagot n'ya kaya nanatili ako sa kung saan ako nakatayo ngayon. Mahirap na umalis, para hindi na rin ako hanapin ni Nice. Ayoko namang mag-alala pa siya o kaya mapagod kung sakali.

Hindi rin nagtagal ay dumating siya. Hingal siyang huminto sa harapan ko habang nakahawag sa dibdib at mabibigat ang hininga. Mukhang tumakbo pa siya papunta lang rito.

"Hinga ka muna, mukhang ang layo ng tinakbo mo eh." biro ko.

"Hi! Did you wait too long? Sorry, I was just running some errands for the headmistress. Tapos na ba exam mo? Wait that was a stupid question, of course tapos na ang exam mo. What I meant was, kamusta ang exam? I mean, ikaw? Kamusta ka?"

Natawa ako habang iiling-iling. "Ayos lang naman, 'wag ka mag-alala. Malakas pakiramdam ko na papasa ako." aliw na aliw ako kay Nice.

"Yes! That's the spirit! I know for sure na papasa ka rin naman. Pakiramdam ko ang talino at ang bait mo! Aura mo pa lang girl!"

"Uy haha!" napakamot ako sa batok ko. Baka kapag nabasa n'ya ang records ko sa guidance office mapaatras siya at kainin n'ya lahat ng sinabi n'ya. "'Wag ka papabudol sa mukha, 'di ako mabait."

She giggled. "Do not worry, magaling ako mag judge ng isang tao. Ramdam ko na agad na mabait ka talaga. You know, instincts. Besides, I wouldn't talk to you if I felt like you're not a good person." nagtaas ito ng balikat sabay ngiti.

Binalik ko nalang ang ngiti ko sa kanya at walang sinabi na sinundan siya na naglalakad na ngayon. In-explain ni Nice ang lahat ng bagay na kakailanganin ko. Kung saan ang mga classroom at departments, kung nasaan ang cafeteria at kung nasaan ang mga restrooms. Ang angas nga eh, sa iba't ibang floor ata merong banyo. Duon kasi sa dati kahit na lalabas na kailangan mo pang umakyat manaog para lang makapag banyo, barado kasi ang iba. Hay.

Habang nalingo sa kung saan saan, napansin ko na hindi sila nakauniporme. Humarap ako kay Nice. "Wala kayong uniform?"

"Oh that. We have! But we aren't wearing it today since we are currently celebrating One High's anniversary and school fair."

Agad namang napakunot ang noo ko. "School fair?"

"Yeah, school fair."

"Ah! Foundation day!"

"That's right! Yeah, other term for that is school fair. 'Yun naman talaga ang tawag, right?" she smiled sweetly. Gusto ko pa sana siyang asarin na foundation day lang ang tawag nyan sa amin pero hindi na lang. Ang inosente n'ya kasing tignan eh.

"Pero paano pala kapag normal na araw nalang? Wala pa akong uniform, wait hindi pa pala sure kung makakapasa ako." kagat labing bawi ko sa tanong.

"Hey, it's fine! Sabi ko naman sa 'yo na sure na ako na makakapasa ka 'di ba? Believe me. Regarding naman sa uniform, once you get the scholarship, it'll come as a package. Free uniform, free food and everything!"

Maliit namang napaawang ang bibig ko. Seryoso ba 'yan? Kapag nakapasa ako ay wala na akong kailangan bayaran sa loob ng school na ito?

Hinawakan ni Nice ang panga ko at saka ito isinara. "Don't be too surprised. Those are pretty normal here."

Walang sabi sabi ay naglakad na muli siya kaya sumunod naman ako. Maybe my stay here will be better than my previous school, mukhang mababait naman ang estudyante rito at hindi kagaya dun, mga bulakbol ang mga estudyante, gusto palagi ng away.

We reached another building, humarap saakin si Nice and she smiled widely. "This part of the school is what uh, everyone's favorite so if you're not everyone then you won't like it here." she huffed out a laugh. "The rooms here are not for classes but for the clubs, ganito karami ang clubs and organization rito. That's why we decided to have them in one building. We can visit inside later but first we need to eat, Aye?"

Napatango naman ako since nakakaramdam na rin naman ako ng gutom dahil parang nawala ang brain cells ko dahil sa exam kanina. "Wala ba tayong klase?"

"Oh my gosh, see? I told you I'm a good judge. Sabi ko kanina na matalino ka and what I meant by that is academically excellent ka! You love to study?"

"No! I mean, yeah? Hindi naman sa ayaw ko at hindi rin sa gusto ko. Kailangan lang na pagbutihin ang pag-aaral. May umaasa sa akin eh."

Napatango naman siya. "Nope, we don't have classes. Since today is the school's anniversary and school fair, teachers and everyone are expected to celebrate not to cry because of exams and everything! We don't have to worry about those things today, siguro bukas nalang?" natawa kaming dalawa. "Also, 'wag ka mag-alala. This is just a normal school."

One High, is a normal school. At least, for them. Pero para sa mga taong kagaya ko. Sobrang gara ng eskwelahan na ito na kailangan mong kumayod ng ginto para lang makapasok ka rito! Swerte na nga lang ata ako at nakakuha ako ng slot para sa application ng scholarship. Makakapasa ako, claim ko na 'yan.

We reached the cafeteria (ayaw pumayag ni Nice na canteen ang tawag ko) at kaagad naman kaming pumasok sa loob, my mouth automatically went wide open when I saw the inside. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang restaurant. At ito ang normal school na sinasabi nila. No ordinary school would have an eating place like this.

The ambiance is cozy and it gives off aesthetic vibes because of its pastel colored wall and the couches, the chandeliers that adds the effect and of course the table and chairs, wala atang pandalawahan dito na upuan, it consists of long chairs and tables. I think 10 or more people can occupy one table.

"Come on! I'm hungry, let's grab some food first." bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko si Nice. Sinundan ko lang siya at ginaya ang ginawa niya.

Kumuha siya ng tray with spoon and fork, binigyan n'ya ako at matapos ay kumuha rin siya para sa sarili n'ya. "Feel free to get anything you want to eat. It's free, part of the tuition things." nagkibit balikat ito.

Hindi ko maiwasan ang mamangha, ang daming mga pagkain. Parang nakakalula at ang sarap tikman lahat pero nahihiya ako kumuha. At saka ang sabi n'ya at part ng tuition, hindi pa naman ako enrolled? Hindi ko pa nga alam kung makakapasa ako. Pero makakapasa ako, hindi pwedeng hindi.

"Okay lang ba na kumuha ako? Hindi pa ako enrolled."

"No worries, I got you. It's my treat! Kaya kumuha ka lang nang kumuha. It's no big deal."

Tumango ako at napatingin sa kanya. This girl is really something. Ang bait n'ya tignan at ang bait din n'ya kausap. She's jolly at masiyahin. Parang walang problemang dinadala at pakiramdam ko magkakasundo naman kami sa iba't-ibang bagay.

Kagaya ng sabi n'ya ay kumuha ako ng mga pagkain na gusto kong kainin. Hindi na 'ko nag-abala na kumuha ng mga pagkain na madalas ko naman kinakain dati. Gusto kong makatikim ng bago. Pati nga ang drinks ay ang daming pagpipilian. Hindi ko akalain na posible pala ang ganito.

Akala ko ay sa mga teleserye lang nagkakatotoo ang mga ganitong eksena. Ngayon, nandito na ako mismo. Nararanasan ang lahat ng ito. Hindi kapani-paniwala, grabe.

**

Nakarating na kami sa dorm namin matapos ng isang mahabang araw. Kahit kailan ay hindi ata ako masasanay sa laki ng eskwelahan na ito dahil pagod na pagod kami ni Nice matapos n'ya akong iikot sa buong school.

Parang ang isang classroom ay ang buong bahay na namin ni Tatay. Grabe, kakaiba talaga. Habang naglalakad ata kami ay nakanganga ang bibig ko. Hindi ko siya masara dahil sa sobrang pagkahanga sa laki at linis. Kakaiba.

Pinuri pa nga ako ni Nice dahil ang bilis ko daw makatulog at parang hindi ako namamahay. Sino ba naman ang hindi makakatulog nang mahimbing at mabilis kung sobrang lamig ng kwarto? Dalawang patong na kumot na ata ang nilagay ko pero malamig pa rin.

At ngayon ay nandito kami sa loob ng kwarto pa rin. It's still early at ang sabi ay ire-release na ang resulta ng exam kahapon. Bigla tuloy akong kinabahan!

"It's already seven o'clock! Check it now!" excited na sabi ni Nice kaya mahina akong natawa. Mas kinakabahan pa ata siya kaysa sa akin!

Kinuha ko ang telepono at saka sinearch ang facebook page ng One High. Duon daw kasi ipopost ang pangalan ng mga nakapasa.

Good day! The following are the list of qualified applicants for full scholarship at One High for School Year – 2019-2020: Congratulations!

Humugot ako ng malalim na hininga. Nanginginig ang kamay ko dahil sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano kakalma kaya inabot ko ang isang baso ng tubig at saka ininom ito nang mabilis.

Iba't ibang posibilidad naman ang pumapasok sa ulo ko kahit na hindi ko pa nakikita ang listahan. Paano kung hindi ako pumasa? Saan ako mag-aaral nito?

"Come on, check it! Let me prove to you that I am right, sure ako na papasa ka." Nice bit her lower lip and encouraged me na tignan ko na.

Hindi ko na rin pinatagal pa dahil baka mas lalo lang lumabas ang puso ko dahil sa kaba. Pinindot ko ang unang page ng listahan— "OH MY GOSH MC! YOU PASSED!"

Patuloy na nakabuka at nahulog ang panga ko nang makita ko ang pangalan ko. Hindi lang ito basta nasa listahan kasama rin ako sa— "You were one of the topnotchers! Oh my gosh! Ang galing galing mo!"

Okay, sinabi na ni Nice lahat.

"T-Thank you." hindi pa rin na makapaniwalang sabi ko. It's just that...tanggap ko naman na nakapasa ako pero nakakagulat lang na nakasama pa ako sa topnotchers. Ako mismo ay nagulat!

"Girl, you slayed this! Sabi ko sa 'yo 'di ba? Am I right or am I wrong?" nakangising sambit ni Nice sa tabi ko habang maliit na sumasayaw.

Kailangan kong tawagan si Tatay para ihatid ang balita. Kaagad ko dinial ang telepono n'ya at saka inintay na sumagot siya.

"'Tay!"

"Hello? Celistina, ikaw ba 'yan anak?"

"Opo, ito ang telepono at numero na binigay sa akin ng eskwelahan."

"Ang gara naman diyan haha! Oh, kamusta ka pala d'yan? Wala bang umaapi sa 'yo— mali, wala ka bang inaapi d'yan?"

"Grabe ka sa akin 'tay! Mukha bang araw araw akong nakikipag basag-ulo?"

"Naniniguro lang!"

"Wala 'tay! Good girl ako dito. At saka lumabas na rin ang resulta ng exam."

"Oh? Kamusta? Nakapasa ka ba?"

"Eh ito na nga 'tay. Mukhang ano ho eh..."

"Ano? Mukhang ano? Babatukan kita Celistina, 'wag mo akong pinapakaba!"

Natawa ako. "Eh tatay, mukhang...kailangan kong manatili dito dahil nakapasa ho ako!"

"Talaga?! Totoo?! Naks! Ang galing galing ng anak ko! P're, nakapasa raw anak ko duon sa prestihiyosong eskwelahan! Galing 'no?"

Bahagya akong natawa dahil sa narinig. Itong si tatay talaga. Hilig akong itsismis sa mga kasamahan n'ya. Puno ng papuri sa akin ni tatay habang nakangiti lang ako ng malawak at pinapakinggan siya. Mas masaya akong marinig na masaya si tatay kaysa nuong nalaman ko na nakapasa ako sa exam.

Nagpaalam na rin si tatay sa akin matapos pa ng ilang segundo dahil may dumating atang pasahero. Sinabi ko rin sa kanya na magpatulong siya sa kapit bahay namin na i-search ang listahan para makita n'ya rin na topnotcher ako.

"Uy." nakaramdam ako ng kalabit at saka tumingin sa likod at nakita si Nice. "Since you passed the exam, that also means that you're officially part of this school! Here you go," iniabot n'ya sa akin ang isang box.

Taka naman akong binuksan ito at napaawang ang labi nang makita na ito ang uniform ng school!

"Come on, try it! Bilis!"

"Okay okay, kalma." natatawang untal ko dahil tinulak tulak pa n'ya ako papasok ng closet para magbihis.

**

"You're gorgeous!"

Napatingin ako sa salamin at saka tinignan ang sarili. Suot suot ko ang white long sleeves na may kasamang blue checkered necktie. May sleeveless vest rin na kasama at navy blue checkered skirt na mas mataas sa tuhod. Hindi ako naging kumportable sa skirt dahil maikli pero nang lagyan ko ng mahabang medyas na hanggang tuhod ay naging ayos rin naman sa akin.

"Pwede bang mag rubber shoes?" tanong ko. "Wala kasi akong nadalang black shoes eh."

"Don't worry!" she exclaimed and grabbed a box under her bed. "Here, take it!" she screamed lightly.

'Agad ko itong binuksan at umawang ang labi ko nang makita ang isang pares ng sapatos, hindi, hindi lang basta sapatos kundi isa itong ankle boots.

"Nice hindi ko kayang—"

"Take it! It's my congratulatory gift to you for passing the exam! Saka, mura lang naman 'yan, I made my guards buy it yesterday."

"Sigurado ka? Mukha kasing mahal eh, hindi ko kayang tanggapin—"

"MC, please believe me when I say it's cheap." she clasped her hands. "Wear it, kapag nasuot mo na ay saka ko sasabihin kung magkano."

Pumayag ako, sinuot ko ito at halos umiyak pa ako nang makita kung gaano ito kaganda sa paningin.

"Suot ko na, magkano? Mukha talagang mahal."

"It's really really cheap! It's only fifteen thousand—"

"HA?!"

"Okay! The bell rang! We'll be late!"

"Wait– teka, ang mahal nito—"

"Come on MC!"

At wala akong nagawa.

**

"Here, tikman mo itong chocolate cake ng school. It's really delicious!" si Nice sabay nilagay ang platito na may isang slice ng chocolate cake na sinasabi n'ya.

Lahat ng estudyante na nakikita ko ngayon ay nakasuot na rin ng uniporme. Pero syempre hindi maiwasan na ang iba nakasuot ng cardigan habang ang iba naman ay jacket at ang iba ay may pants na suot sa ilalim ng skirt nila. Pare-parehas na school uniform ang suot pero may sari-sariling style. Cool!

Habang kumakain kami ay lumalakas ang bulungan sa paligid, there are girls squinting and screaming inside the cafeteria, napakunot naman ang noo ko dahil ang aga aga ay mukhang may tsismis na ata silang pinag uusapan.

"Anong meron?" tinanong ko.

Kinagat n'ya ang kanyang pang-ibabang labi na parang kinikilig at saka ngumiti. "They are here!"

"Sino?" pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang grupo ng kalalakihan, kasabay naman nila ang mahihinang sigawan ng kababaihan at isa na duon si Nice.

Really? Uso rin pala 'yan dito?

Dahil na rin siguro sa kuryosidad ay tinignan ko sila. At isa lang ang masasabi ko. Ang gugwapo. Lahat sila may itsura at ang tatangkad rin. Pero...hindi ba 'yan normal sa kanila? Kahapon lang habang nag-iikot kami ni Nice ay lahat ng lalaking nakakasalubong namin ay gwapo at may itsura naman. Wala naman silang pinagkaiba.

Humarap ako kay Nice na parang nakatingin rin at nakatitig, it's obvious that she wanted to scream too but I guess she's restraining herself to do that siguro dahil nandito ako? Baka nahihiya siya.

"Sino sila?"

Humarap naman siya saakin, kinagat niya ang pang ibabang labi niya at nag papadyak ng maliit habang kinikilig, sa kanya lang ako natutuwa na maging ganiyan because her reaction was genuine, hindi kagaya nung iba, mukhang OA na mga hito.

"They are my boyfriends." muntikan na akong mabulunan.

What —

"They are the Twilight. The Campus Royalties."

lovablefayee

Continue Reading

You'll Also Like

631K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...