Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.6K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Author's Note

Kabanata LIX

25.1K 955 649
By Airosikin

- ERYX -

MAHIGIT sampung minuto rin ang ginawang pagbibilang at pagpapahinga ni Eryx sa ilalim ng buwan. Magmula ng makalabas siya aa ugali ay pinilit na niyang manumbalik ang lakas at kapangyarihan na naubos niya upang bumalik sa loob ng nasusunog at gunuguhong gusali. Hindi siya halos naistorbo o natigil sa pagbibilang kahit na ilang beses siyang kinakausap ng mga tao sa paligid niya.

Huminga muna siya ng malalim bago napagdesisyunang tumayo at marahan pang pinatunog ang mga kamay. Nakabawi na siya kahit paano ng lakas mula sa natural na liwanag na nagmumula sa buwan at sa mabilis na pabibigay lunas sa sugatan niyang mga palad.

Napansin naman ng mga kawal maging nina Estevan at Kumander Rhanes ang muli niyang pagiging aktibo matapos ng ilang minutong katahimikan kaya agad nila itong nilapitan upang kausapin. Maging si Maestro at sina Sereia ay napalingon din sa gawi nito.

"Eryx, kumusta ang kalagayan m---" Hindi na natuloy pa ni Estevan ang sasabihin dahil dire-diretso siyang nilagpasan ni Eryx at nakatuon lamang ang mga mata sa nasusunog na gusali habanh isinusuot ang kanyang bagong guwantes.

"Babalik ako sa loob." Matigas at seryoso nitong pahayag dahilan para labis naman na magulat ang mga kawal at kaibigan niya sa kanyang sinabi. Napalingon pa sila sa naglalakihang mga apoy at patuloy na pagguho ng mga konkreto ng gusali kaya paanong babalik pa ang prinsipe sa loob nito.

Naalerto naman si Caedmon dito na kanina pa rin nagpupumilit pumasok ngunit bantay sarado siya ni Maestro kaya wala siya halos magawa kundi ang malugmok na lamang sa matinding inis at galit.

Mabilis naman hinabol ni Estevan si Eryx at humarang sa dinaraanan nito. Napatigil naman sa paglalakad ang prinsipe at malamig na tumingin sa kanya. Bahagya naman nahintatakutan si Estevan dito lalo na at hindi madalas tumingin si Eryx sa kanya ng ganito maliban na lamang kung sobrang seryoso nito sa gagawin at ayaw ng kahit anong paggambala. Kung normal na sitwasyon lamang ito ay baka kanina pa umatras at tumabi si Estevan ngunit hindi. Hindi na niya isasaalang-alang pa ang kaligtasan ni Eryx katulad ng ginawa nito kanina na kung hindi pa sila agad dumating ay baka nakabaon na ito sa ilalim ng gumuguhong gusali.

"Ipagpatawad mo ang aking kalapastanganan, Mahal na Prinsipe, pero hindi kita maaaring pahintulutan sa gusto mong mangyari." Seryoso at may himig ng pagbabanta na pahayag ni Estevan kay Eryx na nananatili lamang malamig ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Hindi naman maiwasan ng mga nanonood sa kanila ang maguluhan sa nagaganap na pag-uusap. Kung titingnan ang ginagawa ni Estevan ay ito na mismo ang sumusuway sa kagustuhan ng Prinsipe na malaking paglabag sa batas ng mga monarkiya. Ang utos ng mga dugong bughaw ay kailanman hindi dapat kinukuwestyon o nababali. Ngunit nanatiling matapang si Estevan at may paninindigan sa kanyang pahayag. Hinaharap niya ngayon si Eryx bilang isang kaibigan na nag-aalala para sa kanyang kapakanan. Tungkulin niyang siguruhin ang kaligtasan nito kaya hindi na siya makapapayag pa na mawala si Eryx sa kanyang paningin.

"Pero sinabi ko sa'yo, Estevan, babalik ako sa loob pagkalipas ng sampung minuto na wala pa rin lumalabas na kahit sino sa gusaling iyan." Matigas na pahayag ni Eryx habang sinusubukan pa rin nito makaraan kay Estevan ngunit muli lamang ito humaharang sa kanyang harapan. Napalapit na rin sa kanila sina Caedmon at Sereia lalo na kung kakailanganin ni Eryx ang tulong na makaalis ay gagawin talaga nila ito. Pumapabor pa nga sa kanila ang pagnanais nito na makapasok lalo na at parehas lang din naman ang taong nais nilang iligtas.

"Delikado ang gagawin mo, Prinsipe Eryx. Naiintindihan kong nag-aalala ka para kay---"

Hindi na natuloy pa ni Estevan ang sasabihin ng biglang magkagulo at magsigawan ang mga kawal at mga doktor.

"May mga tao! May mga taong lumalabas mula sa gusali!" Sigaw pa ng isang kawal habang nakaturo ito sa bungad ng gusali kung saan may dalawang bulto ng tao ang lumalabas mula dito.

Sabay-sabay naman silang lumingon dito at hindi halos maipinta ang pagkagulat at galak sa mga mukha nila nang makita ang dalawang pamilyar na tao ang magkaakbay at iika-ikang naglalakad palayo sa gusali.

"Prinsesa Eliana..." Mahinang bulong pa ni Eryx habang hindi pa rin makapaniwala sa babaeng maangas pa rin na naglalakad palayo sa gumuguho at umaapoy na gusali.

Mistulang bumagal naman ang mundo ni Eryx matapos makita ang babaeng kanina niya pa hindi maalis sa isipan dahil sa kagustuhan niyang mailabas ito. Hindi man kita sa kanyang ekspresyon at hindi man niya maamin sa sarili ay totoong masaya siya na nakikita na ngayon si Eliana na bagama't maraming natamong sugat ay buhay na buhay na naglalakad palapit sa puwesto nila.

• _____ •

- JAI -

NANATILI lamang nakatayo si Jai sa kabilang parte ng pasilyo kung saan tanging ang malalim na bangin lamang ang namamagitan sa kanila ni Eryx at ng lalaking nakaalalay dito.

Nagulat naman si Estevan sa kanyang presensya at mabilis na naalerto kaya naglabas ito ng espada at pinrotektahan ang prinsipe sa kanyang likuran. Hindi naman gumalaw o kumurap man lang si Jai dito at nanatili pa rin ang mga mata na nakatingin kay Eryx.

"Sino ka?! Kakampi ka ba ng---" Hindi na natuloy pa ni Estevan ang sasabihin ng bigla siyang hakawan ni Eryx ss balikat.

"K...Kilala ko siya, Estevan, pakiusap, ibaba mo ang patalim mo." Nanghihinang pahayag ni Eryx dahilan para magulat pa si Estevan dito at mataman na tiningnan ng diretso sa mga mata ang prinsipe.

Sandali pang siniguro ni Estevan na nagsasabi nga ito ng totoo bago dahan-dahang ibinaba ang espada at mabilis na nilingon muli ang kinatatayuan ni Jai. Nanatili pa rin alerto ang kanang kamay ni Eryx habang bahagya itong tumatabi upang magkakitaan ang dalawa.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi ka lamang basta estranghero na nakamaskara at naligaw sa aming kuta." Makahulugang pahayag ng halimaw habang diretso pa rin ang tingin nito kay Eryx na nananatili lamang nakatitig sa kanya pabalik at iniinda ang matinding panghihina at hapdi ng sugat.

"K...Kailan mo pa nalaman, Jai?" Nanghihinang tanong ni Eryx.

"Noon pa man ay pamilyar na ako sa'yo, Prinsipe Eryx. Hindi ko malilimutan ang pagkatao mo na palaging ipinagmamalaki ng iyong mga magulang. At isa pa, hindi biro ang intimidasyon, otoridad, at kilabot na masisilayan sa mga mata mo kaya habang nag-uusap tayo ay alam kong hindi ka basta-basta ordinaryong mamamayan. Walang sino man ang kayang magkaroon ng ganyang berdeng mga mata na naaayon sa isang pinuno." Seryosong pahayag ni Jai habang inaalala nito ang mga mata na kanina pa nagbibigay sa kanya ng intimidasyon habang kausap niya ang dalawang bilanggo ni Namior. Ngayon niya lamang muli naramdaman ang totoong kilabot mula sa isang totoong pinuno na kayang magpasunod ng kanyang kausap gamit lamang ng tingin.

"A...Anong kailangan mo, Jai? B...Bakit ka pa nandi---ugh!" Hindi na natuloy pa ni Eryx ang sasabihin dahil napaluhod na lamang ito sa matinding panghihina.

"Prinsipe Eryx!" Pasigaw na tawag ni Estevan dito at agad niyang dinaluhan ang prinsipe saka niya ito tinulungan makatayo.

Nanatili naman nakamasid sa kanila si Jai habang hinihintay nito makatayo muli ng ayos ang prinsipe. Hindi lingid sa kaalaman ng halimaw na ang mga taga-Elior ay kumukuha rin ng lakas mula sa liwanag na nagmumula sa buwan at araw. Mas mabagal ang paggaling ng katawa nila at panunumbalik ng lakas at kapangyarihan kung hindi sila nasisinigan ng liwanag.

"Nakakabilib naman na nagawa mo pang mabuhay sa kabila ng pinagdaanan niyo kanina ni Namior. Akala ko isasama ka na rin ng hayop na iyon sa huling hantungan." Sarkastikong pahayag ni Jai habang muli niyang inaalala kung papaanong maglaban ang dalawang lalaki habang siya ay nakamasid lamang sa malayo at hinihintay kung sino ang huling tatayong panalo. Agad naman siyang nilingon ni Estevan dahil sa narinig.

"Nakita mo sila kanina na nakalambitin?!" Galit nitong tanong sa halimaw pagka't nanonood lamang pala ito habang nakikipagsapalaran ang prinsipe at hindi man lamang nag-abalang tumulong kaya nag-init talaga ang ulo niya.

"Oo," Nakangisi at mayabang na pahayag ni Jai dahilan para mas lalong mag-alab ang galit sa mga mata ni Estevan habang nakaalalay pa rin ito kay Eryx na pilit itinatayo ang sarili. "...at pinanood ko ang bawat segundo kung paano sila maghirap para sa mga buhay nila." Dugtong pa nito habang nandoon pa rin ang nagmamalaki nitong tono at tingin sa dalawang lalaki.

"Kung ganoon, bakit hindi mo man lamang tinulungan si Prinsipe Eryx?! Hindi ka man lamang--"

"Dahil hinihintay ko lang naman na tapusin mo ang buhay ni Namior." Pahayag agad ni Jai habang nakabaling pa rin ito kay Eryx at hindi man lamang nililingon si Estevan. Nag-angat naman ng tingin sa kanya si Eryx at nananatili pa rin malamig ang mga mata nito wari'y pinag-iisipan ang bawat salitang lumalabas mula kay Jai. "Iyong hayop na iyon. Napakasama ng budhi kaya karapat-dapat lamang na mamatay na siya. Lahat ng sakit at hirap na dinanas ng mga kalahi ko ay dahil sa kanilang magkapatid! Nagkahiwalay kami ng asawa at mga anak ko dahil--"

"Tama na." Mariing pagpipigil ni Eryx sa mga sinasabi niya dahil narinig niya naman na ang mga hinanakit ng halimaw at ang mga pinagdadaanan ni Namior kaya mas nais niya na lamang na hindi na ungkatin muna ang mga bagay na ito. Hindi naman mukhang naapektuhan si Jai sa ginawang pagpapatigil sa kanya ni Eryx kaya hinayaan niya na lamang ito. "Idirekta mo na agad sa punto ang nais mong sabihin, Jai. Bakit ka pa ba nandito? Binibigyan na kita ng pagkakataon na tumakas at maging malaya upang tipunin mo muli ang iyong mga kalahi---"

"Hindi pa ako nagpapasalamat sa iyo." Biglaang saad nito dahilan para matigilan at magulat naman si Eryx. Hindi pa ito agad nakasagot at nanatili lamang nakatitig sa mga mata ni Jai na puno ng sinseridad at tapang.

"A...Anong ibig mong sabi----"

"Ngayong alam kong isa kang prinsipe, at pinatunayan mo kung paanong handa kang mamatay para sa kapakanan ng iba sa kabila ng kasamaan na ginawa nila sa'yo, nais kong tanggapin mo ang pasasalamat ko." Kaswal at sinsero pa rin na pahayag ng halimaw ngunit mariin lamang na umiling sa kanya si Eryx. Para sa prinsipe, hindi naman niya kailangan ng pasasalamat dahil wala pa naman siya halos nagagawa para sa kahit kanino. Maging ang pagtapos sa buhay ni Namior ay hindi niya sinadya o intensyon mangyari.

"Hindi ko kailangan ng pasasalamat mo dahil hindi ko naman pinatay si Namior..." Halos pabulong at malungkot na pahayag ni Eryx dahilan para maging si Estevan ay mapalingon na rin sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Estevan ang pagkamatay ng isa sa mga pinuno ng mga sindikato at marahil ay konektado ito kay Eryx. Nais na lamang niya magtanong dito kapag ayos na ang lahat.

"Alam ko. Karma na mismo ang tumapos sa buhay ng demonyong iyon." Matigas na pahayag ni Jai ngunit nanatili lamang tahimik si Eryx. "Sa wakas ay napagbabayaran na niya ngayon sa impyerno ang ginawa niyang kasamaan sa mga kalahi ko." May himig ng galit na dugtong pa nito sa sinasabi. Nanatili pa rin tahimik si Eryx at sinusubukan alamin ang intensyon ni Jai kung bakit kinakausap pa rin siya nito.

Bigla naman sumingit si Estevan sa usapan dahil hindi na sila maaaring magtagal pa dito pagka't paniguradong muli na naman sasabog ang mga bomba na nasa paligid nila.

"Ano bang kailangan mo at---" Ngunit hindi na naman natuloy nito ang gagawin niyang paninita dahil muling nagsalita si Jai na maayos lamang ang pagkakatindig sa kanila at hindi alintana ang apoy sa kanilang paligid.

"May hinahanap kang babae 'di ba?" Makahulugan at seryosong tanong nito na kay Eryx nakadirekta. Bigla naman nanlaki ang mga mata ng prinsipe dahil dito at maging si Estevan ay nagulat din. " Iyong dalaga na matabil ang dila at mayroong gintong buhok, tama ba?" Pagkukumpirma pa ni Jai at hindi na nakaligtas pa sa kanya ang pagiging alerto ng prinsipe dahil lamang sa simpleng tanong. At sa reaksyon pa lamang ni Eryx ay parang anumang oras ay babalakin na nito ang tumalon palapit sa halimaw para lamang sa impormasyon patungkol kay Eliana.

"N...Nasaan si Prinsesa Eliana? Saan ko siya matatagpuan? Nahanap mo na ba siya?" Sunod-sunod na tanong ng prinsipe habang nagpupumilit pa itong makawala kay Estevan para lamang makakalap ng impormasyon.

"Hindi ko alam kung nasaan siya at tama nga ako, siya ang hinahanap mo." Kaswal lamang na pahayag ni Jai at naging hudyat ito para matigilan naman si Eryx at huminto sa pagpapapasag nito. "Balak mo pa ba siyang hanapin sa kabila ng mga sugat at hirap na natamo mo? Pero mukhang sa tipo mo ay hindi mo na kakayanin maski ang tumalon papunta sa gawi ko. Paano pa kaya ang hanapin siya sa mala-Labyrinth na lugar na ito? Magpakamatay ka na lamang kung susugod ka pa sa loob ng ganyan ang sitwasyon at kalagayan mo." Mariing dugtong pa nito kaya napatitig saglit si Eryx sa kanya bago mariing umiling. Para sa prinsipe ay kailangan niya pa rin mailabas si Eliana at gagawin niya iyon sa kabila ng mga sugat at panghihina na nararamdaman niya.

"K...Kailangan ko siya mahanap. Gagawin ko ang lahat para mailabas siya di---"

"Ako na ang hahanap sa kanya." Seryosong pahayag ng halimaw dahilan para muling matigilan si Eryx sa kanya at mariin na napatitig sa nag-iisang mata ng halimaw.

"Kabayaran ko na ito sa pagpapamulat niyo sa akin ng mga bagay na ginagawa ng isang pinuno at sa pagkakataon na ito ko sisimulan." Dugtong pa niya dahil mukhang hindi makapaniwala si Eryx sa sinaad niya pagka't hindi na ito halos makapagsalita at panay buka na lamang ng bibig wari'y may nais sabihin.

"Anong ibig mong..." Naguguluhan pa niyang pahayag at hindi na halos madugtungan ang sinasabi pagka't nananatili na lamang nag-iisip at gulat ang prinsipe. Napabuga naman ng hangin si Jai bago magpaliwanag kay Eryx. Mukhang hindi talaga makapaniwala ang prinsipe sa sinabi niya pero malinis at sinsero ang intensyon niya sa kanyang ipinahayag.

"Sa loob ng bente minutos ay tuluyan ng guguho ang gusaling ito na para bang walang Bar na nakatayo dito. Sa loob ng oras na iyan ay hahanapin ko siya sa abot ng aking makakaya. Pangako iyan" Sinsero pa rin pahayag nito habang nananatiling nakikipagtitigan sa mga mata ni Eryx wari'y inoobserbahan siya na parang isang agila. Muli na naman niyang nakikita ang mga mata ng isang pinuno na napakahusay kumilatis ng tao gamit lamang ng mga mata nito.

"Paano ako makakasigurong gagawin mo ang iyong sinabi?" Seryosong pahayag pa ng prinsipe dahilan para bahagya naman matawa si Jai at umiling-iling pa ito. Sa isip pa ng halimaw ay napakahirap talagang papaniwalain ang isang pinuno.

"Hindi kailanman bumali sa pangako ang isang Polyphemus. Kilala kami bilang isa sa pinakatapat na nilalang sa buong Elior. Alam na alam mo iyan, Prinsipe Eryx" Makahulugang pahayag pa nito habang nakikipagtagisan ng seryoso at nakakaintimidang titig sa isa't isa. Hindi maipagkakaila na malalim ang iniisip ni Eryx bago ito magbitaw ng isang salita o pagsang-ayon sa kausap hindi dahil sa hindi niya ito pinagkakatiwalaan kundi nakasalalay dito ang buhay ni Eliana. Nasa kamay niya ngayon ang desisyon sa buhay ng dalaga na kanina niya pa inaalala. Napabuntung hininga naman si Jai at naunang umiwas ng tingin habang iiling-iling pa.

"Pero kung hindi ka pa naniniwala, puwede ka rin naman bumalik dito at kumaway kay Kamatay---"

"Sampung minuto." Biglaang saad ni Eryx habang diretso pa rin ang tingin nito kay Jai na naguguluhan naman siyang tiningnan. Muling ipinagpatuloy ni Eryx ang sasabhin bago pa man makapagtanong ang halimaw. "Oras na makalabas ako ay magsisimula ang aking sampung minuto." Matigas at seryoso nitong pahayag dahilan para unti-unti naman sumilay ang ngiti sa mga labi ni Jai. Alam niyang pumapayag at nagtitiwala na ang prinsipe sa kanyang sinasaad.

"Prinsipe Eryx!" Paninita naman ni Estevan pagka't nahihimigan na naman nito ang plano na binabalak na naman ni Eryx at muli na naman ipapahamak ang buhay nito. Hindi naman siya nilingon ni Eryx at nanatili lamang nakatingin kay Jai.

"Kailangan ko lamang ng liwanag para manumbalik ang lakas ko at kapag nakalipas ang sampung minuto ay wala pa kayo nina Prinsesa Eliana sa labasasan, hahanapin ko kayo lalo ka na kahit nasa kaduluduluhan ka pa ng Elior." Malamig at nakakikilabot na pagbabanta pa nito dahilan para bahagya na lamang matawa ang halimaw. Sa isip niya pa ay muli na naman siyang kinikilabutan sa tono ng boses ng prinsipe at dahil ito sa pagbabanta na oras na hindi niya mailabas ang babae ay nakalatag na ang buhay niya sa mga tutugisin ni Eryx. Sa tono pa lamang din ng boses nito ay mukhang totohanin talaga niya ang kanyang sinasabi. Napapaisip tuloy lalo ang halimaw kung ano ba talaga ang babaeng iyon sa kanya pero hindi niya na lamang masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga kakaibang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan sa maaaring relasyon ng dalawa.

"Masusunod, Kamahalan." Sinserong pahayag nito at hindi na nagulat pa si Eryx ng biglang lumuhod ang halimaw sa kanya tanda na binibigyang respeto nito ang kanyang salita at otoridad.

"May isa lamang akong kahilingan kapag nagawa ko na ang aking misyon." Pahabol pa ni Jai habang marahang itinatayo ang sarili.

"Puwede natin ito pag-usapan paglabas niyo---"

"Pamunuan mo ang isang emperyo gamit ng sarili mong paniniwala, prinsipyo at paninindigan, Prinsipe Eryx Alastair. Gawin mong kaagapay ang babaeng hahanapin ko dahil panigurado, kayo ang gagawa ng bagong mundo na pamumunuan niyo ng buong puso. Hayaan niyong maraming buhay ang makakita kung gaano kaganda ang araw na sabay niyong bibigyang liwanag" Makahulugan at seryosong pahayag nito dahilan para hindi na lamang makapagsalita si Eryx sa labis na pagkabigla at gulat sa narinig niyang kahilingan ng halimaw.

Hindi na rin siya hinayaan pa ni Jai makatugon dahil mabilis na itong tumalikod matapos siyang bigyan ng isang sinserong ngiti bago ito tuluyang lamunin ng usok sa kanyang dinaraanan.

• _____ •

ELIANA'S POV

MALAKAS na lamang akong napasigaw sa matinding pagod at hapdi matapos namin sabay na napasalampak ni Daewon sa sahig. Hindi ako makapaniwala na muli kong masisilayan ang papasikat na araw sa kabila ng magdamagang pakikibaka ko para lamang mailigtas si Daewon.

"Ugh!" Ungol ko pa sabay sumalampak sa sahig ng masiguro kong nakalayo na kami sa gumuguhong gusali. Pinagmasdan ko pa ito sa aking likuran habang naririnig ang sigaw at pagkataranta ng mga taong papalapit sa amin. Saglit ko pang nilingon ni Daewon at nakasalampak din siya sa semento at sumisinghap ng sariwang hangin. Nakalagay din ang isang braso niya sa mata habang nakaawang ang mga labi. Gaya-gaya talaga.

"Eliana!" Dinig ko pang sigaw ng pamilyar na boses ng babae at hindi ko na kailangan lingunin pa iyon dahil mabilis na bumungad ang mukha ni Sereia sa akin sabay salampak sa sahig at mabilis akong inilagay sa kanyang mga bisig. Uubo-ubo ko naman siya na sinimangutan lalo na ng makita ko ang matinding pag-aalala at saya sa kanyang mga mata na ngayon ko lang ata nakita mula sa kanya.

"Nahuli ka..." Makahulugang biro ko pa ngunit nanatili lamang siya nakatitig sa akin wari'y tinititigan niya ang kabuuan ko. Mukhang nag-alala nga siya sa akin dahil hindi na siya halos nakapagsalita pa. Kanina pa ba siya dito? Ano naman ginawa niya matapos matanggap ang mensahe ko mula kay Bubba.

Pinasadahan ko pa ang kabuuan ni Sereia at nakakatawang wala siya halos maski isang sugat o galos. Madumi lamang ang damit at balat niya ngunit bukod doon ay wala ng kakaiba pang makikita sa kanya. Tuloy-tuloy naman ang paglapit sa amin ng mga kawal ngunit mabilis na nangibabaw sa paningin ko ang bato kong kapatid na nakatingin sa aming dalawa ni Daewon na ngayon ay dinadaluhan naman ni Maestro na hindi ko man lamang namalayan na nakalapit na pala sa amin.

"Gago talaga kayong dalawa..." Matigas na bulong ni Caedmon ngunit nakakapanibago na hindi blangko ang titig na iginagawad niya sa amin ni Daewon. Malamlam at puno ng emosyon ang mga mata ni Caedmon sa pagkakataong ito bagama't nananatiling malamig ang kanyang ekspresyon. Bakit ba nandito 'tong batong 'to?! Isinama ba siya ni Sereia?!

"K...Kuya..." Marahang pagtawag ni Daewon sa kapatid namin na agad bumaling sa kanya ang mga mata. Pinanood ko naman na dahan-dahang lumuhod sa harapan namin si Caedmon at nanatiling nakatitig ng diretso kay Daewon. Hindi na kababakasan ng kung anong emosyon ang mga mata niya dahilan para nag-aalangan naman siyang tingnan ni Daewon na unti-unti na rin umuusbong ang takot sa mga mata.

Dahan-dahan nag-angat ng kamay si Caedmon kaya napapikit na lamang si Daewon sa pag-aakalang sasapakin o susuntukin siya nito ngunit ganoon na lamang ang gulat niya ng bigla siya nitong hilahin sa isang mahigpit na yakap habang marahan na hinihimas ang kanyang ulo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Pinag-alala mo na naman ako..." Mahinahon ngunit malamig pa rin na pahayag ni Caedmon dahilan para muli na naman maiyak si Daewon at ibinaon ang ulo sa balikat ni Caedmon na nanatili lamang nakayakap sa kanya.

"Kuya...Kuya, patawarin mo ako, Kuya..." Umiiyak na pahayag pa nito dahilan para mapangiti at maantig na lamang si Maestro at ang ibang kawal na nanonood sa amin.

Napairap na lamang tuloy ako sa kawalan sa sitwasyon na nakikita ko at binalingan si Sereia na nananatili rin nanonood sa nakakaantig na pag-uusap ng magkapatid.

"Oy..." Tawag ko sa kanya kaya agad naman siyang napalingon sa akin ng may nagtatakang mga mata. Nginuso ko naman sa kanya ang kahoy na upuang de gulong sa kanyang likuran hudyat na nais kong makaupo dito at ng magamot na ang mga sugat ko. Pagod na ako. Gusto ko na talaga matulog at mag-isip-isip.

Nilingon naman ito ni Sereia at mukhang nakuha niya naman ang ipinapahiwatig ko kaya mabilis niya akong inalalayan patayo ngunit sabay naman kami natigilan ng may mga brasong pumulupot sa akin at mabilis akong inangat na parang wala lang sa kanya ang bigat ko. Bahagya naman akong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Caedmon na akala ko ay nananatili pa rin ang pagyakap sa kapatid.

"Hindi ka na ba makapaghintay umalis?" Malamig niyang tanong dahilan para simangutan ko naman siya bago sumagot.

"Oo, inaantok na ako e." Maldita kong pahayag pero hindi na siya tumugon matapos niya akong titigan ng may kumikilatis na mga mata bago niya ako tuluyang inilagay sa upuang de gulong.

Buong akala ko ay aalis na siya ngunit nagulat ako ng bigla siyang yumuko sa akin dahilan para magpantay ang mukha naming dalawa. Gulat ko naman siyang tiningnan at napalayo pa ako bigla dahil sa lapit naming dalawa. Anong problema ng batong 'to?!

"Marami ka pang ipapaliwanag sa akin, Eliana." Matigas ngunit mahinahon niyang pahayag na kahihimigan ko talaga ng pagbabanta pero salungat nito ang nakikita ko sa mga ni Caedmon dahil malamyos at maaliwalas ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Bakit hindi na lang kasi sabihing nagpapasalamat siya. Tss. Arte.

Balak ko na sana siyang barahin bago tuluyang itulak ng kung sino ang kinauupuan ko ngunit sabay kaming napalingon sa isang pamilyar na boses na sumisigaw ng pangalan naming dalawa ni Daewon.

• _____ •

- ERYX -

NANATILI namang nakakubli sa di kalayuan at bandang likuran ng mga kawal at kagamitan si Eryx habang abala ito sa panonood ng pagkikita nina Eliana at ng mga kapatid niya. Magmula ng makalabas ang dalaga mula sa gusali ay nakatanaw lamang 'to sa kanila at hindi na nag-abala pang lumapit. Abala rin kasi si Eryx sa pagmamando ng mga kawal upang dalhin na ang mga kriminal sa loob ng isang karwahe.

Pinanood niya kung paano magsidatingan ang mga kapatid ni Eliana na sina Prinsipe Adelrick, Prinsesa Ellionoir at Prinsesa Neola. Patakbo pang lumapit ang panganay na Agrigent sa mga kapatid na parehas na nakaupo sa de gulong na upuan at sinalubong ang mga ito ng isang mahigpit na yakap. Nakita niya pa kung paanong ngumiwi si Eliana dito ngunit hindi na pumalag pa habang si Prinsipe Daewon naman ay mangiyak-ngiyak na ibinaon ang mukha sa balikat ni Adelrick.

"Kuya, pasensya na po. Patawarin niyo po ako. Nagkamali po---"

"Tahan na, Daewon. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Hindi naman ako galit sa'yo at kailanman ay hindi ako nagalit sa'yo dahil kahit anong gawin mo o sabihin mo, iintindihin at iintindihin pa rin kita dahil kapatid kita..." Malamyos na pahayag ni Adelrick dio dahilan para mas lalong sumisik ang binata sa leeg ng kanyang at Kuya at dito na lamang umiyak.

"Ano ba! Di ako makahinga! Namimihasa ka na sa pagyakap-yak---" Hindi na natuloy pa ni Eliana ang pagsusungit dahil mabilis na idinikit ni Adelrick ang noo sa kapatid na babae dahilan para manigas naman dito si Eliana at hindi agad nakakibo.

"Maraming Salamat, Eliana. Iniligtas mo si Daewon, bunso..." Mahinahon at sinserong pahayag ni Adelrick dito dahilan para mas lalong manlaki ang mga mata ni Eliana ngunit napapikit na lamang ito ng mariin at nahihiyang yumuko. Napagmasdan pa ni Eryx kung paanong namula ang magkabilang pisngi nito dahil sa tinuran at ginawa ng kapatid. Parang gusto tuloy niyang matawa dahil ngayon lamang niya nakita ang dalaga na mahiya ng ganito sa mga kapatid.

"Hindi ka ba lalapit sa kanya, Prinsipe Eryx?" Nabalik lamang sa reyalidad si Eryx ng biglang magsalita si Estevan sa kanyang katabi. Hindi niya man lamang namalayan ang paglapit ng kanyang kanang kamay marahil ay abala siya sa masyado sa pagmamasid.

"Hindi na kailangan. Hindi niya naman alam na nandito ako." Mahinahon na pahayag niya pa habang nananatili ang mga mata na nakatuon pa rin sa eksena ng magkakapatid na nag-uusap-usap at bahagyang nagkukulitan.

"Talaga? Himala ata at nahihiya ka na ngayon sa isang babae, Prinsipe Eryx." May himig ng pang-aasar na pahayag ni Estevan sa kanya dahilan para mapaiwas tuloy agad ng mga mata si Eryx at ibinaling ito sa kanya.

"Hindi ako nahihiya." Mahinahon ngunit may katigasang pahayag ni Eryx dahilan para lalong ngumisi si Estevan sa kanya. "Hindi lang talaga niya alam na nandito ako dahil buong oras na magkasama kami ay nakamask---"

"Buong oras pala kayo magkasama sa loob." Naghihinala at may himig ng pang-aasar na pahayag ng kausap kaya natigilan din si Eryx sa pagsasalita at napaiwas ng tingin. Sa isip niya ay sana hindi na pala niya binanggit ang tungkol dito dahil paniguradong pupugpugin na naman siya ng pang-aasar ni Estevan.

"N...Nagkataon lang iyon." Nauutal na pahayag ni Eryx nang makabawi ito. Pilit niya rin pinatitigas ang ekspresyon upang hindi na mas lalong maghinala ang kanang kamay. Nahihiya lang talaga siya na baka lalo pang mang-asar ang kaibigan.

"Kaya pala ganoon na lamang ang pagpupumilit mo kanina na iligtas siya dahil talagang magkasama kayo buong oras na nandyan ka sa loob." Animo'y naiintindihan na ni Estevan ang sitwasyon kaya panay taas baba pa ang kilay niya kay Eryx na napapasimangot na lamang sa mga pang-aasar ng kaibigan.

"Nagkataon nga lang..." Huling pahayag niya pa ngunit napagtanto niya rin na sana ay hindi na siya nagsalita pa dahil nagmumumkha na siya dinedepensahan ang sarili. Lalo tuloy natawa si Estevan sa kanya at napabuntung hininga na lamang si Eryx.

Saglit naman nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang nakamasid sila sa mga kawal na abala pa rin sa pag-aasikaso sa mga sindikato at sa magkakapatid na ngayon ay kausap na ang Maestro. Nabasag lamang ito ng maunang magsalita si Estevan.

"Pasensya na, Prinsipe Eryx..." Sinsero at malungkot nitong pahayag dahilan para naguguluhan naman siyang lingunin ng prinsipe. May ideya naman na si Eryx kung ano ang ipinagpapaumanhin nito ngunit hindi niya aakalain na ngayon ito babanggitin ng kaibigan.

"Alam kong baka masama ang loob mo sa akin dahil ilang beses kitang sinubukan pigilan na iligtas si Prinsesa Eliana pero bilang kanang kamay at kaibigan mo, hindi ko kayang ilagay ka muli sa panganib tulad ng naabutan kong sitwasyon kanina. Hindi naman sa ayaw kong maligtas at mahanap si Prinsesa Eliana pero---"

"Naiintindihan ko, Estevan." Agarang pagsingit ni Eryx sa sinasabi ng kaibigan dahil hindi naman masama ang loob niya dito. Naiintindihan niya rin naman ang ginagawang proteksyon ni Estevan kanina kaya alam niyang para rin sa ikabubuti niya ang ginagawa nitong pagsuway sa kanyang mga kautusan. "Padalos-dalos din ako ng desisyon, pasensya na." Mahinahong pahayag ni Eryx habang malayo pa rin ang tingin.

"Hayaan na nga natin." Natatawang pahayag pa ni Estevan at napailing na lang din si Eryx at bahagyang napangiti. Ganito naman sila palagi kapag may hindi napagkakasundyan maging noong mga bata pa sila. Oras na humingi na sila ng tawad sa isa't isa ay ayos na sila. Hindi rin naman mapagtanim ng sama ng loob si Eryx kaya halos lahat naman ay nakakasundo niya. "Pero hindi mo naman na kailangan mag-alala pa dahil natupad na ng Polyphemus ang usapan na sinabi niya sa'yo." Nakangisi pa rin na pahayag ni Estevan habang nakatingin na rin ito muli kay Eliana na tahimik lamang sa tabi at nilalapatan na ng lunas.

"Kaso ang ipinagtataka ko ay---"

"N...Nasaan si Jai?" Nagtataka ngunit kinakabahang bulong ni Eryx habang inililibot nito ang mga mata ngunit huminto rin naman ito kay Eliana. Pinakatitigan niya ang dalaga na tahimik lamang sa gilid habang nilalagyan ng benda ang binti nito. Tulala lamang din ito, walang kakikitaang emosyon ang mga mata at wari'y may malalim na iniisip na kung ano ngunit nakakabilib isipin na nagagawa pa rin nitong panatilihin ang nakakaintimidang ekspresyon kahit lumulutang ang isip ng dalaga kung saan.

Sa isip ni Eryx ay ano na kaya ang nangyari sa halimaw na nagboluntaryong mag-aabot ng tulong sa kanila. Nakalabas kaya ito ng buhay o di kaya'y...

Naikuyom na lamang tuloy ni Eryx ang mga kamay matapos isipin ang mga possibleng nangyari kay Jai. Iimbestigahan niya na lang siguro ang bagay na ito kapag humupa na ang apoy sa gusali.

• _____ •

ELIANA'S POV

SAGLIT na ibinaba ko muna si Daewon sa isang tabi at mabilis na nagtungo sa mga nakaharang na bato. Pinakatitigan ko pa ito mula taas hanggang baba ngunit wala talagang kahit saang parte ang maaring lusutan dito. Inilabas ko rin ang aking patalim at sinubukang tadtarin ng tadtarin ang bato ngunit masyado itong matigas at baka ikasira lamang ng aking patalim. Buwisit!

Nilingon ko naman si Daewon na nananatili lamang nakatingin sa akin kaya ng magtama ang mga mata namin ay agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Kaya mo bang magpalabas ng..." Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay itinaas na niya ang mga braso na nakaposas pa rin hanggang ngayon. King ina sa tinagal-tagal niyan sa braso niya ay hindi man lamang niya ito nagawang ipatanggal?!

"Napuputol ba iyan?" Kunot noo kong tanong ngunit mariin lamang siyang umiling sa akin.

"Tanging si Prinsipe Eryx o kung sino man ang may kapangyarihan ng liwanag ang maaaring makapagtanggal nito. Hindi gumagana ang ordinaryong espada o patalim ---"

"Oo na. Tsk." Mas lalo naman akong nainis sa narinig ko lalo na at wala na talaga akong mahuhuthot na tulong kay Daewon.

Paano kami lalabas dito?! Kailngan kong matibag ang pesteng mga batong ito para makalabas kami. Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong paligid upang maghanap ng kahit anong matigas na bagay ngunit wala akong makitang kahit ano. Nilingon ko rin ang silid na pinanggalingan namin ngunit tuluyan na itong napasok ng apoy. Punyeta! Ano?! Hihintayin ko na lang na makalapit sa amin ang apoy?!

"Pasensya na, Eliana, kung---"

"Manahimik ka. Nag-iisip ako." Matigas kong pahayag habang nananatili pa rin akong gigil na nakatingin sa sarado naming daanan. Hayop talaga!

Sinubukan ko naman suntukin ang mga bato ngunit wala pa rin ito halos nagiging epekto. Ilang beses ko pa itong inulit-ulit hanggang sa nararamdaman kong humahapdi at nagsusugat na ang aking mga kamao pero ang punyetang bato ay nananatili pa rin buo at wala man lamang natanggal.

"Punyeta!" Malakas kong sigaw saka hinihingal kong ipinatong ang aking noo dito. Kung may kapangyarihan lang ako! Kung may sapat lang ako na lakas! King ina kung may silbi lang sana ako e di sana kanina pa kami nakalabas sa pesteng lugar na ito!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip at panlalait sa aking sarili ng bigla akong may marinig na parang tinitibag na kung anong bagay. Nilingon ko pa si Daewon upang siguruhin na hindi siya iyon at maging siya ay naguguluhan din na nakatingin sa akin. Saglit ko pang pinakinggan ang pinagmumulan ng tunog na iyon hanggang sa dahan-dahan akong mapalingon sa bato na nasa aking harapan. Balak ko na sanang ilapat ang kamay ko dito ngunit napaupo na lamang ako sa gulat ng may biglang lumitaw na berdeng kamao mula sa kabilang bahagi ng bato.

"P...Paanong..." Gulat at hindi ko na halos natuloy ang sasabihin ko ng mas lalong lumaki ang butas na pinagmumulan ng kamao hanggang sa pumasok mula dito ang isang pamilyar na halimaw.

"Sabi ko na nga ba at pupuntahan mo ang lalaking iyan..." Hinihingal at nakangising pahayag ni Jai habang diretso ang tingin niya sa nanlalaki kong mga mata. Paano niya nalaman na...

"A...Anong ginagawa mo di---"

"Mamaya na ang tsismisan, may hinahabol tayong oras babaeng may matabil na dila." Panlalait niya pa sa akin dahilan para mapasimangot na lamang ako at sinamaan siya ng tingin. Mabilis naman siyang lumapit sa gawi ni Daewon na gulat lamang nakatingin sa kanya at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala na ang halimaw na si Jai ang magliligtas sa amin.

Sinundan ko naman siya ng tingin ng lagpasan niya ako at doon ko lamang nakita ang pagdurugo ng mga kamao niya marahil ay pinagsusuntok niya lamang ang mga bato mula sa kabila. Ganyan ba siya kalakas at pasuntok-suntok lamang siya ng mga bato na katulad nito?! Pero ang nakakapagtaka ay bakit niya kami inililigtas?! Nagbago na ba siya ng panig?! namatay ba si Namior kaya pumapanig na siya sa kung sino ang matipuhan niya?!

"Jai? Anong ginagawa mo di---ah!" Hindi na natuloy pa ni Daewon ang sasabihin dahil bigla siyang binuhat ni Jai na parang sako at isinukbit siya agad sa balikat nito ng walang kahirap.

"Saka na ako magpapaliwanag Ginoong Won. Iaalis ko muna kayo ng kapatid mo dito." Natatawang pahayag ng halimaw at hindi naman na umangal pa si Daewon dahil mukhang iniintindi na lamang din niya ang sitwasyon.

Sunod niya naman ako binalingan ng tingin at napagtanto ko na bubuhatin niya rin ako ng katulad kay Daewon kaya mabilis na akong tumayo. Hindi ako papayag na buhatin ako ng ganyan!

"Kaya kong maglakad---ah!" Napasigaw na lamang din ako dahil tulad ni Daewon ay basta na lamang niya ako binuhat gamit ng isang kamay at isinukbit sa kanyang likuran. magkatabi pa tuloy kami ni Daewon dito.

"Puwede ka naman maglakad mahal na prinsesa iyon ay kung gusto mong matusta na lamang ng apoy." Pabirong pahayag niya pa pero hindi na ako sumagot pa dahil inis na inis talaga ako at parang baboy niya lamang akong binuhat.

"Kapit mabuti!" Magiliw na pahayag niya pa at bago pa man ako makaangil sa kanya ay bigla na lamang siya tumakbo ng napakabilis na kamuntikan pa akong mahulog.

Punyeta! Gusto ko sana isigaw ang salita na iyan ngunit malapit ako sa tenga ni Jai at baka mawala pa siya sa atensyon sa ginagawa niyang mabilis na pagtakbo. Nakakabilib lang talaga na ganito pala siya kalakas at nagawa niyang buhatin ng walang kahirap-hirap ang dalawang tao at nagawa niyang tibagin ang naglalakihang bato na nakaharang sa amin kanina. Totoo ngang maraming pakinabang ang magagawa sa lahi nila lalo na kung magiging ayos ang pagtrato sa mga katulad ng Polyphemus.

"Tatalon tayo ah!" Paalala niya pa sa amin dahilan para lalo na lang ako mapakapit sa kanya sa takot na baka mahulog ako habang panay talon niya sa kung saan-saang batuhan. Nilingon ko pa si Daewon para makita ang reaksyon niya at nakakainis dahil parang wala lang sa kanya ang kinalalagyan namin at inaantok lang siyang nakatingin sa ibaba. Huwag niyang sabihin na matutulog siya ngayon dito?!

"Oy..." Pagtawag ko pa sa kanya dahilan para mapalingon naman siya sa akin ng may tamad na mga mata. 

"Kapag pumikit iyang mga mata  mo, hihilahin ko iyang talukap mo." Nakasimangot kong pahayag sa kanya pero tamad lang siyang umiling-iling sa akin bago magsalita. 

"Alam ko namang kapag pumikit ako ay baka di na ako magising kaya mananatili akong dilat. Masyado ka naman nag-aalala para sa akin..." Mahinahong pang-aasar niya pa pero inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot. Ang yabang naman niya. Sinabi ko lang huwag pumikit e! 

Nagpatuloy lamang si Jai sa pagtakbo habang nasa mga balikat niya pa rin kami ngunit hindi namin inaasahan ang muli na namang malakas at sunod-sunod na pagsabog sa itaas na bahagi ng gusali. Wala naman ibang nagawa ang halimaw kundi ang tumigil sa pagtakbo at mabilis kaming isinandal sa pader saka ipinantungkod ang kanyang katawan upang sa kanya tumama ang mga nagbabagsakan mga malalaking tipak ng bato. 

"J...Jai..." Naaawang pagtawag pa ni Daewon habang nasasaksihan namin kung paanong nagbabagsakan ang malalaking tipak ng bato sa likuran at ulo niya habang siya naman ay nananatili lamang nakaharang at nakaprotekta sa amin. Bakit niya ba ito ginagawa?! Bakit niya inaalay ang sarili para sa kapakanan namin?!

"A...Ayos lang ako, Ginoong Won. Hindi man ako gumagamit ng Ether pero malalakas ang mga polyphe---ah!" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil may malaking tipak ng bato ang nahulog sa kanyang ulo dahilan para magdugo agad ito at kamuntikan pa siyang mawalan ng malay pero nanatili siyang malakas at matayog pa rin ang pagkakatayo. 

Napatiim bagang na lamang ako habang nakakuyom ang aking mga palad dahil sa nasasaksihan namin na paghihirap at pagsasakripisyo ng halimaw. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginagawa niya ito. Kung bakit nandito pa siya. May nag-utos ba sa kanya? May nagbayad ba sa kanya? Bakit nandito pa siya? Nagkusang loob ba siya na iligtas kami? Pero bakit? 

Ilan lamang iyan sa mga tanong na gusto kong sabihin ngunit nananatili lamang akong tahimik at naguguluhan pa rin na nakatingin sa mukha niya na hirap na hirap na sa pagprotekta sa amin. Sandali ang nagdaan ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at sa akin agad ito dumirekta. Nakita ko kung paanong sumilay ang kung anong emosyon na hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya ako tinitingnan ng ganyan. Na para bang nagpapasalamat siya sa akin. na para bang napakarami niyang nais sabihin ngunit nananatiling malamlam ang mga mata niya at puno ito ng pagpupursige at tapang. Malayo sa halimaw na nakita namin kanina, malayo sa Jai na duwag at walang paninindigan. 

"Jai! Sa likod mo!"  Malakas na sigaw ni Daewon dahilan para sabay naman kaming mabalik sa reyalidad at mapalingon sa tinutukoy niya. 

Ganoon na lamang ang gulat at kaba na nangibabaw sa puso ko ng makita namin ang isa sa pinakamalalaking bakal na makina sa paggawa ng Ether na mabilis na dumadausdos papunta sa kinalalagyan namin. 

Mabilis naman lumingon sa amin si Jai at nakita ko ang pag-aalala at takot sa mga mata niya. Ngunit saglit lamang iyon dahil humarap din siya kaagad sa paparating na dambuhalang makina at buong lakas itong sinalag gamit ng sarili niyang katawan. 

"Jai!" Sigaw pa ni Daewon habang sinusubukan tumayo at tulungan si Jai ngunit tiim bagang lamang siyang nilingon ng halimaw na hirap na hirap sa ginagawang pagpipigil sa napakalaking makina. Kung hindi niya rin gagawin at mas pipiliin niyang itakas pa kami ay maaabutan pa rin kami ng napakalaking makina at tatlo pa kaming mapipisa pero, muli, isinakripisyo na naman niya ang buhay at lakas niya para sa amin! Para sa amin na wala namang kaone-koneksyon sa kanya!

"U...Umalis na kayo!! Hindi na kakayanin pa ng lakas ko ang hawakan pa ito ng matagal!!" Muli niyang sigaw habang patuloy pa rin niyang sinusuportahan ang napakalaking makina na ilang dipa na lamang ang layo bago kami tuluyang matabunan. Kapansin-pansin ang pamumula ng buong mukha niya ang paglabas ng mga ugat niya sa braso at leeg hudyat na hirap-hirap siya sa ginagawa. 

"Jai! Ja---"  Umiiyak pang pagtawag sa kanya ni Daewon pero marahas lamang siyang nilingon ng halimaw at sa pagkakataong ito ay namumula at naluluha na rin ang mata niya. Unti-unti na rin umuusbong sa akin ang takot at pag-aalala dahil nakukutuban kong hindi maganda ang mga susunod na pangyayari. 

"Alis na! Umalis na kayo!" Asik niya pa at muli pa siyang napasigaw ng malakas para muling isagad ang puwersa ng katawan niya. 

Napatiim bagang na lamang ako at napapikit ng mariin bago ko marahas na hinarap si Daewon na hindi na malaman ang gagawin. Napalingon naman siya sa akin ng may lumuluhang mga mata at mukhang alam na niya ang sasabihin ko kaya sunod-sunod din siyang umiling.

"Gumapang ka na, Daewon." Matigas at garagal ang boses kong pahayag kaya mas lalong lumakas ang pagpalahaw niya. Mas lalo ko tuloy naikuyom ang aking mga palad. Tingin niya ba hindi rin mahirap para sa akin ito?! Tingin niya ba gusto ko rin ang gagawin namin?! 

"P...Pero paano si---"

"Sige na!" Hindi na natuloy pa ni Daewon ang sasabihin dahil muli kaming sinigawan ni Jai at napatanga na lamang ako ng makitang sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. "S...Susunod na lang ako basta umalis na kayo!!" Mariin niyang pahayag pero alam kong nagsisinungaling siya. Alam kong hindi na niya iyon gagawin pa. Para sa...Para sa kapakanan namin. 

"Babalikan ka namin. S...Salamat, J..Jai..." Marahan at sinserong bulong ko na lamang at hindi ko alam kung bakit nasabi ko pa ang mga salitang iyan kahit impossible, kahit alam kong bibigyan ko lang siya ng maling pag-asa. Muli niya akong nilingon at nakakabigla na nagawa niya pang ngumiti sa akin sa kabila ng takot at sakit na makikita ko sa kanyang lumuluhang mata. 

"Gapang na Daewon!" Malakas kong sigaw dahilan para sumunod na lamang din siya sa akin habang ako naman ay nakasunod na rin sa kanya. Iniinda ko na lamang ang sakit ng binti ko para hindi masayang ang lakas na isinasakripisyo ni Jai para sa amin, para sa katulad ko na hindi karapat-dapat sa ginagawa niya!

"M...Mayroon akong pangarap..." Dinig ko pang marahang bulong niya habang kababakasan pa rin ng matinding sakit at paghihirap ang boses niya. Kagat labi lamang akong nagpapatuloy sa paggapang palabas ngunit nananatiling nasa kanya ang mga tenga ko. "...na balang araw araw m...mamamuhay ang mga anak ko sa mundong hindi sila huhusgahan ayon sa kanilang panlabas na anyo kundi kung ano ang nandito sa kanilang puso..." Marahang saad niya pa at sakto naman na nakalabas na kami sa papatumbang dambuhalang makina kaya nagawa ko pa siyang lingunin mula sa loob at sa pagkakataong ito ay patuloy lamang siyang humihikbi habang nakalingon na sa gawi namin. 

"T...Tuparin niyo sana ang pangarap ko...Prinsesa Eliana..."  Huling sambit niya ng may ngiti sa mga labi bago tuluyang bumigay ang lakas niya at mabilis siyang nadaganan ng napakalaking makina. Nanatili lamang akong nakatuod sa aking kinalalagyan at nakadungaw pa sa kanya. Kung hindi pa ako hinila ni Daewon palayo ay baka naipit na rin ang ulo ko ng putang inang makinang ito. 

B...Bakit niya sinabi iyon...Bakit kailangan mamatay ni Jai para sa amin. Sino ba kami?! Bakit kailangan niyang isakripisyo ang buhay niya para sa katulad namin...sa katulad ko na hindi naman niya kilala o kaano-ano o wala man lamang naidulot sa kanya na mabuti. 

Doon ko lamang napagtanto na naginginig ang buong katawan ko sa sagad-sagad na emosyon na aking nararamdaman. Nagagalit ako pero hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko. 

Napapikit na lamang ako ng mariin bago pa tumulo ang mga tubig sa aking mga mata na hindi ko mawari kung bakit namuo ito dito. Naramdaman ko na lamang na niyakap ako ng mahigpit ni Daewon at siya na ang lumuha at naghinagpis sa buhay ng isang magiting na polyphemus na nagpakita ng katapangan para sa kapakanan ng iba. 

• _____ •

ELIANA'S POV

DALAWANG araw na ang nakalilipas magmula ng mangyari ang trahedya sa Bar ng Bell and Belle. Agad din naman kami dinala ni Daewon sa pagamutan kahit iilan lang naman ang sugat ko at hindi ko na kailangan pang manatili dito pero nagpumilit pa rin ang mga kapatid ko at si Maestro. Kasama rin ang ilan pang sugatan at sibilyan. 

Ngunit kahit ganoon, sariwa pa rin ang alaala ng araw na iyon maging ang pagpanaw ng isang kakilala na wala pa atang isang araw kong nakilala ngunit iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi niya. Muli kong inalala ang mga salitang biinitawan niya sa akin at ang mga mata niyang puno ng pagtitiwala, lungkot, at tiwala. Hindi ako sigurado pero masakit...

Tuparin niyo ang pangarap na iyon para sa akin, Prinsesa Eliana. 

Napabuntung hininga na lang tuloy ako at sumalumbaba sa bintana na nasa aking tabi matapos muling bahagyang kumirot ang puso ko. Masakit kapag inaalala ko ang mata iyong na nakatingin sa akin bago siya tuluyang madaganan ng makina, masakit kapag nakikita ko ang mga emosyon na nandoon na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niya igawad ang mga iyon sa akin. Hindi naman ako pinuno, wala akong kapangyarihan, wala akong titulo, at higit sa lahat hindi ako ang Emperor ng mundong ito para sa akin niya sabihin ang bagay na iyon. Wala akong kakayahang tuparin ang bagay na iyon. 

Pero sa kabila ng lahat ng katanungan at kaguluhan na bumabagabag sa isipan ko ay nakakapanibagong may kung anong emosyon ang humaplos sa puso ko para unti-unting mamuo ang galit na ikinukubli ko dito magmula nang makita ko kung gaano kabulok ang sistema sa mundong ito. Itong galit na nananatili lamang nandito at hindi ko alam kung kanino, saan, at papaano ko mailalabas. Hindi na naiba ang pakiramdam na ito noong ako pa si Yvonne.

"Nakabusangot ka na naman! Paano ka gagaling nyan kung busangot ka ng busangot!" Nasa kalagitnaan naman ako ng pag-iisip ng biglang bumungad sa gilid ko ang pagmumukha ni Aera na ngumunguya ng kung anong pagkain. Nilingon ko pa ang lamesa ko na puno kanina ng mga prutas ngunit ngayon ay wala ng laman. Nagpunta lang ba siya dito para makikain ng mga dapat ay akin? 

"Hindi ka pa ba uuwi? Umalis ka na nga dahil ang ingay mo at ang takaw mo." Nakasimangot na pahayag ko habang nananatili pa rin akong nakasalumbaba sa bintana. Ngumisi naman siya sa akin dahilan para makita ko pa ang ilang prutas na nasabit sa ngipin niya kaya napangiwi na lang ako. Dugyot talaga. 

"Kapag umuwi ako malulungkot ka." Nang-aasar niya pang pahayag habang nakanguso sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan lang din ako ni Aera. Mambubwisit talaga. "At isa pa, wala naman halos pumupunta sa silid mo kaya---"

"Kaya binubuwisit mo ako?" Taas-kilay kong tanong. Wala naman akong pakialam kung may bisita sa akin o wala dahil hindi ko naman kailangan ng kasama. Mas gusto ko pang manatili na lang dito mag-isa para makapag-isip-isip naman ako. Hindi iyong kaharap ko ang pesteng babaeng ito. 

"Hindi naman." Nakangisi niya pa rin na pahayag at talagang umupo pa siya sa gilid ng kama ko. Hinayaan ko na lang siya dahil puwede ko naman siya sipain kapag nainis na ako sa bunganga niya. 

"Gusto rin naman kita bantayan at samahan lalo na nalaman ko sa katulong mo na pinagbawalan mo siyang bantayan ka para may kasama yung isa mo pang katulong na nasa kabilang gusali. Paano ka naman di ba?" Magiliw na pahayag niya pa habang nananatili pa rin malamyos na nakatangin sa akin. Halata naman ang sinseridad sa mga sinabi ni Aera kahit pa hindi ko naman talaga kailangan ang presensya niya dito. 

Ang tinutukoy niya rin na katulong ay si Leandra na nagbabantay kay Stella na hanggang ngayon ay nasa pagamutan pa rin. Hindi ko naman siya pinayagan na bantayan ako dahil ayoko rin makita ang pagmumukha niya at gusto ko ngang mapag-isa. Baka lalo pang sumama ang pakiramdam ko kapag nandito si Leandra. 

"Tss. Wala kang pakialam. Umalis ka na at gusto kong matulog." Bagot kong pahayag kahit hindi pa naman talaga ako inaantok. Ayoko lang talaga siyang makausap dahil tinatamad akong magsalita. 

"Mamaya ka na matulog!" Hinila niya pa ang kumot ko na dapat ipangtatabing ko na kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Muntikan ng masanggi ang sugat ko, gago talaga 'to. "Baka dumating ang mga Kuya mo lalo na si Prinsipe Caedmon, hindi ko alam ang sasabihin ko!" Nakanguso niya pang dugtong at talagang ayaw niyang ibalik sa akin ang kumot ko kaya padabog ko na lang na ibinigay sa kanya iyon. 

"E di ba iyan naman talaga ang ipinunta mo dito? Iyong batong si Caedmon?" Mataray kong tanong sa kanya at hindi pa ako nang-aasar niyan kundi nagsasabi pa lang ako ng totoo pero ang bilis ng mamula ng mukha niya. Dadahi-dahilan pa na hindi niya alam ang sasabihin o gagawin kapag nandito na si Caedmon e dalawang araw na rin niyang inaabangan iyon e. Bakit hindi siya magpunta sa silid ni Daewon dahil paniguradong nandoon ang dalawang bugok. 

"H...Hindi ah. Ikaw pa rin iyong unang dahilan ko, sumunod lang siya." Pag-aamin niya pa dahilan para manlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat. Talagang hindi man lang niya itinanggi. Hindi na siya nahiya! Jusko! 

Inirapan ko na lang siya at hindi na ako sumagot pa dahil alam ko namang masasayang lang ang laway ko kapag nagsalita pa ako. Bakit ba kasi magkasunod na araw ay nandito si Aera? Hindi ko naman siya pinapapunta. Istorbo pa, tsk. 

"Nagugutom ka na ba?" Biglaang tanong niya ng akmang hihiga na sana ako. Tumayo pa siya para lumapit sa gilid ng upuan kung saan may nakalagay na medyo malaking kahon. Ano naman kaya iyan? "Lumabas saglit sina Prinsesa Sereia at Prinsesa Mishal para bumili ng pananghalian natin---"

"Natin? Makikikain ka ulit? Ang kapal mo naman."Pagpuputol ko na sa sinabi niya dahil parang medyo nagpantig ang tenga ko sa pahayag niya. Inubos na nga niya itong mga prutas sa tabi tapos makikikain ulit siya? Kaya siguro ayaw pa umalis nito dahil hinihintay niya pa ang mga pagkain nina Sereia at Mishal na nagpaalam kanina na bibili lang ng makakain namin. Dalawang magkasunod na araw na rin sila nandito kasabay si Aera at hindi talaga nila ako nilulubayan kahit anong pangtataboy pa ang gawin ko. 

"Hoy, grabe ka! Sila mismo nag-aya sa akin at nagbilin na bantayan ka muna habang wala sila." Nakangusong pagtatanggol niya pa sa sarili pero inirapan ko lang siya. 

"Tss. Dahilan mo. Hindi ka pa ba busog? Inubos mo na nga iyang mga pagkain KO." Talagang binigyang diin ko ang KO para naman mahiya0hiya siya ng konti sa balat niya. Nang-iistorbo na nga, nakikikain pa, ang kapal naman!

"Mayroon pa naman dito oh! Ang dami kaya!" Yumuko naman siya doon sa may kalakihang kahon at naglabas ng dalawa pang malalaking basket na mayroong lamang mga prutas. Nangunot naman ang noo ko matapos pakatitigan ang mga ito. Bakit ang dami?!

"Sino naman nagbigay niyan?" Iritableng tanong ko habang sinasamaan pa rin ng tingin ang dalawang basket. Nagpapalit-palit pa ang tingin niya sa akin at sa mga prutas wari't nag-iisip din siya. Mas lalo naman ako nagtaka dahil mukhang hindi rin kilala ni Aera kung sino ang nagbigay nito. Pero sino nga ba? Si Zephyr? Pero pupunta naman iyon ng personal kung siya nga. 

"Hmmm...May nagpunta ditong lalaki kanina e. Hindi ko maalala kung sino siya saka nakatakip din ng roba ang mukha niya pero kilala ka niya at parang pamilyar---"

"Hindi ka nagtanong kung sino?" Naghihinala at taas kilay na tanong ko pa rin. Huwag niyang sabihin na pinairal na naman niya ang katangahan. 

"Nagtanong." Kaswal at parang nagmamalaki niya pang sagot pero nanatili lamang nakataas ang kilay ko. E di alam niya na kung sino ang nagbigay. "Ang sabi niya lang para sa'yo raw pinabibigay ng kakilala mo." Inosenteng pahayag pa ni Aera at ayon din naman sa ekspresyon niya na tatanga-tanga ay hindi nga siya nagsisinungaling. Mukhang iyon lang ang sinabi ng nagbigay ng mga prutas na iyan. 

"Kakilala? Sinong kakilala?"Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtatanong dahil ayoko naman makatanggap ng bagay na hindi ko naman alam kung kanino galing. Nadadala na ako sa mga nangyari sa akin nitong nakaraan kaso sa kamalas-malasan ay isa na namang tanga ang tumanggap nito at hindi sigurado kung kanino galing. 

"Hmmm hindi niya sinabi e. Ay Ewan!" Pagsuko niya na lang at ibinalik na niya ang mga basket sa kahon matapos kumuha ng isang kulay kahel na prutas na may kahabaan at medyo mataba. Tanga talaga si Aera! Hindi niya man lang naisip magtanong sa tao at tanggap na lang ng tanggap. Talaga naman oh!  

"Ang dami mong tanong ikaw na nga ang binigyan ng grasya! Kumain ka na lang dahil sariwa itong mga prutas at halatang mamahalin dahil hindi basta-basta nakukuha kung saan ang mga ito." Sermon niya pa sa akin pero nanatili lang akong nakasimangot sa kanya at sinasamaan ng tingin ang inaabot niyang prutas sa akin. 

"Oh! Masarap iyan!"Pang-aalok niya pa lalo habang inilalapit pa ito sa akin. Inirapan ko naman siya dahil wala talaga akong balak tanggapin iyang inaalok niya. 

"Ayoko, baka may lason iyan. Itapon mo na." Masungit kong pahayag dahil hindi ko naman alam kung kanino galing iyan! 

"Grabe ka! Ang aksayado mo sa pagkain. Kinain ko na nga itong isang basket hindi naman ako namatay." pagtatanggol niya pa na muli ko na naman ikinairap. Pakialam ko?! Kung malalason siya huwag na niya akong idamay. 

"Hindi ka na tinatablan ng lason dahil iyon na mismo ang nananalaytay sa ugat mo." Pang-aasar ko na lamang at nakita ko naman na mas lalo siyang bumusangot at padabog na naglakad sa upuan sa tabi. 

"Tse! Buwisit ka talaga. Kung ayaw mo ako na lang ang kakain." Pabagsak pa siyang naupo dito at hindi na ako sumagot pa. 

Muling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at tanging maririnig ko lang ay ang maingay na pag-nguya ni Aera na animo'y biik na kumakain. Ilang beses ko naman siyang sinita pero dinahilanan niya pa ako na malagkit daw ang prutas na kinakain niya kaya hirap na hirap siyang kumain ng tahimik. Punyeta, e di huwag na niyang kainin! Napaka-ingay! Nakakainis! Saglit pa kaming nagsigawan na kung saan pilit ko pa rin siya pinatatahimik ng sabay kaming makarinig ng isang marahang pagkatok mula sa pintuan. Nagkatinginan pa kami ni Aera pero inirapan ko lang siya dahil wala akong balak buksan ang pinto. Nakikita niya naman na pasyente ako di ba?!

"Ay! May kumakatok teka eto na! Eto na! Baka sina Prinsesa Sereia at Prinsesa Mishal iyan." Magiliw at patalon-talon naman niyang pahayag habang nagtatatakbo pa palapit sa pinto pero bago pa man niya mahawakan ang pihitan ay marahan na itong bumukas at bumungad ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. 

"Magandang tanghali, Eliana." Nakangiting bati sa akin ni Zephyr at binalingan niya rin si Aera na hindi na nagulat na siya ang bumungad sa amin. 

"Ah! Ikaw pala, Prinsipe Zephyr, pasok ka! Mas maaga ka ngayon dumating kaysa kahapon ah." Magiliw na bati sa kanya ni Aera na bahagya naman ikinatawa ni Zephyr. 

Katulad ni Aera ay palagi rin nandito si Zephyr magmula ng mapadala ako sa ospital. Bumibisita rin siya tuwing hapon o di kaya ay pagkatapos ng klase niya. Ayos na sana ang lahat, nakakakilig na sana ng puso ngunit palagi rin siyang may sabit na dala. 

"Kumusta, bunso!" Kasunod ni Zephyr ay ang kapatid ko na si Ellionoir na may dalang mga pagkain. Mabilis din naman akong sumimangot sa kanya dahil palagi na lang din siya nandito. Hindi ko nga alam kung dumadalaw ba siya sa bugok naming kapatid kasama si Zephyr pero mukhang hindi lalo na at nandoon si Caedmon. 

Hindi ko naman sila binati o sinagot at nanatili lamang akong bagot na nakatingin sa kanila. Palagi naman ganito ang bungad ko sa kanila at dire-diretso lang din naman silang papasok sa loob ng silid ko. Sayang lang laway ko kung magsasalita pa ako pero aminado naman ako na kahit papaano masaya ako dahil binibisita ako ni Zephyr kahit hindi naman siya obligado.  

"Kumain na ba kayo? Nagdala kami ng makakain." Nakangiting pahayag pa ni Zephyr habang inilalapag ang mga dala nilang papel na bag sa lamesa. Lumapit naman sa kanila si Aera at nakihalukay habang si Ellionoir ay tumulong din sa paglalabas ng mga makakain. Nanatili naman akong nakaupo at tamad na nakamasid sa kanila. Sumandal pa ako sa sandalan ng kama at inayos ang aking kumot.

Gusto ko na makalabas dito! Gusto ko na ulit magsanay! Palagi na lang ako nasa ospital. 

"Salamat, Prinsipe Zephyr! Lumabas lang sina Sereia at Mishal para bumili ng pagkain." Pahayag pa sa kanila ni Aera habang abala rin ito sa pagtingin sa mga dala nilang pagkain. 

"Hintayin na lang natin sila kung ganoon." Mahinahong tugon ni Zephyr saka may kung anong hinalungkat mula doon sa bag at naglakad tungo sa akin. Nanatili pa rin naman siya nakangiti habang nakatingin sa gawi ko saka swabeng naupo sa gilid ng aking kama. 

"Kumusta ka na?" Mahinahong tanong niya sa akin habang sinisipat niya ang bawat sulok ng mukha ko. Umiwas naman ako saglit ng tingin dahil hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya kapag tinitingnan niya ako ng malamoys, ng mahinahon, ng may pag-aalala. 

"Ganoon pa rin. Humihinga pa naman." Bagot kong sagot sa kanya habang tinitingnan ko pa rin iyong hawak niya.

Saglit siyang nanahimik at nanatili pa rin sinisipat ang mukha ko. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na masulyapan si Aera na abala na sa paglantak ng pagkain habang si Ellionoir naman ay napapasulyap lamang sa amin ngunit abala pa rin siya sa pagbabasa ng libro.

"Masakit pa ba ang mga sugat mo? Kumikirot pa rin ba?" Muling pagtatanong ni Zephyr matapos niya siguro bilangin kunf ilang sugat ang natamo ko.

Tamad naman akong umiling bilang tugon saka bagot ko pa rin siyang tinitigan.

"Mabuti naman." Nakangiti niyang saad at sa wakas ay inilahad niya na sa akin iyong kanina niya pa hawak. "Dinalhan pala kita ng paborito mo..." Inilapag niya pa sa tabi ko iyong bag na papel na mag kung anong nakaumbok.

"Ano iyan?" Kunot noo ko pang tanong pero nakukutuban ko na kung ano iyan dahil isa pa lang naman ang nagiging paborito ko sa mundong ito.

"Iyong kendi..."

Napataas naman ang kilay ko dahil tama nga ang aking hinala. Kinuha ko rin ito at inilagay sa gilid dahilan para magtaka naman siya sa ginawa ko.

"Mamaya na." Nakasimangot ko pang saad pero bago pa siya magsalita ay dinugtungan ko na ang sinasabi ko.  "Hindi pa ako kumakain ng kanin."

Ayoko naman magmatamis ng walang laman ang tiyan. Mawawalan lang ako ng gana e nagugutom na rin naman ako.

Napansin ko naman na bahagyang nangunot ang noo ni Zephyr sa sinabi ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan at balak ko na sanang magsalita pero inunahan niya ako.

"Hindi ka pa kumakain ng kahit ano? Bakit naman? Nag-agahan ka na ba---"  Sunod-sunod niyang tanong na agad ko naman pinutol. Baka maging O.A. pa siya e. Nararamdaman ko nang malapit na siya doon.

"Oo, tapos na. Gusto ko lang ulit magkanin bago kumain ng kendi." Kaswal na pahayag ko na lamang habang hinahawi-hawi ang buhok ko. Marahan naman siyang ngumiti sa akin bago muling magsalita. 

"Kumain ka nang kumain para mabilis kang gumaling." Bilin niya pa at bago pa man ako makakilos ay bigla na niyang kinurot ang pisngi ko. Sinamaan ko na lang tuloy siya ng tingin pero natawa lang siya sa akin. Bakit kasi kailangan may pagkurot pa ng pisngi?! "Ako pa naman ang makakalaban mo kapag bumalik ka na sa pag-eensayo." Dugtong niya pa dahilan para lingunin ko naman siya. Anong pinagsasabi niya?!

"Ha? Akala ko ba si Caedmon? Bakit ikaw?" Naguguluhan kong tanong habang kunot-kunot ang noo ko. Nagkibit balikat muna siya sa akin bago sumagot. 

"Ibinilin ni Maestro na huwag munang sabihin sa'yo pero ayoko namang biglain ka." Malambing niyang pahayag pero lang nangunot ang noo ko. Ano na naman bang pinaplano nito at ng matandang iyon? Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nilang sabihin pero wala man lang pasintabi? At isa pa, hindi ba, itinuturo din sa akin ni Zephyr ang mga galaw niya sa pakikipaglaban. Hindi ba mas dehado siya sa parteng iyon?  Ewan, bahala nga siya. Basta susubukan ko lahat ng makakaya ko para matalo siya. Hudyat lang iyon na may bunga ang lahat ng pag-eensayo ko kay Maestro at kay Zephyr. "At isa pa, hindi mo maaaring harapin ang kapatid mo hangga't hindi mo ako natatalo. Baka hindi mo rin siya kayanin dahil mas malakas siya sa akin." Dugtong niya pa na para bang pinupuri niya talaga ang kapatid ko. Pinakatitigan ko naman ang mga mata niya na nakatingin na lang sa kawalan. May kung anong emosyon ang makikita mula doon sa tuwing binabanggit niya si Caedmon. Ewan, matagal ko na iyan napapansin na palaging malungkot ang mga mata niya kapag napag-uusapan namin ang kapatid ko. Inaaway na naman kaya siya ulit ng batong iyon? Ay ewan! Pakialam ko ba? Away totoy lang naman iyan. 

"Tss. Ayokong kalaban ka. Hindi ka naman tumitira pabalik. Duwag." Tamad na pagbabalik ko na lang sa paksa dahilan para muli niya akong lingunin. Bumalik na ulit ang sigla sa mga mata niya at muli na naman siyang ngumiti. 

"Hindi naman sa ganoon. Kapag nag-eensayo tayo hinahayaan ko na lang na ako ang saktan mo. Kapag kasi gumanti pa ako, madadagdagan na naman ang sugat mo sa katawan."Marahang pahayag niya pa habang muli na naman siyang tumitig sa mukha ko na para bang may kung ano siyang hinahanap mula dito. 

"Ano naman kung madagdagan ang mga sugat ko? Tanda naman iyon na buhay pa ako sa lahat ng laban na kinaharap ko." Mayabang na pahayag ko sa kanya ngunit muli na naman kumukunot ang noo ko lalo na ng bigla siyang umiling sa akin. Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito. 

"Hindi ka ba nanghihinayang sa makinis mong balat? Dapat inaalagaan mo pa rin ang balat mo dahil---"

"Dahil prinsesa ako? Dahil babae ako? Ganoon ba?" Sunod-sunod kong tanong habang diretso na rin ang upo ko at mariin kong tinititigan ang mga mata niya. Nagpantig ng konti ang tenga ko sa sinabi niya dahil pinakaayaw ko pa naman ay may pinupuna sa pisikal kong kaanyuan. 

"Hindi lang naman iyon, dahil---"

"Dahil hindi ako makakahanap ng asawa o nobyo pagka't puro peklat na ako? Hindi na maganda tingnan?" Saad ko pa at ewan ko ba pero umuusbong talaga ang inis ko kapag napag-uusapan ang tungkol sa balat ko. Hindi niya ba alam na masama ang pumuna ng pisikal na kaanyuan ng tao lalo na kung hindi naman na ito mababago pa? 

"Hindi nam---" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil muli na naman akong lumiyad para makalapit sa kanya ng may naiinis na ekspresyon. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam doon. 

"Puwes, para sabihin ko sa'yo, wala akong pakialam sa mga sugat at peklat ko. Oo, panget tingnan, Oo, hindi kaaya-aya sa balat, pero hindi ko ikinakahiya ang mga iyan dahil parte na iyan ng pagkatao ko. Kahit magpatattoo ako o dumihan ko ang balat ko ay hindi naman iyon magiging kabawasan ng pagiging tao ko---" Bagamat mahinahon ang paliwanag na halos pabulong na ito ay sinisiguro ko naman na may diin ang aking bawat salita. Pero hindi ko na halos natuloy ang sasabihin ko ng biglang hawakan ni Zephyr ang kamay ko at idinirekta ito palapit sa kanyang labi. Huli na para mabawi ko ito dahil hinalikan na niya ang aking palad at marahan itong nilagay sa kanyang pisngi habang hawak pa rin ito. 

Gulat naman ako sa ginawa niya ngunit parang wala lang iyon sa kanya at malamyos pa rin na nakatitig sa mga mata ko. Nilingon ko pa sina Aera at Ellionoir pero mukhang abala pa rin naman sila sa ginagawa nila. Tsk. Bakit ba kasi ngayon pa ito naglambing? Nakitang nagagalit ako e!

"Nagalit ka na agad." Malambing at malamyos niya pang pahayag habang nananatili pa rin ang kamay ko sa pisngi niya. "Ayaw ko lang naman nagkakagalos ka dahil tuwing nakikita kong may sugat o galos ka ay iniisip ko na sinaktan ka na naman, na hindi na naman kita naprotektahan." Dugtong niya pa at syempre, sa isang iglap ay nawala na lahat ng inis ko sa kanya. Hindi naman ako nagagalit. Ayoko lang talaga na ganoon ang sinasabi niya hindi lang sa akin kundi sa balat ng kahit na sinong tao. 

Saglit pa siyang tumitig sa mga mata ko bago niya tuluyang bitawan ang kamay ko at agad ko naman ito binawi habang kinakalma na rin ang puso ko na kanina pa malakas ang tibok. 

"Nagkulang ako sa'yo. Pasensya ka na wala ako sa tabi mo noong gabing nangyari ang trahedyang iyon. Hindi ko alam, wala akong ala, at kasalanan k---"

"Wala kang kasalanan. Pinili kong hindi ipaalam sa inyo, sa'yo dahil laban ko iyon at kapatid ko ang nandoon." Malamig kong pahayag dahil ayaw ko na rin sisihin na naman niya ang sarili gayong wala naman siyang kasalanan. Pinili ko talagang huwag na silang idamay dahil wala naman sila kaugnayan sa amin ni Daewon. 

"Pero hindi man lamang kita natulungan o nailigtas noong gabing iyon. Patawarin mo ako..." Malungkot na naman na pahayag niya kaya pinitik ko na ang noo niya. Bahagya naman siya nagulat sa ginawa ko pero nagtataka niya lang ako na tiningnan habang ako naman ay tinaasan ko siya ng kilay. 

"Ang kulit mo talaga. Palagi ka na lang humihingi ng tawad, suki ba kita?" Pagtataray ko pa pero parang naguluhan lang siya sa sinabi ko. 

"Ha?" Nagtatakang tanong niya pa kaya inirapan ko muna siya bago ako sumagot. 

"Wala...Tss. Wala kang kasalanan dahil sinadya kong hindi ipaalam sa'yo. Oras din naman na malaman mo ang tungkol dito ay hindi ka magdadalawang isip na sumama sa akin. Kapag napahamak ka pa, baka hindi ko matantsa ang mga iyon..." Nakasimangot at kaswal na pahayag ko pero mas lalo lang din napataas ang kilay ko dahil unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Zephyr wari'y tuwang-tuwa siya sa sinabi ko. Doon ko naman napagtanto ang sinabi ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at pilit pinagmukhang inis ang ekspresyon ko. 

"Huwag ka ngang ngumiti-ngiti. Buburahin ko iyan." Nakabusangot ko pang pahayag habang minumura ang aking sarili sa isipan. Bakit ko nga ba sinabi iyon?!

"Kaya gustong-gusto kita." Bilang banat niya naman at nandoon pa rin ang ngiti sa mga labi niya habang malamyos na nakatingin sa akin Pakiramdam ko tuloy namumula na ang mukha ko dahil kanina pa siya banat ng banat. "Napakasuwerte ko kung makakamit ko ang Oo ng matapang at maunawain na babaeng katulad mo." Dagdag niya pa habang titig na titig sa mga mata ko kaya ako na mismo ang yumuko at umiwas ng tingin habang salubong pa rin ang kilay ko. Tanghaling tapat naman ganyan bumanat oh!

"Ewan ko sa'yo..." Kunawari'y inis ko pang pahayag pero hindi na siya sumagot pa. Sa halip ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at marahan itong pinisil. Kunot noo ko naman siyang binalikan ng tingin at muli na naman nagtama ang mga mata namin. Bakit ba hawak siya ng hawak sa kamay ko?! 

"Salamat, Eliana. Salamat at ligtas ka gayon din si Prinsipe Daewon. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakaling may hindi magandang nangyari sa'yo..." Malungkot na pahayag niya muli kasabay ng mabilis kong pagbawi sa aking kamay dahil pakiramdam ko kinukuryente ako ng hawak niya. 

"Tss...Hindi nga man lang ako pinagpawisan sa pakikipagsapalaran doon."  Mayabang ko pang pahayag upang maalis din ang pagkailang at hiya na nararamdaman ng katawan ko. 

"Muntik ka lang naman masunog at maiwan sa gumuguhong gusali. Delikado pa rin iyong ginawa mo kaya sa susunod kahit sabihan mo lang ako tuwing may susuungin kang panganib, sasamahan at alalayan kita." saad niya pa pero sumimangot lang ako. 

"At ipapahamak mo ang sarili mo? Tss. Huwag na." Inirapan ko pa siya sabay ipinagkrus ang aking mga braso. Naaalala ko noong kasama ko siya na hinarap si Daewon noong nakaraan. Inalalayan niya nga ako pero siya rin naman iyong napahamak. 

"Biro lang. Magpagaling ka ah... Nangungulila na ako sa'yo." Nakangiting pahayag niya muli at panigurado'y lalambingin na naman ako ng tukmol na ito. Bakit ba ang landi-landi na naman niya?

"Anong nangungulila?! E halos araw-araw na nga tayo nagkikita. Siraulo ka." Bulalas ko pa at muli ko na naman siyang inirapan. Halos araw-araw ko na nga siya at si Ellionoir nakikitang magkasama hindi pa ba niya nahahalata iyon? Kahit paminsan na bumibisita siya dito ay sila rin ni Ellionoir ang nag-uusap ay wala naman akong pakialam. Ayos na rin na nakikita ko iyang pagmumukha niya kahit iba ang kausap niya.  

"Biro lang." Natatawa niya pang pahayag pero hindi na ako sumagot at inirapan na lamang siya. Hanggang anong oras ba siya makikipagtsismisan sa akin? At nasaan na nga ba sina Sereia at Mishal? Gaano ba kalayo ang bilihan ng pagkain na pinuntahan nila at hanggang ngayon ay wala pa rin sila dito. "Siya nga pala, Wala bang tumulong sa iyo noong mga oras na nasa loob ka ng gusali? Impossible namang nakayanan mo mag-isa ang mga sindikato na ---"

"Minamaliit mo ba ako?" Hindi ko na siya pinatapos pa muli sa sasabihin dahil tinaasan ko na siya muli ng kulay. Iba yung dating sa akin. 

"Hindi naman pero alam kong may hangganan ang lakas mo. Malakas ka, Oo, pero may limitasyon ka rin at sa dami ng mga sindikatong nasa loob ng gusaling iyon ay impossibleng nakayanan mo silang lahat mag-isa." Mahinahon pang paliwanag niya at nakakainis dahil may punto na naman ang sinabi niya. Pero, ayoko, ayokong sabihin. Bahala siya dyan. 

"Tss. Nagdahilan ka pa, minamaliit mo lang ako e." Inirapan ko pa siya ng matindi at hindi na muling tumingin pa sa kanya. Hindi ako nagpapalambing dahil siniguro kong malamig ang tono ng boses ko. 

"Hindi ah! Ikaw na nga ang pinakamatapang na babae para sa akin..." Malambing na pahayag niya pa at balak niya pa atang kurutin ang pisngi ko pero mabilis kong pinalo ang kamay niya na ikinatawa niya naman. 

"Pero hindi nga, may tumulong ba sa'yo noong oras na iyon?" Pagpupumilit niya pa. 

"Mayroon..." Tamad at bagot na sagot ko dahil hindi ko naman maitatanggi na mayroon talagang tumulong sa akin. Ano na kaya nangyari sa lalaking iyon? Namatay kaya siya sa loob? Tss. Ano bang pakialam ko? 

"Talaga?! Sino?" Puno ng kuryosidad na tanong niya pa pero sinimangutan ko na lamang siya. 

"Sikreto ko na iyon. At isa pa, bakit ba gusto mong malaman?!" Asik ko pa sa kanya dahil maski ako nga ay hindi ko kilala kung sino iyon e. 

"Eliana naman, dali na, magpapasalamat ako sa taong tumayo sa gampanin ko para sa'yo noong mga oras na iyon." Nakangising pahayag niya at napatanga naman ako dahil doon. Anong pinagsasabi niyang magpapasalamat?! E halos ako nga walang balak magpasalamat doon dahil kasalanan niya kung bakit nahuli pa kami! 

"Anong gampanin mo?! Ano ba kita?" Kunot noo kong tanong sa kanya at akala ko ay mapipikon o mapapahiya siya doon pero lalo lamang siyang ngumisi. 

"Gampanin ko na protektahan ka at isa pa ako ang magiging nobyo mo..." Nagmamalaki niya pang pahayag at hindi pa siya nakuntento dahil kumindat pa siya sa akin at talagang hayag na nilalandi ako. Inirapan ko naman siya at ewan ko ba pero kusang sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi ko na mabilis ko rin naman binawi. Ano bang nginingiti-ngiti ko? Natuwa ba ako sa sinabi niya? Ay ewan!

"Yabang naman..." Kunwari'y iritableng pahayag ko na lamang pero tipid lamang siyang natawa.

"Nagsisiguro lang." Saad niya pa. Napaayos naman ako ng upo saka muling humarap sa kanya ng may seryosong ekspresyon. 

"Sigurista masyado, dahan-dahan lang baka mabati." Pabirong pahayag ko pero kahit papaano ay binabantaan ko na rin siya dahil mahirap din naman umasa. Parehas naman kaming may nararamdaman sa isa't isa pero ewan ko ba, ayoko ng matulad kay Calyx ang relasyon namin. Mahirap na magpakasiguro, mahirap na magpakakumpiyansa, mahirap na magtiwala masyado. Sa ngayon, pag-igihan niya muna ang pagpapatunay sa sarili. 

"Huwag mo naman ako pakabahin." Nakangusong pahayag niya pa pero inirapan ko lamang siya. Parang tanga. 

"Pero sino nga ang tumulong sa'yo? Kawal ba? Si Caedmon?" Tsk. Bakit ba ang mapilit niya?! Kailangan ba talaga alam niya kung sino o ano?

"Hindi." Tamad kong saad. 

"Sino?"

"Hindi ko kilala." Muli kong bagot na pahayag at niyakap ko na ang tuhod ko habang inaantok na tumingin sa kanya. Ipinatong ko pa ang ulo ko dito habang siya naman ay naguguluhan at puno pa rin ng kuryosidad na nakatingin sa akin. 

"Ha?! Paanong hindi mo kilala? Puwede ba iyon?"

"Oo, para sa kanya puwede..." Kaswal kong pahayag dahil totoo naman na para sa binatang iyon ay possible na hindi ko siya makilala dahil sa maskarang suot niya. 

"Bakit? Ano bang hitsura niya?"

"Hindi ko rin alam e." Bagot ko pa siyang tiningnan at kita ko kung paano siya sumimangot sa akin. Napataas na lang tuloy ako ng kilay dahil inaartehan niya na naman ako. 

"Niloloko mo na ako, Eliana..." Nakanguso niya pang pahayag wari'y nagtamapo na siya. Nnagunot tuloy bigla ang noo ko. 

"Huh?! Bakit naman kita lolokohin? Kailan pa ako nagloko sa'yo?" Kunot-noo ko pang pahayag at talagang napaayos ako ng upo dahil doon. Akala niya pa ata nakikipaggaguhan ako sa kanya e hindi naman uso sa akin iyon. 

"Sabi mo hindi mo alam ang hitsura. Puwede ba iyon?" 

"Oo..." Seryoso kong pahayag at lumapit pa ako ng kaunti sa kanya bago ituloy ang aking sasabihin. "Lalo na kung nakamaskara siya..." Makahulugan kong pahayag at akala ko ay sisimangutan na naman niya ako o di kaya ay hindi siya maniniwala sa sasabihin ko pero ganoon na lamang ang pagtataka ko ng biglang manlaki ang mga mata niya wari'y mas gulat pa siya sa akin. Anong problema niya? 

"M...Maskara? Anong klaseng maskara?" Nauutal niya pang tanong at bahagya rin nakakunot ang noo niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinasabi ko. 

"Ano bang hitsura ng maskara?! Mukha bang ipinangtatapal sa puwet ang maskara?! E di maskara!" Bulalas ko pa at may kalakasan pa ang boses ko kaya napatingin pa sa akin ang dalawa pero hindi ko na sila nilingon pa. 

"Ang ibig kong sabihin ay kita ba ang mga mata niya o ano..." Seryosong tanong niya pa at ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam na parang may alam siya sa lalaking nakamaskara ayon pa lamang sa reaksyon niya. 

"Oo..." Kaswal kong sagot at tinitigan ko pa siya ng diretso sa mga mata bago ko ipinagpatuloy ang sinasabi ko. "Kita iyong berde niyang mga mata..." Dugtong ko pa ngunit nakakapagtakang napatanga na lamang si Zephyr at bahagyang umuwang ang kanyang bibig na para bang may nais siyang sabihin na kung ano. Kilala niya ba ang lalaking iyon? Bakit ganyan na lang ang reaksyon niya?

Balak ko na sana magtanong sa kanya patungkol dito pero bigla naman bumukas ang pinto at bumungad sina Sereia at Mishal dala ang ilang bag na papel na naglalaman ng pagkain. Pinanatili ko na lang tuloy na tikom ang bibig ko habang nakatingin sa kanila. Itatatak ko na lang siguro sa utak ko ang tanong na ito o di kaya ako na mismo ang tutuklas dito. 

• _____ •

- ERYX -

ABALA si Eryx sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga kasangkot sa ilegal na bentahan ng Ether na nahuli nila noong nakaraan. Mamaya ay dadalo na siya sa paghuhukom para sa magiging kaso ng mga ito. Makailang beses niya na rin ito binasa pag-asang mahahanap ang pangalan ng halimaw na si Jai ngunit hindi niya ito makita sa listahan ng mga huhukumin. Nakukutuban na siya sa maaaring nangyari dito ngunit ayaw niya na lamang magpakasiguro pagka't hindi niya pa naman ito nakukumpirma. 

Nasa kalagitnaan naman siya ng pag-aayos ng mga papel nang makarinig siya ng katok mula sa pintuan ng kanyang opisina. Walang lingon-lingon naman itong sinabihan ni Eryx na pumasok kaya nakarinig na rin siya ng marahang pagbukas ng pinto. Doon lamang nag-angat si Eryx ng tingin at naabutan ang nakangiting si Estevan na nagtatanggal pa ng kanyang roba. 

"Naibigay ko na prinsipe Eryx." Nagmamalaki at taas kilay na pahayag ni Estevan habang marahan nitong tinitiklop ang isinuot na roba. Napatango-tango naman si Eryx at pakiramdam niya ay nakahinga naman siya ng maluwag dahil dito. 

"Mabuti naman, maraming salamat." Kaswal na pahayag niya lamang at muli nang itinuon ang atensyon sa kanyang ginagawa. Marami pa sana siyang nais itanong pero pakiramdam niya ay nauunahan siya ng hiya at pag-aalinlangan kaya hindi na siya nagsalita pa. 

Nanatili naman si Estevan sa kanyang kinatatayuan at hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi nito sa mga labi. Naramdaman naman ni Eryx na wala pang balak umalis ang kanyang kaibigan kaya muli siyang nag-angat ng tingin dito. 

"May kailangan ka pa ba?" Nagtataka at mahinahong tanong niya dahilan para mas lalong lumawak ang ngisi ni Estevan. 

"Hindi mo po ba itatanong kung kumusta na siya?" May himig ng pang-aasar na pahayag nito at tumaas baba pa ang kilay habang makahulugang nakangiti kay Eryx. Bigla naman nailang at nakaramdam ng hiya ang prinsipe dahil dito. Alam niya ang ganitong tinginan at ngiti ni Estevan kaya nagbaba na lamang tuloy siya ng tingin. 

"H...Hindi na." Nauutal at nahihiyang pahayag ni Eryx at parang gusto na lamang niyang yumuko dahil paniguradong halata ang pagkailang sa kanyang eskpresyon. Sa isip niya ay gusto niya na talaga magtanong dito pero dahil sa mapang-asar na tingin at ngiti ni Estevan ay nagdadalawang isip na siya. Wala pa nga halos lumalabas sa bibig niya na salita at wala naman siyang ipinapakitang ibang intensyon kundi kabutihan pero iba na agad ang dating nito sa kanang kamay niya. 

Napatango-tango naman si Estevan dito kunwari'y sumasang-ayon pa siya sa sinabi ni Eryx pero kilala niya ang kaibigan. 

"Sige, labas na muna ako Prinsipe Eryx..." Nakangising pahayag ni Estevan at sinadya pa nitong bagalan ang pagtalikod at paglalakad sa pinto. 

Nanatili naman abala kunwari si Eryx sa ginagawa ngunit nagdedebate na ang kanyang prinsipyo sa kanyang isipan hanggang sa hindi na rin siya nakatiis at nag-angat na ng tingin kay Estevan na halatang pinapabagal ang paglalakad. 

"Ah...Teka lang..." Mahina at nahihiyang pagtawag niya pa ngunit nandoon pa rin ang tigas at panlalamig sa kanyang boses. Nakangisi naman siyang nilingon ni Estevan wari'y nagwagi ito sa isang pustuhan. Pinakatitigan naman siya ni Estevan at muling napaisip. 

Wala naman siguro masama kung tatanungin niya ang kalagayan ni Prinsesa Eliana pagka't mawawalan ng saysay ang pagpapaabot niya ng prutas kay Estevan para dito. At isa pa, normal lang para sa isang kakilala ang kumustahin ito lalo na at obligado naman siyang malaman ang kalagayan nito dahil sa nangyaring trahedya na hindi naman dapat nito kinasangkutan. 

Sa bandang huli ay napabuntung hininga na lamang tuloy si Eryx at wari'y sumusukong tumingin ka Estevan. 

"K...Kumusta na ba si Prinsesa Eliana?" Kaswal at pilit pinalalamig ni Eryx ang tinig habang nakadaop pa ang mga palad nito sa ibabaw ng lamesa. 

"Ayun!" Nagagalak na pahayag ni Estevan kaya mas lalo tuloy nahiya si Eryx dito at mabilis ng namula ang kanyang magkabilang tenga. {arang pinagsisisihan na niya tuloy ang ginawang kilos. "Akala ko wala kang balak magtanong, Prinsipe Eryx e. Para saan pa at pinapunta mo pa ako sa pagamutan para magbigay sa kanya ng mga prutas." Nakangising pahayag pa ni Estevan na agad naman ikinatigil ni Eryx. Inalala niya ang pamimili ng sandamakmak na prutas at ng tanungin siya ng mga kawal niya kung para saan ito ay tanging sinabi niya lamang ay para sa kanyang kakilala. Pinadalhan niya rin naman ng isang basket si Prinsipe Daewon kaya hindi siya makakita ng malisya sa kanyang ginawa. 

"P...Pasasalamat ko lamang iyon dahil malaki ang naitulong niya sa naging misyon natin." Kaswal na pahayag niya na lamang habang pilit inaabala ang sarili sa kanyang mga gawain upang hindi na masyadong tuksuhin ni Estevan. 

"Naiintindihan ko po. Pero bakit ayaw mong ipaalam na ikaw mismo ang nagpaabot ng mga prutas? Baka maghinala iyon." Nagtatakang tanong ni Estevan pero hindi pa rin naaalis ang nakakalokong ngisi nito sa kanyang labi. 

"Hindi na kailangan." Iiling-iling pang saad ni Eryx. "Kainin niya man o hindi, ang mahalaga ay naiabot natin ang pasasalamat sa kanya..." Dugtong niya pa sa pilit na pinakakaswal na tono ng boses. 

Nangunot naman ang noo ni Estevan dito at para bang hindi naniniwala sa sinaad ng Prinsipe. Plano na niya talagang hulihin ang nais nitong sabihin at hindi na siya susuko na gawin iyon. 

"Ha? Nagpasalamat tayo ng hindi nagpapakilala o hindi sinasabi kung para saan? Gusto mo lang ata malaman, Prinsipe Eryx,  kung kumusta na siya." Mapang-asar na pahayag ni Estevan at sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nanlaki ang mga mata ni Eryx at namula na rin ang kanyang tenga lalo. Hindi pa nagpaawat ang kanang kamay niya at nagtuloy-tuloy pa ito sa pang-aasar at pagpaparatang sa kanya ng kung anu-ano. 

"Sus! Kung iyon lang pala ang gusto mong gawin ay puwede naman tayo magpunta mismo sa pagamutan at ikaw mismo ang magtanong kung kumusta na siya." Nakangisi pang pahayag nito habang taas baba pa rin ang kilay. 

Hindi naman halos makasagot si Eryx at pilit pa rin nito kinakalma ang sarili na itanggi ang lahat dahil magmumukha pa siyang masyadong dumedepensa sa sarili. Hindi niya rin alam kung anong sasabihin para maintindihan ng kanang kamay ang kanyang mga layunin dahil agad na siya nitong pinangungunahan. 

"H...Hindi" Nauutal at pilit niya pang pinatitigas ang boses na pahayag. "Nais ko lamang talaga siya pasalamatan. At isa pa, abala rin ako sa mga gawain kaya wala na akong oras para bumisita at magliwaliw." Dahilan pa ni Eryx pero pinaningkitan lamang siya ng mga mata ni Estevan. 

"Pero ikaw mismo ang namili at bumili ng mga prutas..." Naghihinala pa rin nitong pahayag dahilan para mapaiwas na lamang ng tingin si Eryx. 

"Naisipan ko lang din mamasyal sa bayan." Pabulong niya pang pahayag at hindi na talaga siya halos makatingin sa kanang kamay pagka't alam niyang mas aasarin lamang siya nito at hindi na siya makakabawi pa. 

Nangibabaw saglit ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa mapagdesisyunan na rin ni Estevan ang maniwala na lamang kunwari sa sinasabi ni Eryx. Namumula na rin kasi ang mukha nito kaya titigil na muna siya ngayon at sa susunod na lamang niya muling aasarin. 

"Sige, naniniwala ako sa sinasabi mo, Prinsipe Eryx." Kaswal at nakangising pahayag niya pa ngunit nananatili lamang nakayuko si Eryx at kunwari'y nagbabasa. "Lalabas muna ako para magtimpla ng maiinom mo." Dugtong pa nito at sa pagkakataong ito ay binilisan na talaga ni Estevan ang paglalakad para agad makalabas dahil kanina niya pa kinikimkim ang malakas na tawa sa hitsura ng prinsipe. 

"S...Sandali lamang..." Pahabol pa ni Eryx sa kanya na maging si Eryx mismo ay hindi inaasahan ang muling pagtawag kay Estevan. May nais pa sana siyang itanong dito ngunit parang biglang nagbago ang isip niya. 

"May tanong ka ulit?" Nakangising tanong pa ni Estevan na talaga namang nagniningning ang mga mata dahil muli na naman siyang pinatawag ni Eryx sa hindi malamang dahilan. Nanatili naman nakatingin sa kanya ang prinsipe at muli na naman nagdedebate sa isipan ng dapat nitong sabihin. Gusto niya lang naman malaman kung kailan makakalabas si Eliana at may nais lamang din siyang linawin dito. Bigla tuloy naalala ni Estevan ang ilang bagay na sinaad ni Sereia kanina na baka makatulong kay Eryx. 

"Ah! Sa makalawa raw ay mkakalabas na sin Prinsesa Eliana at pupunta raw ang mga magulang nila bukas para bisitahin sila. Sinabi ito sa akin ni Prinsesa Sereia dahil nakasalubong ko siya noong palabas ng silid ni Prinsesa Eliana..." Kaswal na pahayag pa ni Estevan at napatulala na lamang si Eryx dito dahil parang nabasa mismo nito ang iniisip niya. Mabilis din naman siyang nakabawi at tatango-tangong sumagot kay Estevan. 

"A...Ah ganoon ba. Maraming salamat, Estevan." Kaswal na pahayag niya na lamang habang nananatili pa rin nag-iisip ang ekspresyon at malalim ang mga mata. 

Hindi naman na naghintay si Estevan ng matagal pagka't yumuko na ito kay Eryx at naglakad palabas ngunit muli na naman nagsalita ang prinsipe na hindi na niya nilingon muna. 

"Magkakilala kami kaya...kaya kinukumusta ko siya at nais ko rin magpasalamat. Baka kung---"

"Alam ko po." Nakangising pahayag ni Estevan at dahan-dahan pa itong humarap sa nakadaop ang mga palad na si Eryx at diretsong nakatingin sa kanya ang nalilito at malalim na berdeng mga mata. "Hindi mo naman kailangan magdepensa masyado, Prinsipe Eryx..." Mapang-asar pang pahayag ni Estevan dahilan para mapabuntung hininga na lamang si Eryx. Dinig niya pa ang malakas na halakhak ni Estevan mula sa labas ng pinto matapos nitong makalabas. Panigurado'y pingtatawanan na siya nito sa mga ikinikilos niya. 


--- END OF SEASON 1---



Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 2.4K 51
A complete story Marrying a man that you didn't love? Would you accept him? Me? No, that's why I leave my own kingdom and live with a normal life. Wi...
501 180 13
Si Asherah ay isang ulilang bata. iniwan sya ng kanyang ina sa isang ampunan. pero ang ampunan ay ibinenta at simula sa araw na iyon ay namulat siya...
1.2M 53.8K 87
[Villainess Series 01: Ellesmeere] One day, I got into an accident, remember my past and reincarnated in the novel as the villainess who got her bitt...
64.3K 2.1K 34
Highest Rank on WP: #5 in undead😉 Mula sa normal na pamumuhay, naging masalimuot kinabukasan. Na sa isang iglap. Lahat ng kinaadikan mo ay mangyayar...