(G4S Book3): OUR LEGACY

By Nikkidoo

248K 6K 1.1K

"Love knows no fear and danger." Book 3 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. "Kailan ba matatapos ang lahat ng... More

P R O L O G U E
Chapter ONE --> Apart <--
Chapter TWO --> Madly In Love <--
Chapter THREE --> Unfair Fight <--
Chapter FOUR --> The Playboy <--
Chapter FIVE --> Too In Love <--
Chapter SIX --> Destiny <--
Chapter SEVEN --> The Last Member <--
Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--
Chapter NINE --> The Visitor <--
Chapter TEN --> Glimpse <--
Chapter ELEVEN --> Generous Brother <--
Chapter TWELVE --> The Rescuer <--
Chapter THIRTEEN --> Knock <--
Chapter FOURTEEN --> Missing You <--
Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--
Chapter SEVENTEEN --> His Adorable Side <--
Chapter EIGHTEEN --> Helping Hand <--
Chapter NINETEEN --> Sexy Pictorial <--
Chapter TWENTY --> First Fight <--
Chapter TWENTY-ONE --> What We're Sorry For <--
Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--
Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--
Chapter TWENTY-FOUR --> "Codex" <--
Chapter TWENTY-FIVE --> The Twins <--
Chapter TWENTY-SIX --> A Childhood Memory <--
Chapter TWENTY-SEVEN --> I Must Not. But... <--
Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--
Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--

7.2K 187 30
By Nikkidoo

=====> Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--

 

[Cassidy's POV]

Pumasok kami ni Den sa loob ng hospital room ng magkahawak ang kamay. Naabutan namin silang nagdadaldalan sa loob, pero no'ng pumasok kaming dalawa ay natigilan sila.

Tumingin silang lahat sa'min, sa magkahawak na mga kamay namin ni Den. Feeling ko nag-blush ako at parang awtomatiko akong nakaramdam ng hiya. Siguro reflex na rin noong umalis 'yong kamay ko mula sa pagkakahawak ni Den, pero bago pa man ito makaalis ay hinawakan niya ito ng mas mahigpit. And that little gesture made my heart jump.

Pumito si Vex at saka ngumisi sa'ming dalawa. "Muling ibalik ba?" kantyaw niya.

"Aaah." Pumikit si Seth at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. "Pag-ibig nga naman." Tumawa silang dalawa ni Vex kasama 'yung kambal.

"Shut up!" I said, hiding my embarrassment. Tumingin ako kay Den pero montik na kong matawa no'ng makita kong wala siyang reaksyon at mukhang bored pa. Ibang klase talaga.

"Den." Napatingin kaming dalawa doon sa lalaking nakasandal sa pader. His arms were crossed and I could feel the heavy aura surrounding him. Tumingin siya sa'kin at pagkatapos ay kay Den. His stare lingered at him. Naramdaman kong humigpit pa ng kaunti ang kamay ni Den kaya naman napatingin ako sa kanya. However, he was still wearing that bland expression.

Umayos ng tayo si Kuya Jace, inilagay ang parehong kamay sa loob ng bulsa ng pantalon at lumakad palapit sa amin. Hindi parin niya inaalis ang tingin niya kay Den. Bigla tuloy akong kinabahan sa tinginan nilang dalawa.

"Let's talk." Iyon lang tanging sinabi ni kuya bago siya lumabas ng pintuan. Tahimik sa loob ng kwarto, hinihintay ang magiging reaksyon ni Den. After a while, I felt his hand slip from mine. Napatingin ako sa kanya.

"Den," I said worriedly.

But instead of saying that he was fine, he touched my neck, pulled me closer and planted a kiss on my forehead. I shivered a little because of his thumb on my jaw; he was caressing it. "I'll be right back," he said.

Ngumiti siya sa'kin bago tumalikod at lumabas sa pintuan. Sumarado 'yong pinto sa likuran niya at awtomatikong napahawak 'yong kamay ko doon sa teardrop necklace na nakasabit sa leeg ko.

Please let it be all right, I prayed silently inside my head.

"Beshfren." Hinawakan ni Weendy 'yung balikat ko. Ngumiti siya sa'kin. "Magkakaayos din silang dalawa."

"Oo nga, beshfren!" Jenica gave me a reassuring smile. "Baka gusto lang niyang pagsabihan si Papa Den. Hwag kang masyadong mag-alala."

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. I nodded. "Thanks."

***

Naghintay kami sa loob. At oo aaminin ko, hindi ako mapakali. Kasi naman, baka mamaya nagsusuntukan na pala sila ng hindi ko alam. Pareho pa namang sanay sa gulo 'yon.

Saka syempre, gusto ko rin namang magkaayos 'yong boyfriend ko at 'yung kapatid ko. Pareho lang silang nag-aalala sa kaligtasan ko kaya sana naman, ma-settle na nila 'yung naging tensyon sa pagitan nilang dalawa.

After a few minutes of nervously fiddling with my teardrop pendant, the door suddenly opened. Napatingin kaming lahat doon. Pumasok na si Den sa loob kaya naman napatayo ako. "Nasa'n si kuya?" tanong ko.

"He went home." Nagulat ako sa sinabi ni Den.

"Ha? Bakit? Ano ba 'yung pinag-usapan niyo?" Hindi ko na tuloy napigilang kabahan. Ano ba 'yung napag-usapan nila at kailangan pang umuwi ni kuya? Nag-walkout ba siya? Hindi kaya naging maganda 'yung pag-uusap nila?

"It's a man-to-man talk." Ngumiti siya sa'kin at nilagay 'yong ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.

I rolled my eyes. "Oh, please. Ano ba kasi talaga 'yung pinag-usapan niyo? Nag-aalala ako para kay kuya."

Kumunot ng kaunti 'yung noo ni Den. "Sa kanya lang?"

Tumaas 'yung kilay ko. One corner of my mouth twitched up. "Alam mo, hindi talaga ako sanay kapag nagta-Tagalog ka."

He let out a low, throaty laugh. "Why?"

I shrugged. "Ewan. Siguro kasi sanay akong lagi kang nag-i-English?"

"Do you prefer it?" tanong niya habang may ngiti sa labi niya. Actually, he looked really sexy when he was speaking English.

"Kahit ano naman." Basta lagi kong naririnig 'yung boses mo, okay na sa’kin.

 

Siguro hindi ko na rin muna itatanong kay Den kung ano ‘yung pinag-usapan nila. Ite-text ko nalang si kuya mamaya kung nakauwi ba siya ng ligtas.

"Ehem." Napatingin kaming dalawa ni Den doon sa umubo. Nilagay ni Vex 'yong kamay niya sa loob ng bulsa ng jacket at ngumisi sa'ming dalawa. "Ang sweet naman."

Nakalimutan naming may mga kasama nga pala kami ni Den dito sa loob ng kwarto. Binatukan ni Seth si Vex. "Epal ka talaga kahit kailan, 'no?" Tumawa silang dalawa. 'Yung kambal naman nagpaalam na uuwi lang daw sandali. Kukuha lang daw sila ng damit kasi nagpasya kaming mag-overnight dito.

Gumising na si Sam. Pero sandali lang 'yon kasi ang sabi niya nahihilo pa raw siya kaya naman pinagpahinga na muna namin siya. We called the nurse at ang sabi niya, hayaan daw muna namin siyang manatili dito ng ilang araw para makapagpalakas pa siya.

Umupo kami ni Den doon sa sofa. Noon ko lang naalala na nandito nga pala si Sander. Kanina pa kasi siya tahimik. Nakapatong 'yung ulo niya sa sandalan, nakaunat ang mga paa sa sahig at nakapikit ang mga mata. Maybe, he was resting?

Nasa kabilang dulo kami ng sofa ni Den. Nasa loob ako ng braso niya habang nakasandal 'yung ulo ko sa kurba ng leeg niya. "Are you cold?" bulong niya sa tainga ko.

Umiling ako. Pumikit ako at niyakap 'yung katawan niya. He hugged me closer, too. Na-miss kong maging ganitong kalapit sa kanya.

"Anong oras na ba?"

Bumukas 'yung mga mata ko dahil sa boses na narinig ko. I looked to my side and found him scratching his neck. For the first after an hour or so, nagsalita ulit siya.

Tiningnan ni Seth 'yung wristwatch niya. "8:30 PM. Bakit?"

"Ah shit," he silently cursed. Tumayo si Sander at nag-inat. "Nakalimutan ko."

"Is your head okay?" tanong ni Den.

Ngumisi si Sander sa kanya habang nilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. "Now, you're being all mushy to me?"

Vex and Seth snorted. Ngumisi naman si Den sa kanya. "You're fucking fine. I felt stupid for asking."

"Ang masamang damo, matagal mamatay."Hinagod ni Sander ng kamay 'yung buhok niya. "Lalo na kung gwapo ka."

I rolled my eyes at him. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kahanginan niya. Kahit kailan talaga siya.

Paalis na sana siya noong nagsalita ako. "Saan ka pupunta?"

He stopped, dead on his tracks. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumingon siya sa'kin. He smirked. "Date." Then he went to the door and disappeared outside the room.

Tumawa si Vex at Seth habang si Den naman ay napailing dito sa tabi ko. Date? Nang gabi? Ano naman kayang klaseng date 'yon? I rolled my eyes again. Parang ayoko nang isipin pa.

"Mukhang maghahanap na naman ng chicks si Sander," natatawang pahayag ni Vex.

"Oo nga. Naku, papatos na naman 'yon," pagsang-ayon naman ni Seth.

See? Kahit kailan talaga, napakababaero---

"No." Huminto sa pagtawa sina Vex at Seth. Napalingon naman ako kay Den. Anong ibig sabihin niya?

He looked at us. "He won't be going on a date. I know."

Kumunot 'yung noo ni Seth. "Paano mo naman nasabi, Master?"

Itinaas ni Den 'yung parehong braso niya. Nilagay niya ang mga 'yon sa sandalan at ipinatong doon ang ulo niya. "If he's going on a date, he'll tell me."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. I tried to meet his eyes pero nanatili iyong nakatingin sa itaas, sa kisame. At hindi ko masyadong inaasahan ang susunod na sinabi niya.

"He'll tell me," Den said again. "Because I'm his best friend."

Hindi na kami nakasagot pa sa sinabing iyon ni Den. Lumipas ang sandali bago siya muling nagsalita. "What happened to him when I was gone?"

Napatingin si Vex at Seth sa kanya. "Wala naman," Vex said as he leaned on the wall. "Wala siyang sinasabi sa'min. And he didn't act weird either."

"You mean," umpisa ni Seth, "he was having a problem?"

"I think so,"sagot naman ni Den.

"Ano naman kayang problema 'yon?"

Pero imbis na sagutin ni Den si Vex ay nanatili siyang tahimik. Ibinaba ko 'yung tingin ko doon sa mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko. I played with my fingers.

May problema si Sander? Ano naman kaya 'yung problema niya? Wala naman siyang sinasabi sa'min. He was also his usual self kanina. He even managed to boast about his looks!

But there was definitely wrong with him.

Tahimik siya buong oras kanina. Whichwas very unlikely of him. Hindi ko alam kung dahil ba pinilit namin siyang magpahinga kanina o kung dahil ba sumasakit parin 'yung ulo niya.

"Angel?" Naputol 'yung pag-iisip ko noong tinawag ni Den 'yung pangalan ko. He was looking down at me.

"Hmm?"

"Are you okay? Is something bothering you?"

"W-Wala naman." Bumalik 'yung atensyon ko doon sa mga kamay ko. "Sa tingin mo saan pumunta si Sander?"

I felt his body moved a fraction. Napatingin ako sa kanya at nagtama 'yung tingin naming dalawa. Parang may tinatanong siya sa pamamagitan ng mga titig niya. Bumilis ng konti ang tibok ng puso ko. Pero bakit?

"Why did you ask?" he said silently.

I shrugged. "Curiosity?" Maybe medyo weird nga 'yung ginawang pagtatanong ko. Ito kasi siguro 'yung first time na nagpakita ako ng interes sa ginagawa ni Sander. Pero ano naman ang masama? He was our friend.

Den puckered his lips for a second. "If he has a problem, then he's probably in a bar or club."

"What?" medyo gulat na tanong ko. Hindi naman sa nagulat talaga ko no'ng nalaman kong nasa bar or club si Sander. If I know, baka nga do'n na siya natutulog eh. Ang ikinagulat ko lang, why now? Bakit ngayon pang hindi maganda ang kalagayan ni Sam?

Den gave me a lopsided smile. "If he's pissed about something, then he's probably drinking his ass off."

If he was pissed about something? Saan naman siya maiinis? Were we just thinking too hard? Baka naman makikipag-date talaga siya? We should be out of his business kung ayaw niya kaming ma-involve do'n, 'di ba?

"Ah." I nodded my head a little. I don't know. But I have this nagging feeling na parang may idea na ko tungkol do'n sa problema ni Sander. And somehow, it worried me.

 ---

[A/N]:

Hmm... tama kaya yung hinala ni Master about kay Sander? ;)

I'm going back to Manila tomorrow (Jan. 4, 2015). Aww. Haha. Gonna miss Nueva Ecija so much again. :3

~Nikkidoo

Continue Reading

You'll Also Like

258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
656K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...