Whelve | Ricci Rivero

By Donutooo

11K 499 1.4K

Whelve - to bury something deep; to hide. Rafaela Sollano meets Ricci Rivero in a very unexpected way, he sav... More

Whelve • 1
Whelve • 2
Whelve • 3
Whelve • 4
Whelve • 5
Whelve • 6
Whelve • 7
Whelve • 8
Whelve • 9
Whelve • 10
Whelve • 11
Whelve • 13
Whelve • 14
Whelve • 15
Whelve • 16
Whelve • 17
Whelve • 18
Whelve • 19
Whelve • 20
Whelve • 21
Whelve • 22

Whelve • 12

471 24 37
By Donutooo

~ Rafaela ~







"Baka naman gusto mo ichika yung ngyare nung pag alis ko mars" Sabi ko kay Christiana na ngayon ay imbis nag babasa ng libro naka tutok na sa cellphone at may katext.







"Wala naman ngyare masyado chill lang"







"Sure ka?" Tanong ko at agad siyang tumango sabay tawa habang may binabasa sa phone niya, napairap ako at dinekwat ko sakanya yung phone niya which cause her to jump in surprise. Since mas matangkad ako sakanya tumayo ako sa desk at tinidnan ko yung phone niya.







"Uy balik mo na huhu" Pag mamakaawa ni Christiana habang sinusubukan abutin yung phone niya, i smirked at her as soon as i saw the name and she pouted. "Sige na i'll make kwento na"







"Bakit mo ka-text si Koko Kalbo?"







"He texted me first!" Mabilis niyang sinabi at agad namula ang pisnge niya mukang nahihiya na siya kaya binalik ko na sakanya yung phone niya and she sighed in relief. "He asked for my number and after the party hinatid niya ako sa dorm ko and ayun na hanggang ngayon mag ka-text parin kami"







"MU na kayo?"







"Baliw ka Rafa" She hissed and her cheeks are red from embarrassment making me laugh even more. "A girl named Georgia came though" Agad akong tumigil sa pagkakatawa at naging seryoso ang anyo ko, i clasped my hands together as i look at Christiana. "May kasama siyang friends and nilapitan nila si Ricci tapos buong gabi nakadikit siya sa admirer mo"







"Gaga hindi nga si Ricci yung admirer ko mars" Sabi ko and she shrugged and continue to type on her phone while i think of Ricci and Georgia, hindi niya nasabi sakin yung kahapon nung pumunta siya sa bahay. Kaya pala ang harot harot niya sakin kahapon kase may atraso siya. "Anong ginagawa nila?" Tanong ko.







"Mukang masaya naman yung Georgia tapos kinakausap naman siya ni Ricci tapos nung bago umalis yung girl kiniss siya ni Ricci sa cheek" Sabi niya at agad kumunot ang noo ko sa inis, ang lakas ng loob ni Ricci na nakawan ako ng halik kahapon eh hinalikan niya pala yung fiance niya sa cheek! "Maganda yung girl, mas bet ko yung kesa dun sa pbb girl"







"Sasapakin ko talaga yung kumag na yo-"







"Special delivery!" That cut me off and made me and Christiana turn our head behind us, si James lang pala at may dala itong Mcdo. "From you know who" Sabi niya sabay lapag ng paper bag sa desk ko at kindat. "He also said check your phone" And with that he left.







"Kay Ricci galing yan no?" Tanong ni Christiana, nag kibit balikat lang ako dahil chineck ko na yung phone ko like James said.







Ricci 'kumag' Rivero

iMessage.


Ricci:

Kainin mo yan okay?
Sixto said hindi ka nanaman
kumain tsk pasaway mo
talaga, kiss kita dyan eh.

Rafaela:

ulol mo gago wag mo
na ako itetext bwisit ka!







Hindi ko na inintay ang reply niya agad ko ng pinatay ang phone ko at nilagay sa loob ng bag ko, tinidnan ko yung paper bag sa lamesa ko habang nag iisip ng mabuti kung kakainin ko ba to o hindi. Sakanya lang naman ako galit hindi sa pagkain kaya bahala siya dyan kakainin ko to.







The whole day Ricci keeps texting and calling me pero hindi ko ito pinapansin, inis parin ako sakanya hinfi dahil sa nag seselos ako okay? Hindi ako nag seselos mag sama pa sila nung chinita niyang Fiance na yun at yung langit niya, SS sakanilang tatlo mga bwisit.







Nag lalakad na ako papuntang parking dahil for the first time pinayagan ako ni Sergio na gamitin ang sasakyan ni Papa, wala kase nakapag hatid sakin kanina kaya wala silang choice na ipagamit sakin ito. Nakita ko na yung kotse sa hindi kalayuan kaya binilisan ko yung paglalakad, abot kamay ko na sana yung sasakyan pero may humatak sakin.







"Kike!" Sigaw ko sa gulat sabay tingin sa humatak sakin, para bang automatic ng batukan ko yung nakita ko at nag reklamo ito sa sakit pero hindi parin ako nakuntento kaya sinabunutan ko din ito. "Subukan mo ulit na gulatin ako ng ganun Ricci sisiguraduhin kong magiging panot ka!"







"Grabe ka naman sakin gusto ko lang naman ikaw i-surprise" Sabi niya habang hinihimas yung parte ng ulo niya kung saan ko siya sinabunutan, kahit na sinaktan ko siya nakangiti parin siya sakin kaya imbis na mainis ako sakanya sa sarili ko ako nainis dahil ang cute niya.







"Ewan ko sayo Ricci, i cant wait for this contract to end"







"Huh bakit naman?" Naguguluhan niyang tanong, napairap ako sabay iwas ng tingin. "Kala ko goods na tayo?" Tanong niya ulit.







"Gusto ko na matapos yung contract para mawalan na ako ng rason kausapin ka" Walang emosyon kong sinabi at hindi parin ako naka tingin sakanya. "Hindi tayo goods Ricci, i was just being nice to you"







"Sus hindi mo ako maloloko, alam ko naman na gusto mo din ako kahit i-deny mo pa yan Faela"







"Galeng, mang huhula ka naman pala pero mag seminar ka muna dahil mali yung hula mo pare" Sabi ko sabay tingin sakanya, he has his brows furrowed while looking at me. "Goodluck" I patted his shoulder at agad akong sumakay sa sasakyan at hindi na ako nag sayang ng oras, i started the engine and drive away from there.







Tamang drive lang ako with no destination, ayoko pang umuwi at hindi ko din alam kung saan ako pupunta. I decided to call Juan since siya lang naman yung parang bff ko sa UPMBT at siya din yung nakakaalam ng totoong sitwasyon ko, dalawang ring lang at agad niyang sinagot yung tawag.







"Hi Uno!"







[What's up Rafa!]







"Saan ka?" Tanong ko, spineaker ko yung call dahil baka mabangga ko yung kotse at malintikan na talaga ako kay Papa at lalo na kay Sergio.







[We ended early today, asa Area 2 ako and pauwi na din ako after i finish eating]







"Patambay sainyo if okay lang? Ayoko pa kase umuwi and may need din akong ichika sayo, its about Ricci"







[Sure sure, basta mag pa-pizza ka]







"Ilan ba? Okay naba five boxes ng Yellow Cab sayo?" Biro ko, i heard him laugh kaya natawa na din ako.







[Galante naman pero hindi ako aayaw dyan, i love Yellow Cab]







"Sige bili na ako now, text me the address nalang"







[Ayun oh, sige i'll text it now]







After that i ended the call at sa may Tomas pa ako naka bili ng Yellow cab, bumili din ako ng tatlong 1.5 na coke and dumiretso na ako sa address na sinend ni Juan, nakapunta naman na ako sa Ferndale dahil i have classmates who live there before kaya hindi na ako naligaw, i parked the car in front of a huge house.







Its my first time seeing the GDL's House and im impress, ang ganda ng bahay nila and i look around. Lahat ng bahay dito maganda pati narin yung katapat ng bahay nila, i texted Juan na andito na ako and within a minute agad siyang lumitaw at ang ganda ng ngiti niya dahil alam niyang may dala akong pizza.







"Naks talagang bumili at may pa coke pa, sorry Gatorade lang kami" Sabi niya with a playful smug look, tinawanan ko siya at umiling ako.







"Tigilan mo ako sa pagiging endorser mo, iinumin mo yang coke na dala ko sa ayaw at sa gusto mo" Sabi ko and we both laugh, ako nag dala ng soft drinks while si Juan naman sa mga pizza boxes.







Kung anong kinaganda sa labas ng bahay nila yun din ang mas kinaganda ng sa loob, my eyes widen ng makita yung piano nila malapit sa hagdanan. I glance at Juan and he saw me staring at the piano kaya tinaasan niya ako ng kilay, i quickly look away and place the drinks on the table.







"You play?" Tanong niya.







"Konti lang" Sabi ko, he smiled and nodded.







"Jordi can also play"







"Hoy ano yan? I heard my name" I turn around and saw Juan's brother shirtless at ng makita niya ako agad siyang tumakbo palayo. "What the hell kuya Juan, why didn't you tell me na you have a visitor pala" Natawa kami ni Juan sa tono ng boses ni Jordi, after a few seconds he came back and this time he is wearing a shirt.







"Hello Jordi" Bati ko, he smiled and his eyes shifted to the pizza boxes. "Tara kain"







"Wait are guys dating? I mean siya yung kasama mo nung pumunta ng UPIS right? And now she's here in our house soo..."







"We're not dating Jords" Juan said kaso parang hindi mukang naniniwala si Jordi kaya ako na ang nag salita.







"We're not dating swear, Juan is like my bff and he knows my prob about my love life kaya nga im here eh, to make kwento nanaman" Sabi ko and he finally nods his head and grab a slice of New York's Best.







"Alright, imma grab a few slices then i'll leave you two to talk" Sabi ni Jordi and i just smile while i watch him grab tons of slices of pizza, iba din ang 'few' nitong batang to. "Thanks for the pizza Ate Rafa, see you around i hope you bring pizza again!"







"Sure see ya!" Habol ko dahil nakaakyat na siya sa hagdanan leaving me and Juan. "I have a serious chika" Agad kong sinabi at tumawa naman si Juan.







"Fire away"







"Ricci confessed that he likes me" Mabilis kong sinabi, nag titigan kami ni Juan na para bang tumigil ang oras dahil tumigil talaga siya sa pag chew at pati pag galaw. "And he kissed me the night of Jaydee's birthday party"







"Dangggg, i told you he likes you!" Sabi ni Juan at napairap naman ako dahil tuwang tuwa siya. "Sabi ko naman sayo eh"







"Pumunta siya sa bahay kahapon and we spend the whole afternoon together at ang landi niya sakin tapos kanina sabi ni Christiana dumating daw yung Georgia after kong umalis nung gabing yun and Ricci kissed her cheek"







"Okay? So the problem here is that you're jealous?" Tanong niya, hindi ako naka sagot agad kaya nag smirk sakin si Juan. "You're so jealous of Ricci's fiance"







"Baliw hindi!" Sabi ko, tumawa ito ng malakas kaya lalo akong nainis pero wala naman akong magawa dahil ayoko naman mag mukang pikon. "Its just that sabi niya gusto niya ako tapos malalaman ko he's kissing his fiance, hindi na ako magugulat kung pati yung langit halikan niya sa cheek"







"Sa cheek lang naman, bakit saan ka ba niya kiniss?" He asked, napaiwas ako ng tingin at naramdaman kong uminit ang pisnge ko dahil nahihiya akong sabihin.







"Sa lips"







"Oh sa lips ka naman pala kiniss eh tapos sa cheek lang ni Ricci kiniss yung Fiance niya" Sabi niya na para bang walang mali don. "I really dont see any problem here Rafa, he confessed his feelings and he kissed you on the lips and he spends the whole afternoon with you so i can see that Ricci is serious with you"







"Hindi ko na alam ugh" I sighed in defeat, pinikit ko ang mga mata ko habang naka takip ang isang braso ko sa eyes ko then i heard a camera click. "Hoy Juan subukan mong ipost yan FO tayo"







"Oops too late for that" Sabi niya kaya napatingin ako agad sakanya and he hides his phone from me. "Alam mo ikain mo nalang yan and i heard magaling ka daw sa 2k kaya patunayan mo"







"Nako wag mo ako hamunin Uno baka umiyak ka lang pag natalo kita" Sabi ko, he smirked at me and cross his arms over his chest. I narrowed my eyes at him and we had a staring contest until he said,







"Wanna bet?"







* * *







"Saan ka galing? 8:38 pm na po madam!" Bumangad ni Sixto, kakapasok ko palang sa bahay tapos naka abang na agad siya sakin sa pinto amp.







"Chill bro, tumambay lang ako sa bahay ng bff ko" Sabi ko, i walk pass him and he grab my arm making me look at him while my brows scrunch in confusion, Sixto looks weird.







"Tsk, umakyat kana sa kwarto mo" Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya, i rolled my eyes dahil ang weird niya talaga kahit kelan.







4 hours straught kami nag laro ni Juan ng 2k at dinurog ko siya, sa sobrang hindi niya tanggap yung pagkatalo niya, niyaya ba naman ako ng one on one ampota. Sa ps4 lang ako magaling mag bball hindi sa totoong buhay abnormal talaga yung kulot na yon.







Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at napa sigaw ako sa gulat sa nakita ko, agad ko itong nilapitan at tinidnan ng masama. Ang sarap ng higa niya sa kama ko at talagang naka kumot pa siya saka yakap yung favorite kong pillow, lakas talaga nito oh sarap kurugan.







"Hoy gumising ka dyan" Sabi ko habang inaalog siya, his eyes shot open after a few seconds at ng mag tama ang tingin namin pinantayan nito ang masama kong tingin, kumunot ang noo ko lalo dahil bakit siya galit? "Anong ginagawa mo dito Ricci?"







"Ang tanong, bakit ka asa bahay ng mga Gómez de Liaño?"







"Pake mo ba?" Inis kong sinabi, inirapan ako nito sabay upo at sandal sa headboard. Hindi na ako mag tataka kung pano niya nalaman na andun ako, stinory ako ni Juan eh. "Seryoso kase ano bang ginagawa mo dito?"







"Bakit ka galit?"







"Tanong mo sa fiance mo" Sabi ko sabay lakad palayo at umupo ako sa harap ng vanity ko. "Diba kiniss mo siya nung birthday ni Jaydee"







"Nang dahil don pumunta ka sa bahay nila Juan para pag selosin ako? Real mature Rafaela" Sabi niya at alam kong seryoso at galit na siya dahil tinawag na niya ako ng Rafaela.







"Hindi po ako pumunta sa bahay nila Juan para po pag selosin ka, hindi nga pumasok sa isip ko yun my ghad! We're just friends and stop being malicious Ricci"







"Im was jealous okay?" Inis niyang sinabi, nilingon ko siya at diretso siyang nakatingin sa study table ko and i followed his gaze at napalunok nalang ako. "At hindi mo man lang sinabi na nag yoyosi ka"







"Ano asa rules naba ngayon na sabihin lahat sayo ng ginagawa ko sa buhay ko? And can you stop breathing down my neck, ang annoying na swear" I retorted and because of that Ricci shufted his gaze at me and my sarcastic self was gone in a snap, tumayo siya at dahan dahan lumapit sakin at tumigil sa harap ko. Hindi mabasa ang itsura niya kaya medyo kinabahan na ako.







"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin lahat sorry akin, and you're right sana nga matapos na tong contract na to para wala na tayong rason para mag usap pa" Malamig niyang sinabi, sa sobrang lamig tumaas lahat ng balahibo ko sa braso dahil hindi lang ang boses niya ang malamig, pati narin ang kaniyang mata. "Dont worry after this contract you wont see me ever again Rafaela"







Pinanood ko siyang umalis that night and after he left para bang ang gloomy na ng mundo ko bigla and i dont know why. The last time i saw him was last month and we still have one more month to go before the contract expires and i hate to say this but after that night i kinda realize a lot of stuff.







I was a complete bitch to him, sa sobrang inis ko sakanya hindi ko na napansin na nasasaktan ko na pala siya. Ayoko man amini pero namiss ko yung mga pag aasar niya sakin sa personal at sa text, nawala lahat yon after that night. Nawala nanaman siya parang bula, akalain mo yun same school na nga kami pero hindi ko pa siya nahahagilap parang iniwasan niya na talaga ako at kasalanan ko yun.







Tamang tago ako sa parking habang nag yoyosi ngayon, bawal kase ditopero dahil nastrestress ako ngayon sa plates ko kailangan ko to. For the past few days napapadalas ang pag yosi ko, i mean nakakaubos ako ng isang kaha sa isang araw katulad kahapon kaso buong gabi naman ako minonitor ng mga kapatid ko.







With the last hit tinapon ko na ito and i made sure na tinapakan ko, nag spray ako ng alcohol while i head to my next class. Napatingin ako sa paligid ko and then i saw Christiana and Kobe, they are talking with wide smiles kaya napangiti din ako. Hindi ko na sila nilapitan dahil ayoko naman silang istorbuhin, i continue walking and then i saw him.







He has his back face to me at kahit hindi siya humarap alam kong siya yan, syempre dahil sa bag niya lol. Napakamot ako ng ulo dahil nakatayo sila nung kausap niya sa dadaanan ko, ayokong makita niya ako at ayoko din makita muka niya kaso wala akong choice. Dahan dahan akong lumapit at naaninag ko ang kausap niya kaya natigil ako sa pag lalakad.







Georgia.







After that night madalas kong nakikita sa story niya si Georgia at nag lay low yung kay langit, kamusta na kaya yon? char. Hindi ko alam kung anong meron sakanila ni Georgia ngayon pero i can tell na matutuloy ang kasal nila dahil nag kakamabutihan sila, ayos yan.







"Hi Rafaela!" Her voice snapped me off my thoughts, agad akong napatingin sakanya at ang ganda ng ngiti sakin ni girl. Ngiting tagumpay kung baga, hindi ko napigilan tidnan siya and once our eyes met my heart ached. "Dito ka din pala nag aaral"







"Ah oo, sige una na ako" Sabi ko at lalagpasan ko na sana sila kaso nag salita ulit yung impakta.







"What's with the rush?"







"Im kinda late for my class so" Sabi ko and she smirked at me, ewan ko ba ditong sa babaeng to ang hilig sa eksena.







"I just want to say na tuloy ang kasal namin ni Ricci kaya you can back off now" Georgia said sweetly, i glance at Ricci and he is looking straight at me with no emotion.







"Ay we? Congrats sayo"







"Bakit sakin lang? You should congratulate your ex as well" She said and smiled wickedly at me, this bitch talaga kala niya siguro hindi ko siya kayang tapatan.







"Sayo lang kase ikaw lang naman may gusto but hey, at least pumayag na siya diba? Nice one!" Pang asar ko and i heard Ricci laugh and he quickly mask it with a cough, by now ang sama na ng tingin sakin ni Georgia at mag sasalita pa sana siya kaso inunahan ko ulit siya. "Una na ako, busy kase ako ih" And with that i left.







So tama nga ako, tuloy ang kasal nila. Lahat ng saya sa pag kakabara ko kay Georgia nawala at napalitan ng lungkot, nawalan ako ng gana pumasok na sa next class ko kaya i ditched it and head straight to parking lot, buti nalang wala na sila dun kung saan ko sila nakita. I still drive Papa's car skl.







Sumandal ako sa kotse and i find myself lighting another cigarette, i took a hit while thinking of him. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng toyo meron si Ricci, he dragged me into his mess and now i dont know how to get out. The whole purpose why we're into this fake relationship is to get Georgia and his parents off his back ans also to stop the wedding pero in the end matutuloy din pala.







Ano to nag sayang lang kami ng oras? Or he just played me because he knows i cant say no and i always want to help, did he took advantage of me? Hindi ko na talaga alam iisipin ngayon. Aamin amin siya na may gusto siya sakin tapos ganto? Hays ewan ko ba sayo Ricci Rivero.







* * *







"Shot mo na Rafa" Sabi ni Denise sabay abot ng shot glass sakin na puno ng cuervo.







"Wala talaga akong gana uminom ngayon Dee"







"Dont be a party pooper Rafa just one shot!" She yelled through the music, asa Xylo kami ngayon and its just a regular Friday Night. Kasama ko ngayon ang highschool friends ko and yes, that includes Jules, Scarlet and Micheal and his friends.







"Hey are you okay? You look like that ever since we got here" Sabi ni Micheal, nakaupo siya sa tabi ko ngayon and his smile is very comforting as always. "Do you want to talk about it?"







"Im jusy tired pero im okay, give me that" Sabi ko sabay kuha ng shot glass kay Denise, i took the shot and close my eyes because it was strong as fuck but it felt good like i deserve that shot. "Gago i miss you Dee" Sabi ko and she smiled and hugged me, i smiled at Micheal as well and pull him too for a hug.







"Enough with the sappy shit, let's drink!" Draco said, nag cheers kami lahat and i decided to let everything that's bothering me go. Tonight i will have fun and not think of him, bahala na bukas at sana lang hindi ganon kalala ang magiging hangover ko bukas sa dami ng iinomin ko ngayon.







Hours past of us drinking here and i manage to stay normal, hindi ako nag likot kaya hindi ako wasted ngayon habang si Scarlet naman ang harot na kay Yukie, si Denise at Jules asa dance floor nag papakabaliw habang si Draco naman tamang bantay lang sa likod nung dalawa baka kase may mang bastos.







"How's Areneyow?" Tanong ko kay Micheal, he kept me company and im thankful for that. Tumawa siya and i smiled while watching him laugh, ang gwapp niya talaga.







"Well things are great for me, i gor into the team like i said before and there's this girl and she's taking med"







"And you like her" Dagdag ko, tumango siya and that made my smile wider. "Oh bakit ganyan itsura mo?"







"Well she kinda has a thing for my teammate"







"Pano ka nakakasiguro?" Tanong ko and i raise my brows at him, he shrugs and took a sip from his drink.







"I just know, the way she look at him and that's my answer" Malungkot niyang sinabi pero ngumiti parin siya. "I always have a thing for girls who already likes other guys, sucks to be me"







"Hey dont say that, meron babae dyan na para sayo pero hindi mo lang pa nakikilala" I told him and he just shrugged. "Seryoso kase Mike"







"Maybe, maybe not i dont really care Rafa, what matters to me now is the present not the future because my future self got me" Sabi niya then he looks at me straight in the eyes. "I gotta take risks now because you never know what's gonna happen if you dont try" His words got me.







"Yosi lang ako" Sabi ko, hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya umalis ako agad dala dala ang purse ko at dumiretso ako sa smoking area. Wala sa sarili kong sinindihan ang sigarilyo ko at napa sandal ako sa pader dahil ngayon ko lang naramdaman yung alak.







Nakatitig ako ngayon sa sahig habang iniisip ang mga sinabi ni Micheal, wala naman yon connect sakin pero bakit parang meron? Is it me who's holding back between me and Ricci? I found myself clicking call and waited for him to pick up.







[Why are you calling? Its already 2 am]







"I know i've been a bitch to you pero hindi ko mapigilan sirili ko eh and hindi ko din alam, kung inis ka sakin inis din ako sa sarili ko dahil ano....basta inis ako punyeta naman" I rambled, napaupo ako sa sahig and i took another hit.







[Wait, are drunk? Where are you?]







"Its doesn't matter, i called because i want to apologize to you" Sabi ko, i took a deep breath and close my eyes. "Im sorry for everything and im sorry dahil you had to meet someone like me, pero wag ka mag alala in just a few more days matatapos na yung kontrata natin kaya you wont deal with me anymore"







[Please stop crying and tell me where you are]







"No, i dont want you to know kung asan ako ngayon and i have to tell you something while im still intoxicated because if im sober im sure hindi ko ito masasabi sayo"







[Tell me]







"I think i kinda like you too Ricci" I breathe out and all i can hear from the other line is him breathim heavy, i close my eyes and toss the cigarette away. "No scratch that, i like you Ricci Rivero and i wish things were different, that's all goodby-"







[Things can be different so stop crying because i already know where you are and im on my way to get you]







"Wait, pano mo nalaman? Hoy teka lang" Agad kong sinabi at pinilit kong tumayo pero hindi ko na kaya dahil lasing na nga talaga ako. "Hoy joke lang yung sinabi ko" Pahabol ko, my brows furrowed when i heard him chuckle.







[You do know that drunk people are more honest Faela]







VOTE & COMMENT :)

OTHER STORIES!!!

Elysian | Jordi Gómez de Liaño

Summer | Kobe Paras

Different Leagues | Ricci Rivero

Continue Reading

You'll Also Like

838K 51.4K 116
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1.1M 19K 44
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
159K 7.3K 28
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
1M 38.6K 90
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...