We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Thirteen

29 1 0
By sooftiec

“Yuan! Xiantel!”

Pagpasok pa lang namin sa main door ng bahay nila Yuan ay sinalubong na agad kami ni Tita Miranda, or should I say, Mom. “Xiantel iha, you always look beautiful.” pambobola niya sa akin bago humalik sa pisngi ko.

“Ako ba Mom? Wala ka bang masasabi sa itsura ko?” nakangusong tanong ni Yuan sa ina. “Oo na anak, alam ko naman na araw araw kang gwapo.” natatawang singhal niya sa anak.

“I know Mom, I know.” ngumisi si Yuan.

“Nandito na ba sila?”

Napalingon kami sa hagdanan ng bahay. “Oh, ang mga anak ko.” nakangiting bati sa amin ni Tito Jason, ang Dad ni Yuan. “Napakaganda niyong tignan kapag magkasama.” tumingin siya magkahawak naming kamay.

“Ang sweet ko Dad, di'ba?” tinaas ni Yuan ang kamay naming magkahawak. “Oo anak, talo mo pa ama mo.” natawa ito.

“Magdadaldalan na lang ba kayo diyan?”

Napahigpit ang pagkaka-hawak ko sa kamay ni Yuan. Shit. He's here.

“Grandpa.” lumapit si Yuan sa Lolo niya at nagmano. At dahil magkahawak kami ng kamay, nahila din ako kaya naman nagmano na lang din ako kay Grandpa. “Mabuti naman at nakarating na kayo.” seryoso niyang saad bago ngumiti ng kaunti. “Tara na kumain?” tanong nito bago nagpaunang maglakad palapit sa dining area.

“Let's eat.” nakangiting saad ng Mom ni Yuan. Tumango naman kaming dalawa bago sumunod sa kanila sa dining area.

“Kamusta kayong dalawa?” tanong ni Grandpa sa amin pag-upo pa lang namin sa upuan. “Maayos naman po kami, Grandpa.” sagot sa kanya ni Yuan.

“Hmm. Maayos naman ba ang pag aaral niyo?”

“Opo.” pareho naming sagot ni Yuan.

“That's good to know.” ngumiti siya bago nagsimulang kumain. “Xiantel.”

Medyo napatigil ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Simpleng banggit lang 'yon pero feeling ko ay natahimik ang lahat dahil doon. “Po?” pilit kong pinakalma ang boses ko.

“How are you, iha?” casual na tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako, “Maayos naman po ako, Grandpa.” sagot ko sa kanya.

“Ikaw naman apo?” tumingin ito kay Yuan. “Kamusta ka?”

“I'm doing good po.” nakangiting sagot niya sa Lolo niya.

“Nakakatuwang malaman 'yan.” ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor bago pasiring na tumingin sa amin. “Hindi ba't 19 years ka na, Yuan?” bigla siyang nagtanong.

“Yes, Grandpa.” sagot sa kanya ni Yuan. “Ikaw naman Xiantel, 18 years old ka na, am I right?” tanong niya naman sa akin. Dahan dagan akong tumango.

“Oh.” napahawak siya sa baba niya habang nakatuon ang parehong siko sa lamesa, “Kung gano'n ay nasa tamang edad na pala kayo.” pormal niyang saad sa amin. “Sa tingin ko ay malaki na kayo para makapag-desisyon ng naaayon sa kagustuhan niyo.”

“Papa.” biglang nagsalita ang Mom ni Yuan. “Ano bang sinasabi niyo sa mga bata?” nagtatakang tanong nito. “Hindi ba't napag-usapan na natin 'to?”

“Nasa tamang edad na sila, Miranda.”

“Pero Pa—”

“Ayokong marinig ang opinyon mo.”

Medyo nagulat ako ng marinig ang tono ng pagsasalita niya. “Pinagbigyan ko na kayo noon, Miranda. Hindi na ako papayag ngayon.” tumingin sa amin si Grandpa ng seryoso.

“Pa.” si Dad naman ang nagsalita. “Miranda's right. Hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kanila ang tungkol sa bagay na 'yan.”

Ha?

Nagkatinginan kami ni Yuan.

Ano ba'ng mga sinasabi nila?

“Mom? Dad? Anong sinasabi niyo?” sa wakas ay nagtanong na din si Yuan sa kanila.

“Yuan—”

“Nothing.” nagulat kami ng biglang tumayo ang Mom niya sa upuan. “Umuwi na kayo sa bahay niyo ngayon, may importante kaming pag-uusapan ng Lolo niyo.” hindi mapigilang kabahan dahil sa tono ng boses niya.

“Miranda!”

Shit.

Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang sigaw ni Grandpa.

“Huwag mo silang paalisin. Kinakausap ka pa si—”

“Umalis na kayo dito.” tumingin sa amin si Mom.

“Mom—”

“Saka na tayo mag-usap Yuan. Ang gusto ko ngayon ay umuwi na kayo.”

“But Mo—”

“Yuan, please.”

Napabuntong hininga na lang si Yuan bago tumayo sa upuan niya. “Let's go, hon.” hinila niya ang kamay ko patayo kaya hindi na ako naka-angal pa. Habang naglalakad kami palayo sa dining area ay napatingin ako kay Grandpa—

Shit.

B-Bakit ang sama ng tingin niya sa'kin?

“Mag iingat kayo.” rinig kong mahinahon na paalala ni Dad sa amin. Tumango naman kami sa kanya bago mabilis na lumabas ng main door. “Y-Yuan—” napatigil ako sa pagsasalita. Bigla kong naalala ang tingin ng Grandpa niya sa akin kanina. Damn. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol doon?

“Xiantel?”

“Y-Yes?” napatingin ako kay Yuan. “You were saying something?” tanong niya sa akin.

“A-Ah.” napatungo ako. “I-I'm...” nangapa ako ng sasabihin, “...hungry.” tumingin ako sa kanya. “Saan tayo kakain ngayon?” nakangiti kong tanong sa kanya. “Sa labas ba? O sa bahay?”

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. “Saan mo ba gusto?” seryoso niyang tanong.

“Uhm.” lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. “Sa labas na lang, hon.” ngumiti ako sa kanya, “Tapos manonood tayo ng movie! Maaga pa naman di'ba?” tumingin ako sa wristwatch ko.

“Tch.” hindi niya napigilan ang ngumiti. “I really love how you lighten up my mood, hon.” inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ang noo ko.

“Alright.” ngumiti siya, ang gwapo. “Let's watch a movie together.”

“Hiking?” rinig kong bulong ni Pearl habang nakikinig sa teacher. “Pati pala sa senior high ay may ganyan?” napairap siya sa hangin. “Hindi naman na tayo bata.” maarte nitong dagdag.

“Duh! Para sa bata lang ba hiking?” singhal naman sa kanya ni Alyana. “Tama nga lang na ngayon tayo mag hiking eh, alam mo 'yon? Para naman hindi tayo araw araw nasa school, gosh!”

“Tch. Palibhasa'y tamad ka.”

“Hey, tumahimik nga kayo diyan.” utos ko sa dalawa kong kaibigan. Tignan niyo 'tong mga 'to, may teacher na lahat lahat, nagagawa pa ding magdaldalan.

“Ano naman po ang gagawin namin do'n, Ma'am?” tanong ng isa kong kaklase. “We have prepared a lot of exciting games for the students. Ang pagkaka-alala ko ay kapag nanalo kayo do'n ay may prize ata tapos—” napangiti siya, “—may blind date sa ating campus crush na si Yuan?”

“AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!”

“OMG! OMG! SASAMA AKO DIYAN!”

“WAAAAAAAAAAH! TOTOO BA 'YAN MA'AM?!”

WHAT?

Nagulat ako sa sinabi ng teacher. Tama ba ang narinig ko?

“Eh? Nakakatamad pala kung gano'n.” rinig kong reklamo ng isa naming kaklaseng lalaki. Uh, I get his point. Bakit naman sila sasama sa hiking na 'yan kung ganyan lang pala ang mapapala nila. “No, no, no.” ngumiti ang teacher, “Para sa girls lang naman ang prize na 'yon. Pero para sa mga lalaki—”

“Oh, shit! Si Liza Soberano po ba 'yan, Ma'am?” natutuwang tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. “O kaya si Ivana Alawi?” tanong naman ng isa pa.

Eh? Ano daw?

“Hahaha!” napailing ang guro, “Sorry to say this boys, pero nagkakamali kayo.” natatawa nitong saad. “Sa tingin ko ay naghahanap pa ang mga SSG officers ng babaeng magiging prize sa game.”

“Oh? That's cool.” rinig kong bulong ni Lukas. “Aba, pwede na? Surprise pala naman.” sabat naman ng isa pang lalaki.

Ha?

Feeling ko ay wala akong naintindihan sa sinabi ng teacher sa unahan. My God. Nahihibang na ba sila? Bakit naman si Yuan ang gagawin nilang prize sa mga games na 'yan? Grabe. Gagawin lang talaga nila lahat para sumama ang mga estudyante sa nakakatamad na hiking na 'yan.

“Ang cheap naman.” rinig kong bored na saad ni Pearl. Yeah, so cheap. “Anong cheap do'n? Aaaaaaah!” mahinang tumili si Alyana. “This is it! This is it! Eto na ang katuparan ng aking ultimate dream!”

“Syempre, para sa katulad mong patay na patay kay Yuan, exciting ang hiking na 'yan.” napairap si Pearl. “Parang ayoko tuloy sumama.”

“That's all for today class. I hope sumama kayo sa hiking na magaganap this Friday, kapag sumama kayo for sure, marami kayong matututunan.”

“Good bye and thank you, Ma'am!”

Napabuntong hininga na lang ako paglabas ng teacher sa room. What the hell? Alam na kaya ni Yuan ang tungkol dito?

“Sasama ka, Peach?”

Napatingin ako kay Pearl. “I'm not sure.” sagot ko sa kanya. “Why not?” singit ni Lukas sa'min. “Exciting naman ang hiking, di'ba?” tumingin ito kay Alyana.

“Oo naman!” sagot ng kaibigan ko sa kanya. “Parang ngayon pa nga lang ay gusto ko ng pumunta sa Mt. Daraitan!” kinikilig na ani nito.

“Hays.” tumayo si Pearl sa upuan niya. “Tara na lang kumain. Mas gusto ko pa 'yon.” nauna itong maglakad palabas ng room. Tumayo na din kami at naglakad pasunod sa kanya.

“Ah, guys.” biglang nagsalita si Lukas. “I just want to say na malapit na ang birthday ko and, gusto ko kayong imbitahan sa Party na gaganapin sa bahay namin.”

Oh? “Really? Imbitado kami, Lukas?” tanong ni Pearl sa kanya. “Of course.” ngumiti sa amin si Lukas. “Malalapit na kaibigan ko lang naman ang imbitado.”

“Aaaaw! Nakakatuwa naman maisip na imbitado kami sa birthday party mo.” napangiti si Alyana.

“Kailan nga pala ang birthday mo?” tanong ko kay Lukas. “Next next week, Friday.” nakangiti niyang sagot sa akin.

“OMG! Excited na ako!” saad ni Pearl na parang kinikilig pa.

vibrate!

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito.

Message from:
Yuan
- where are you?

Hmm? Bakit naman kaya nagtatanong 'to sa akin ngayon?

Me:
- papunta ng canteen,
why?

Yuan:
- let's talk.

Nangunot ang noo ko dahil sa simpleng text niyang 'yon. Eh? May problema ba siya?

“Yieeeee! Si Peach may ka-text!”

Naibaba ko agad ang cellphone ko ng akmang titingin si Pearl dito. “Oh? Bakit mo itinago? Yiee! Ikaw ha!” sinundot nito ang bewang ko. “Sino 'yan, ha?”

Napaiwas ako ng tingin. “M-My Mom.” sagot ko sa kanya.

“OMG! Si Yuan!” napatingin ako kay Alyana ng bigla siyang sumigaw. Sinundan ko ang tingin niya kaya naman nakita ko si Yuan na naglalakad kasama ang isang babae.

Nanliit ang mga mata ko.

Sino naman 'yang kasama niya?

“Oh my God, oh my God. Nakatingin siya dito.”

Alyana's right. Napatingin si Yuan sa pwesto namin. Pagtama ng paningin namin ay kinausap niya ang katabing babae bago nagsimulang maglakad palapit sa pwesto namin.

“Hala! Papunta siya dito!” rinig kong mahinang tili ni Alyana.

“Xiantel.” pormal na banggit niya sa pangalan ko. “Can we ta—”

“Rico!”

Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang may biglang tumawag sa surname niya. Ah. Ang babaeng kasama niya kanina. “Kilala mo ba 'to?” nagulat ako ng ituro ako ng babae.

“Marga.” seryosong tawag ni Yuan sa babae, “She's not going t—”

“OMG! Pwede na siya, Rico!” bigla itong tumili. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko. “Miss? Pwede ka bang umikot?”

“What?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Ano daw? Umikot?

“Umikot. Isang ikot lang, please?”

“Why?” tanong ko. Bakit naman ako iikot?

“Marga—”

“Aish! Ako na lang ang gagawa, okay?” my eyes widened ng bigla niya akong inikot sa pwesto ko. Medyo nahilo pa ako dahil hindi ko inaasahan ang pag-ikot na ginawa ko.

“Xiantel.” nahawakan agad ako ni Yuan ng muntik na akong matumba. “Oh my God, Rico! Pwede na talaga siya!” nakangiting sigaw ng babae habang nakatingin sa akin. Ha? Ano bang pwede ang sinasabi niya?

“No.” sagot sa kanya ni Yuan, “Humanap na lang tayo ng iba, Marg—”

“What's your name, Miss Pretty?” tanong sa akin no'ng babae. “Xiantel.” wala sa sarili kong sagot. “Xiantel? Xiantel Yana?” tanong nito. Napatango naman ako. How did she know my name?

“Ay! Ikaw pala ang sinasabi ni Pres!” lumingon ito sa mga kaibigan ko. “Pwede bang mahiram muna ang kaibigan niyo?” tanong nito habang nakangiti. Sabay sabay na tumango naman ang mga kaibigan ko. Feeling ko ay wala sa sarili nila ng gawin nila 'yon.

“Marga! No—”

“Tara, Miss Pretty!” hindi na ako naka-angal pa ng hilahin ako ng babae palayo sa mga kaibigan ko. “Pasensya ka na, ha? Wala na kasi kaming oras eh. Kailangan na talaga namin ng babae ngayon.”

“What do you mean?” naguguluhan ko pa ding tanong sa kanya.

“Marga, this is not a good idea.” reklamo ni Yuan na nasa likod namin. Nakasunod siya sa amin habang masama ang tingin sa babaeng humihila sa akin ngayon. “Bakit naman hindi?” tanong ng babae, “She's pretty, Rico. Siya ang hinahanap natin.”

“Argh, no!”

“Yes!”

“Damn.” rinig kong mahinang mura ni Yuan. Eh? What's happening to him?

“Pres!”

Nangunot ang noo ko ng makita ang SSG office room sa harapan ko. What? Bakit kami nandito?

“Marga! Ano? Nakahanap na ba kayo ni Yuan—” napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako. “X-Xiantel Yana?” gulat niyang tanong sa akin.

“Yeah?” patanong ka ding sagot. Gosh. Ano ba kasing ginagawa ko dito?

“OMG! You're so great, Marga!” natutuwa itong napatingin kay Marga. “Sigurado akong maraming lalaki ang sasama ngayon sa hiking dahil kay Xiantel!”

What the—

Oh, shit.

Bakit parang alam ko na kung para saan 'to?

“Chelsea, Marga, no. Hindi siya pwedeng—”

“Miss Xiantel? Pwede ba kaming makahingi ng favor sa'yo?” pinutol ng president ang pagsasalita ni Yuan. “What favor?” tanong ko sa kanya.

“You know.” nahihiya itong tumingin sa akin, “I'm sure narinig mo na ang tungkol sa hiking, tama ba ako?”

Tumango ako sa kanya. “And I'm very sure na alam mo na din ang prize kapag nanalo ang mga estudyante dito.”

Napatingin ako kay Yuan, “Yes, I know.”

“Hmm, right. Si Yuan kasi ang prize para sa babaeng mananalo samantalang—” ngumiti siya sa akin, “—ikaw naman ang prize sa lalaking mananalo sa games.”

Fuck.

Tama ako. Ito ang nais nilang hingin na favor sa akin.

“No.”

Sabay sabay na napatingin kami kay Yuan. “Hindi siya ang magiging prize sa laro.” seryosong saad nito bago hawakan ang kamay ko. “Hahanap ako ng iba, just wait for me here.” he said seriously bago ako hilahin palayo sa mga SSG officers. Narinig ko pa ang sigaw ng dalawang babae pero hindi niya na ito nilingon pa.

Oh.

I think someone is jealous here.

Oh-ow.

Continue Reading

You'll Also Like

8K 896 65
Who said that staying in love for long is easy? Rhea knew for sure that it's hard. Kagaya na lamang nang bigla siyang hiwalayan ng boyfriend niya, sa...
391K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
1.9M 26.6K 75
"...and I fell in love with my bestfriend" | mundongsaging (c) 2012 ALL RIGHTS RESERVED
79.1K 98 1
Castroverde Series 3 Loving Renz Jio Castroverde Renz Jio Castroverde story Renz Jio Castroverde.. Maraming adjectives ang nakalinya sa p...