We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Eleven

25 2 0
By sooftiec


“Grabe Peach, gutom na gutom?”

Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Pearl. Oo, gutom na gutom na ako. Hindi ako nag dinner kaya naman ang takaw takaw ko sa harap ng mga kaibigan ko ngayon.

“Here.” inilapag ni Lukas ang baso ng juice sa harapan ko.

“Thank you.” ngumiti ako sa kanya.

“Hoy guys! Sayaw naman tayo!” rinig kong sigaw ni Alyana sa amin. “Mamaya na Alyana, nakain pa tayo oh.”

“Hmp!” napanguso si Alyana habang nakatingin sa mga estudyanteng nagsasayaw sa gitna ng stage pati na din sa gitna ng gym. Malakas pa din ang tugtog ng speaker ngayon kaya may mga ilan ilang estudyante na nagsasayaw imbes na kumain.

Kakatapos lang mag perform ng mga estudyante kanina kaya naman sinabi na ng emcee na pwede na daw kumain. Habang kumakain ako ay panay pa din ang lingod ko sa paligid. Hinahanap ko kasi Yuan.

“Hoy Xiantel, bakit ba panay ang lingon mo diyan?” napatingin ako kay Alyana. “Nasaan na ba ang partner mo? Hindi ba't ang sabi mo kanina ay makikita na namin siya ngayon?”

Nag iwas ako ng tingin. “Kaya nga hinahanap ko siya.” sagot ko sa kanya.

“OMG! Sino ba kasi 'yon, Peach?!” kinikilig na tanong sa akin ni Pearl.

Hindi naman ako sumagot sa kanya at ngumiti na lang.

“Guys! Tara na kasi! Gusto ko ng sumayaw!” hindi na nakapagpigil si Alyana. Tumayo siya sa harapan namin habang nakahawak sa bewang niya. “Dali! Mamaya na kayo kumain!”

“A-Alyana!”

Hindi na kami naka-angal pa ng bigla niya kaming hilahin papunta sa gitna. Mas lalong lumakas ang tugtog nang makarating kami sa gitna kaya naman sumayaw agad ng parang lasing si Alyana.

“Woaaaaaaah! Party! Party!” parang lasing na sigaw niya habang nagtatatalon pa. Natawa naman kaming tatlo nila Pearl at Lukas bago gumaya sa sayaw niya.

Damn. Bagong kain lang ako ngayon pero heto ako, sayaw ng sayaw na parang tanga.

“Go Xiantel! Ihataw mo 'yan!” hinawakan ni Alyana ang kamay ko at itinaas taas sa ere. Natawa naman ako sa ginawa niya bago gawin ang inuutos niya. Sumayaw lang ako ng sumayaw hanggang sa kaya ko.

“Woaaaaaah!” sigawan namin ng lumakas pa lalo ang tugtog. Halos lahat ng estudyante ay nagsayawan na at wala ng natitirang kumakain. Para kaming mga preso na bagong laya kung sumayaw. Todo kung todo!

“Yeaaaah! Go, Lukas!” malakas na sigaw ni Pearl habang nakatingin kay Lukas. Tumawa naman ito bago sumayaw ng sumayaw.

“Jump! Jump! Jump!” malakas na sigawan ng mga estudyante habang napapatalon habang nakataas ang kamay. Hindi ko maiwasan mapasunod sa ginagawa nila kaya tumalon na lang din ako ng tumalon!

“Woaaaaah!” malakas na sigaw ko habang tumatalon.

“Enjoying your dance, Miss?”

Napalingon ako sa boses na 'yon. “Yuan!” malakas na sigaw ko bago lumapit sa kanya. “Let's dance!” sigaw ko bago hawakan ang kamay niya at itaas habang tumatalon. Natawa naman siya ng mahina bago sumayaw at tumalon habang nakangiti.

“Woaaaah! Jump! Jump!” sigaw namin habang tumatalon. Halos hindi na kami magkaintindihan dahil sa sobrang emosyon na nakaramdam namin ngayon.

Sobrang saya. Walang kapantay na saya.

“Dance! Dance! Dance!” rinig kong sigawan ng mga estudyante.

“Let's dance, hon!” malakas na sigaw ko habang nakatingin kay Yuan. Tumango naman siya sa akin bago hawakan ang kamay ko at sabay kaming sumayaw.

“Are you drunk, Xiantel?”

“No!” sagot ko sa kanya. Tumalon ako ng tumalon kaya naman nahawa siya.

“Pft. Para kang lasing, hon.” natatawa niya saad habang sumasayaw kami.

“OHMYGOD! YUAN!”

Napalayo ako kay Yuan ng biglang may tumulak sa akin palayo sa kanya. Oh, shit.

Napatingin ako sa mga babaeng panay ang sayaw katabi si Yuan. Halos hindi na sila magkaintindihan dahil nag uunahan silang mahawakan si Yuan.

Damn. That's my husband!

“Waaaaaah! Yuan!” rinig kong sigaw ni Alyana bago lumapit sa kanila.

“Patay ang lolo mo.” rinig kong bulong ni Pearl sa amin ni Lukas. Grabe. Anong ginagawa nila kau Yuan?!

Halos hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa dami ng babaeng lumalapit sa kanya.

Oh, God.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila at—

Ha?

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang magbago ang tugtog na inilalabas ng speaker. Mula sa nakaka-enganyong kanta, napalitan ito ng isang mabagal at sweet song. Dahan dahan din nagbago ang nakakahilong ilaw na nanggagaling sa taas, naging madilim ang buong paligid at tanging ang ilaw sa cystal ball light ang nagbibigay liwanag sa gitna ng gym.

Oh. Parang naging dim ang tema ng party ngayon.

This is so—

magical.

♫ Breaking on the ground

Silence all around

Thinking to myself

Never ever wanna be found

Not now ♫

“Miss Xiantel Peach Yana-Rico?”

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Yuan. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa harapan ko. Hindi ko din alam kung paanong—

Napalingon ako sa paligid namin.

W-What?

Nasaan na ang mga babae? Nasaan na ang mga estudyante kanina dito? Bakit parang kami na lang ang natira na nakatayo dito sa gitna ng—

“Mrs Rico, hey, are you there?”

Napatingin ako kay Yuan. “H-Hey.” hindi ko alam kung bakit nauutal ako.

“Hmm.” ngumiti siya sa akin bago lumapit. “Can I—” inilahad niya ang isang kamay sa harapan ko, “—dance with you tonight?” nakangiting tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa kanya.

Napatitig na lang ako dahil hindi ko maipaliwanag ang nakaramdam ko. Para akong nabibingi, hindi ko marinig ang tugtog na nanggagaling sa speaker dahil—

tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko.

“I'll not take 'no' as an answer. Silent means yes.” nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Let's dance.” hindi na ako naka-angal ng dalhin niya ako sa main stage. Hinila niya ako papunta sa gitna kung saan maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.

“Are you nervous?” natatawang tanong sa akin ni Yuan. “N-No.” wala sa sarili kong sagot. Natawa naman siya bago ipulupot ang parehong kamay sa bewang ko, dahan dahan niya akong inilapit sa kanya.

“You're so beautiful tonight, hon.” bulong niya habang inilalagay ang pareho kong kamay sa magkabila niyang balikat. “Y-Yuan.” bulong ko. Damn it. Ang daming nakatingin sa'min ngayon.

“Don't mind them.” bulong niya bago nagsimulang gumalaw.

♫ But living everyday

Finding my own way

What’s the point in finding someone

If you know that

They will not stay ♫

“You know.” napatingin ako sa kanya. “I'm not afraid of them, Xiantel.” bulong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Feeling ko nga ay kaming dalawa lang ang tao sa lugar na 'to, 'yon kasi ang pinaparamdam niya sa akin.

“Wala akong pake kung masira ang image ko dito sa school.”

“Bakit naman masisira?” pilit kong pinakalma ang nakaramdam ko. Hindi ko na alam. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko.

Natawa siya, “Xiantel, your husband is a hell out of guy. SSG officer, dancer, mode—”

Tch. “Tapos?” putol ko sa kanya. Napanguso naman siya bago higpitan ang pagkakayakap sa akin. “Syempre, magtatanong sila ng magtatanong. Bakit siya ang asawa ni Yuan? Paano sila nagkakilala? Kailan sila ikinasal? Like that.”

Natawa ako ng mahina, “Oh? Ano naman mayro'n do'n?”

“Hon.” tuluyan na siyang napanguso. “Hindi mo ba kita? Ang swerte mo, ako ang napangasawa mo!” medyo malakas na singhal niya sa akin.

Eh? “Okay.” kunwari ay walang gana na sagot ko sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa akin, “Xiantel!”

♫ I was still looking out

For that some kind of wonderful

But you would not give up on me

You would not let go

Thought I wasn’t cut out

For that some kind of wonderful

But you refused to believe ♫

“Yes, hon?” ngumiti ako ng matamis sa kanya. Napatitig naman siya sa'kin dahil sa ginawa ko.

“Ah.” mas inilapit niya ang mukha sa akin, “Gusto kitang halikan dito, Mrs Rico.” nakangisi niyang bulong habang nagsasayaw kami. Hindi na naman ako nakasagot dahil sa ginawa niya.

“A-Ano ba?” nag iwas ako ng tingin. Nakakainis. Bakit ba napakahilig niya diyan? Tch.

“What?” natawa na naman siya. “I just can't resist your kissable lips. Everytime my eyes are on fixed with your face, I can't help but to stare on your—”

“Isa. Tatamaan ka talaga sa'kin.” sumama na ang paningin ko sa kanya. Grabe. Pati ba naman dito ay sasabihin niya ang tungkol sa bagay na 'yan?

“Paanong tama?” ngumisi siya, “Gawin mo muna, baka magustuhan k—”

“Yuan!”

“Hahahaha! Okay, okay, I'll stop na.” inilapit niya ang noo sa noo ko bago pumikit. Wala sa sariling pumikit din ako habang dinadamdam ang magandang sandali.

♫ You said baby I wish you could see what I see

Coz lately I felt like your all I’d ever need

And baby there’s nowhere else I’d rather be

So maybe you could take a chance on me♫

Pft. Pinigilan ko ang tawa ko ng marinig ko ang boses niya na sumasabay sa kanta. Kahit sintunado ay napaka-gwapo niya pa din dahil panay ang ngiti niya habang sumasabay sa kanta.

“You know that song?” natatawa kong tanong sa kanya. Tumango naman siya ng paulit-ulit. “Akala mo ay kayo lang ang nakikinig ng mga ganyang kanta?” mayabang na bulong niya sa akin. Pft. Okay. Mahilig din pala siya mga ganyang kanta.

“Sing it for me, hon. Please?”

“Ha?” nagtataka kong tanong.

“Kantahin mo, dali. I want to hear your voice.” malambing niyang utos sa akin. Hindi naman ako umarte pa at pumikit na lang bago nagsimulang kumanta.

♫ Baby I’m afraid to make the same mistakes

Maybe I’m just tired of all the promises

That love makes

That love breaks

Everytime I try to let myself believe

I end up with another reason I should leave

I do you know if something is worth saving ♫

Nakapikit lang ako habang dinadamdam ang pagkanta ko. Feeling ko ay napakasarap no'n sa pakiramdam dahil kinakanta ko 'yon mismo sa harap ng asawa ko.

♫ Now was done looking at

With that some kind of wonderful

But you would not give up on me

You would not let go

Thought I wasn’t cut out

For that some kind of wonderful

But you refused to believe ♫

“Xiantel.”

Dahan dahan akong napamulat ng mata ng marinig ko ang boses ni Yuan. Pagmulat ko ay nasalubong ko agad ang malamlam niyang mga mata. Nakatingin 'yon sa akin habang nakangiti ng matamis ang mga labi niya.

“Hmm?” nakangiti na din na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at ngumiti na lang.

♫ You said baby I wish you could see what I see

Coz lately I felt like your all I’d ever need

And baby there’s nowhere else I’d rather be

So maybe you could take a chance on me♫

“Fuck. I badly want to say it now, Xiantel.”

Medyo napatigil ako sa pagsasayaw dahil sa sinabi niya. “H-Ha?” naguguluhan kong tanong. A-Anong sinasabi niya?

“Hindi ko na kayang pigilan 'to, Xiantel.”

“Y-Yuan?” nautal ako. Ano ba ang sinasabi niya?

“Xiantel.” tumigil siya sa pagsasayaw at  tumingin ng seryoso sa mga mata ko. “Gusto kong malaman mo na—” hinapit niya ako palapit sa kanya at niyakap. Naramdaman ko ang buo niyang mukha sa leeg ko dahilan para makiliti ako.

“Xiantel Peach Yana.” malambing siyang bulong dahilan para matigilan ako.

Shit.

Ngayon ko lang naramdaman 'to.

Ngayon niya lang tinawag ang pangalan ko sa ganoong paraan.

Napakalambing, nakapanglalambot ng puso. Para no'ng hinaplos ng sandali ang puso ko.

“Xiantel I—”

Xiantel, my one and only girl. I love you.”

Damn.

Napalayo ako sa kanya.

Wala sa sariling napaatras ako dahil sa narinig kong boses ng isang lalaki.

“H-Hey?” nagulat ata si Yuan dahil sa ginawa ko.

Napatingin ako sa kanya. “Y-Yuan.” bulong ko.

Damn it.

Ano naman 'yung narinig ko?

Bakit may naalala na naman ako?

“Xiantel? W-What's wrong?” nag-aalala niyang tanong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pareho kong braso. “Are you okay?” he asked worryingly.

Napatungo naman ako at napahawak sa noo ko ng bigla akong makaramdam ng pagkirot dito.

“Hon?”

“Y-Yes?” napatingin ako kay Yuan. “U-Uh, I'm tired.” pilit akong ngumiti sa kanya. “C-Can we seat now?” tanong ko sa kanya.

Natigilan naman siya bago tumango sa akin. “S-Sure.” hinawakan niya ang braso ko at inalalayan akong bumaba ng stage. Habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin ay hindi ko maiwasang mapaisip.

I heard his voice again. Narinig ko na naman ang tinig ng lalaking 'yon.

Sino ba talaga siya?

Bakit niya ginugulo ang isip ko?

Bakit—

Bakit parati ko siyang naaalala?

Continue Reading

You'll Also Like

648K 7.9K 74
EDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga...
23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...
20.2K 1.8K 66
[Completed] Rein just wants a simple life. Being able to work well, able to study in a good school, and most of all It was a happy life with her boyf...
379K 561 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞