My Angela (CHAT SERIES #3)

By Dreamerearth

5.7K 247 4

"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 2... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
WAKAS

Chapter 45

20 3 0
By Dreamerearth

Isang linggo ang lumipas at nakumpirma kong wala siya. Akala ko ay gawa-gawa lang nila iyon, ngunit hindi biro.  Noong nakumpirma ko kinabukasan kay mama, sa mama niya ay hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi naman mahilig mag-prank si Angela pero iyon ang una kong naisip noong tawagan ako ng mama niya. Na-hit and run daw siya ng motorsiklo habang patawid siya pedestrian lane, kung saan nakatigil ang mga sasakyan para tumawid lahat ng mga tatawid, ngunit may isang pasaway na motorista at lasing.

Tumawid lang siya, ngunit nagmistulang bula ang buhay ni Angela. Gusto kong bugbugin ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya, na iniwan na niya kaming nagmamahal sa kaniya. Araw-araw ko siyang iniiwanan ng chat, na naglalaman ng paalala at mga katanungan sa kaniya. Nagbabasakaling tulog lang siya nang mahimbing at gigising pa siya. Iyon ang isinisiksik ko sa sarili ko. Nakatatawa lang isiping niloloko ko lang ang aking sarili. Wala na siya. . . at iyon ang totoo.

October 20, 2017
5:45 PM

Angelo

: Kumusta ka naaa?

: Ang haba na ng tulog mo, a. Hindi mo ba kami nami-miss? Wala ka na bang balak bumangon? Sorry, ha? Hindi ko pa rin kasi matanggap na wala ka na.

: Kumusta naman diyan sa langit? Ayos ba? Malamig ba diyan?

: Maganda bang tumira diyan?

: Gusto mo na bang sumunod ako?

: Bakit ka kasi nang-iwan.

: Alam kong ‘di
mo sadya, pero bakit ikaw pa?

: Kung alam ko lang na maaga kang kukunin sa akin ng Itaas, sana tinuruan na lang kitang maging masama para matagal ka pang kunin sa akin.

: Bumangon ka. Hindi ako tatakbo sa takot sakaling magising ka.

: Mag-vi-viral ka pa nga kapag gigising ka kasi may himala.

: Pagpasensiyahan mo na ako kung pinagdidiskitahan kitang i-chat. Pakiramdam ko kasi nandito ka pa sa tabi ko, sa tabi namin.

: Grabe ang iyak ng mama mo habang binuburol ka samantalang ako ipit ang iyak. Nagpipigil. Ayaw kong umiyak kasi sinabi mong hindi ako iiyak, 'di ba?

: Akala ko nga susuntukin ako ng papa mo noong lapitan niya ako, pero wala naman siyang sinabi at masaya nga raw siyang ako ang boyfriend mo.

: Ikinuwento pala sa kaniya lahat ni mama kung paano natin tratuhin ang isa't isa.

: Legal na tayong dalawa sa kaniya, pero kung kailan tanggap niyang may tayo saka ka naman nawala.

: Bakit napaka-unfair ng mundo? Ang saya-saya pa nating pinag-uusapan ang future natin noong kinagabihan n'on tapos kinabukasan, namaalam ka na.

: Mahimbing kang natutulog nang tingnan kita. Bakit ka nga ba do’n natutulog? Hindi ba dapat sa kama ka natutulog? Ang daming nag-iiyakan. Hindi ba dapat hindi gano’n? Puting-puti ang suot mo at gustong-gusto kitang gisingin no’n pero hindi maaari.

: Gumising ka, tutuparin pa natin pangarap nating dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

320K 15.3K 61
Ella Navarro had her heart broken by Liam and is still in the process of healing. Why? Because she didn't do her part. Noong nandyan eh hindi niya pi...
270 78 8
KUNG PAANO NATAPOS [COMPLETED] Matagal nang palaisipan sa nakararami kung sino nga ba ang mas nasasaktan kapag naghihiwalay ang magkarelasyon. Ang na...
232K 5.6K 106
Ang journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. W...
131K 6.6K 61
Aliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hin...