October 4, 2017
9:23 PM
Angelo
: Kumustaaaa?
: Salamat ulit sa pagbisita mo sa akin noong birthday ko. Napaka-memorable.
: First time kong ma-surprise ng ganoon.
Angela
: Ayos lang naman. Ikaw?
Angelo
: Kung okay ka,
okay rin ako.
: I still can’t get over kahit dalawang araw na ang nakalipas.
: Kung puwede lang sanang dito ka na lang ulit, peroo siyempre hindi puwede kasi nandiyan ang parents mo.
: After graduation sa Manila ako maghahanap ng trabaho, ikaw, saan? May plano ka na ba?
Angela
: Manila rin ako dahil nandoon ka. Alangan lalayo ulit ako sa iyo. At siguro naman papayagan na ako nito ni Papa dahil hindi na ako bata.
Angelo
: Oo iyan. Papayagan ka na niya. Imposibleng paghihigpitan ka pa niya. By the way, how are they?
Angela
: Hindi pa rin naiiwasan ang away, subalit gaya nga ng sabi mo, wala namang perpektong pamilya at lahat ay hindi maiiwasan ang alitan ng mga magulang pagdating sa mga bagay-bagay.
: Babe gusto ko. . . kung sakaling tayo man sa huli at bubuo ng pamilya ayaw ko ng away tayo nang away.
: Lagi kitang inaaway alam ko, pero pagtiisan mo ako.
Angelo
: Kapag inaaway mo ako, tatahimik na lang ako at siyempre susuyuin.
: Hindi naman maiiwasan ang pag-aaway, pero kung sakaling nag-away man tayong dalawa, walang matutulog hangga’t hindi nagkakaayos, maliwanag?
Angela
: Opo, maliwanag na maliwanag pa sa buwan.
Angelo
: Full moon
pala ngayon.
Angela
: Ang ganda ng moon
Angelo
: Moondo kita, moondo mo ako, moondo nating dalawa’y iisa kahit na magkalayo.
: Korni
: Paraphrase ko lang
Angela
: Haha! Nababasa ko ‘yang mga posts na ‘yan. Puro moon.
: Moondo naman talaga kita
Angelo
: Keleg mga mata ko
: May lumalabas na puso
Angela
: OA!
: Korni!
Angelo
: Pabili ng corn
Angela
: Hindi ako nagbebenta ng corn.
Angelo
: Hindi man lang sinakyan ang trip ko.
Angela
: Hindi naman kasi talaga ako nagbebenta. Mukha ba akong nagbebenta ng corn?
Angelo
: Ang sungit ni babe. Matulog ka na para hindi ka na magsungit.
Angela
: Kausap pa kita, pinapatulog mo na ako.
Angelo
: Sige, usap pa tayo. Anong pag-uusapan natin?
: Pag-usapan pala natin ulit ang future nating dalawa.
: Ilan gusto mo maging anak?
Angela
: Hindi pa tayo naka-graduate, anak agad?
: Hindi puwedeng kasal muna?
Angelo
: Tinatanong lang kung ilan ang gusto mong maging anak, wala naman akong sinabing aanakan kita agad.
Angela
: Tatlo para I love you
Angelo
: Tapos magiging pangalan nila Angel, Arkanghel, Anghel?
Angela
: A,B,C na lang lol.
: 'Di ba sabi mo Sky kapag lalaki?
Angelo
: Tinamad mag-isip gano'n? 😂
: Apat na lang para masaya.
Angela
: Para unique
: Tatlo lang para hindi ako mahirapan.
Angelo
: Ilang lalaki o
babae ang gusto mo?
Angela
: Dalawang lalaki at isang babae.
: Para prinsesa nila ang nag-iisang babae natin.
Angelo
: Gusto ko naman isang lalaki, dalawang babae. Mas matino ang babae kasi.
: Pero okay na rin iyan para may dalawang lalaking magdadala ng apelyido ko. Para mas dumami pa ang Flores sa mundo.
: Your dream
wedding?
Angela
: Garden wedding
Angelo
: Bakit garden?
Angela
: Para kasing nasa fairy tale ako kapag ganoon. Imbes na red carpet ako naglalakad sa aisle, bermuda grass at may mga naggagandahang nakapalibot na mga bulaklak sa paligid.
: Makulay kasi kapag garden at saka mala-fairy tale naman ang love story ko sa iyo.
: Makulay kasi ganoon mo kinulayan ang buhay ko.
Angelo
: Noted. Nakalista na, paghahandaan ko na 'yan.
: Gagawa ako ng bucket list nating dalawa.
Angela
: Seryoso, that's my dream!
Angelo
: You're always on my dream.
Angela
: Siraulo ka! matulog ka na nga!
Angelo
: Mukha ba akong nasiraan ng ulo?
: Kausap pa kita, pinapatulog mo na ako.
Angela
: Ayan ka na naman kasi sa mga banat mo!
Angelo
: Nakakakilig kaya ang mga banat ko.
Angela
: I love you!
Angelo
: I love you to
the moon and back
: Saan mo gusto
pumunta after ng ating graduation?
Angela
: Sa HongKong talaga ang gusto kong puntahan.
Angelo
: Puwede ko bang malaman iyong top 5 na bansang gustong-gusto mong puntahan?
Angela
: Iceland, South Korea, Paris, HongKong, at Switzerland.
Angelo
: Sa Pilipinas may gusto ka bang puntahan?
Angela
: Boracay, Baguio at Batanes.
Angelo
: Noted lahat.
Nakalista na.
: Ano pa ang gusto
mong gawin natin?
Angela
: Gusto ko sabay tayong maghanap ng trabaho sa Manila pagka-graduate natin.
Angelo
: Oo naman.
Angela
: Gusto ko rin pala pumunta sa Echanted Kingdom at subukan ang mga rides doon.
: Marami akong gustong gawin kasama ka, subalit mas magandang hindi planado lahat o iyong wala tayong alam dahil para surprise at siguradong mag-e-enjoy tayo.
Angelo
: Tamaaaa.
: Mas maganda
nga iyong ganoon.
: Pero tutuparin ko 'yong pangako ko sa 'yo. Malapit ng mapunô iyong piggy bank ko. Gagamitin natin iyon papunta sa HongKong.
Angela
: Talaga?
: Salamat in
advance, babe!
Angelo
: Walang
anumaaaaan.
Angela
: Oh siya, good night na, babe.
Angelo
: Kitakits sa panaginip~
Angela
: Sure. Night, babe!
Angelo
: Night
Angela
: Night!
Angelo
: Oo na, matulog ka na. Seen mo lang huwag ka ng mag-reply.
Seen 10:20 PM