My Angela (CHAT SERIES #3)

By Dreamerearth

5.6K 247 4

"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 2... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
WAKAS

Chapter 42

17 2 0
By Dreamerearth

Tinawagan ko ang mga kaibigan niya, pagkarating ko. Kinutiyaba ko sila para i-surprise ang birthday boy. Hindi naman tumanggi ang apat dahil gusto raw nilang maatake sa puso ang kanilang kaibigan sakaling makita niya ako. Susunduin ako ni Macoy. Si LM sana kaso busy siya kasama si John sa paghahanda ng pagkain sa bahay nila Dylan. Samantalang si Dylan ang nagdi-disenyo sa sala nila at si Aldrin daw ang bahalang susundo kay Angelo kasi mas maniniwala raw siya dito kaysa sa kanilang apat.

Nakausap ko na rin ang parents niya at pumayag naman sila. Natatawa nga ako dahil pasimple pa si tito na hindi niya alam na hindi ako darating. Naghihintay talaga si Angelo ng himala at nangyari nga. Hinawakan ko ang dibdib ko noong tumikhim si Macoy mula sa likuran ko.

“Nakakagulat ka naman!”

Tumawa siya, tuwang-tuwa pang ginulat ako.

“Welcome back!” natatawa, ngunit masiglang turan niya sabay yakap pa sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. Ibinigay naman niya ang helmet sa akin at pinaangkas muna sa kaniyang motorsiklo bago siya sumakay at paandarin.

“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong niyang naulinigan ko.

“Hindi naman. Si Angelo, nandoon na?”

Umiling siya. “Sinusundo pa lang siya ni Aldrin. Hindi pa nga pala alam n'on na kayo na,” natatawang sambit niya.

Kilala ko naman talaga si Aldrin, nakita ko na siya personally, subalit hindi niya alam na mag-on kaming dalawa. Ang alam lang niya kasi ay nililigawan pa lang niya ako. Binusog ko ang mga mata ko sa paligid. Napakaganda nang paligid. Ang ganda ng bungad sa akin. Nadaanan pa namin ang isang kilalang dagat dito.

Humawak ako nang mabuti sa damit ni Macoy nang bumilis ang pagpapaandar niya sa kaniyang motor. Hindi nagtagal, nakarating din kami sa isang bahay. Ngayon ko lang nakita ang bahay nila Dylan, at taga-rito pala siya. Malapit sa dagat ang kanilang bahay. Himalang biniyayaan siya ng maputing balat dahil nakakaitim kaya ang tumira sa ganitong lugar. Although, living near the beach is a great place to live. The scenery here in Puerto Prinsesa is awesome.

Iginiya ako papasok ni Macoy sa loob ng bahay nila Dylan. Dalawang palapag ang bahay at sa labas ay masasabi mong napakasimple lang dahil napaka-boring ng pinturang puti. Subalit nang makapasok ako sa loob ay nakalalaglag ng panga pala ang interior design sa loob. Mamahalin ang lahat!

Inilibot ko ang paningin ko. Naghanda pa ako ng magalang kong pagbati sa parents niya, subalit mukhang sinamantala ng lalaki habang wala ang parents niya sa bahay. Hindi pa yata nagpaalam ang isang ito.

Sinalubong nila akong tatlo. Pawis na pawis na nakangiti si Dylan, may hawak pang lobo habang itinatali niya. Samantalang nakangiti rin sila LM at John.

Madungis sila kaya ako na ang lumapit para yakapin sila isa-isa.

“Thank you sa inyo,” masaya kong saad. Kahit madalas isinusumbong ni Angelo sa akin ang mga kaibigan niya, napamahal na rin sila sa akin at kaibigan din ang turing ko sa kanila.

“Maliit na bagay,” sabay-sabay nilang sabi na ikinatawa ko nang mahina.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng pinto nang may pumasok. Sumingkit ang mga mata kong kinilala ang lalaking dumating. Si Aldrin ba siya?

Nakangiting siyang kumaway at dinaluhan ng yakap na ikinagulat ko.

“Kayo na pala, akala ko hindi mo na sasagutin. Anyways, welcome back. Balik ka na rito nang hindi sumimangot si Angelo,” sabi niyang doon ko nakumpirmang siya nga si Aldrin.

“Yumakap ka agad ng hindi nagpapakilala. Sabihin mong ikaw si Aldrin, ang patay na patay sa ka-chat niyang si Mary—”

“Patay na patay sa babaeng hindi ako gusto,” nakangiting putol niya sa sinasambit ni John.

“Kilala mo naman na ako kaya hindi na ako magpapakilala. Ako ito, si Aldrin na gustong-gusto ni Angelo,” nakangising turan niya.

Hindi ko na rin kailangang magpakilala dahil kilalang-kilala na rin niya ako. Kung sa bagay, kilala ko rin naman siya.

“Madalas problemado ‘yan at alam na namin kung bakit dahil alam naming hindi na naman kayo okay,” sabi ni LM, ibinalik ang tungkol kay Angelo.

Ang sabi ni Macoy ay si Aldrin ang susundo sa kaniya, subalit wala naman ang hinihintay kong susupresahin. Niloloko lang yata ako ni Macoy.

“Inaasar-asar ko ‘yan, pero ayokong nalulungkot iyang Anghel na unggoy na ‘yan,” nakalabing sabi ni John.

“Palagi akong nasa computer shop, pero mahal ko ‘yang ugok na ‘yan.”

Tumawa ako sa sinabi ni Macoy. Napakarami nilang sinasabi, nasaan na ba iyong birthday celebrant? Hindi naman ako ang magbi-birthday, pero ako sinasabihan. Mga baliw talaga.

“May pagkain,” puna ni LM sa bitbit kong cake. Kinuha ni Aldrin sa akin at nagtungo sa kusina kasama si LM.

“Tara, surprise na natin siya nang mabinyagan ko iyong cake,” pag-aaya ni Macoy.

“Bro, nasaan si Angelo?” tanong ni Dylan.

“Ah, si Angelo. Nandoon siya sa may bandang kiosk bench!” pasigaw na sagot ni Aldrin na galing ito sa kusina.

“Aldrin, ikaw ang magdala sa kaniya sa loob!” utos ni Macoy.

“Hindi ba si LM ang magpapapasok?” nakakunot-noong tanong ni Dylan.

Nahawa ako sa pagkunot-noo niya at hindi ko rin naiwasang masapo ang noo sa kanilang lahat. Pinagtatalunan na nila kung sino ang maggigigiya kay Angelo para pumasok.

“Pesteng yawa talaga ‘tong dalawang letrang may pangalan. Hindi marunong umayon sa plano.” Nailing si Dylan, nagmartsa palabas ng bahay.

“Mahal na mahal ka niya,” imik ni Aldrin pagkalapag niya ng binili kong cake sa center table at dala rin ni LM ang ilang iniluto nila. Pumasok din sila Macoy at John sa kusina para ilapag pa ang ilang iniluto nila.

May pancit palabok, menudo, giniling, sisig at hindi mawawala ang shanghai. Pinaghandaan talaga nila ang selebrasyong ito. Pagkaraan nang ilang segundo ay napatingin ako sa bumabang kamay ni John. Sabay naming tinampal ni Aldrin ang kamay niya na dumudukot ng  shanghai. Pinandilatan ko siya ng mga mata kaya tatawa-tawa itong tumabi kay Macoy.

Hindi kalayuan ay natanaw namin ang dalawa. Nakapiring si Angelo. Naririnig ko ang pagrereklamo niya na kung bakit kailangan pa siyang piringan. Nagsitawanan silang lahat sa reklamo niya habang nagpipigil ako ng tawa para hindi niya malamang nandito pala ako.

Huminga ako nang malalim upang ihanda ang sarili para batiin siya. Pinaghandaan ko na rin kung gaano kalapad ang ngiting ibibigay ko sa kaniya.

Tumapat siya sa akin na panay pa rin ang reklamo. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang itim na jeans at nakasuot siya nang makapal na sweater.

“Ano ‘tong piring-piring na ‘to, Dylan!?”

“Manahamik ka kaya,” ismid na saway nito.

Bumingisngis sila sa pambabara niya kay Angelo dahil hindi na ito umimik pa. Sumenyas ako kay Dylan na pagbilang ko ng tatlo ay tatanggalin nito ang piring. Maingat akong lumapit sa kaniya nang dahan-dahan, iyong wala siyang maririnig na kakaibang yabag, na makikilala niya agad-agad.

Nagbilang ako sa kamay ko at hinihintay naman niya ang senyas ko. Pagkabilang ko ng tatlo, tinanggal agad ni Dylan ang kamay niyang nakatakip dahilan para batiin ko siya nang napakasigla: “Happy birthday!”

Kitang-kita ko ang pagkalaglag niya ng panga, hindi siya makapaniwalang nandito ako ngayon sa harap niya. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata para makumpirmang totoo ako.

Niyakap ko na lamang siya para maniwala itong nandito nga talaga ako. Ramdan ko ang naninigas niyang katawan sa pagka-estatwa niya, maging ang malakas na pagtibok ng puso niya nang ihilig ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

Humiwalay ako sa yakap at hindi pa rin siya gumagalaw. Isang sapak ang natanggap niya mula kay Aldrin para sa ganoon ay magising ito.

“Angela, what are you doing here?!” gulat niyang tanong habang umiiling-iling dahil masyadong malakas ang pagkakasapak ni John sa kaniya.

“Surprising you,” sagot kong kinagat ang ibabang labi pagkatapos. Iginala niya ang paningin at nakita ko kung paano niya isa-isahin ng tingin ang mga kaibigan niya.

Nailing na lamang ako nang makitang kumakain na si John ng shanghai.

“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala rito?” tanong niya noong ibalik ang atensyon sa akin.

“Happy birthday, dude!” bati ni LM saka niya kinuha ang cake na nakalapag sa mesa. Bago siya tuluyang makalapit sa aming dalawa ay sinindihan ni Macoy ang dalawang kandilang nakatirik sa cake.

Pasayaw-sayaw siyang nagmartsa palapit sa amin samantalang nagsikantahan naman ang apat, kaya nakisabay na lang din ako sa kanilang pagkanta ng "happy birthday". Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Angelo sa tabi ko. Umakbay pa siya sa akin.

“Happiest birthday, babe,” pabulong kong pagbati sa kaniya sa kalagitnaan ng pagkanta ng mga kaibigan niya.

“Dapat sinabi mong pupunta ka rito para ako ang sumundo sa 'yo. Sino ba sumundo sa 'yo?”

“Kung sinabi ko, e ‘di hindi ka magugulat ng ganiyan. Si Macoy ang sumundo sa akin at saka surprise nga, ‘di ba?” patanong kong sagot.

Kapag sinabi ko, e ‘di hindi na surprise. Hindi ito nakasalita sa sinabi ko.

“I miss you,” malambing kong sabi habang nakatitig sa kaniya. Ang mga mata niyang nakatitig sa mga kaibigan niya habang nakangiti ay lumipat sa akin. Kumikinang-kinang ang kulay kahoy niyang mga mata mula sa kasiyahan. Niyakap niya ulit ako nang napakahigpit. Sobrang higpit na halos ayaw na naming humiwalay sa aming yakap.

“I miss you more, my Angela.”

Naramdaman ko ang masuyo niyang paghalik sa aking noo at dinamdamdam ko iyon ng buong puso. Mami-miss ko ulit ito kapag aalis na ako bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
36.7K 3.1K 35
Ang Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kay...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2K 70 15
si Charlie ella at si Angel ay magkambal ngunit magkaiba ang kanilang paguugali si charlie ella ay isang fashionate at si angel naman ay puro aral an...