Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.5K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Author's Note

Kabanata L

12.6K 696 751
By Airosikin

ELIANA'S POV

TOTOO nga ang sinabi ni Sereia na sa araw na ito ay talagang mapapagod ako sa gaganaping pagtutuos ng pamilya namin upang dinggin ang mga kagaguhan ni Daewon.

Kasalukuyan ko ngayong kaharap ang aking mga kapatid, ang hari at si Sunniva, si Maestro Mageius, Maestra Zora, at nakakapagtakang pati si Eryx ay nandito. Oo nga pala, susunod na Emperor ang hinayupak na ito kaya isa siya sa maghahatol ng mga katarantaduhan ni Daewon. Eksaktong alas nuebe ng umaga ay nandito na agad kami sa hukuman ng akademya. Hindi pa nga ako nakakaligo dahil bawal mabasa ang mga sugat ko at hindi rin ako halos makagalaw dahil masakit pa ang mga ito pero wala naman akong magagawa. Umagang-umaga ay kinakalampag na ako ni Ellionoir at Caedmon sa aking silid para sunduin ako. Isinama ko na lang si Leandra para naman may uutusan ako kung sakali o di kaya ay may tagatulak ng upuang de gulong na kinalalagyan ko kung sakaling gusto ko na lumayas sa usapang ito.

Inilibot ko naman ang aking buong paningin habang nakadekuwatro at bagot akong nakasalumbaba. Malawak at mataas ang kisame ng buong silid, mayroong bilog na lamesa sa gitna kung saan kasya ang mahigit trenta katao. May espasyo sa pinakagitna nito kung saan nakalagay ang isang estatwa ng kulot na lalaki na nakapiring ang mga mata at may hawak na timbangan sa kamay. Sa kasamaang palad ay katapat ko ngayon si Eryx na nakaupo sa isang ginto at mamahaling trono. Nasa kanan naman niya ay si Dareios katabi si Sunniva, Caitrionna, at Neola. Nasa kaliwa ni Eryx ay si Maestro katabi si Maestra Zora. Nasa kabilang banda naman ako nakaupo at ang nasa kanan ko ay si Caedmon katabi si Adelrick at isang bakanteng upuan, nasa kaliwa ko naman si Ellionoir at nakaupo lamang sa isang tabi si Leandra na tahimik lamang at walang imik.

Sus. Kunwari pa ito si Leandra na tahimik pero kanina ko pa siya napapansin na panay ang sulyap niya kay Adelrick na nananatil lamang tulala at balisa sa mga nangyayari. Kapag talaga nagpatuloy pa siya sa kalandian niya ay itatabi ko siya kay Adelrick. Ewan ko na lang kung hindi umusok ang puwet niyan sa taranta.

Matapos ilibot ang aking paningin ay bagot na lamang akong sumandal sa aking kinauupuan at naghikab. Agad kong naramdaman ang sakit sa aking lalamunan dahil sa ginawa ko kaya mabilis ko rin itong tinapos at sumimangot. Punyeta naman kasi nasaan ba si Daewon?! Magsasampung minuto na kaming naghihintay dito pero wala pa rin ang de puta! Gusto ko ng matulog at magpahinga! Tamad na tamad na ako oh! Kulang na lang ata ay magwala ako dito dahil sa sobrang pagkabagot pero hindi naman ako makapagsalita masyado dahil masakit pa rin ang lalamunan ko bagamat may kakaunting boses na rin naman ako.

"Maestro, wala pa ba si Prinsipe Daewon?" Mahinahong tanong ni Eryx at sa wakas nainip na rin si gago. Nilingon naman siya ni Maestro bago sumagot.

"Papunta na siya, Prinsipe Eryx, kasabay ang ilang kawal." Kaswal at kalmadong sagot ni Maestro habang tumikhim tikhim pa ito at inilibot ang paningin hanggang sa huminto ito sa akin.

Sinalubong ko naman ang makahulugang tingin niya na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi na niya iyon itinuloy matapos siyang kausapin ng aking Ama na kanina pa pinauunlakan ang kadaldalan ng malandi niyang asawa na panay lamang ang pagpapapansin. Napairap na lang tuloy ako sa kawalan dahil doon hanggang sa mapansin kong nasa akin na ang mga mata ni Sunniva na nanggagalaiti ang mga mata. Problema niya? Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanya pero heto ako at malamig at kaswal lamang silang hinaharap.

"Bakit naman nagkaganyan ang hitsura mo, Eliana? Nagawa mo na naman ba takasan si Kamatayan." Nakangising pahayag ni Sunniva habang ang mga mata niya ay nanunuyang nakatingin sa akin. Ganoon din naman ang tingin na iginagawad ng mga katabi niyang babae pero umismid lamang ako at nginisihan sila ng nakakaloko.

Oo, nakatakas na naman ako kay kamatayan--- sa kamay ng mga hayop mong anak. Una kay Caitrionna at ngayon naman ay si Daewon, mabuti na lang at may iniri rin siyang matinong tao sa mundong ito kundi ay ewan ko na lang talaga.

"Mama, pakiusap, huwag mo ng guluhin si Eliana dahil hindi rin siya makakasagot sa mga katanungan mo." Mahinahon na pagsingit naman ni Adelrick at siya na halos ang nagpaliwanag ng sitwasyon ko dahilan para mapalingon naman sa kanya ang ina at nagtaas ng kilay.

"At bakit naman? Nakakapipi na ba ang pag-aaral dito sa akademya?" Mataray pang tanong ni Sunniva habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa anak niyang lalaki. Nanatili namang tahimik ang mga kapatid ko maging ang hari at si Maestro na ngayo'y nakikinig na sa pagpapapansin ni Sunniva.

"Hindi, Mama." Mahinahong sagot ni Adelrick at bakas sa mukha ng kapatid ko na kinakabahan na siya sa magiging daloy ng usapang ito.

Nananatili naman akong kalmado at pinakikiramdaman ang sitwasyon na ito. Handa naman ako magsalita kung kinakailangan pero tinitipid ko ang aking boses dahil may mas nahalaga pa itong paglalaanan mamaya.

Balak na sanang magsalita muli ni Adelrick dahil mukhang naghihintay ng paliwanag ang kanyang ina ngunit bigla lamang umirap si Sunniva at pasiring na ibinalik sa akin ang tingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay ngunit nginisihan niya lamang ako ng nakakaloko.

"Di bale. Wala naman akong pakialam. Mabuti nga sa kanya at nagkaganyan siya. Sana permanente na i---"

Hindi naman niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang lingunin ng aking ama at binulyawan.

"Sunniva! Umayos ka at nasa harapan tayo ng susunod na Emperor. Huwag kang magpakitang gilas dito." Matigas at maotoridad na pahayag sa kanya ng aking ama na bagama't kalmado ang mga mata ay nagbabanta naman ang mga ito na nakatingin kay Sunniva.

Bigla naman namutla ang mahadera dahil doon at itinikom agad ang kanyang bibig saka ako nilingon ng may nagbabagang mga mata. Oh? Kasalanan ko ba? Buti nga sa kanya, napakaepal niya kasi.

Nginisihan ko naman siya ng nakakaloko saka hinawi ang aking buhok at pairap na inalis ang aking paningin mula sa kanya. Hindi naman sinasadya na nagkasalubong ang mga mata namin ni Haring Dareios.

Hindi katulad noong huli naming pagkikita na napakalamig ng asul niyang mga mata ay malamyos na ang mga ito ngayon at kalmadong nakatingin sa akin. Ilang linggo ko na nga ba hindi nakita ang nakakasukang mukha ni Dareios? Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw pero tandang-tanda ko pa ang mga salitang binitawan niya sa akin na lubos na tumagos sa aking puso bilang si Eliana.

Kung alam ko lang na magiging ganito ka ay hindi ko na sana hinayaan si Elaine na ipanganak ka sa mundong ito.

Awtomatikong kumuyom ang mga palad ko dahil sa pahayag na iyon at mas lalong nag-alab ang mga mata ko dahil sa muli na namang pagpaparamdam ng sakit sa aking puso. Bakit ba naalala ko pa ang pesteng mga salitang iyon?!

Napansin niya ata na sumasama ang tingin ko sa kanya dahil nangungunot na rin ang noo ng hari kaya una na akong umiwas. Baka kung ano pa ang masabi ko kung mananatili ang paningin ko sa mga mata ni Dareios at hindi ko rin matanggap ang kung anong emosyon na nakikita ko doon. Pag-aalala? Tss. Asa!

Ilang sandali pa kaming naghintay kay kupal na Daewon hanggang sa marahas na bumukas ang pintuan at pumasok ang mahigit apat na kawal at isang binata. Nangibabaw ang katahimikan sa buong silid habang lahat kami ay pinapanood maglakad ang sabog na si Daewon tungo sa upuang nakalaan sa kanya. Ilang upuan din ang layo nito mula sa aming lahat habang ang mga kawal na nagsilbing bantay niya ay nakapuwesto lamang sa kanyang likuran.

"Magandang Umaga, Prinsipe Daewon." Mahinahon na bati ni Maestro ngunit nanatili lamang nakatayo si Daewon at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa lahat. Mukha rin wala siyang balak sagutin ang pagbati ni Maestro.

Napataas naman ang aking kilay habang pinapasadahan ang kabuuan niya. Mukhang nakaligo pa siya at nakapagbihis ng maayos bago magpunta dito habang ako ay ito, nagpalit lang ako ng panloob at naghilamos bago dumiretso sa pesteng pagpupulong dahil bawal pa mabasa ang mga sugat na siya mismo ang may gawa sa akin. Tapos siya nakakaligo at namumuhay ng matiwasay?! Hanep naman talaga sa kakapalan ng mukha!

Nagpatuloy pa ako sa pagmamasid sa hitsura niya at kapansin-pansin ang pamumula at ang mas maitim na ilalim na bahagi ng kanyang mga mata na halatadong hindi siya nakatulog magdamag. Bukod sa panget niyang panlabas na kaanyuan ay wala ng kakaiba pa sa kanya maliban sa posas na nakakabit sa kanyang kamay na bahagyang umiilaw ng magkakahalong kulay ng puti, pula, asul, berde, kahel, ube, at itim. Ano naman kaya ang posas na iyan at mukhang iba pa ito sa empyrean na nakita ko noon.

"Maupo ka, Prinsipe Daewon, mapapagod ka lamang kung mananatili kang nakatayo sa buong usapan natin. Mahaba-haba rin ito." Kalmadong pahayag ni Eryx habang iminumuwestra pa niya ang upuan na nakalaan kay kupal.

Inalalayan naman siya ng isang kawal para makaupo habang nananatiling masama pa rin ang pagkakatingin ni Daewon sa lahat ngunit madalas humihinto ang mga nagbabaga niyang mata sa kanyang Ama at Ina. Halata naman masyado ang sama ng loob na nararamdaman niya para dito.

"Prinsipe Eryx, kailangan ba talagang nakaposas ang aking anak?" May himig ng pag-aalangan at pagkadisguto na pahayag ni Dareios dahilan para lingunin naman siya ni Eryx.

"Bakit hindi?" Kalmadong tugon ni Eryx sabay sandal sa kanyang kinauupuan at marahang nakalingon pa rin sa gawi ng aking ama. "Wala naman akong nakikitang problema sa bagay na ito, Haring Dareios." Seryoso at maotoridad na dagdag niya pa dahilan para mapaiwas na lamang ng tingin si Dareios dahil sa bahagyang pagkapahiya. Ngunit mabilis din naman siya nakabawi at muling nilingon ang prinsipe.

Bakit ba ang kulit niya? Nakaposas lang naman e! Mabuti sana kung nakabitin patiwarik, doon na siya magreklamo!

"Pero, Prinsipe Eryx, hindi naman ata tama na iposas ang aking anak lalo na at isa pa rin siyang prinsipe at isa siyang lalaki. Ginagawa lamang ito sa mga sibilyan na nagkaka---"

"Tingin mo ba ay isa itong uri ng diskriminasyon, Haring Dareios?" May himig ng panghahamon at makahulugan na tanong ni Eryx kaya hindi agad nakasagot ang aking ama. Muling nagpatuloy si Eryx sa sinasabi.

"Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa ni Prinsipe Daewon at ang dahilan kung bakit tayong lahat nandito o dapat ko pa ba itong ipaalala sa iyo?" Malamig ngunit nagawang maging kalmado at tunog magalang na pahayag ni Eryx ng sabihin niya ang mga salitang iyan.

Nangibabaw ang tensyon sa buong silid dahil lamang sa simpleng pahayag ng prinsipe at ewan ko ba pero palihim na lamang akong napangiti dahil sa ginawa niyang pagpapahiya sa aking ama. Hindi ko alam na kaya niya palang mambara ng hari. Pero sabagay, nagagawa niya nga manalo sa argyumento laban sa akin, iyan pa kayang barahin si Dareios. Mani-Mani lang iyan.

Mag-iiwas na sana ako ng tingin para tumungo ngunit nagulat ako ng biglang lumingon si Eryx sa gawi ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata. Mabilis naman akong napasimangot dahil baka makita niya pang natutuwa ako sa mga sinasabi niya. Saglit ko lamang din siya tinitigan pabalik at napairap na lamang ako sa kawalan saka ibinaling sa iba ang aking paningin. Titingin-tingin pa e. Nahuli niya kaya ako? Tss. Impossible.

"Pero---" Pambawi pa sana ni Dareios ngunit mabilis din sumagot sa kanya si Eryx.

"Umaasa akong hindi mo na kukuwestyunin ang aking desisyon, Haring Dareios. Para rin naman ito sa kapakanan ng iyong anak." Malamig na pahayag niya pa at hindi na nagtangka pang sumabat si Dareios dahil sinenyasan na lamang siya ni Maestro na huwag ng kuwestyunin si Eryx. Tss. Wala ka pala e. Akala ko babanggain mo ang Emperor niyo, e di sana napadali ang pagtatanggal ng titulo mo bilang hari. Sayang.

Marami pang introduksyon ang naganap sa pangunguna ni Maestra Zora --- ang nagsisilbing tagapagsalita at tagapamagitan sa pagpupulong na ito o mas madaling sabihin na paghuhukom dahil nasasakdal na ngayon si Daewon mula sa mga kasalanan niya na nagpatong-patong na pala.

"Mahal na Hari at Reyna Sunniva, alam niyo po ba ang mga ginagawa ng anak niyo sa loob ng akademya ito."

"Oo naman! Ano bang akala niyo sa akin? Walang kuwentang ina?" Pagmamayabang pa ni Sunniva at ewan ko ba pero napatanga na lang talaga ako sa sagot niya na nagmamalaki pa. Seryoso ba talaga siya? Wala man lamang ba siyang nalalaman sa mga kagaguhan ng anak niya? At talagang nagtanong pa siya kung wala siyang kuwentang ina e halatang halata naman na ganoon siya.

"Sunniva!" Pasigaw na sita sa kaniya ni Dareios dahilan para matahimik na lamang si Sunniva at humalukipkip na lamang.

"Kung ganoon ay alam niyo na rin siguro na ang anak ninyo ay nasasangkot sa ilegal na transaksyon ng droga. Tama ba?"

Parehas naman nanlaki ang mga mata ng mag-asawa wari'y gulat na gulat sila sa sinabi ni Maestra. Nakakatawa naman isipin na magulang sila pero hindi nila alam ang ganitong bagay?! At bakit hindi nila alam?! Ngayon lang ba sila nasabihan tungkol dito o binabalewala lamang nila ang mga abiso ni Maestra at Maestro?

Naunang nakabawi si Sunniva mula sa matinding pagkagulat saka malakas na pinalo ang lamesa at naguguluhan na tiningnan ang kalmadong si Maestra at si Daewon. Muntik pang mapatalon ang lahat sa tunog na nagawa nito habang ako naman ay sanay na sa mga paghuhurementado niya na ganyan.

"Anong pinagsasabi mo?! Si Daewon?! Ang anak ko ay nasasangkot sa ilegal na transaksyon ng droga?! Anong kalokohan ito?!" Galit na sigaw pa ni Sunniva ngunit nananatiling kalmado lamamg si Maestra at para bang sanay na sanay na rin siya sa mga nagwawalang magulang na madalas kaharapin ng mga punong guro sa paaralan.

"Sunniva..." Balisang pang-aawat naman ni Dareios ngunit hanggang ngayon ay mukhang maging siya ay gulat din sa sinabi ni Maestra. Hindi makapaniwala na nilingon niya pa si Daewon na nananatiling nakayuko lamang habang nakadaop ang mga palad saka niya ibinalik ang paningin kay Maestra.  "Hindi ko alam ang tungkol dito, Maestra. Ang tanging alam ko lamang ay nag-aaral siyang mabuti at---"

"Nag-aaral ng mabuti? Tingnan mo nga ang hitsura niya, Ama." Biglang sabat naman ng bato kong kapatid na nakahalukipkip lamang na nakaupo aa aking tabi. Hindi ko na lamang siya nilingon dahil wala naman akong pakialam sa mga sasabihin niya sa dalawang ito.

Marahas naman siyang hinarap ni Dareios na hindi pa rin nawawala ang pagkabalisa at pagkalito sa mga mata saka siya dinuro.

"Caedmon, huwag kang sumabat sa usapan ng matatanda!' Sita niya pa dito ngunit maldita lamang na umirap si Caedmon saka ipinagkrus ang kanyang mga braso at humalukipkip.

Saglit ko naman nilingon ang katabi ko para makita ang ekspresyon niya ngunit agad din akong nagbawi ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin sabay taas ng kilay. Maldita talaga!

"Maestra, paano nangyari ang bagay na ito. Paanong..." Naguguluhan at gulat niya pa rin na pahayag at para bang hindi niya alam ang mga salitang dapat sambitin para malaman ang buong pangyayari. Unti-unti siyang lumingon sa gawi ni Daewon ng may mga mata na puno ng hinanakit.

"Daewon, paano mo ito nagawa?" Nanginginig at malamig na tanong niya pa at ewan ko ba pero bahagyang kumirot ang puso ko matapos marinig kung gaano kapait ang emosyon na nakapaloob sa tinig ni Dareios.

Nangibabaw naman ang katahimikan sa pagitan naming lahat dahil maging ang mga kapatid ko ay nagulat din sa tono ng boses na nagmula kay Dareios. Hindi ko naman matiis ang manatiling nasa kanya ang mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagtama na naman ang mga mata namin ni Eryx. Tinaasan ko lamang siya ng kilay saka pasiring na inalis ang aking mga mata.

Bakit ba tingin ng tingin itong kupal na ito?!

Saglit pang nangibabaw ang katahimikan hanggang sa tumikhim na rin si Maestra at muling nagsalita.

"Si Prinsipe Daewon ay napag-alamang kasangkot sa ilegal na pakikipagtransakyon at paggamit ng Ether sa loob at labas ng akade---"

"Paano ka naman nakakasiguro, Maestra, na kapatid ko nga ang gumagamit ng Ether?! Ha?!" Katulad ng kanyang ina ay paepal din na sumingit si Caitrionna sa usapan at galit na galit din ang ekspresyon niya na para bang napakahuwaran niyang Ate ngayon at ipinagtatanggol ang kapatid.

Bida-bida ba 'to o tanga lang?!

"Bulag ka ba? Tingnan mo nga ang hitsura ng kapatid mo, Caitrionna." Madiin at malamig na sagot naman ni Caedmon dahilan para siya naman ang balingan ni Caitrionna.

"Manahimik ka, Caedmon!" Nanggagalaiti niyang sigaw sa kapatid pero hindi na siya sinagot pa ni Caedmon. Kita ko pang umirap ang katabi ko dahilan para lalong manggalaiti si Caitrionna ngunit si Maestra rin naman ang kanyang binalingan.

"Maestra, sino naman ang nagsabi sa iyo ng mga bagay na ito?! Nasaan ang ebidensya?! Pakitaan niyo kami ng ebidensya!" Patili niya pang sigaw at parang ano mang oras ay ibabalibag na niya ang lamesa sa mukha ni Maestra na nananatili pa rin kalmado sa kabila ng paninigaw na natanggap niya sa mag-ina.

Hindi naman sumagot sa kanya si Maestra dahil bumaling siya kay Eryx na tuwid pa rin ang pagkakaupo sa trono habang nakadaop ang mga palad niya.

"Nasa akin ang ebidensya, Prinsesa Caitrionna." Malamig na pahayag ni Eryx habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Caitrionna na bigla naman nahiya.

Nasaan ang tapang mo ngayon?! Naharap ka lang sa prinsipe naduwag ka na?! Wala kang kuwenta!

"Prinsipe Eryx..." Nauutal pang pahayag ni Caitrionna saka siya nag-iwas ng tingin at napapahiyang napaayos ng upo.

"Mayroong mga tauhan ko ang nagmamatyag sa kuta ng mga sindikato na nagbebenta ng droga at nakita doon si Prinsipe Daewon na nakikipagtransaksyon ng pera at ng Ether." Kalmadong paliwanag sa kanila ni Eryx pero ang mga mata niya ay nananatili lamang nasa akin na para bang ako ang pinapaliwanagan niya. Napasimangot naman ako sa titig na iginagawad niya sa akin at sinubukan iyon labanan pero ako rin ang natalo at naunang umiwas ng tingin.

Nababagabag ako sa sinabi niya dahil alam niyang sinundan ko noon si Daewon kaya hindi malayo ang possibilidad na ang tinutukoy niyang tauhan ay ako. Ilalaglag niya kaya ako ngayon? Ewan, sana naman hindi dahil malilintikan talaga siya sa akin.

Agad din nangibabaw ang singhapan sa buong silid mula kay Caitrionna at Sunniva habang si Dareios naman ay mas lalong namutla sa narinig.

"Anak? Bakit mo naman nagawa ito?" Pagsusumamong tanong ng hari kay Daewon ngunit nananatiling bingi-bingihan ang hinayupak sa kinauupuan niya. Nagpatuloy na lang tuloy si Maestra sa sinasabi ni Eryx kanina.

"Bukod dito ay napag-alaman din namin na kaliwa't kanan ang kinasasangkutang gulo ng mahal na prinsipe laban sa mga lehitimong mag-aaral ng ating akademya. Noong nakaraan ay muntikan na niyang pagtangkaan ang buhay ng mahal na prinsipe at ni Prinsipe Adelrick." Nanatili naman tahimik ang lahat at nakikinig lamang sa sinasabi ni Maestra habang ako naman ay nagsalubong ang mga kilay.

Pinagtangkaan niya ang buhay ni Eryx at Adelrick? Talaga? Kailan? Bakit hindi ko alam iyon?! E hindi naman kasi pala talaga dapat lahat ay alam ko. Pero sayang hindi ko nakita na nangyari iyon.

"Kahapon ay muli siyang nasangkot sa gulo kung saan walong mag-aaral ang nadamay. Kabilang na doon ang inyong anak na si Prinsesa Eliana at ang susunod na hari ng Umoewin na si Prinsipe Zephyr." Pagpapatuloy pa ni Maestra na bahagya akong sinulyapan sa aking puwesto.

Bukod sa kanya ay napatingin din ang aking ama sa kabuuan ko lalo na sa mga benda na nasa mga sugat ko. Kunot noo ko naman sinalubong ang tingin niya kaya agad din siyang nag-iwas ng mata. Naaawa ba siya? Puwede ba, huwag mga siyang umarte na para bang may pakialam siya sa akin. Mapagpanggap.

"Daewon, totoo ba ang lahat ng ito?" Malamig na tanong ni Dareios habang nandoon pa rin ang hinanakit sa kanyang mga mata. Nanatili naman tahimik si Daewon at hindi man lang nag-aangat ng tingin.

Lalo naman nainis si Dareios sa pagbibingihan ng anak niya kaya malakas niyang nahampas ang lamesa gamit ng isang kamay at ganoon na lamang ang gulat ko ng makitang bumaon ang kamao niya dito at nagkaroon ng biyak ang lamesa. Ganyan siya kalakas?!

"Daewon Flavian! Totoo ba ang lahat ng ito?! Sumagot k---" Pag-uulit niya pa sana sa naunang tanong ngunit mabilis sumingit si Sunniva sa usapan ng may nanggagalaiti at namumula sa galit na mga mata.

"Walang kasalanan ang anak ko, Dareios!" Malakas na sigaw niya kay Dareios at para bang nagulat si Maestra at ang mga kapatid kong babae dahil nagawa niya siguro sigawan ang isang hari ng harap-harapan.

"Biktima lamang siya dito! Lahat ng ito ay kasalanan mo, Eliana!" Ngayon naman ay ako na ang binalingan niya at dinuro. Napataas naman ako ng kilay dahil doon at napaayos pa ako ng upo para malditang salubungin lahat ng paratang niya sa akin. At talagang kasalanan ko pa? Sabi ko na nga ba at ako na naman ang pagdidiskitahan ng babaeng ito.

"Pinlano mo siguro ang lahat tama ba?! Ang masangkot ang aking anak sa droga at masira ang kanyang imahe, hindi ba?! Kasalanan mo ito lahat!" Gigil niyang duro sa akin pero nanatili lamang akong blangkong nakatingin sa kanya at hinahayaan siyang magwala na parang baliw.

"Sunniva, walang kasalanan dito si Eliana!" Sita pa sa kanya ni Dareios na mas lalong ikinataas ng kilay ko. At kailan niya pa ako ipinagtanggol?!

"Anong wala?! Ang babaeng iyan ang puno't dulo nito! Pinlano niya ito lahat para masira ang pangalan ng aking anak at mapatalsik sa akademyang ito?! Nagpapanggap ka rin na biktima hindi ba?! Ha?!" Gigil niya pa rin na sigaw at kita ko kung gaano kapula ang mukha niya at kung gaano nagbabaga ang mga mata niya sa galit habang nakatingin sa akin.

Ah...matagal ko rin hindi nasilayan ang mga ganyang mata ni Sunniva at tulad noon iisa lang ang reaksyon ko. Blangko at malamig na tingin lamang.

"Ina, tama na!" Pang-aawat bigla ni Adelrick sa kalagitnaan ng paghuhurementado ng nanay niya. Nilingon naman siya ng halos lahat ng nasa silid dahil ngayon lamang siya nagsalita. Nanatili naman ang aking paningin sa lamesa at hinihintay na lamang ang mga sasabihin niya.

"Walang kasalanan ang kapatid ko o kahit sino man sa mga kapatid ko kaya huwag mo silang sisihin dito." Mahinahon ngunit madiin na pahayag ni Adelrick at kahit hindi ko nakikita ang mga mata niya ay batid kong puno na naman ito ng pakikiusap at pagsusumamo sa kanyang ina.

"At kinakampihan mo pa ang babaeng iyan kaysa sarili mong kapatid?! Ha?!" Malakas na sigaw ni Sunniva kaya naman nag-angat na ako ng paningin at nilingon ang gawi ni Adelrick na nakatayo na pala sa kanyang puwesto at pilit kinakalma ang sarili habang nakatingin sa kanyang ina.

"Wala akong kinakampihan na kahit na sino. Ayoko lang nadidiin ang taong wala namang kasalanan sa isyu na ito. Inosente ang mga kapatid ko, inosente si Eliana kaya huwag niyo siyang sisisihin dito." Kalmadong paliwanag pa ni Adelrick ngunit ang ina niya ay nananatiling matalim ang tingin na ginagawad sa kanya na para bang sinasabi niya sa kapatid ko na huwag ng makisali dito.

Ah, ito ba ang plano mo, Sunniva? Ang ipitin na naman ako sa sitwasyon pero hindi mo inaasahan na kakampi sa akin ang anak mo? Karma nga naman.

Hindi na nakasagot pa si Sunniva kaya naman kinuha ito ni Dareios na pagkakataon para sumingit. Epal talaga.

"At sinong sisisihin namin Adelrick?! Ang kapatid mo?! Si Daewon na pinakabata sa inyong tatlo?! Hindi ba ikaw ang Kuya? Hindi ba ikaw ang mas matanda?! Bakit hindi mo man lang inalalayan ang iyong kap---"

Bahagyang nagpantig ang tenga ko sa mga sinasabi ni Dareios kaya naman ganoon na lamang ang ginhawa ko ng putulin ni Adelrick ang sinasabi niya kundi ako na mismo ang susungalngal sa nguso niya.

"Inalalayan ko siya, Ama, sagad na pag-alalay ang ginagawa ko hindi lang kay Daewon kundi sa lahat ng mga kapatid ko...pero hindi ko naman hawak ang puso't isipan nila, Ama. Sana maintindihan mo na hindi bente kuwatro oras ay kasama ko sila at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nararamdaman ko ang nararamdaman nila." Mahinahon at nanginginig na pahayag ni Adelrick habang ang mga mata niya ay puno ng hinanakit na nakatingin kay Dareios.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon dahil hindi ko ata kayang tingnan ang ekspresyon ng mukha niya. Pakiramdam ko ay naaawa ako sa hindi malamang dahilan.

Nanatili naman tiim-bagang si Dareios sa sinabi ni Adelrick hanggang sa muli itong nagsalita ng may napakalamig na tono ng boses.

"Pero para saan pa na naging panganay ka at susunod na hari ng aking kaharian kung kapatid mo mismo ay hindi mo maalalayan, Adelrick?! Paano ko pa maipapasa sa'yo ang korona kung---"

"Bakit ba sinisisi niyo na lang palagi si Kuya sa mga kasalanan na hindi naman siya ang puno't dulo, ha?"

Napalingon naman ako kay Caedmon na nasa aking tabi ng bigla siyang sumingit sa usapan. Lahat ay napatingin din sa gawi niya ngunit malamig ang mga mata lamang na nakatingin si Caedmon sa kanyang ama na nakikipagtagisan din ng titig sa kanya.

"Caedmon, huwag kang sumali dito at hindi ka kinakausap---"

"Wala akong pakialam, Sunniva. Anak din ako kaya manahimik ka." Matapang at malamig na sagot ni Caedmon dahilan para palihim na mapa 'O' na lang ako ng bibig. Ibang klase rin ang kabastusan ng batong kapatid ko dahil ayon sa ekspresyon ni Sunniva ay hindi niya inaasahan na pagsasalitaan siya ni Caedmon ng ganito.

Natahimik at napahiya na lamang tuloy si Sunniva sa upuan niya ngunit nandoon pa rin ang nagdidilim na niyang mga mata.

Tiningnan naman ni Caedmon ang bawat isa na nasa silid hanggang sa huminto ang mga mata niya kay Dareios at Sunniva na nakatingin din sa kanya.

"Alam niyo ba na muntik ng mamatay si Kuya Adelrick dahil pinagtangkaan din ang buhay niya ng anak niyo? Ha? Hindi niyo alam iyon di ba? Hindi niyo nga rin alam kung kanino dapat isisisi ang nangyayari sa pamilyang ito dahil ang may sala mismo ang nagmamalinis dito." Makahulugan at madiin na pahayag ni Caedmon na agad naman ikinagulat nina Sunniva at Dareios habang ako naman ay napapataas noo na lamang sa aking kinauupuan.

Gumagaling na rin pala sumagot ang kupal na ito. Kung ganito lang siya sa mga kinabubuwisitan ko ay baka tanggapin ko na ang sabi-sabi na magkatulad kaming dalawa. Ang kaso, ngayon lang siya maraming may kuwenta na sinasabi.

"Caedmon, tama na..." Pang-aawat pa ni Adelrick sa kapatid pero salubong ang kilay lamang siyang nilingon ni Caedmon.

"Lumaban ka, Kuya. Huwag kang pumayag na basta na lamang nila ipasalo sa'yo lahat dahil hindi naman porke't anak ka lang ay wala ka ng karapatan ipagtanggol ang iyong sarili gayong alam mo naman na ikaw ang nasa tama." Mahinahon ngunit mariin na saad ni Caedmon sa kuya niya. Natigilan naman si Adelrick dahil doon at kita ko pa kung paano mamasa-masa ang mga mata niya dahil sa sinabi ng bato kong kapatid.

"Ang dami mo pang sinabi, Caedmon, pero ikaw din naman ang may kasalanan dito?!" Biglang singit naman ni Caitrionna sa kanila dahilan para taas kilay at nagsusungit naman siyang balingan ni Caedmon.

"Oh? Kasali ka pala sa usapan, Caitrionna?" Pagmamaldita ng kapatid ko at ewan ko ba pero napailing na lamang ako doon habang pinipigilan ang aking sarili na ngumisi lalo na ng makita kong napanganga si Caitrionna sa gulat at pagkapahiya.

"Gago ka! Wala kang kuwentang kapatid! Naturingang nabilang kayo sa ranggo pero hindi niyo man lang alam na nagkakaganito na pala ang kapatid ko?! Anong klase kayong mga nakatatandang kapa---"

"Bago mo sabihin kung ano man ang ikinapuputok ng butsi mo, sana inalam mo rin sa sarili mo kung hindi ka ba nagkulang bilang Ate ni Daewon." Malamig na tugon din Caedmon at nasisiguro kong nagpantig ang tenga niya sa sinabi ng babaeng ito.

Kita ko rin mula sa aking puwesto ang pagngiwi ni Neola kay Caitrionna marahil ay hindi niya nagugustuhan ang pambabastos na ginagawa nito sa kapatid niya.

"Anong sabi mo?! At ngayon naman sa akin niyo ipupunto ang sisi?! Ganoon ba?!" Naghuhurementadong tanong ni Caitrionna.

"May sinabi ba akong 'Kasalanan mo. 'ha?" Patay malisyang sagot ni Caedmon dahilan para mapatili na lamang si Caitrionna sa matinding inis. Akmang tatayo na sana siya ss kinauupuan para bungangaan ang kapatid ngunit nangibabaw ang malamig at maotoridad na tinig ni Eryx.

"Hindi matatapos ang usapang ito kung magsisisihan lamang kayo, Haring Dareios." Baling niya pa kay Dareios na nagulat naman sa biglaang  pagsingit ng kanina pang nananahimik na Eryx. Ngayon niya lang ba naisip na hindi talaga matatapos ito kung magsisisihan lang sila?! Ako alam ko na magmula ng makita ko si Sunniva ay sigurado akong hindi na matatapos ang usapang ito.

"Pasensya na, Prinsipe Eryx, hindi lang ako makapaniwala na nangyayari ito sa anak namin." Pagpapaumanhin pa ng hari habang nakatingin din siya sa gawi ni Eryx na prente lamang na nakaupo sa kanya g kinauupuan. Paastig talaga 'to kahit kailan.

Nangibabaw muli ang katahimikan sa pagitan naming lahat ng bigla na lamang pumalahaw ng iyak si Sunniva habang nakatingin sa gawi ni Daewon.

"Hindi ako nagkulang bilang ina. Bakit ka nagkaganito, Daewon? Bakit ka gumamit ng---"

"Wala... na talaga ikakapal
.... iyang mukha mo... at nag...patulo ka pa ng luha... gayong ikaw at ang asawa mo ang... puno't dulo dito." Kahit basag na basag at paos ang boses ko ay hindi naging hadlang iyon para iparating kay Sunniva kung gaano kakapal ang mukha niya para umiyak-iyak pa ngayon sa harap ng anak niya porket malapit na siyang maipit dito. Anong klase siyang ina?!

Nagulat naman siya sa biglang pagsabat ko maging ang halos lahat ng tao sa silid ay ganoon ang reaksyon ngunit makikita rin sa mga mata ng iilan ang pag-aalala matapos nila marinig ang aking boses. Nakita ko rin na bahagyang gumalaw si Daewon na kanina pa parang estatwa sa kinauupuan niya ngunit wala na akong pakialam doon. Nanatiling nakay Sunniva at Dareios ang aking nagbabagang paningin.

"Eliana..." Pang-aawat pa sa akin ni Ellionoir na lumingon pa sa gawi ko ngunit hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin.

"Kung...hindi ka nag
...kulang....bilang ina kay
...Daewon, puwes, saan...ka nagkulang? Sa pagiging...kapwa...tao? Ha?!" Pilit ko pang pinalakas ang aking boses ngunit masakit na talaga masyado ang lalamunan ko kaya inilabas ko na lamang ang gigil na nararamdaman ko sa pamamagitan ng panlalaki ng aking mga mata.

"Bastos kang bata ka! Anong karapatan mong sumabat sa usapang ito?!" Wala sa hulog na buwelta na lamang ni Sunniva dahil hindi nakaligtas sa akin ang pagkabigla niya sa aking sinabi. Totoo naman ang mga sinabi ko.

"Hindi... ko...na kailangan sagutin iyan...dahil sapat ng alam...mong anak din ako ng asawa... mo para...magkaroon ng...karapatan magsalita...sa pamilyang ito." Matigas kong sambit sa kanya habang nakangisi pa ako ng nakakaloko na para bang astig ng sinabi ko sa kabila ng pamamaos at pagpuputol-putol ng aking boses. Kinginang buhay iyan.

Ang tanga ko talaga dahil ang mismong ang dahilan kung bakit ganito ang boses ko ay siya rin taong dahilan kung bakit pinipilit ko pa rin magsalita ng todo. Tsk.

"Ha?! At ano namang sasabihin mo?! Isisisi mo rin ba sa iba kung bakit nagkaganyan si Daewon gayong ikaw naman talaga ang may kasalanan nito---"

"Bakit...ako? Ako ba ang naging walang... kuwentang ina sa kanya? Ako ba ang... paulit-ulit siyang kinukumpara sa mga... kapatid niya? Ako... ba ang nagbibigay sa kanya ng pasanin... para maabot... ang walang hangganan... niyong pamantayan sa kanya?! Ako..ba?! Ha?!" Gigil kong sigaw kina Dareios at Sunniva at wala na akong pakialam kung mawala na ang boses ko basta masabi ko lang sa kanila ang pagkakamali nila na hinding-hindi nila aaminin sa sarili nila.

Kita ko pang natigilan si Sunniva sa sinabi ko at mukhang tamang-tama siya sa bawat salita na aking binitiwan. Bakit?! Totoo naman lahat ng iyon ah?!

"A...Ano ba iyang pinagsasabi mo?! Wala akong alam dyan?!" Nauutal at namumutlang tanong ni Sunniva dahilan para mapangisi naman ako lalo ng nakakaloko sa kanya at marahan na lang umiling.

Nakakaawa na lang ang mga anak ng babaeng ito dahil sa labis na kademonyohan na mayroon siya. Sariling dugo't laman niya ang nagawan ng pagkakamali pero hindi niya man lang maamin ito sa sarili niya. Nakakadiri.

"Sige, magsinungaling... ka lang." Nginisihan ko pa siya ng nakakaloko bago ako magpatuloy sa pagsasalita. "Pero sana matakot... ka rin sa kapakanan...ng mga anak mo dahil imbes na bumalik.... sa'yo ang karma...ay sa katulad nina...Daewon at Adelrick...pumupunta...ito!" Gigil na sigaw ko at kita ko naman na napalunok na lamang ng ilang beses si Sunniva dahil doon.

"Eliana, ano ba iyang pinagsasabi mo?! May kinalaman ka ba sa pagkakasangkot ng kapatid mo sa droga?! Ha?!" Singit naman ni Dareios sa amin pero pagak lamang akong natawa habang dinadama ang mas pinatitinding paghapdi ng aking lalamunan.

"Nagpapatawa...ka ba, Ama? Mukha na rin ba...akong adik tulad...niya?" Sarkastiko at malamig kong tanong pero napatiim bagang na lamang sa inis si Dareios at muling sumigaw.

"Sumagot ka ng maayos! Ano ang mga pinagsasabi mo sa iyong Ina---"

"Isa lang...ang ina ko kaya huwag mong matukoy-tukoy...na ina si Sunniva...kapag...ako ang...nagsasalita." Malamig at madiin na pahayag ko dahilan para matigilan naman si Dareios dahil doon.

Pinanlisikan ko pa siya ng mga mata para maramdaman niya na hindi ko nagustuhan ang pagtawag niyang 'Ina mo' kay Sunniva. Una naman siyang nag-iwas ng tingin dahil mukhang hindi niya kinaya ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.

"Lapastangan ka talagang bata?! Ayan!" Duro pa ni Sunniva sa akin. "Kita niyo naman hindi ba! Malaki ang galit niya sa akin kaya pinupuntirya niya mismo ang kapatid niya at isinasangkot pa ito sa mga masamang gawain para lamang masira ang pangalan ni Dae---"

"Ano...naman makukuha ko...kapag nasira...ko ang pagkatao...ni Daewon? Papuri... muli sa inyo? Tss. Huwag kang magpatawa." Pinandilatan ko pa siya ng mga mata saka ako lumiyad paharap para marinig niya ng mabuti ang sasabihin ko.

"Hindi ako...mababaw na tao. Kahit... sirain ko pa ang buhay niya at... buhay niyong... lahat, hindi...pa rin... ako makukuntento, Sunniva. Kulang pa kayo para mapunan ang kagustuhan ko." Nag-aalab sa matinding inis ang mga mata ko habang nakatitig ng diretso sa kanya. Kita ko pa kung paano sila natigilan ni Dareios dahil sa sinabi ko at kung paano mamutla ang aking Ama dahil dito. Pero syempre, mabilis din nakabawi si Sunniva at mas matindi na ang galit niya ngayon na binalingan amg asawa.

"Bastos ka talaga?! Ayan?! Ayan, mahal ko, nakikita mo na kung gaano kabastos ang anak mo?! Ha?! Masamang impluwensya si Eliana kay Daewon kaya kung mayroon man dapat managot dito, Maestra, ay si Eliana iyon---"

"Tsk." Malakas kong pitik sa aking dila saka ako marahas na tumayo mula sa aking kinauupuan. Nakita ko pang naalerto sina Caedmon at Ellionoir dahil sa ginawa ko at mabilis din lumapit si Leandra sa akin para alalayan ako. Nanginginig ang mga binti ko sa hapdi ng aking bukong-bukong pero wala akong pakialam! Kung hindi ko mapapamukha sa kanila ang nararamdaman ni Daewon ay hindi matatapos ang suliranin sa pesteng pamilyang ito!

"Mahal na Prinsesa, bawal ka pang tumayo, pakiusap, maupo ka." Natataranta at nag-aalalang pahayag ni Leandra pero hindi ko siya sinunod ngunit nanatili lamang silang nakaalalay sa akin ni Ellionoir. Si Caedmon naman ay nakaantabay lamang.

"Wala...akong...pakialam?!" Sigaw ko sa mga tagahawak ko saka ako marahas na humarap kay Sunniva at dinuro siya. Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang napapalunok ko na lamang na ama na bakas ang kaba at pag-aalala sa mga mata. Bakit siya nag-aalala?! Pota huwag siyang magpanggap?!

"Alam mo, napipikon...na ako sa mga kasinungalingan...mo e. Hindi...ka ba nahihiya?! Ha?! O baka...gusto mong sabihin ko sa'yo.... ang dahilan kung bakit lumaking...inggitero at sakim ang...anak niyo?!" Gigil kong sigaw at kita ko na mas lalong natigilan sina Sunniva at Dareios sa mga pinagsasabi ko.

"Anong..." Dinig ko pang mahinang bulong ni Sunniva ngunit hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla ko siyang titigan sa mga mata ng ubod ng lamig at dilim.

Inayos ko pa ang pagkakatungkod ko sa lamesa para alalayan ang aking sarili at nararamdaman kong bumubuka na ang sugat ko sa pulupulsuhan dahilan para mapuno na ng dugo ang aking benda. Wala ito. Hindi ako mapipigilan ng pesteng sugat na ito na talakan ang hayop na punyetang ito.

Sakto naman pagkaangat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Eryx na diretso ang tingin sa akin. Nakaawang ang kanyang bibig na para bang may nais siyang sabihin pero nauna na akong umiwas ng tingin. Hindi rin ako makapaniwala na may nakikita akong kung anong emosyon sa mga mata niya kaya pinilit ko na lang ang aking ulo.

"Simple lang...naman ang buhay, Sunniva, pero...pinakokomplikado mo. Bakit... hindi niyo tanungin si Daewon tungkol sa...mga dahilan niya kung bakit...siya nagkaganito?" Nakangisi kong pahayag ngunit nananatili lamang parang tanga si Sunniva na pilit pa rin nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi ko.

"Walang kasalanan ang anak ko. Biktima mo lamang si---"

"Biktima...ng ano? Ng...kalupitan ng mundo? Ng mataas na...pamantayan niyo? Bakit...hindi ka magtanong, Sunniva?...Ama?" Binalingan ko pa sila pareho at kita ko naman na napapaiwas na lamang sila ng tingin sa akin. Mas lalo akong lumiyad paharap dahilan para mas lalong dumiin ang sugat ko at napuno ng dugo ang aking benda. "O baka...naman natatakot...kayong marinig...mismo ang totoo mula sa anak niyong hindi niyo man lang...namalayan na nagtatanim na ng galit sa inyo."

"Eliana, ang sugat mo." Napapasinghap na pahayag ni Ellionoir ngunit hindi ko siya pinansin at nananatili pa rin kina Sunniva at Dareios ang aking nanlilisik na mga mata.

"Leandra, tawagin mo si Aeson. Ngayon na." Matigas na bulong ni Caedmon kay Leandra na nag-aalinlangan pang sumunod ngunit agad din tumango.

"Masusunod po." Natatarantang sagot niya pa at mabilis na yumuko sa lahat bago magtatakbo palabas.

"Tumigil ka na, Eliana?! Pati ba naman ikaw ay kami ang sinisisi gayong kayong mga kapatid niya ang kasama niya?! Wala man lang nagsabi sa amin na---"

"Tama na! Tama na!! TAMA NA!!! Ang ingay niyo! Ang ingay-ingay niyo!!!"

Hindi na naituloy pa ni Dareios ang sasabihin dahil biglang sumigaw ng napakalalas si Daewon. Lahat kami ay napalingon sa gawi niya at kita namin kung paanong nagliliwanag ang mga mata niya dahil sa matinding galit at pulang-pula ang buong mukha niya.

Buong oras ay nanatili lamang siyang walang kibo at nakayuko pero ngayon ay dumating na ang pinakahihintay kong pagsasalita. Palihim naman akong napangisi ng nakakaloko sa hitsura niya saka ako dahan-dahang naupo sa aking puwesto at blangkong nanood sa mga magaganap. 

"Daewon..." Dinig ko pang pagtawag ni Dareios sa anak ngunit taas baba lamang ang balikat ni Daewon at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanyang mga magulang.

"Wala silang alam! Hindi kasalanan nina Kuya, dahil kayo?!" Duro niya pa sa kanyang ina at ama gamit ang mga kamaong nakabalot ng posas. "Kayo ang puno't dulo ng lahat ng ito?! Ang mga katulad niyo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?!" Marahas niyang sigaw sa mga magulang habang ang mga mata niya ay namumula na rin sa galit. Nanatili lamang akong nakikinig sa tinig niyang basag at nanginginig sa matinding galit. Sinulyapan ko rin sina Sunniva at parehas silang natatameme sa sinasabi ng anak.

"Akala niyo ba hindi masakit kapag kinukumpara niyo ako sa mga kapatid ko?! Akala niyo ba hindi ako nasasaktan na sa tuwing may tagumpay ako ay sasabihin niyo pa rin na kulang pa rin ito kumpara sa mga ginagawa ng mga kuya ko?!" Gigil at matigas niyang sigaw at hindi na nakaligtas pa ang pamumuo ng luha sa mga mata niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ng mga taong unti-unting nagtulak sa kanya sa bangin ng pagkainggit at kasakiman.

"Akala niyo ba hindi ako dinudurog ng paunti-unti ng mga salita niyo?! Putang ina ang sakit-sakit kaya dito!" Pagpapatuloy niya pa habang nakaturo sa kanyang puso at sa pagkakataong ito ay sunod-sunod ng tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya sa mga mata.

Agad naman akong napalingon sa gawi niya at naikuyom ko na lang ang mga palad ko matapos makita ang sagad na hinanakit sa kanyang mga mata. Pamilyar ang mga matang ito. Puno ng paghihiganti at pagrerebelde ngunit nandoon din ang pagsisisi at sagad na sakit.

Kusa na lang akong nag-iwas ng paningin ng marahas na parihin ni Daewon ang luha sa kanyang mga mata. Umiiyak na rin sa kinauupuan niya si Adelrick habang si Caedmon naman ay nakatungo lamang at madilim ang mga mata. Nilingon ko pa ang iba kong mga kapatid at kita kong namumula na rin ang mga mata ni Neola at Caitrionna na nagpipigil lamang umiyak. Si Ellionoir naman ay humahagulgol na sa tabi ko.

Nilingon ko ang gawi ni Sunniva at nakakagat labi na lang siya habang pinapanood ang anak na parang batang umaatungal sa kanyang harapan. Sana masaya ka na sa ginawa mong panglalason sa utak ng anak mo.

"Magmula bata ako, Ina, Ama, wala akong ibang ginawa kundi ang subukang higitan ang mayroon ang mga kuya ko! Palagi na lang sila ang napapansin, palagi na lang sila ang magaling mapa-akademya o kaharian, sila pa rin ang pinupuri ng sambayanan." Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Daewon at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag-abala pang pahirin ito. Nawala ang panlalamig sa mga mata niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang isang katulad niya na hinang-hina at puno ng hinanakit ang mga mata na nakatingin sa mga magulang.  "Kaya umasa ako na kahit papaano, makakatanggap ako ng pantay na pagtingin at pagmamahal mula sa inyo dahil magulang ko kayo pero nagkamali ako?!" Pagpapatuloy niya pa sa sinasabi at muling nanumbalik ang pandidilim at panlalamig ng mga mata.

"Daewon, anak..." Pagsusumamong pagtawag pa ni Dareios sa kanya na pilit nagpapakatatag kahit bahagyang basag na ang boses nito. Marahas naman siyang nilingon ni Daewon dahil dito.

"Manahimik ka, Ama! Kasalanan mo rin ito?! Masyadong mataas ang pamantayan mo sa lahat na lang ng bagay! Ano ba kami sa iyo?! Ha?! Tau-tauhan mo?! Kawal?! Alila?! Hindi di ba?! Anak mo kami, anak mo ako, kaya huwag mo akong sabihan na higitan pa ang mayroon ang iba dahil hindi iyan ang gawain ng isang ama! Kahit kailan hindi mo ako ipinagmalaki, kahit kailan hindi mo ako pinuri, wala kang kuwentang Ama!" Gigil na sigaw ni Daewon sa kanya saka ito muling pumalahaw ng iyak at napatingala na lamang upang subukang patigilin ang rumaragasang pagtulong ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

Napapasinghap na lamang ang mga kababaihan sa silid habang si Dareios ay hindi na malaman ang gagawin at napapahiyang nag-iwas ng tingin.

"Daewon, tama na, pakiusap, magulang pa rin natin sila---" Sinubukan pa siyang awatin ni Adelrick ngunit marahas din siyang binalingan ni Daewon ng may galit at panlalamig sa mga mata.

"Manahimik ka, Kuya! Masyado ka rin bobo e! Bulag ka?! Hindi mo man lang alam na nagkakaganito na ako dahil abala ka rin sa pagpapakasasa sa papuri ng mga magulang na---"

"Gago ka ba o makasarili ka lang?" Galit ngunit mahinahon din na singit ni Caedmon ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakaupo kundi tumayo na rin siya na para bang naghahamon ng suntukan sa kapatid.

"Bakit, Caedmon, ano bang alam mo di---"

"Putang ina mo pala e." Malutong na mura sa kanya ni Caedmon at parang nagtaasan ang balahibo ko sa sobrang lamig ng pagkakasambit niya nito. Maging si Daewon ay natigilan sa kanyang Kuya lalo na siguro ng makatagpo niya ang nagbabaga sa gigil na mga mata ng kapatid. "Nsaksihan mo ba lahat ng paghihirap ni Kuya para lang maging maayos na hari at kapatid sa ating lahat? Ha? Hindi di ba? Akala mo ba puro papuri rin ang natatanggap niya sa mga magulang at taong nasasakupan natin? Tss. Higit pa sa pang-aapi at panghuhusga ang natatanggap niya kumpara sa mga hinanakit mo dahil buong kaharian, nasa kanya ang mga mata. Sana hindi ka naging makasarili Daewon at imbes na nagpapakalunod ka sa mga salita ng mga magulang natin ay iniintindi mo rin ang paghihirap ng iba na kinaiinggitan mo. Wala kang utang na loob" Malamig na pahayag ni Caedmon at nakakabilib na hindi pa rin siya nagtataas ng boses ngunit sapat na ang diin ng mga salita niya para ipadama kay Daewon ang galit niya para dito.

Tumayo naman si Adelrick sa kanyang kinauupuan saka mahinahong inawat si Caedmon na ano mang oras ay susugod na ata kay Daewon.

"Caedmon, tama na..." Mahinahong pahayag niya pa habang sinusubukan paupuin ang kapatid. Marahan naman tinbig ni Caedmon ang mga kamay niya saka marahas na naupo muli sa upuan.

Sumalumbaba naman ako sa lamesa at marahan siyang nilingon ngunit nakatitig lamang siya sa kawalan ng may madilim pa rin na mga mata.

Saglit na nangibabaw ang tensyon at katahimikan sa aming lahat hanggang sa lumuluhang nagsalita si Sunniva.

"Anak? Bakit hindi mo naman ito sinabi sa amin?---"

"Nagpapatawa ka ba, Ina? Bago mo sana itanong iyan, sana inisip mo rin kung tama nga ba ang pagtrato na ginagawa mo sa akin?!" Gigil na pahayag ni Daewon at hindi man lang nagbabago ang galit at pagkasuklam sa mga mata niya.

"Wala kang ibang ginawa kundi ang ikumpara ako kay Kuya! Adelrick ka ng Adelrick, puro na lang si Adelrick! Si Adelrick na ang magaling, si Adelrick na ang nakakaangat." May himig ng pait na pagbanggit ni Daewon sa pangalan ng kanyang kapatid at muli na namab tumulo ang mga luha sa mga mata niya marahil ay sa tindi ng bigat na kanyang nararamdaman. "Paano naman ako, Ina?! Paano naman ako?! Hindi mo rin ako mapagtuunan ng pansin dahil abala kayo ni Caitrionna kung paano papatayin si Eliana, hindi ba?!"

Lahat naman ay natigilan sa rebelasyon na sinabi ni Daewon at kita ko pa ang panlalaki ng mga mata nina Sunniva at Caitrionna sa panlalaglag ng sariling kadugo. Lahat ay napalingon sa puwesto ng mag-ina habang ako naman ay napasandal na lamang sa aking kinauupuan at blangko lamang ang tingin sa kawalan. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Daewon ang bagay na iyan pero wala na akong pakialam doon. Totoo naman kasi. 

Agad naman nakabawi si Sunniva sa gulat kaya mabilis itong napatayo sa kinauupuan at natatarantang hinarap ang anak.

"Daewon, ano ba iyang---"

"Sige, ano?! Sabihin mong hindi?! Sabihin niyo ni Caitrionna na hindi?!" Panghahamon pa ni Daewon dahilan para hindi na lamang makasagot pa si Sunniva kaya ang anak niyang babae ang sumalo dito. 

"Hindi totoo iyan?! May sapak ka na nga sa u---"

"Sinungaling?! Gago ka ako pa ang gagawin mong sinungaling?! Totoo ang lahat ng sinasabi ko?!" Gigil din na sigaw niya kay Caitrionna na napatigil na lamang sa labis na pagkabigla matapos matitigan ang galit na galit na mga mata ng kapatid.

"Pare-parehas lang kayo?! Pare-parehas lang kayong walang kuwenta?! Sana mamatay na kayong lahat?! Sana hindi na lang ako nabuhay pa na kayo ang magulang ko---"

"DAEWON FLAVIAN AGRIGENT!"

Napatakip naman ako bigla ng tenga ng biglang sumigaw ng ubod ng lakas si Maestro dahilan para dumagundong ang buong silid at yumanig pa ang aming kinauupuan. Lahat ay natigilan sa ginawa niya lalo na at nakatayo na ngayon si Maestro ng mayroong madilim na mukha at ang tungkod niya ay nakaturo kay Daewon na biglang namutla sa gulat.

"Lapastangan kang bata?!" Sigaw pa ni Maestro habang ang boses niya ay puno ng pagkadisgusto na umalingawngaw muli sa buong silid. Kita ko naman kung paano napalunok sa kaba si Daewon habang si Dareios naman ay nasapo na lamang ang noo at umiiling na nag-iwas ng tingin. 

"Wala kang karapatang pagsalitaan ang mga magulang mo ng ganyan kahit gaano pa kalaki ang galit mo sa kanila dahil kahit pagbali-baliktarin ang mundo, utang mo sa kanila ang buhay mo!" Galit na pahayag pa ni Maestro ngunit nananatiling matigas lamang ang ekspresyon ni Daewon na masama na rin ang pagkakatingin kay Maestro. Saglit pang nakipag-sukatan ng tingin si Maestro sa kanya bago kusang nag-iwas na rin si Daewon ng tingin.

Nilingon naman ni Maestro si Dareios kaya bigla itong napaayos ng upo at kinakabahang napatingin kay Maestro. Kinuha ko rin ang pagkakataong ito para mapasadahan ng tingin si Eryx ngunit nananatili lamang siyang kalmado sa kanyang kinauupuan habang nakadekuwatro at nakasalumbaba.

Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya bigla niyang inilipat ang mga mata sa akin dahilan para mapaiwas naman ako ng tingin bigla. Paano niya rin napapanatili ang pagiging kalmado sa ganitong sitwasyon?! Ibang klase talaga. 

"Itigil niyo na ang diskusyong ito dahil lalo lamang nasisira ang pamilya niyo! Haring Dareios, hindi kayo nandito para isumbat ang hinanakit niyo sa isa't isa kundi ang ayusin ang kapakanan ng iyong anak sa akademyang ito?!" Pangaral ni Maestro sa aking ama na napapahiya na lamang nag-iwas ng tingin at muling nasapo ang noo na para bang sumasakit na ang kanyang ulo.

"Daewon---"

"Wala na akong sasabihin! Kung papatayin niyo ako, bahala kayo! Kung hahatulan niyo ako ng kamatayan ay bahala na kayo! Wala na akong pakialam?!" Mabilis at seryosong pahayag niya pa kay Maestro bago pa man ito makapagsabi ng mga salita sa kanya. Napatiim bagang na lamang ang matanda sa inasta niya at hindi na nagsalita.

Ang tapang niya naman sabihin ang mga salitang iyan. Akala niya ba sasantuhin siya ng batas porke't isa siyang prinsipe? Kalokohan!

"Daewon, huwag mong sabihin ang bagay na iyan dahil aayusin natin it---"

"Manahimik ka!" Malakas niyang sigaw sa ama na sinusubukan pa rin siya kausapin ngunit sa nakikita ko ay muli na naman isinara ni Daewon ang puso mula sa kahit na sino. "Kahit ano pang sabihin niyo, hinding-hindi ko na kayo mapapatawad! Magkalimutan na tayo!" Gigil na sigaw niya pa dahilan para matigilan na lamang si Dareios at nasasaktan na nag-iwas ng tingin. Si Sunniva naman ay patuloy lamang humihikbi sa kanyang kinauupuan habang inaalo siya ng demonyita niyang anak.

"Tama na." Natigil naman ang lahat ng biglang magsalita si Eryx mula sa kanyang kinauupuan. Malamig ang boses nito at maotoridad na nagpahayag lamang ng dalawang salita ngunit sapat na iyon para makuha niya ang atensyon ng lahat at matigil ang tensyon na namamagitan sa silid na ito. Ganyan ba talaga kapag ipinanganak na susunod na Emperor? Boses pa lang ay talagang kaya ng patigilin ang buong paligid? Tss. Yabang.

Umayos pa siya ng pagkakaupo at muling itinuwid ang kanyang likuran bago magpatuloy sa sasabihin.

"Itigil niyo na ang usapang ito dahil mukhang walang patutungahan na maayos ang diskusyon na ito kung magtatalo-talo lamang kayo." Mahinahon na paliwanag niya pa rin habang tinitingnan ang bawat miyembro ng pamilya ngunit sa akin huminto ang kanyang paningin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinubukang labanan ang paningin niya ngunit agad din siyang umiwas ng biglang magsalita si Dareios.

"Pasensya na, Prinsipe Eryx, hindi ko nais ipakita sa iyo ang kalapastanganan ng aking mga anak. Patawarin mo ako." Pagpapaumanhin ng aking ama habang marahan itong nakayuko kay Eryx. Malamig lamang na tingin ang iginawad niya dito saka muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sana ay maresolba niyo na ang suliraning ito na namumuo sa loob ng iyong pamilya, Haring Dareios. Hindi dapat ganito ang paraan ng pakikipag-usap ang mayroon sa isang pamilya." Mahinahon na pangaral pa sa kanya ni Eryx ngunit nananatili lamang nakayuko ang aking ama na para bang hiyang-hiya siya kay Eryx na nasaksihan ang kademonyohan na nakapaloob sa loob ng sinumpang pamilyang ito.

"Patawarin niyo ako, Prinsipe Eryx." Muli niya pang pahayag ngunit hindi na siya sinagot pa ni Eryx at nilingon na lamang si Maestra Zora na namumugto ang mga mata marahil ay nakiiyak din siya kanina.  Saglit munang tumikhim si Maestra bago magsalita.

"Sa oras na ito ay pag-usapan na natin ang susunod na aksyon sa kaso ni Prinsipe Daewon tungkol sa pagkakasangkot sa ilegal na transaksyon ng droga at pananakit sa iyong kapwa mag-aaral." Panimula ni Maestra habang ang mga mata niya ay tinitingnan ang bawat isa sa amin ngunit tumigil ito kay Daewon na tulala na lang sa kawalan at namumugto rin ang mga mata.

"Inuulit ko, biktima ka lamang dito, Prinsipe Daewon, at hangga't maaari ay papatawan ka namin ng kasong nararapat sa iyong kasalanan. Pero dahil nangangailangan pa kami ng impormasyon upang matukoy ang pinuno ng sindikato na namamahala sa pagbebenta ng Ether ay muli, humihingi pa rin kami ng tulong at kooperasyon mula sa iyo." Mahinahong paliwanag pa ni Maestra ngunit pinanlilisikan lamang ng mga mata si Daewon na nilingon siya at muling nagmungkahi.

"Wala kayong aasahan sa akin. Huwag niyo ng subukin, mapapagod lang kayo." Matigas at sinserong pahayag niya. Sapat na ang mga salitang sinabi niya upang matukoy na hindi talaga niya nais makipagkooperasyon sa otoridad upang isuplong ang mga sindikato na kasabwat niya. Tss. Siraulo talaga ang lalaking ito. Nangangamba ako na hindi pa matatapos ang usapang ito kung hindi pa mahuhuli ang lalaking namumuno sa kanila.

"Kung ganoon..." Muling singit ni Eryx na mayroong malamig na mga mata na diretsong nakatingin kay Daewon at ganoon din naman ang tingin ni Daewon sa kanya. "...simulan na natin dinggin ang kaso mo." Seryosong dugtong niya pa habang ang mga kamay ay nasa magkabilang hawakan ng upuan. Hindi maitatangging nag-uumapaw sa otoridad ang dating ni Eryx. Pero kahit anong lakas at angas niya pa, hindi pa rin ako bibilib sa kanya hangga't hindi niya nareresolba ang tungkol sa Ether.

_____

"Prinsesa Eliana, nagbilin ako sa'yo na huwag ka munang tatayo sa kinauupuan mo dahil sariwa pa ang pagkakatahi ng mga sugat mo---"

"Alam... ko! Tss. Bilisan...mo na lang magpalit ng...benda."  Masungit na pagpuputol ko sa pangaral ng batang doktor habang pinapalitan niya ang benda ng aking mga sugat na napuno na ng dugo.

Kasalukuyan akong nasa labas ngayon ng korte kasama si Leandra upang malinis na ang aking mga sugat. Pimayagan naman nila akong makaalis na kaya lumabas na lang din ako dahil wala na akong balak makinig pa sa hatol na ibibigay nila kay Daewon. Malalaman ko rin naman ito sa ibang tao kahit wala naman ako sa loob.

Magsasampung minuto na rin kami nandito at ganito na rin katagal ang hinihintay ko para lamang matapos ang pagbebenda ni Aeson sa mga sugat ko. Kahit papaano ay bilib din ako sa batang doktor na ito dahil malinis ang kanyang pagkakaayos sa mga sugat ko at halatang bihasa siya dito bagamat nag-aaral pa. Habang tamad lamang akong naghihintay ay bigla kong naisip ang mga nabasa ko sa silid-aklatan patungkol sa mga gamot na maaaring gamitin para maalis ang Ether sa sistema.

"Oy." Tamad na pagtawag ko dahilan para mapahinto naman siya sa kalagitnaan ng pagbebenda ng kaliwang bukong-bukong ko saka lumingon sa aking gawi.

"Alam mo...ba kung ano...ang...IV Fluids?" Bagot na tanong ko pa rin habang nakasalumbaba pa rin ako sa aking kinauupuan at diretsong nakatingin sa nalilito niyang mga mata. Nakita ko pa kung paano magsalubong ang kilay niya wari'y ngayon niya lamang narinig ang bagay na iyon.

"Ngayon ko lang narinig ang---"

"Tss. Sabi ko...na nga...ba." Malamig na tugon ko pa at hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin dahil tama nga ang hinala ko na hindi niya alam kung ano ito.

"Ano ba ang bagay na iyon?" Mahinahon na tanong niya pa habang bahagyanh inaayos ang makapal na salamin at ipinagpapatuloy ang pagbebenda sa aking sugat.

Bagot ko naman siyang nilingon saka dahan-dahang lumapit sa mukha niya. Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko kaya muntik pa siyang maupo sa sahig sa labis na pagkabigla. Ang O.A. niya naman!

"Ibubulong...ko lang, paos ako...di ba? Napaka...mo." Matigas na sambit ko ng makitang naiilang siya sa ginawa kong paglapit sa kanya. Bigla naman siyang napatikhim ng ilang beses at inayos muli ang kanyang salamin. Ang arte nito. Hindi ko naman siya hahalikan.

"Maaari naman tayo mag-usap ng ganito kalayo---"

"Ayo...ko. Sikretong...malupit ang... sasabihin ko." Taas kilay na pahayag ko pa dahilan para titigan niya naman ako ng mabuti at para bang nag-iisip siya ng kanyang mga sasabihin. Ano bang problema kung ibubulong ko? Gusto ko lang naman marinig niya ng mabuti at...para may kumpirmahin din ako.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin, Prinsesa Eliana, at kailangan pa natin magbulungan?" May himig ng pagsusungit na tanong niya pa kaya agad ko siyang tinugunan ng isang nagmamalditang irap.

"Ayoko...na. Tinatamad...na ako magsulat." Tamad na pang-aasar ko pa sa kanya at kita ko naman na napasimangot siya dahil doon. Bago pa man siya magsalita ay muli akong sumalumbaba sa aking kinauupuan at malamig siyang tiningnan. Natigilan naman siya sa nanghuhusga kong tingin kaya agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Sasabihin...ko na sa'yo...sa isang kondisyon..." Nakangisi ko pa rin na pahayag sa kanya ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na para bang inaalam niya ang iniisip ko.

"Ano ba ang---"

Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng bigla kong hinila ang necktie niya palapit sa akin na lubos niyang ikinagulat. Narinig ko pang napasinghap si Leandra ngunit nananatili pa rin akong nakangisi na nakatingin sa mga mata ni Aeson na naiilang at gulat na gulat sa lapit ng mukha naming dalawa.

Tinitigan ko rin ng mabuti ang guwapi niyang mukha habang nakaawang ang aking labi. Dama ko na ilang na ilang talaga siya kaya kagat labi na lang akong nag-iwas ng tingin saka dahan-dahang lumapit sa kanyang mukha. Nakita ko naman ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo at ang pagiging malikot ng mga mata niya. Buwisit 'to! Nakakatawa talaga ang hitsura niya.

"Mananatiling...sa ating dalawa...lang ang...bagay na ito. Maliwanag...ba?" Malamig na bulong ko pa sa kanya habang nakadikit ang pisngi ko sa pisngi niya at nakalapit ang aking mga labi sa kanyang tenga. Nakita ko pa kung paano magtaasan ang mga balahibo niya sa batok kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko saka siya marahang binitawan.

Mistulang natuod naman siya sa puwesto niya habang gulat na gulat pa rin na nakatingin sa akin. Hindi naman nawala ang ngisi ko sa alabi dahil natuwa rin ako sa reaksyon niya. Nananatili pa rin akong nang-aasar na nakatingin sa kanya habang marahan ako

"Magpapadala...ako ng mga...papel mamaya. Basahin mo ang lahat ng iyon at...sundin mo ang mga nakalagay. Malalaman...mo kung ano ang...IV Fluids." Tamad na sagot ko sa kanya ngunit nanatili lamang siyang tahimik at ipinagpatuloy na ang pagbebenda ng aking mga sugat. Hindi niya ako papansinin? Galit ba siya dahil sa ginawa kong paglapit sa kanya? Ang arte naman!

"Gusto...mo maging doktor...di ba?" Malamig kong tanong habang nananatili pa rin akong nakasalumbaba ngunit hindi nakaligtas sa akin ang bigla niyang paninigas na para bang natamaan siya sa sinabi ko. Mabilis niya akong nilingon at bakas sa mga mata niya ang pagkadisgusto ngunit nginisihan ko lamang siya ng nakakaloko. "Paniguradong...malaki ang maaambag...mo sa larangan ng medisina...kung gagawin mo...ito." Makahulugan kong pahayag habang diretso lamang din akong nakatitig sa mga mata niya. Nanatili naman siyang tahimik at nakatingin din sa akin na para bang tinutukoy niya kung nagsisinungaling ako o hindi.

Sabay lang kaming nag-iwas ng tingin ng biglang bumukas ang pinto at naunang lumabas si Daewon kasunod ang kanyang mga kawal at ang nagkukumahog niyang ina na sinusubukan siyang kausapin.

"Daewon! Daewon, anak, sandali lang!" Mangiyak-ngiyak pang pagtawag ni Sunniva sa anak na pilit lamang siyang tinutulak palayo at madilim lamang na nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Nadaanan pa ni Daewon ang puwesto namin kaya napalingon siya sa aking gawi. Nagtama ang mga mata namin at kapansin-pansin ang panlalamig doon ngunit hindi pa man ako nakakapagtaas ng kilay ay lumipat sa mga benda ko ang mga mata niya at may kung anong emosyon na hindi ko matukoy ang nakita ko mula doon ngunit agad din itong nawala. Pasiring na lamang siyang nag-iwas ng paningin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Daewon!" Sigaw pa ni Sunniva sa kanya na ngayon ay humahagulgol ja at nakasalampak sa sahig. Agad naman siyang dinaluhan ni Caitrionna at inalalayan makatayo.

"Mama, hayaan muna natin si Daewon. Masama lang ang loob niya."  Mangiyak-ngiyak na pang-aalo ni Caitrionna sa ina na nakaluhod na sa sahig at humihikbi.

Napataas naman ang kilay ko sa aking pinapanood dahil ngayon ko lamang nakitang ganito kahinang-hina ang hayop na mag-inang ito. Hindi man lang ako nakakaramdam ng awa dahil bagay na bagay talaga sa kanila ang ganitong hitsura.

"Tapos na ako sa pagbebenda ng iyong mga sugat, Prinsesa Eliana." Mahinahon na pahayag ni Aeson habang inaayos ang kanyang mga gamit na nagkalat sa sahig. Inalis ko naman ang paningin ko sa mag-inang nakasalampak sa malamig na sahig para lingunin ang batang doktor.

"Aasahan ko ang mga papel mamayang gabi." Makahulugan niyang pahayag dahilan para dahan-dahan sumilay ang ngising tagumpay sa aking mga labi. Akala ko hindi siya maniniwala sa akin e. Pero dahil nabanggit ang tungkol sa pagiging doktor niya ay talagang hindi niya ito palalampasin.

"Maka...kaasa k---"

"Eliana!" Malakas na sigaw ni Sunniva dahilan para hindi ko na matapos pa ang aking sinasabi.

Inis ko naman siyang nilingon dahil pinigilan niya ang sasabihin ko. Sumalubong agad sa akin ang nagbabaga sa galit niyang mga mata habang ang mga ngipin niya ay nagtatangis sa panginginig. Tinaasan ko lang siya ng kilay at malamig din na tiningnan. Ano na naman ang problema nito?

"Kasalanan mo ito lahat?! Hayop ka! Bakit ba kasi hindi ka pa namatay bata ka---"

"Sunniva!" Hindi na natuloy ni Sunniva ang kanyang sasabihin ng biglang umalingawngaw ang sigaw ng Hari sa buong pasilyo. Sabay naman namin siyang nilingon at katabi niya lamang ngayon ang mga kapatid ko at kasunod niya rin si Eryx kasama si Maestra at Maestro.

Nagtama agad ang mga mata namin ni Eryx ngunit mabilis din akong umiwas ng tingin ng muling magsalita ang aking ama.

"Ano na namang eskandalo ang ginagawa mo, Sunniva?!" Galit na sigaw ni Dareios habang ang mga mata niya ay nagpapapalit-palit ang tingin sa akin at kay Sunniva ngunit nanatili na lamang itong malamig na nakatingin kay Sunniva.

Lahat ng atensyon ay nakatuon sa kanilang dalawa ngunit lahat ay nananatiling nakamasid lamang at nanonood. Walang sino man sa mga kapatid ko ang nagtatakang magsalita o makisali sa alitan ng mga magulang nila. At ito naman kasing si Dareios, dito pa ata balak makipag-away sa asawa niya. Hindi na sila nahiya.

"P...Pasensya na, Mahal ko, nadala lang ako ng---" Napapahiyang pahayag ni Sunniva ngunit agad din siyang pinutol ng aking ama ng may nagbabaga na sa galit na mga mata.

"Hindi pa ba sapat ang eskandalong ginawa mo sa akademyang ito?! Ha?!" Pasigaw na pahayag ng hari sabay nagtaas ito ng kamay upang sampalin si Sunniva na agad na lamang napapiksi at napapikit.

Nagulat naman ako sa balak niyang gawin na pananakit kaya wala sa sariling napasigaw ako kasabay ng biglang paghablot ni Eryx sa kamay ng aking ama.

"Tama...na!" Namamaos na sigaw ko pa habang gigil din akong nakatingin kay Dareios na gulat na nagpapapalit-palit ang tingin sa akin at sa kamay ni Eryx na pumipigil sa kanya.

Natauhan naman si Eryx dito at agad na bumitaw habang si Dareioa ay napapahiyang nag-iwas na lamang ng tingin at nagbaba ng tingin.

"Hindi tama na sinasaktan ang babae, Haring Dareios." Malamig na pahayag ni Eryx dahilan para matigilan naman si Dareios dito ngunit nananatili pa rin tahimik ang lahat.

Napatiim bagang na lamang tuloy ako sa sitwasyon na ito at napaiwas ng tingin ng makita si Sunniva na umiiyak muli habang inaalalayan na ni Caitrionna.

"Pagod na ako, Leandra, gusto ko ng magpahinga." Saad ko na lamang habang sapo ang aking noo hudyat para mapatingin ang lahat sa akin.

"Ihahatid na kita." Blangkong pagboboluntaryo ni Caedmon at wala ng kibo na naglakad papunta sa aking likuran at tinulak ako paalis. Nanatili naman akong blangkong nakatingin sa kawalan hanggang sa magkatapatan kami ni Dareios.

"May...sasabihin ka?" Malamig kong tanong ngunit nanatili lamang siyang malamig na nakatingin sa akin ngunig mistulang nakaawang ang bibig wari'y may sasabihin.

"Wala? Una na ako....Ama." Malamig at sarkastikong pahayag ko habang ang mga mata ay nagbabagang nakatingin sa kanya. Sana madama mo kung gaano ka kawalang kuwenta maging ama at asawa.

_____

NAKASIMANGOT at buwisit na buwisit ako habang tinutulak ni Caedmon ang aking upuang de gulong. Kulang na lang kasi ay abutin kami ng siyam-siyam sa sobrang bagal at tagal niya magtulak ng aking upuan. King ina iyan naiinip na ako?!

"May...ibabagal...ka pa ba, Lolo?" Inis kong pahayag habang nakasimangot at nakasalumbaba sa aking upuan. Nakasunod lamang sa amin si Leandra at nananatiling walang kibo at tahimik.

"Gusto mong bilisan ko?" Malamig at sarkastiko niyang tanong sa akin kaya inis ko naman siyang nilingon.

"Mala---ay puta!" Napamura na lang ako at napakapit sa aking upuan ng bigla niyang pinaharurot ang pagtutulak sa aking upuan.

Kulang na lang ay mapatili ako sa gulat at sa bilis niyang magtulak na pakiramdam ko ay mahuhulog na ata ako sa aking kinauupuan. Bago pa man ako makareklamo sa kanya au bigla naman siyang pumreno na kamuntik pa akong malaglag buti na lang ay nakahawak ako sa aking upuan.

"Gago...ka talaga...e no!" Gigil kong baling sa kanya habang inaayos ang buhok ko na sumabog na lang sa aking mukha. Dinig ko pa ang hagikgik ni Leandra mula sa di kalayuan na malamang ay nasaksihan niya ang kademonyohan ng hinayupak kong kapatid.

"Sabi mo bilisan ko di ba?" Malamig ngunit mapang-asar na tanong niya dahilan para tiim bagang ko naman siya lingunin. Pilosopo talaga ang hinayupak!

"Tanga...ka? Hindi naman...ganoon kabilis. Siraulo...ka talaga." Mataray na sagot ko pa habang kinakalma ang aking sarili at inaayos ang aking buhok. Baliw talaga!

"Ang dami mong reklamo. Ako na nga ang umaalalay sa'yo." Nagsusungit niya naman na pahayag dahilan para mapatigil naman ako sa pagsusuklay ng buhok at muli siyang hinarap.

"Sinabi ko...bang alalayan...mo ako?" Taas kilay kong tanong pero sumimangot lang siya sa akin.

"Sino naman ang gusto mong umalalay sa'yo? Si Zephyr?" Taas kilay na tanong niya rin dahilan para mapatanga na naman ako at magsalubong na rin ang aking kilay.

"Anak ng---bakit...nasingit na...naman si...Zephyr...dito ha?! May gusto...ka ata doon e---" At ang gago ay pinutol pa ang sinasabi ko!

"Hindi ba iniligtas ka niya kahapon? Tapos ka na ba magpasalamat?" Sarkastikong tanong niya pa.

"Ha? Anong...pinagsasabi ---" Pinutol na naman niya ang sinasabi ko! Hayop na iyan!

"Nagpasalamat ka na? Buti naman. Huwag mo ng lalapitan ang lalaking iy---"

"Pinapalayo...mo na naman ba...ako sa kanya?! Ito na...naman ba...tayo sa usapang...ito?" Gigil kong tanong ngunit nananatili lamang blangko ang ekapresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Napaayos na lang ako ng upo at padabog na ipinagkrus ang aking mga braso. Nakakangawit siyang lingunin!

"Oo. Dahil pilit kang lumalapit sa kanya." Matigas niyang sagot ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin siya sabay irap sa kawalan.

"At bakit naman...kasi ako lalayo aber?! Teka...nga, akala ko ba lulubayan...mo na ako sa...usapang ---" Pinutol na naman niya ang sinasabi ko?! Nakakaimbyerna!

"Sino naman nagsabi sa'yo?" Mataray na tanong niya pa dahilan para sumimangot ako.

"Kailan...ka ba titigil...sa pakikialam sa...amin ha?!"

"Kapag lumayo ka na sa kanya." Malamig niyang pahayag at ewan ko ba pero bahagya akong kinilabutan doon dahil ayaw halatang binabantaan niya ako.

"Alam...mo kung ano...na ang sagot...ko dyan." Malamig kong tugon habang nakakrus pa rin ang aking mga braso at nanlilisik ang aking mga mata na nakatingin sa malayo. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko si Leandra na nananatili pa rin tahimik at nakikinig lamang sa pagtatalo namin ng bato kong kapatid.

"Hindi ka lalayo?" Kahit patanong ang pagkakasabi niya ay hindi talaga mapagkakailan na binabantaan niya ako. At ang lakas ng loob talaga niyang bantaan ako?!

"Hindi ko...inuulit ang...sinasabi ko." Madiin na pahayag ko sa kanya saka muling napairap sa kawalan. Ganito na lang kami palagi! Nakakainis!

"Magtapat ka nga, Eliana."

Nagulat naman ako ng bigla niyang malakas na paikutin ang aking kinauupuan paharap sa kanya na halos mapasigaw na ako ngunit pinilit ko pa rin na manatiling kalmado. Malamig naman ang ekspresyon ng mukha niya ng harapin ko siya.

"Punyeta...naman ano ba---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa magkabilang hawakan ng aking upuan at malamig na tiningnan ako ng diretso sa mga mata.

"Kayo...na ba?" Madiin at may himig ng pagbabanta na tanong niya pero pinanatili ko pa rin ang pagiging matigas ng aking ekspresyon.

"Bakit ba...gusto mong...malaman?!"

"Kayo na ba?" Pag-uulit niya muli ngunit sa pagkakataong ito ay mas madiin na at mas malamig ang boses niya.

"Hindi ko...sasagutin iyan." Pagmamatigas ko pa ngunit natigilan ako ng bigla niyang ilapit ang mukha sa akin na halos mapasandal na lang ako ng todo sa aking kinauupuan. Ano ba?! Susuntukin ko ito!

"Kayo. Na. Ba?" Nakakakilabot ang lamig ng boses ni Caedmon at may diin ang bawat salita niya na maski ako ay napaawang na lamang ang bibig sa pagkabigla. Hayop na iyan nakakatakot siya lalo na ang mga asul niyang mata na nagbabaga sa galit.

"Hi...ndi." Nauutal at wala sa sariling sagot ko na lang dahil wala pa akong lakas para makipagbasagan ng ulo sa kanya kung sakaling magkainitan kami.

Bahagya naman kumalma ang mata niya dahil sa sagot ko at lumayo na rin siya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Kung ganoon, ano kayo? Magkaibigan?" Muli niya pang pang-uusisa habang nandoon pa rin ang malamig niyang boses na wari'y papatay na siya ano mang oras.

"Bakit ba...usisa ka ng...usisa?!"

"Bakit hindi...mo masabi kung...ano kayo?" Sarkastikong tanong niya pa dahilan para mapatiim bagang na lang ako.

"Bakit...kailangan...mo malaman?" Nanlilisik ang mga mata ko na tanong sa kanya pabalik.

"Bakit hindi? Kapatid mo ko." Taas kilay niya namang tanong at talagang hindi siya magpapatalo! Ano naman ngayon kung kapatid ko siya?! Kailangan ba alam niya lahat?!

"Tss. Kagaguhan. Hindi...ko sasabihin sa---"

"Gusto mo bang bugbugin ko ang lalaking iyon---"

"Kaya...mo?" Panghahamon ko pa habang nanlalaki ang mga mata ko. Kaya niya ba? Kaya niya ba talagang bugbugin ang kaibigan niya?!

Akala ko ay aatras siya sa hamon ko ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla siyang ngumisi ng nakakaloko na para bang ang laki kong tanga na tinanong ko ang bagay na iyan.

"Sinusubukan mo ko?" Nanghahamon niya na rin na tanong at ayon sa bagsik ng mga mata ni Caedmon ay takagang kaya niya nga gawin iyon. Bakit siya ganyan?! Para lang malaman kung ano kami ay gagawin niya iyon?!

"E di gawin...mo! Ako pa ang...tinakot mo!" Panghahamon ko muli dahil impossible naman siguro na magawa niya iyon sa dati niya kaibigan o nagkakamali ako?

"Sinabi mo iyan..." Bagot na sagot niya pa sabay tayo at lakas paalis dahilan para magulat naman ako. Seryoso ba talaga siya?!

"Hoy, teka! Saan...ka pupun---"

"Babasag...ng bungo." Walang lingon-lingon na sagot niya kaya mas lalo akong nataranta. Hindi talaga siya nagbibiro! Ang lakas ng tama ni Caedmon!

"Anak ng--- seryoso...ka ba...talaga?! Hoy?! Caed...mon?!" Pagtawag ko pa sa kanya at sa kabutihang palad ay lumingon naman siya sa akin ngunit nandoon pa rin ang ekspresyon niya na parang hinahamon niya talaga ako. Gago ba siya?! Hindi niya ba alam na nasa pagamutan pa rin si Zephyr tapos manghahamon na siya ng ganito.

"Sasabihin mo o hindi?" Muli niyang tanong sa akin habang nandoon pa rin ang tonong naninindak.

"Bakit ba...gustong-gusto...mong malaman?! Ano bang gusto mong mangyari at usisa ka ng usisa sa buhay ko?!"

"Isa...seryoso talaga ako kapag umabot ng tatlo ang bilang ko ay babasagin ko ang mukha ng lalaking iyon, Eliana."

"Hindi mo ba...talaga kami...titigilan ha?! Ano bang ginawa sa iyo ni Zep---"

"Dalawa... naiinip na ako."

"Paano kung...hindi ko naman sabihin sa'yo?! Bubugbugin...mo talaga siya e siya na...nga ang nagligtas...sa buhay ko tapos balak mo pang---"

"Tatlo...pasensyahan na lang tayo, Eliana." Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ko dahil mabilis na naman siyang tumalikod sa akin dahilan para maikuyom ko ang aking mapalad at wala sa sariling sumigaw.

"Nanliligaw...siya sa...akin!" Gigil at inis na inis kong sigaw na para bang kung hindi lang ako lumpo ngayon ay baka pinagsasapak ko na si Caedmon sa mukha sa sobrang inis na nararamdaman ko. Iilan lang ang mga lalaking nakakapagpatiklop sa akin at hindi ako makapaniwalang isa doon si Caedmon, ang kapatid ko pa mismo na sagad sa kabatuhan ang katauhan!

Dinig ko pang napasinghap si Leandra sa tabi kaya naman mabilis ko siyanh nilingon ng may nanlilisik na mga mata. Bigla naman siyang napaayos ng tayo at napahawak sa kanyang bibig. Nakakainis naman. Dahil alam na ni Leandra, paniguradong bubwisitin na naman nila ako ni Stella ng pang-aasar!

Dahan-dahan naman lumingon si Caedmon sa akin at napahilamos na lamang siya sa mukha na para bang inis na inis siya sa narinig. Hindi na ako magtataka na ganyan ang reaksyon niya dahil mortal na magkaaway sila ni Zephyr!

"Tangina iyan..." Malutong na mura niya pa habang nananatiling nasa kawalan ang paningin niya wari'y nag-iisip siya ng malalim.

"Mimumura...ba ako?!" Asik ko naman sa kanya dahil ako na nga lang itong sapilitang umamin e nagmumura oa siya.

"Sinabi ko bang 'tangina mo'?" Sarkastikong pahayag niya pa dahilan para mapasimangot na lang ako at mapairap sa kawalan.

"Bakit ba...nagagalit ka palagi sa---kinakausap...pa kita...hoy!" Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko ng bigla siyang maglakad patungo sa aking likuran at muling.

"Dadalhin na kita sa dormitoryo mo, matulog ka na dahil ang panget ng boses mo." Panlalait niya pa sa akin at hindi ko na nakita pa ang ekspresyon ng mukha niya dahil nasa likod ko na siya at tinutulak ako papunta sa aking dormitoryo.

"Anong pakialam...mo?! Anong gagawin mo...kay Zephyr?! Hoy!" Tawag ko pa sa kanya.

"Wala kang pakialam." Malamig na tugon niya na halos nagtaasan na ang balahibo ko dahil doon. Hindi niya naman siguro papatayin si Zephyr ano? Kinakabahan ako sa kanilang dalawa ano ba iyan!

● ----- ●

- CAEDMON -

MADILIM ang mga mata ni Caedmon at blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha habang naglalakad tungo sa silid na kanina niya pa pinag-iisipan puntahan. Kaswal at maangas lamang siyang naglalakad habang ang mga nakakasalubong niya ay panay pagbati at pagyuko sa kanya ngunit maski isa sa mga ito ay wala man lang siyang nililingon o binabati.

Ilang sandali pa niyang binaybay ang pasilyo na mayroong puting pintura at makinis na sahig hanggang sa marating niya ang isang kahoy na pintuan.

Presko lamang siyang tumayo sa harapan nito at kumatok ng tatlong beses hanggang sa pagbuksan siya ng isang pamilyar na lalaki.

"P...Prinsipe Caedmon, Magandang---"

"Tabi." Malamig na pahayag ni Caedmon at hindi na siya nag-abala pang maghintay sa sagot ng lalaki dahil kaswal lamang siyang pumasok sa silid.

Agad na sumalubong sa kanya ang tawanan mula sa isang lalaki at babae at ng matukoy niya na kung sino ito ay mas lalo lamang siyang napatiim bagang habang nag-aalab ang mga mata na nakatingin sa dalawa.

"K...Kuya?" Nauutal at gulat na tanong  ng dalaga habang unti-unting nawawala ang ngiti nito sa mga labi. Malamig naman ang mga mata ni Caedmon na tiningnan ang kapatid bago ibinaling ang mga mata sa lalaking nakaupo sa kama at may benda ang ulo.

"Anong ginagawa mo dito, Ellionoir?" Malamig na tanong ni Caedmon dahilan para halos kilabutan naman si Ellionoir sa tono ng boses nito at makaramdam ng kaba sa dibdib.

"A...Ano, Kuya, binisita ko lang si Zep---"

"Labas." Hindi na niya hinintay pang matapos sa pagpapaliwanag si Ellionoir dahil alam na niya agad ang sitwasyon na kanyang dinatnan.

Natigilan naman si Ellionoir sa pahayag ng kapatid at kinakabahan pa siya na nagpapalit-palit ang tingin kay Zephyr at sa kuya niyang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sige na, Prinsesa Ellionoir, maraming salamat sa pagdalaw." Pilit ngumiti si Zephyr sa dalaga upang siguruhin na ayos lamang ang sitwasyon na kanilang kinakaharap.

"Pero---"

"Lalabas ka ng kusa o kakaladkarin kita?" Banta pa ni Caedmon sa kapatid kaya naman lalo ng namutla si Ellionoir at kagat labi na lang na yumuko kay Zephyr.

"M...Mauna na ako, Zephyr. Magpagaling ka." Nauutal at kinakabahan na pahayag ni Ellionoir na agad naman tinugunan ni Zephyr ng isang marahang ngiti.

"Salamat, Ingat ka." Nakangiting pahayag ni Zephyr ngunit hindi na nakasagot si Ellionoir sa takot na nararamdaman sa kapatid na nagbabaga ang mga mata na nakatingin sa kanila.

"Kayo..." Baling ni Caedmon sa tatlong kalalakihan na katuwang ni Zephyr na agad naman natakot sa tingin na iginagawad ng prinsipe sa kanila.

"Labas." Matigas nitong utos habang ang mga mata ay malamig na nakatingin ng diretso kay Zephyr na nananatili lamang kalmado.

• ♤ •  _____  • ♤ •

AUTHOR'S NOTE

Happy 70k reads at first 50 chaps + Prologue sa RATSP! 🤧❤ Maraming maraming salamat sa suporta ng mga readers. Sana patuloy pa rin kayong sumuporta kahit mahaba talaga ang kuwentong ito. Mahal ko kayo.❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

66.1K 3.7K 47
"Bakit hindi sila namamatay?" Avery Avellon is not-so-ordinary citizen who used to read an article and history about undead creatures, like ghosts, v...
216K 13.5K 55
Perpektong-perpekto ang buhay na mayroon ako, buhay na hinahangad ng ibang tao, kayamanan, kasikatan, nobyong walang hinangad kung hindi ang kaligaya...
558K 27.9K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
20.7K 1.1K 24
There's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people int...