Adrianna Rose Campbell POV
Nakangiti kaming lumabas sa Giant Rose Forest dahil nahanap na namin ang black torn rose. Talagang nasa ginta na kami ng gubat na iyon ngunit nasa iba't ibang parte lang pala ng gubat na yun ang hinahanap namin.
Flashback
"Ang gand—WHAT THE HELL!!"-napamura ako nang wala sa oras pagkakita ko sa hinahanap namin.
Naglaglagan ang mga petals ng rosas na iba iba ang kulay. Habang nahuhulog ang mga petals ay itim na rosas ang nasa gitna nito.
Sa mga gitna ng iba't ibang kulay ng rosas pala tumutubo ang mga black torn roses.
Kahit na rinig ko ang puro mura ni Ava dahil natusok daw siya ng mga tinik ng rosas ngunit hindi ko pinansin dahil ang gandang pagmasdan ang mga rosas na naglalaglagan galing sa kalangitan.
"Ako na ang bahalang kunin ang blact torn rose"- saad ko pero nagroll-eyes lang sa akin si Ava na ikinatawa ko.
End of flashback
"Next destination, Wolves World."-anunsyo ko habang nakatingin sa papel kung nasaan ang mga kakailanganin namin.
Dalawa na lang, makakapagpahinga na ako sa Dark Mansion. Makikita ko na ulit sila.
I miss them so much.
Persephone Black POV
"Welcome back Hm!!!"-bati nilang lahat habang kami ay nakatingin lang.
Hindi ko alam, bakit kailangan pa ng isang malaking pagdiriwang ang pagbabalik nilang dalawa ng asawa niya.
Mga kalukuhan nga naman.
"My Royalties!! Di niyo ba namiss ang Hm ninyo?"-may galak niyang saad habang masayang tumakbo papunta sa aming harapan.
Binati siya nina Elisana Accuis at Kegan. Inirapan naman siya ni Tenleigh, nakafocus lang naman si Aiken sa librong binabasa niya. Naglakad naman papaalis si Caspian. Cold lang na tumingin si Elliott kay Hm. Tinignan ko lang naman si Hm ng bagot look ko.
"Huhuhu, hindi nila ako namimiss!"-umiiyak na sigaw ni Hm Loki habang niyayakap sina Elisana, Accuis at Kegan.
"Hindi ka kasi importante"- prangkang sagot ni Tenleigh na mas lalong ikinangawa ni Hm Loki.
"My little brother! Inaaway nila ako"- mangiyak-ngiyak na sumbong nito sa kapatid niya. Ngunit pati kapatid niya ay di siya pinansin.
"Love binubully nila ako T___T"-sumbong niya sa asawa niya at saka yumakap.
Ang sagwa.
"Total nandito na si Hm. Can we go now? I'm still reading"-saad ni Aiken habang nakatingin parin sa hawak niyang libro.
Nang wala siyang makuhang sagot ay naglakad na siya papalayo na sinundan naman namin.
Mas lalong narinig namin ang pagwawala ni Hm Loki. Baliw talaga
"I miss Adrianna already"-rinig kong saad ni Elisana na nasa likuran ko.
Tahimik lang akong naglalakad na parang walang narinig. That girl, even by just hearing her name it gives me chill.
Langya...
Ayoko sanang makarinig o makakita ng makakapagpaalala sa akin sa taong iyon. Geez.
Napatigil kami dahil saktong may makasalubong kami na isang gwapong lalaki na may hawak na isang chibi doll na kamukha ni Adrianna. Sh*t lang mas lalong nangilabot ako dahil parang nakikita ko sa Adrianna habang hawak ng lalaking ito.
Kasasabi ko lang di ba?! Ayokong makarinig o makakita ng makapagpapaalala sa taong iyon!!!
"Sh*t siya yung lalaking pumasok sa Dark Forest hindi ba?"
"Kyaaaahhh!!! Ang gwapo!!!"
"Kyaaaahhh!! Pogi anong pangalan mo?!!"
"Sh*t tignan mo ako pogi!!"
"Omo!! Nalaglag panty ko. Pakipulot please!!"
"Guys, maganda na ba ako?"
"Maayos ba buhok ko?"
"Shet my hert es beteng chew herd"
"Kyaaahh! Ampoge mo Kuya!!"
Wala siyang pinansin, ang tingin niya lang ay nasa daan at sa hawak niyang chibi doll na kamukha ni Adrianna!
Bakit may chibi doll siya na kamukha ni Adrianna? Kilala niya ba si Adrianna like Vien?!
Napatigil ang sigawan dahil napatigil sa paglalakad ang lalaki dahil may humarang sa kanyang daan. Si Caspian.
"Who the hell are you?!"-sigaw ni Caspian sa lalaking may hawak na chibi doll.
"Oo nga!"-singhal naman ni Kegan na binatukan ni Elisana.
"Inggit ka na naman!"-singhal naman ni Elisana at piningot si Kegan. "Ouch ouch Elisana, masakit!"
"I'm asking you! Who the hell are you?!"-sigaw ni Caspian na nagpatigil sa lahat pati kina Elisana at Kegan.
This is bad....
Adrianna Rose Campbell POV
Nasa harapan na kami ng isang malaking lobo na gawa sa semento na nakanganga.
Kapag pumasok kamo jan, makakarating na kami sa Wolves World.
Maglalakad na sana ako pero napatigil ako dahil narinig ko si Ava kaya napatingin ako sa kanya.
"Hey wait, look at me fake mute. How do I look like? Am I pretty already? Huhuhu"-tanong nito na hindi mawawala ang tawa niya.
"You look like Ava"-turan ko at saka inirapan.
She's wearing gray cocktail dress, naka heel rin siya, tas may hawak na namang payong na maliit. Sana naman yung mas malaki na para kasya rin ako. Pssh. Sarili lang iniisip buset.
"Huhuhu I'm so beautiful. I bet if Caspian saw me, he will fall in love with me. And we live happily ever after. Huhuhu"-tinignan ko naman siya ng masama. Itong babaeng ito, masyadong mahangin. Pssh
"Tayo na nga!"-singhal ko at nauna na sa paglalakad na mas lalong ikinatawa niya.
Pagkapasok namin sa bibig ng isang lobong bato ay bumungad sa amin ang maraming pups.
Ang cute cute!!!
"Huhuhu why so madaming aso rito?"-tanong ni Ava na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"They are wolves Ava. A pups"-singhal ko sa kanya na ikinairap nito.
Nakatingin lang sa amin ang mga pups na kanina lang ay naglalaro.
Hybrid purple blood.... Saan kaya kami makakakita non?
Nagsimula na akong maglakad habang tinitignan ang mga pups. In this Wolves World isa lang ang kinikilala nilang Alpha. Only one alpha.
"Wait.. Hindi ba Hybrid ang alpha?"-biglang tanong ko sa sarili ko na ikinatigil ko sa paglalakad.
***
Habang naglalakad kami papunta sa pinakacenter ng Wolves World ay may narinig kaming papalapit na huni ng mga padyak na papalapit sa aming direksyon.
Hanggang sa nakita namin ni Ava ang mga takbo na maraming lobo na papunta sa harapan namin. Isa silang pack. Ang laki ng itim na lobong ito at may gintong crest sa noo nito.
Napatigil silang lahat sa di kalayuan sa amin. Nakatingin lang sila sa amin lalo na ang itim na lobong na kakaiba sa lahat. Mas malaki kasi ito. Ang Alpha.
Naglakad ang itim na lobo papunta sa likod ng puno at lumabas na naka pang summer shorts. Ganon din ang ginawa ng mga kasama niya
"Ohh my geeee! Ang daming niyang abs! Huhuhu"-mahinang tili ni Ava na nasa likuran ko.
"Mate"
Napatigil kaming dalawa ni Ava dahil nagsalita ang alpha.
Mate...
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Omg!!! Mate daw!!!
Sino ang lalaki sa Magical Academy??
Omg!!!
Nakakahilo!!!
Wahahhaha
Keep safe..