Mr. Right (BTS Jin FanFiction)

By EXOARMY89

12.8K 432 152

More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Author's Note
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Special Chapter (Jungkook and Kryzzet)
Special Chapter (Suga and Zarina)
Chapter Seventeen
Author's Game
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
BTS ♥
Chapter Twenty-Four
Final Chapter Pt. 1
Final Chapter Pt. 2
EPILOGUE

Chapter Ten

411 16 3
By EXOARMY89

Ellaira's POV

Natapos yung trip namin na hindi ako satisfied. Puro landian lang nila Jin at Carmela ang nakikita ko, tapos yung pangungulit ni Jeric nakakainis na. Hindi ko alam anong nakain ng lalaking yun at ginugulo ako. Bakit di yung fiancee niya ang guluhin niya. Kainis. Tuwing lalapit ako kay Jin para ilayo kay Carmela ay bigla siyang susulpot at dadalhin ako sa kung saan. Tapos parang wala lang yon kay Jin! Sabagay, fake girlfriend lang ako. Si Carmela talaga ang gusto niya.

"Pupuntahan ko pa pala si Yohann. Bakit ba di ko siya agad naisip lapitan noon? Sana siya nalang pala ginawa kong fake boyfriend! Kaso baka walang maniwala. Ang playboy kasi ng lalaking yun!" Naiinis na sabi ko habang nagbababad sa tub at pinaglalaruan ang rubber duck.

Matapos ko maligo at magbihis ay pumunta agad ako sa XOXO. I'm sure nandun na si Yohann. Balak kasi niyang mag-invest para maging business partners daw kami. Sus, gusto lang niya makakita araw-araw ng chicks sa bar. Naabutan ko siya sa office na nakaupo sa sofa at naka-de kwatro pa.

"Finally! You're here! Kalahating oras na akong naghihintay sayo." Nakangiting sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi bago niyakap.

"Sus, ang aga mo kasing dumating. Thirty minutes pa bago nga bago ang usapan natin." Sabi ko at niyakap siya pabalik.

"Alam mo namang ayokong nauuna sakin ang babae. Lalo na pag magandang tulad mo." Sabi niya at tumawa.

"Tumigil ka nga! Mga pambobola mo talaga." Natatawa kong sabi at tinulak siya. Tinawanan lang niya ako.

"Nasaan si Andrea?" Tanong niya.

Bumalik ulit siya sa sofa at tinapik yung tabi niya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Umakbay siya agad at humiga sa balikat ko.

"Kasama sa concert nila Baek. Alam mo na.. Bigat mo, umayos ka nga." Sagot ko. Ang hilig magpabigat ng lalaking to. Tsk. Kung di ko lang matagal na kaibigan to, iisipin ko na chinachansingan lang niya ako.

"Wait lang. Ten minutes. Inaantok lang talaga ako." Sabi naman niya.

"Bakit kasi di ka umidlip kanina habang wala pa ako? Engot mo rin no? Bahala ka ngang mangawit dyan." Sermon ko sa kanya. Bahala siya mangawit, liit liit ko eh tas ang tangkad niya, matangkad pa kay Jin kaya alam ko mahihirapan to. Tss

"Tsk. Ingay mo naman." Mahinang bulong niya tapos umayos ng upo bago ako inusog sa dulo ng sofa at inunan ang hita ko.

"Happy now? Di na ako mangangawit." Nakangisi niyang sabi tapos kumindat.

"Heh. Matulog ka na nga." Tinampal ko labi niya kasi nakangisi. Kung di lang siguro playboy to baka na-inlove na ako sa kanya. Gwapo kasi, successful,matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi.. ugh! Tama na nga, si Jin naaalala ko. Shit!

"Wow. Sweet niyo naman." Nagulat ako pero napairap din dahil kilala ko kung kanino boses yun.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Jin na nakasandal sa wall at nakahalukipkip.

"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" Tanong niya at matalim ang titig sakin.

"What? Kayo na?" Tanong ni Yohann na nakadilat na at tumayo mula sa pagkakahiga sa lap ko.

"Oo. Kaya wag ka magkakamali.." Banta ni Jin sa kanya at binitin ang sasabihin niya.

Nag-'tss' lang si Yohann kaya kumunot-noo ni Jin at lumapit samin.

"Tara, aalis tayo." Hinawakan ni Jin kamay ko at hinila ako patayo pero hinawakan din ni Yohann ang isa kong kamay.

"Hindi siya pwede umalis, may pag-uusapan pa kami." Sabi ni Yohann saka tumayo.

Ang hirap. Napapagitnaan ako ng dalawang tore. Sana pala nag-heels ako. Haaay

"Wala akong pakealam. Girlfriend ko siya at aalis kami sa ayaw at sa gusto mo." Halata na ang inis sa boses ni Jin kaya naman binitawan na ni Yohann kamay ko at naglakad palabas.

"Girlfriend pa lang naman, mapaghihiwalay pa." Narinig kong bulong ni Yohann bago malagpasan si Jin.

"Tawagan mo nalang ako kung kailan ka pwede, Elle." Nakangising sabi ni Yohann bago isara ang pinto.

"Ano bang problema mo? May pag-uusapan kami nong tao." Naasar na sabi ko at pabalyang bumitaw sa pagkakahawak ni Jin sa kamay ko.

Napansin kong lumungkot mukha niya habang nakatingin sa kamay niyang kanina ay nakahawak sa kamay ko. Umiling nalang ako at bumalik sa pagkakaupo ko. Nai-stress ako sa tao na to. Bigla-biglang lumilitaw para manggulo. Tss

"Wala. Sige, alis na ako." Sabi niya nang hindi tumitingin sakin at umalis.

Tignan mo yung taong yun. Haaay. Ewan ko sayo, Seokjin. Makapag-twitter na nga lang muna. Nag-scan lang ako ng mga tweets pero may mga nakaagaw ng pansin ko kaya agad kong ni-click ang hashtag na yun.

#BTSJinWorstDancer
#EliminateJinOnBTS

"Panira lang sa BTS yan! Mukha lang nagdadala! Wala naman talent! #BTSJinWorstDancer"

"Dapat di nalang naging member yan. Kaya di nananalo ang BTS dahil dyan!"

"Aanhin yang mukha mo kung wala ka naman talent! EW! Pakamatay ka na!"

Napatakip ako ng bibig at may luhang tumulo sa mga mata ko. Kaya pala parang iba siya ngayon.. siguro ito ang dahilan. Number two na sa mga trends, imposibleng di pa makarating sa kanila to.

"Shit! Kailangan ko siyang sundan." Hinagis ko cellphone ko sa sofa at tumakbo para habulin si Jin.

Pagkarating ko sa parking lot ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kotse niya at nakayuko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Baklang isip-bata, sorry na. Tara, date na tayo." Malambing na sabi ko.

"Wag na. Dun ka na sa Yohann mo." Masungit na sabi niya at inalis pagkakayakap ko sa kanya.

"Wait lang! Wag ka na nga umarte!" Hinila ko siya kasi papasok na siya sa kotse niya.

"Ano ba? Aalis ako. Si Carmela nalang pupuntahan ko." Sabi niya at papasok na ulit sa kotse niya.

Di ko siya pinigilan. Ewan ko.. parang nasaktan ako. Tinignan ko na lang ang kotse niyang palayo. Nawalan na ako ng gana kaya tinapos ko nalang trabaho ko para makauwi na. Nag-aayos nalang ako ng gamit nang tumawag si Suga at hinahanap si Jin dahil kanina pa di umuuwi mula nung malaman yung sa twitter..

Shit! Nasaan kaya yung lalaking yun?! Tinawagan din nila si Carmela pero di naman daw siya pinuntahan ni Jin. Ha! Buti naman! Pero.. ugh! Nasaan ka ba, Seokjin?! Nag-aalala na ako, bwisit ka!

"Tawagan niyo nalang ako pag umuwi o nakita niyo na siya." Sabi ko kay Suga na binabara si Rapmon sa kabilang linya. Ang kulit talaga ng mga lalaking to.

"Nakng! Tumahimik ka nga Rap--- Aray! Sige na, Elle, tatawagan nalang kita. Paalis na rin kami para hanapin siya." Sabi ni Suga at basta nalang in-end ang call.

Dali-dali naman akong lumabas para sumakay sa kotse ko. Agad akong nag-drive at nag-ikot-ikot at pumunta sa mga lugar na pwedeng puntahan ni Jin. Umabot ako ng ilang oras sa paghahanap pero ni anino niya di ko nakita.

"Shit naman, Jin. Nasaan ka ba? Naga-alala na ako sayo eh!" Frustrated na sigaw ko at naiyak kaya tinakpan ko agad ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

Nasa isang lugar ako na kita ang buong city. Dito ako madalas magtambay noong high school ako. Dito ko nilalabas ang lahat ng sakit na pinaramdam ni Jin sa akin. Mag-isa lang ako at pagabi na pero di naman ako takot sa lugar na to.

"Gago ka, Jin. Pag di ka nagpakita ngayon di na ako magpapanggap na gitlfriend mo at babalik nalang ako ng US." Humihikbing sabi ko. Di ko na mapigilan ang pag-agos ng luha ko.

"Kapag nakita kita, yayakapin kita. Sira ka talaga! Ang hilig mo kong paiyakin!" Pumadyak padyak pa ako bago ako magpunas ng luha at napatigil dahil sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Nakangiti pa siya pero halata ang lungkot sa mga mata niya.

"Payakap, pwede?" Tanong niya. Naiiyak na naman ako kaya mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Wag ka nang babalik ng US. Panget mga lalaki dun." Sabi niya habang hinahagod likod ko dahil humihikbi na naman ako.

"Sorry, napaiyak na naman kita." Sabi pa niya at hinawakan ulo ko para yakapin ako ng mahigpit. May nararamdaman din akong mainit na pumapatak sa balikat ko at ulo.

"Nakakainis ka naman, Jin, eh! Bakit di mo sinabi sakin ha? Diba girlfriend mo ako? Kahit fake lang, ayos naman sakin na sabihan mo ako ng problema mo. Ipagtatanggol kita pag may umaaway sayo! Nandito naman ako lagi kasi kaibigan mo ako!" Sabi ko at lumakas iyak ko dahil alam ko na umiiyak din siya.

Ang sakit para sa akin na maramdaman yung pagyugyog ng gwapong mga balikat niya dahil sa pag-iyak. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak. Di niya deserve to. Ginagawa naman niya lahat para makasabay sa mga kasama niya at nagpapakahirap siya magpractice para mag-improve kasi gusto niya mapasaya at ma-enjoy ng mga fans nila ang bawat performance ng BTS. Ang galing na nga niya eh. Shit talaga ng mga bashers na yan!

"Ssshh. Tama na." Pagpapatahan niya sakin. Medyo natawa naman ako.

"Ikaw nga dapat pinapatahan ko. Iyak ka pa ng malakas, dali!" Sabi ko sa kanya habang hinahaplos-haplos niya buhok ko.

"Sira ka talaga. Salamat dahil nandyan ka para pagaanin ang loob ko." Sabi niya at nilayo ako ng konti para halikan ako sa noo. Napapikit naman ako at niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

"Saan ka pala nagpunta? Tinatawagan ka nila Suga pero di mo sinasagot." Tanong ko sa kanya.

"Naka-silent phone ko. Nasa backseat lang ako ng kotse mo. Natutulog." Sagot niya kaya medyo naitulak ko siya kaya magkatitigan kami ngayon.

"What?" Kunot-noong react ko. Tumawa naman siya.

"Pinark ko kotse ko sa ibang resto tapos binalikan kita sa parking lot niyo para sana yayain ka mamasyal kaso wala ka na. Sakto inaantok ako kaya susungkutin ko sana lock ng kotse mo para dun matulog kaso bukas pala. Tss. Sa sobrang pag-aalala mo di mo na namalayan kung ano o sino nasa loob ng kotse mo. At pwede ba i-lock mo. Tss, pabaya ka talaga." Kumunot noo niya dun sa huli niyang sinabi. Ngumiti lang ako at nag-peace sign.

"Wag ka ngumiti. Nate-temp akong halikan ka." Seryosong sabi niya kaya napa-seryoso ako bigla.

"Ayan na naman kamanyakan mo." Sabi ko at inirapan siya.

"Tapos pula pa labi mo. Nag-lipstick ka pa." Dagdag pa niya. Kumunot noo ko. Problema naman ng lalaking to?

"Di ako nag-lipstick. Red lips lang talaga ako!" Sabi ko. Hinapit niya bigla bewang ko at nilapit mukha niya sa mukha ko.

"Siguro bumalik yung Yohann sa office niyo at naghalikan kayo kaya red ang labi mo." Sabi niya at ilang centimeters nalang lalapat na labi niya sa labi ko kaya napa-pikit ako.

"Akin ka lang, diba? Sabi ko noon, akin ka lang." Sabi niya at binitawan ako.

Ay. Di tuloy yung kiss? Joke! Yuck! Ew!

"Ano? Kapal mo, hoy!" Asar na sabi ko.

"Uy, galit. Nabitin kasi." Nakangising tukso niya kaya binato ko sa kanya yung bato na pinulot ko kanina. Nakailag naman siya, asar!

"Masakit yon ah? Pasalamat ka di ako natamaan!" Asar na sabi niya at hinila ako palapit sa kanya at dinala sa hood ng kotse ko.

Umupo lang kami hanggang sa magdilim at nag-star gazing. Ang dami niyang dinaldal tungkol sa stars at tuwang-tuwa naman ako. Di na nga namin napansin ang oras. Ten pm na pala at ang dami na rin missed calls at texts nila Mommy at Daddy pati na rin nila Suga. Agad ko silang tinext na magkasama na kami ni Jin at pauwi na rin.

"Thankyou sa pag-damay sakin. Goodnight, Elle." Paalam niya. Nasa tapat na kami ng gate namin. Naipasok niya na rin ang kotse ko sa garahe.

"Wala yun, ikaw pa. Hayaan mo nalang mga bashers mo. Basta gawin mo lang lagi ang best mo. Nandito kami para suportahan ka." Ngumiti ako sa kanya pero seryoso lang siya.

"Bakit seryoso ka dyan?" Tanong ko na nakangiti pa rin. Nabigla lang ako dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. Smack lang yon pero.. ugh!

"Sabi ko wag ka ngingiti dahil nate-temp akong halikan ka. Kulit mo rin." Sabi niya at agad tumakbo papunta sa harap ng gate nila.

"Bye, Elle!" Paalam niya at nag-flying kiss pa bago kumindat at ngumisi.

"Siraulo! Magnanakaw!" Asar na sigaw ko.

"Nasan ang magnanakaw?!" Tarantang tanong ni manong guard namin kaya napatawa ako.

"Wala po! Si Jin kasi may kinuha sakin." Sabi ko at napa-buntong hininga siya.

"Sus, bata ka. Pasok ka na nga sa loob at kanina ka pa hinihintay ng Mommy mo." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

Tatawa-tawa akong pumasok sa loob ng bahay para lang abutan si Jeric na nagka-kape habang kausap si Mommy.

What the hell? Anong ginagawa niya dito?!

-----

Sorry, super late ng update. Busy kasi sa school at sa practice ng cg. Huhu TT.TT

Yey! Nakakuha ang BTS ng award sa GDA. Nakaka-proud, ano? ♥ ^_^

Yung picture pala sa Multimedia tignan niyo. Hahaha BTS ♥

Continue Reading

You'll Also Like

42K 1.8K 62
"Kuya palike naman po and share"
1.2K 289 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
14.6K 481 30
Si Princess Alyanna "Yanna" Mercurial-Leverie ang kinikilalang may pinakamataas na position at awtoridad sa buong student body sa Saint Cordova's Uni...
30.5K 642 40
Bestfriend mo dati ngayon boyfriend mo na.. Pero dadating ang araw na mawawala na sya sayo... Maayos nyo pa ba ito or mag leletgo nalang kayo sa isat...