Hindi Tayo Pwede (COMPLETED)

Oleh srylld0o

4.6K 171 6

Posible bang magkatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan sa maling pagkakataon? Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Epilogue

Chapter 21

77 4 0
Oleh srylld0o


"Pards, una na ako ah? May lakad pa kami ni Mitch eh" paalam sa'kin ni Aziel.

"Sige lang, pards. Mag iingat kayo"

Tinanguan niya na lang ako saka ako tuluyang tinalikuran.

Oo nga pala, isang taon na ang nakakalipas. Nakabalik na ulit ako sa pag aaral. Kakatapos nga lang ng 4th Quarter Exam namin kaya half day lang kami ngayon. At kaya din nakapag date ang mga monggoloid.

Nakakataba ng puso nang magpumilit sina Aziel at Ibex na umulit ng taon sa pag aaral para magkakasama ulit kami. Napaka swerte ko talaga sa dalawang tukmol na 'to. Nalaman ko din na sila ang nagpadala ng mga groceries sa hospital nung mga panahong may sakit si Papa. At kung bakit nandoon si Ibex sa kuta? Sila pala ang kumausap sa boss ko at nagbigay ng pera para sa gastusin ni papa sa hospital. At ipinakiusap na 'wag sasabihin sa'kin na nagbigay din sila. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Basta ang alam ko, masaya ako. Dahil kahit na hindi na kami nakakapag usap. Hindi pa din nila ako kinalimutan. Hindi pa din nila ako pinapabayaan. Nagkamali ako sa akalang kinalimutan na nila ako.

May mga taong kahit hindi mo na nakakausap. Nandiyan pa din para sa'yo. Kahit gaano kayo kalayo sa isa't isa. Kahit gaano katagal kayo hindi nagkasama at nagkausap. Kapag nagkita muli kayo nandoon pa din yung love, care at samahan na hindi nawala kahit kailan. Maswerte ako dahil may mga kaibigan akong katulad nila. Kahit hindi ko sila hingian ng tulong, magkukusa sila. Kahit hindi ka magsabi, alam nilang may kailangan at problema ka. Kasi kilala ka nila, naiintindihan ka nila.

Magaling na din si Papa, dahil buti nalang mas maagang naagapan ang sakit niya at hindi na lumala. Mas madaling gamutin at pagalingin.

At si... Ayessa, isang taon na din ang nakakalipas simula nung isilang niya ang anak namin. At simula nung pumanaw siya dahil sa panganganak. Nakakalungkot dahil lalaki ang bata na walang ina at walang kasamang ama... Dahil hindi pumayag ang Daddy ni Ayessa na makasama ko ang anak namin. Alam kong masakit para sakanya ang pagkamatay ni Ayessa, at tinanggap ko ang paninisi niyang kasalanan ko lahat dahil totoo naman.  Naiintindihan ko, at ipinangako ko din sa sarili ko na gagawin ko lahat upang sa susunod na babawiin ko ang anak ko may ipagmamalaki na ako, may ipapakita na ako na kaya kong tugunan ang kinabukasan ng sarili kong anak.

Nangiti ako sa kawalan ng sa unang beses ay nakita ko ang mala anghel niyang mukha. At ang pangalan niya.. ay hindi ko alam.

Hindi ko namalayang nakauwi na pala ako ng bahay dahil sa sobrang lalim ng iniisip.

"Pa" nagmano ako ng siya ang unang bumungad.

"Oh, kumain ka na ba?"

"Hindi pa po hehe"

"Kumain kana at pagtapos turuan mo ang kapatid mo sa itaas, nahihirapan daw sa math" nakakamot ang noo niyang reklamo, halatang napagod sa kakaturo.

"Opo" natatawa kong tugon. "Nainom niyo na po ba ang gamot niyo?"

"Oo, muntik ko nang makalimutan buti pinaalala ni Geric"

"Buti naman" proud akong tumango.

"Syempre ako pa ba, ang gwapo ko eh" bungad niya na kakalabas lang ng banyo.

"Anong connect?" masungit kong sabi saka ko binato sa kanya ang medyas kong hinubad.

"Pu-"

"Pa, oh. Yung bibig, may sinasabi" sumbong ko kay papa.

"Ang baho ng paa mo, tanga" asar na aniya saka padabog na naghilamos saka pumanik sa kwarto niya.

Tatawa tawa ko namang tinapos ang pagkain ko at saka ako nagbihis. Dumeretso ako sa kwarto ni Gyvan at napangiti nang makitang nakatulog ito habang hawak ang lapis.

Inalis ko ang mga gamit sa higaan niya at saka ko binuksan ang unang drawer sa cabinet na nasa tabi para ilagay doon.

"Naknam-" napasigaw ako nang mahulog ang binuksan kong drawer. "Sira na pala 'to, hay na'ko"

Habang inaayos ko ang mga gamit ay may isang bagay akong napansin sa mg gamit niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na litrato sa mga gamit niya.

"Kuya Geyo"

Nilingon ko naman ang naalimpungatang si Gyvan. "Kuya Gelo"

"Kuya Gelo hehehe"

Tinatama ko na ang pagbigkas niya sa mga letrang nabubulol siya at baka masanay.

"Teka, paano napunta 'to sa mga gamit mo?" pagtukoy ko sa hawak kong litrato.

"Hmm" aniya habang nag iisip habang nananatili ang paningin ko sa kanya. "Hindi ko po matandaan"

Iniabot ko sa kanya ang litrato, at baka sakaling matandaan niya.

"Si Ate Jannis 'to diba, kuya?" magiliw niyang tanong.

"Huh? Paano mo nalaman ang pangalan na yan?" nagtataka kong tanong.

"Kinuwento po sa'kin ni Ate Ayessa. Kasi po dati, nakita ko siya sa krarto-"

"Kwarto" pagtatama ko.

"Kwarto hehehe"

"Ano meron sa kwarto?"

"Nakita ko po siya kwarto niyo na hawak po itong piture"

Ibig sabihin sa kwarto ko niya ito nakita.

"Siya ba ang naglagay dito?"

"Opo, naalala ko po sabi niya itago niya daw dito tapos bigay daw po sa'yo hehehe pero dating dati po yon, kuya hehehe" nakangiting aniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Eh kasi dati po yon"

Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil napakagulo kausap ng batang 'to kahit kailan.

"Galit ka po pa ba, kuya?" nakasimangot na aniya.

"Hindi ah. Sige na, matulog kana ulit" pinahiga ko siya ulit sa higaan niya saka ko siya pinikpik upang makatulog.

Nang makatulog siya ay pinagpatuloy ko ang pag aayos nang may mahulog na maliit na papel mula sa isang libro.

Isa sa mga importanteng tao sa buhay ko si Jannis. Kaya nung malaman kong sina Dad, at Mom ko ang may dahilan nang pagkamatay ng Mama niya at anak pa siya ni Dad sa labas. Natakot ako na kapag nalaman niya layuan at kamuhian niya ako. Dahil aminado ako na hindi talaga patas iyon para sakanya. Pinagkaitan na siya ng ama pati ba naman nanay ay kukunin pa sakanya. Sobra sobra ang pagtitiis kong hindi siya pansinin at kausapin. Sinusungitan ko siya para layuan niya na ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na din ang kasalanan ng pamilya ko sa kanya. Until one day, nabalitaan namin na biktima siya Hit and Run at dead on arrival na ng dalhin sa hospital ng mga nakakita sa kanya. Wala akong nagawa. Iyak ako ng iyak nang malaman ko yon dahil nasasaktan ako kasi mahalaga siya sa'kin. Parte na siya ng buhay ko. Hindi manlang ako nakahingi ng sorry sakanya, sa kasalanan namin ng pamilya ko. Kaya nung nakita ko 'tong picture niyo, nakangiti ko 'tong pinagmasdan. Mas nauna ka pala niyang nakilala, at halatang masaya siya. Eto siguro yung unang beses na ngumiti siya, at dahil sa'yo yun, Gelo. At sa pagkakataong ito, hindi ko na ipipilit yung sarili ko sa'yo. I'm sorry sa lahat, Gelo. Naging makasarili ako. Pero ngayon magiging masaya nalang ako para sainyo ni Jannis, kahit wala na siya. Dahil alam kong kahit wala na siya, nandiyan pa din siya sa puso mo. Para kahit sa huling pagkakataon, makabawi ako. Kahit sa huling pagkakataon hindi niya maranasan ang pagkaitan. Salamat sa lahat, Gelo. Sa pagiging mabuting kaibigan sa akin at sa pagdating mo sa buhay ni Jannis. At kapag lumabas ang anak ko, Jannis ang gusto kong ipangalan sa kanya.

- Ayessa

Naluluha kong binasa ang liham ni Ayessa, at naiinis ako dahil ngayon ko lang ito nabasa. Wala sa sarili akong umalis at nagpunta sa paboritong lugar na puntahan ni Jannis.

Sakto papalubog na ang araw nang makarating ako. Ang paborito naming tanawin.

"Jannis.." naluluha kong bulong sa kawalan.

Sa isang taon na nakalipas ay bahagi na doon ang paglimot ko kay Jannis dahil sa huling usapan namin sa panaginip bago ako magising sa hospital nung mabaril ako.

Ngunit bakit ganito pa din yung sakit sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya.

Sa loob ng isang taon na hindi kita inisip at binanggit. Bakit ilang detalye lang mula sa'yo o baka nga pangalan mo lang ay nasasaktan pa din ako?

"Jannis.. sa huling pagkakataon, sana makita kita. huli na, isa nalang.. papalayain na kita.."

Nakapikit ako habang nakatapat ang sinag ng papalubog na araw sa aking mukha. Dahan dahan akong nagmulat  nang may biglang humarang sa liwanag nito.

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso,
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo

"Jannis.." mahinang ani ko habang dahan dahang lumalapit sa kanya.

Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan

Nakangiti niya akong tinititigan nang makalapit ako at saka ko hinawakan ang mga kamay niya nang hindi inaalis sa kanya ang paningin.

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso,
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang 'wag kang humiwalay?
Dahil sandali na lang

Wala sa sarili ko siyang niyakap habang naluluha.

Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

"I miss you so much, Jannis" emosyonal kong sabi.

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin

"Pangako, huli na 'to. Hindi na kita guguluhin, hindi na ako magtatampo. Hindi na ako magdedemand, hindi na kita papahirapan. Hayaan mo lang ako ngayon..."

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

"Hayaan mo lang akong sulitin ang huling pagkakataon na mayayakap at makakausap kita.."

Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

"Sa huling pagkakataon, hayaan mo lang akong maiparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal.."

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin

"Sa huling pagkakataon na 'to, pangakong wala ng susunod. Dahil tulad ng sinabi mo, para sa'yo mabubuhay ako kahit wala ka.."

At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

"Sa huling pagkakataon, gusto kong malaman mong nandito ka lang parati sa puso ko. Hinding hindi ka mawawala.."

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin

"Sa huling pagkakataon, tinatanggap ko nang mawawala ka. Tanggap ko na, Jannis. Naiintindihan ko na. Masakit pero sa huling pagkakataon.. pinapalaya na na kita, Jannis.. malaya kana.."

Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sa'ting dal'wa
Ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin

"Sa susunod na mabubuhay tayong muli, maghihintay ako sa'yo. Ikaw lang ang mamahalin ko.."

Lalo akong humagulgol nang maramdaman kong wala na akong niyayakap kundi hangin.

Napangiti ako nang sa huling pagkakataon nasilayan ko siyang nakangiti mula sa malayo, at naka thumbs up. Bumuka ang bibig niya at nabasa ko ang salitang 'Gotchu'.

Unti unti na siyang nawawala habang nakangiti, ngiting nagpapahiwatig na magpapaalam na siya. Kasabay nang paglubog ng araw ay ang tuluyan niya nang paglisan.

Masaya ako dahil masaya niyang nilisan ang mundo. Walang aabalang problema sakanya kung saan man siya pupunta.

---------------------------------------------------------
Huling Sandali - December Ave

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]