Chapter 21

77 4 0
                                    


"Pards, una na ako ah? May lakad pa kami ni Mitch eh" paalam sa'kin ni Aziel.

"Sige lang, pards. Mag iingat kayo"

Tinanguan niya na lang ako saka ako tuluyang tinalikuran.

Oo nga pala, isang taon na ang nakakalipas. Nakabalik na ulit ako sa pag aaral. Kakatapos nga lang ng 4th Quarter Exam namin kaya half day lang kami ngayon. At kaya din nakapag date ang mga monggoloid.

Nakakataba ng puso nang magpumilit sina Aziel at Ibex na umulit ng taon sa pag aaral para magkakasama ulit kami. Napaka swerte ko talaga sa dalawang tukmol na 'to. Nalaman ko din na sila ang nagpadala ng mga groceries sa hospital nung mga panahong may sakit si Papa. At kung bakit nandoon si Ibex sa kuta? Sila pala ang kumausap sa boss ko at nagbigay ng pera para sa gastusin ni papa sa hospital. At ipinakiusap na 'wag sasabihin sa'kin na nagbigay din sila. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Basta ang alam ko, masaya ako. Dahil kahit na hindi na kami nakakapag usap. Hindi pa din nila ako kinalimutan. Hindi pa din nila ako pinapabayaan. Nagkamali ako sa akalang kinalimutan na nila ako.

May mga taong kahit hindi mo na nakakausap. Nandiyan pa din para sa'yo. Kahit gaano kayo kalayo sa isa't isa. Kahit gaano katagal kayo hindi nagkasama at nagkausap. Kapag nagkita muli kayo nandoon pa din yung love, care at samahan na hindi nawala kahit kailan. Maswerte ako dahil may mga kaibigan akong katulad nila. Kahit hindi ko sila hingian ng tulong, magkukusa sila. Kahit hindi ka magsabi, alam nilang may kailangan at problema ka. Kasi kilala ka nila, naiintindihan ka nila.

Magaling na din si Papa, dahil buti nalang mas maagang naagapan ang sakit niya at hindi na lumala. Mas madaling gamutin at pagalingin.

At si... Ayessa, isang taon na din ang nakakalipas simula nung isilang niya ang anak namin. At simula nung pumanaw siya dahil sa panganganak. Nakakalungkot dahil lalaki ang bata na walang ina at walang kasamang ama... Dahil hindi pumayag ang Daddy ni Ayessa na makasama ko ang anak namin. Alam kong masakit para sakanya ang pagkamatay ni Ayessa, at tinanggap ko ang paninisi niyang kasalanan ko lahat dahil totoo naman.  Naiintindihan ko, at ipinangako ko din sa sarili ko na gagawin ko lahat upang sa susunod na babawiin ko ang anak ko may ipagmamalaki na ako, may ipapakita na ako na kaya kong tugunan ang kinabukasan ng sarili kong anak.

Nangiti ako sa kawalan ng sa unang beses ay nakita ko ang mala anghel niyang mukha. At ang pangalan niya.. ay hindi ko alam.

Hindi ko namalayang nakauwi na pala ako ng bahay dahil sa sobrang lalim ng iniisip.

"Pa" nagmano ako ng siya ang unang bumungad.

"Oh, kumain ka na ba?"

"Hindi pa po hehe"

"Kumain kana at pagtapos turuan mo ang kapatid mo sa itaas, nahihirapan daw sa math" nakakamot ang noo niyang reklamo, halatang napagod sa kakaturo.

"Opo" natatawa kong tugon. "Nainom niyo na po ba ang gamot niyo?"

"Oo, muntik ko nang makalimutan buti pinaalala ni Geric"

"Buti naman" proud akong tumango.

"Syempre ako pa ba, ang gwapo ko eh" bungad niya na kakalabas lang ng banyo.

"Anong connect?" masungit kong sabi saka ko binato sa kanya ang medyas kong hinubad.

"Pu-"

"Pa, oh. Yung bibig, may sinasabi" sumbong ko kay papa.

"Ang baho ng paa mo, tanga" asar na aniya saka padabog na naghilamos saka pumanik sa kwarto niya.

Hindi Tayo Pwede (COMPLETED)Where stories live. Discover now