Being Mr. Gorgeous' Target✔

By DiSe_Artemis

34.9K 885 34

Formerly, "Drake's Target" A boyish girl with three awesome dudes. Met a boastful guy, who loves challenges... More

Being Mr. Gorgeous' Target
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE

Chapter 17

168 5 0
By DiSe_Artemis

Chapter 17 : Girlfriend

---FRANCE'S-POV---

Bakit kaya kanina pa tahimik sila Drake? Mula nung bumalik sila, hindi na sila nagkikibuan. At ang nakakatawa, para silang magjowang nag-eLQ. Hahaha! Ayiieee... May namumuong love team.

"Oy kayong dalawa. Ano bang meron? Nag-away ba kayo? " tanong ni David sa kanila. Babe talaga, ang slow. Halata namang LQ sila eh. Nagjejelly kaya sila parehas.

"Hindi / No. " sabay na sabi ni Drake at Thea. Ang cute!

Nakatinginan naman sila at mabilis na nag-iwasan. Parehas pa silang namula pagkatapos. Enebe! Masyado kayong pabebe ah!

Mukha namang hindi naniwala si David sa sagot nilang dalawa. Habang si Alex naman, halatang alam niya kung ano ang nangyayari dito. Buti pa siya! Pero ayos lang, mahal ko naman si David eh. Ayos lang kahit slow siya diyan.

"Hi Thea! " bungad ng kararating lang na si Darell. Ang gwapo talaga niya. Kaya sobrang haba ng buhok ni Thea eh. Naaapakan ko na oh!

Ngumiti naman ng matamis si Thea rito. Homayghad!! Ngumiti!! Anu ba yan bes! Ba't ka ngumingiti diyan? Pano na si Drake? "Hi din Darell. Wanna sit? " pag-aanyaya niya pa rito.

Napangiti naman ito ng napakalawak at tumabi kay Thea. Since nag-iiwasan nga yung dalawa, umupo sa gitna nila si Darell. Nanlaki ang mga mata nito at kumuha ng hipon sa plato ni Thea. Good thing, hindi yun yung kaninang kinakain ni Thea. Kung hindi, baka nag-indirect kiss na sila.

"Thank you sa pagpapaupo Thea! Kanina pa rin kasi ako pagod eh. May pagkamoody kasi yung Kuya Daniel ko. " Daniel? Now that I think about it. Cruzelles ang apelyido niya. Ba't hindi ko nga ba naisip na connected siya kay Kuya Daniel? Ihh!! Crush ko siya dati. Shhh lang kayo ah?

"Si Daniel? As in Daniel Cruzelles? " nagniningning kong tanong sa kaniya.

"Tama! Kilala mo rin siya? Naging crush mo siya noh? " mapagbiro niyang tanong.

Natawa naman ako dahil tama siya dun. "Actually, tama ka dun. " pag-aamin ko rito. Wala namang masama eh, mahal ko ang boyfriend ko at matagal ng tapos yun. Tyaka... it's not like magagalit siya.

*Blag! *

Sabi ko nga nagalit siya. "Ahh guys, susundan ko muna yung nagjejelly kong boyfriend. Babush! " sabi ko sa kanila bago sundan si David.

Nagselos yata. Nagwalk out eh.

---THEA'S-POV---

"May boyfriend na pala siya? " out of the blue niyang tanong. He then look at me. "Ikaw Thea. May boyfriend ka na ba? " bigla niyang tanong.

Sakto naman na kumakain ako ng hipon at nasamid ako. Napaubo ako ng paulit-ulit kaya may nag-abot sa akin ng tubig. ๏_๏ Gulat akong napatingin sa kanila. Dala-dalawa kasi yung nag-abot sa kin ng tubig, si Darell at Drake. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila dahil hindi ako makapili. Dahil ayokong pumili... kinuha ko yung tubig ni Alex. Hindi pa naman niya yun naiinuman kaya ayos lang.

Hindi ko alam kung anong meron basta't parang may lumalabas na kuryente sa mga mata nilang dalawa na nakapukol kay Alex. Nagtataka naman nakatingin ang kawawang si Alex sa kanila. "Oy! Wag niyo kong titigan! Alam kong gwapo ko, given na---"

"Ow shut up. " inis na sabi ni Drake sa kaniya at napa-shut up naman ito.

"So Thea. May boyfriend ka na ba? " balik niyang tanong sa kin. Sasagot pa lang sana ako pero naunahan ako ni Drake.

"Would you stop asking? Don't talk to her. Just leave, will 'yah? " maangas na sabi niya. Ano bang problema niya? Ang bait-bait ng tao eh.

Inisnab lang naman siya ni Darell at nakatingin pa rin sa akin. Inaantay niya talaga yung sagot ko? "I ---"

"Of course she do. Hindi ka talaga makaramdam hano? Kita ko nang nagseselos yung isa, pinu-push mo pa yang trip mo. Tigil-tigilan mo na nga yan bro. " sabat naman ng kararating lang na si Dahlia.

Now i remember, kaya siya familiar ay dahil sa magkahawig sila. Obviously, they're siblings.

"Tara na. Hanap ka na ni Kuya. Bye guys! " hila niya kay Darell. Narinig ko pa ang pagdadabog ni Darell pero hindi nagpatinag si Dahlia. Syempre hindi, kay Kuya nga di siya tinalaban eh. Sa kapatid niya pa kaya?

"Now we're gonna talk. " seryosong sabi ni Drake sa akin. Napalunok naman ako ng wala sa oras. Isip Thea! Isip!

"Ahm... Ano kasi eh... Di pa ko tapos kumain? " palusot ko sa kaniya.

"Then eat. " he said and look to Alex who is still seating happily with us. "Aren't you gonna leave? " sarcastic na tanong niya rito. Wag! Wag kang aalis!

"Nope. Tinatamad ako magswimming eh. Pagkakaguluhan na naman ako ng mga chics. And besides... " he smiled wider to both of us. "... mas masaya yung nakikita ko ngayon. " Very good! Diyan ka lang Alex ah?

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nagthumbs up pa ako sa kaniya na nagpapakita ng pag-agree ko sa kaniya. Hanggat nandito siya, hindi bubuksan ni Drake ang topic na yun. Kaya yehey!  Masaya ang life.

"Don't wanna leave? " nakangising tanong bigla ni Drake. Shet! Di kaya--- "Then we're gonna leave. " he said seriously. At bago pa ko makapag-react, hinila na niya ko patayo.

San naman kaya kami pupunta? Ihh!! Ayoookkkooo!!!!

"ANG POSSESSIVE MO DUDE!! " rinig ko pang sigaw ni Alex habang papaalis kami. Leche! Ang ingay niya!

•••—————•••

Dinala niya ko sa room nila ni Alex. At masasabi kong, mas maganda nga yung room ko.

"Talk. " walang buhay na sabi ni Drake.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? " hindi makatinging tanong ko sa kaniya. Eh sa wala naman akong sasabihin sa kaniya eh!

Naningkit naman ang mga mata nito na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "You kissed me Thea. " giit niya. Tangna! Ba't niya ba pinapaalala? Nag-init yata yung mukha ko dun.

"A-no naman ngayon? " shit! Wag ka mag-stutter Thea!

"You should take responsibility from what you did. "

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo diyan? Tinulungan lang naman kita para makaalis sa mga babae mo eh. " ba't ba ko nahihiya?! Ghad! Para kong maamong tupa.

"But still... you kissed me. " anu ba!? Paulit-ulit ka naman eh.

"Oh shut up Drake. Wag ka ngang pa-feeling virgin diyan. And may i remind you, hinalikan mo rin ako dati sa cafeteria. Hindi naman ako--- shit! " bakit yun yung nabanggit ko!?

Natawa naman ito ng mahina at hinawakan ako sa magkabilang balikat. He is smiling from ear to ear. "So may responsibilidad din pala ko sayo? " he laughed and pinch my cheek. "So cute when you're blushing. And about that... be my girlfriend. " seryoso niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nahampas siya sa sobrang gulat. "Ouch! Ang bigat ng kamay mo.. " inis niyang sabi habang himas-himas ang braso niya.

"Sorry... Nambibigla ka kasi eh. " sabi ko. Totoo naman kasing mabigat talaga ang kamay ko. Laging sinasabi yun nila Kuya kapag inaasar nila ko at nahahampas  ko sila.

"Ayos lang basta um-oo ka. " sabay ngisi niyang sabi.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Ano bang trip mo ah? Ba't mo ko gustong maging girlfriend? Nakahithit ka ba? Kung ano man to, wag mo ko idamay. Wag ako Drake, wag ako! " pagtataray ko sa kaniya. Good thing i didn't stutter.

Ngumiti naman ito ng napakalawak at--- pucha! Nakakailang halik na siya sa  kin ah. Susuntukin ko na sana siya pero nahawakan niya ang dalawa kong kamay at itinago sa likod ko. Mukha na kaming nagyayakapan ngayon. He is smiling from ear to ear. Nag-eenjoy siya! Kabwiset!

He look straight into my eyes and saw seriousness in it. Para kong nahipnotismo sa mga mata niya. He leaned forward and i don't know how to move or react. Hinalikan niya ko at wala kong pagtutol na ginawa. I don't know what happening to me. I want more of his lips.

Bigla nitong pinutol ang halikan namin. Kainis! Ba't parang pakiramdam ko nabitin ako!?

He smirk when he saw my expression. "You kissed back. And now you're mine. " he said and hug me.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung pano ako magrereact. I was just so stunned with a bit of happiness--- HAPPINESS!? Argh!! Ano ba tong ginawa kong kagagahan!? Bakit parang hindi ako galit?

Mali to eh!

Bakit ang saya ko?

Bakit nagustuhan ko yung halik niya?

At...

Bakit parang mahal ko na siya?

Haha joke lang! Mahal agad, diba pwedeng gusto muna? XD

---SOMEONE'S-POV---

"Ano!? Nandun na sila sa Resort?! Ba't di mo ko sinabihan, bobita ka!! " galit kong sabi sa kaniya. Hindi pa ko nakuntento, sinabunutan ko pa tong nerd na to. Bwiset eh!

"S--orry po. Ngayon lang din po kasi ako nasabihan. "

"So kasalanan ko pa na ngayon mo lang nalaman!? How dare you!! " nanggagaliiti kong sabi at sinampal siya. Narinig ko pa ang pag-gasp ng mga babae sa ginawa ko. Wala akong pake! Bagay lang sa kaniya yun.

Umiiyak na ngayon tong bobita. "Wag mo kong iyakan!! Umalis ka na nga!! Alis!! Shupi!! " inis kong sabi sa kaniya.

Dali-dali naman siyang tumakbo paalis habang humahagulgol pa. Tsk. Iyakin!

"Sumosobra ka na. " galit na sabi ng isa sa mga friends ko 'kuno'. Hindi ko naman sila tinuturing na kaibigan eh, balak din nilang agawin sa kin si Drake.

I smirk at her and point my gun at her. Stupid Bitch! "Then... wanna put my bullet on that thick head of yours? " sabi ko rito.

Nanginig naman siya sa takot at lumuhod. "I'm sorry. Hindi na mauulit. Sorry... Wag naman ganito. " paulit-ulit niyang pagsusumamo.

Natawa naman ako ng pangdemonyo. They're really scared to me. Nakayuko ang lahat na medyo nanginginig pa. Mga duwag!

Wait for it bitch. I'm gonna take Drake from you. Hindi ako nag-antay ng ilang taon para sa wala. Kasama mo man siya ngayon, mapapasakin pa rin siya. Nasa akin pa rin ang huling halakhak.

"Hahahahaha! Hahahahaha! Haha---*cough*" leche! Panira ng moment.

"Pfft~" sabay na sabi nila. Sinamaan ko naman sila ng tingin. "ANONG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN!? "singhal ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang nagsorry at nagbow.

Buti naman.

•DiSe_Artemis•

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
119K 2.5K 55
Is LOVE painful, pointless and obnoxious? [COMPLETED]
253K 6.7K 46
(Completed) Ang Gangster na nag-panggap na Gay?! "It's the only way to get my ex back." -Sk...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...