Chapter 24

143 4 0
                                    

Chapter 24 : First Monthsary

---GARETH'S-POV---

Ang tagal naman ni Thea. We were supposed to have a family dinner but she didn't show up. At ngayon, anong oras na?! 9:00 na! Hanggang ngayon wala pa rin siya.

Kagaya ko ay naghihintay din sila Dad sa kaniya. We are a family and when someone is missing, we always wait together.

Hindi na ko nakatiis. "I'm just gonna go outside, Mom. " i said and walk towards the door. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko, it's Thea's unconscious body.

Dali-dali ko itong binuhat at hiniga sa sofa. Nanlaki ang mga mata ni Mom nang makita kung sino ang hawak ko. Sinalat ni Mom ang noo nito at pala-pulsuhan. Thankfully, she sighed means that she's fine.

We insisted on calling our family doctor and he respond immediately. He checked her vital stats and told us that she's alright. Na-stress lang daw ito kaya siya nagbreakdown. Nagpasalamat sila Mom at hinatid na din ang doktor sa labas.

I look at my poor sister and caress her hair.

What happened to you sis? Matapang ka, malakas, pano ka na-stress nang ganun kadali? I've known you since birth sis. Kaya mong lampasan ang lahat ng problema because you always stay calmed and think properly. Bakit naman ganito? Ano bang nangyayari sayo, sis?

"Let me guess? Kinakausap mo na naman siya sa utak mo no? " singit ni Gavin. Sinamaan ko lang ito ng tingin at binatukan. Ano bang pake niya? I am damn worried at my sister.

"Think about it. Hindi na tipo ng tao si Thea na madaling ma-stress kasi sanay na siya sa buhay. Wala namang bago ngayon eh. Nase-stress din tuloy ako sa kaniya. " pagsusuhestiyon ko.

Napaisip naman ang dalawa at sumeryoso ang mukha ni Gab. "There is. Bukod sa kaibigan niya, who is the new person in her life? "

"Drake. " sabay naming sagot. F*ck! What have he done?!

"I'm gonna f*cking kill that bastard. " —Gavin

"How dare he! "—Gabriel.

"Pero pano kung mali tayo? " biglang tanong ko. Hindi naman sa kinakampiha ko si Drake, pero mahirap mamintang.

"Well there's only one way to find out. " he said and pointed at Thea who is now awake.

Papungas-pungas itong tumingin sa amin at biglang nanubig ang mata niya. He sobbed silently and hug her tightly. My poor sister. "What happened T? " masuyo kong tanong sa kaniya.

Mas lalo lamang itong humagulgol at niyakap ako ng mahigpit. "Ang sakit-sakit Kuya. Ang sakit. *sob* Parang tinutusok ng punyal yung puso ko. *sob* hindi ko matanggap Kuya. " she said and buried her head, more to my chest.

And that's it. I'm gonna f*cking kill that guy. How dare he to hurt her like this?!

---THEA'S-POV---

Everyone kept on comforting me, kahit hindi ko naman hinihingi. Given na siguro yun kasi pamilya ko sila. Even if i act like I'm okay, I'm crying in inside. Ayokong makita nila na nasasaktan ako. At ayokong kaawaan ako ng mga tao.

"Break up with him, Thea. " utos ni Dad. Kung dati ay halos ituring niya ng anak si Drake, ngayon ay halos kasuklaman niya na ito.

"No Dad. I still want to know his reason. " mababa kong sabi.

Oo, i want him to explain his side. I know katangahan na ang tawag dito. But could you blame me? He's my first love and i want him to resolve our problem. Hindi ko rin alam, basta't ayaw tumigil nang kakatibok ng puso ko para sa kaniya. But every time i remember his plans, palagi itong naninikip at nahihirapan na akong huminga. Should i just kill myself then?

Being Mr. Gorgeous' Target✔Where stories live. Discover now