Chapter 10

1.5K 35 0
                                    

Chapter 10 : Kiss again?

---DRAKE'S-POV---

Urgh!! Ansakit ng ulo ko dahil sa kaniya. Magbabayad sa kin yung tomboy na yun. At oo, tomboy pa rin siya sa paningin ko. Kahit gano pa siya kaganda, kasexy, ka-appeal--- ano ba tong pinagsasabi ko?! Ahh basta, tomboy pa rin siya.

"Ano dude, ayos ka na?" pang-aasar ni Alex.

Isa pa to eh! Imbes na tulungan yung kaibigan niya, tumawa pa sa kin. Wala talagang kwentang kaibigan. Sarap lang bigwasan.

"Ikaw naman kasi dude. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga---"

"ANONG TANGA!? " sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi ito. "Bakit? Totoo naman ah? Hinagisan ka lang ng kutsara, hindi ka pa umilag. At ang nakakatawa pa dun, NAHULOG KA SA UPUAN MO! Masyado mo naman yatang minamahal ang sahig dude. " Natigil ito dahil tumawa muna siya. "Ano, ilan isda naman ngayon ang nakuha mo? " dagdag niya pang asar.

I sighed deeply. "Tapos ka na? " i said emotionless. Napatango-tango naman ito at maloko pang ngumiti.

"Pwes ako naman!! " saka ko pinaghahagis ng mga bagay si Alex. Nakakailang lait na siya ah. Hindi ko palalagpasin yun.

"Wag kang umiwas!! " utos ko rito pero hindi naman niya ginawa. Sabagay, sino nga ba ang gagawa nun?

"Wag ka---Aray! ngang tanga dude! ---Ouch! Nanay ko po! Solid yang hawak mo! Bakit hindi ako iiwas!! --- Aray! Tama na nga!! " atungal naman niya habang umiiwas sa binabato ko sa kaniya. Yung iba, sumasakto sa kaniya.

"Urgh!!!  Nakakabwiset talaga!! " frustrated kong turan habang nakasabunot na sa buhok ko.

Napa-sigh naman ang kasama ko at hinawakan ako sa balikat. "Dude, it's your fault---"

"ANO?! " galit kong tanong sa kaniya. Pano ko naging kasalanan?! G*go ba siya?! Ako na nga nagkabukol na may kasama pang sakit sa likod, ako pa rin may kasalanan?!

"It's true. " seryoso siyang tumingin sa akin. "Kung hindi mo kinuha yung first kiss niya, hindi siya magkakaganun. You know dude, first kiss is very special for girls like Thea. Sabi mo nga dati, hindi siya tinatalaban ng mga poging kagaya natin. Kaya I'm pretty sure that she isn't like the girls we used to date.  You know, wild? You should understand her. " mahaba niyang eksplenasyon.

Napatango naman ako ng kaunti. Malay ko ba!? Teka nga-- "Kasalanan niya pa rin yun!! Inakit niya kasi ako!! " giit ko pa. Aba, hindi ako magpapatalo diyan noh!

"Hay... Dude, ako yung inakit niya, correction. Pero hindi ko naman sinunggaban diba? Dapat ginaya mo na lang ako. " turan niya pa.

"Galing mo talaga Alex. Kung ginaya mo si Drake, edi may bukol ka na rin. " bulong niya na narinig ko naman. Baliw talaga to, kausapin ba naman daw yung sarili?

"Umalis ka na nga!! " singhal ko sa kaniya. Nanggagaliiti talaga ko sa galit.

Natatawa naman siyang kumaway sa kin habang papalabas sa pinto. Nasa infirmary ako ngayon pero mah sariling kwarto ang mga kagaya ko. You know, perks of being the son of one of the owners.

Wait for it Thea. Patay ka sa kin pagka-recover ko. Kasalanan talaga to ng labi mo eh, masyado kasi niya ko inaanyahan--- great! Now i sound like a pervert. -_-

Being Mr. Gorgeous' Target✔Where stories live. Discover now