Chapter 3

1.8K 55 5
                                    

Chapter 3 : Meet the bullies

---DAVID'S-POV---

Kanina pa nakabusangot ang mukha ni Drake. Ayos nga eh. May babaeng naka-isnob sa kagwapuhan 'kuno' niya. Bata pa lang kami, lahat ng babae napapatingin sa kaniya and it's the first time that a girl just stare at him without blushing. That's one different girl.

"Oy David. Tara na. Nagugutom na ko. " patay gutom talaga tong si Alex. Wala na pala lahat ng mga kaklase namin.

Ngiting aso akong tumingin sa kaniya. "Tara na nga bebe Lex, pakakainin na kita. "

Nangisay-ngisay naman ito sa akin at naglagay pa sa tenga niya ng imaginary hair. Pfft~ ambakla amputs.

"Ay, ang sweet mo talaga bebe Dave. " pinalo niya pa ko ng marahan na parang pabebe.

*Blag*

Shit! Nandito siya. Nakangisi itong nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Alex. Pumunta ito pabalik sa kanina niyang inuupuan.

"Sorry. I forgot my notebook. Tuloy niyo lang yan. " kinagat pa nito ang kaniyang labi na halatang nagpipigil ng tawa.

Pagkalabas na pagkalabas nito ay nabatukan ko si Alex. "Aray! Ano ba dude! " inis na turan niya sa kin. Wala kong pake!

"Tara na nga! "

---THEA'S-POV---

Kanina pa ko naupo sa vacant seat sa cafeteria. Ang tagal naman ni France. Nakakuha na ko lahat-lahat ng food, wala pa rin siya. Baka kinain na nung room? Haha imposible.

"Hey Tomby. Ba't mag-isa ka? " tanong ng isang hipon. Ay hindi! Bubuyog pala. Diba sabi niya queen bee siya?

Hindi ko na lang ito pinansin at patuloy ang pakikinig sa kanta.

I didn't know that I was starving 'til I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo

Ang ganda talaga nung song. Kahit medyo iba yung meaning, nakakatuwa yung tono niya. Tyaka nakaka-caught talaga ng atensyon.

By the way, right away you do things to my body
I didn't know that I was starving 'til I tasted you---

"HINDI KA BA NAKIKINIG SA KIN?! " Singhal ng bubuyog. Andito pa pala siya noh? Kahit ako ngayon ko lang nalaman eh.

"Obviously.. " walang buhay kong turan sa kaniya. Chineck ko muna yung earphone ko, baka kasi nasira eh. Nanghihigit kasi itong bubuyog na to.

"Are you dumb?! Magsalita ka ng maayos! You freak!" nahagip ng mata ko ang hawak niyang C2. Akmang ibubuhos niya sa kin yun pero napigilan na ng isa kong kamay kaya ang ending.

.

.

.

"What have you done?! " singhal niya habang hawak ang basa niyang dress.

Sasampalin niya na dapat ako---"Don't. You. Dare. Sonia. " dumagundong ang boses niya. Tsk. Kailan pa siya naging knight in shining armor ko?

Being Mr. Gorgeous' Target✔Where stories live. Discover now