Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.6K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Author's Note

KABANATA XXXIX

18.6K 793 591
By Airosikin

ELIANA'S POV

SABAY-SABAY na kami nagtungo nina Zephyr at Aspen sa silid ni Aera. Hindi na rin naungkat ang naging pag-uusap namin ni Zephyr dahil naging abala na rin sila ni Aspen sa sarili nilang mundo at pinag-uusapan ang mga suliranin sa kanya-kanyang kaharian. Ako naman ay abala na rin sa pag-iisip kung ano nga bang gagawin namin ni Maestro ngayong araw dahil pinapapunta niya ako para mag-ensayo. Ewan ko ba sa matandang iyon. Sinabi kong hindi pa lubos na magaling ang mga sugat ko pero ang sabi niya ay pumunta pa rin daw ako.

Ilang sandali lamang ay narating na rin namin ang silid na pinagpapahingahan ni Aera. Si Zephyr na ang nagbukas ng pinto at bumungad agad sa amin ang maaliwalas at malinis na silid. Parehas lang naman ang hitsura nito sa dati kong silid noong nakaratay ako kaya hindi ko na masyado inilibot ang aking paningin. Agad hinanap ng mga mata ko si Aera na kasalukuyang nakaupo sa kanyang kama at kumakain ng kung anong biskwit. Napatingin din siya sa gawi namin ngunit imbes na ako ang una niyang tingnan ay pinairal niya muna ang kalandian at gulat na pinasadahan ng tingin si Aspen.

"Magandang umaga, Binibining Aera. Nagdala ako ng mga prutas para sa'yo." Magiliw na bati sa kanya ni Aspen habang naglalakad palapit sa lamesa upang ilagay ang basket ng mga prutas. Gulat pa rin si Aera na nakatingin sa amin ngunit ng magtama ang mga mata naming dalawa ay agad napalitan ng tuwa ang kanyang reaksyon.

"Eliana!" Magiliw at nakangiti niyang sigaw. Balak niya pa sanang tumayo mula sa pagkakaupo ngunit agad din akong lumapit sa kanya at marahang pinitik ang kanyang noo.

"Tanga ka? Hindi ka pa magaling di ba tapos tatayo ka na?" Kunwari'y inis kong pahayag sa kanya pero napanguso lamang siya habang hinihilot ang noo niya na pinitik ko.

Mabilis ko naman siyang pinasadahan ng tingin upang tingnan ang kanyang kalagayan. Hindi na siya maputla ngunit hindi pa rin namab ganoon kaganda ang kulay niya, masigla na rin naman ang mga mata niya at wala na halos bakas na muntikan na siyang kahapon. Sa madaling salita, mukha na ulit tanga si Aera.

"Nagalak lang naman ako kasi binisita mo ako ulit. Hindi ka na kasi bumalik kagabi, hinintay pa naman kita." Kunwari'y nagtatampong pahayag niya sa akin pero inirapan ko lang siya at hindi sinagot. Ano bang tingin niya sa akin? Katulong niya? Masakit din naman ang katawan ko kahapon kaya wag niya akong artehan ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit mayroon na naman akong mga galos at sugat sa katawan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Binibining Aera?" Pagsingit naman ni Zephyr sa usapan kaya napatingin na sa kanya si Aera. Kinuha ko namang pagkakataon ito para maupo sa kahoy na upuan sa tabi. Maya-maya na ako aalis dahil tinatamad na rin ako maglakad at maaga pa naman para makita ko na agad ang nakakabuwisit na mukha ni Maestro.

"Mabuti na ang pakiramdam ko, Mahal na Prinsipe. Ang sabi ni Doktor Aeson ay maaari na raw akong makalabas sa susunod na araw dahil bumubuti na ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at may maaasahan akong kaibigan na nagligtas sa akin." Nakangiting pahayag ni Aera kay Zephyr pero mukhang ako pa ang pinaparinggan niya sa dulong parte nito. Kunwari'y inis ko na lang siyang inirapan at kunot-noong binaling ang atensyon ko sa iba para naman tigil-tigilan niya ako sa drama niya.

Nagpatuloy lamang sa pag-uusap sina Zephyr at Aera tungkol sa kalagayan ni Aera, sa didinggin na kaso nina Kiara, at ang isyu sa lupain nito na malapit na rin pala ang araw kung kailan ito didinggin. Mamaya siguro ay sasabihin ko na kay Zephyr ang desisyon ko tungkol dito dahil hindi pa naman pala ako nakakasagot sa paanyaya niya. Dapat ba talaga akong sumama? Ewan ko, pag-iisipan ko pa hanggang mamaya.

Nanatili lamang kaming tahimik ni Aspen na hindi na muling nagsalita matapos batiin si Aera kanina. Anong problema niya? Hindi ba kadalasan siya ang dumadaldal sa mga ganitong sitwasyon pero ngayon parang nalunok niya ang dila niya dahil nananatili lamang siyang tahimik at nakikinig sa usapan nina Zephyr at Aera.

Hindi naman sinasadya na nagtama ang paningin namin ni Aspen dahil malikot din ang mga mata niya at kung saan-saan bumabaling. Saglit siyang natigilan dahil dito ngunit agad din naman ngumiti sa akin. Inirapan ko lang siya at hindi na muling tumingin sa gawi niya. Bakit hindi nga siya nagsasalita? Nahihiya ba siya makipag-usap kay Aera dahil nandito kami? Ganon? Kami ang aalis para makapag-isa silang dalawa? Ang aga-aga naman kasi niyang nagpunta. Hindi ba siya puwedeng mamayang gabi na pumunta? Pero ano nga bang pakialam ko.

"Eliana..." Napatigil naman ako sa pagmumuni ng tawagin ni Aera ang pangalan ko. Nilingon ko naman siya saka tinaasan ng kilay. Mukhang tapos na sila ni Zephyr mag-usap dahil maski siya ay nakatingin na rin sa akin.

"Maraming Salamat." Sinsero niyang pahayag na may ngiti pa sa labi. Hindi naman ako sumagot dahil mukhang may sasabihin pa siya at hindi nga ako nagkamali. "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo kagabi dahil hindi pa ako makapagsalita pero ayun na nga, maraming salamat, Eliana. Utang ko sa'yo ang buhay ko dahil muli mo na naman ako niligtas." Maramdamin niyang pahayag sa akin habang pinaglalaruan niya ang mga kamay niya na wari'y nahihiya at hindi makatingin ng diretso sa mata ko. Ngayon pa siya nahiya e ang dami na niyang problema na dinala sa buhay ko. Kakaiba talaga sapak nitong si Aera.

"Hindi ko niligtas ang buhay mo." Tipid at kaswal kong sagot sa kanya dahil iyon naman ang totoo. Kung hindi dahil sa batang iyon, parehas na rin kaming patay ni Aera ngayon kaya hindi ako dapat ang pasalamatan niya.

"Eliana naman..." Nag-iinarte niya pang sagot sa akin na kinairap ko naman.

"Tss. Arte mo. May nakapagsabi sa akin kung anong nangyari sa'yo. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko rin naman malalaman na naghihingalo na ang katulad mong tatanga-tanga sa likod ng akademya." Tamad kong paliwanag sa kanya. Kita ko naman na sandali siyang natigilan sa sinabi ko bago dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya na wari'y gulat na gulat. O.A. talaga.

"May nakapagsabi sa'yo? May nakakita sa amin? Sino?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin na sinagot ko muna ng irap bago magsalita.

"Ikaw na ang umalam niyan." Bagot kong sagot saka ako sumandal sa aking kinauupuan at dumekuwatro. Siya na ang umalam niyan para magkaroon naman ng saysay ang walang kuwenta niyang buhay. Hanapin niya ang tagapagligtas niya para nakakapanabik naman. 

"Ha?! E bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" Nagtataka niyang tanong pero muli ko na naman siyang inirapan. Wala talaga siyang balak magpursigi ng kaunti man lamang.

"Para may silbi naman iyang pagiging tsismosa mo." Inis ko na lang na sagot sa kanya. Bumalik na naman ang tatanga-tangang Aera ano ba iyan.

"Hindi naman ako tsismosa!" Depensa niya pa na agad kong ikinaismid.

"Sige, sabi mo e." Mataray kong pahayag dahilan para mapanguso na lamang siya at suko na sa pagdepensa sa sarili dahil totoo naman na tsismosa siya.

"Pero, Eliana, salamat talaga ah! Hayaan mo, balang araw masusuklian ko rin lahat ng ginawa mo sa akin." Balik mahinahon ang boses na pahayag niya habang nakangiti na ulit sa akin. Ang bilis magbago ng emosyon niya grabe.

"Hindi ko kailangan ng sukli, mayaman kami." Mataray na pahayag ko sa kanya dahil hindi naman ako nanghihingi ng kapalit mula sa kanya dahil ano bang kaya niyang ibigay sa akin kundi wala.

"Ito naman kinakausap ng maayos e!" Pagtatampo na naman niya pero hindi ko na siya pinansin at nanatili na lamang tahimik. Maya-maya siguro ay aalis na ako dahil nasasayang na niya masyado ang oras ko. Araw-araw naman niya ako binubuwisit kaya hindi na ako dapat pang magtagal dito.

Muli silang nag-usap ni Zephyr at sa pagkakataong ito ay nakikisali na rin sa kanila si Aspen. Akala ko tatagal siya sa pagpipigil ng kadaldalan niya pero mukhang katulad din siya ni Aera na walang preno ang bibig nito at wala rin naman kuwenta ang mga lumalabas na salita mula dito. Ilamg sandali pa ang nagdaan ay nagtangka na akong tumayo para umalis pero naunahan ako ni Zephyr na magsalita.

"Kailangan ko na palang umalis, Binibining Aera, may klase pa kasi ako maya-maya lamang. Dadaan na lang ako ulit sa araw ng paglabas mo dito." Kaswal na paalam sa kanya ni Zephyr ngunit napatingin din siya sa akin ng tumayo na rin ako sa aking puwesto. Nagkataon lang na sabay kami aalis. Baka naman kung ano pang isipin niya.

"Naku! Ayos lang po Prinsipe Zephyr. Nakakahiya nga dahil bumisita ka pa ulit ngayon baka nakakaabala na ako." Nag-iinarte pang pahayag ni Aera pero halata naman sa kanya na gustong-gusto niya rin na binisita siya ni Zephyr.

"Walang problema, Binibining Aera. Isa ka sa mga mamamayan ng Umoewin kaya responsibilidad ko rin ang kapakanan mo." Mahinahon na pahayag pa ni Zephyr na mistulang napakahuwaran at responsable niyang prinsipe.

"Maraming Salamat po!" Nakangiting pahayag pa ni Aera sa kanya at marahang niyuko ang ulo bilang paggalang.

"Sige, magpagaling ka, mauna na ako."

"Ako rin, nasasayang na masyado oras ko." Singit ko naman sa usapan nila dahilan para sabay pa silang mapalingon sa akin. Binigyan naman ako ni Aera ng isang nangtutudyong tingin pero inirapan ko lamang siya. Aasarin na naman niya ako? Baka kapag binuka ko ang bibig ko at ako ang nang-asar sa kanya, sabay pa silang mangamatis ni Aspen.

"Ha?Aalis ka na rin, Eliana? Pero---"

"Huwag ka ngang mag-inarte dyan dahil araw-araw mo naman akong binubuwisit at isa pa..." Sinadya king bitinin ang sinasabi ko upang tingnan si Aspen ng makahulugan. Bigla naman siyang natigilan sa uri ng tingin na ginagawad ko sa kanya na wari'y nang-aasar pero tinaasan ko lang siya ng kilay bago pa siya makapagsalita.

"Ano iyong isa pa?" Kunwari'y inosenteng pahayag pa ni Aera pero alam niya naman ang tinutukoy ko. Inis ko naman siyang binalikan ng tingin sabay irap.

"Ewan ko sa'yo. Bahala nga kayong magsama dito. Isang tanga at isang torpe. Tss. Bagay." Huling pahayag ko sa kanilang dalawa at hindi ko na binigyang pansin ang pamumula ng mukha ni Aera dahil nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad palabas.

Nangawit din ako kauupo doon at isa pa, hindi naman ako manhid para hindi mahalata na naghahanap lamang si Aspen ng tyempo na makausap si Aera. May namamagitan ba talaga sa kanila? Tss. Pakialam ko ba? Maganda nga iyon para magsama na silang parehas na asungot sa buhay ko.

"Prinsesa Eliana..." Napatigil naman ako sa paglalakad ng bigla akong tawagin ni Zephyr. Akala ko nauna na siyang umalis sa akin o naiwan siya doon. Pero sinadya ko talagang iwan siya dahil baka maungkat na naman ang pinag-usapan namin kanina.

"Anong kailangan mo?" Kunwari'y pagtataray ko sa kanya.

"Ihahatid na kita sa klase mo." Kaswal niya lang na pagboboluntaryo sa akin at ewan ko ba pero kahit papaano, inaasahan ko na talagang gagawin niya iyan. Kulang na lang ay maging tagahatid ko siya dahil.

"Wala akong klase ngayong araw. Bakit nga pala ikaw mayroon?" Nakapameywang kong tanong.

"Hindi kasama ang mga kalalakihan sa walang pasok ngayong araw. Mukhang tungkol ito sa naganap na kaguluhan kaya karamihan ng mga Maestra at Maestro na pinatawag ay mga nagtuturo sa kababaihan." Mahinahon niyang paliwanag sa akin na sinagot ko na lang ng kibit balikat. Porket mga babae lang ang nadawit kahapon hindi na rin idadawit ang mga kalalakihan sa mag dapat disiplinahin? Parang ewan talaga mag-isip si Maestra Zora.

"E di huwag mo na ako ihatid. May klase ka pala e." Mataray kong pahayag sa kanya bilang pagpapakipot kahit na gustong-gusto naman talaga ng puso ko na ihatid niya ako. Syempre sino ba naman ang ayaw makasama ang taong gusto nila lalo na ngayon na wala ang asungot na si Caedmon.

"Hindi na, ihahatid na kita, saan ka ba pupunta? Babalik ka ba sa dormitoryo mo?" At buti na lang talaga ay matigas ang mukha ni Zephyr at ipipilit talaga niya ang gusto niya.

"Tss. Malalaman mo rin. Maglakad ka na lang." Kunwari'y pagtataray kong sagot sa kanya at nauna ng tumalikod upang muling naglakad. Naramdaman ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

"Nag-agahan ka na ba?" Kaswal niyang tanong sa akin at kung maalala ko, tinanong niya rin ako ng ganito noong una pero nakakain na ako. Hindi ko talaga kayang walang laman ang sikmura kapag aalis ng dormitoryo. Pakiramdam ko mas lalo akong mang-aaway ng tao kapag gutom ako.

"Malamang." Walang lingunang sagot ko na lang sa kanya. Busog naman talaga ako pero sayang.

"Akala ko hindi pa, aayain sana kitang kumain sa kantina para may kasabay ako." Kalmado lang ang boses niya pero ewan ko ba parang may nahihimigan akong pagpapaawa at pangongonsensya doon na akala naman niya ay kakagatin ko. Kung sobrang rupok ko lang ay baka pero hindi e.

"Hindi ka pa pala kumakain e bakit ihahatid mo pa ako? Kumain ka na! Hindi ka madadaan sa kantina kung sasamahan mo pa ako sa pupuntahan ko." Kunwari'y mataray na pangtataboy ko sa kanya. Kapag nahilo pa sya dyan e di kasalanan ko pa.

"Hindi na. Ayos lang. Ihahatid muna kita saka na lang ako dadaan sa kantina." Iiling-iling niyang sagot na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Bakit magpapakagutom ka pa e puwede mo naman akong iwan. Hindi naman ako maliligaw sa akademya." Kung makaasta naman ito sa akin ay ginagawa akong bata. Nakakakilig sana kaso ayoko ng may sinasakripisyo ang isa alang-alang sa kapakanan ko. Hindi naman ako makasarili, minsan lang.

"Dahil mas gusto kong ihatid ka muna. Priyoridad kita ngayon." Seryosong pahayag niya pa at ewan ko ba pero muli na naman lumagabog ang puso ko dahil dito.

Pansin ko napapadalas na siya sa mga banat na minsan ay inaakala kong may kahulugan pero nakatatak naman sa akin na magkaibigan kami at isa pa, hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala kaya impossibleng kasingrupok niya ako na nagkagusto na agad sa kanya dahil aminado akong naguwapuhan ako sa kanya noong tumugtog siya ng Fluta. Ang galing-galing niya naman kasi talaga noong mga oras na iyon.

"Tss. Ayan ka na naman sa mga pinagsasabi mong kagaguhan." Buwelta ko na lang upang iwaksi ang kalandian sa aking isipan.

"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" Mahinahon at nagtataka niyang tanong sa akin na kinairap ko naman sa kawalan. 

"Ewan ko sa'yo." Mataray na pahayag ko na lamang at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Sana naman huwag na niyang ungkatin ang sinabi ko at sana naman, ingatan niya ang mga binibitawang salita dahil kung sobrang rupok ko lang ay iisipin kong nilalandi niya talaga ako pero syempre, mukhang hindi naman ganoon si Zephyr at sadyang palakaibigan lang siguro siya sa puntong iisipin mong may iba itong kahulugan. Pero baka naman...ay ewan.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad habang siya naman ay muli na namang nagdaldal ng kung anu-ano. Kadalasan ay pag-aaral ang binabanggit niya sa akin at mga Maestro na paborito niya. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang naisip niyang paksa gayong marami naman puwedeng pag-usapan pero hinayaan ko na lang. Kumportable naman ako sa kadaldalan ng kumag na ito kahit na tipid lang ang mga sinasagot ko sa kanya. Hindi rin naman ako makuwento at sana alam na niya ang ugali kong iyon. Wala rin akong masasabi dahil wala akong nagugustuhang asignatura o Maestra sa akademyang ito. Lahat sila, iniinis ako.

"Iyong tungkol pala kagabi, Prinsesa Eliana." Biglang singit niya ng panibagong paksa matapos ng ilang sandaling pananahimik.

"Oh? Ano meron?" Kunwari'y mataray na pagmamaang-maangan ko pero alam ko naman kung anong tinutukoy niya na nangyari kagabi. Dapat ko na bang itanonh kung anong mayroon sa kanila ni Caedmok at ganon na lang makaasta ang lalaking iyon sa kanya?

"Binalak talaga kita kumustahin kagabi dahil nag-alala talaga ako sa'yo..." Mahinahon niyang pahayag dahilan para mapalingon naman ako sa kanya pero hindi ko mahuli ang mga mata niya dahil bahagya siyang nakayuko at natatakpan ng itim niyang buhok ang kalahati ng mga mata niya. Nag-aalala na naman siya sa akin. Pero normal lang naman iyon sa magkaibigan hindi ba? Kaya lang, bakit iba yung dating sa akin? Mas pinili ko na lang na hindi sumagot sa sinabi niya dahil ano nga bang sasabihin ko? Salamat? Sige? Ganon?

"Pero hindi ko alam na nandoon pala ang mga kapatid mo. Pasensya na kung mukhang nag-talo pa kayo ni Caedmon dahil sa---"

"Kung sasabihin mo na naman ang salitang 'dahil sa akin', puwes, manahimik ka na." Malamig kong pahayag sa kanya. Kasasabi ko lang kanina na tigil-tigilan niya iyan.

"Pero---"

"Ikaw ba si Caedmon? Ikaw ba yung kumaladkad sa akin? Hawak mo ba isip ni Caedmon? Di ba hindi naman?" Sunod-suno kong tanong sa kanya ng may himig na inis sa aking boses. Ang kulit kasi niya. Kailan niya ba maiintindihan na bago siya humingi ng tawad, isipin niya muna kung kasalanan niya ba talaga.

Natigilan naman siya sa sinabi ko hanggang sa dahan-dahang tumango-tango na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Sabagay..." Mahinahon at kalmadong tugon niya naman. Buti hindi na siya nakikipag-argyumento sa akin dahil hindi rin naman siya mananalo. Pero dapat ko na nga bang itanong kung bakit?

"Tss. Bakit nga ba ganoon ang trato sa'yo ng taong-batong iyon?" Walang kagana-gana kong tanong sa kanya upang hindi niya naman mahalata na gusto ko talaga malaman ang dahilan ng mga ikinikilos nila.

Saglit naman siyang natigilan sa tanong ko at dahil nakatingin ako sa kanya ay kita ko kung paanong umiwas ang mga mata niya na wari'y may itinatago. Mukhang dito pa lang, may inililihim na siya sa pagitan nila ni Caedmon.

"Wala namang partikular na dahilan. Ganoon lang talaga kami sa isa't isa." Biglang buwelta niya saka tipid na ngumiti sa akin na para bang sinisiguro niya na walang problema.

"Magkaibigan kayo di ba?" Buwelta ko pa dahil kung magkaibigan nga sila, hindi naman dapat ganoon ang trato nila sa isa't isa. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may mali pero wala akong karapatan para manghimasok o mangialam sa problema na namamagitan sa kanilang dalawa.

Muli na naman siyang natigilan sa tanong ko at parang malalim na naman ang iniisip niya dahilan para lalong magsalubong ang kilay ko pero mabilis din naman siyang nakasagot. 

"...Oo naman." Nakangiti niya pa rin na pahayag pero inirapan ko lang siya. Hindi ko gusto ang ngiting ibinibigay niya sa akin pero malaking parte sa puso ko ang nagsasabi na hindi na dapat ako magsalita pa, na hindi na dapat ako magtanong pa.

"Tss. Sinungaling." Mataray na pahayag ko. Ganyan ba ang magkaibigan? Daig pa ang aso't pusa. Akala ko nga may gusto sa kanya ang kapatid ko at nagseselos sa akin, pero mali ako ng akala. Mukhang may problema talaga sa kanilang dalawa.

"Magkaibigan talaga kami ni Caedmon." Depensa niya pa pero hini na ako sumagot pa kaya naman muli siyang nagpatuloy sa sinasabi niya.

"At isa pa, wala lang naman sa akin iyong magaspang niyang pagtrato, sanay naman ako." Kahit kalmado ay hindi pa rin maitatanggi na may himig ng kalungkutan ang tono ng boses niya. Ewan ko ba, nalilito na ako sa kanilang dalawa. Magsyota ba sila noon? Tss. Impossible.

"Bakit kailangang masanay kung puwede naman baguhin." Makahulugang pahayag ko dahilan para mapalingon naman siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Bakas pa rin doon ang lungkot saka siya umiling-iling sa akin.

"Hindi na mababago kung ano man ang tingin ni Caedmon sa isang tao." Diretsahan niyang sagot sa akin dahilan para muli na naman magtanong ang walang preno kong bibig. 

"Bakit ganoon ang tingin ng kapatid ko sa'yo?" Wala akong pakialam sa takbo ng isip ni Caedmon dahil isa lang naman gusto ko malaman. Bakit ganoon ang tingin ng kapatid ko sa kanya?

"Wala nga." Iiling-iling niya pa rin na pahayag saka marahang ngumiti sa akin pero nanatili lamang akong blangkong nakatingin sa kanya.

"Huwag mo na alalahanin iyon, Prinsesa Eliana. Wala naman tayong ginagawang masama kaya hindi rin naman kita iiwasan. At isa pa, magkaibigan tayo di ba?" Marahan niyang tamong sa akin habang sinserong nakatingin sa mga mata ko pero agad din akong nag-iwas ng may makitang kung anong emosyon doon.

"Bakit mo nga ba ako kinaibigan?" Wala sa sariling naibulalas ko at bago ko pa man mapagtantong sinabi ko iyon ay kusang tumigil si Zephyr sa paglalakad. Agad naman akong napalingon sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon pero nangingibabaw doon ang pagkalito at gulat. Ewan ko pero biglang kumirot ang puso ko dahil doon kaya mabilis din akong nagsalita.

"Hindi bale na." Pagbawi ko na lang sa tanong ko sabay iwas ng tingin. Bakit ko nga ba tinanong iyon? Dahil ba nagtitiwala na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin pero pakiramdam ko may mali. Pero bakit nga ba binawi ko? Natatakot ba akong may marinig na salita sa kanya?

Iwinaksi ko na lang isiping iyon at nagsimula na akong maglakad palayo habang kagat ang labi ko pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mabilis ko naman siyang nilingon ng may gulat na mga mata at muli ko na naman naramdaman ang bolta-boltaheng kuryente sa kamay ko.

"Prinsesa Eliana..." Pagsusumamong tawag niya sa akin at kita ko sa mga mata niya na nangungusap ito at may gustong sabihin. Bakit ganyan siya makatingin?! May tinatago ba siya sa akin? Mali ba na tinanong ko iyon dahil baka isipin niya pinagdududahan ko ang sinserong pakikipagkaibigan niya sa akin.

Magsasalita na sana siya ng may biglang maliit na kamay ang umagaw ng kamay ko at hinawakan ito ng maigi. Sabay naman namin nilingon ang batang lalaki na nasa tabi ko at masama ang pagkakatingin kay Zephyr. Nagulat naman si Zephyr dito maging ako ngunit agad din ako nakabawi.

"Oy bata, anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya habang kinukurot ang pisngi niya. Nilingon niya naman ako at lumamlam na ang mga mata niya sabay senyas.

'Bakit kayo magkahawak ng kamay?' Mabilis niyang senyas na may kasamang pagsalubong ng kilay at inis sa mga mata.

'Selos ka?' Nakangising pang-aasar ko sa kanya dahilan para bigla naman siyang mamula at nakasimangot na nag-iwas ng tingin. 

"Ikaw pala iyan, Cainon. Magandang umaga." Nakangiting bati sa kanya ni Zephyr. Wala na ang lungkot at pagkalito sa mga mata nito habang diretsong nakatingin sa batang lalaki na masama pa rin ang pagkakatingin sa kanya. Hindi naman siya sinagot ni Cainon at harap-harapang inirapan si Zephyr.

"Ang maldita mo." Mataray kong pahayag sa kanya saka muling kinurot-kurot ang pisngi niya pero tinabig niya lang ito na wari'y nagtatampo. Ewan ko ba pero para siyang tanga sa hindi nakakainis na paraan.

"Mukhang ayaw ni Cainon hinahawakan ng iba ang kamay ng kanyang Ate Eliana. Pasensya na, hindi ko naman sinaktan ang Ate mo." Nakangiti pa rin pahayag sa kanya ni Zephyr pero hindi na sumagot pa si Cainon at muli na naman siyang inirapan. Binawi ko naman ang kamay ko sa kanya saka inakbayan na mas lalong ikinapula ng mukha niya.

"Umalis ka na, si Cainon na ang maghahatid sa akin." Pangtataboy ko pa sa kanya dahilan para bumalatay ang lungkot sa mga mata niya at bumalik ang halo-halong emosyon na nakita ko kanina.

"Prinsesa Eliana..." Muli niyang pagsusumamo sa akin pero inirapan ko lang siya at muling tumitig ng malamig sa mga mata niya.

"Huwag mo ng isipin ang tanong ko. Sige na, pumasok ka na sa klase mo." Huling pahayag ko saka tumango ng ilang beses para imuwestra na umalis na siya. Hindi naman ako galit, nawalan lang talaga ako ng gana sa pag-uusap namin. Hati ang nararamdaman ko na nagsisisi akong tinanong ko iyon at may nagsasabi sa akin na tama naman na tinanong ko iyon. Ay ewan.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad habang akbay ko si Cainon ng maramdaman kong kinakalabit niya ako. Nilingon ko naman siya agad.

'Nag-away ba kayo?' Senyas niya ng may nagtatanong na mga mata.

'Pakialam mo?' Pairap na senyas ko naman sa kanya.

'Nagtatanong lang e." Nakasimangot na pahayag niya na bahagya ko naman ikinangisi ng nakakaloko. Nagagawa na niya akong simangutan ngayon ah.

'Hindi.' Kaswal kong senyas dahil hindi naman away kung maituturing iyon. Kapag nang-away ako, may dumadanak na dugo at may nasasaktan talaga.

'E bakit hinawakan niya ang kamay mo?' Muli niyang senyas dahilan para mas lalong lumawak ang nakakalokong ngisi sa aking mga labi.

'E bakit ka nagseselos?' Balik senyas ko rin sa kanya na agad ikinapula ng mukha niya sabay iwas ng tingin. Sus! Alam ko naman na may gusto siya sa akin dahil halatado ko naman at wala naman akong problema doon. Maganda naman kasi talaga ako.

'Hindi ako nagseselos.' Depensa niya pa habang nakanguso at nakatingin sa ibang direksyon na wari'y nahihiya.

"Sus. Sinungaling. Seloso." Pang-asar ko pa sabay marahan na ginulo ang buhok niya pero inis niya lang tinabig ang kamay ko habang nakanguso pa rin at salubong na salubong ang kilay.

'Hindi nga!' Depensa niya muli kinurot ko lang ng isang madiin ang matambok niyang pisngi saka ibinalik ang pagkakaakbay sa kanya.

"Ewan ko sa'yo." Kaswal kong pahayag. At ewan ko rin sa'yo, Zephyr! Huwag ka lang talagang magtatangka na sirain ang tiwala ko bilang kaibigan dahil kahit may gusto ako sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na paduguin ang nguso niya.

---

NARATING naman namin ni Cainon ng sabay ang parte ng hardin kung saan ako pinapadiretso ni Maestro sa sulat na ipinadala niya kanina. Inilibot ko ang paningin ko ngunit nauna nang makita ni Cainon ang matandang Maestro na wari'y nag-eensayo gamit ang isang mahabang kahoy at nakapiring ang mga mata.

Ilang sandali namin pinanood si Maestro gumalaw gamit ang mahabang patpat na mas matangkad pa sa kanya. Tulad ni Sereia ay mabilis din ang bawat galaw ni Maestro ngunit hindi ko maipagkakailang kalkulado at pinong-pino ang bawat galaw niya. Hampas doon, wasiwas dito, paminsa'y pinapaikot niya ang patpat sa kanyang mga kamay at likuran saka muling ihahampas at tatalon ng mataas. Saglit pa niya itong pinagpatuloy hanggang sa inikot niya ang sarili at paluhod na bumagsak.

"Yabang..." Mahinang bulong ko ngunit sapat na iyon para maalerto siya at mabilis na ibinato sa direksyon namin ni Cainon ang mahabang patpat na mistulang isa itong sibat. Mabilis akong kumilos at humarang sa harapan ni Cainon saka paikot na sinipa ang mahabang patpat dahilan para tumalsik ito palayo. Marahas ko naman na hinarap si Maestro na pawis na pawis at nakatanggal na ang piring.

"Problema mo?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng isang malutong na halakhak. Siraulo talaga siya.

"Sabi ko na nga ba si Eliana ang nagsalita." Nakangiting pahayag na niya sa akin habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Kaya binato mo ang patpat?" Taas-kilay kong pahayag sa kanya habang nakapameywang. Nagkibit balikat lamang si Maestro habang naglalakad tungo sa pinagbagsakan ng patpat.

"Oo. Dahil alam kong madedepensahan mo ang sarili mo dahil nakita mong binato ko ito sa'yo."  Kaswal niyang pahayag sa akin habang ang atensyon ay nasa patpat na dahan-dahan niyang pinupulot.

Dahil nakita kong ibinato niya sa akin? Nakita ko? Kung ganoon...mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinapunta dito.

"Handa ka na ba sa pagsasanay mo sa araw na ito?" Nakangiti at makahulugan niyang pahayag sa akin.

"Patutulugin mo na naman ba ako?" Mataray at taas kilay kong tanong sa kanya habang pinapatunog ang mga daliri ko sa kamay.

"Hindi naman pero..." Sinadya niyang bitinin ang huling sasabihin saka muling tumingin ng diretso sa mga mata ko na wari'y sinasabihan akong alam ko na ang mangyayari.

"Sasaktan mo ako?" Taas kilay kong tanong sa kanya kasabay ng huling pagpapatunog sa aking hinliliit.

"Hindi naman maiiwasan iyon." Nakangiting pahayag ni Maestro habang naglalakad palapit sa akin dala ang isa pang mahabang patpat at kulay itim na tela na wari'y piring sa mga mata.

"Tapos ko na ang plano sa pag-eensayo mo. Apat na tao ang magtuturo sa'yo sa iba't ibang larangan ng pakikipaglaban kasama na ako doon - ang pakikipaglaban sa malayuan, pakikipaglaban gamit ng espada, pakikipaglaban gamit ng pisikal na kakahayan, at pakikipaglaban gamit ng isipan, puso, at tiwala sa sarili." Mahabang paliwanag sa akin ni Maestro habang inaabot ang piring sa mata. Saglit ko naman itong tiningnan ngunit agad ko rin kinuha at pinakiramdaman ang makapal nitong tela.

"Sa araw na ito, ako ang magtuturo sa'yo sa pakikipaglaban gamit ito" Turo niya sa kanyang sentido. "Ito." Turo naman niya sa sarili niyang puso. "At ang buong pagkatao mo." Makahulugang pahayag niya habang iniikutan ako na parang kinikilatis ang buong pagkatao at katauhan ko.

"Mapapadalas ang pag-eensayo mo simula ngayon tuwing hapon. Magpapadala naman ako palagi ng sulat sa mga katulong mo upang sabihin kung saan mo kinakailangan magpunta at kung tuloy ba ang pag-eensayo o hindi."

Nanatili lamang akong tahimik at nakikinig sa kanya. Ewan ko ba pero may parte sa akin ang natutuwa at kinakabahan dahil sa wakas, pormal ng nagsisimula ang mga pagsasanay ko para lumakas. Pero napapaisip ako, bakit ko nga ba ito ginagawa? Para manalo lamang? Pero bakit parang...parang may iba pa akong dahilan.

"Isuot mo na ang piring mo, Eliana. Magsisimula na tayo." Utos pa sa akin ni Maestro kaya wala na rin akong iba pang sinabi at mabilis na rin sinuot ang aking piring. Lumapit din si Cainon sa akin upang tulungan akong magtali at siguraduhin na wala akong nakikita. Nanatili lamang akong nakapikit at nakatayo sa aking puwesto habang pinakikiramdaman ang mga susunod na pangyayari.

"Hawakan mo ito, Eliana." Inabot sa akin ni Maestro ang patpat na tingin ko'y katulad din ng hawak niya kanina pero mas mabigat ito at mas magaspang sa balat na halos dama ko na ang maliliit na tinik na tumutusok sa aking palad.

"Bakit magaspang---ah!" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko matapos niyang hampasin ng malakas ang binti ko ngunit nanatili lamang akong nakatayo. Bakit niya ginawa iyon?! Gagong matanda to!

"Hindi bibig ang ginagamit sa pakikipag-laban. Mas maraming kuda mas maraming pagkakamali. Ilagay mo ang buong atensyon mo sa laban." Matigas na sambit ni Maestro at ewan ko ba pero awtomatikong napatayo ako ng maayos at humigpit ang hawak ko sa patpat. Ito ba ang gusto niya? Ang lumaban ng walang mga mata? Pero bakit?

"Bakit hindi mo man lamang sinabi---aray!" Muli na naman niya akong hinampas at sa pagkakataong ito ay sa tiyan ko naman. Hayop ang sakit! Hindi pa nga magaling ang mga sugat ko e!

"Kailan pa nagsabi ang kalaban kung aatake na sila o hindi? Ang laban ay laban, buhay sa buhay, at oras na sinabi mo kung kailan ka aatake, tiyak na ikaw ang unang matatapos. Ang laban ay hindi lamang basta palakasan, Eliana, kundi sino ang mas matibay, sino ang matitira sa dulo, sino ang mabubuhay. Kaya naman, huwag kang magpakakumpiyansa kung gusto mong mabuhay!!" Hindi ko ulit inaasahan na hahampasin ako ni Maestro at sa pagkakataong ito ay sa braso ko naman kung saan ako may pilay kaya malakas talaga akong napasigaw. Gago talaga siya! Gago!

"Sa pagkakataong ito, buksan mo lahat ng pandama mo. Ang mga tenga mo, ang ilong, ang iyong pakiramdam, talasan mo ang mga ito, Eliana." Malamig muling sambit ni Maestro dahilan para muli akong tumindig ng maayos at sinunod ang sinabi niya pero ewan ko ba, bakit pakiramdam ko nahihirapan ako? Bakit nabibingi ako?! Bakit namamanhid ako?!

Muli na naman niya akong nahampas sa likuran ngunit hindi ko ito ininda at mabilis iwinasiwas ang patpat pero tanging hangin lamang ang nahagip ko. Ang tunog ng hangin, bakit naririnig ko pero ang kalaban hindi?! Ayaw ko ba mabuhay?! Pinapaubaya ko na lang ba ang buhay ko sa kalaban?

"Kalmahin mo ang kalooban mo, Eliana. Isipin mo, para saan ka nga ba lumalaban?" Makahulugang tanong ni Maestro sa tenga ko at bagama't natigilan ako ay sinubukan ko pa rin siyang patamaan pero hangin lamang muli ang nahagip ko.

Para saan ba ako lumalaban? Para manalo? Para lamang manalo? Bakit kailangan ko manalo?! Bakit kailangan ko ng kapangyarihan?!

"Bakit ka nga ba lumalaban?!" Sigaw na naman ni Maestro at hindi ko muling inaasahan ang hampas niya sa aking binti ngunit kinagat ko na lamang ang aking labi upang hindi mapasigaw.

"Talasan mo ang pandama mo. Para saan pa ang tenga kung mananatili ka namang bingibingihan sa paligid mo." Bulong ni Maestro muli sa aking tenga dahilan para mabilis kong iwasiwas ang patpat sa kanya pero wala na naman akong natira at siya pa ang nakahampas na naman sa akin sa tuhod.

"Para saan pa ang ilong kung hindi mo rin magagamit ito upang maamoy kung nasaan ang iyong kalaban." Kinurot niya pa ang ilong ko na wari'y inaasar ako at lubos naman akong nabanas doon. Mabilis kong winasiwas ang patpat pero wala na naman siya. Punyeta, Eliana! Gumalaw ka! Kumilos ka! Bakit ba sarado ang lahat ng pandama ko porke't wala kang mga mata?! Pero hindi tayo bulag! O baka naman...nagbubulagbulagan din ako sa mga bagay? Tanggap ko na si Eliana hindi ba?! Tanggap ko ng ako si Eliana! Pero bakot sarado pa rin ang isipan at puso ko. Bakit ako lumalaban?! Para manalo? Manalo saan?!

"Para saan pa ang pandama kung hindi mo rin dadamhin ang dapat maramdaman ng balat mo." Muli ay nahampas na naman ako ni Maestro sa likod at napasigaw ako dahil may kalakasan iyon. Galit kong iwinasiwas ang patpat ko ngunit wala talaga akong natatamaan. Gumanti rin sa akin si Maestro at sunod sunod na hinampas ang iba't ibang parte ng katawan ko.

"Bawat parte ng katawan mahalaga, Eliana, sa laban, wala kang aasahan kundi ang sarili mo, kundi ang sarili mong kakayahan. Pakiramdaman mo ang sarili mo, Eliana. Ikaw iyan, katawan mo iyan, kabisaduhin mo ang kalakasan mo." Tuloy-tuloy lamang ako sa pagwasiwas ngunit wala akong nahahagip na hampas man lang ngunit nakakaisa o dalawang tira na siya sa akin pabalik. Kasabay ng bawat diin ng mga salita ni Maestro ay ang pagdama ko sa bawat pintig ni Eliana, ng katawan na pinaglalagakan ko, ng sarili kong katawan.

"Maaari kang tirahin patalikod, sa harap, sa gilid, o di kaya'y sa dilim habang ang mga mata mo ay nananatiling bulag sa reyalidad at katotohanan." Muli niyang bulong sa tenga ko dahilan para iwasiwas ko ang patpat sa direksyon nito pero wala pa rin! Punyeta nasaan si Maestro?! Bakit pakiramdam ko hindi lamang katawan ko ang pinatatamaan niya ng mga hampas ngunit maging ang puso't isipan ko'y natatamaan ng mga salita. Bulag ba talaga ako sa katotohanan? Saang katotohanan?! Pero bakit ako bulag? Tanggap ko na si Eliana hindi ba?! Pero saan ako nabubulag? Ano ang hindi ko nakikita?! Para saan ako lumalaban?! Bakit?!

"Kilos, Eliana! Kilos! Makinig ka! Amuyin mo! Damhin mo! Hindi lahat ng bagay ay nakikita ng mga mata! Minsan kailangan mo rin pumikit para makita ang mga bagay na hindi mo nararamdaman at tanging puso at isip lamang ang nakakadama." Malamig na pahayag sa akin ni Maestro at ewan ko ba pero kinilabutan talaga ako ng todo.

Bumalik sa alaala ko ang sakit noong namatay ako sa dati kong buhay. Noong binaril ako ni Calyx. Hindi ko man lang naramdaman na nasa likuran ko siya o dahil ba nagpakapakampate ako ng mga oras na iyon at mas inuna ang buhay ni Ysabella? Dahil ba sarado ang isipan ko noon sa sarili kong kapakanan?! Dahil ba sarado na ang puso ko sa posibilidad ng mga bagay-bagay?! Paano kung ganoon din ang mangyari ngayon? Paano kung mamatay ako ulit? Hahayaan ko ba muling mangyari iyon?

Nagtuloy-tuloy lamang ang pag-eensayo namin ni Maestro buong araw. Wala kaming tigil, walang pahinga o ako lang ang hindi man lamang tumitigil? Tuloy lamang siya sa paghampas sa akin habang ako naman ay sinusubukan depensahan ang aking sarili ngunit hindi ko talaga halos mahuli ang mabilis niyang mga pag-atake! Sa buong araw ata ay isa o dalawang beses ko lang siya napatamaan at ang iba ay halos puro siya na. Paano nagagawa ni Maestro na ikubli ang sarili sa ihip ng hangin? O baka naman, ang pandama ko lang talaga ang mahina at nakaasa lamang ako kung ano ang nakikita ng mga mata ko at hindi sa pandama ng sarili kong pangangatawan?

"Pagod ka na?! Tayo?!" Malakas na hila sa akin ni Maestro patayo matapos kong mapaluhod sa damuhan dahil malakas na naman niyang nahampas ang tuhod ko na tuluyang nagpalambot sa nanginginig kong tuhod. Pakiramdam ko puro pasa na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maipuwersa ang kahit anong bahagi ng aking katawan.

"Lumaban ka, Eliana! Tayo! Hanapin mo ako! Kumilos ka, pakinggan mo ako, damhin mo ako, amuyin mo ako! Kumilos ka, Eliana! Gumising ka!" Malakas na sigaw sa akin ni Maestro at muli na naman ako tinira ng sunod-sunod na palo. Iritable at galit akong tumayo at sinubukang depensahan ang aking sarili. Hindi katulad kanina ay wala talaga akong nadedepensahan na hampas niya pero ngayon ay nagagawa ko makahagip ang hiwa-hiwalay na tira ngunit karamihan pa rin nito ay tumatama sa katawan ko. 

"Ah!" Malakas kong sumigaw ng bigla niya akong hinampas sa tiyan dahilan para muli akong mapaluhod at mapaubo na lamang sa sakit. Habol hininga na rin ako, pawis na pawis, at sobrang sakit ng buo kong katawan. Kung wala lang akong piring sa mata baka kanina ko pa napulbos si Maestro. Pero tama siya, hindi lahat ng laban ginagamitan lamang ng mga mata. Hindi lahat ng bagay nakikita lamang gamit ang mga mata. Kailangan kong buksan ang lahat ng pandama ko. Kailangan ko pakiramdaman ang paligid ko at magagawa ko lamang iyon kung gagamitin ko ang kakayahan ko. Kung may tiwala ako sa sarili kong kakayahan. Kung may tiwala ako sa sarili kong pangangatawan!

"Buksan mo ang puso at isipan mo,Eliana. Isipin mo kung para kanino ka bumabagon!" Natigilan ako sa sinabi ni Maestro ngunit naging alerto ang pandama ko dahil dito.

Bumalik ang alaala ko simula ng mapunta ako sa mundong ito, lahat ng pang-aapi sa akin ng pamilya ko, diskriminasyon, mga masasakit na salita, mga pananakit, mga pagtatangka sa buhay ng mga taong malapit sa akin. Lahat ng iyon, kung mahina ako, kung hindi ako magiging malakas, mababalewala ang una kong pangako sa aking sarili. Kapag hindi ko naipagtanggol ang sarili ko, kapag hindi ako lumakas, paano ko pa magagawang ipaglaban ang iba?

"Damhin mo ang puso mo! Bakit kailangan mo ito gawin! Bakit kailangan mo maghirap?! Pakinggan mo ang puso mo kasabay ng pakikinig mo sa bulong ng hangin!" Malakas na sigaw sa akin ni Maestro dahilan para maikuyom ko ang mga palad ko sa kahoy na aking hawak at muling umayos ng tayo.

Tama na ang lahat ng pang-aapi at hindi kasiguraduhan sa aking tatahakin. Ako na si Eliana ngayon. Katawan na ni Eliana ito. Tadhana na ni Eliana ito. Ipaglalaban ko na muna ang sarili ko at magtitiwala sa kakayahan ko. Bubuksan ko lahat ng pandama ko, pakikiramdaman ang aking paligid gamit ng katawang ito.

"Para saan ka lumalaban, Eliana?!" Para saan ka ba lumalaban, Eliana?!

"Bakit ka lumalaban?!" Bakit nga ba ako lumalaban? Hindi ko kailangan palaging manalo, hindi ko kailangan palaging dumepensa. Ang kailangan ko mabuhay, kailangan at dapat akong lumakas!

"Bakit kailangan mong lumakas?!" Malakas muling sigaw ni Maestro at ewan ko ba pero bigla ko na lamang naramdaman ang paparating niyang tira sa aking harapan kasabay ng malakas kong pagwasiwas ng aking patpat.

"Para sa sarili ko!" Malakas ko rin na sigaw at naramdaman ko na lamang na mayroon akong natamaang kung ano at tumalsik ito kung saan. Kasabay noon ay ang pangingibabaw ng katahimikan sa aking kapaligiran. Tanging paghinga ko lamang at malakas na ihip ng hangin ang aking naririnig. Nanginginig ang kalamnan ko pero may isang bagay ang bumukas ng damdamin ko.

"May tiwala ako sa kakayahan mo, Eliana at sana gayon ka rin." Dinig kong mahinahon at kalmadong pahayag ni Maestro. Naramdaman ko na lang din na unti-unti niyang tinatanggal ang piring ng mga mata ko. Dahan-dahan akong nagmulat at ang una kong nakita ay ang patpat ni Maestro na nasa damuhan hindi kalayuan at siya naman ay nakangiti at pawis na pawis na nakatingin sa akin.

"Lalakas ka pa, maaabot mo ang mga hangarin mo at dito magsisimula iyon, Eliana - sa pagtitiwala mo sa iyong sarili." Nakangiti at maaliwalas ang mukha na pahayag sa akin ni Maestro at ewan ko ba pero hingal na hingal akong nag-iwas ng tingin at tumingala sa kalangitan.

Sinisimulan ko muna sa sarili ko, baka sakaling balang araw, itong mundong ito naman ang matutunan kong mahalin at pagkatiwalaan.

-----

MAG-AALAS OTSO na ng gabi ng matapos ang pagsasanay namin ni Maestro at kulang na lang gumapang ako pabalik ng dormitoryo dahil sa sakit ng katawan ko. Para akong hinulog mula sa puno ng paulit-ulit kaya sobrang sakit talaga ng katawan ko na sumasagad sa buto. Punyeta kung wala lang akong natutunan sa araw na ito ay baka hinampas ko na kay Maestro ang patpat na iyon. Sinagad na naman niya ang pambubugbog sa akin.

Nagpapasalamat din naman ako na kahit papaano napagtanto ko ang bagay na iyon. Hindi ko lamang dapat tanggapin ang katauhan ni Eliana kundi kailangan din akong magtiwala dito. Pero hindi ko pa rin maitatanggi na wala pa rin akong kuwenta sa mundong ito at mananatiling walang kapangyarihan. Kailan kaya lalabas ang pesteng kapangyarihan na iyon?! Ang astig siguro kung may pakpak din ako o hindi kaya ay kakayahan makapagkontrol ng katubigan. Kokontrolin ko na lang ang dagat tapos lulunurin ko sina Caitrionna para tapos na ang problema ko.

Nasa gitna ako ng pagmumuni ng hindi sinasadyang makasalubong ko ang isa sa tatlong bugok kong mga kapatid. Nakarobang itim si Daewon at nakayuko pero alam kong nakita niya ako dahil kasalukuyan kaming magkaharapan ngayon sa isa't isa at nakatayo sa aming kinatatayuan.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Galit niyang sigaw sa akin at kapansin-pansin ang pamamalat ng boses niya na kamuntik kong hindi makilala. Anong nangyayari sa kanya?

Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatingin lamang ng malamig sa kanya. Sinusubukan kong aninagin ang pagmumukha niya upang may kumpirmahin ngunit mukhang sinasadya niyang iiwas ito.

"Tsk." Dinig ko pang pahayag niya at nagtuloy lamang siya sa paglalakad. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at bago pa man siya makalagpas sa akin ay saka ako nagsalita.

"Kung gumagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong hindi ka mahuhuli." Matigas at makahulugan kong pahayag ngunit sapat na iyon para matigilan siya sa paglalakad at marahas na humarap sa akin.

"May nalalaman ka ba?!" Galit niya agad na sigaw sa akin at balak niya pang hablutin ang braso ko pero mabilis din akong napaiwas. Walang sabi-sabing hinatak ko pababa ang tabing sa ulo niya at hindi ko naman inaasahan ang makikitang hitsura ni Daewon.

"Hayop ka!" Malakas niyang sigaw sa akin saka mabilis na ibinalik ang tabing sa ulo habang ako naman ay napaatras na lamang sa gulat.

Sinasabi ko na nga ba at may ginagawang katarantaduhan itong batang 'to. Ang hitsura niya, halos malayong-layo na sa makisig at guwapong mukha na nakita ko sa kanya noon. Sobrang namayat ang mukha niya at maputla na ang kulay ni Daewon. Tuyot na tuyot na rin ang labi niya at ang mga mata niya at nanlilisik at namumula.

"Panget mo ah." Mapanglait kong pahayag sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya na nanlilisik din nakatingin sa akin.

"Puwede ba, Eliana, kung may balak ka rin mangialam sa buhay ko---"

"Wala akong pakialam sa'yo." Matigas at mabilis kong pahayag dahilan para saglit siyang natigilan ngunit nananatili ang pagdidilim ng mga mata niya. Oh? Bakit parang nagulat pa siya na wala akong pakialam sa kanya.

"Talaga? Hindi ba ikaw iyong espiyang nagpunta sa bell and belle noong nakaraan?!" Pang-uusisa niya pa sa akin habang sinusubukang hulihin ang mga mata ko pero hindi ako natinag at mas lalo ko lang naikuyom ang mga palad ko. Ibig sabihin, siya nga ang lalaking narinig ko doon. Siyang siya nga, walang duda. Tsk. Tsk.

"Hindi. Nagpupunta ka ba doon?" Pagmamaang-maangan ko na lang at kita ko naman na nagalit ulit siya sa pagsisinungaling ko. Hindi niya ba alam na nahuhuli ko siya sa mga sinasabi niya? Imbes na ako ang mahuli ay huling-huli ko na siya.

"Sinungaling!!" Sigaw niya pa pero napairap lang ako sa kawalan.

"Alam mo..." Malamig at kaswal kong panimula sa kanya. Pumameywang pa ako habang siya naman ay nanatiling masama ang pagkakatingin sa akin.

"Wala naman akong pakialam sa'yo kahit maghingalo ka pa sa harap ko. Ang akin lang kung sisirain mo buhay mo, galing-galingan mo naman sa pagtatago." Gigil at may diin ang bawat salitang binitawan ko ngunit mukhang wala naman iyon epekto sa kanya at nanatili lamang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pasiring kong inalis ang mga mata ko saka tumalikod.

"Yun lang, pakalango ka." Kaswal at malamig ko pang paalam saka ako naglakad paalis. Ginawa ko na ang ambag ko. Buhay niya naman iyan kaya bahala siya.

-----

KINABUKASAN ay iika-ika akong naglakad palabas ng aking dormitoryo upang magtungo sa kuwadra ng mga Centaur. Labag na labag man sa loob ko ang pagpunta sa bayan ay wala naman akong magagawa dahil binilin din ni Maestro sa akin kahapon na kung susuway pa ako ay siya na mismo ang kakaladkad sa akin papuntang bayan. Pahihiramin naman niya raw ako ng Centaur kaya magpunta na lamang daw ako sa kuwadra at mamili ng babaeng Centaur doon. Ito na ako ngayon at iika-ikang naglalakad papunta doon dahil sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko nga ay lalagnatin ako kagabi dahil sa sakit ng katawan ko pero mahaba naman ang tulog ko at nagpamasahe ako kina Stella at Leandra para may silbi naman sila.

Abala ako sa paglalakad habang nakatitig sa kawalan ng may makasalubong akong pamilyar na pigura at napasimangot naman ako ng makilala kung sino ito. Sinubukan ko na lang na hindi siya pagtuunan ng pansin pero sinadya niya pa talagang huminto sa harapan ko dahilan para mapahinto naman ako sa paglalakad at nanlilisik ang mga mata na nag-angat ng tingin sa kanya.

"Pupunta ka na ba sa bayan?" Malamig panimulang tanong sa akin ni Caedmon habang ang mga mata ay parang yelo na sinisipat ang mukha ko. Mabuti na lamang at hindi ako pinatatamaan ni Maestro sa mukha kaya hindi halata ang mga galos at pasa kapag nakasuot ako ng mahaba at makapal na uniporme.

"Pakialam mo?" Mataray kong sagot sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Inirapan naman niya ako bago sumagot.

"Tara na." Malamig niya lamang na pahayag saka ako tinalikuran na ikinagulat ko. Anong tara na?! Pinagsasabi niya?

"Anong tara na?! Kasama ka ba?" Iritable kong sagot dahil ang aga-aga ay sinisira na niya ang araw ko. Huwag niyang sabihin na kasama ko siya sa bayan?!

"Tss. Kung hindi lang ako inutusan ni Maestro ay hindi kita ihahatid." Malamig at tamad niya pa rin na sagot sa akin at hindi na niya ako pinagsalita pa dahil naglakad na siya paalis.

"E di huwag!" Inis ko rin na pahayag pero hindi na niya ako nilingon pa at nagtuloy lamang sa paglalakad. Inis naman ako na napapadyak at nangngingitngit na sumunod sa kanya. Peste naman dapat pala sinabay ko na lang sina Leandra at Stella sa akin kaysa pinasunod ko na lang doon maya-maya! Nakasabay ko pa tuloy itong pesteng bato na ito! At puwede naman siya tumanggi kung ayaw niya! Susumbatan niya pa ako.

Tahimik at nakasimangot lamang akong sumunod sa kanya habang sinusubukang ang aking makakaya na huwag ipahalatang iika-ika ako. Nagtuloy-tuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tarangkahan ng unang baba na abala pa rin sa pagnguya ng kung ano.

"Magandang Umaga, Prinsipe Caedmon! Magandang umaga rin Prinsesa Eliana!" Magiliw niyang bati matapos namin makadaan sa malaking bunganga niya. Hindi ko naman siya pinansin at nanatiling nakasimangot habang si Caedmon ay tinanguan lamang siya.

Huminto kami sa paglalakad ng medyo makalayo kami kay Bubba. Balak ko na sanang magreklamo pero bigla niyang tinaas ang kamay niya at biglang nagliwanag ng kulay asul ang palad niya. Muntikan pa akong mapaatras sa gulat pero nanatili lamang akong nakamasid sa ginagawa ng batong kapatid ko. Mula sa palad niya ay nagpakawala siya ng isang bula na lalo pang lumalaki hanggang sa maging dambuhalang bula na ito na kasya ang dalawa hanggang tatlong tao.

"Sakay." Tipid niyang pahayag dahilan para matauhan naman ako at nanlalaki ang mga matang nilingon siya.

"Ha---aray naman!" Reklamo ko agad sa kanya dahil magtatanong pa lang sana ako pero mabilis niya akong tinulak sa loob ng bula. Nakakagulat na tumagos lang ako dito at para lamang akong nakapasok sa isang malaking bola. Sumunod din naman siya sa akin at prente lamang na tumayo sa tabi ko.

"Isara mo 'yang bibig mo." Mapang-asar niya pang pahayag dahil nakanganga pa rin pala ako at manghang-mangha na nakatingin sa loob ng bilog. Ang astig! Naaastigan ako pero dahil epal si Caedmon, sumimangot na ako agad at inirapan siya.

Ilang sandali lamang ay mabilis na rin kaming umangat sa lupa at muntik pa akong matumba sa biglaang paggalaw nito dahilan para mapahawak ako sa braso ng kapatid ko. Mabilis naman akong bumitaw sa kanya at inirapan siya. Baka isipin niya may binabalak pa ako sa kanya letse.

Tahimik lamang akong nagmumukhang ignorante sa tabi ni Caedmon dahil ngayon lamang talaga ako nakasakay sa ganito. Mas kumportable pa itong sakyan kung tutuusin kaysa magpakarga kay Zephyr. Kung may ganitong kapangyarihan din ako ay nagtatatalon na rin ako sa tuwa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagnganga ng may biglang pumasok na alaala sa utak ko.

----- ●

- ELIANA -

"Kuya! Kuya Caedmon!" Magiliw na tumatakbo ang batang babae tungo sa isang batang lalaki na nasa edad onse pa lamang. Kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na si Neola na abala sa pagpapalabas ng tubig sa kanyang mga palad na wari'y pinaglalaruan ito.

Sabay naman siyang nilingon ng magkapatid ngunit si Neola ay inirapan lamang ang pitong taong gulang na si Eliana.

"Anong ginagawa mo dito, salot?!" Mataray na tanong sa kanya ni Neola dahilan para saglit na matigilan si Eliana ngunit agad din naman ngumiti ng matamis sa kanyang mga kapatid.

"Aayain ko sana si Kuya Caedmon magbasa ng libro sa---" Hindi niya agad natuloy ang sasabihin dahil mabilis din sumagot ang binatilyo sa kanya.

"Abala ako." Malamig na tugon ni Caedmon at hindi na muling sinulyapan pa ang kapatid. Naging abala na lang ito sa pagmasid sa magandang tanawin.

"Ano ba?! Huwag ka ngang lumapit-lapit sa Kuya ko!"

"Pero, kapatid ko rin naman si Kuya---"

"Manahimik ka! Hindi ka namin kapatid! Wala kaming kapatid na mahina! Walang kapangyarihan! Salot!" Malditang sigaw sa kanya ni Neola saka ito nagpakawala ng tubig sa kamay at binasa ng todo si Eliana.

Napakagat labi na lang ang batang babae at pinipigilan ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata. Sanay naman na siya sa mga pang-aaping ginagawa ng mga kapatid niya pero biglang batang walang muwang at nais lamang makaranas ng pagmamahal mula sa isang kapatid ay nasasaktan pa rin siya.

"Pasensya na Ate Neola. Pasensya na rin Kuya Caedmon, aalis na lang po ako." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Eliana at sinulyapan pa niya ang binatilyo ngunit hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin o maski pag-aalala.

Bagsak ang balikat na bumalik si Eliana sa hardin kung saan madalas siyang umiiyak. Ayaw niyang nakikita siya ng kanyang Mama na umiiyak dahil mag-aalala ito sa kanya kaya mas pinili na lamang niya ang kimkimin ang lahat ng nararamdaman. Ilang sandali lamang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa makarinig siya ng pagputok mula sa isang bola.

Nag-angat naman siya ng tingin at laking gulat niya ng makita ang daan-daang mga bula sa buong hardin na mistulang mga paru-paro itong nakapalibot sa kanya at maliksing lumilipad. Agad naman napawi ang lungkot ng batang babae dahil sa nakita at nakangiti nang hinuhuli ang mga bula sa paligid. Ilang sandali lamang ay mayroon siyang namataan na napakalaking bula na halos kasya na siya dito. Nakangiti niya naman itong nilapitan at pinindot upang putukin ngunit laking gulat niya ng hindi ito pumutok kaya naisipan niyang pumasok dito. Ganoon na lamang ang mangha niya ng bigla itong umangat sa ere na wari'y isang sasakyan na sakay-sakay siya.

Wala siyang kaalam-alam na mayroong nagkukubli sa taas ng puno na isang binatilyo na mayroong gintong buhok na siyang kumokontrol ng mga bula sa paligid.

● ----- ●

ELIANA'S POV

NABALIK naman ako sa reyalidad ng maramdamang nakababa na pala kami sa lupa at tuluyan ng pumutok ang dambuhalang bula. Hindi ko man lang nakita iyong mga dinaanan namin dahil lutang ang isipan ko. Alaala ba ni Eliana iyon? Ngayon lamang may pumasok sa aking alaala ni Eliana kaya nakakapanibago sa pakiramdam. Pero sa alaala ko, ang may pakana ng mga bula ay walang iba kundi si...

"Bilisan mo maglakad. May klase pa ako." Masungit na pahayag sa akin ni Caedmon at hindi man lang siya nag-abalang hintayin ako. Ang bastos talaga! Siya ba talaga ang may pakana ng mga bulang iyon? Tss. Parang impossible naman.

Napairap na lang tuloy ako sa kawalan saka nakasimangot na sumunod sa bato kong kapatid. Tahimik lamang kaming naglakad tungo sa lugar kung saan kami inatasan ni Sereia na maglinis at iyon ay ang plaza sa bayan kung saan madalas na naglalaglagan ang mga dahon at kaliwa't kanan ang mga kalat dahil sa dami ng tao na nadadaaan dito.

Ilang sandaling paglalakad lamang ay namataan ko na rin si Sereia hindi kalayuan sa puwesto namin na may katabing Centaur. Pinaningkitan ko naman ng mga mata ang pamilyar na Centaur at hindi na ako nagulat ng makilalang si Esperanza ito. Sabay pa silang napatingin sa gawi namin ngunit si Sereia ay blangko lamang akong sinulyapan habang si Esperanza ay panay lamang ang kawa sa akin.

"Aalis na ko." Tipid na paalam ng bato kong kapatid ngunit bago pa ako makapagtaray sa kanya ay bigla niyang hinawakan ang ulo ko na wari'y sinasabi na mag-ingat ako. Ewan ko pero bahagya akong nakaramdam ng init sa puso ko at natameme na lang. Bakit ba niya ako tinatratong bata? Kaimbyerna.

Iwinaksi ko na lang si Caedmon sa isipan ko at naglakad na ako tungo sa kinatatayuan nina Esperanza at Sereia.

"Bakit ngayon ka lang?" Mataray na tanong sa akin ni Sereia na sinalubong ko naman agad ng irap.

"Dahil gusto kong may naghihintay sa pagdating ko." Pagtataray ko rin sa kanya pero hindi na niya ako sinagot at sinimangutan na lang ng ekspresyon. Hindi ko na rin siya pinansin at pinagtuunan ng atensyon si Esperanza na parang may tinatanaw sa likuran ko.

"Ang guwapo naman ng kasama mo, Prinsesa Eliana! Nobyo mo ba iyon?" Magiliw at kinikilig na pahayag ni Esperanza habang nakatanaw pa rin siya sa direksyon na dinaanan ni Caedmon. Gulat din ako sa naging tanong niya sa akin.

"Ha?!" Malakas kong bulalas ng may nakangiwi at nandidiring ekspresyon. Kadiri naman.

"Paano niya magiging nobyo iyon e kamukha niya nga." Sabat naman ni Sereia sa tabi namin habang nakasimangot pa rin ang kanyang mukha. Anong inaarte nito ang aga-aga pa.

"Ibig sabihin kapatid mo ang lalaking iyon?!" Gulat naman na bulalas sa akin ni Esperanza at parang gusto kong takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng bunganga niya.

"Sa kasamaang palad..." Nakasimangot at pairap ko na lang na sagot sa kanya. Sino bang may gusto magkaroon ng kapatid na katulad ni Caedmon? Daig pa nga niya ang bato sa kawalan ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ay bakit naman parang ayaw mo pa?! Ang guwapo-guwapo kaya niya! Naku kaya naman pala ganyan ka kaganda dahil nasa dugo niyo na talaga ang pagkakaroon ng pinagpalang mukha." Kinikilig pa rin na komento ni Esperanza sa akin.

"Alam ko." Mayabang na sagot ko sabay maarteng hawi pa ng kapatid ko.

"Tss. Hindi pa ba tayo magsisimula?" Pagtataray muli ni Sereia sa tabi na sinagot ko lamang ng irap habang si Esperanza ay natawa na lamang.

"Ay! Nagsungit na ang Prinsesa Sereia! Naku, makaalis na nga at mukhang kailangan niyo na magsimula. Babalikan na lang kita mamaya, Prinsesa Sereia." Natatawang pahayag pa niya habang patalon-talon ang kanyang mala-kabayong mga paa.

"Mauna na ako, Prinsesa Eliana! Ikinagagalak kitang makita muli!" Kinindatan niya pa ako bago swabeng nagtatakbo palayo. Nagkibit balikat na lang ako saka binalingan ng tingin si Sereia na nakasambakol lang ang mukha.

"Problema mo?" Mataray na pahayag ko sa kanya sabay upo sa batong upuan sa tabi. Pairap naman niya akong tiningnan.

"Sinayang mo na naman ang oras ko kahihintay." Malamig at may halong inis niyang pahayag sa akin pero nagkibit balikat lang ako.

"Ah... akala ko nagselos." Makahulugang bulong ko pa habang nang-aasar na nakatingin sa kanya. Pinanlakikan niya naman ako ng mga mata dahil sa sinabi ko.

"Ano?!" Pasigaw niyang tanong pero inirapan ko lamang siya at binaling na sa iba ang aking atensyon.

"Tss. Hindi ko inuulit sinasabi ko." Pahabol na sagot ko pa at kita kong inirapan niya lang ako. Arte talaga.

-----

TAMAD na nakaupo at nakadekuwaro lamang ako sa batong upuan habang pinagmamasdan sina Stella at Leandra na abala sa pagwawalis at pagdakot ng mga kalat dito sa plaza. Asa naman sila na magwawalis ako. Kaya nga pinasunod ko lang sina Stella at Leandra dito para naman hindi mahalata nina Maestro at Maestra Zora na may katuwang ako sa pagliinis o mas madaling sabihin, mayroong naglilinis para sa akin.

"Hindi ka man lang ba hahawak ng walis?" Inis na tanong sa akin ni Sereia matapos padabog na ibinaba ang hawak niyang walis. Hihikab-hikab naman ako na tumingin sa kanya at tamad na sumagot.

"Hindi." Bagot kong sagot dahilan para mas lalo niya akong paningkitan ng mga mata.

"Ang tamad mo." Kaswal ngunit may halong inis na pahayag sa akin ni Sereia pero inirapan ko lang siya.

"Alam ko." Tamad kong pahayag sa ako sumandal sa upuan ko at pinagkrus ang aking mga braso. Inaanatok na ako. Hindi pa ba sila tapos?

"Kung tutuusin dapat nga ikaw ang nagwawalis dito."  Paepal pa na sermon sa akin ni Sereia pero bagot ko lamang siyang tiningnan.

"Susumbatan mo ako?" Mataray na tanong ko sa kanya dahil parang may nahihimigan akong panunumbat doon e. Kung tutuusin siya ang nagboluntaryong tumulong sa akin gayong hindi ko naman siya pinilit kaya huwag niya akong susumbatan dahil makakatikim talaga siya sa akin.

"Hindi. May panunumbat ba doon?" Mataray na pahayag niya rin sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Tss. Umalis ka na nga sa harapan ko." Iritable kong pahayag dahil naiinis na naman ako sa pagiging pakialamera niya.  Umiling-iling naman siya sa akin na para bang nadidismaya siya sa ugali ko pero umismid lang ako. Pakialam ko ba.

"Humawak ka man lang ng walis, Eliana." Muli na naman niyang saway sa akin dahilan para magsalubong na ang kilay ko. Inis kong pinulot ang walis na nasa paahan ko at ipinakita sa kanya.

"Oh!" Pairap ko pang pahayag habawang winawagayway ang walis sa harapan niya. Punyeta daming arte inaantok na nga ako.

"Tsk. Ewan ko sa'yo!" Inis na rin niyang pahayag at balak na sanang bumalik sa pagwawalis pero natigilan siya ng lumapit ang mga katulong ko.

"Prinsesa Eliana, saan po namin itatapon itong mga kalat?" Tanong sa akin ni Stella kaya pairap ko naman siyang tiningnan.

"Sa ulo mo. Tsk ewan ko, mukha ba akong basurahan?" Pagtataray ko pa dahilan para mapanguso naman siya sa akin. Nilingon naman siya agad ni Sereia.

"Doon na lang Stella." Tulo pa nito kay Stella habang brusko na nakaturo sa basurahan sa tabi.

"Salamat po, Prinsesa Sereia!" Ngiting aso na pahayag naman ni Stella at tatalon-talon pa na naglakad paalis. Parang tanga talaga.

"Kawawa naman ang mga katulong mo at sila pa ang pinaglilinis mo." Pangongonsensya pa sa akin ni Sereia pero bagot ko lang siyang tiningnan. Mga ilang beses kaya niya ako sisitahin bago siya tumigil?

"Tss para saan pa at binabayaran sila ng erpats ko." Hindi ko naman sasayangin ang binabayad sa kanila ng pesteng hari. Mahalaga ang pera at dapat nagagamit ito ng mabuti.

"Hindi sa lahat ng oras iaasa mo sa mga katulong mo ang tungkulin at trabaho mo. Darating din ang araw na wala na rin sila sa tabi mo at ikaw na lang ang mga gagawa ng mga gawain. Makahulugan at parang ina na pahayag ni Sereia at ewan ko ba pero nagpantig ang tenga ko doon at agad din akong napasimangot.

"Hindi pa iyon ngayon kaya hayaan mo sila." Tamad na tamad na sagot ko na lang saka pumikit. Ang init talaga. Ang sarap matulog sa dormitoryo buwisit.

"Bahala ka nga." Pagsuko na rin niya sa wakas kaya nagkibit balikat na lang ako at nakakrus ang mga braso na umayos ulit ng upo.

"Eliana?" Hindi pa man nakakaalis si Sereia ay may biglang nagsalita malapit sa amin dahilan para sabay pa kaming mapatingin dito.

Hindi naman na ako nagulat ng makita si Ellionoir pero ang mas nakakagulat ay kasama niya si Aspen at si Zephyr. Nagtama ang mga mata namin pero agad din akong nag-iwas dahil bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap kaya nakaramdam ako ng ilang at konting inis. Hindi naman ako galit sa kanya, nawalan lang talaga ako ng gana harapin siya dahil pakiramdam ko may tinatago siya sa akin.

"Maganda umaga Eliana at Sereia! Ngayong araw pala kayo maglilinis." Nakangiting bati sa amin ni Aspen na may dalang basket na puno na naman ng prutas. Mukhang para kay Aera ang mga iyan. Siguro naman nakapag-usap na sila ng maayos kahapon.

"Maglilinis? Bakit? Anong nangyayari?" Inosente at tangang tanong naman ni Ellionoir at ewan ko ba pero napangiwi ako dahil sa hitsura niya. Wala ba talaga siyang alam? Mga kapatid na niya ang nagpatayan pero hindi niya man lang alam? Anong kabobohan ba ang taglay ng babaeng ito?

"Hindi mo ba alam ang nangyari, Prinsesa Ellionoir?" Nagtataka at gulat din na tanong sa kanya ni Aspen. Sinagot naman siya nito ng iling habang ang mga mata ay puno ng kuryosidad.

"At huwag mo ng alamin pa. Bakit ba kayo nandito?" Singit ko na sa kanila dahil baka umiral na naman ang pagkatsismoso ni Aspen at abutin pa sila ng maghapon kakauwento. Hindi rin naman obligado si Ellionoir malaman iyon kaya mas mabuti ng wala siyang alam.

Bigla naman nabalik ang aliwalas sa mukha ni Ellionoir at magiliw na pinakita ang mga dala niya.

"Namili kami ng libro nina Zephyr at Aspen. Nagboluntaryo silang samahan ako." Nakangiti at magiliw na pahayag ni Ellionoir dahilan para muli akong mapasulyap kay Zephyr at nagtama na naman ang mga mata namin. Kita ko sa mga mata niya na parang marami siyang gustong sabihin pero malamig na tingin lang ang ginawad ko sa kanya.

"Ah..." Walang gana kong sagot sa kanya at talagang pinagmukha ko pang hindi interesado ang tono ng boses ko. "Hindi pa ba kayo aalis?" Mataray na tanong ko sa kanila na may himig ng pangtataboy ang aking boses. Kita ko naman na natigilan si Ellionoir pero mukhang napagtanto niyang maldita pala ang kapatid niya kaya nginitian niya lang ako pabalik.

"May mga bibilhin pa sana kami. Gusto mo bang sabay na tayo umu----"

"Hindi." Agaran kong sagot sa kanya saka ako tumayo at nag-inat. Nakakawalang gana sila kausap. At isa pa, bakit nga ba ako naiinis na kasama ni Zephyr si Ellionoir e magkaibigan naman talaga sila. Peste.

"Prinsesa Eliana..." Malumanay na pagtawag sa akin ni Zephyr dahilan para mapalingon din sa kanya ang lahat. Bigla naman siyang nailang dahil doon ngunit nanatili lamang bagot ang tingin ko sa kanya para hindi halata ang inis at kaunting kilig na nararamdaman ko.

"Puwede ba kita sunduin mamaya kapag tapos ka na dito?" Kalmado ngunit nahihiya niyang tanong habang kakamot-kamot pa siya sa batok niya. Bigla naman siyang tiningnan ni Aspen na parang nang-aasar pero siniko lamang siya ni Zephyr. Dapat ba akong pumayag? Pero hindi maayos ang naging pag-uusap namin kahapon at baka ungkatin na naman niya ang tanong ko. Pero pakialam ko ba? Bahala na nga.

"Bahala ka." Tamad at malamig kong sagot sa kanya pero sapat na iyon para sumilay ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Para rin siyang nakahinga ng maluwag marahil ay akala niya galit ako sa kanya matapos ng naging usapan namin.

Sandali pa sila nakipagkuwentuhan kay Sereia habang ako naman ay bumalik na lang sa pagkakaupo ko. Kumaway pa sa akin si Zephyr pero inirapan ko lang siya pabalik. Saktong pagkaalis naman nila ay lumapit sina Stella at Leandra ng may nagtatakang mga mata.

"Hindi po ba si Prinsipe Zephyr iyon?" Inosenteng tanong ni Stella habang nakatanaw sa tatlong kaaalis lamang. Sinimangutan ko naman siya at nanatiling tahimik.

"Oo nga! Kasama niya si Prinsesa Ellionoir." Sagot naman ni Leandra na nakatanaw rin sa parehas na direksyon.

"Naku! May namamagitan kaya sa kanila?" Maisyung pahayag pa ni Stella dahilan para magsalubong ang mga kilay ko. Mukhang umiiral na naman ang katangahan ng babaeng ito.

"Ano ka ba naman, Stella! Magkasama lang naman sila. At isa pa, hindi ba hinatid ka rin niya noong nakaraan mahal na prinsesa?" Pagtatanong naman sa akin ni Leandra dahilan para inis ko naman siyang binalingan ng tingin.

"Oh ano naman sa inyo?" Bakit ako nasali sa usapan? Ano naman kinalaman ko doon?

"Kayo na po ba?" Inosente at sabay na tanong ng dalawa dahilan para manlaki ang mga mata ko. Anong pinagsasabi nila?! Ni wala ngang gusto sa akin yung tao?!

"Pinagsasabi mo?!" Gulat at may bahid ng inis kong tanong sa kanila. Napaiwas din ako ng tingin dahil pakiramdam ko nag-akyatan sa pisngi ko ang dugo ko. Bigla naman napakurap-kurap si Stella na wari'y gumagana na naman ang tanga-tanga niyang utak.

"Baka sila talaga ni Prinsesa Ellionoir tapos kinakaibigan niya lang si ----"

"Alam mo Stella, parang ang sarap pumutol ng dila ngayon at ibenta sa merkado. Gusto mo ba yung iyo?" Gigil kong banta sa kanya habang nalilisik ang mga mata ko. Ewan ko ba pero nagpantig talaga ang tenga ko sa sinabi niya at umiiral na naman ang katangahan kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi niya. Natakot naman si Stella sa banta ko at nanginginig na yumuko.

"Hindi po. Pasensya na po." Nauutal niyang paghingi ng tawad pero inirapan ko lang siya saka tumayo. Umiinit ang ulo ko sa kanya. Kailangan ko magpalamig dahil nangangati na naman ako hawakan ang patalim ko at iitsa sa tangang babae.

"Kung wala kang masabing maganda, manahimik ka naiintindihan mo?" Gigil at malamig ko pang tanong sa kanya dahilan para sunod sunod naman siyang tumango.

"Pasensya na po." Muli niyang paghingi ng tawad pero hindi ko na siya pinansin at nilagpasan na lang silang dalawa.

"Punyeta, sinisira mo na naman ang araw ko. Alis nga dyan."  Mataray kong pahayag saka ako dumiretso sa kung saan.

Kailangan ko magpalamig ng ulo. Ewan ko ba pero noong nakita ko si Zephyr at Ellionoir na magkasama na naman ay bahagya akong nakaramdam ng pagkirot sa aking dibdib. Nagseselos ba ako? Possible pero mali. Gusto ko lang naman si Zephyr kaya wala akong karapatan magselos. Alam ko ang limitasyon ko at iyon ay ang hayaan siyang sumama at maging malapit sa ibang babae maging ang hayaan siyang magkagusto sa iba. Pero mukhang wala naman silang relasyon ni Ellionoir at nagkataon lang na parehas silang magbasa kaya magkasundo sila. Ako rin naman ah? Tss. Bahala na nga.

Abala ako sa pakikipagtalo sa isipan ko ng may mamataan akong babaeng maarteng nag-lalakad ng mabilis at panay ang tingin sa salamin. Iiwasan ko na sana siya pero huli na ako nakakilos dahil nagkabanggaan na kami dahilan para matapunan ng kung anong inumin ang damit ko. Hindi pa ako nakakapag-angat ng tingin ay agad kong narinig ang matinis at maarteng  boses ng isang babae.

"Ano ba iyan! Sinayang mo ang inumin ko?! Tatanga ka kasi!" Inis niyang pahayag sa akin habang maarteng pinupunasan ang kamay niya habang ako naman ay nananatiling tahimik at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya.

Bumungad sa akin ang isang babaeng morena, mahaba at kulot ang kulay tsokolateng buhok, maganda ang hubog ng katawan at nakausot ng maikling palda at blusa na bahagyang kita ang pagitan ng kanyang dibdib.

"Klaire, anong nangyari?" Ilang sandali lamang ay lumapit sa amin ang isang lalaki na buhok pa lang at ang hikaw nito sa tenga ay kilalang-kilala ko na. Dinaluhan niya agad ang babae na nakasimangot at maarte pa rin na nagpupunas ng kanyang kamay na hindi naman halos nabasa. Punyeta yung blusa ko nga na puti kulay tsokolate na e!

"Mahal, ito kasing babaeng ito hindi tumitingin sa dinadaanan! Natapunan tuloy ako!" Maarteng pahayag niya pa sa lalaki na hindi man lang kakikitaan ng pag-aalala ang mukha. Lumingon naman ito sa akin at agad nanlaki ang mga mata ng makilala kung sino ako.

"Eliana?!" Gulat na tanong sa akin ni Aidan sabay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nanatili lamang akong nakatayo at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa babae. Nobya niya ba ito? Panget naman. Panget na mga mukha, panget pa ang ugali.

"Kilala mo siya, Mahal?" Maarteng tanong ng babae kay Aidan pero bago pa siya magsalita ay mabilis na rin akong sumagot.

"Hindi ka ba hihingi ng tawad?" Mataray at may himig ng pagkainip na tanong ko sa kanya. Maarte naman niya ako pinanlakihan ng mga mata na para bang gulat pa siya sa sinabi ko.

"Bakit naman ako hihingi ng tawad?" Mataray niya muling tanong sa akin pero tinaasan ko lang siya.

"Dahil tanga ka." Hindi niya ba alam na siya ang nakabangga dahil sa kaartehan niya? Bobo niya naman.

"Anong sabi mo?!" Galit niyang sagot na ikinaismid ko lamang.

"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko." Naiinip at may bahid din ng inis na pahayag ko. Punyeta ang lagkit. Naiirita na talaga ako.

"Ang kapal naman ng mukha mo sabihin iyan---"

"Mas makapal ka. Ikaw na nga nakabangga, ikaw pa matapang. Hindi na kita sisingilin para sa damit ko kaya humingi ka ng tawad." Matigas kong sambit sa kanya. Partida hindi pa ako galit dahil kaya ko pang magtimpi pero konting piga pa ay makakatikim talaga siya.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa'yo. Pasalamat ka nga natapunan ka ng mamahaling kape!" Mayabang niyang pahayag at pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya at napatiim bagang. Talagang iniinis niya ako.

"Klaire, humingi ka na ng tawad sa kanya." Pagsingit na sa amin ni Aidan at mukhang maging siya ay naiinip at naiinis na rin sa ugali ng babaeng ito.

"Kinakampihan mo ba siya, Mahal?! Siya ang nakatapon ng kape---"

"Hihingi ka ba ng tawad o hindi?" Inis ko ng tanong sa kanya dahil napipikon na talaga ako. Pairap niya naman akong tiningnan at taas kilay na sumagot.

"Hindi! Bakit ako hihingi ng tawad sa--- Ah!" Hindi na niya natuloy pa ang pagmamaldita niya dahil mabilis kong tinabig ang hawak niyang baso na naglalaman pa ng kulay tsokolateng inumin. Tumapon naman ito sa mukha niya at mas malala pa ang naging tapon sa damit niya. Gulat naman na napatingin sa amin si Aidan ngunit nanatili lamang blangko ang mukha ko.

"Huwag ka ng humingi ng tawad." Matigas kong sambit at akmang tatalikuran ko na sana siya ng bigla siyang tumili ng malakas habang diring-diri na pinupunasan ang sarili.

"Lapastangan ka!" Galit na galit niyang sigaw at balak niya pa sana akong kalmutin ng makailag ako dahilan para mahawakan ko ang pulupulsuhan niya at malakas na hinigit palapit sa akin.

"Kakalmutin mo ako? Maligo ka muna dahil ang asim mo." Mapang-asar kong pahayag sa kanya saka siya marahas na tinulak palayo. Kita ko naman na mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay Aidan na parang humihingi ng tulong. Tss. Sapakin ko pa iyang lalaking yan.

"Mahal..." Maarte at mangiyak-ngiyak niyang pahayag pero tiningnan lang siya ni Aidan na parang natatawa sa hitsura niya.

"Klaire umalis ka na sa harapan ko at...maligo ka na." Mapang-asar na pangtataboy sa kanya ni Aidan dahilan para gulat naman siyang tingnan ng babae at mas lalong naluha.

"Pero---"

"Umalis ka na, Klaire. Sinabi ko naman sa'yo humingi ka na ng tawad." Natatawa at malokong pahayag ni Aidan sa kanya. Kita ko naman na napakagat sa labi ang babae at galit na lumingon sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya binalik niya rin kay Aidan ang tingin niya.

"Ang sama mo!" Tili niya pa dito saka marahas na tumalikod at umiiyak na tumakbo palayo. Ang arte kasi at halata naman na hindi siya sineseryoso nitong si Aidan. Asa pa siyang ipagtatanggol nito.

"Ayos ka lang?" Baling sa akin ni Aidan pero hindi ko siya pinansin at inirapan lang.

"Syota mo?" Taas kilay ko na lang na tanong sa kanya pero ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"Babae ko." Mayabang at natatawa niyang pahayag na parang pinagmamalaki niya pang babaero siya. Kadiri ano ba iyan.

"Tss. Alis nga." Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy na lang ako sa paglalakad pero agad din akong napatigil ng bigla siyang humarang sa harapan ko.

"Problema mo?" Mataray kong tanong sa kanya. Kung bubwisitin niya ako ay huwag na siya magtangka dahil mainit na ulo ko at baka magkulang pa ang ngipin niya.

"Aalis ka na?" Nakangisi at wari'y may binabalak siyang hindi maganda sa tono ng boses niya.

"Bakit naman hindi? Ano pang gagawin ko dito?" Pagtataray ko pa sa kanya pero muli lamang siyang tumawa na ikinainis ko lalo. Bago pa man ako makareklamo ay bigla siyang yumuko palapit sa mukha ko habang may maloko pa rin na ngisi.

"Samahan mo ako." Kaswal at magiliw niyang pahayag sa akin.

"Bakit kita sasamahan? Sabog ka ba?" Anong pinagsasabi niya? Bakit ko naman siya sasamahan?! 

"Dahil pinaalis mo si Klaire. Palitan mo ngayon ang gampanin niya na kasama ko ngayong araw." Nakangisi pa rin niyang pahayag pero inismiran ko lang siya. Asa naman siya na magpapanggap akong syota niya ngayong araw.

"At bakit naman ako papayag dyan? Tanga ka?" Pagtataray ko muli pero tumawa lang siya sa akin at umayos ng tayo habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Basta. Tara na." Nakangisi niyang pahayag at bago pa man ako makasagot ay bigla na niya akong inakbayan. Punyeta ano ba naman klaseng araw ito?!

● ----- ●

Continue Reading

You'll Also Like

560K 14.4K 47
Highest rank: #14 in Fantasy [COMPLETED] [UNDER EDITING] #41 in Fantasy 11/29/18 Ziara Nicole Andrea Alcantara her name, a girl who lives in the mort...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
90.7K 2.4K 51
A complete story Marrying a man that you didn't love? Would you accept him? Me? No, that's why I leave my own kingdom and live with a normal life. Wi...
101K 5.3K 8
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fa...