His Cold Touch (Japan Series...

By whiskelle

151K 7.5K 4.9K

First Installment - Osaka I just want to feel the warmth again. Your warmth. More

His Cold Touch
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 40

3.7K 145 127
By whiskelle

Chapter 40

"Go ahead."

I smiled sweetly at Flint when he allowed me to take his seat.

"Thanks!"

Ngayon ay ang flight namin pabalik sa Osaka. I feel nervous and excited at the same time. Pagkauwi na pagkauwi namin ay magsasama-sama ang pamilya ko at ang pamilya niya para sa pamamanhikan. 

Nang umangat ang eroplano ay natatawa kong inalala kung paano nagpagdesisyunan na sa araw na ito ang pagkikita ng aming mga magulang.

Flint and I were still sleeping when my phone rang scandalously. Kinabukasan iyon noong sinuotan niya ako ng singsing. I reached for my loud cellphone on the nightstand. My eyes narrowed when I saw the video call request from my mommy.

"Oh my goodness, Flint! Flint!" 

My scream woke Flint up. Nanliliit ang mga mata nitong nakasulyap sa phone ko. Agad itong tumayo at nagkumahog papalapit sa sofa sa malapit. Inihagis niya ang isang dress sa akin. Agad kong isinuot iyon at sinagot ang tawag.

Mukha niyang ayos na ayos ang nakita ko. Masigla itong nakangiti sa akin.

"Mommy..." I called using my sleepy voice. 

"Sonya, nasa'n ka!? Naku, may chismis ako sa 'yo!"

I took no notice of her first question. Baka mamaya ay mabuking pa niya ako kung sakaling magsisinungaling ako. 

"Ano na naman 'yan, mommy?" tanong ko, boses ay walang interes.

She smiled widely as she spoke.

"Ito, ha! Kagabi lang sa akin sinabi ng daddy mo na noong nakaraan daw ay kinausap siya noong Architect sa resto mo, natatandaan mo pa ba 'yon!? Basta iyon! Yung si new environment guy!" my mommy, shouting.

I gulped and then glanced at Flint whose brows were furrowing while listening to my mother. A sickening ripples of shame traveled throughout my body. Nakakahiya si mommy!

"Ito, ha! 'Wag kang mabibigla pero hiningi daw ba naman ang kamay mo! Ang unang pumasok sa isip ko, bakit!? Ang alam ko ay napakayaman no'n! Pero ngayon naisip ko na jackpot ka do'n, Sonya-" I immediately turned down the volume when she mentioned the word jackpot. Ngunit ang malakas niyang boses ay hindi nagpaawat! 

"Nakakatampo nga kasi noong pumunta siya rito sa bahay, ang daddy mo lang ang narito! Hindi ako hinintay, naku! Pero 'yun na nga! Magpopropose daw sa 'yo ngayong araw! Surprise daw ang gagawin kaya't huwag mong sabihin na alam mo na! Baka masira ang diskarte! Kapag lumuhod sa 'yo, umarte ka na lang na gulat at naiiyak, ha, Sonya!"

My face squashed when I heard Flint's soft chuckle. I gazed him at the sofa. His arms and legs were crossed, teeth are showing because of laughter. 

"Ito ang sinasabi ko sa 'yo! Sagutin mo! Hindi ko pa nakikita ang itsura pero pangalan pa lang, yummy na! Flint Jasper Vidales! May Architect pa sa unahan!" she giggled. "Buti ay magpopropose sa 'yo!? Boyfriend mo!? 'Di mo sa akin sinabi e 'di sana napaaga ang kasal! Kung sana'y alam ko, tali ka na ngayon!"

"Mommy, ano ba..." nahihiya kong saway.

"Sa 'tin lang naman 'to, Sonya! Hiya ka pa, sus!" she teased.

"Mi, nakakahiya ka... Pinagkatiwalaan ka no'n tapos... s-sinira mo 'yung diskarte..." sabi ko kay mommy ngunit ang mga mata'y nakatingin kay Flint.

"Ayos lang! Hindi naman siya ang nakiusap sa akin kundi ang daddy mo!" her reason. "Basta kapag nakasuot na sa 'yo ang singsing, pag-usapan ninyo na ang kasal- ay pamamanhikan muna pala! Balitaan mo na lang ako kung uuwi kami riyan o ang pamilya ng asawa mo ang pupunta rito!"

"Asawa agad..."

"Siyempre! Alam ko agad na magiging asawa mo 'yon! Mahilig ka sa mga yummy 'di ba?"

"Mi, nakakahiya talaga..." I clicked my tongue against my palate, making a clicking noise. 

"Bakit ka ba nahihiya e tayo lang naman dalawa ang nag-uusap!?"  

I smirked. Something hilarious entered my mind. I faced the cellphone to Flint. He was flabbergasted but in a seconds only. Itinanggal nito ang pagkakalukipkip at nakangiting kumaway kay mommy na nasa screen ng cellphone.

"She ended the call," he said.

Tinignan ko ang cellphone at nakitang pinatay nga ni mommy ang tawag. Humalakhak ako nang pagkalakas-lakas. Napatigil ako nang maingay na tumunog ang hawak ko. Binuksan ko ang inbox na puro tadtad na mensahe na nanggaling mula kay mommy. 

Mommy:
Sino yun bakit ang gwapo!?

Mommy
Sonya sino yun?

Sonya:
Architect Vidales, mi.

Mommy:
What!? Narinig ba niya ang panlalaglag ko sa plano niya!? Naku baka magback-out yun! Unahan mo na lang sa pagpopropose!

I ignored my mommy's ridiculous ideas. 

Sa kaparehong araw na iyon ay pumunta kami sa bahay ng pamilya ni Flint. Iyon ang unang pagkakataon na nakapunta ako roon kaya't manghang-mangha ako nang makapasok. Agad mong malalaman na hindi basta-bastang mayaman lang ang mga nakatira.

"Bakit ka nga pala tumira sa bahay ni Dan kung may bahay naman pala kayo rito? I mean noong college?" I asked.

Naglalakad kami sa kahabaan ng garden, patungo sa malaking bahay. Tiningala ko si Flint upang makita siya. He didn't look at me. He just smiled at my question.

"My parents were in America that time. Ayokong nag-iisa lang ako..."

"Iyon lang ang dahilan mo?" I asked out of nowhere. 

He chuckled.

"What do you mean?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Huwag mo na lang sagutin. Hindi ko din alam ang tanong ko..." I chortled. 

"Siyempre lagi kang naroon. Dapat naroon din ako lagi..." he mumbled.

My brows puckered in confusion. 

"Ano?"

"Wala..." he said and then opened the door in front. 

Sa sumunod na mga oras ay napag-usapan namin na hindi na kailangan pang umuwi nila mommy para sa pamamanhikan dahil si tita Alex na ang maga-adjust. Noong una ay nahiya ako ngunit sinabi niya na gusto niyang makarating sa Japan. Hinayaan ko na ang ginang.

Pagkauwi ay sinabi ko kay mommy ang naging plano. Tuwang-tuwa siya at hindi mapakali. Pakiramdam ko ay magkakaroon ng fiesta sa bahay sa araw ng pamamanhikan. 

I lifted my left hand and placed it on the cold window beside me. Ang diamanteng kasing-kulay ng magaang langit, ang bulak ng mga ulap at ang mamasa-masang salamin. 

Not removing my hand on the window, I glanced at Flint. My eyes narrowed in shock when I saw him taking a video of me. Even I caught him, he didn't stop. I bit my lip as I stared at his eyes, reflecting the vivid light outside. 

"I'm jealous..." ika niya, nakatapat pa rin sa akin ang cellphone niya.

"And why?" 

"Dalawa kaming nakatingin sa iyo... Nagseselos ako..."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at inilibot ang tingin sa loob ng eroplano. My forehead creased more when I realized that he was bluffing.

"Wala naman, e..."

"Ito, oh..." his lips pointed the cellphone. 

Inirapan ko ang camera at natawa.

"You look stupid..." I mocked.

He turned  his phone off and put it down. He smirked rakishly.

"Stupid for you..."

I chortled softly. "Para 'tong tanga! Hindi ka naman ganyan dati!"

The smirk on his grew wider, teeth are almost showing. 

"Dati? Dati pa kita mahal..."

"Stop it, Flint," I said, giggling.

He then leaned to me. He placed his head on my shoulder and wrapped his right arm around my waist. Isang ngiti ang kumawala sa labi ko nang muling masulyapan ang langit sa gilid ko.

I'm lucky that the Heavens decided to give me the life I wished. Yes, I faced many many difficulties and struggles but at the end, look at me, I am now living the life I dreamed. I know that I am favored because in a hundred billions of wishes, He granted mine. 

Ilang oras ang lumipas ay nakatapak na ang eroplano sa lupa. Hila-hila ko ang maleta habang naglalakad kami palabas ng airport. Agad na lumapat ang taglagas na hangin sa balat ko. I hugged myself to feel warm. 

Nang malingunan ako ni Flint na nilalamig ay dumikit siya sa akin. Inilipat niya ang maletang hawak sa kaliwang kamay at ikinapit sa bewang ko ang kanan.

Agad din na nawala ang lamig na nararamdaman ko nang makasakay kami sa loob ng taxi. Pagkatapos ng kulang kalahating oras ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Si Flint ay aktong bababa nang pigilan ko.

"Bakit ka bumababa?" gulat kong tanong rito.

"I will ask your mother formally. I heard from your conversation that she was disappointed-"

"Tampong matanda lang iyon! Huwag ka ng pumasok at umuwi ka na lang sa condo mo! Naroon ang mommy mo, 'di ba?"

He nodded.

"Yes but I-"

I pouted. "Please? 'Wag na? Magkikita din naman mamaya..."

He sighed. 

"Alright... Stay there, huh? Babalik pa 'ko..." aniya sa seryosong tinig.

"Okay! Bye!" I gave him a peck on his cheek. 

He slid inside the car, dark eyes were bore into me. It seemed like he was thinking something scary. When I nodded once, he immediately closed the door.

Hinintay ko na umalis ang sasakyan bago ko napagdesisyunan na pumasok na. Pagtapak na pagtapak ko sa sahig ng bahay ay tinignan ni mommy ang kamay ko kung may nakasuot ba roon.

"Patingin!" She raised my hand in the air. "Oh my goodness! Ang ganda, ha! Galing pipili ng asawa! Pero mas galing pipili ang anak ko!" She ruffled my hair as she laughed.

Busangot ang mukha kong nilakad ang distansya papuntang sofa. Agad akong tinabihan ni mommy sa gilid. 

"Ano!? Ano!? Hula ko'y ikaw ang nagpropose!" 

"Mi, parang ano naman... Hindi ako ganoon, ah!"

"Sus! Sonya, kilalang-kilala kita! Ang mga yummy na lalaki ay agad na nanunuot sa paningin mo!" 

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. I pursed my lips as I stared at her. The joy in her face vanished. It was replaced by loneliness. My heart broke when she hugged me tight.

"Ikakasal ka n-na..." she puffed.

I quickly wiped a tear. I smiled miserably.

"Wala ng mangungulit sa akin... Wala ng papansin sa mga kinaaadikan k-kong Japanese drama... Wala na akong aayain magshopping..."

"Mi..." my voice trembled. 

"Ikakasal na ang anak ko..." ang boses niya'y masaya ngunit nayanig.

"Hindi naman ako mawawala! M-Magkakaroon ako ng ibang pamilya pero siyempre... kayo pa rin ni daddy... Kayo una kong pamilya, e-e... Makakaya ko bang kalimutan kayo?"

The hug became much tighter. I bit my lower lip so my sob wouldn't mix with my mother's. I let her cry her sorrow. 

"Mapupunta ka na sa iba... Parang dati lang... ang liit-liit mo pa't kinakarga pa lang kita..."

Ang mga pag-alala niya sa dating panahon ay mas lalong nagsugat sa puso ko. 

"Ngayon... kinakarga ka na ng iba..."

My face soured. Umalis ako sa pagkakayakap niya't humalakhak. My mommy in front laughed, too. She is unbelievable!

"Lahat na lang talaga ng bagay kinakaluan mo ng biro, ano?" panunuya ko.

"Ibig sabihin totoo nga? Na kinakarga ka na noong fiancee mo? Naku, Sonya!"

Hindi ko pinansin ang akusasyon niyang medyo totoo. Umalis ako sa sala at umakyat sa kuwarto ko. Before I fell asleep, I had set an alarm so I wouldn't forget.

Alas-cuatro ng hapon nang magising ako. Bumaba ako at nakipag-usap saglit sa mga magulang bago nag-ayos. 

I was blow drying my hair when I received a text message from Flint. He said that he'll be here in thirty minutes. Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok pagkatapos kong isend ang aking reply.

I went inside my walk-in closet and started picking clothes. I wore a brown sashed trench coat that covered the half of my long legs. I tied the ribbon on the coat so it would look like a dress. I also wore a black leather boots that harmonized with the darkness of my outfit. My fair skin looked radiant because of the dingy color.

"Sonya, Sonya! He is already here!" I heard my mommy's shout outside.

Binilisan ko ang paglalagay ng tint nang makapasok ang ina sa loob ng kuwarto. 

"Nasaan, mi?" I asked.

"Roon sa sala! Kausap ng daddy mo! You know what, he looks familiar..." She looked up.

I cleared my throat. Imbes na tumayo ay inayos ko lang ang pagkakaupo. Mommy's brows furrowed while watching me.

"Naaalala mo 'yung sinabi ko sa iyo dati na..." I paused. "Yung... pumunta ako rito at sinabi kong nag-away kami noong boyfriend ko na hindi mo alam? Ang sabi ko ay Flint ang pangalan... Tapos 'yung pumunta na Flint sa bahay noong graduation ko sa college..."

She raised her brow.

"Iisa lang."

"Anong taon ba iyan at hindi ko maalala?" tanong nito.

Napangisi ako. 

"Good to know! I don't have to explain everything. Huwag mo ng alalahanin, mi..."

Nang lumabas kami sa kuwarto ko ay patuloy ang pagsasalita niya tungkol doon.

"Kaya pala pamilyar ang mukha! Ilang beses ko na pa lang nameet 'yon!?"

I laughed and shushed her when we were descending the stairs. Nilingon ko ang dalawang lalaki na nakatayo nang nasa kalagitnaan na kami. Inaasahan ko na nakangiti sila sa akin ngunit ang seryosong mga mukha nila ang bumungad sa akin. 

I was about to hug Flint when my mother interfere. 

"Naalala ko na, Sonya! Ito, oh! Hindi makakatakas sa akin ang kagwapuhan nito!"

Isinaere ni mommy ang kaniyang kamay at lumipad patungo sa baba ni Flint. Flint softly chuckled when the woman made him face the both right and left side repeatedly. 

"Dotonbori..." she whispered and then looked at me with surprised look. "Iyong lalaking muntik mo ng halikan!" 

Nanlaki ang mga mata ko nang masulyapan si daddy na litong nakatingin sa asawa. Si Flint naman ay gulat at kabadong nakatingin sa aking ina.

Mommy let his chin go and then clapped her hands.

"Oh my goodness! I remember everything! I remember!"

"What are you saying, Dyna?" daddy asked.

"Dati kasi-"

"Daddy!" I cut my mother off. "D-Daddy sasabay ako kay Flint papunta sa..."

I looked at Flint so he could resume my sentence.

"In our house, tito... You and your wife can ride with us but let's do a convoy if you don't want..."

My father then laughed profoundly. 

"I really like you for my daughter," he shared.

Napairap ako sa hangin nang ngisian ako ni Flint. Pinalalaki ang ulo!

"Thank you, tito."

My father glanced at the woman in front.

"Right, Dyna?"

"Puwede na..." anas ni mommy na medyo pangiwi-ngiwi pa ang mukha.

Bigla tuloy nawala ang ngisi ni Flint sa labi. Agad itong nagseryoso at ngumiti nang matamis sa babaeng nasa harapan. Nakaramdam ako ng maagang kahihiyan sa gagawin ni mommy.

"Tito ang tawag sa 'yo. Sa 'kin ay 'your wife'. It's a bit insulting..." pag-iinarte niya. "At nalaman ko pa na pormal kang nakausap. Sa akin ay pinasabi lang..."

I saw how Flint's lips part. His ears became red maybe because of embarrassment. He instantly bowed his head a little. 

"Tita-"

Tinabunan ng halakhak ni mommy ang dapat na sasabihin niya. 

"Just kidding, hijo! Siyempre gusto rin kita para sa anak ko! Sa guwapo mong 'yan!"

"Dyna..." my daddy warned. 

"Naku, Christopher! Selos ka lang! Hayaan mo! Guwapo ka rin-"

I pulled Flint's hand and placed him beside me. Tinanggal ko ang tingin sa mga magulang na nagbibiruan at sinulyapan ang katabi.

"Ang ganda ganda mo..." sabi niya habang pinapasadahan buo kong katawan.

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ni mommy?" I chortled.

He laughed with me.

Napatigil kami sa pagtawa nang muling nakisali ang ina.

"Flint, hijo, nasaan ang mommy mo?"

"She's already there, tita... She is very excited to see you..."

"Naku, ganoon ba! Tara na at nakakahiyang pinaghihintay natin!" aya ni mommy at nauna ng lumabas ng bahay.

Ganoon nga ang ginawa namin. Kasabay ko si Flint papunta sa bahay nila. Ang kotse naman na ang lama'y mga magulang ay nakasunod sa amin. Medyo nagulat pa ako nang malaman na may bahay pala sila rito sa Japan! Nakapagtataka nga at bakit nananatili si Flint sa condo niya samantalang may mas maayos naman na titirhan. 

Natawa pa ako dahil wala pang limang minuto nang huminto ang sasakyan sa tapat ng nasabing bahay. 

"Seryoso ka ba at dito 'yon?" I asked for a confirmation.

"Hindi mo ba gusto? Malapit lang sa dating bahay mo..." sabi niya na hindi ko naintindihan.

Magtatanong pa sana ako ukol sa binanggit niya nang malingunan ko ang malaking bahay sa harapan. Ngayon ay nasagot ang tanong ko na kung bakit nasa condo pa rin si Flint. I could prove just by seeing the house that it is new. Halatang-halata na katatapos pa lang noon.

"Katatapos lang nitong bahay ninyo? Sana ay sa amin na lang muna at baka makasagabal lang-"

"Sonya!" my mommy yelled.

"Yes, mi?"

"Tara na at nakakahiya sa biyenan mo!" 

Nag-init ang mukha ko nang sabihin ni mommy iyon. Marahang halakhak ang pinakawalan ng aking katabi. I shook my head.

"She's always like that. Don't mind her." I shrugged.

"Wala namang mali sa sinabi niya, asawa ko..." he whispered breathily to my ear.

I rolled my eyes at him and left him there. Naglakad na ako papasok ng gate ng bahay. Moderno iyon na kagaya ng sa amin ngunit mas malaki. Nagparte ang mga labi ko nang malingunan ang garden sa gilid bago pumasok sa bahay. Sa dulo noong ay isang swimming pool na nahaharangan ng salaming pader. Mayroon ding bubong sa itaas.

"Wow..." I muttered to myself as I lifted my gaze.

The house contains three floors. Unlike in our house, we only have two. The wall was painted with colors cream, brown and white. Kung titignan mo ang detalyadong mga disenyo sa kahit saan ka tumingin, maiisip mo talaga na napakagaling na Arkitekto ang nagdisenyo noon.

Gaya ba ng asawa ko?

I smirked.

"Do you like it?" the man behind me asked.

I grinned. "Bakit? Ibibigay mo ba sa akin?"

I didn't wait for his response. Binuksan ko ang pintuan at pumasok na. Pagkapasok ay sala ang agad na bumungad. Sinundan ko ang ingay na nasa dulong bahagi. Malawak ang ngiti kong nilapitan si tita Alex nang makapasok sa dining. 

"Sonya!"

"Tita..."

She hugged me for a moment and then examined me.

"Aw! You look so gorgeous! Just like your mom!" She then glanced at my mother.

"Sinabi mo pa!" Mommy laughed.

Ilang sandali lang ay umupo na kami sa hapag. Si daddy ang nasa kabisera, nasa kaniyang gilid ang dalawang ina at sumunod ay kami ni Flint na magkaharap. Tinignan ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. Naroon ang mga pagkain na galing kila tita Alex at ang galing sa amin. Nahihiya kong tinanggap ang mga papuri para sa mga luto ko.

"My son is so lucky to have your daughter," tita Alex said.

Flint suddenly coughed. Inabutan ko ito ng basong may tubig.

"Cute cute naman!" my mommy cheered.

Flint's mother agreed and demanded her son to do something ridiculous. 

"Yes! They are so cute, right!? Flint, son, cough more!"

Sabay kaming naubo ng kaharap. Siya, dahil sa hiya. Ako naman ay dahil sa tuwa. 

He eyed his mother with irritated face, forcing himself not to burst. 

"Mom..." he warned.

"Sorry!" 

"Oo nga pala! Gusto kong malaman kung paano ka nagpropose hijo sa anak ko! May video ba kayo? Gusto ko sanang mapanuod!" my mommy.

Ako naman ang naubo sa hiling ni mommy. Tinignan ko si daddy at tita Alexandra na tumatango-tango at mukhang gusto rin ang sinabi ng ina!

I nervously glanced at Flint. I tilted my head and covered my face with my hair. 

"Go tell them!" I mouthed.

"The what?" he mouthed back.

Umayos ako sa pagkakaupo nang tumikhim ang nasa kabisera. Ang tatlong pares ng mata ay patuloy sa paga-abang ng sagot.

What would I tell them!? After making love!? After having sex, he put the ring on my finger!?

Flint and I swallowed hard simultaneously.

"P-Pagkatapos po naming magkan..."

The woman beside me lowered her head.

"Pagkatapos magkan?"

Kabado kong iniwas ang mata kay mommy at hinarap si Flint.

"Pagkatapos po naming m-magkan..." I paused. "Magkantahan! N-Nasa restaurant po kasi kami n-noon! Tapos birthday noong nasa kabilang table namin... K-Kinantahan namin ng Happy Birthday song tapos ayon nagpropose si Flint, mi, tita, daddy..." I said without looking at them.

"Ah..." 

"Goodness..." I mumbled when my daddy diverted the topic after that.

Inis kong tinignan ang lalaki sa harapan! He didn't even help me!

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap kami ng tungkol sa plano sa kasal. Our parents supported our plans. They gave us some guides and told us their experiences about it. 

Sa huli ay nagkaayaan nang umuwi dahil sa pagod. Tumayo na kami at dumiretso palabas. Si tita Alex ay nauna ng umalis. Kumunot ang noo ko. Nakapagtataka na bakit hindi pa sila nagsabay ng anak gayong parehas sila ng uuwian?

Ang mga magulang ko naman ay nanatili pa saglit dahil mayroon pang sinabi ang aking ama kay Flint. Pinanliitan ko ng mga mata ito dahil mukha nila ay mga seryoso.

Mabuti at natapos sila pagkatapos ng ilang saglit. Tatabi na sana ako sa mga magulang nang biglang hinapit ni Flint ang bewang ko.

"Uuwi na kami..." I whispered.

Nanlaki ang mga mata ko nang halikan ako ni mommy sa pisngi at nagpaalam.

"What?" naguguluhan kong tanong.

"Flint... Sonya... We're going..." my father bid his goodbye and then walked out.

Tiningala ko si Flint na nakatanaw sa mga magulang kong palabas na.

"Bakit hindi kayo nagsabay ni tita Alex? At bakit ganoon ang mga magulang ko? Tinatakwil na ba nila ako, Flint?"

"Why? You don't want to sleep here?"

"And why would I sleep here?" I walked backwards from him and then crossed my arms.

"You don't want to sleep here in our house?"

My lips parted.

"Our house?" I repeated.

He walked towards me and placed his forehead on mine. My heart leapt as I felt his every breath on my face.

"Our house..." aniya at saka inilapat ang labi sa akin.

I savoured every kiss he gave. Ang aking mga brasong nakahalukipkip ay itinanggal at ikinawit na lamang sa kaniyang leeg.

The cold wind blew yet the chill didn't enter me. The heat from the roots intensified as his kisses became deeper. My knees trembled when his tongue caressed the insides of my mouth.

Pinutol niya ang halik nang maramdaman niya ang pagkapos ng aking hininga. Abot abot ang tahip ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang waring nagtataglay ng pagpipigil.

He swallowed before he asked me.

"Do you take pills?"

Napagitla ako sa tanong niya. My forehead crinkled.

"Uh, oo? Bakit mo naman naitanong?"

"I want a child from you..." he said.

My face heated. Pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko dahil sa init. Ang kalabog sa dibdib ko ay nanumbalik.

"I take those for my irregular periods. Don't worry... titigilan ko na rin."

He nodded.

"Pumasok na tayo at lumalamig..."

I bobbed my head and walked with him. Hindi ko alam na ang bahay na nagpamangha sa akin ay sa amin.

"Let me pay for the furnitures of this house..."

Umupo siya sa sofa at tinapik ang kandungan niya, hindi pinapansin ang sinabi ko. Napabuga ako sa hangin.

Naglakad ako papalapit at kumandong sa hita niya. I immediately felt something hard beneath but I ignored it. I gazed the sprinkled star dust inside my man's eyes.

"I said let me pay for the furnitures."

Itinango niya ang kaniyang ulo na parang wala sa sarili. Parang inalipin ng kung sino... ng kung ano...

"Whatever you want..."

Binigyan ko siya ng munting ngiti at ibinalik ang pinag-uusapan namin kanina.

"How many child do you want?" I asked.

"Ten..." he said seriously.

"What!? Hindi ko kaya iyon! Bawasan mo naman!" natatawa kong sabi.

"Alright... Babawasan natin..." he said, face filled with delight and glee but eyes are pitch black.

"Kung ganoon, ilan na lang?"

"Siyam na lang..."

Namutawi ang malakas na halakhak sa akin. I hit his chest softly and didn't remove my hand on it. I felt the loud and wild beats of his heart.

The beam on my face blurred. I pursed my lips when it trembled.

My mind couldn't still process this. This life with him.

I couldn't believe that He, the Greatest, made my favor happen. He gave me the magical ending I wanted.

My eyes watered when Flint swaddled me with his warm hug. He placed his lips on my ear and then whispered.

"My soul's with me because you're here... I am glad that the Heavens decided to grant my prayer... And that is to be with you again..." he paused when his voice shook a little.

"What would I do without you? Sonya, tell me, what would I do without you?"

Continue Reading

You'll Also Like

68.9K 1.9K 96
Gusto kita. Sobra. Seen 12:59 am JOE GDL FAN FICTION - Juliana Maria Asuncion consider herself as the Number 1 fan of Joe Gomez de Liano, the MVP o...
696K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
93.9K 3.5K 138
|βœ” COMPLETED| (It All Started In Quarantine #1) [EPISTOLARY] Habang papalapit ang pagtatapos ng malawakang quarantine, ang tanging gusto lang ni Mona...