[#Uno] Blown Away: Clementia

By reveeruary

1.1M 12.5K 2.5K

[Under Editing] The Martin's Triplets. π—₯π—˜π—”π—— 𝗔𝗧 𝗬𝗒𝗨π—₯ 𝗒π—ͺ𝗑 π—₯π—œπ—¦π—ž. More

Edited Version
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 1

78.1K 912 563
By reveeruary

NAKAMULAT ang kaniyang mata nang ihagis siya sa ere. Tumama ang malamig na hangin sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya rin ay maaabot na niya ang kisame dahil sa taas nang itsa sa kaniya.

"Cece, kanina pa natunog cellphone mo."

Bumagsak siya sa dalawang matipunong katawan pagkatapos ay ibinaba siya ng mga ito.

Binalingan naman niya ang coach nila na hawak ang kaniyang cellphone sa kamay. Nakataas pa ang kilay nito habang nakakatitig sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago tinapik ang dalawang bases niya na sina Noah at Matt.

Marahan naman siyang pinalo ni Matt sa kaniyang pwetan na kinasuntok niya sa braso nito na kinatawa nito.

"Kunin mo na cellphone mo at baka importante 'yong tawag," saad pa nito. "Yes, sir," pang aasar niya rito dahil assistant ito nang leader nila sa cheer dance.

Nang makalapit siya sa coach nila ay inabot agad nito ang cellphone sa kaniya.

"Your mum is calling, it must be urgent but next time, I don't want any phone calls."

"Yes, coach. Pasensiya na po." She bowed a little to her bago sinagot ang tawag ng ina. Lumayo pa siya nang kaunti upang mag karoon ng privacy sa pag uusap.

Hindi siya tinatawagan ng ina basta-basta lalo na alam nito nasa practice siya sa ganitong oras.

"Ma?"

Nakarinig naman siya nang ingay sa back ground bago siya sinagot nito.

'Anak, I need you to come home right now.'

"Po? Hindi pa po tapos practice namin."

'Please? This is important. Bumawi ka na lang ng practice bukas.'

Huminga siya nang malalim pagkatapos ay nilingon niya ang teammates nag pa-practice at coach nila nag tuturo.

"Sige po, ma."

'Sige, anak, mag ingat sa pag uwi, ha?'

Tumango siya rito kahit hindi siya nito nakikita man lang. "Yes po, mum."

Siya na rin ang nag patay nang tawag ng ina. Lumapit siya sa coach nila na si Ms. Lorenzo.

"Coach," tawag niya rito. Nag gesture naman ito na ipagpatuloy ang ginagawa bago siya nito binalingan.

"Hindi nawawala ang pag taas nang kilay nito sa kaniya. "What is it?"

"Sorry, coach. Meron kasing emergency sa bahay. Pinapauwi ako nang maaga."

Nag bukas naman ito nang bibig ngunit walang sinabi ito sa kaniya bagkus ay bumaling ulit ito sa teammates niya. Tumingin siya sa dalawa niyang bases nasa gilid nakatingin sa kaniya.

Kanina pa ang mga ito ngumunguso sa kaniya kung anong problema. Inilingan na lang niya ang mga ito at bumaling ulit kay coach Lorenzo.

"Sige, but you and your bases need to attend an early practice tomorrow morning."

"Coach, pwede po bang ako na lang? Hindi na sila madamay?"

"Paano mo i-pa-practice mga stunts mo kung wala sila? Hindi naman pwedeng imaginary friends mo ang humagis sayo."

Gusto niya sana matawa sa sinabi nito pero hindi na niya ginawa. Minsan may pagka-funny ang coach nila.

"Yes, coach," bagsak ang balikat na sagot niya rito.

Panigurado narinig ng teammates niya ang sinabi ni Ms. Lorenzo lalong lalo na sina Noah at Matt.

Sinalubong siya ng dalawa nang kunin niya ang bag sa bleachers. "Ano ka ba, liit. Ayos lang sa'min 'yon ni Matt." Tinapik pa siya ni Noah sa braso.

"Sorry. Libre ko na lang kayo ng lunch bukas."

"Sure, liit. Sige na, umuwi ka na at baka kailangan ka na sa inyo."

"Thank you mga kuya." Tinanguhan lang siya ng mga ito at ginulo ang buhok niya bago bumalik ang dalawa sa practice.

BAGO siya sumakay ng taxi ay nag text ang kaniyang ina ng isang address. Doon siya pinapapunta ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit, walang sinabi sa kaniya na dahilan.

Napatingin siya sa isang malaking bahay sa kaniyang harapan. Kumunot ang noo niya. Bakit siya pinapapunta ng ina sa isang mansyon?

Nag bayad siya sa taxi at bumaba. Hindi na rin siya nakapagpalit nang damit pa. Kung ano ang ayos niya kanina habang nag pa-practice ay suot niya pa ngayon.

Naka cycling lang siya na above the knee habang naka cropped top na pullover jacket at manipis na spaghetti shirt.

Bigla tuloy siya nahiya sa suot niya. Bitbit niya pa ang gym bag niya.

Lumapit siya sa intersection at pinindot ito. Nakarinig naman siya nang boses.

'Sino po sila?'

Napakamot siya sa batok at inikot niya ang paningin sa paligid.

"Cece po?" sagot niya rito. Hindi rin siya sigurado kung tama ba 'yong sinabi niya.

'Are you Candace Clementia Santiago?'

"Tama po! Ako nga po 'yon," pagkasagot niya rito ay bigla na lang bumukas ang malaking gate sa kaniyang harapan.

"May alanganin na pumasok siya sa loob ng mansyon. May guard sa gilid nito. Nag bowed siya rito at ngumiti.

"Hello po," nahihiya niyang bati rito. Ngumiti naman ito sa kaniya. "You can go ahead po, kanina pa po kayo hinihintay ng magulang niyo."

"Okay po, thank you."

Inikot niya ang paningin. Ang lawak ng lupa na may-ari ng mansyon. May fountain sa pinaka gitna at hagdan paakyat sa mansyon.

Nilakad niya ito nang makarating siya sa tapat nang malaking pinto ay bigla na lang ito bumukas na kinagulat niya.

May isang dalaga ang nasa harapan niya.

"Ms. Santiago?" tanong nito sa kaniya.

"Yes po."

"Come in po, kanina ka pa po hinihintay ng magulang mo." Nabigla naman siya nang kunin nito ang bitbit niyang bag.

"Hindi na po, kaya ko po." Pagkuha niya sa bag dito ngunit ngumiti lang ito sa kaniya at kinuha ulit sa kaniya ang bag.

May isa naman na dalaga ulit ang lumapit sa kaniya. Parehas ang dalawa ng suot. Itim na slack at itim na pangtaas na may puti sa vline collar nito at sa manggas.

"This way po." Tinuro ng bagong dating ang kanan na daanan. Iniwan na rin sila ng isang babae kasama ang bag niya.

Sinundan niya ito kahit nahihiya siya. Nang makarating sila sa living room ay bumungad sa kaniya ang ina at ama na may kausap na mag asawa.

Magkalingkis kasi ang braso ng mga ito sa isa't isa.

Tumayo ang ina niya at nilapitan siya. "Anak, nakarating ka. Hindi ka naman nahirapan hanapin ang lugar?"

Hindi naman po, ma," sagot niya rito pagkatapos ay bumaling siya sa mag asawa nakaupo.

Parehas naman na tumayo ang dalawa at nilapitan sila. Napansin na rin niya ang ama nasa gilid nilang mag ina.

Napansin niya na familiar ang mukha ng mga ito sa kaniya.

"Cece, ang laki mo na. Nang huli kita makita ay ganito ka pang kaliit." Gestured ng magandang babae habang natatawa na saad nito.

Namula naman siya sa hiya. Hindi niya kasi matandaan ang pangalan ng mga ito. Bumaling pa siya sa asawa nito ngunit agad din siya napaiwas dahil nakakatakot ang tingin nito.

"Kaya nga, ang bilis ng panahon. Medyo mahiyain kasi ito no'ng bata kaya sa tuwing napunta kayo sa bahay ay hindi niyo siya nakikita o nakakausap," kwento ng kaniyang ina.

"Don't worry, Stella. Ako na bahala rito sa anak niyo." Nag taka naman siya sa sinabi nito. Binalingan niya ang ina pero ngumiti lang ito sa kaniya.

"Why don't we sit first?" Bigla tumaas ang balahibo niya nang marinig ang boses ng asawa nito. Mas nakakatakot pala ito kapag nag salita na.

Tumalikod na ito at umupo sa couch na sinundan nila.

"Where are they?" maotoridad na tanong ng matandang lalaki sa kasambahay.

"They're on their way na po, Sir," kalmado na sagot nito sa amo. Na-amazed naman siya kung paano ito sumagot na hindi man lang nahihiya o nabubulol.

"Pasensiya na, masyadong pasaway talaga—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin sa kanila nang may tumawag dito.

"Mommy."

Agad siya lumingon sa binata na tumawag sa ina nito. Napansin niya nakatingin din ito sa kaniya at parang walang balak na alisin ang tingin nito sa kaniya hanggang makaupo ito sa kabilang couch.

"Tres, nasaan na mga kapatid mo?"

"Kasunod ko lang mga 'yon." Lumingon pa ito sa pinang-galingan nito. "Ayan na pala sila. Haha! Mga pagong talaga kayo, ang babagal niyo!"

"Tres," suway ng ina nito. "Sorry, mum."

Lumingon na rin siya sa mga kapatid nito at medyo nagulat pa siya na mag kakamukha ang mga ito.

Triplets.

Ngunit kahit mag kakamukha ang mga ito ay iba-iba pa rin ang presensya ng tatlo.

Katulad na ginawa ni Tres ay mariin nakatingin din ang dalawa na binata sa kaniya hanggang tumabi ang mga ito sa kapatid.

Agad rin siya umiwas ng tingin dahil hindi niya matitigan sa mata nang diretsyo ang kambal.

Bigla siya kinabahan at natakot sa presensiya ng tatlo.

"These are my triplets. Uno—" turo nito sa binata na matalas ang titig sa kaniya. "Dos—" baling naman nito sa nasa dulong bahagi, seryoso ito nakatingin sa kaniya na kinaiwas niya ng tingin, "at ang bunso ay si Tres." Turo pa nito sa naunang dumating.

"This is my daughter, Cece," pakilala rin ng ina niya sa mga ito.

May hiya na ngumiti siya sa tatlo, hindi rin siya makatingin nang ayos sa mga ito.

"Cece," mapag-larong saad no'ng Uno sa kaniya. Mariin naman niya hinawakan ang tela nang suot na cycling dahil sa kaba.

"Boys, dito muna titira si Cece habang nasa ibang bansa ang magulang nito. Be nice to her, hm?"

"Po?" medyo napalakas ang tanong niya sa mga ito. Walang sinabi sa kaniya ang magulang na aalis ito.

"I guess, she doesn't know? which makes us four?" saad ni Tres.

Binalingan niya ang ina. "Ma? Ano po ibig sabihin ni Mrs—"

"Mrs. Martin but you can call me tita Eleanor, hija."

Nilingon niya ito at ngumiti. "Mrs. Martin po? Ma?" tuloy niyang tanong sa ina.

"Anak, babalik din kami agad. Dito ka muna sa kanila mag si-stay nang buong semester mo."

"B-but why po?"

"They offered nang malaman nila na aalis kami ng tatay mo papuntang America. Nag aalala kasi ako na wala ka makakasama sa bahay lalo na malayo ang mga kamag-anak natin."

"Ma."

Mabilis lang kami, hindi mo mamalayan na umalis kami ng tatay mo at isa pa, kailangan ka ng teammates mo, diba? Sino bubuhatin nina Noah at Matt kung wala ka?"

Hindi naman niya mapigilan na lumuha. Niyakap naman siya nang mahigpit ng ina. "We'll be back, I promise," bulong pa nito sa kaniya.

"Matalik na kaibigan namin ng mama mo ang Martin's, anak. Mababantayan ka rito habang wala kami."

"Yes, my sons will take good care of her." Hinawakan ni Eleanor ang anak sa braso bago binalik ang paningin sa kaniya.

"Of course, mum. We will definitely take care of her," saad ni Uno. Napansin niya pa na may malokong ngiti ang tatlo sa kaniya.

"Thank you mga hijo."

Biglang tumunog ang cellphone ng kaniyang ama. Bumaling siya rito at nakita niya kung paano kumunot ang noo nito.

"We have to go. Thanks for letting our daughter to stay with you," saad ng ama niya. "Benjamin, mauna na kami. Eleanor?" habol pa nitong wika sa mag asawang Martin.

"Sure , kami na ang bahala kay Cece and boys? Pwede niyo ba i-hatid si Cece sa kwarto niya?" Doon naman siya napahinto.

"Ma?"

"I already packed your things."

"Oh!" Wala na talaga siyang takas.

"Honey, mauna na kami. Ingatan mo ang sarili. Email us or call us." Niyakap siya ng ina at hinalikan sa pisngi. Gano'n din ang ginawa ng ama niya bago hinatid ng mag asawa ang magulang niya.

"Cece."

Doon naman agad siya napalingon sa tatlo. "Y-yes?" kinakabahan niyang tanong sa mga ito. She bit her lower lip sa kaba.

Naramdaman na lang niya na mabilis na lumapit si Uno sa kaniya, kumapit ang braso nito sa kaniyang baywang na kinataas ng balahibo niya.

Napakapit siya sa dibdib nito nang muntik na siya matumba kahit hawak siya nito sa baywang.

"U-uno."

"Fuck!"

Nabitawan siya nito na kinatumba niya sa sahig. Tumama ang pwetan niya sa marmol na sahig.

"What the fuck, Uno?!" inis na baling ng kapatid nito. Kung hindi siya nag kaka-mali ito ay si Tres.

Katulad nga ng sinabi niya kanina, makikilala talaga ang mga ito dahil sa iba't ibang presensya ng tatlo.

Inalayan naman siya ni Tres sa pag tayo.

Are you okay?" Napansin niya rin ang biglang pag iba ng pag hinga nito nang mahawakan siya nito at dahan-dahan na pinatayo.

Nang makatayo na siya ay agad din ito bumitaw sa kaniya at umatras pa na para bang may nakakahawang sakit siya.

"A-ayos lang ako."

Nakita niya na masama ang tingin sa kaniya ni Uno.

"Just let her go to her room. Para matapos na." Napa-angat bahagya ang labi niya nang marinig mag salita si Dos.

Ngayon niya lang ito narinig mag salita dahil kanina pa ito tahimik pero parang lumambot ata ang mga binti niya sa boses nito.

"Fucking close your mouth!" nang gagalaiti na saad ni Uno sa kaniya na kinabigla niya at agad din sila tinalikuran.

"Uno!" tawag pa ni Tres sa kapatid.

Naguguluhan siya sa inaasal ng mag kakapatid lalo na kay Uno.

"Tres, ikaw na mag hatid sa kwarto niya."

Ayan na naman ang boses ni Dos nag papahina sa mga tuhod niya.

"Bakit ako?!"

"Ikaw magaling mag pigil, diba?"

"Fuck you!— Tara na nga!" baling ni Tres sa kaniya pero hindi pa rin siya kumikilos sa kinakatayuan niya at nakatitig pa rin kay Dos.

Ngumiti naman ito at lumapit sa kaniya. "Baby girl, don't look at me like that. Kay Tres ka muna sumama while I can still control myself."

Tinapik pa nito ang pisngi niya na kinakislot niya bago sila nito iniwan.

"Mga gago talaga! Tara na, Cece."

"O-okay." Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 3.2K 31
⚠️R18+ ⚠️Polyamory ⚠️Action-romance Agent Keyza finds herself in a dangerous situation fueled by jealousy from her fellow agents. When she meets the...
17.3K 120 23
Celebration Series #1: Christmas [VERY MATURED CONTENT] U N E D I T E D End: March 13, 2024
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...