Adrianna Rose Campbell POV
I don't know kung ano ang i-rereact ko sa nakikita ko ngayon.
Maawa ba ako o matatawa?
Ngunit isa lang ang alam ko. Matatawa talaga ako.
"Pffft" pigil na tawa ko dahil sa nakikita ko. Sh*t natatawa na talaga ako.
"You!!! Fake mute!!! Arrrghh! Tulungan mo ako!! Minamanyak na ako ng bagay na ito. Nahahawakan na niya ang... ang private part ko!!! Ahhhh!"-sigaw niya habang nakapatiwarik. Sino ba kasing magdress siya sa misyon?!
Kasalanan din naman kasi niya eh! Pinaghahatak ba naman ang baging na nakapulupot sa malaking gate. Kaya ayan ang napala niya. Gumapang ang baging sa paa niya hanggang sa tumataas ito kanina. Nasilayan ko kung paano tumaas papasok sa loob ng cocktail dress niya. At itiniwarik siya ng baging kaya ang ending kita ko ang kanyang panty. Yes, panty, a red panty. Hindi man lang siya nagsuot ng short or cycling. Nandiri rin ako at parang ramdam ko ang kiliti habang nakikita ko ang baging na patuloy na tumataas papunta sa kanyang singit hanggang sa napunta na ito sa kanyang balikat. Ang ulo lang niya ang hindi nalagyan ng baging kaya sigaw siya ng sigaw.
Dear vines, pati sana ang buong mukha niya para di na siya makasigaw, ang sakit sa tenga. Jk.
Gusto kong magwala sa kakatawa dahil sa itsura niya ngayon. Ahahaha.
Nagpalabas ako ng isang latigo na gawa ng aking kapangyarihan na sinulid. Gintong sinulid.
Ibwebwelo ko na sana ang aking latigo nang magmulat ang dalawang puno sa tabi ng gate.
At unti-unti itong naglakad papunta sa amin.
Naglalakad na puno!! Mga punong naglalakad.
"Ano ang inyong sadya rito sa Monster Planet mga binibini?"-aalumanay na tanong ng isang puno sa amin. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Ava.
"Hoy!! Matandang puno! Sabihan mo itong baging na ito na pakawalan ako. Isusumbong ko kayo sa aking lolo na si Council Aleo Cunningham. Sasabihin ko na hinarass ninyo ako, ang pinakamamahal niyang apo na ako iyon, si Ava Cunningham ang maganda niyang apo huhuhu!!!"-sigaw niya at hindi mawala-wala ang nakakairita nitong tawa.
Kahit kailan hindi talaga ito nag-iisip. Ginagalit niya ang mamang puno.
"Paumanhin, ngunit napa rito kami dahil kami ay binigyan ng isang misyon."- bago pa magalit ang puno ay humingi na ako nang paumanhin at sinabi ang amin dahilan kung bakit kami napa rito sa kanilang planeta.
"Isang misyon. Hmmm. Ano naman ang kailangan niyo sa loob ng Monster Planet?"-tanong nito habang nakatingin sa akin. Yumuko ako ng konti.
"Haler!! Ibaba niyo ako rito??!! Hey fake mute! Sabihin mo sa matandang punong iyan na pakawalan na ako ng baging na ito. Wag kang masyadong feeling close jan! Unahin mo muna ako bago ka makipagtalakan sa punong uugod-ugod!"-singhal ni Ava kaya napa-iling na lang ako dahil sa sinabi niya.
Pasensya na Ava, mukhang galit na siya mo siya. Wala na akong magagawa jan. Kasalanan mo rin naman.
"Isa kang bastos na bata, matabil ang dila. Dapat sayo pinaparusahan."-mabagsik na saad ni mamang puno sa kanya "Ikaw ay aking pinaparusahan, habang nandito kayo sa planeta namin ay hinding-hindi mo magagamit ang iyong bunganga."-napatingin na lang ako kay Ava na ngayon ay sumisigaw ng 'mmmmmmmm'
" Mmmmmmmmmmmm!!!!mmmmmmmmmm!!!!"-hindi na nga makapagsalita, sumisigaw pa. Pinapagod niya lang ang kanyang sarili.
"Paumanhin, ako na ang magtatranslate sa gusto niyang sabihin 'Paumanhin, dahil matabil ang aking dila. Tatanggapin ko nang lubos ang inyong parusa habang nasa inyo kaming planeta' iyan ang gusto niyang sabihin"-pagkasabi kong iyon ay nakita ko kung paano manlisik ang mga mata ni Ava habang pinipilit na magsalita habang sumisigaw ng 'mmmmmm' ahahahah.
"Mmmmmmmm!!!!! Mmmmmm! Mmmmmm!!!!!!" Sigaw nito ngunit hindi ko na ito pinansin at tumingin sa dalawang matandang puno sa harapan ko.
"Uhmm. Maaari niyo na po ba siyang pakawalan?"-mahinangong tanong ko sa kanila na ikinatango nila kaya napapalakpak ako sa tuwa.
Binitawan ng baging si Ava kaya ang ending una ang ulo niya sa lupa.
"Pffft"
Umiwas na lang ako ng tingin nang makita kong umupo na ito na nakabusangot. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa akin direksyon.
Nang maramdaman ko na wala na ang nanlilisik na mata ay tumingin na ako sa kanya, nakatayo na ito habang pinapampagan ang kanyang sarili saka tumalikod sa aming kinalalagyan kasama ang dalawang puno.
Nakita ko itong naglakad papunta sa mga vines at pinagsisipa ito. Umiiwas naman ang mga vines kaya wala siyang masipa.
"Mmmmmmmm!!!! Mmmmmmmm!! Mmmm!! Mmmmmmm!! Mmmmmm!!"-sigaw nito habang hinahabol ang vines para masipa ito.
Ito po ang kanyang sinabi....
(You vines!! You and your perverted acts!!! Arrrrgh!! I hate you!! Pervert vines!!)
Napa-iling na lang ako. Bakit ba siya pa ang kasama ko? Ang malas ko naman sa misyong ito.
"Paumanhin, wala talaga siya sa katinuan"-yumuko akong muli sa kanila.
"Hahaha, ano ka ba binibini, wala iyon. At katunayan nag-eenjoy si Vin na makipaglaro sa iyong brat na kasama"-napatingin ako kay mamang puno, natutuwa talaga siya? Tumingin ako sa isang puno na tawang tawa rin habang nakatingin kay Ava na patuloy na hinahabol si Vin.
"Ano ang inyong pangalan binibini?"-tanong ng mamang puno sa akin.
"Ako po si Adrianna, at ang aking kasama ay si Ava"-nakayukong pakilala ko sa kanya.
"Haha, ako naman Nato at siya si Tano. Ang Vin naman ang vines sa nakapalibot sa tarangkahan."-pakilala niya kaya napangiti ako.
"Kinagagalak po namin kayong makilala"-nakangiting saad ko na siyang kinatuwa niya at kinagagalak din daw niya kaming makilala.
Tumingin ako kay Ava na ngayon ay walang tigil ang paghuli kay Vin, kaya wala na akong magawa kung 'di ang gamitin ang aking kapangyarihan.
Kokontrolin ko na muna siya, para wala siyang magawang kalokohan.
"Mmmmmmm!!! Mmmmmmm!!!"-sigaw nito habang nagpupumiglas ngunit kontrolado ko na ang kanyang katawan kaya wala na siyang magagawa pa.
Ito po ang kanyang sinabi....
(You fake mute!!! Stop using your magic to me!!)
"Matanong ko lang binibini, ano ang sadya niyo sa loob. ang hinahanap niyo?"-takang tanong nito habang naglalakad papunta sa harap ng tarangkahan.
Sumunod din ako sa kanya, unti-unting natatanggal ang mga vines sa palibot ng tarangkahan.
"Tears of the Magic Plant"-saad ko na nagpatigil sa paglalakad ni Nato ganon din si Tano.
"Ang marygold diamond tears"-saad niya at saka humarap sa akin.
"May back-up knowledge na ba kayo sa Marygold diamond?"-tanong nito sa amin na ikinailing ko. Wala akong alam sa Marygold Diamond. Ngayon ko nga rin nalaman name nun.
"Ang Marygold Diamond dito ay nag-iisa lang. Kapag nagsimula na itong kumanta, wag na wag niyong papakinggan. Hayaan ninyong matapos nito ang kanta, dahil kapag tapos na ang kanta nito, doon na siya iiyak. Kung luha ang kailangan ninyo, kailangan ninyong makalapit sa kanya at pagkapatak nun at ilagay niyo ito sa tube na ito"-mahabang saad nito at pinigyan kami ng tube. Para siyang tubig na tube.
"Kapag pumatak na kasi sa lupa ang luha ng Marygold diamond ay nagiging ginto ito o di kaya dyamante. Minsan naman mga kakaibang halaman. Ang Marygold diamond ay ang kauna-unahang halaman sa monster planet, dahil sa kanya nabuhay kami. Kumbaga siya ang ina naming lahat." Nakangiting saad nito kaya namangha ako. Wow!! Ang cool naman!
I can't wait to see the mother of all the monster plants here. Marygold diamond here I come... Here we come pala.
"Mmmmmm!!! Mmmmmmm"
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
How was it?m
Pafollow na rin.
Comment and Vote na
Keep safe