Black Mafia 4: Khairo Felicia...

By RHNA24

74.8K 2.3K 32

[COMPLETED ✔️] -I'm scared to loved. And I'm scared to be loved. When I realized that it's not- Khairo Felici... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
EPILOGUE

CHAPTER 7

2.7K 98 0
By RHNA24

Waring: Slightly Matured!!

🍒


Janine

Apat na oras ang naging biyahe namin ni tukmol bago kami nakarating sa aming probinsya. Dumeretso kami sa hospital kung saan dito din isinugod si nanay nuon.

"Excuse me. May naka confine ba ditong nagngangalang Josephine Evanghelista?" Tanong ko sa babaeng nakatoka sa information desk dito sa hospital.

May kinalikot na kung ano ang babae sa computer bago nag-angat sa akin ng tingin.

"Room 18 maam."

"Salamat."

Hindi ko na hinintay ang tugon niya at lakad takbo ang ginawa ko upang hanapin ang room 18. Hindi ko na kailangang pagsabihan pa si tukmol na sumunod sa akin dahil alam kong nakasunod lang siya.

Nang mahanap ko na ang room na kinalulunan ni nanay ay pumasok agad ako. Hindi ko maiwasang maluha nang makita ko ang kalagayan ni nanay.

"N-Nay.."

"Anak."

Napatayo si tatay nang makita ako pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad palapit kay nanay na nakahiga sa hospital bed.

"N-Nay."

Nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay hinaplos ko ang kanyang mukha. Nagkakamali pala ako sa inaakala kong natutulog siya, dahil hindi, pipikit-pikit lamang ang kanyang mga mata.

"A-Anak?"

Tumango tango at pinigilan ang luhang gustong kumawala sa aking nga mata. Ayokong makita ako ni nanay na umiiyak. Dahil alam ko ang iisipin niya.

"N-Nandito na po ako nay. Wag kang mag-alala, malapit ka ng gumaling."

Hindi na nagsalita pa si nanay at ipinikit nalang ng tuluyan ang mga mata. May bahid na ngiti ang kanyang labi.

Suminghot singhot ako at napabaling kay tatay na matiim na nakatingin kay tukmol na nakasandal sa pader.

Nag-iwas ako ng tingin ng nagtama ang aming paningin. Nandito pa din yung kahihiyan sa loob loob ko dahil sa naging kilos ko duon sa elevator.

Stop it Janine! You need to get yourself off from the stress! Kailangan ka ng nanay mo!

Malalim akong napabuntong hininga at lumapit kay tatay saka umupo sa kanyang tabi.

"Ano pong sabi ng doktor tay?" Tanong ko sa kanya upang hindi na niya titigan si tukmol. Alam ko ang iniisip ni tatay.

Napatingin sa akin si tatay saka bumuntong hininga.

"Mahina na ang puso ng iyong nanay. Sabi ng doktor kailangan na siyang operahan. Pero anak, alam nating imposible iyon."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni tatay. It's not impossible, tay. Dahil may taong kusang tutulong sa atin, kapalit ng kanyang kondisyon.

Napapalunok akong tumingin kay tukmol na alam kong narinig ang sinabi ni tatay.

Kahit kahihiyan ko na ang kapalit, basta mailigtas lang si nanay.

"I already talk to my men. Nakahanap na sila ng bagong puso para sa nanay mo."

"T-Teka, ano ang ibig mong sabihin hijo?"

Napasulyap ako kay tatay na may bahid na gulat ang mukha.

"I want to help my.." saglit na napasulyap sa akin si tukmol bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "girlfriend's mother. I want to help, sir."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam ko na ang kanyang pinapahiwatig sa pagsulyap palang niya sa akin.

"N-Nobya mo itong anak ko, hijo?" Tila gulat pa din si tatay sa nalaman.

"Kung ano po iyong narinig niyo tay, iyon na po yun. Konting tiis nalang tay, maipapagamot na natin si nanay." Sagot ko na lamang.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang biglang may tumulong luha galing sa mga mata ni tatay. And I know what's the reason. Masaya siya sa nalaman na may tutulong sa amin para mapagaling si nanay.

"Maraming salamat hijo. Hindi ko alam kung paano bumawi sayo. Sabihin mo lang sa akin at gagawin ko."

Umiling lang si tukmol sa sinabi ni tatay. "No need sir. Gusto ko din naman talagang tumulong."

Hindi na nagawang magsalita ni tatay dahil tahimik na siyang umiyak. Tears of joy.

"Dito ka lang po tay. Bibili lang po kami ng makakain."

Pinunasan ni tatay ang kanyang luha saka tumango sa akin.

"Makakaasa ka anak."

Tipid akong ngumiti at sinenyasan si tukmol na sumunod sa akin. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto. Tahimik kaming naglakad palabas ng hospital.

"Salamat." Usal ko habang naglalakad kami palabas.

"No need to say it."

Isang mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa amin hanggang sa makarating kami sa kanyang kotse at makasakay.

"Wag kang mag-alala." Usal ko ulit habang bumabiyahe kami upang maghanap ng kainan. "kapag kailangan mo ng tulong sa babaeng yun, handa akong tumulong. Kapalit ng tulong mo sa aking nanay."

"I think when we will be back, it's your time to help me. But don't worry, while your helping me, I'll help your mom to get an appoinment on her operation."

Sinulyapan ko siya at tipid na ngumiti. "Maraming salamat talaga."

"Hmm."

Naging tahimik na muli ang aming biyahe. Wala yata akong lakas na maging mataray sa kanya ngayon. O mas tamang sabihin na hindi nalang ako magtataray sa kanya. Pwera nalang kung iinisin na naman niya ako.

Hindi pa din mawala sa isipan ko ang nangyari sa elevator. Alam kong iniisip din niya iyon pero hindi nalang siya nagtanong. Dahil kapag nangyari yun, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Huminto ang kanyang sasakyan sa isang kainan. Kahit naman probinsya itong lugar namin, marami namang mga paninda na makikita mo. Lalo na sa bayan.

Nauna na akong bumaba sa kotse at pumasok sa kainan. Alam kong nakasunod lang sa akin si tukmol dahil na rin sa tinginan ng mga babae dito sa kainan.

Pinilit ko ang sarili kong wag silang samaan ng tingin. Wala talaga ako sa mood ngayon na magtaray. Kailangan ko ng energy.

"Excuse me. Pa order naman ng apat na pack lunch at tatlong drinks." Wika ko sa babaeng kahera.

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang hindi niya narinig ang aking sinabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa likod ko. At alam ko kung sino yun.

Pasalamat ka at wala ako sa mood na magtaray, kundi kanina ka pa napahiya.

Malakas akong tumikhim upang kunin ang kanyang atensyon na nagawa ko naman.

"Apat na pack lunch at tatlong order ng drinks. Salamat." Ulit ko.

Nagkukumahog na nagsulat ang babae sa isang papel at ibinigay ito sa isang kahera na lalaki.

Nakatayo lang ako duon upang hintayin ang aming order.

"Bakit ka ba sumunod?" Tanong ko kay tukmol na nakapamulsang nakatayo sa tabi ko.

"Why? Is it forbidden to enter a handsome like me?"

Pinigilan kong umirap sa kanyang sinabi. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Hindi naman. Ang ipinagbabawal lang na pumasok ay mga tukmol na kagaya mo."

"Hey. What's tukmol?"

Bumabalik na naman yata ako sa mood na magtaray ulit.

"Ikaw."

Hindi ko na narinig ang kanyang boses. Napalingon ako sa babaeng kahera na pasulyap-sulyap sa aming dalawa.

"Ahm.. mag boyfriend po ba kayo maam?"

Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Yes/Were married."

Sinamaan ko ng tingin si tukmol na may bahid na ngisi ang labi. Narinig ko pa ang impit na pagtili ng babae na nasa nakatoka sa kahera.

"Wag kang maniwala sa kanya. Hindi kami kasal." Baling ko sa babaeng kahera.

"But soon, we will."

Tsk!

Hindi ko na siya pinansin at kinuha na lang ang order. Kinuha ko ang pitaka sa aking bulsa at akmang magbabayad nang may nauna na sa akin.

"Keep the change."

Naglapag sa harapan ko si tukmol ng isang libo. Hindi nalang ako nagprotesta sa gusto niya at ibinalik nalang ang pitaka sa bulsa.

Kinuha niya ang dalawang cellophane na naglalaman ng pack lunch at drinks saka nauna ng maglakad.

"Ang swerte niyo naman po sa inyong boyfriend, maam."

Hindi ko naituloy ang paglalakad ko nang magsalita ang babaeng kahera. Bumaling ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Salamat." Iyon nalang ang naging tugon ko.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi malamang kadahilanan ay napangiti ako sa kanyang sinabi.

Kung alam mo lang ateng kahera, nagpapanggap lang kami.

Binilisan ko ang aking paglalakad. Pumasok ako sa passenger seat nang makarating ako sa kanyang sasakyan.

"Wag ka ngang magbiro ng ganun." Sita ko sa kanya habang bumabalik kami pabalik sa hospital.

"We could turn it to reality if it's only a joke for you."

"Wag mo akong galitin ulit tukmol ka. Baka mabangga tayo ng wala sa oras." Nanggigigil na ani ko.

"Okay, okay. I'm zipping my mouth now."

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Ang dakilang mataray na si ako ay biglang napaamo.

LANGYA.

Iba na yata ito.

_

Kasama ko ulit si tukmol ngayon sa bahay dahil kailangan kong kumuha ng gamit upang dalhin sa hospital. Imbes kasi na si tatay ang kasama ko ay si tukmol ang sumama. Si tatay na lang daw ang maiwan sa hospital para bantayan si nanay.

Nasa sala siya ng bahay habang ako ay nasa kwarto ni nanay upang kumuha ng mga gamit. Kasama na din ang kay tatay. Hindi na ako kumuha ng gamit ko dahil uuwi naman ako bukas dito para maglaba ng mga damit na naiwan.

"Nagugutom kana ba?" Tanong ko kay tukmol na nakaupo sa sofa sa aming sala.

Malapit na din kasing gumabi kaya baka nagugutom na itong tukmol na ito. Ipagluluto ko na din si tatay at nanay para hindi na ako bibili pa mamaya.

"Why? Can you cook for me?"

Inilagay ko muna ang bag na naglalaman ng mga gamit ni nanay at tatay bago nakapameywang na hinarap si tukmol na komportableng nakaupo sa sofa.

"Bilang mabait na anak, magluluto ako. Hindi para sayo kundi para na din sa nanay at tatay ko."

Napabuntong hiningang tumayo siya sa sofa.

"I thought your not in the mood. But here it is, you starting again."

"Bumalik na ang mood ko at kung ayaw mong tarayan kita, wag kang magsalita ng mahahangin."

Naglakad na ako palayo sa kanya at pumunta sa kusina nitong bahay. Binuksan ko ang ref upang tingnan kung ano ang pwedeng lutuin.

Woi.

Kahit mahirap kami, may ref kami noh. Ito ang napag-ipunan ko nuong nagtatrabaho pa ako sa Café at hindi ko pa alam na may sakit si nanay.

Kinuha ko ang ilang piraso ng manok. Mukhang adobo ang lulutuin ko ngayon. Kompleto naman ang mga sangkap kaya hindi ko na pwedeng bumili sa tindahan.

"Am I boastful?" Biglang usal ni tukmol na sumunod pala sa akin.

Kinuha ko ang mga sangkap na kailangan ko at inihanda ito.

"Hindi mo ba alam?" Balik tanong ko.

Hindi naman talaga siya mahangin pero ewan ko ba, para sa akin ang hangin niya.

"Ahm.. no?"

Napairap ako at binuksan ang kalan. Mabuti nalang at may botane pa kaya hindi ko na kailangang gamitin ang panggatong.

Sinulyapan ko si tukmol na nakaupo na ngayon sa upuan na nasa lamesa at matiim na nakatitig sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"May past ba kayo nung Tanya na yun?" Bigla kong tanong habang naghihiwa ng bawang at sibuyas.

"Unfortunately, yes. She's one of my playmate when I'm just twenty or something."

Kaya naman pala.

"Babaero ka kasi kaya ganyan nalang ang kinahahantungan ni Tanya ngayon. Hindi ko parin ma-imagine na baliw sayo ang babaeng yun. Matanong nga, ilang taon kana ba?"

"I'm twenty nine and for your information, It's not my fault that Tanya is crazy on me."

Hinarap ko siya at dinuro-duro gamit ang sandok.

"Kasi nga babaero ka. Kung hindi mo pinatulan ang babaeng yun sa tingin mo mababaliw siya sayo?"

"But she knew from the start what's the real score between us. Hindi ko na kasalanan kung magkagusto siya sa akin. I'm hot as hell."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung mahangin ka pwede bang wag mo ng dalhin yan dito? Humanap ka ng lugar mo kung saan ikaw lang ang matatangay ng sarili mong hangin."

Hinarap ko ng muli ang niluluto ko dahil baka masunog pa ito ng dahil sa kanya.

"I said I'm not boastful. What I said is true."

"True-true-hin mo yang mukha mo. Hindi lahat ng sinasabi mo ay totoo."

"And what if I say, I could kiss you right now and I mean it. Hindi ba yun totoo?"

Muntik na akong mapaso dahil sa kanyang sinabi. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi bago pinatay ang kalan at hindi na sumagot sa kanyang tanong.

Alam kong hindi siya nagbibiro.

Kumuha ako ng lalagyan ng adobo at duon inilipat. Nilagay ko ang kawali sa lababo saka binuksan ang faucet upang lagyan ng tubig. Kinuha ko ang niluto ko at inilagay ito sa lamesa.

Kumuha ako ng dalawang plato, kutsara at tinidor at inilagay ito sa lamesa. Kumuha pa ako ng isang plato at sandok para kumuha ng kanin sa rice cooker. Nakapag saing na kasi ako kanina nang makapunta kami dito.

"Kumain kana."

Nilagyan ko ng kanin at ulam ang kanyang plato. Sinadya kong hindi mapatingin sa kanya dahil alam kong nakatitig siya sa akin.

Nilagyan ko din ng kanin at ulam ang aking plato.

"Jan—"

"Kumain kana kasi." Pagputol ko sa akmang sasabihin niya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga  bago ko maramdaman ang paghawak niya sa braso ko at paghila upang mapaupo ako sa kanyang kandungan.

And before I could utter a words, he claim fully my lips and savoured it.

Nahigit ko ang aking hininga at napahawak sa kanyang leeg nang muntik na akong mahulog.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinauupuan lalo na't hinapit pa niya ako palapit sa kanya.

"Don't doubt what I say. May isang salita ako." Mahinang usal niya nang pakawalan niya ang aking labi.

Habol ang hiningang napatitig ako sa kanya. Kagaya ng dati, na black out na naman ang utak ko kapag hinahalikan niya ako.

I couldn't utter a words when his lips press againsts mine, again. And before I could think, I wrap my arms in his neck and responds to his aggressive kiss.

Let me savour this feeling, kahit ngayon lang. Dahil simula't sapul, alam kong hindi ko na mapipigilan itong kakaibang pakiramdam ko kapag hinahalikan niya ako.

And I knew from the start, I'm in the danger zone.



RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

06-25-20

Continue Reading

You'll Also Like

150K 4.3K 43
MAXIMO LEO LUCERO: the number one cassanova and ruthless and the business man, wala sa ugaling mag seryoso para sa kanya "s*x is just a s*x"! YENNIE...
24.8K 2.9K 30
Lily Autumns has watched Allie Winters blow up her boss's, life three times. Once when Allie destroyed his company, and bought it for scraps, once wh...
26.9K 1K 12
Mia, the daughter of Mal and Ben, together with Evan, Jamie and CJ had always been curious about their parents, the original VK's adventures before A...
280K 7.9K 38
Date Start:June 6 2021 Date Finished:July 29 2021