Adrianna Rose Campbell POV
Nakaupo kami ngayon sa may punishment room hinihintay na bumigat ang buong paligid.
Naparusahan kami dahil hindi nakapagturo si Prof. Linton kaya nagalit ito sa amin.
I don't know why? May mga teachers na mas gustong nakatunganga lang kapag school time. Pero si Prof. Linton? Ewan ko don. Dapat pasalamat na lang siya at hindi siya dada nang dada sa harap eh wala namang nakikinig.
"Ikaw ang dahilan nito eh"
"You are the reason behind all of this sh*t"
Nagsisinghalan silang dalawa. Nandito na naman po tayo, nagbabangayan na naman ang dalawang tukmol.
Bumusangot na lang ako habang nakahalukipkip at tinitiis ang mga boses nilang parang mga baboy na mga lumulipad na akala mong mangkukulam.
"Anong ako?! Ikaw!"
"You!!"
Hindi parin sila tumitigil sa pagdadakdakan. Naririndi na talaga ako.
"Will the two of you shut your mouths? Hindi pa ba tapos ang reunion ninyo?"-inis na saad ko kaya napabaling sa aking ang kanilang tingin.
Sana hindi na lang pala ako nagsalita. Buset!
"Bakit nila sinasabing mute ka?"
"Why did you lie?"
What the hell!! Naririndi na ako!!
Magsasalita na sana ako ngunit biglang bumigat ang paligid kaya napaluhod kami. Para siyang gravity na pinupush kami pababa.
"Argghh first day na first day"- nahihirapan na saad ni Vien kaya napangisi ako. Haha serve him right. Gago kasi eh.
"Damn!"- mura ni Caspain ngunit hindi ko na lang pinansin at pinagtuonan ang aking mga kamay na ngayon ay nanginginig na.
Ang dapat sisihin ay ang dalawang tukmol na kasama ko! Mga Gago. Kung hindi lang sana nila ako pinag-awayan edi sana wala kami rito!
Paputol ko nalang siguro hair ko? Nahh wag na muna hindi pa ganoong kahaba eh.
"Sh*t"-mura ko nang madapa na ako sa semento. Great –__–. First kiss ko T___T!!
We should endure this kind of gravity for one hour. Curse you Linton!!! I really hate you now!!
Elisana Crawford POV
"She can talk"-mahinang usal ko habang i-naabsorb ng utak ko ang mga pangyayari kanina na naganap sa classroom namin.
Bakit siya naglihim? Sino ka ba talaga Adrianna?
Tinuon ko na lang ang aking mata sa kinakain ko. Nasa cafeteria na kaming lahat. As always kahit na mag-ingay kami ay wala namang makakarinig.
Tumingin ako sa orasan, one hour and a half na ang nakalipas nang ipatawag sila sa punishment room. Si Kegan lang ang palaging napupunta doon dahil palagi siyang nabibigyan ng punishment dahil sa nakikipaghalikan sa tabi tabi.
"Wahahah mararanansan na rin ni Caspian ang mapunta sa punishment room. Siguro ay tulog na iyon kaya wala pa siya rito wahahah. Weak!!"- taas na taas siya sa kanyang sarili. Palagi naman siyang ganyan, kapag wala si Caspain hayan nagiging hambog. Anu-anong sinasabi niya pero as always ganito na naman ang mangyayari.
Because Caspain is back
"Who's weak, Kegan?"-isang nakakatakot na tanong ni Caspian na nasa likod na ngayon ni Kegan. Namutla naman si Kegan at hindi na mapakali sa kanyang kinauupuan.
Yan kasi ahahha.
Nakita ko naman na nagpipigil tawa sina Accuis at Tenleigh. Haha bagay din sila noh? Psh.
Tumingin na ako kay Kegan na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ni Caspian at nakataas ang nakasaklop nitong mga kamay.
"Spare my life please! Madaming iiyak na babae! Hindi ko maatim na makita silang umiiyak kapag isa na akong kaluluwa na palaboy-laboy dahil pinatay mo agad ako na hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin"-pagmamakaawa ni Kegan kay Caspian kaya nagtawanan na naman sina Accuis at Tenleigh.
"Ano pa ba ang hindi mo nagagawa?"-takas kilay na tanong ni Aiken kaya napatingin ako sa kanya. Minsan lang siyang ganyan, na makipagsabayan sa kalukuhan.
"Hindi ko pa naipapalaganap ang aking lahi. Bubuntisin ko lahat ng mga babae sa mundo!"-sigaw niya kaya pinagbabato namin siya ng mga pagkain na nasa harapan namin. Inis na inis sina Tenleigh at Persephone. Natatawa lang ako ngunit hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi kaya binato ko rin ito.
"Aray! Aray! Tama na! Sino ba nagsabing kasama kayo don?"-nakataklob pa rin ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo at saka tumingin sa amin.
"Awww. So you respect us? Ganon?"-kinikilig na saad ni Tenleigh kaya napatingin kami sa kanya. Yung totoo? May nakain ba siyang uod?
"Anong respect? Baliw! Hindi kayo kasama dahil hindi ko kayo type. Mga magagandang babae ang type ko, noh"-nakahalukipkip na saad nito kaya binuhat namin ang aming mga upuan na babae at saka ibinato sa kinalalagyan ni Kegan. Todo iwas naman ito, takbo there at takbo here.
"Ahhh! Joke lang iyon!"-sigaw niya ngunit hindi namin siya pinansin at kumuha pa ng mga upuan at pinagbabato sa kanya.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas nang napagod na kami sa kakabato. Lupasay naman si Kegan sa sahig. Tinignan ko ang kabuoan ng lugar namin ngayon. Para siyang dinaanan ng ipo-ipo. Wasak na upuan at mga nagkalat na pagkain. Tumingin ako sa table namin ngunit mga upuan na lang at mga tirang pagkain ang nandoon. Wala na sina Aiken, Accuis at Caspain.
"Nasaan na sila?"-takang tanong ko kaya napatingin silang tatlo sa table namin.
Nakatayo na lang kami habang nakatingin sa walang taong lamesa namin.
Nasaan na sila?
Tumingin ako sa glass wall, nakatingin ang mga estudyante sa amin.
Tumingin ulit ako sa paligid. Ang dumi na. Nagkatinginan kaming lahat nina Kegan, Tenleigh, Persephone at ako saka kami nagtawanan.
Napatigil lang kami dahil sa malakas na sigaw ang umalingawngaw.
"Go to the punishment room, NOW!"
Adrianna Rose Campbell POV
Nasa loob kami ngayon ng Hm Office kung saan nakaupo ngayon si Vien na paikot-ikot.
"Hey Vien, stop it. Ako ang nahihilo sayo eh"-saad ko at saka naglikot sa sofa.
"Ok. So bakit sinasabi nila na mute ka?"-takang tanong nito sa akin at saka umupo ng maayos sa upuan.
Pano ko ba sasabihin?
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya, ang taong matagal kong gustong makita.
"Hindi ka ba galit?"-tanong ko sa kanya at tumingin sa malaking bintana dito sa office.
Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya. Tinititigan lang niya ako.
"Hoy"-tawag pansin ko kaya napakurap-kurap naman ito.
"Hindi na, matagal na iyon. Hindi na tayo bata"-naiiling na saad nito kaya napatitig ako sa kanya.
Hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihin. Ang akala ko magagalit siya sa akin dahil sa mga sinabi ko. Ngunit ako pala ang mali. Dahil inisip ko na makasarili siya.
Napangiti ako, my best friend is now with me.
Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa bumalik ang sinabi ni Lea sa akin.
'Tahimik rin siya ngunit madaling magalit kapag may nakikita siyang lobo'
✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳
Oo nga noh? Hehe pano na si Prim niyan? Huhuhu my Prim!!!
Ano kaya ang mangyayari ngayon? Ngayon na dumating na si Vien?
Talagang malilito na ako. Sino kaya ang magiging love team? Huhu
Mag-isip nga kayo hehe.
Have a great day.
Keep safe.