Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.5K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Author's Note

Kabanata XXXI

23.2K 992 802
By Airosikin

NAKASIMANGOT habang nakaupo ang batang babae na apat na taong gulang sa labas ng kanilang mansyon. Dala na niya ang kanyang bola upang magbaseball kasama sana ang ilang bata ngunit dahil sa malakas na ulan, hindi niya magawang makalabas.

"Yvonne, baby, what are you doing here?" Tinig ng isang lalaki mula sa bungad ng pinto. Napalingon naman si Yvonne dito ngunit palihim na napairap dahil ang kanyang Papa lamang pala ito.

"Wala po, Papa. Malungkot lang ako." Nakasimangot na pahayag ng bata sabay salumbaba pa at mas lalong bumusangot ang mukha.

"Bakit malungkot ang anak ko? May umaway ba sa'yo? Nag-away ba kayo ng iyong Ate Ysabela?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Ama habang naglalakad ito palapit sa kinauup
uan ng batang babae saka tumabi dito.

"Hindi, Papa. Wala pong kinalaman si Ate Ysabella." Nakangusong pahayag ng bata.

"Then what's wrong?"

"Umuulan po kasi e!" Bulalas niya sabay padyak ng paa dahil sa inis. "Hindi po ako makalabas! Maglalaro ako dapat ng baseball kasama po friends ko." Salubong ang kilay na pahayag ng batang babae habang pinaniningkitan pa rin niya ng mga mata ang ulan.

"Why don't you wait till the rain stops?" Suhestyon ng kanyang Ama pero inirapan niya muna ito bago sumagot.

"Pero Papa! Ang dilim po ng langit! May storm nga raw po sabi ni Yaya e! Baka bukas na po iyan titigil." Nagmumukmok niyang pahayag saka muling bumusangot.

"Then you can play tomorrow with your friends. Sigurado, hindi rin sila papayagan ng magulang nila maglaro sa ganito kalakas na ulan."

"Pero may practice na po ako ng martial arts bukas." Nakangusong pahayag muli ng batang Yvonne.

"The next day?"

"Papa naman e!" Muling bulalas ng batang babae sabay tingin ng masama sa kanyang Ama. "Ayaw ko na po sa ibang araw! Gusto ko ngayon! Bakit po ba kasi umuulan?! Nakakainis naman!" Reklamo niya pa saka padabog na binato ang bola sa malayo.

"Rain is a natural phenomena in this world, Yvonne." Iiling-iling naman na pahayag ng kanyang Ama na muling ikinairap ng batang Yvonne.

"Ayaw ko po kapag umuulan! Ipagpray ko po kay Papa God na huwag na umulan habang-buhay para makapag-play na ako sa labas!" Pinagdaop pa niya ang mga palad at pumikit saka nagsimulang magdasal. Hinawakan naman ng lalaki ang kanyang mga kamay at natatawa sa ginagawa ng anak. Kahit madalas umasta o magsalita si Yvonne na parang matanda ay hindi pa rin talaga mawawala ang pagiging bata nito sa puso, isip ng kanyang Ama.

"Yvonne, you shouldn't be selfish. Alam mo na hindi tayo mabubuhay kapag walang ulan." Suway niya sa anak pero binawi lang nito ang mga kamay at pinagkrus ang mga braso.

"Pero Papa! Hindi po ako 'shellfish'! Iyong mga playmates ko rin po makikinabang kapag hindi na umulan! Makakapag-laro na po kami." Pagrarason niya pa dahilan para muling matawa ang ama.

"Oh, sweetie." Hinaplos pa ng lalaki ang buhok ng anak bago magpatuloy. "Paano naman iyong iba? Ang mga hayop na umaasa sa tubig-ulan? Ang mga magsasaka na kinakailangan ng ulan para sa kanilang pananim? Ang mga puno? Tayong mga tao?" Pagpapaintindi ng lalaki sa anak ngunit umirap lamang ito.

"Hmp! Paano naman po ako? Wala naman pong naidudulot na maganda sa akin ang ulan! Palagi na lang ako di makalaro kapag umuulan." Nakaismid na pahayag ng batang babae saka muling sinamaan ng tingin ang madilim na kaulapan.

"Yvonne, Do you know that there is something nostalgic, relaxing, and beautiful about the rain? There is something magical from this natural occurrence. It makes you pause and reflect while watching the showers from our window. It makes you realize that there are terrific life lessons you can learn from it. Can't you feel that?" Napatanga naman ang bata sa sinabi ng lalaki hanggang sa magsalubong ang kilay ng batang Yvonne.

"Life lessons? Like, it gives us fresh water to drink, helps farmers grow crops, and keeps everything green and lush?" Paliwanag pa ni Yvonne habang inaalala ang sinabi ng kanyang tutor sa Science.

"Those are just scientific lessons, honey. What I'm talking about is moral life lessons."

"Like what? Like rain makes us gloomy, sad, and lonely so rain should not exist anymore?" Kunot-noo pa rin na pahayag ng bata na mahahalata talaga ang sama ng loob sa ulan.

"No, Honey. What makes you say that? Ganiyan ba nararamdaman mo kapag umuulan?" Nag-aalalang tanong ng lalaki na ikinatango naman ni Yvonne.

"Sometimes."

"Let's change that perspective then." Nakangiting pahayag ng kanyang ama dahilan para naguguluhang nilingon siya ng anak.

"How?" Napuno ng mga katanungan ang mga mata ng bata at mas nagningning pa ito habang nakatingin sa ama.

"Let me tell you how I proposed to your Mom." Nagniningning ang mga mata na suhestyon ng lalaki at inalala ang oras kung kailan narinig niya ang matamis na 'Oo' ng babaeng kanyang minamahal. Napangiwi naman si Yvonne dito.

"You already told that! You proposed to her in front of that arch in UST right?" Paliwanag niya pa sa Ama habang inaalala ang kuwento nito noon. Nagtapos kasi ang mga magulang niya sa Unibersidad ng Santo Tomas at doon naisip ng kanyang Ama na mag-propose sa kanyang ina.

"Well, yeah, but I didn't tell you how it ended aside from hearing her sweetest 'yes'." Nakangising pahayag ng lalaki dahilan para mapukaw ang atensyon ni Yvonne dito.

"Really? Ano nga palang nangyari, Papa?" Hanggang doon lang kasi ang napakinggan niya sa lumuhod ang kanyang Ama. Alam niya na rin kasi na papayag ang kanyang ina at syempre, maghahalikan ang mga magulang niya na ayaw nang marinig ni Yvonne dahil nandidiri siya dito.

"It rained that time." Kaswal na aniya habang nakatanaw sa malakas na ulan.

"That's horrible!" Bulalas naman ni Yvonne habang nanlalaki pa ang mga mata at napatakip na lamang ng kanyang bibig. Nalungkot siya para sa ama lalo na ng maisip niya ang hitsura nila parehas ng kaniyang ina.

"No, sweetie, believe me it wasn't horrible it was actually the other way around." Matamis ang pagkakangiti na sambit ng lalaki na mas ipinagtaka naman ni Yvonne.

"Really? How? Why?" Naguguluhan niyang tanong habang namimilog ang maganda at buhay na buhay nitong mga mata.

"Nakaluhod na ako sa Mommy mo noong mga oras na iyon. She was about to say when rain suddenly poured down. Well, I even thought that that was supposed to be the most memorable part of our lives but what can I do? Instead of mopping around, I thought, why not make peace with it? Why not deal with it? Tutal umuulan na naman at wala na kaming magagawa dahil nakaluhod na ako ayoko naman mag-inarte sa harap ng Mommy mo." Kuwento ng ama na bahagya pang natatawa habang inaalala ang matamis na nakaraan habang si Yvonne naman ay mariing nakikinig dito.

"Make peace with it?" Naguguluhan niyang tanong at humarap pa ng pagkakaupo sa ama.

"Make peace with it. Make peace with the discomfort, essentially." Paliwanag pa ng lalaki.

"I don't get it, Papa." Nakangiwing pahayag naman ng bata habang iiling-iling pa ito. Huminga naman ng malalim ang kanyang ama saka nagpaliwanag.

"You see, honey, we humans aren't very good at making peace with discomfort or trouble - physical, mental, or emotional. We are beings that will do almost anything to avoid something that most probably will ruin or have ruined our plans. Just like that time, I really wanted to have the most perfect wedding proposal with the sun shining so brightly, and the fountain beside the arch is dancing beautifully. But then I realized, the rain made it more magical, more memorable, it made it better. The rain may have changed my plan, but that just gives us an opportunity to make a new and different one, or to enjoy the chance to make it more fascinating and brilliant." Nakangiting pahayag ng lalaki habang nakatingin ito sa mga mata ng anak na unti-unting iniisip ang kanyang mga sinasabi. Alam niyang bata pa si Yvonne para sa mga ganitong usapan pero matalino ang kanyang anak at kaya nito intindihin ang mga ganitong bagay. Nagmana ata si Yvonne sa kanyang ina - maski ang pag-uugali nito.

"Does that mean, I should view the rain in a different perspective too?" Nagtatakang tanong ni Yvonne dahilan para mapangiti ang kanyang ama sa sagot niya.

"Smart girl. Yes, honey. The rain taught us that simple and unexpected things can be beautiful too." Saglit naman natigilan si Yvonne dito hanggang sa muling kumunot ang kanyang noo.

"Pero, Papa, bakit nalulungkot pa rin ako kapag umuulan? I feel discomfort whenever it rains that's why I just want it to go away!" Umakto pa ito na pinapaalis ang ulan saka iniismiran. Natawa naman ang ama niya sa kanya.

"Katulad nga ng sabi ko, ang mga katulad natin, hindi sanay sa sakit, hindi sanay na hindi nasusunod ang mga gusto, hindi sanay sa biglaang pagbabago. We'll take a pill at the slightest amount of pain. We'll break off friendships or relationships when things get complicated or the spark's not that too strong anymore. We'll drink alcohol when life gets stressful. Doing something like those instead of learning something from it, nstead of gaining something.We don't want to sit with the lesson. We don't want to learn what's being taught. We just want to make things easier on ourselves and take the path of least resistance." Napapaisip na rin ang kanyang Ama kung tama pa ba ang mga sinasabi niya sa anak na apat na taong gulang ngunit nakahinga naman siya ng maluwag matapos makita si Yvonne na mariing nag-iisip habang pinaglalaruan ang mga daliri ng kanyang Papa.

"Learn? Tulad ng ano, Papa?" Pagtatanong muli nito habang ang utak niya ay patuloy na pinoproseso ang sinasabi ng ama. Nag-isip naman ang kanyang ama at naalala ang minsa'y sinabi ng kanyang asawa.

"Your Mom once said, though, "Nothing truly goes away before it teaches you what you need to learn". And I think she's right. That time, maybe the rain has its own purpose; maybe it happened for a reason, and I realized that it taught me how to appreciate simple things, how to be creative with what I have, how to view something that gives me discomfort into a much better way. And for you..."

"Paano naman ako, Papa? What can rain teach me about life?" Hinawakan naman ng lalaki ang kanyang ulo bago nakangiting sumagot dito.

"Maybe rain can teach you to love something you are afraid or not fond of. You love the sunshine right? You love the sunny days, but life isn't always about sunny days, we still have rainy days and maybe this time, you'll learn how to step out of your comfort zone and enjoy the situation where you are currently in. You'll learn how beautiful it is to give something a chance you never thought would be the most beautiful thing in the world." Kahit masyadong matatalinhaga ang sinasabi ng kanyang ama ay sinubukan pa rin ito intindihin ni Yvonne. Umupo pa siya sa kandungan nito at bahagyang naglambing.

"Well...I don't quiet get it but, Papa?" Tiningala ni Yvonne ang ama.

"Yes?"

"Honestly speaking, it's hard to love the rain. Mama always feel sick when jt rains too because it's cold, you know she can't stand cold weather right?" Tumango naman ang ama niya sa kanyang tanong kaya nagpatuloy si Yvonne. "I can't see any significance why I should love it because for now, I can't even think of a situation where the rain gave me something precious to remember at." Seryosong pahayag ng bata kaya naman marahang hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay.

"You just can't get to the lesson without testing your comfort zone boundaries, honey. Lessons are never easy. They're never uncomplicated. There doesn't seem to be much of an education in things that comes easy and is spoonfed to you. Kaya maaaring para sa'yo, ang mahalin ang ulan ang pinakamahirap na gawin pero paano mo malalaman ang aral na nakapaloob dito kung hindi mo susubukan? Kung magpapadaig ka sa 'Paano kung' o 'wala rin mangyayari'." Matagal na hindi nakasagot si Yvonne sa kanyang ama. Inintindi nito ng mabuti ang mga salitang kanyang narinig. Nagpapasalamat na lang siya na mataba ang utak na namana niya sa mga magulang kaya mabilis niya itong naintindihan.

"Okay... I get it." Pagsuko niya sa ama sabay buntung hininga pa.

"Really? So, do you still hate the rain?" Nakangiting tanong ng kanyang ama.

"A little but...I'm willing to take the risk." Nakangiti nang pahayag ni Yvonne sa kanya saka ito tumayo ng maayos at humarap sa ama.

"That's great! But how?" Panghahamon ng lalaki dahilan para mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Yvonne sa kanya.

"I want to play in the middle of the rain! Come on, Papa! Let's play ball!" Malakas na sigaw ni Yvonne saka hinila ang ama para maligo sa ulan. Bahagya naman nagulat ang lalaki dito at sinubukang magpumiglas.

"But, I'm still wearing coat and tie!" Natatawang pahayag ng lalaki dahil kagagaling lamang ito sa opisina ngunit nagpapatangay na rin sa kanyang anak.

"That's fine, Papa! I'm willing to take the risk with you! Mahirap sumubok ng mag-isa sa unang pagkakataon kaya kahit dito lang, gusto kita kasama, Papa!" Magiliw na pahayag ni Yvonne at tuluyan nang nahila ang kanyang ama.

"Okay. Anything for you my sweet Yvonne." Bumigay na rin ito at sumama na sa anak. Masaya silang nagtampisaw sa gitna ng ulan at ang araw na iyon ang isa sa pinakahindi makakalimutang araw ni Yvonne dahil sa mga alaala at payo na ibinibigay ng kanyang ama.

● ------ ●

ELIANA'S POV

ALAM kong umaga na at nararamdaman ko na ang hapdi sa balat ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Ngunit nanatili lamang akong nakapikit at tamad na tamad idilat ang aking mga mata. Maski ata paghinga katatamaran ko ngayong araw. Akmang babalik na sama ako sa pagtulog nang makarinig ako ng mga bulungan hindi kalayuan sa akin dahilan para mangunot ang noo ko.

"Leandra naman e, ikaw na ang gumising kay Prinsesa Eliana. Alam mo naman kagabi na mainit ang ulo niya bago matulog kaya baka mapagbuntungan na naman ako." Bulong ni Stella kay Leandra na hindi naman ata bulong dahil dinig na dinig ko ang matinis niyang boses kahit nakatalukbong pa ako ng kumot.

"Stella, ano ka ba naman! Kita mong hinahanda ko pa ang pampaligo ng Prinsesa, gisingin mo na siya at baka mahuli pa siya sa klase niya." Saway naman sa kanya ni Leandra dahilan para makarinig ako ng singhal mula kay Stella. Ano bang problema nila? Ang aga-aga pinagtatalunan na naman nila ang trabaho gayong parehas naman silang responsibilidad ako.

"Ako na bahala dyan, Leandra. Dali na at ikaw na ang gumising sa kanya. Sige na naman oh!" Pakiusap pa ni Stella ngunit sininghalan naman siya ni Leandra.

"Ayoko nga! Sabi ko sa'yo may ginagawa ako e!" Iba rin ito magmaldita si Leandra talagang hindi magpapatalo.

"Sus! Natatakot ka rin e! Halos mangatog ka rin kagabi nang bugahan tayo ng prinsesa ng sermon." Pang-aasar sa kanya ni Stella dahilan para awtomatikong mamulat ko ang aking mga mata. Mukhang ako nga talaga ang pinag-uusapan nila. Buwisit na mga alalay ito at may lakas ng loob pa pagtsismisan ang amo nila. Kaimbyerna! Bigla rin namang nag-init ang ulo ko nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Eryx.

Naalala ko na naman ang lalaking iyon! Ang pagpapahiya niya sa akin! Ang mga pambabara niya! Hindi ko talaga makakalimutan ang mga pinagsasabi niya sa akin at sisiguraduhin ko talagang matatameme naman siya sa susunod. Dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin ay nasira na ang buong gabi ko at halos lahat na lang ata ay inaaway ko o sinisinghalan kahapon. Maski si Aera na sasabayan sana ako maglakad pabalik ng dormitoryo ay sinungitan ko. Mangiyak-ngiyak tuloy siya sa akin kahapon pero hindi naman ako nakonsensya dahil naiimbyerna ako sa kadaldalan niya. Hindi rin ako naghapunan at inis na lang ako nagbabad sa paliguan hanggang sa bahagyang lumamig ang ulo ko. Ngunit dahil natural akong nabubwisit kina Leandra at Stella ay sila naman ang napagbuntungan ko hanggang sa makatulog na ako na masama pa rin ang loob. Mukhang ngayong araw ko mapagpapatuloy ang pagkainis ko sa sarili ko at kay Eryx.

"Hindi ako natatakot dahil sanay na ako sa kanya. Ikaw lang talaga ang nakatoka na gisingin siya sa umaga at ako ang sa pagpapaligo." Pagpapaalala pa sa kanya ni Leandra. At talaga namang pinag-aawayan pa nila kung sino ang gigising sa akin. Nagawa na nila ito sa akin noon at talagang uulit pa sila. Nakakainis dahil nawala na rin ang antok ko at anumang oras ay bubulyawan ko na sila.

"E natatakot ako! Mainit talaga ang ulo niya kagabi kaya baka hindi pa lumalamig iyon hanggang ngayon at mabugahan na naman ako ng apoy." Bugahan ng apoy? Bakit? Ano ba ako? Dragon? Baka gusto ni Stella makatikim ng totoong apoy kapag tinusta ko siya dahil sa mga komento niya. Bastos talaga ito at nagagawa pa nila akong pag-usapan.

"Malay mo naman malamig na." Tipid na komento ni Leandra at balak pa ata sumagot ni Stella sa kanya ngunit marahas kong inalis ang aking talukbong at taas-kilay silang binalingan.

"Paano pa lalamig kung ang aga-aga pinapainit niyo lalo ang ulo ko? Ano bang pinagtatalunan niyo dyan at kailangan talaga magbulungan kayo na dinig na dinig ko naman?" Inis kong pahayag sa kanila dahilan para gulat naman silang mapalingon sa akin. Bigla namang namutla si Stella habang si Leandra naman ay muntikan pang mabagsak ang mamahaling takure na hawak niya. Muntik pa nga ako matawa dahil takot na takot talaga ang hitsura nila. Parang mga ewan.

"Pasensya na, Prinsesa Eliana, gigisingin ka na rin sana namin. Tinatapos ko lang ang paghahanda ng iyong pampaligo." Nakatungong pahayag sa akin ni Leandra dahilan para mapataas lalo ang kilay ko. Sumasagot pa siya, kaya lalong umiinit ulo ko e.

Umismid muna ako bago umayos ng upo sabay de kuwatro. Pinasadahan ko rin ang buhok ko gamit ng aking mga daliri at napahawak na lang ako sa tungki ng aking ilong ng may bigla akong maalala.

Papa...

Sumasakit ang dibdib ko matapos mapanaginipan ang aking totoong ama. Hindi naman ito ang unang beses na napanaginipan ko si Papa pero tumatagos sa puso ang mga simasabi niya. Para bang may ipinapahiwatig ang mga payo niya sa akin at nasasaktan ako doon. Naapektuhan masyado ang puso ko dahil doon. Hindi ito emosyon ni Eliana kundi emosyon ko bilang Yvonne. Ewan ko pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayong araw, pakiramdam ko sasabog ang ulo ko dahil hindi maganda ang gising ko at ang dibdib ko ay naninikip dahil sa hindi maipaliwanag na emosyon. Nangungulila ba ako kay Papa? Tama ba na maalala ko pa siya? Ewan ko! Nasisiraan ako ng ulo kapag iniisip ko pa lalo!

Binalingan ko na lang ang mga katulong ko na nakatungo sa aking harapan at hindi pa rin makatingin sa akin. Tsk. Bakit ba masyado pa rin silang matatakutin sa ugali ko? Parang tanga.

"Ayokong maligo." Bagot kong deklara sa kanila habang nakataas pa rin ang aking kilay. Ewan ko pero tinatamad talaga ako kumilos ngayong araw. Paninindigan ko na talaga iyon.

Gulat naman silang nag-angat ng tingin sa akin at naunang magsalita si Stella.

"Hindi ka maliligo, Prinsesa Eliana?" Tangang tanong niya na mas lalo na lamang nagpasakit ng ulo ko. Hindi na ata matatanggal ang pagiging tanga ni Stella. Nakakaimbyerna.

"Kasasabi ko lang, Stella hindi ba?" Inis kong pahayag saka itinuro pa ang takure na nasa lapag na.

"Sabi ko nga po hindi ka maliligo, mahal na prinsesa" kamot-ulo niyang pahayag sa akin na ikinairap ko na lamang sa kawalan.

"Pero Prinsesa Eliana, mahuhuli na po kayo sa klase kung hindi pa po kayo maliligo." Singit naman ni Leandra sa amin dahilan para siya naman ang taasan ko ng kilay. Tingin niga ba papasok ako ng hindi naliligo? Mandiri nga siya!

"Hindi na rin ako papasok." Bagot ko pa rin na sagot na ikinagulat nila lalo. "Ayoko nga maligo tapos papapasukin mo ako, mag-isip ka nga, Leandra." Pagtataray ko sa kanya pero mukhang hindi naman siya naapektuhan at muling humirit.

"Pero Prinsesa Eli---" Pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay ko.

"Ayokong kinukuwestyon ang sinasabi ko pero alam ko namang mapilit ka Leandra kaya sasabihin ko na ang dahilan. Hindi ako papasok dahil tinatamad ako. Tapos." Masungit kong pahayag sa kanya saka ako tumayo at dumiretso sa banyo para maghilamos. Sinundan naman nila ako na may nag-aalalang tingin.

"May sakit ka po ba mahal na prinsesa? Masama po ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Leandra at akmang hahawakan niya pa ang noo ko pero agad ko rin itong tinabig. Kitang naghihilamos ako e!

"Tsk! Ano ba?!" Mainit talaga ang ulo ko at totoo ang sinasabi ni Stella na nambubuga ako ng sermon kapag ganoon. Sanay na sanay ako sa mahaba-habang talakan dahil hindi naman ako katatakutan sa kumpanya ko noon kung hindi ako demonyo magsalita. Kapag masama ang gising ko, damay na buong araw ko pati mga tao dito.

"Pasensya na po, Mahal na Prinsesa." Napapahiya at nauutal niyang pahayag pero inirapan ko lang siya.

"Ang dami pang satsat. Tsk." Mahinang bulong ko sabay baling kay Stella na nakatanga lang sa tabi. "Stella!" Malakas na pagtawag ko sa kanya dahilan para mapatalon siya sa gulat at hindi naman siya magkandaugaga sa paglapit sa akin.

"P...Po, Prinsesa Eliana?" Nauutal niyang tanong. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata bago sumagot.

"Ikuha mo ako ng agahan sa kantina. Nagugutom ako." Medyo mahinahon kong utos sa kanya habang pinupunasan ang aking makinis na mukha.

"Ano pong gusto niyong agahan?"

"Ano pa ba ang madalas kong kinakain?!" Parang hindi naman siya araw-araw kumukuha ng pagkain ko. Ano ba naman iyan.

"Baka po kasi may iba kayong gusto dahil mukhang hindi maganda ang gising mo, Prinsesa Eliana." Nakangusong pahayag ni Stella na ikinairap ko naman saka ako pumameywang.

"Gusto kong kumain ng karne ng Athenatoi, mabibigay mo ba iyon? Kakatay ka ba ng Athenatoi para sa akin?" Taas kilay kong paghamon sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata niya sa akin.

"Kakain po kayo ng karne ng Athenatoi? Pero saan po ako kukuha ng ga---"

"Ewan ko sa'yo, Stella. Umalis ka na nga sa harapan ko!" Pangtataboy ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya nagpapigil at humirit pa. Bilib talaga ako sa kakulitan niya. Grabe!

"E sigurado ka po ba na wala kang ibang nais maliban sa karne ng Athenatoi? Bawal po kasi kumain ng ganoon pero mukha po talagang hindi maganda ang gising mo, mahal na prinsesa---" Nakatungong pahayag pa ni Stella habang nilalaro-laro ang kanyang daliri at hindi makatingin sa mga mata ko. Inis naman akong pumameywang sa kanya at pinutol ang sinasabi niya.

"Hindi na nga maganda ang aking gising, pati ba araw ko sisirain mo?" Gigil kong pahayag kaya mabilis siyang umiling at paulit-ulit na yumuko.

"Hindi po. Sige kukuha na po ako ng agahan." Natatarantang pahayag ni Stella saka siya nagtatakbo palabas na madaling-madali. Dama ko naman na nakatingin pa rin sa akin si Leandra na may mga nag-aalalang mata. Alam ko na ang sasabihin niya. Kilalang-kilala ko na si Leandra.

"Prinsesa Eliana, ayos ka lang ba talaga---" Tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. Naitikom niya naman ang bibig niya.

"Manahimik ka." Malamig kong tugon at nakita ko pang bumalatay ang takot at lungkot sa mga mata niya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon saka ako dumiretso sa upuan malapit sa bintana at umupo. Agad ko naman natanaw ang malawak at madamong Field ng akademya.

Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Leandra pero hindi ko siya matingnan. Hindi naman talaga ako nakokonsensya, pinipigilan ko na lang ang sarili ko na magtaray pa dahil baka umiyak na siya. Problema ko pa di ba?

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ang babaw naman kung si Eryx ang dahilan nito. Ano nga bang pakialam ko sa bugok na iyon? Tsk.

Yvonne, anak...

Napakuyom ako ng kamao nang maalala ang aking panaginip. Kaya ba wala ako sa wisyo dahil sa panaginip ko? Dahil kay Papa? Dahil nangungulila ako sa aking tunay na Ama? Pero mali iyon! Hindi na ako si Yvonne, hindi na ako makababalik bilang Yvonne. Si Eliana na ako! Si Eliana na ako! Ako na si...

Napasubsob na lang ako sa aking tuhod at niyakap ito saka bumuntung hininga. Oo na! Nangungulila na ako sa Papa ko! Gusto ko na makita si Papa. Gustong-gusto ko na siya makita. Pero alam kong impossible iyon. Alam kong hindi na mangyayari iyon. Pero paano maiibsan ang sakit na nararamdaman ko? Paano matatanggal ito sa isipan ko? Ilang linggo na akong namamalagi dito, sinusubukang kumbinsihin ang aking sarili na ako na si Eliana, na hindi na ako si Yvonne pero nagsusumigaw pa rin ang sistema ko na masyadong mabilis! Masyadong mabilis ang mga nangyari sa mundo ko noon at hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa aking Ama. Sa tunay at natatangi kong ama.

"Prinsesa Eliana..." Marahang pagtawag sa akin ni Leandra pero hindi ako nag-angat ng tingin. Hindi rin naman ako magdadrama sa kanya dahil wala sa bokabularyo ko iyon. Kailangan ko lang magpalamig ng ulo, kailangan ko lang mapag-isa at makapag-isip.

"Prinsesa Eliana alam kong hindi talaga maganda ang gising mo at maaring tungkol o kaugnay din ito ng dahilan kung bakit mainit ang ulo mo kahapon---" Marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya dahilan para matigil siya sa pagsasalita.

"Walang kinalaman ito sa nangyari sa akin kahapon." Matigas kong pahayag saka muling nag-iwas ng tingin. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa tanawin sa labas ng bintana kaysa mukha ni Leandra ang tingnan ko. Lalo lang iinit ang aking ulo.

"Kung ganoon, bakit mainit ang ulo mo mahal na prinsesa? May problema ka ba?" Malamyos niyang pahayag sa akin dahilan para muli na naman akong magtaray sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko, Leandra. Ang ingay mo." Salubong ang kilay na asik ko na agad niyang ikinagulat.

"Prinsesa naman..." Pagsusumamo niya pa sa akin na mas lalong ikinainit ng ulo ko. Hindi ba marunong si Leandra makaintindi?! Kailangan kong mapag-isa! Mahirap ba isaksak sa kokote ang ganoon kasimpleng konteksto sa bawat salitang binibitawan ko sa kanila? Nakakakulo ng dugo!

"Tsk. Di ba sinabi ko sa'yo na huwag mo akong kausapin? Hindi ka ba marunong makinig?"

"Marunong naman mahal na prinsesa pero hindi ko hahayaan na magkaganyan ka at wala man lang akong magawa."

"Wala ka talagang magagawa kaya puwede ba? Lubayan mo muna ako." Malamig kong pahayag sa kanya.

Nanatili naman siyang tahimik sa tabi ko habang ako naman ay nakamasid sa kawalan. Ewan ko, tinatamad na rin akong mag-isip dahil tuwing naalala ko ang pangungulila ko sa aking Ama ay gusto ko na lang manuntok ng manuntok hanggang sa masugatan ako at doon mabaling ang nararamdaman ko. Tsk. Bakit ba kasi hindi na lang nawala ang alaala ko noong naging si Eliana ako? Hindi ba puwede iyon? Bawal ba ako humiling na mawala na ang mga alaala ko tutal kahit saan naman ako mapunta, nasasaktan pa rin ako kaya baka puwedeng ibalato na sa akin ang pagkakatanggal ng alaala ko. Nasa kalagitnaan naman ako ng pagmumuni ng magsalita si Leandra. Nandito pa pala siya sa tabi ko. Akala ko ba umalis na siya?

"Nangungulila ka ba sa iyong ina, mahal na prinsesa?" Natigilan naman ako sa sinabi ni Leandra at mabilis akong napalingon sa gawi niya. Nakatingin na rin pala siya sa akin saka marahang ngumiti.

"Naalala ko kasi na tuwing umaalis ang iyong ina noon para sumama sa mga paglalakbay ng iyong ama ay ganito ka rin halos umakto liban na lang sa mga maaanghang mong salita." Natigilan naman ako sa impormasyon na narinig ko at ewan ko ba, bahagya rin akong kinilabutan dahil may pagkakaparehas pala kami ng lampang Eliana. Akala ko ba anghelita ang babaeng iyon? Hindi ko naman maisip na kaya niyang magmaldita sa harap nina Leandra pero nabanggit niya na liban sa maaanghang na salita.

"Oh, anong gusto mong sabihin, Leandra?"Pagtataray ko sa kanya ng mapagtanto na may ibang ibig sabihin ang sinabi niya. E di masama na ang ugali ng Eliana ngayon? Imbyerna ito.

"Nagbabakasakali lang ako na baka kaya mainit ang ulo mo ay dahil nangungulila ka sa iyong ina. Noong bata ka pa kasi, halos hindi mo kinakausap ang kahit na sino sa palasyo hangga't hindi pa nakakauwi si Reyna Elaine. Marahil ay hindi mo na naaalala ang bagay na iyon pero mukhang hindi pa rin naman nagbabago ang gawi mong ito." Muli akong kinilabutan sa mga sinabi niya at napahawak sa aking ulo dahil parang may mumunting alaala ang nanumbalik sa aking utak. Bigla kong naramdaman ang emosyon na nararamdaman ni Eliana o dahil parehas lang kaming nangungulila ngayon sa aming magulang kaya naramdaman ko iyon? Siya sa kanyang ina at ako sa aking ama. Para kaming tanga kung ganoon nga ang dahilan.

"Tama ba ako, Prinsesa Eliana?" Nakangiti pa ring pahayag ni Leandra sa akin na ikinairap ko lang.

"Hindi mo lang ba maamin ang nararamdaman mo?" May himig ng pang-aasar na pahayag niya.

"Tsk. Huwag mong pangunahan ang mga kilos ko dahil hindi ako ikaw, Leandra!" Hindi porke't kinakausap ko na siya ng medyo mahinahon ay napunto na niya ang nararamdaman ko. Ano bang alam niya bilang ako na ito, si Yvonne at hindi ang totoong Eliana na kanyang alaga?

Bigla naman lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha dahilan para mapasimangot ako lalo.

"Pasensya na, akala ko kasi nangungulila ka na sa iyong ina." Halos pabulong at lugmok niyang pahayag dahilan para umusbong na naman ang aking inis.

"Ano bang pakialam ko sa---" Napahinto rin ako bigla sa dapat kong sasabihin. Hindi. Hindi dapat ako magsalita ng masama laban sa ina ni Eliana. Alam kong alam nila na nawalan ako ng alaala pero mali na umakto akong parang walang pakialam kay Elaine. Baka maghinala pa siya sa katauhan ni Eliana at mabulilyaso ako.

Nanahimik naman ako bigla at umayos na lang ng upo. Naging daan naman ito para makasingit muli si Leandra.

"Gusto mo na bang magkuwento ako tungkol sa iyong ina?" Nakangiti na niyang pahayag na para bang hindi siya dumaan sa pagkalugmok kanina. Inirapan ko naman siya bago sumagot.

"Nagtatanong ba ako tungkol sa kanya?" Pagtataray ko. Mas ligtas na sagot ito kaysa diretso kong sabihin na wala akong pakialam talaga kay Elaine.

"Hindi rin. Pero iisipin ko na lang na gusto mong makarinig ng kuwento tungkol sa kanya." Parang tanga niyang pahayag sa akin habang nakangiting aso.

"Talagang mapilit ka?" Nakangiwi kong pahayag na sinagot niya naman ng sunod-sunod na tango.

"Alang-alang sa ikabubuti ng nararamdaman mo, Prinsesa Eliana, gagawin ko ang lahat kahit pa sigaw-sigawan mo ako." Ang drama naman nito. Lalo tuloy akong naaasiwa kay Leandra nakakainis. Ganiyan niya ba talaga kamahal si Eliana bilang amo? Puwes hindi ako si Eliana at hindi ko kailangan ng pagmamahal niya.

"Paano kung hindi ko gusto marinig ang mga iyan?" Buwelta ko na lamang.

"Makikiusap na lang ako na hayaan mo ako magkuwento. Kahit huwag ka na makinig kung ayaw mo, mahal na prinsesa." Aba't, marunong na rin siya manggago sa akin?

"Kaimbyerna ka." Inis ko na lang na sambit saka humalukipkip. Bahala nga siya sa buhay niya.

"Puwede na ba akong magsimula?"

"Bahala ka. Hindi naman ako makikinig." Laway niya naman ang masasayang. At naisip ko puwede na rin ang bunganga ni Stella para malayo ang isip ko sa aking naging panaginip kay Papa.

"Alam mo ba na mahilig ang iyong ina sa ulan, Prinsesa Eliana?" Pagtatanong niya sa akin na lubos kong ikinagulat ngunit nanatili akong tahimik. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko na hindi ako makikinig sa kuwento niya. Pero nagkataon lang ba na ulan ang naisip na paksa ni Leandra? Ano bang pakialam ko sa ulan?

"Maulan naman kasi talaga sa Cymopoleia dahil kaharian nga naman kayo ng katubigan kaya hindi na nakapagtatakang minahal ni Reyna Elaine ang ulan." Bahagya pa siyang natawa sa naisip niya saka muling nagpatuloy. "Ang sabi niya kasi sa akin noon, ang ulan ang nagpapakalma sa sistema niya, pakiramdam niya hindi siya nag-iisa, na may buhay siyang kasama lalo na tuwing naririnig niya ang bawat patak ng ulan sa bubong ng inyong silid." Nakangiti pa si Leandra habang nagkukuwento marahil ay inaalala niya ang mga sandali na kasama si Reyna Elaine. Nanatili naman akong tahimik dahil sa paninindigan ko na magkunwari na huwag makinig.

"Minsan pa nga noon, kuwento sa akin ng mga naunang katulong ay naligo sa ulan si Reyna Elaine habang ipinagbubuntis ka niya." Naligo siya sa ulan habang buntis? Baka kaya bobita at lampa si Eliana dahil sa kagagahan ng sarili niyang ina. Buntis ka tapos magpapakabasa ka sa ulan? E di pasma ang inabot niya!

"Grabe raw ang kaba ng mga katulong sa ginawa niya dahil baka mapatay sila ni Haring Dareios kapag nagkasakit siya ngunit nakangiti lamang ang mahal na Reyna at sumasayaw pa. Iyong mga oras nga raw na iyon ay naisipan ka niyang pangalanan na Reeham kung sakaling lalaki ka. Ang ibig sabihin noon ay ulan sa lumang lenggwahe ng Elior." Reeham? Bilib naman ako sa mga naiisip na pangalan ni Elaine dahil kahit papaano, magandang pakinggan ang pangalang Reeham. Iyon na lang sana ang ipinangalan niya sa akin kaysa isinunod pa sa pangalan niya!

"Noong nabubuhay pa ang mahal na reyna ay sabay din kayo nagtatampisaw sa gitna ng ulan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo na iyon ginagawa. Marahil ay hindi madalas umulan dito sa Elior. Naalala mo pa ba iyon, Prinsesa Eliana?" Nanatili lamang akong tahimik sa tinuran niya. Mukhang alam niya rin na wala siyang makukuhang sagot sa akin kaya nagpatuloy na lang siya sa pagkukuwento habang ako ay kusang nilamon ng aking isipan.

Do you know that there is something nostalgic, relaxing, and beautiful about the rain? There is something magical from this natural occurrence.

Papa...Bakit ikaw ang naalala ko sa ulan? Bakit pakiramdam ko, makakasama kita kahit papaano kung makakalasap ako ng ulan? Tama ba ang hinala ko? Tama ba ang naiisip ko? Maaalis ba ang sakit kapag tuluyan na talaga akong bumitaw sa iyo oras na madama ko sa huling pagkakataon ang iyong presensya?

"Bakit hindi madalas umulan sa Elior?" Wala sa sariling naibulalas ko dahilan para matigil si Leandra sa pagkuda. Bigla rin sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi na ikinataas ng aking kilay. Bakit hindi niya pa sagutin ang tanong?!

"Akala ko ba mahal na prinsesa ay hindi ka nakikinig sa akin?" Pang-aasar niya pa dahilan para pandilatan ko siya ng mga mata.

"Sasabihin mo sa akin o ihuhulog kita sa bintana?" Banta ko pa na ikinatawa niya naman. Anak ng, mukha ba akong nakikipagbiruan sa kanya?!

"Mahal na prinsesa, ang kaharian ng Elior ay---"

"Nandito na ang agahan!!" Naputol ang sasabihin ni Leandra nang biglang marahas na bumukas ang pintuan at dire-diretsong pumasok si Stella na may dalang dalawang tray ng pagkain. Inis ko naman siyang nilingon kaya ang nakangisi niyang mga labi ay biglang napalitan ng gulat at takot. Ang epal talaga niya! Sayang! Sasabihin na ni Leandra e! Tsk!

"Bakit ang tagal mo?!" Inis kong bulyaw sa kanya dahil nabitin ako sa sinasabi ni Leandra at hindi ko talaga iyon palalagpasin.

"Nagpakatay pa ako ng Athenatoi, Prinsesa Eliana." Nakangisi niyang pahayag dahilan para manlaki ang mga mata ko sa kanya. Maski si Leandra ay napasinghap sa sinambii ni Stella.

"Ano?!" Gulat kong bulalas at napasulyap pa ako sa hawak niyang tray na may lamang ulam. Athenatoi ba iyan? Seryoso ba siya?! Ganyan ba talaga kakitid ang utak ni Stella at ang biro ay tinototoo niya?

"Biro lang!" Natatawang pahayag niya dahilan para matigilan ako. "Buti naman po at nakitaan na kita ng ibang emosyon ngayong araw maliban sa galit na mahal na prinsesa!" Nakangisi niya pang pahayag dahilan para umusok naman sa inis ang aking bunbunan.

"Siya nga po pala, nakasalubong ko po ang kapatid niyo na si Prinsipe Adelrick." Pag-iiba ni Stella sa usapan dahilan para mapalingon ako sa kanya. Akmang sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Leandra sa amin at nagtatakbo palapit kay Stella dahilan para maechapwera ako.

"Talaga?! Anong sabi ni Prinsipe Adelrick?" Kinikilig at nagniningning ang mga mata na pahayag niya na ikimagulat ko naman. Ang kapal ng mukha niya pangunahan ako!

"Ay! Aba naman, Leandra! Kapatid mo?" Sarkastikong tanong ko kaya nabalik naman siya sa reyalidad at napapahiyang lumingon sa akin.

"Hindi po, mahal na prinsesa, nasabik lang po ako." Dahilan niya! Ang landi rin nito e.

"Nasabik? Bakit? Syota mo ba kapatid ko? Kung makaasta naman ito." Inirapan ko pa siya dahilan para mapahiya naman siya lalo sa sinabi ko. Para rin siyang si Aera e. Umaasa sa lalaking hindi naman nila maaabot. Tsk. Bakit ba may mga babaeng katulad nila na mahilig umasa? O nagkakagusto doon sa alam nilang impossible maabot? Nakakabuhay ba ng dugo ang ganoong pagsubok? Pero ano nga bang pakialam ko? Buhay naman nila iyan. Sila naman ang masasaktan kung sakali.

"Oh? Anong sabi ng kapatid ko?" Pagpapatuloy ko sa naudlot na balita ni Stella. Tumikhim muna siya bago magsalita.

"Tinatanong niya po sa akin kung bakit hindi raw po kayo pumasok." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Paano naman niya nalaman?!" Nanlalaking mga mata na bulalas ko. Inaalam na ba niya mga ginagawa ko sa buhay? Hindi naman sa natatakot ako sa walang kuwentang iyon pero paano niya nalaman?!

"Dahil hindi rin daw po kayo nakita ni Prinsesa Ellionoir ngayong araw sa klase niyo kaya nagtanong daw po siya sa mga kapatid niyo." Tsk. Hindi talaga maaalis kay Ellionoir ang kaepalan. Binigyan pa ako ng problema.

"Ano naman sabi mo?" Siguro naman nalusutan siya ni Stella?

"Sabi ko po tinatamad kayong pum---"

"Tanga ka ba, Stella?! Bakit mo sinabi iyon?!" Anak ng--- seryoso ba siya?! Sinabi niya talaga iyon sa kapatid ko? Ilang sandali ako naghintay ng salitang biro lang pero wala. Hindi ba siya marunong magsinungaling man lang? Hindi ko sigurado kung normal pa ba ang katangahan ni Stella o dapat ko na siyang palayasin bilang katulong ko. Ang bobo niya!

"E di ba po iyon ang sabi niyo sa amin kanina kung bakit hindi kayo pum---"

"Ewan ko sa'yo!" Nangatog naman siya ng makitang galit na naman ako sa kanya. Aba dapat lang na matakot siya! Naiimbyerna ako sa kanya e!

"Pasensya na po, mahal na prinsesa. Hindi naman po nagalit ang kapatid niyo, pagsasabihan na lang  daw po ka---"

"Tsk. Alis nga dyan kakain ako." Tumayo na ako sa upuan at marahan siyang tinabig dahil nakaharang siya sa daan. Naiinis na naman ako. Hindi naman sa takot ako kay Adelrick pero masyadong pakialamero ang isang iyon parang si Leandra at baka gambalain na naman ako dahil sa katangahan ni Stella. 

"Pasensya na po, Pri---"

"Manahimik ka at baka hindi ako magdalawang isip na tahiin talaga iyang bibig mo dahil masyado na makasalanan." Banta ko sa kanya saka siya pinandilatan. Nanahimik naman siya kaya nakakain na rin ako ng taimtim. Kung nagkataon na may sakit ako at kasama ko ang dalawang ito, baka lalo lang lumala ang sitwasyon ko dahil ang sakit talaga nila sa ulo!

---

KINAGABIHAN ay dumiretso ako kung saan kami mag-eensayo muli ni Sereia. Hindi ko na halos natanong pa si Leandra kung bakit hindi masyado umuulan sa Elior dahil hindi ko na ata matatagalan ang pagmumukha nila ni Stella. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko kapag nakakausap sila kaya mas minabuti kong matulog na lang maghapon at lumarga ka na kinagabihan para makipag-kita kay Sereia.

Habang naglalakad ako ay namataan  ko naman mula sa di kalayuan ang pamilyar na ginto na buhok ng isa ko pang bugok na kapatid. Kahit nakaroba na naman ito ay alam kong si Daewon iyon at parang kawatan na naglalakad sa dilim palabas ng akademya. Kumunot pa ng bahagya ang noo ko pero ano nga ba ang pakialam ko sa kanya? Buhay niya naman iyan kaya bahala siya magliwaliw kung gusto niya.

Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso na sa parte ng hardin kung nasaan si Sereia. Ipinagdasal ko pa na sana naman malamig na ang ulo niya at napagtanto na niya lahat ng sinabi ko noong huli kaming nagkita. Wala na kasi akong gana makipag-talakan sa kanya para maisip niya naman na masyado na siyang namemersonal sa akin. Napansin ko na iyon nitong nakaraan at hindi lang iyon dahil sa una naming pagkikita o sa magaspang niyang ugali. May iba sa mga mata at sa mga kilos niya at hindi ako tanga para hindi maramdaman na may kinikimkim siya laban sa akin. Pero kung hindi niya naman sasabihin ay ayos lang, paunahan na lang siguro kami makapatay sa isa't isa kapag nagkainitan na.

Nakarating naman ako sa hardin ng taimtim at kahit hindi pa ako tuluyang nakalalapit ay nakarinig na ako ng mga kalansing na nagmumula sa isang espada. Agad naman nabuhay ang kuryosidad ko dito kaya maingat akong nagtago sa isang puno upang tingnan kung may kabalastugan na ginagawa si Sereia.

Naabutan ko siyang iwinawasiwas ang kanyang espada sa ere na para bang parte ito ng kanyang katawan. Hiwa dito, hampas doon, at sinasabayan niya pa ng talon, ikot, at kung anu-anong pang malalambot na galaw dahilan para tuluyan na akong mamangha sa ginagawa niya. Minsan lang ako bumilib sa tao at dapat na ipagpasalamat ni Sereia iyon dahil hindi ko maitatanggi na napakagaling niyang gumamit ng espada. Para siyang isang paru-paro na nakakaakit ang galaw lalo pa at hawak niya ang makinang at mahabang espada. Nakakamangha. Nakakabilib. Nakakapanindig balahibo ang ipinapakita niya ngayong katang-tanging mga kilos dahilan para pumasok ang isang ideya sa aking isipan.

Akma naman na lalabas na ako sa aking pinagtataguan sa pag-aakalang tapos na siya sa pagbibida ngunit mabilis din akong natigilan ng bigla niyang iitsa ang espada tungo sa puno na pinagkukublian ko. Natigilan naman ako dito at napaawang na lamang ang aking bibig dahil kaunting dipa na lang ay sa noo ko na ito tatama.

"Papatayin mo ba ako?!" Inis kong bulalas sa kanya saka ako padabog na naglakad papunta sa kanyang kinatatayuan at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi naman siya sa akin ng nang-aasar bago magsalita.

"Akala ko kasi may nagmamasid sa aking espiya. Ikaw lang pala. Buti hindi kita napatay? Sayang." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi at pinanlisikan siya ng tingin.

"Aba't, ang yabang mo naman!"

"Nanghihinayang lang ako. Wala naman akong intensyon na patayin ka." Pagmamaang-maangan niya pa na ikinairap ko naman.

"Subukan mo lang. Tiyak na isusunod talaga kita." Banta ko pero hindi na siya sumagot sa akin. Aba, akala ko makikipag-argyumento siya ng mahaba tungkol doon. Ni hindi man lang siya humingi ng tawad. Ang taas talaga ng tingin nito sa sarili niya.

"Tss. Bakit ngayon ka lang?" Bagot na tanong niya sa akin habang kinukuha ang espada niya.

"Dahil sinasadya kong paghintayin ka talaga." Pinagkrus ko pa ang mga braso ko at nginisihan siya ng nagyayabang. Totoo naman na sinasadya kong maghintay siya para naman lamukin siya dito. Alam ko rin naman na hihintayin niya ako kahit anong mangyari dahil sobrang kabado siya pagdating sa grado niya.

"Hindi ka na nahiya, nilayasan mo na ako noong huling pagkikita natin tapos magpapahuli ka pa?" Panunumbat niya na ikinasimid ko lang.

"At bakit naman hindi?" Bakit ako mahihiya? Wala sa bokabularyo ko iyon dahil ang pagiging walang-hiya ay kakabit na ng pangalan ko.

"Dahil nirerespeto ko ang oras at sana ikaw din. Hindi ka ba marunong magpahalaga sa oras ng iba?" Salubong ang kilay niyang pahayag sa akin na ikinairap ko naman.

"Kung oras mo naman ang irerespeto ko, huwag na, hindi mo nga ako nirerespeto bilang tao tapos manghihingi ka ng respeto sa oras mo? Nahihibang ka na ata!" Anong respeto respeto? Sa kanya pa talaga nanggaling iyan. Ang kapal lang.

"Ito na naman ba tayo sa bangayan?" Parang napupuno na niyang pahayag pero hindi naman ako nagpadaig sa kanya.

"Kung papalag ka, ayos lang naman sa akin marami akong enerhiya ngayon." Nakatulog ako maghapon kaya kahit makipagdebate pa siya sa akin ay hindi ako mauubusan ng mga pambabara sa kanya.

Nanatili naman siyang tahimik at iiling-iling na umupo sa tabi dala ang kanyang espada. Kunot noo ko naman tiningnan ang katamaran na ipinapakita niya ngayon sa akin. May balak ba siyang mag-ensayo?

"Mahilig ka ba mag-espada?" Wala sa hulog na tanong niya sa akin na mas lalo ko naman ipinagtaka.

"Anong klaseng tanong iyan? Sabog ka ba?"

"Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka na lang." Mahinahon niyang pahayag dahilan para manibago naman ako sa kanya. Madalas ay sinisinghalan niya ako o di kaya ay binabara pero ngayon, mukha siyang leon na kalmado sa kanyang kinauupuan.

"Oo." Tipid ko na lang sa sagot at nananatiling naguguluhan na nakatingin sa kanya.

"Talaga? Paano ka natuto?" Bigla naman nabuhayan ang tono ng kanyang boses.

"Inaral ko malamang. Paano ba natututo ang tao." Pambabara ko. Ano ba kasing nangyayari sa kanya at bigla-bigla na lang siya wirdong magtatanong ng mga ganyang bagay.

"Pilosopo. Tinatanong ka nga ng maayos e, sumagot ka naman."

"Bakit ba? Ano na naman bang patutsada ang pinapaandar mo?" Seryoso naninibago na ako sa kanya. Nagdilang anghel na ba ang mga salita ko na matauhan na siya? Sana naman dahil nakakapagod makipag-bangayan sa katulad ko rin na maldita.

"Tinatanong lang kita kaya makisama ka."

"E totoo nga na inaral ko. Anong gusto mong isagot ko? Pagkapanganak ko marunong na agad ako?" Bobo rin nito kausap e.

"Hindi ka tinuruan nino man?"

"Hindi." Bagot ko ulit na sagot saka marahang pinalo ang aking braso dahil nilalamok na ako. Mag-uusap na lang ba kami dito na parang magtropa? Nilalamok na ako oh!

Saglit naman nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa muli siyang magsalita.

"Natuto akong mag-espada sa lolo ko." Muli niyang panimula at hindi ko alam kung bakit niya iyang sinasabi sa akin. 

"Pakialam ko?" Hindi naman ako interesado makinig sa kuwento niya. Pakialam ko ba?

"Tsk. Ano ba! Makisama ka naman oh? Sinusubukan kong magsimula ng maayos na pakikipag-usap sa'yo kaya konting pakikisama naman puwede?"

"Bakit galit ka? Ganyan ba nakikisama? Naninigaw?" Ang totoo ay bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Nagsisimula siya ng maayos na pakikipag-usap sa akin? Para saan? Bakit naman? Dahil ba napagtanto niya rin na walang mangyayari sa amin kung magbabangayan lang kami?

Kita ko naman na inis niyang kinamot ang bunbunan na na parang nauubusan na siya ng pasensya sa mga pambabara ko. E sa ganito ako makipag-usap. Anong magagawa ko? Siya naman ang nauunang magpakita ng motibo na makipag-usap kaya magtiis siya.

"Puwede bang maupo ka muna? Ang hirap tumingala sa'yo at makipag-usap." Pakiusap niya sa akin na ikinairap ko naman. Inutusan pa ako. Ang kapal naman.

"Paano kung ayoko?" Panghahamon ko sa kanya dahilan para irapan niya naman ako.

"Ano bang gusto mong mangyari at nakikipag-usap ka ng ganito sa akin?" Pagbabalik ko sa punto.

"Dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ang makipag-usap sa'yo ng maayos kaya inuna ko na lang sa pagbabahagi ng parte ng buhay ko pero paulit-ulit mo lang ako binabara. Nakakawala ka ng gana." Bakas sa mga mata niya ang sinseridad dahilan para hindi agad ako makapagsalita. Ano ba siya? Bata? Ngayon lang nakapagsimula makipag-usap sa iba at hindi halos malaman kung anong paksa ang uunahin?

"Bakit hindi mo na lang kasi idiretso sa punto? Ang dami mo pang pasikot-sikot." Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko dahilan para ngumisi ako ng nang-aasar. Dahan-dahan naman akong umupo sa harapan niya ngunit hindi ko pinasayad ang aking puwetan dahil nangangati ako sa damuhan.

"Nahihiya ka ba?" Diretsahang tanong ko. Sa tipo niya na hambog at mataas ang tingin sa sarili, alam ko na nahihiya lang siya na diretsuhin ako sa punto.

"Bakit naman ako mahihiya sa'yo?" Kunot-noo niyang tanong sa akin na ikinakibit balikat ko naman.

"Dahil masyadong mataas ang ihi mo kaya hindi mo kayang magpakumbaba para magpaliwanag at humingi ng tawad sa akin."

"At bakit naman ako hihingi ng tawad sa'yo?!" Asik niya pa dahilan para mapangiwi ako sa boses niya. Magkatapat lang kami. Hindi naman ako bingi!

"Dahil sa mga pagago-gago mong kilos nitong mga nakaraan."

"Mas gago ka naman umasta." Balik-asar niya sa akin na ikinataas ko ng kilay.

"Alangan namang hayaan kita? Wala sa bokabularyo ko ang magpatalo." Baka nakakalimutan niyang nagawa ko siyang talikuran at iwan noong nakaraan. Doon pa lang, alam kong napahiya na siya.

"Kaya ayaw ko na sa'yo noong una palang e. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo." Malamig niyang tugon sa akin. At siya ba hindi?

"Ayon. E di lumabas din ang totoo." Bulalas ko habang iiling-iling pa. Sinasabi ko na nga ba e "Bakit? Inaano ba kita? Naapektuhan ka ba masyado noong malaglag ako sa puno nang makaharap ko kayo?" Iyon lang naman ang una naming pagkikita pero mainit na agad ang dugo niya sa akin.

"Hindi ako bata para sa ganoon kawalang kuwenta na rason." Depensa niya pa na ikinairap ko naman.

"Kung ganoon bakit? Kung hindi ka isip-bata, ano ka? Mapagtanim ng sama ng loob?" Pambabara ko naman. Kita ko naman na napatiim-bagang siya sa sinabi ko at napasapo na lang sa kanyang noo.

"Puwede bang hayaan mo muna ako magpaliwanag?" Nauubusan ng pasensya niyang pahayag sa akin.

"Ang bagal mo kasi magsalita. Mabilis ako mainip, Sereia."

"E di umalis ka na. Naiinip ka na pala." Tamo itong babaeng ito. Mas malala pa ang topak kaysa akin. Paalisin ako matapos ko mag-aksaya ng laway.

"E di nasayang lang ang pagpunta ko dito. Bilisan mo at magkuwento ka na. Gusto na kita makitang umiyak." Pang-aasar ko pa matapos maalala sina Ellionoir at Aera na nagkuwento sa akin at umiyak. Iiyak din kaya si Sereia? Sana naman, oo. Gusto ko talaga makita ang hambong na katulad niya na umiyak. 

"Bakit ako iiyak? Nahihibang ka na ba?" Inis niya pang pahayag.

"Baka magdrama ka pa sa akin e."

"Hindi ako madramang tao." Sus! Hindi raw. Baka kainin niya ang sinabi niya mamaya. Tatawanan ko talaga siya.

"Kung ganon, bakit nga? Anong problema mo sa akin?" Naiinip ko na rin na pahayag dahil pakiramdam ko pinipilit ko pa siyang magsalita sa akin.

"Dahil hindi ko matanggap na basta ka na lamang ipinasok sa akademya dahil lamang sa tulong ni Maestro." Malamig niyang pahayag sa akin na hindi naman ako nagulat na. Alam ko ang pinagmulan niya at hindi lingid sa kaalaman ko na parehas kaming walang kapangyarihan kaya pumasok na rin sa isip ko na may hinanakit siya sa akin.

"Ano naman kinalaman mo sa bagay na iyon?" Pang-uusisa ko kunwari.

"Alam mo ba na hindi nagpapapasok sa akademyang ito ng mga mag-aaral na walang kapangyarihan? Lahat ng nag-aaral dito natatangi, kilala, at makapangyarihan tapos ang isang tulad mo ay basta na lamang papasok dito dahil lamang napaburan ng isang Maestro." Alam ko naman iyon. Kaya nga ayoko mag-aral dito e, ayokong makisalamuha sa mga tao sa mundong ito sa totoo lang!

"Hindi ba mortal ka rin naman? Anong ikinapuputok ng butsi mo kung ganoon?" Balik tanong ko rin sa kanya. Ganyan ba kapanget ang ugali niya at hihilahin niya pababa ang kauri niya. Nakakasuka naman kung ganon.

"Dahil hindi ko matanggap na ang katulad mo ay walang kahirap-hirap na nakapasok dito samantalang ako, halos ikamatay ko na ang mga pagsubok na ibinigay sa akin ng mga Maestra at Maestro para lamang patunayan na karapat-dapat ang katulad kong walang kapangyarihan na makapag-aral sa prestihiyosong paaralan na ito." May diin ang bawat salita niya at galit ang mga mata niya.

"Naiinggit ka rin ba?" Nakataas ang kilay na tanong ko ngunit inismiran niya lang ako. Mabuti naman at hindi inggit ang dahilan niya dahil iisipin ko na talaga na napakaraming inggitera sa mundong ito.

"Hindi ako naiinggit dahil wala akong dapat kainggitan sa'yo! Kung tutuusin, mas wala ka pang kuwenta sa akin dahil napakahina mo pa kumpara sa antas ng kakayahan na mayroon ako. Alam mo kung anong nararamdaman ko sa'yo? Galit, Eliana! Galit! Paanong ang katulad mo ay nakapasok dito gayong mas mahina ka naman sa akin?! Mas walang ibubuga at di hamak na mas magaling ako sa'yo!" Sigaw niya akin habang dinuduro pa ako. Hindi naman nawala ang postura ni Sereia dahil nananatili pa rin ang astigin at malamig niyang dating.

"Tapos ka na ba?" Malamig kong tanong sa kanya na ikinagulat niya naman. Ngayon lang nabago ang emosyon niya mula sa diretsong panlalamig.

"Anong..." Sa pinakaunang pagkakataon ay nautal siya sa harap ko. Nauutal din pala ang hambog na katulad niya?

"Tinatanong kita kung tapos ka na. Para ako naman. Ayoko ng sinasabayan kapag nagsalita na ako. Bastos iyon." Hindi naman siya nagsalita sa tinuran ko kaya pagkakataon ko naman para bumanat.

"Alam mo..." Pabitin ko pang saad habang diretsong nakatitig sa malamig niyang mga mata. Napaayos din ako ng pagkakaupo at pinasadahan pa ang aking buhok na bahagyang tumatabing sa mukha ko.

"Huwag mong ibaling sa akin ang galit mo sa bulok na sistema ng akademya na ito o mas madaling sabihin, ng mundong ito mismo." Matigas kong pahayag dahilan para makita kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Kasalanan ko ba na ganoon kababa ang tingin nila sa mga mortal? Kasalanan ko rin ba na desisyon nilang pahirapan ang katulad mo na babae para lamang mapatunayan ang sarili mo dito? Hindi di ba?!" Bahagyang lumakas ang boses ko kaya tumigil ako saglit. Dapat kalmado lang ako dahil hindi karapat-dapat si Sereia pag-sayangan ng enerhiya at boses ko.

"Kung sa tingin mo ay ginusto ko makapasok dito at pinagpilitan ang sarili ko kay Maestro, puwes nagkakamali ka. Muntik na akong mapatay ng pamilya ko kung hindi lamang dumating ang pesteng Maestro na iyon at kinaladkad ako dito alam mo ba iyon? Syempre hindi. At alam mo rin ba na nakikipagsapalaran ako ng mga panahon na iyon laban sa mga kawal ng sarili kong kaharian para lamang masalba ang buhay ng mga katulong ko? Hindi rin di ba?" Nginisihan ko pa siya ng nakakaasar bago magpatuloy. "Masyado ka kasing nabubulag ng galit mo sa bulok na sistema ng mundong ito pero wala kang magawa, wala kang kakayahan makipag-laban kaya sa akin mo binubuntong ang lahat. Huwag mong isisi sa akin ang sitwasyon na hindi ko naman hawak dahil para sabihin ko sa'yo, ayoko rin sa nakakadiring sistema na ito!" Asik ko sa kanya ngunit nakakapagtaka na hindi umiimik si Sereia dahil nananatili lamang siyang malamig na nakatingin sa akin. Siguro ay nirerespeto niya ang oras ko makapagsalita bago bumanat ng mga walang kuwentang satsat mamaya.

"Kung tutuusin hindi dapat ganyan ang tingin mo sa akin dahil sa akademyang ito, magka-uri tayo, dalawa dapat tayong magkakampi! Parehas walang kapangyarihan at parehas mababa kung tingnan. Pero mukhang nagkamali ako dahil makitid din ata ang utak mo tulad ng nakararami dito." Gigil kong pahayag ngunit ang pagaakala ko na maghuhurementado siya sa mga sinabi ko ay hindi nangyari.

"Humihingi ako ng kapatawaran." Mahinahon niyang pahayag dahilan para mapanganga ako ngunit agad din nakabawi. Ngayon hihingi siya ng kapatawaran? Kung sa una pa lang tuwid na siya mag-isip at nagkasundo kami, baka marami na siyang nagawa sa mundong ito.

"Ha! At ngayon mo lang talaga iyan naisip? Nakakahiya ka kung ganon."

"Oo inaamin ko na galit talaga ako sa'yo noong una! Hindi ko talaga matanggap na nakapasok ka dito sa kabila ng pagiging walang kuwenta mo pero noong nagkasagutan tayo noong nakaraan natauhan ako! Napagtanto ko na hindi nga pala tayo magkaiba. Na hindi tayo nalalayo sa kung ano ang kakayahan at limitasyon ng bawat isa." Seryoso niyang pahayag sa akin na ikinaismid ko naman..

"At tingin mo dapat kong ikatuwa iyan?" Sarkastikong pahayag ko dahilan para matigilan siya. "Nabago mo na ang tingin ko sa'yo Sereia. Bilib pa naman ako sa'yo noon pero hindi ka rin pala naiiba sa mga babaeng makikitid ang utak dito sa akademya." Iiling-iling pa ako sa kanya bago magpatuloy. "Pero sabagay, hindi kita masisisi na nabulag ka masyado ng galit mo. Nakakagigil naman talaga ang walang kalaban-laban sa isang sistema na gustong-gusto mong maging maayos."  Seryosong pahayag ko matapos maalala ang babae sa kuwadra noon sa Cymopoleia na walang kalaban-laban. Tanging pagsipa lamang sa lalaking nagpapahirap sa kamya ang nagawa ko. Bukod doon wala na dahil tulad niya, babae rin ako na maliit ang tingin sa mundong ito.

"Aminado ako sa kamalian ko kaya ngayon sinasabi ko na sa'yo muli, humihingi ako ng tawad sa panghuhusga sa'yo." Sinserong pahayag niya at akmang yuyuko na sana siya sa akin ng bigla kong idikit ang hintuturo ko sa kanya noo. Gulat at nagtataka naman niya akong tiningnan.

"Tsk. Huwag kang yumuko, hindi ikaw ang dapat na yumuyuko." Matalinhagang pahayag ko na nagpagulo naman ng utak niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alagaan mo lang iyang galit sa puso mo laban sa sistema ng mundong ito dahil balang araw, matatamasa mo rin ang tamis ng tagumpay oras na gumuho ang ganoong sistema at baka isa ka pa sa magkaroon ng malaking ambag." Hindi ko rin naman alam ang mangyayari sa hinaharap pero nararamdaman kong hindi malabo mangyari iyon.

"Hindi ko inaasahan na darating pa ang panahon na iyon." Mapait niyang pahayag na ikinangiwi ko naman.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Hindi ko nga inaasahan na makitid din ang utak mo gayong astig-astig ka pa sa akin, ano pa kaya ang pagdating ng panahon na iyon?" Pang-aasar ko sa kanya pero hindi man lang siya natawa. Hindi man lang ba siya marunong tumawa? Ang bato naman nito. Magsama nga sila ni Caedmon.

"Napatawad mo na ba ako?" Nagtataka at umaasa niyang tanong sa akin.

"Hindi." Tipid kong sagot na ikinagulat niya naman.

"Pero---"

"Wala ka namang kasalanan. Bakit kita patatawarin?" Napipikon lang talaga ako sa kanya madalas pero hindi niya naman ako sinaktan.

"Salamat." Sinsero at brusko niyang pahayag dahilan para pumasok sa akin ang isang ideya.

"Hindi ako tumatanggap ng salamat." Tipid at kunwari'y nagtataray na sagot ko.

"Kung ganoon, ano?" Kunot-noo at naguguluhan niyang tanong sa akin.

Nginisihan ko naman siya ng nakakaloko habang hinihimas-himas ang espada na nakatarak sa gilid namin.

"Turuan mo ako ng mga galaw gamit  ang espada, pangangangahin natin ang madla." Mayabang kong pahayag habang itinatatak sa isip ko ang gusto kong makitang reaksyon nina Neola at Caitrionna oras na sumayaw kami sa entablado.

---

Lumipas ang ilang araw at ganoon pa rin naman ang buhay ko. Bagot akong papasok sa klase, sisimangot, magtatataray, at kung anu-ano pang kamalditahan ang ginagawa ko. Ngunit, sa kabila ng pagiging abala ko sa sarili ay hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot tuwing naalala ang ang Papa.

Kasalukuyan din inaayos ni Leandra ang aking buhok dahil araw ngayon ng sabado at nagbabalak akong maglakad-lakad sa bayan ng mag-isa. Ilang araw din napagod makipagbangayan kung kanino kaya panahon naman siguro para magpahinga ako ano?.

"Kasi Prinsesa Eliana, ang Elior ay kaharian ng Liwanag. Hindi talaga madalas umulan dito pero umuulan naman! Sadyang masyado lang talaga mainit kaya siguro ganoon." Nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na malaman ang dahilan kung bakit hindi umuulan dito. Tsk. Ano bang klaseng lugar ito? Disyerto? Hindi uso ang ulan? Naturingang kaharian ng liwanag pero ang prinsipe dito kung umasta parang kampon pa ng kadiliman.

"Naku! Sana nga maabutan ako ng ulan dito kasama ang isang lalaki na gugustuhin ko! Puwede na rin si Prinsipe Eryx!" Napataas naman ang kilay ko ng biglang malanding sumingit si Stella ss usapan namin. Ano naman kung maabutan siya ng ulan kasama ang isang lalaki? Tatalino ba siya?

"Naku, impossible iyan, Stella!" Natatawang pahayag naman ni Leandra sa kanya. "Baka nga magdidilim pa lang ang kalangitan, nakatago na ang mga kalalakihan." Matalinhagang dahilan niya kaya napakunot naman ang akin noo at hindi na napigilang magtanong.

"Ikamamatay ba nila kapag naulanan?" Nagtataka at maarteng tanong ko. Kung ganoon nga amg dahilan, e mas mabuting maulanan sila ng maulanan!

"Hindi po, mahal na prinsesa. May paniniwala po kasi dito sa Elior tungkol sa ulan kaya madalas itong dinadayo ng mga nag-iibigan, magkasintahan, o di kaya'y mga mag-isa lang umiibig sa isang tao."

"At anong katangahan naman iyan na pinaniniwalaan ng mga uto-uto?" Taas-kilay kong tanong sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at nauunang sumagot si Stella na wari'y kinikilig pa.

"Kapag daw po kasi naabutan kayo ng ulan dito sa Elior kasama ang isang lalaking may pagtingin sa'yo o may pagtingin ka rin sa kanya, bubuhos daw po ang biyaya sa pagitan niyong dalawa at kayo na raw po hanggang dulo." Gusto ko tuloy matawa sa katangahan na paniniwala na iyan. At sino namang bobo maniwala sa ganyan at aasa sa ulan para sa isang relasyon? Pero himala at may alam si Stella tungkol dito. Akala ko hangin lang ang nasa utak niya e.

"Pero may isa rin pong paniniwala dito na kabaliktaran naman po noon." Singit naman ni Leandra dahilan para mapatingin naman ako sa kanya. Hindi naman ako interesado sa mga ganitong paniniwala dahil hindi naman ako uto-uto pero hindi ko rin naman kawalan kung pakikinggan ko ang mga pantasya nila. 

"Kung may biyaya ay mayroon din pong malas." Pagpapatuloy niya pa.

"Hindi pa ba malas ang maligo sa ulan kasama ang isang lalaki?" Sarkastikong pahayag ko habang iniisip ang mga kalalakihan sa mundong ito.

"Hindi naman po, mahal na prinsesa. Ang kamalasan naman daw po ay---"

Naputol ang sasabihin ni Leandra ng may biglang kumatok sa pinto. Nagkatinginan pa kaming tatlo at ako pa ang unang nagsalita.

"Ako ang katulong? Ako ang magbubukas?" Pagtataray ko sa kanila kaya naman kakamot-kamot sa batok na naglakad na lang si Stella palapit doon at binuksan ang pinto. Akala ko ako pa ang magbubukas e. Sino namang lapastangan iyang kakatok ng ganito kaaga?

"Mahal na Prinsesa, si Prinsesa Aera po ay nandito." Napakunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ni Stella. Si Aera? Anong ginagawa ng buwisit na iyan sa dormitoryo ko?

Tumayo ako mula sa upuan at salubong ang kilay na naglakad palapit sa pintuan. Tumabi naman si Stella kaya naabutan ko si Aera na nakangiti sa akin at kakaway-kaway pa.

"Anong ginagawa ng malas dito?" Nakakrus ang mga braso ko at blangkong nakatingin sa kanya. Ang aga-aga ay nandito siya para mambuwisit sa akin.

"Sinusundo kita!" Magiliw niyang pahayag dahilan para lalong mangunot ang noo ko.

"Tsk! Ano bang kailangan mo?" Inis kong pahayag dahil naiinip na ako. Nasasayang ang oras ko.

"Hindi ba sasamahan mo ako ngayong araw kausapin si Zephyr at Kiara? Nakalimutan mo na ba?" Umaasang pahayag niya sa akin na mas lalo kong ipinagtaka.

"May sinabi ako?" May sinabi akong sasamahan ko siya? Parang wala naman akong maalala. Hindi naman ako tanga para samahan siya. Ano ako? Katulong?

"Sinabi ko sa'yo!" Pagpupumilit niya pa na mas lalong nagpataas ng kilay ko.

"At pumayag ako?" Bigla naman siyang natigilan at nilaro ang kanyang daliri.

"Hindi ka sumagot sa akin kahapon kaya akala ko pumayag ka." Pahina ng pahina ang boses niya kaya napaismid naman ako.

"At kailan pa naging 'Oo, Aera' ang pananahimik ko?" Sarkastikong pahayag ko sa kanya. At kailan niya pa pinangunahan ang mga kilos ko. Nagmamagaling na naman ba siya?

"E akala ko kasi..."

"Ayoko." Matigas kong sambit saka padabog na isinara ang pintuan sa mukha niya. Sa lakas ng pagkakabalibag ko ay napapiksi pa sina Stella at Leandra sa aking likuran. Ang aga-aga sisirain niya ang araw ko. Wala akong panahon sa mga kagaguhan ni Aera ngayon. Araw ko naman! Ako naman!

"Eliana naman oh! Sige na! Nakikiusap ako!" Dinig ko pang sigaw niya mula sa labas pero napairap lang ako sa kawalan.

"Eliana sige na! Pakiusap! Pangako hindi na ako hihiling sa'yo ng iba pa basta samahan mo lang ako ngayon!" Atungal pa ni Aera sa labas at ang lakas pa ng kalabog niya sa pinto ko. May balak ba siyang sirain ang pinto ng dormitoryo ko?! Pinapainit niya lalo ang ulo ko!

Ilang sandali nangibabaw ang katahimikan sa labas. Umalis na ba siya? Buti naman. Akala ko kasing-tigas ng bato ang ulo niya. Sa pag-aakalang wala na si Aera sa labas ay tumalikod na ako mula sa pinto ngunit bago pa man ako makahakbang paalis ay muli siyang nagsalita. Anak ng....nandito pa pala siya?!

"Hindi ba nakiusap ako na samahan mo ako kapag kakausapin ko si Kiara. Hindi dahil naduduwag ako o ano kung hindi ikaw ang nagsisilbi ko talagang lakas sa mga ganitong bagay. Hindi naman ako habang buhay aasa sa'yo pero uunti-untiin ko muna." Nanatili naman akong tahimik at nakangiwi sa mga pinagsasabi ni Aera. Nakakrus pa ang braso ko habang nakikinig sa mga kadramahan niya. Ang aga-aga magdadrama siya sa akin? Manigas siya dyan!

"Wala namang simula ang perpekto at biglaan hindi ba? Inuunti-unti ko naman ang pagkakaroon ng lakas ng loob at ikaw ang isa sa mga rason ko para magpakatatag ng ganito." Napakunot ang noo ko ng mahimigan ang pagkabasag ng boses niya. Mukhang anong oras ay iiyak na naman siya. Ano ba naman itong babaeng ito, napaka-uhugin.

"Kaya sige na, Eliana, samahan mo na ako. Pangako isang linggo ako hindi mambubulabog sa'yo at huling hirit ko na ito." Pakikiusap niya pa ngunit nananatili pa rin akong nakatayo at walang kibo na nakatingin sa kawalan. Maski sina Stella at Leandra ay nag-aalangan na nakatingin sa ka akin at mukhang naaawa kay Aera na nasa labas. Sabagay, saan ba sila nakakita ng prinsesa na pinagmamamakaawa ang isa pang prinsesa. Ako lang nakagagawa ng ganoon.

"Eliana naman...Sige na oh! Pakiusap! Magpapakabait na ako! Hindi na talaga kita bubulabugin at huling hirit ko na ito!" Muli niyang pagkatok sa pinto ko na ikinairap ko ulit sa kawalan. Nakakainis naman kasi si Aera. Nagawan ko na ng pabor ng ilang beses, namihasa na. Ano ba ako sa kanya? Katulong? Maestra? Ina? Nakakaimbyerna.

"Buksan mo ang pinto, Stella." Malamig kong utos kay Stella na agad naman nagitla sa harap ko. Napatingin pa siya sa distansya sa pagitan ko at ng pinto. Mas malapit kasi ako sa kumpara sa kanila pero inutusan ko pa rin siya. E tinatamad umangat ang kamay ko. Anong magagawa ko.

Naabutan naman namin si Aera na nakatungo sa labas kaya ng magbukas ang pinto ay maluha-luha siyang nag-angat ng tingin sa akin. Pinagkrus ko ang aking braso saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Ang ingay mo. Nabubulabog ang mga karatig kuwarto ko." Bungad kong pagtataray sa kanya. Bigla naman siyang nahiya ngunit nakabawi rin agad.

"Dalawang kondisyon." Matigas kong sambit. Kumunot naman ang noo niya. Tsk. Kung kapalit lang nito ang kapayapaan sa buhay ko ay hindi ko ito gagawin.

"Anong dalawang kon---" Pinutol ko agad ang sinasabi niya matapos itaas ang aking kamay.

"Manahimik ka. Ayokong may sumisingit kapag nagsasalita ako." Mataray kong sagot. Naitikom naman ni Aera ang kanyang bunganga at napanguso. Nagsasalita ako e. Imbyerna talaga. 

"Una, patahimikin mo na ang buhay ko. Kapag wala kang masasabi na maganda. Manahimik ka. Buong taon mo iyan gagawin. Naiintindihan mo?" Taas-kilay kong pahayag sa kanya na ikinatigil niya naman. Naguguluhan niya akong tiningnan na para bang iniisip niya kung ano ang tinutukoy ko. Pumameywang naman ako sa kanya dahil naiinip na ako kahihintay ng kumpirmasyon. 

"Oo, naiintindihan ko." Nakangusong pahayag niya ngunit mukhang nakuha na niya ang sinasabi ko dahil biglang nabuhayan ang mga mata niya. Tsk. Tigil-tigilan niya nga ang ganyang hitsura. Mukha siyang aso.

"Ikalawa, hindi ako papasok sa loob. Wala akong panahon sa mga drama niyo." Iyon na lang ang komento ko at iniwan siyang ngiting aso. Dire-diretso na lang din ako naglakad paalis. Iniisip ko na lang kung anong klaseng pagpapahirap ang gagawin ko kina Stella at Leandra pag-uwi ko mamaya.

---

Kasalukuyan akong nasa labas ng isang silid kung saan pumasok si Aera. Opisina raw ito ni Zephyr sa akademya at dito raw sila mag-uusap sa nina Kiara. Tsk. Hindi ko naman alam na paghihintayin ako ng gagong iyon! Ang sabi niya saglit lang sila pero mahigit sampung minuto na akong naghihintay sa labas! Sampung minuto! Nagawa niyang paghintayin ang isang Yvonne Calixta Villanueva ng sampung minuto. Nakakaimbyerna.

Padabog kong inilapit ang binti ko sa kabila naman at nagngingitngit na umayos ng upo. Kapag talaga naghintay pa ako ng higit pa sa bente minutos ay lalayasan ko na si Aera. Nakakainis! Bakit ba kasi ako pumayag-payag? Inisip ko na katahimikan naman sa buhay ko ang magiging kapalit dahil lulubayan naman ako ni Aera pero kung ganitong paghihintayin niya ako ay huwag na lang! Sabay ko na lang tatahiin ang bunganga nila ni Stella para manahimik na sila.

Nagdaan ang lima pang minuto at nagbukas ang pintuan. Inis ko naman itong nilingon ngunit hindi pala ito si Aera. Nagtama ang mga mata namin ni Kiara at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo ditong pakialamera ka!?" Gigil niyang asik sa akin habang sisinghot-singhot pa at nagpupunas ng luha. Mukhang umiyak-iyak pa siya sa loob habang nag-uusap sila. Buti na lang hindi ako pumasok kundi masusura lang ako sa kanila.

"Bakit? Pati ba ang kinatatayuan ko ay lupain niyo rin? Hindi naman di ba?" Mataray kong pahayag sa kanya na mas lalo niya namang ikinainis.

"Hayop ka! Masyado ka kasing pakialamera! Parehas kayo ni Aera! Mga sumbungera!" Malakas niyang sigaw sa akin habang dinuduro pa ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Inaano kita? Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras isumbong ka. May mapapala ba ako?" Ang taas naman ng tingin niya sa sarili niya para mag-aksaya pa ako ng oras na magsumbong. At isa pa, hindi ako sumbungera dahil oras na kinanti ako, ginagantihan ko na mismo. Aanhin ko naman ang tulong ng iba kung kaya ko naman?

"Lapastangan! Magbabayad ka, Eliana! Magbabayad ka! Kayo ni Aera! Hindi ko ito palalagpasin!" Galit niya pang sigaw sa akin na may nanlilisik na mga mata.

"Wala akong utang sa'yo." Malamig ko naman na tugon at tumayo na rin ako sa aking kinauupuan at blangko siyang tiningnan.

"Pilosopo! Tandaan mo, makakaganti rin ako sa'yo." Ha! At siya pa ang may ganang magsabi niyan sa akin? Sarkastiko tuloy akong natawa sa pahayag niya na ikinatigil niya naman.

"Huwag mong inaagaw ang linya ko dahil sa ating dalawa, ako ang mas may karapatan gumanti sa'yo." Matigas kong pahayag habang ako naman ang bumaling sa kanya ng may nanlilisik na mga mata. Kita ko naman ang takot sa mga mata niya ngunit agad din siyang nakabawi.

"At talagang---" Pinutol ko ang sasabihin niya ng itaas ko ang aking kamay. Parang napahiya naman siya sa sarili niya dahil talagang tumahimik siya sa ginawa ko. Humakbang ako palapit sa kanya at umatras naman siya. Oh? Takot?

"Magpasalamat ka na lang at wala pa akong ginagawa, Kiara." Lumapit pa ako lalo sa kanya dahilan para mapaatras siya ng mapaatras hanggang sa madikit siya sa pader.

"At bakit ako matatakot sa---" Hindi na niya natuloy pa ang sinasabi dahil marahas kong sinuntok ang pader sa tabi niya. Bumaon naman ang kamao ko dito dahil kahoy ito ngunit hindi ko naman ininda ang sakit. Nanggigil ako masyado sa babaeng ito. Hindi pa nga ako halos nakakaganti.

Napapiksi naman siya sa ginawa ko at agad bumalatay ang takot sa mga mata niya. Napangisi ako ng nakakaloko saka mabagal na inilapit ang aking bibig sa tabi ng kanyang tenga. Natigilan naman siya sa ginawa ko at nanatiling hindi gumagalaw.

"Dahil kapag kumilos ako, Kiara, baka maging parte ka na rin ng lupang ipinagkakait mo kapag inilibing kita sa lupain na pinagdadamutan ng pamilya mo sa tribo ni Aera." Malamig kong pahayag sa kanya at naramdaman ko naman na nanigas siya sa sinabi ko. Napangisi naman ako ng nakakaloko at mabilis nang lumayo sa kanya bago niya pa ako matulak palayo.

"Eliana?" Mabilis naman nawala ang ngisi ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Naabutan ko si Aera sa may pintuan na nagtatakang nakatingin sa akin habang nasa likod niya si Zephyr na gulat pang nakatingin sa akin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng maramdaman na naman ang pagkukumahog ng puso ko.

"Tandaan mo, Eliana, hindi pa ako tapos sa'yo." Banta sa akin ni Kiara kaya nilingon ko siya muli at inismiran muna bago sumagot.

"Ako rin naman. Hihintayin ko na lang na magkusa kang mabugbog ko." Mayabang kong pahayag. Sinamaan niya naman ako saka pasiring na inalis sa akin ang tingin at naglakad paalis.

"Eliana, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Aera na ikinairap ko na lang sa kawalan.

"Wala." Tamad kong sagot sa kanya saka siya pinaningkitan ng mga mata. "Bakit ba ang tagal mo? Ano bang tingin mo sa akin? Hihintayin ka ng matagal? Ang kapal mo naman." Gigil kong pahayag sa kanya na ikinakamot niya naman ng batok.

"Pasensya na, nagtalo pa kasi kami ni Kiara." Nakangusong pahayag niya at aklamg bubugahan ko na siya muli ng sermon nang magsalita ang lalaki na kanina pa nakamasid sa amin.

"Nandito ka pala Prinsesa Eliana. Bakit hindi mo sinabi?" Kaswal na tanong sa akin ni Zephyr na ikinairap ko naman. Ewan ko pero bahagya akong naiilang sa kanya dahil sa tanong niya sa akin noong nakaraan. Hindi ko pa nasasagot iyon at wala na akong balak sagutin pero baka maalala niya pa!

"Hindi ko naman alam na kailangan mo palang malaman?" Mataray na pahayag ko sa kanya dahilan para bahagya naman siyang matawa.

"Pero sana sinabi mo. Para naimbita kita sa loob. Hindi ka na naghintay dito." Mahinahon na pahayag niya sa akin na ikinaismid ko muna bago sumagot.

"Hindi naman ikaw ang pinunta ko kaya bakit pa ako papasok?" Alam ko naman na kasama siya nina Aera pero wala akong balak na makipagkita sa kanya. Ayoko! Di ko pa kaya!

"Hindi ko naman sinabing ako ang ipinunta mo." Natatawa niya pang pahayag na ikinaismid ko lalo. Si Aera naman ay nanatiling nakatanga at papalit-palit ang tingin sa amin. Pero bakit ka nga pala nandito?" Pagbabalik niya muli sa paksa. Hindi naman ako sumagot at pinandilatan si Aera dahil siya naman ang may kasalanan nito.

"Ah...nagpasama ako sa kanya, mahal na prinsipe." Nauutal at natatarantang pahayag ni Aera sa kanya.

"Talaga? Dapat pinapasok mo sana siya sa loob."

"Ayaw niya po e." Direktang pahayag ni Aera dahilan para panlisikan ko naman siya ng mga mata. At talagang nilaglag niya pa ako!

"Tsk! Ano ba, Aera?! Hindi pa ba tayo aalis? Naiinip na ako." Buwisit na pahayag ko sa kanya saka na ako unang tumalikod ngunit nagulat ako ng may biglang humawak sa pulu-pulsuhan ko na agad kong ikinaharap.

"Dumudugo ang kamao, Prinsesa Eliana. Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Zephyr dahilan para lumakas ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko rin kinukuryente ako sa hawak niya!

Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak niya at dumudugo nga ito. Hindi ko man lang naramdaman. Marahil iyong kanina na sinuntok ko ang pader sa gilid ni Kiara.

Marahas ko namang binawi ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin.

"Eliana anong nangyari sa'yo?! Halika dadalhin kita sa kli---" Nag-aalala rin baling sa akin ni Aera na mabilis naman naputol dahil sa pagsingit ni Zephyr.

"Hindi na, Prinsesa Aera. Ako na ang magdadala sa kanya sa pagamutan." Pagpupumilit niya na nagpanganga sa akin. At sinong may sabi na magpapadala ako sa klinika kasama siya? Bakit ba siya nagkakaganyan?

"Pero ako po ang kasama niya." Ayan! Tama iyan Aera.

"Tsk! Ano ba! Huwag niyo nga masyadong pinagtutuunan ng pansin ang katiting na sagot. Naiimbyerna ako!" Inis na saway ko sa kanila at sinamaan pa ng tingin si Aera para magpalusot ng makaalis na kami dito. Hindi ko na matagalan si Zephyr kasama. Naiilang na ako! Naguguluhan ako. 

"Dadalhin na kita sa klinika, Prinsesa Eliana." Pagsusumamo niya pa sa akin.

"Ayoko!" Mariin ko pa rin na tanggi.

"Pero baka maimpeksyon ang sugat mo."

"Ano naman sa'yo? At isa pa, kaliit-liit lang na sugat ito. Wala naman namatay sa sugat na ganito!" Asik ko pa sa kanya ngunit bahagya akong natigilan ng bigla siyang mapatiim bagang na parang nauubusan siya ng pasensya sa akin.

"Hindi ako makakapayag. Dadalhin na kita sa klinika."

"Prinsesa Aera, ako na ang bahala kay Prinsesa Eliana. Maaari ka nang mauna umalis." Pangtataboy niya kay Aera na sabay pa namin ikinagulat. Nasisiraan na ba siya ng ulo?

"Po? Pero---" Muling pinutol ni Zephyr ang sinasabi niya.

"Sige na, Prinsesa Aera. Ako na ang bahala sa kanya." Pakiusap pa nito dahilan para hindi na ako magpapigil pa mag-alboroto. Bakit ba siya nakikialam?

Binalingan ko si Aera at pinandilatan ng mga mata ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla siyang yumuko kay Zephyr.

"Masusunod po. Alagaan niyo po si Eliana." Magalang na pahayag ni Aera na literal na nagpanganga sa akin sa gulat. Aba't gago pala siya! Iiwan niya ako matapos ko siyang samahan?!

"Hoy, Aera! Siraulo ka ba?! Hoy!" Tawag ko pa sa kanya ngunit tiningnan niya lang ako na parang inaasar at kinikilig bago tumalikod at naglakad paalis. Ang kapal niya! Ang kapal-kapal niya! Iniwan niya ako matapos ko siyang samahan!

Akmang hihilahin ko na sana ang buhok niya ng biglang hawakan ni Zephyr ang aking pulupulsuhan na nakapagparamdam na naman sa akin ng bolta-boltaheng kuryente.

"Dadalhin na kita sa Klinika, Prinsesa Eliana." Muli niyang pahayag na ikinataas naman ng kilay ko.

"Pumayag ba ako?" Pagtataray ko.

"Pero baka mapaano pa ang sugat mo." Pagsusumamo niya pa sa akin na mas lalong ikinainit ng ulo ko. Ayoko ng ganito! Palagi na lang siyang mabait sa akin. Ayoko!

"E ayoko nga! Kaya ko na ang sarili ko! Huwag kang umarte na may pakialam ka sa akin, puwede ba?" Mataray kong pahayag sa kanya na bahagya niya naman ikinatigil. Nakita ko pa ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya ngunit agad din siya nakabawi.

"Hindi ako umaarte, Prinsesa Eliana." Kalmado niyang pahayag sa akin.

"Oh, ano itong ginagawa mo?" Bakit ba ang tigas ng ulo ko? Dahil ayokong ganyan siya sa akin! Ayokong masyado siyang mabait sa akin. Konting-konti na lang gigiba na ang pader ko. Konting-konti na lang hindi ko na maitatanggi ang nararamdaman ko.

"May pakialam naman talaga ako sa'yo." Mahinahon niyang pahayag dahilan para ako naman ang matigilan. Gulat ko siyang tiningnan sa mga mata at tanging sinseridad lamang ang nakikita ko dito. Hindi. Ayoko. Huwag kang bibigay, Yvonne. Huwag na huwag kang bibigay.

"Sinungaling. Alis nga dyan, aalis na ako." Mabilis ko siyang nilagpasan at naglakad paalis. Hindi ko kayang tingnan ang intensidad na ibinibigay niya sa akin. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko. Bumibilis lalo ang tibok ng puso ko.

Nakarating ako sa labasan at kapansin-pansin na makulimlim na ang kaulapan. Uulan ba? Impossible. Tag-tuyot dito sa Elior.

"Sasamahan na kita sa Klinika." Nagitla naman ako ng marinig na naman ang boses ni Zephyr. Hindi naman siya nagsasalita kanina kaya akala ko hindi na niya ako sinundan pero nandito pa rin siya. 

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." Matigas ko pa rin sambit. Ang kulit niya talaga ano?

"Pero gusto kong tulungan ka."

"Bakit ba?! Ayoko nga e!" Hindi ba siya marunong makiramdam? Ayoko ng kabaitan niya! Hindi ko matanggap ang kabaitan niya.

"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?" Kunot noo na niyang pahayag sa akin. Mukhang malapit na siyang maubusan ng pasensya sa pagmamatigas ko. Dahil nalilito na ako, Zephyr! Nalilito na ako sa puso ko! Masyado ka ng nanghihimasok! Masyado ka ng pumapasok sa buhay ko na hindi naman dapat!

"Dahil hindi ko kailangan ng tulong mo! Hindi ko kailangan ng tulong niyo! Huwag kayong magpanggap na parang gusto niyo akong tulungan! Hindi ko kailangan iyan!" Inis kong pahayag sa kanya. Sa mundong ito, hindi ako si Eliana. Hindi ako ang Eliana na karapat-dapat sa tulong nila. Ayoko! Ayoko!

"Hindi ako nagpapanggap, Prinsesa Eliana. Magmula ng abutan kita ng panyo hanggang ngayon, totoo iyon." Seryosong pahayag niya sa akin na mas lalong nagpakuyom ng mga kamao ko. Hindi niya ba naiintindihan na nahihirapan na akong itanggi ang nararamdaman ko? Nahihirapan na akong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Tama na! Tama na. Hindi ako puwede umibig. Hindi puwedeng tumibok ang puso ko. Bakit? Dahil hindi ako si Eliana. Hindi ko ito puso. Kay Eliana ito! Kay...Eliana ito?

"Bakit ba pakiramdam ko, parang ayaw mo sa akin? Na pinagtatabuyan mo ako palagi? Nagpapakita lang naman ako ng kabutihan sa'yo dahil gusto ko iyon at pinili kong magpakita ng ganoon." Animo'y nagtatampo na niyang pahayag sa akin na ikinaismid ko naman.

"Sinusumbatan mo ba ako?" Pagdadahilan ko na lang.

"Hindi. Sinasabi ko lang, kaya, pakiusap, hayaan mo akong dalhin ka sa klinika." Pagpupumilit niya pa. 

"Tumigil ka na! Hindi ko nga kailangan ng---" Napahinto naman ako sa sasabihin ko dahil biglang kumidlatbat kumulog ng malakas. Nagulat talaga ako at napatalon pa dahil sa kulog na iyon ngunit nanatiling nakatingin lamang sa akin si Zephyr.

"Bakit Prinsesa Eliana? Bakit ba ang ilap mo sa tao? Mali na husgahan kita pero pakiramdam ko ayaw mo sa mga tao sa paligid mo. Ayaw mong pinakikitaan kita ng kabutihan. May mali ba sa ginagawa ko, Prinsesa Eliana?" Kalmado ngunit bakas sa boses niya na nahihirapan siya sa sinabi niya sa akin. Hindi naman ako agad nakasagot dahil maski ako. Ayaw kong aminin. Ayaw kong aminin na baka tuluyan ng lumambot ang puso ko at kalimutan ko na ang totoong pagkatao ko. Na masanay na ako bilang Eliana. Na masanay ako sa pinapakitang pagmamahal at pakialam ng iba na hindi ko naman karapatan dahil hindi ako si Eliana.

Papa, ano bang dapat kong gawin? Nalilito na ako.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya..." Kalmadong pahayag ni Zephyr ng mapagtanto niya siguro na wala akong balak sagutin siya matapos niyang manghimasok sa buhay ko. Nanatili naman akong tahimik at walang kibo.

I can't see any significance why I should love it.

Naalala ko noong bata ako. Ayaw ko sa ulan. Ayaw ko dito dahil alam kong wala naman itong maidudulot na maganda sa akin. Na hindi naman ako sasaya kung sakaling magustuhan ko ito. Na sinisira lang nito palagi ang aking plano, ang itinaga ko sa bato na mga plano.

Napasulyap ako kay Zephyr at tahimik lamang siyang nakamasid sa paligid na bahagya ng umaambon. Kung minamalas nga naman ako. Mukhang inabutan pa ako ng ulan kasama siya.

"Alam mo..." Panimula niya na ikinalingon ko naman.

"Sa maniwala ka man o hindi, alam ko rin ang ganyang pakiramdam. Iyong tipong, ayaw kong magtiwala sa iba, ayaw kong lumapit sila sa akin, ayaw kong pakitaan nila ako ng kabutihan dahil hindi ako sanay sa ganoon noon. Nabago lang talaga ng nagbinata na ako" Kuwento niya pa na ikinairap ko naman.

"Huwag kang magsalita na parang alam mo ang nararamdaman ko." Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko. Ang takot na nararamdaman ko. Ang pangamba na nasa isip ko na buksan ang aking puso dahil hindi naman ako si Eliana.

"Hindi ko alam ang nararamdaman mo dahil ikaw iyan, pero ang ikinikilos mo. Alam na alam ko." Nanahimik lang ako at hindi ko pa rin siya sinasagot.

"Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi maganda ang trato sa'yo ng pamilya mo. Nakuwento sa akin ni Ellionoir ang bagay na iyon. Kaya napaisip ako, baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ka sanay sa tao. Na kaya mailap ka sa amin, sa akin." Tsk. Nakakapunyeta na talaga si Ellionoir sa kadaldalan niya. Nakakaimbyerna.

"Pero maniwala ka Prinsesa Eliana, hindi lahat ng tao sa paligid mo pagmamalupitan ka, hindi lahat ng tao sa paligid mo ganoon din ang magiging tingin sa'yo." Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at malamlam siyang tiningnan.

"Dahil simula ng umapak ka sa akademyang ito, nakilala ka namin bilang ikaw, kung ano ka ngayon.  Matapang, maldita, matabil ang dila, busilak ang puso." Natigilan naman ako sa sinabi niya at iwinaksi na lang ang mga panlalait. Para bang sinasabi niya sa akin na tinatanggap niya ako bilang ako. Bilang ako ngayon na malayong malayo sa Eliana noon. Tama ba? Hindi. Hindi naman siguro...

"Kaya sasabihin ko lang sana sa'yo na huwag kang matakot sumubok buksan ang puso mo sa amin dahil sa maniwala ka man o hindi, hindi naman namin gagawin sa'yo ang ginagawa ng pamilya mo, hindi namin uungkatin ang dating ikaw dahil ng mapunta ka dito, ikaw bilang ikaw ang nakilala ko. At itatrato kita hindi dahil ikaw ang mahinang Eliana noon na nakuwento ni Ellionoir, wala naman akong pakialam doon sa totoo lang kundi titingnan at itatrato kita bilang Eliana ngayon." Natameme ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita.

Ako bilang ako? Alam niya bang hindi ako si Eliana? Pero... hindi nga pala niya nakilala si Eliana noon. Kaya ba sinasabi niya ito sa akin ngayon dahil ako bilang ako, bilang katauhan ni Yvonne ang tinatanggap niya?

Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan dahilan para sabay pa kaming mapalingon dito. Unti-unting nanumbalik ang pamilyar na sensasyon sa akin bilang Yvonne.

Make peace with it. Make peace with the discomfort, essentially.

Naalala ko ang sabi ni Papa noon. Si Zephyr, una ko pa lang siyang nakita, alam kong may iba na akong naramdaman at alam kong mali iyon dahil magiging hadlang siya sa plano ko. Sa plano kong ipaghiganti si Eliana at ang kanyang ina, sa plano kong ayusin ang bulok na sistema ng mundong ito, ang plano kong mamuhay ng payapa habang dala -dala ang galit sa aking puso matapos akong patayin ni Calyx noon. Pero dumating si Zephyr. Nakilala ko si Zephyr. Narinig ko ang musika niya na mas lalong nagpabilis ng puso ko.

We are beings that will do almost anything to avoid something that most probably will ruin or have ruined our plans.

Kaya iniwasan ko siya. Iniwasan ko siya ng todo kahit na masyadong mapaglaro ang tadhana. Sinusubukan ko pa rin labanan ang puso kong nagsusumigaw pa rin. Pero kahit saang mundo ata ako mapunta, hindi maaalis sa akin ang mabilisang umibig sa isang tao. Marupok nga rin siguro ako. Pero bakit ka nga ba nandito sa buhay ko Zephyr?

Unti-unti akong naglakad palapit sa ulan hanggang sa mabasa ako nito. Bumalot sa akin ang lamig na dulot nito, ang pamilyar na emosyon kasama ang aking ama, ang mga alaala ko kasama siya. Ang ama ko na nangungulila ako ng lubos.

Papa? Panahon na ba para bitawan kita? Panahon na ba para yakapin ko ang pagiging si Eliana. Para tuluyan na kaming maging isa? Panahon na ba para tanggapin ko ng lubos na ako na si Eliana?

"Prinsesa Eliana bakit ka naliligo sa u---"

"Diyan ka lang. Naiinitan ako." Kalmado kong pahayag at pagsisinungaling sa kanya na bahagya niya naman ikinagulat ngunit nanatili siyang tahimik.

Nothing truly goes away before it teaches you what you need to learn.

Mariin akong pumikit at inalala ang sinabi ni Papa. Kaya ba nandito si Zephyr? Para turuan ako ng isang aral? O para bigyan ng aral ang buhay na unti-unti ko nang niyayakap? O dahil kasama ko siya dumiskubre ng aral na nakapaloob sa buhay ko pagdating ng panahon.

Maybe rain can teach you to love something you are afraid or not fond of.

Si Zephyr ba ang ulan sa buhay ko? Ang ulan na sumira sa plano ko pero unti-unti ay babaguhin lalo ang aking buhay?

Napadilat naman ako ng mga mata ng makarinig ako ng yapak sa aking tabi. Tiningnan ko naman ito at nagulat ako ng makita si Zephyr na naliligo na rin sa ulan at nakatingin sa akin ng diretso.

"Anong ginagawa mo? Inggitero ka ba?" Inis kong pahayag sa kanya ngunit marahan lang siyang ngumiti sa akin na muli na naman nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Sasamahan na kita maligo sa ulan. Baka pagalitan ako ng mga kuya mo kapag hinayaan kitang maligo ng ikaw lang." Natatawa niyang pahayag sa akin na ikinairap ko naman.

Pumikit naman siya at tumingala. Dinama niya rin ang malalaking butil ng ulan na tumatama sa kanyang mukha dahilan para mapatitig ako sa kanya.

Kaya maaaring para sa'yo, ang mahalin ang ulan ang pinakamahirap na gawin pero paano mo malalaman ang aral na nakapaloob dito kung hindi mo susubukan? Kung magpapadaig ka sa 'Paano kung' o 'wala rin mangyayari'.

Dapat ba akong sumubok, Papa? Dapat ko bang gawin iyon? Pero kapag ginawa ko iyon. Tuluyan na kitang bibitawan. Tuluyan ko ng yayakapin ang pagiging Eliana. Bubuksan ko na ang puso ko sa katulad ni Zephyr. Pumikit ako ng mariin dahilan para tumakas ang isang luha sa aking mata ngunit agad din itong natabunan ng ulan.

Mahal na mahal ko ang aking Papa. Hinding hindi ko siya maaalis sa aking puso. Marahil kaya ko siya naalala upang hindi ako masaktan na hindi ko na siya kailanman makikita kundi para ituro sa akin ang isang mahalagang bagay.

You'll learn how beautiful it is to give something a chance you never thought would be the most beautiful thing in the world.

Siguro kung Zephyr ang lalaking iyon. Baka maaari. Baka puwede. Baka dapat ko nga talaga siyang bigyan ng pagkakataon. Pero sana, sana tama ang desisyon ko dahil kasabay ng pagbibigay sa kanya ng pagkakataon ay ang isa na namang hakbangin sa pagyakap ko sa katauhan ni Eliana. Isa na namang porsyento ang nadagdag para maging isa kaming dalawa.

Salamat, Papa. 

"Hoy..." Marahan kong pagtawag kay Zephyr habang pinaniningkitan pa rin siya ng mga mata. Napalingon naman siya sa gawi ko at iminulat ang mga mata niya.

"Akala ko ba dadalhin mo ako sa Klinika?" Kunwari'y inis na sambit ko sa kanya ngunit sapat na ang mga salita ko para ngumiti siya sa akin ng malawak.

"Halika na..." Nakangiti niyang pahayag at nauna na siyang maglakad. Saglit naman akong natigilan at tumingala saglit sa kalangitan.

The rain taught us that simple and unexpected things can be beautiful too.

Baka sakali, baka lang naman, ang katulad ni Zephyr na hindi ko inaasahan ay magdulot ng maganda sa buhay ko bilang Eliana.

Huwag ka mag-alala, Eliana. Hindi ko hahayaang masaktan ka. Uunti-untiin natin kasama ako. Kasabay mo ako.

Continue Reading

You'll Also Like

500 180 13
Si Asherah ay isang ulilang bata. iniwan sya ng kanyang ina sa isang ampunan. pero ang ampunan ay ibinenta at simula sa araw na iyon ay namulat siya...
44.5K 1.7K 28
Isang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon...
560K 14.4K 47
Highest rank: #14 in Fantasy [COMPLETED] [UNDER EDITING] #41 in Fantasy 11/29/18 Ziara Nicole Andrea Alcantara her name, a girl who lives in the mort...
66.2K 3.7K 47
"Bakit hindi sila namamatay?" Avery Avellon is not-so-ordinary citizen who used to read an article and history about undead creatures, like ghosts, v...