Crazy In Love With You [BOYXB...

Por LIAM_SKETCHY

7.2K 719 54

Naranasan nang magmahal ni James noon. Ngunit, hindi naging maganda ang buhay pag-ibig niya kay Pau. Na ngayo... Más

PROLOGUE
Chapter 1: James
Chapter 2: James
Chapter 3: James
Chapter 4: James
Chapter 5: Jonathan
Chapter 6: Jonathan
Chapter 7: Jonathan
Chapter 8: Jonathan
Chapter 8.1: James
Chapter 9: Jonathan
Chapter 10: James
Chapter 10.1: Jonathan
Chapter 11: James
Chapter 12: Jonathan
Chapter 13: Avin
Chapter 14: Avin
Chapter 15: Jonathan
Chapter 16: James
Chapter 17: Jonathan
Chapter 18: Jonathan
Chapter 19.1: James
Chapter 19.2: Jonathan
Chapter 20: James
Chapter 21: Jonathan
Chapter 22: James
Chapter 23: James
Chapter 24: James
Chapter 25: Pau
Chapter 26: James
Chapter 27: Jonathan
Chapter 28: James
Chapter 29: James
Chapter 30: James
Chapter 31: France
Chapter 32: Jonathan
Chapter 33: James
Chapter 35: James
Chapter 36: James
Epilogue: The Final Chapter
Acknowledgement
Your Suggestions MATTERS

Chapter 34: Pau

50 8 5
Por LIAM_SKETCHY

Ramdam ko kung ano ang talagang nararamdaman ni Jonathan para kay James. At hindi ako manhid para hindi ko iyon maramdaman. Lalaki ako at alam ko kung paano magpahayag ng kaniyang damdamin ang isang lalaki sa nagugustuhan nito. I know that Jonathan had already fell in love with James.

Kaya ba hindi niya na ako puwedeng balikan pa—it is because someone is waiting for him? Well, it was all my fault. Kung hindi sana ako nagpadala sa kagustuhan ng mga magulang ko. Sana kami pa rin ni James. Sana ako pa rin ang lalaking magpapasaya sa kaniya.

Ako pa rin sana ang taong makakasama ni James until the end. Ako pa rin sana ang nagbibigay ngiti sa mga labi ni James. But, it turned out into a messed. Huli na para pagsisihan ko pa ang lahat. Nawala naa ang taong mahal ko.

Dahil sa mga magulang ko. At dahil sa pesteng deal nila ng kanilang business partners. They ruined my life. They also ruined my relationship I had with James. Sila ang tunay na may kasalanan kung bakit pinakawalan ako ni James.

Kahapon lamang nang magkasalubong kaming dalawa ni Jonathan papasok sa University. Kapwa naming tinignan ang isa’t-isa. Base sa mga tinging ibinabato ni Jonathan, ramdam ko ang inis sa tingin niyang iyon.

Maglalakad na sana ako ng nagmadali itong maglakad dahilan upang mapigilan niya ako.

“Anong problema mo? May kailangan ka ba sa akin?” Tanong ko rito.

Binitawan niya naman ang braso ko na hawak niya. Napahawak ako sa parteng iyon dahil sa higpit na ginawang paghawak sa akin ni Jonathan.

“Binabalaan kita, Pau. Layuan mo si James. Akin na siya ngayon. Hiniwalayan mo na siya ‘di ba? There has no reasons for you to get back in James’ life. Wala ka na sa kaniya. Matagal na kayong tapos na dalawa. Simula nung ipinagpalit mo kasal sa taong hindi mo naman gusto, ayun rin ang araw na sinayang mo ang taong minahal ka ng totoo.”

Dahil sa aking mga narinig mula kay Jonathan. Hindi ko napigilan ang sarili ko na masuntok siya sa kaniyang mukha. Tila ba ay kung anong bagay sa akin ang nag-udyok na gawin iyon kay Jonathan.

Nangingilid ang aking mga ngipin. How could he judged me without knowing the real reason behind it? Hindi ko ginusto ang lahat. Hindi ko ginusto na iwanan at ipagpalit sa punyetang kasal na iyon si James. Sino ba siya para paratangan ako ng ganito?

“Wala kang alam, Jonathan. Wala kang alam.” Matigas na pagsasalita ko rito.

Narinig ko ang pagngisi niya matapos kong magsalita. Kaya naman, agad ko itong hinawakan sa kaniyang kuwelyo dahilan upang mapaubo ito. Sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakawalan ang galit na nagsisimulang sumiklab sa puso ko.

“Alam ko ang lahat, Pau. Lahat-lahat. Gusto mo bang isa-isahin ko pa lahat ng nalaman ko? Wala kang kuwenta. Iniwan mo at tinapon mo si James na parang basura. You don’t deserves James after all. Nakakapagtaka nga lang kung ano ang nagustuhan sa ‘yo ni James.” I cutted him off.

Isang suntok muli ang aking pinakawalan sa mukha ni Jonathan. Hindi pa ako nakuntento roon, sinundan ko agad iyon ng isang panibagong suntok naa siyang naging dahilang upang mapaupo siya sa kalupaan ng School. At dahil sa ginawa naming komosyon na dalawa. Nakuha na namin ang atensyon ng mga estudyanteng kasabay naming naglalakad.

Nilapitan ko ito at muli kong hinawakan siya sa kaniyang kuwelyo. Dahil sa mga sinabi niyang iyon. Tila para akong isang demonyo na hindi ko na alam ang aking mga pinag-gagawa sa mga sandaling iyon.

“Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa kong iyon kay James. Pinagsisisihan ko na ang lahat nang iyon. At kung sinasabi mo na hindi ako karapat-dapat kay James. Bakit? Sa tingin you are more than enough compared to me? You’re nothing, Jonathan. Wala ka pang napapatunayan kay James.”

“Siguro nga, wala pa. But, I will make sure na malalaman rin ni James na mahal ko rin siya. I will never ever surrender. Yes, you’re right that I am nothing as compared to you. I will do my best not to break his heart. I will do my best not to make his eyes cries. Hindi ko ipaparamdam ang mga bagay na ipinaramdam mo sa kaniya noon. I will surely make him happy with me.”

Aakma pa sana ako ng isang suntok nang may naramdaman akong mga kalalakikan na umawat sa akin. Sa lakas ng kanilang paghawak sa akin. Napaupo ako sa kalupaan. Nakita ko ang dalawang lalaking gumawa ni’yon sa akin. These boys are friends of Jonathan.

Before Jonathan leaves, nag-iwan siya ng isang salita na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

“Akin. Lang. Si. James.” Matapos niyang sabihin iyon sa akin. Agad itong naglakad at hindi na niya hinintay ang aking pagsasalita.

Bakas sa kaniyang mga salita ang determinasyong makuha si James mula sa akin. Sa mga salitang iyon, doon ko napatunayan na talagang napabayaan ko si James. Na wala akong karapatan na muling bumalik sa buhay ng taong sinira ko.

Napukaw na lamang ang aking pag-iisp ng biglang magsalita si France sa aking gilid. Nariro kaming dalawa ngayon sa condo. We’re just waiting our parents here because they’ll going to discuss to us our up-coming wedding.

“Iniisip mo pa rin ba ‘yung mga sinabi ni Jonathan sa ‘yo kahapon? Truth hurts. Tanggapin natin ang katotohan kahit masakit at natatapakan pa nito ang ego at pride na mayroon tayo.” Saad nito sa akin. Umupo si France sa aking tabi, umusod naman ako upang bigyan ito ng sapat na espasyo.

“Tama naman siya sa lahat ng sinabi niya sa akin. Sinayang ko si James, ‘yung taong minahal ako ng totoo. Tama siya sa lahat. Wala akong kuwenta para muling bumalik sa buhay ni James. I don’t deserves another chances from James. Ayos lang sa akin kahit na patawarin niya na lamang ako.” Magsasalita pa sana si France ng biglang tumunog ang cell phone nito.

Agad niya namang tinignan kung sino ang nagtext sa kaniya. Nang makita niya kung sino ang taong iyon, parehas kaming napatingin sa isa’t-isa. At sa mga sandaling ito, nakaramdam ako ng matinding takot at kaba na maaari naming harapin ilang sandali pa lamang.

“Si dad ang nagtext. Pau, I will tell you something important.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at umpo si France sa aking tabi. “We have to refuse the wedding. Kahit anong mangyari. Let us risk it all, para sa mga taong mahal natin. Ito na lamang ang bagay na maaari nating magawa bilang pambawa sa kanila.”Matapos niyang magsalita. Naramdaman ko na hinawakan niya ang aking kamay.

Ngumiti na lamang ako kay France bilang aking sagot sa kaniya. Ito na lamang ang tanging bagay na magagawa namin ni France para sa mga taong nasaktan naming dalawa. Kahit pa maging kapalit nito ang aming mga buhay.

“Pumapayag ako. Nahihiya na rin ako kay James sa lahat ng nagawa kong mali sa kaniya. Siguro, pagtapos nito. Ay magagawa niya na akong patawarin sa lahat ng kasalanan at sakit na naidulot ko sa kaniya.” Hindi ko alam kung bakit ko ito nasasabi ngayon kay France.

Tila ba pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang mangyayari sa akin. Tila binabalot ako ng matinding kaba at takot. Nararamdaman ko na rin ang butil ng pawis ko na unti-unting pumapatak. Hindi ko mapaliwanag pero natatakot ako sa posibleng mangyari.

“Pau, ayos ka lang ba? Pawis na pawis ka. May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni France.

“Ayos lamang ako.” Sagot ko rito ng nauutal.

Hours have passes by. Narito kaming lahat sa sala ng aming condo ni France. Kasalukuyan naming kaharap ang aming mga magulang. Tanging wala nais na gustong maunang magsalita. Tanging ingay lamang ng aircon ang aming naririnig sa mga sandali ito.

“Shall we start?” Pagbasag ng ama ni France sa katahimikan.

Nagkatinginan kaming dalawa ni France at sabay kaming napatango na dalawa. Hindi muna namin sinabi ang balak naming dalawa. Bagkus, hinintay muna namin ang magiging takbo ng meeting na ito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Whether you like it or not, matutuloy ang kasal ninyo. Alam ninyo namang dalawa kung ano ang magiging consequence kapag sinuway ninyo ako, ‘di ba?” Huminto ang ama ni France sa pagsasalita.

Tumayo ito at naglakad sa aming harapan. Nagulat kaming dalawa ni France ng may dinukot ito sa kaniyang likuran. Nang tuluyan niya nang nailabas ang bagay na iyon, nanlaki ang mga mata namin ni France na isang baril ang dala-dala ng kaniyang ama.

Inilapag nito ang baril sa mesang nasa harapan naming lahat. At tsaka ito tumayo sa aming likurang bahagi ni France. Tila sa pagkakatayong iyon ng ama niya, parehas naming hinahabol ang aming mga hininga dala ng sobrang kaba at takot.

“Lahat ng kailangan sa kasal ninyong dalawa ay settled na. Tanging araw na lamang ang hinihintay para matuloy ang event na hinihintay nating lahat.” Pagsasalita nito mula sa aming likod.

“Naiinip pa kayo? Halos kayo na nga ang masunod sa lahat ng gusto namin. Parang sa tono ng pananalita mo, parang hindi ka pa kuntento?” Nagulat na lamang ako sa naging sagot ni France sa kaniyang ama. Narinig ko namang napangisi ang lalaking nasa aming likuran.

Lumipat ang ama ni France mula sa pagkakatayo nito sa aming likod papunta sa aming harapan. Muling umupo ang lalaki at matalim na tinignan kaming dalawa.

“Son, I really admire you the way you answer me that way, huh? Talagang nagmana ka sa akin. At never mo akong binigo sa lahat ng gustuhin ko.” Pagsasalita nito.

“Tsk! Do I have any choice then? Sumunod man ako o hindi, kayo at kayo pa rin naman ang nasusunod sa lahat ng gusto ninyo sa akin. Halos wala na nga akong natira para sa sarili ko. Halos lahat, ibinigay ko na sainyo. I have had a inconsiderate parents. No wonder why.”

“Watch your words, son. He’s still your father. Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan ang pag-uugali—” Agad na pinutol ng France ang pagsasalita ng kaniyang ina.

Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan. Binalak ko na pigilan ito ngunit huli na para sa bagay na iyon. Sumabog na ang kinikimkim na galit ni France sa loob ng mahabang panahon. And I  think, hindi ko na siya kaya pang pigilan sa gagawin niya.

Pero nag-aalala ako para sa kaniya. Nag-aalala ako sa kung ano ang maaaring gawin sa kaniya ng kaniyang ama. Natatakot ako na baka saktan siya nito sa harap naming lahat.

“You’re right, mom. Hindi ninyo nga ako pinalaki ng bastos. Pero, ano itong ginawa ninyo sa akin, all those fucking years? Halos buong buhay ko iginapos ninyo ako. I am not your toy who always followed all your commands. I am your son. Anak ninyo ako hindi ako tau-tauhan. You even controlled my life ever since.” Napaupo na lamang si France sa aking tabi.

Ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata ay tanda lamang ng sobrang pagkabigo, sakit, at miserableng dinanas niya sa kaniyang magulang. Bakas sa mga salita niya ang sakit at paghahanap ng kalinga at aruga ng isang pamilya na kahit kailan ay hindi niya naramdaman.

Napa-isip ako. Halos may pagkakapareha kaming dalawa ni France na dinadanas sa aming mga magulang. Tulad ni France, ganun rin ang dinanas ko sa aking ama. Na halos ibigay ko na sa kanilang ultimo hininga at puso ko. Ni hindi ko naranasan na makagawa ng isang sariling desisyon sa buhay.

Dahil sa kanila, naramdaman ko na ang buhay ko ay sobrang miserable. Kulang ako sa alaga at aruga ng isang ina. Kulang sa suporta ng isang ama. Tama si France, we are not their toys. We are their sons. Pero, bakit ganun na lamang ang ginagawa nila sa amin? Na parang aso na lamang ang turing sa amin? Na parang ganun na lamang kadali para sa kanila ang ipakasal kaming dalawa.

“Ganun ba ang tingin mo sa amin ng ama mo, France? Ganun ba? Ginagawa namin ang lahat para sa ‘yo, para sainyo at para sa future ninyong dalawa. ‘Wag mo naman sa nang bigyan ng maling interpretasyon ang mga bagay na ginagawa namin ng papa mo sa ‘yo.” Saad ng ina ni France.

Wala akong magawa, hindi ko rin sila maawat sa ginagawa nilang diskusyon sa aming harapan. Tanging pakikinig lamang ang aking nagagawa dahil hindi ko alam kung paano ako makakapagsalita sa aking mga magulang.

“Hindi. Hindi ninyo ito ginagawa para sa akin. Ginagawa ninyo ito para sa mga sarili ninyo. Dahil mula’t-sapul, lagi ang negosyo ninyo ang inuuna ninyo. Ni hindi ninyo naisip na may anak kayo na laging naghihintay at sabik sa aruga ng isang ama at ina. Wala kayong kuwe—” Nagulat na lamang ako ng biglang tumilampon si France sa aking harapan.

Agad kong sinaklolohan si France na makatayo. Tinanggap niya namaan ang tulong ko. Hindi ko akalain na magagawa siyang sampalin ng kaniyang ama ng walang halong pag-aalinlangan. Ni hindi ko man lang nakita ang ginawang iyon ng kaniyang ama.

“Sobra ka nang bata ka. Ganito ba ang itinuro namin sa ‘yo ng mama mo? Ang bastusin at pahiyain kami sa harap ng ibang tao? France, I’m warning you. Don’t let your words kill you.” Nanayo ang aking balahibo ng narinig ko iyong binanggit ng ama ni France.

“I never afraid of you. Wala akong kinatatakutan miski ikaw, dad. Bakit, nahiya ba kayo sa kanila? ‘Wag kang mag-alala dahil tulad ninyo ni mom, ganun rin ang ginawa nila kay Pau. Bagay nga talaga kayong magbusiness partners. Pare-parehas kayong gahaman sa salapi.” Saad ni France.

Nang nilingon ko ang aking mga magulang. Bakas sa kanilang mga reaksyon ang gulat sa mga sinabing iyon ni France. Ito na rin ang kinuha kong pagkakataon upang harapin ko ang takot sa harap ng aking magulang. Kung kayang gawin iyon ni France, kaya ko rin.

“Tama siya. Sorry, mom and dad. Pero sobra na ho ang mga ginagawang pagmamanipula ninyo sa aming dalawa. Hindi ako o kami papayag sa nais ninyong kasal. Kung gusto ho ninyo, kayo po ang magpakasal na apat. Since, kayo naman ang may-urge na maikasal kami.” Saad ko rito.

Hinawakan ko sa balikat si France. Muli kong itinuon ang aking tingin sa aking mga magulang. Sa kanilang mga mukha, mababakas roon ang gulat at galit na nakita at narinig nila mula sa akin.

“What did you just say, son? Tama ba ang narinig namin ng paoa mo? Hindi ka na magpapakasal? What about the deals?” I knew it. Mas mahalaga talaga sa kanila ang business deals nila kaysa sa akin na anak nila.

“Son, alam kong nalilito ka lang sa nangyayari ngayon. Huwag kang magpadala sa emosyon mo. Sooner or later, maiintindihan mo rin ang lahat ng ginagawa namin para sa ‘yo.” Mahinahon na pagsasalita sa akin ng aming ama.

Napangisi na lamang ako sa naging pagpapaliwanag nito sa akin. Hindi ako tanga para paniwalaan ang mga sinasabi nila sa akin. Ang lahat ng ito, tulad ng sabi ni France, ang lahat ng ito ay ginagawa nila para sa mga sarili at businesses nila. Ni kahit kailan hindi namin naramdaman ni France na may mga magulang kaming matatawag.

“Sooner or later? Talaga ba, dad? Bakit hindi ninyo ipaunawa sa amin ang lahat kung hindi namin maunawaan. Iba kasi ang nakikita namin sa mga ginagawa ninyo sa amin ni France. Ibang-iba.” Saad ko. Napatayo ang aking ama sa inis at galit dahil sa mga salitang lumabas sa aking bibig.

“Pau!” Sigaw ng aking ama sa sobrang galit nito sa akin.

“Bakit, dad? Hindi ba iyon ang totoo? From the very beginning, ayun talaga ang agenda ninyo. And for the fucking wedding, ginamit niyo pa kami ni France. Alam ninyong lahat ng may mga taong minamahal kami. Ginawa namin ang ayaw naming gawin. Sinaktan namin ang mga taong mahal namin—para lang putchang negosyo ninyo.

Hindi ko alam kung magulang koboa ba kayo na matatawag? O, dapat ba kayong tawagin na mga magulang namin? Ever since, we never felt the care we always wanted to feel. Parang pinagkaitan kami ng tandhana sa ganung bagay.

To be honest, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng isang marangyang buhay. Nagkaroon ako ng hindi ko hiniling. Pero binigyan ako ng isang bagay na akala ko ay totoo. Nagsisisi ako na kayo ang naging mga magulang ko.” Napakuyom na lamang ako ng kamao ko matapos kong sabihin sa kanila ang nais kong sabihin noon pa lamang.

“Hayop kang bata ka. Kung alam ko lang na ganito ka paglaki mo. Sana noon pa lang ay pinatay na kita habang nasa sinapupunan ka pa lamang ng mama mo. Sobrang laki ng pagkakamali kong binuhay pa kita. Nagsisisi akong binihisan at binigyan ng magandang edukasyon. You reallt disappointed us.” Matapos sabihin iyon ng aking ama ay isang malakas na magkasunod na suntok sa sikmura ang aking natanggap mula sa kaniya. Na siyang naging dahilan upang mapaluhod ako sa sahig at mapaupo.

“Pau, ayos ka lamang ba?” Nag-aalalang tanong sa akin ni France. Tumango na lamang ako rito bilang sagot na ayos lamang ako. I’m used to it. Matagal ko nang dinadanas ito sa kamao ng aking ama. May nabago pa ba?

Tumayo ako habang nakalagay ang isang kamay ko sa aking sikmura. Dahan-dahan ako tumayo sa tulong ni France. Agad kong nakita ang baril na nasa mesa. Kung ito ang tatapos sa aming dalawa ni France. Mas mainam nang isa aming anim ang mauuna.

“Walang. Kasalang. Magaganap.” Mariin kong sambit sa mga ito.

Akmang dadamputin ko na ang baril na nasa aking harapan. Nang bigla na lamang itong nawala. Nang sundan ko ang kamay kung sino ang taong kumuha ng baril na ‘yon. Nakita kong nasa kamay na ito ni France. Nang sundan ko kung kanino nakatutok ang baril, nakita kong nakatutok ang bagay na iyon sa aming mga magulang.

“Subukan ninyong lumapit sa amin ni Pau. Hindi ako magdadalawang isip na iputok itong baril sainyo. ‘Wag ninyo akong subukan.” Matapang na pagbabanta ni France aa mga ito.

Dahan-dahan akong tumayo at maingat akong kumapit sa likurang bahagi ni France. At sa paghawak kong iyon, ayun na rin ang naging senyales upang magkagulo sa loob ng condo unit namin ni France.

Hindi ko akalain na sa paghawak ko sa likod ni France ang siyang magiging ugat upang makakuha ng pagkakataon ang aming mga magulang upang bawiin ang baril mula kay France. Habang patulot sa pakikipagbuno si France sa kaniyang ama.

Hindi ko namalayan na sa akin na pala tumama ang bala ng baril na kanilang pinag-aagawan. Agad akong napahawak sa bandang likuran ko ng may mahapdi akong naramdaman mula sa parteng iyon. Nang aking tignan ang kamay ko, nagkukay pula ang buo kong palad.

Hindi ko na rin magawang makapagsalita dahil medyo bumibigat ka rin ang aking paningin. Pakiramdam ko unti-unti nang nauubos ang aking dugo. Nang lingunin ko ang mga tao sa aking harapan, ay patuloy pa rin sila sa ginagawa nilang pag-aagawan.

Hindi ko na nagawang matawag pa ang panglan ni France upang humingi ng saklolo mula sa kaniya. Dahil naramdaman ko na lamang na bumagsa na aking aking katawan sa floor ng condo unit namin ni France. At dahil sa nangyaring iyon sa akin, nagulat silang lahat ng makita nioa akong nakahandusay na sa lapag.

Hindi ko na nakiya pa ang mga sumunod na nangyari. Tanging pag-iyak na lamang ni France ang aking narinig. Humingi ito ng saklolo mula sa kaniyang mga magulang at sa magulang ko. Ngunit pakiramdam ko ay tanging pagtitig lamang ang kanilang ginawa sa akin.

Habang patuloy si France sa pag-iyak at paulit-ulit nitonf pakiusap sa aminf mga magulang. Isang putok ulit ng baril ang aking narinig. Matapos iyon, ay hindi ko na rin narinig ang boses ni France. Nabalot ang buong kuwarto ng katahimikan. Tanging ingay lamang ng pag-andar ng aircon ang tanging maririnig sa buong silid.

Seguir leyendo

También te gustarán

150K 4.3K 30
Sa muling pagkikita nina Arnold at Jake matapos malaman ni Jake na buhay ang taong kanyang pinakamamahal ay nangako ang dalawang habang buhay magsasa...
159K 4.5K 58
THE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOL...
160K 4.2K 29
BOYXBOY GAY YAOI > Subaybayan natin ang kakaibang buhay pag ibig ni Page at Ian :]
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...